• Tidak ada hasil yang ditemukan

Halimbawa Ng Pormal Na Sanaysay

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Halimbawa Ng Pormal Na Sanaysay"

Copied!
17
0
0

Teks penuh

(1)

Halimbawa ng Pormal na Sanaysay Tamang Pangangalaga ng Kabayo

ni: Bernadette Biko

Ang sanaysay na ito ay magbabahagi sa inyo ng ilan sa mahahalagang impormasyon tungkol sa tamang pangangalaga ng kabayo. Mahalagang malaman ang mga panuntunan sa pangangalaga ng kabayo upang hindi magkaroon ng problema sa kasalukuyan at hinaharap. Makakaiwas rin ang kabayo sa anumang panganib na maaaring magdulot sa kanya ng kapahamakan. Basahing mabuti ang sanaysay na ito upang makapulot ng kaunting kaalaman sa tamang pangangalaga ng kabayo o (proper horse care).

Mahalaga na mabigyan ang iyong alagang kabayo ng sapat na tubig lalo na sa panahon ng tag-init upang maiwasan ang dehydration. Ang dehydration ay makakasama sa kalusugan ng iyong kabayo kaya’t nararapat lamang na isaalang-alang ito upang maiwasan ang mga problema. Maaari siyang ilagay sa isang lugar kung saan makakakuha siya ng tubig sa lahat ng oras. Isang magandang ideya rin na paliguan siya ng regular upang makasiguro na hindi siya tatamaan ng heat stroke, Maraming kabayo ang namamatay sa ganitong panahon dahil sa ganitong kalagayan. Laging tandaan, mapanganib ang heat stroke.

Ilagay sa tamang lalagyan ang tubig na ipaiinom sa iyong alagang hayop. Kinakailangan na naaabot ng kanyang bibig ang anumang lalim ng timbang pinaglagyan ng tubig. Kailangan din na malinis ang tubig at walang anumang bagay na kasama nito. Sanaysay sa Filipino.

Gumamit ng mataas na kalidad ng joint supplements. Gusto mong siguraduhin na nabibigyan mo ng mataas na kalidad ng joint supplements at mga bitamina ang iyong kabayo. Ang kanilang mga activities ay maaaring nakakapinsala na sa mga bahagi ng kanilang katawan lalo na sa kanilang mga kasu-kasuan. Ito ay maaaring magdulot ng joint injuries. Kailangan na pangalagaan natin at maiwasan ang mga pilay sa kanilang mga joints. Ugaliing kumunsuta sa isang beterinaryo upang masiguro ang kalusugan ng mga kabayo.

Ang mga doctor ng hayop ay maari ring hingan ng payo tungkol sa pag-iwas na bumigat ang timbang ng iyong alagang kabayo. Kapag bumigat ang timbang nila, maaari silang

(2)

mahirapan sa kanilang araw-araw na activities. Bunga nito, ang kanilang mga joints ay maaaring mapinsala bunga ng kanilang mabigat na timbang .

Ang pagmamay-ari ng isang kabayo ay isang malaking responsibilidad. Tulad ng pagmamay-ari ng anumang mga alagang hayop, dapat mong ilagay ang iyong sarili sa isang mahusay na desisyon at pag-isipang mabuti bago ka magpasyang bumili ng isang kabayo. Dahil ang karamihan sa mga tao ay may kagustuhang magkaroon ng kabayo bilang alaga, dapat mong unang isaalang-alang ang paghahanap ng isang angkop na kabayo na nababagay sa iyong lugar. Gayundin, isaalang-alang din ang iyong nais at pangangailangan. Kung ikaw o ang iyong lugar ay limitado, huwag mo nang pangarapin pa ang ganitong uri ng alaga.

(3)

Halimbawa ng Isang Tagalog na Sanaysay na Pormal

Isang tagalog na sanaysay na halimbawa ng pagbibigay ng payo o inspirasyon sa mambabasa.

Isang Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak (Sanaysay)

Kung tutuusin, isang napakadaling gawain ang pagpasok sa kahit anong uri ng addiction. Ang mas mahirap ay ang paglabas sa ganitong kondisyon kapag ikaw ay nalulong na. Ang alcohol ay isang nakaka-addict na substance. Kung patuloy mo itong aabusuhin sa matagal na panahon, maaari kang mahulog sa kanyang patibong. Maaari kang maging addict dito at mamamalayan mo na lamang na hindi mo na pala kayang kumilos kung wala ito. Magigising ka na lamang isang umaga na hindi mo na pala kayang mabuhay nang hindi umiinom. Sapagkat ang alak nga ay nakapasok na sa iyong sistema at ito’y nakagawa na ng isang malakas na impluwensiya sa iyong katawan at isipan. Na parang kasama na ito ngayon sa iyong regular na pangangailangan upang makagawa ng pang-araw-araw na gawain.

Alam nating lahat na ang alak ay isang mapanirang substance. Maraming masamang epekto ang labis na pagkonsumo nito sa ating kalusugan at buhay. At kahit na baliktarin mo ang sitwasyon at mundo, sigurado akong malalaman mong walang mabuting maidudulot ang labis na pag-inom nito lalo na sa pagtagal ng panahon. Kaya nga ang paghinto sa pag-inom ay isang mabuting desisyon na siyang makapagpapabago ng iyong buhay at pati na rin ang kalagayan mo sa iyong community at kapaligirang ginagalawan. Hindi rin natin dapat isa-isantabi na ang desisyong ihinto ang bisyong ito ay makabubuti sa iyong kinabukasan at makapagpapatibay pa ng lubos ng mga relasyong maaaring nasira noong nakaraan habang ipinagpapalit mo kang alak sa iyong mga mahal sa buhay. Hindi madali ang huminto sa iyong nakasanayan. Lalo pa nga’t naimpluwensiyahan na nito ang iyong katawan at isipan. Pero kung ilalagay mo sa iyong utak ang gawaing ito, maaaring mapagtagumpayan mo ito kahit sa iyong sariling paraan. Mahirap na kung mahirap, ngunit maraming paraan upang makaalis ka sa iyong bisyo. At kung maghahanap ka lamang ng mga programa na maaaring makatulong sa iyo, magiging madali ang paghinto sa pag-inom ng alcohol.

(4)

Marami pang panahon para tumigil ka. Marami ring available na paraan para mapaglaban ang iyong kondisyon bilang isang alcoholic. Manghinayang ka sa panahon na inuubos mo lamang sa iyong pag-inom. Sikapin mong pahalagahan ang mga pera na ginagastos mo sa pagtangkilik sa mga inuming nakalalasing. At lagi mong isa-alang-alang ang mga mahal mo sa buhay na umaasang ikaw ay may kapasidad na magbagong buhay. Hindi kailanman maibabalik ang mga nasayang na ito at lalo pang madaragdagan kung patuloy kang iinom ng alak. Ngunit kahit hindi man maibalik ang mga nasayang na panahon at salapi, maaari mo pang baguhin ang takbo ng iyong buhay kung ititigil mo na ang iyong bisyo. At sigurado akong hindi na madaragdagan ang iyong mga problema bagkus ay magkakaroon ka ng mas magandang kalusugan at mabuting pamumuhay ngayon at sa darating pang panahon. 2011 Mga Sanaysay sa Filipino.

(5)

Tagalog na Sanaysay Tungkol sa Wika

Sanaysay Tungkol sa Wika

Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ang tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa dakilang Bathala. Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan, ugnayan at mabuting pagsasamahan.

Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya mapabibilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas, drowing, ang kulay, ang krokis, ang ingay o anumang paraang maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng mga katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang wika.

Kahit na anumang anyo , pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo, wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang panahon ng mga naliko na tala, pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at panlipunan, pansimbahan o pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang displina. Maging ang kultura ng isang panahon, pook o bansa ay muling naipahayag sa pamamagitan ng wika.

Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot, ang lawak ng galak, ang kahalagahan ng katwiran, ang kabutihan ng layunin, ang nakapaloob na katotohanan sa isang intension, ang kaibuturan ng pasasalamat at paghanga at ng iba pang nais na iparating ng sinuman.

Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang pakikipagtalastasan at komunikasyon.

(6)

Sanaysay na Pormal Tungkol sa Kapaligiran

Global Warming sa Pilipinas

Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.

Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sadaigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang global warming ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer n gating atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o itong tinatawag na sun’s rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung ito’y direktang makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang hindi ang mga mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere.

Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan ng ganitong pangyayari. Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng global warming. Sa ganitong paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at magagawan natin ng paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunod ng mga fossil fuels.

Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming. Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya kung hindi natin maaagapan ang pagkasira n gating kapaligiran. Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang sitwasyon. Kailangan lamang na magkaisa

(7)

tayo upang masolusyunan natin ang problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag n asana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran. 2011 Sanaysay sa Filipino.

(8)

Sanaysay Tungkol sa Edukasyon

Ang Kahalagahan ng Edukasyon (Tagalog na Sanaysay)

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.

Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin. Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.

Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito.

(9)

Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad. 2011 Mga Sanaysay sa Filipino.

(10)

Sanaysay sa Filipino na Di-Pormal

Istorya ng Pinto

Nagdaan ang Araw ng mga Puso. Kumita ng malaki ang mga tindahan ng bulaklak, tindahan ng kapote at tindahan ng balot sa kanto. Malaki rin halos ang kinita ng mga sinehan, restawran at mga motel maging ang mga pabrika ng tsokolate at stationary. Ang ligayang dulot ng Valentine’s Day ay binalot sa mga regalong pinagsumikapang ipunin upang mabigyan ng kahit kaunting saya ang pagbibigyan. Hindi mahalaga ang regalo. Mas mahalaga ang pag-aalala ng nagbigay sa binigyan. At ang kilig na

naramdaman sa piling ng iyong pinakamamahal ay nakamit sa pamamagitan ng PDA at PMS o kahit sa simpleng HHWW ng magsing-irog. Ang mahalaga’y tumitibok ang puso ng bawat isa. And love is in the air.

Kagaya ng mga nagdaang umaga, nagising ako kasabay ng tilaok ng mga manok sa kapitbahay. Sinalubong ako ng lamig na dulot ng hanging amihan paglabas ko ng bahay. Madilim-dilim pa at siguro ay ako pa lamang ang gising sa hanay ng mga bahay sa lugar na ito.

“Wala pa kaming isang taon na nakalipat dito sa lugar na ito. Iba ito sa lugar na kung saan ko hinasa ang aking tari at kalyo. Sa lugar na kinamulatan ko, hindi natutulog ang oras. Laging maingay. Laging magulo. Libangan ng tao ang makipag-away sa kapitbahay. Ngunit sa kabila ng maingay at makulit na kapaligiran nito, natutunan kong mahalin ang lugar na iyon kasama ng pagyakap ko sa mga taong nakakasalamuha ko sa araw-araw. Naroon nga ang ingay at gulo ngunit naroon din ang saya’t ligaya na dulot ng

pagsasamahan. Laging masigla ang buhay. Gigising kang masaya at matutulog na may ngiti sa mga labi habang sinasanay ang sarili sa pagtanggap sa mga aberya.

Narito kami ngayon. Lugar na kahit sa panaginip ay hindi naglaro kahit sandali. Tangay sa paligid ang katahimikan at sa umaga’y gigising kang kapiling ang halumigmig ng simoy ng hangin. Okay na rin kahit paano. Dito ko naranasan ang katahimikan na hindi naitaguyod ng ingay ng Maynila. Narito ako ngayon sa isang lugar na payapang namumuhay ang mga tao. Wala sa pusod ng laging nagmamadaling lungsod.

(11)

Sa kalaunan ay hinahalagahan ko na rin ang lugar na ito. Marapat lamang marahil. Hindi dahil sa wala akong pagpipilian kundi dahil siguro karapat-dapat lamang siyang mahalin. Matamis mamuhay sa isang lugar na ang musika sa katanghalian ay huni ng mga ibon sa kalapit na punongkahoy. Masarap sa pakiramdam na ang kaniig mo sa gabi ay ang ilaw ng mga alitaptap at liwanag ng buwan sa kabukiran. Ang anag-ag ng kumukititap na mga bituin sa langit ay parang bonus na lamang sa buong magdamag.

Okay na rin ang buhay. Malayo na sa mga bisyong sumira nang unti-unti sa buhay na maraming pangarap. Malayo sa daigdig na kahalubilo ang libo-libong tukso sa pagkatao. Okay na rin kahit paano. Masasanay din ako…Nasasanay na rin ako…”

Naisipan ko nang pumasok ng bahay. Hindi ko kaya ang lamig ng hangin. Tumatayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Pinihit ko ang seradura ng pinto ngunit sa laki ng aking pagkamangha ay hindi siya sumang-ayon. Naka-lock sa loob! Siguro, nang lumabas ako kanina, nakapindot sa loob ng hatakin ko pasara. Laking katangahan!

(12)

ANAK KA NG INA MO…

Nanginginig na ang kaniyang mga pasmadong daliri. Tila giniginaw ang mga kamay. Mga kamay na umaakay sa iyo noong mga unang araw ng iyong pagtuntong sa eskwela. Mga kamay na pinagkukunan mo ng isang libo't isang lakas upang mabuhay.

Nakakurba na ang kaniyang tindig. Tila kawayang nakayuko ang kanyang likod. Mga likod na natutuyuan ng pawis sa paglalabada upang may mailaman ka sa iyong kumakalam na sikmura.

Nakakunot na ang noo niya kapag tumitingin sa iyo. Parang laging may inaaninag ang mga mata. Mga matang laging nakatingin sa iyo habang ikaw ay natutulog sa banig. Mga matang nagmamasid at nagbabantay sa iyo mula pagsilang hanggang sa iyong paglaki. Mahina na ang kaniyang pandinig. Parang baradong lababo ang kaniyang mga tainga. Mga taingang dumirinig sa iyong pagngawa kung inaagrabiyado ng iyong mga kalaro. Mga taingang handang makinig sa iyong mga daing dahil sa kabiguan.

Mabagal na ang kaniyang paghakbang. Sa wari'y binibilang ng mga binti at paa ang bawat minutong lumilipas. Mga binti at paang ginagamit niya upang masaklolohan ka sa mga panganib na sinusuong mo noong iyong kabataan. Mga binti at paang inaasahan niya upang makaraos kayo sa araw-araw.

Kulubot na ang kaniyang balat. Parang chicharong bulaklak sa platong losa ang kabuuan ng kanyang mukha. Mukha na pilit niyang pinakapal upang lumapit at umutang sa kaniyang mga kaibigan at kakilala sa panahong ang enrolment ay malapit na. Mukhang pinakakapal ng katwirang gagawin ang lahat para sa iyo.

Luyloy na ang kaniyang mga dibdib. Nilipasan na ng panahon ang kaniyang mga suso. Mga susong dati'y pinagkukunan mo ng matimyas na kalusugan. Mga susong nagbigay sa iyo ng lakas at tibay ng katawan sa pagsagupa sa mga karamdaman.

Binura na ng kulay puti ang mga itim sa kaniyang tuktok. Tila abo ang kulay ng kaniyang buhok. Mga buhok na malasutlang hinahawakan mo kapag ikaw ay kanyang pinatutulog. Mga buhok na sagisag ng mga taon at panahong ginugol niya sa pag-aaruga at

(13)

Mahina na ang kanyang boses. Tila garalgal ng radyong walang signal ang kanyang tinig. Mga tinig na pinagbuhatan ng maraming magagandang aral ng buhay na ibig niyang maging gabay mo sa iyong pagkatao. Tinig na puno ng pangaral na magagamit mo sa iyong pagtahak sa sariling lakbayin sa daigdig.

Lupasay ang kanyang katawang mortal. Sa iyo napunta ang kanyang lakas. Sapagkat pinagpala ka niya. Nagtingala siya ngayon sa iyo…. patuloy kang inaaruga at matiyagang naghihitay…. Sapagkat siya sa kanyang pagiging ina…. ay marubdob na nagnanais na matapunan din ng kahit kaunting pagkalinga… Mahalin natin ang ating mga ina!

(14)

Maikling Sanaysay Tungkol sa Kabataan

Mga Sanaysay sa Filipino - Tungkol sa Kabataan Kapag Lumaki Na (Sulating di Pormal)

Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang tayo, sinanay na tayo sa mga nilalang na hindi naman natin nakikita. Kapre, tikbalang, manananggal, tiyanak, multo at

mangkukulam. Mga lamang-lupa daw ang tawag dito. Nagtataka ako kung bakit hindi isinama ang kamote, sibuyas at luya. Mga lamang-lupa din naman iyon.

Kapag nagkakasakit tayo, ipinipilit ng Nanay na masarap ang lasa ng gamot para sa sakit mo. Kahit kalasa iyon ng tinta ng pentel pen o panis na mantika. Para mapainom ka, kailangang pasinungalingang pagkasarap-sarap ng gamot kahit pati sila kapag umiinom nito ay nagkakandangiwi na rin sa simangot. At may batok ka galing kay Tatay kapag nailuwa mo at naisuka. Sayang ang ipinambili ng gamot.

Ipapanood sa iyo sa TV ang mas lalong pinakamalalaking kasinungalingan. Sesame Street na hindi mga totoong tao ang gumaganap. Palakang nagsasalita, mag-partner na puppet na parehong lalaki (sino kaya ang bading?), halimaw na mahilig sa biscuit, bampirang hanggang 10 lang ang kayang bilangin (minsan up to 12), ibon na kasing laki ng elephant at elepanteng balbon (saan ka nakakita ng elepanteng pagkahahaba ng balahibo sa katawan?) at isang nilalang na mahilig mag-ipon ng basura at nakatira sa basurahan. May tagalog version ito dito sa Pilipinas, ang Batibot. Ang problema, ang pinakabida sa program na ito, isang tuso at isang tanga.

Ililipat naman sa ibang channel na ang tampok ay mga magkakaibigang superheroes. Marami sila sa istorya at lahat ay may angking super powers. Ipinakikita lamang dito ang kanilang kahinaan, na hindi pala kaya ng isang superhero lang ang problema ng mundo. Kailangan din ang tulong ng iba para masagip ang daigdig. Kawawang Superman, walang sinabi. Hindi kayang tumayo sa sariling mga paa.

Tapos ka nang manood ng kasinungalingan este palabas pala sa TV. Gusto mong maglaro sa labas kasama ng ibang mga bata sa kapitbahay. Pero narinig mo ang sinabi ni Nanay. May bumbay na nangunguha ng bata sa kalsada. Tarantadong bumbay ito. Akalain mong

(15)

pati mga batang nananahimik ay gustong kidnapin. Pero ang totoo niyan, hindi ka

pwedeng lumabas dahil bagong paligo ka. At magkakalkal ka na naman ng dumi sa kalye kapag nakipaglaro ka. Tinatamad na si Mommy na maglinis sa iyo.

Ayaw mong matulog sa tanghali? Lagot ka, andiyan ang “lizard”. Pikit ka na, bababa na yung “lizard”.

Kaya, kasama sa paglaki ng bata na kahit ang pinakamaliit na problemang kasing liit ng butiki ay hindi kayang masolusyunan dahil “lagot ka, kayang-kaya ka ng lizard”.

Sa hapunan, hindi pwedeng hindi mo uubusin ang pagkain. Mabubulag ka. Kahit magkandasuka ka sa pagsubo, ubusin mo. Hindi dahil sayang ang inihanda sa mesa. Kung hindi bahala ka, mabubulag ka.

Isasama pa ba natin dito ang mga kasinungalingan tungkol kay Santa Claus, ang tatlong hari, ang mga pamahiin ni Lolo at Lola, ang pagiging “disente” (daw) ni Rizal,

nakakabungang-araw ang pagkain ng sobra ng mangga at ang tungkol sa mga alamat ng pinya at Olongapo? Huwag na. Ayoko nang dagdagan ang mga kasinungalingan dito. Lumalaki ang bata sa kasinungalingan. At sa kaniyang pagtanda, pag-aasawa at pagkakaroon ng sariling mga anak, uulitin niyang muli ang istoryang ito ng mga kasinungalingan. Mga Sanaysay sa Filipino 2011.

(16)

SINO AKO?

Ang aking ina, ama, kapatid, tiyahin, tiyuhin, pinsan, at mga kaibigan. Silang lahat ay aking nakasama sa luob ng mahabang panahon. Kilala ko ang bawat miyembro ng aking pamilya, ganuon din naman ang aking mga kaibigan. Alam ko ang mga bagay na hilig nilang gawin at mga lugar na lagi nilang pinupuntahan, pati mga pagkaing madalas nilang kinakain. Ganuon ko sila kakilala, ngunit sapat na ba iyon upang malaman ko kung sino talaga sila? Gaya ng aking sarili. Lubos ko na bang kilala kung sino talaga ako, bilang ako?

Ako, isang simpleng tao. Gaya ng iba mayroon din akong mga pangarap. Mga pangarap na walang katapusan. Kapag mayroon na akong mga ninanais na bagay na aking nakamit ay mayroon na namang bagong pangarap na uusbong sa aking puso at isip. Maiksi

lamang ang buhay at walang sandali ang dapat sayangin.

Ako, sa aking pagkakakilala sa aking sarili, ay isang tao na hinding hindi titigil sa isang bagay na aking nasimulan. Sa paaralan, tahanan, sa trabaho, o saan mang lugar ako mapunta ay hinding -hindi ako mag-iiwan ng isang bagay na aking sinimulan na hindi natatapos.

Pagdating naman sa aming tahanan, kasama na sa aking pamilya ay tunay kong maipagmamalaki ang tunay na ako. Maasahan ako sa mga gawaing bahay na hindi na kinakailangan pang utusan upang kumilos. Sa mga suliraning pampamilya naman ay mayroon na akong parte na buong puso kong ginagampanan upang malampasan ang mga problemang iyon sa tulong ng iba pang miyembro ng aking pamilya.

Pagdating sa ibang tao, sino nga ba ako? Ako, bilang isang kaibigan, sa tingin ko ay sapat na ang tunay na ako, upang matawag na isang mabuting kaibigan. Masaya sa oras ng tawanan, at malungkot naman sa mga panahong may suliranin ang isa sa aking mga kasama. Marami na akong nakasama at nakasalamuhang iba't ibang uri ng mga tao, ngunit walang nagtatagal sapagkat sa lahat ng ayoko ay iyong mga taong may dalawang mukha o yung mga tinatawag nilang "plastic". Ako kaya kong sumayaw at sumabay sa lahat ng uri ng tugtugin, upang makisama. Kaya kong baguhin ang ang ilan sa mga bagay na aking nakaugalian upang magustuhan ng iba. Hindi ko nais na maraming makikisama sa akin ngunit balatkayo naman ang aking pinapakita. Ang nais ko'y tanggapin ako sa paraan ng kung sino talaga ako. Hindi na baleng ilan lamang ang aking mga nakakasama,

(17)

nakatitiyak naman akong tunay ang mga ito. Nariyan rin ang aking mga pamilya na alam kong hinding-hindi tatalikod sa akin.

Sabi nila walang ibang nakakakilala sa atin ng lubusan kundi ang ating sarili lamang. Ako kilala ko kung sino si " Ako" at kung ano ang tunay na"Ako". Ikaw kilala mo ba kung sino si "Ikaw"at kung ano ang tunay na"Ikaw" .

Referensi

Dokumen terkait

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang mga tinatangkilik na pagkain ng mga estudyante ng ISHRM Dasmarinas, ninanais malaman ng mga mananaliksik ang iba’t-ibang

MARIBEL: Ngayon naman ay kilalanin natin ang mga kalahok na nagpamalas ng angking galing sa pag-indak sa kanilang Pambungad na Bilang.. Tawagin natin

Kung pagtatalunan ang pag boto ng Punong Mahistrado sa pag labas ng TRO, nararapat lamang na lahat hukom ng Korte Suprema na bumoto na pabor ditto ay

Sanchez na iminungkahi niya sa kanyang Tiyo Amando na ipagbili na lamang ang lupa sa Maruhat at bigyan na lamang si Lino ng lupang mas malapit sa Pinyahan upang mapalapit sa

Silang apat ay kumukuha ng kanilang mga karunungan at Kapangyarihan mula sa AMA, INA, ANAK, at ESPIRITU SANTO, upang ang lahat ng bagay ay magkaroon ng paglikha. Ang apat na Ina

Ang araling pananaliksik na ito na pinamagatang “Pagdetermina ng mga Paraan ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral ng Unang Taon sa Kolehiyo sa Pamamagitan ng Sistemang VARK” ay

Kayâ nga sinabi rin ni Wittgenstein, minsan kung táyo’y namimilosopiya, para táyong mga táong nasisiraan ng bait dahil binabago pa natin ang pag-unawa sa mga konsepto at ideang walang

Tumingin ang bayani sa mga kasamahan niya; wala na siyang maskara ngayon upang itago ang totoo niyang pagkatao na muntikan na rin niyang nakaligtaan dahil sa pagiging isang bayani..