• Tidak ada hasil yang ditemukan

LND Module

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "LND Module"

Copied!
18
0
0

Teks penuh

(1)

UNANG BAHAGI

ANG LINGKOD NG DAMBANA NG DIYOSESIS NG

SAN PABLO: ISANG PAGKILALA

Panimula

Ang Lingkod ng Dambana ay isang ministeryong kinabibilangan ng mga kabataang lalaki na ang pangunahing layunin ay makapagbigay ng mapagpuring paglilingkod sa Banal na Misa, kaisa ang Panginoong Hesu-Kristo, ang tunay na Pari at Handog, sa pamamagitan ng Kanyang pari. Kay Kristo na sentro ng ministeryong ito at sa pamamatnubay ng Mahal na Birheng Maria na Ina at Modelo ng bawat lingkod, patuloy na hinuhubog ng Lingkod ng Dambana ang bawat kasapi nito upang maging mga huwarang Kristiyano para sa Simbahan.

Bilang kabahagi ng Diyosesis ng San Pablo, ang ministeryo ay nakikiisa sa ikalalago ng pananampalataya sa lalawigan ng Laguna. Lubos na pinahahalagahan ng ministeryong ito ang kagandahang maiaambag ng kabataan para sa Simbahan, na sa hinaharap ay magiging mga tunay na Kristyanong pinuno na taglay ang espiritu ng pag-ibig at paglilingkod, ayon sa halimbawa ng Panginoong Hesu-Kristo.

Mga Layunin

1) Makataong Paglago (Human Maturity). Hangarin nito na pukawin sa kamalayan ng bawat kasapi ang

namamalaging Presensya ng Diyos sa lahat ng kanyang mga karanasan at maging instrumento rin naman ng pag-ibig ng Panginoon sa kapwa sa pamamagitan ng bukal sa loob na paglilingkod.

2) Ugnayan kay Kristo (Relationship with Christ). Ninanais din na ang mga kasapi ay magkaroon ng

malalim na Kristyanong kabanalang nag-uugat sa Panginoon, na lagi-laging nakakasama lalo na sa Liturhiya ng Simbahan at sa Banal na Eukaristiya.

3) Pakikiisa sa Simbahan (Membership in the Church). Ang buong ministeryo ay hinihikayat ding maging

mabunga sa kanilang paglilingkod para sa ikabubuti ng Kristyanong komunidad sa pamamagitan ng makabuluhang liturhiya sa parokya, paaralan, at iba pang gawain.

4) Pananagutan sa Kaharian ng Diyos (Commitment for the Kingdom). Bilang mga saksi ng Kaharian ng

Panginoon, hinahamon ang mga kasapi na magbigay ng pagpapatunay sa Panginoong kanilang sinusundan sa pamamagitan ng malalim na pananalangin at ugnayan sa Panginoong naparito hindi upang paglingkuran kung hindi ang maglingkod.

Mga Haligi ng Paglago

1) Salita ng Diyos (Word of God). Ang buhay ng isang lingkod ay nakaugat sa Salita ng Diyos. Sinisikap

niya na lumago dito sa pamamagitan ng pakikinig at pagbabahagi ng Kasulatan at pagsasabuhay ng mga aral nito.

2) Panalangin at Liturhiya (Prayer and Liturgy). Lumalago rin ang isang lingkod sa pamamagitan ng

panalangin at liturhiya. Inihaharap niya sa Panginoon ang lahat ng kanyang mga karanasan, mga saya at lungkot ng buhay. Lagi niyang pinasasalamatan ang Diyos para sa Kanyang mga biyaya at umaasa sa Kanyang lakas. Sa harap ng Banal na Eukaristiya, ang taluktok ng buhay Kristyano, nais niyang magkaroon ng dalisay na kalooban para maglingkod at hindi para lamang makilala.

3) Kapatiran (Brotherhood). Ang ministeryo ay isang tunay na kapatirang nakasentro sa Panginoong

Hesu-Kristo, ang tunay na Kapatid ng bawat lingkod. Laging kaakibat ng isang lingkod ang kapwa lingkod sa kanyang mga gawain upang masanay siyang makisalamuha sa kanyang kapwa.

4) Paglilingkod (Service). Ang pag-ibig ang tunay na nagpapatatag sa paglilingkod ng bawat kasapi.

Matapos makasalamuha ang Panginoon sa Salita at sa Eukaristiya, hinihikayat siya na harapin naman ang Panginoon sa ibang tao na kanilang makikita at makakasama.

(2)

Mga Pangunahing Ugali

1) Paggalang (Reverence). Dapat laging isaisip ng isang lingkod ang mataas na pagpupuri (adoration) sa

Diyos at ang pagpaparangal (veneration) sa Mahal na Birheng Maria at sa mga santo. Ganoon din ang paggalang sa mga taong nasa katatayuan tulad ng obispo at pari. Hinihingi rin ang paggalang sa mga banal na bagay at lugar na lagi niyang ginagamit. Marapat na tandaan na “familiarity breeds contempt” upang hindi mawala o mabawasan man lamang ang paggalang na inaasahan sa isang lingkod.

2) Disiplina (Discipline). Ang isang magaling na lingkod ay may sapat na kaalaman sa mga gawi ng

Simbahan, ang Kanyang liturhiya, lalo na ang Banal na Misa. Hindi maaaring gawin ng isang lingkod ang nais niyang gawin sapagkat ang mga kilos na hindi naaayon ay makagugulo sa liturhiya at makawawala ng atensyon ng mga nagsisiganap at dumadalo rito. Ang disiplina ay humihingi ng tapat na pagsunod, na kinakailangan din para sa malalim na pananampalataya.

3) Kabanalan (Piety). Ito ang ugaling nagtutuon ng buhay patungo sa Diyos. Hinuhubog nito ang

kamalayan sa sarili na ialay ang lahat ng iniisip, sinasabi, at ginagawa sa Diyos, hanggang tunay na mabuo ang Imahe ng Panginoon sa sarili at mabanaag ito ng kanyang kapwa.

4) Tamang Gawa (Decorum). Sa pamamagitan ng ugaling ito tunay na maipapakita ang paggalang at

disiplinang hinuhubog sa kalooban. Naroon ang kamalayan sa tamang kilos at salita sa mga hinihingi ng pagkakataon – sa mga pagdiriwang ng Sakramento ng Simbahan, sa harap ng mga tao at sa Presensya ng Diyos.

5) Pagtutulungan (Teamwork). Marapat na isaalang-alang na ang mga gawain ng ministeryo ay nagagampanan nang mas mahusay kung ito’y pinagtutulungan at maayos na naibabahagi sa mga may kinalaman. Laging isaisip na hindi naglilingkod ang isang kasapi nang siya lamang. Laging kasama ang isang grupo, ito man ay sa pagdiriwang ng Misa, pananalangin, paglalaro, at sa iba pang gawain. Kung ano man ang naiatas na gawain, nagkakaroon ito ng kabuluhan kung titingnan sa pangkalahatang kaayusang maidudulot ng sama-samang paglilingkod.

Motto ng Lingkod ng Dambana Katapatan sa Diyos!

Isang hamon para sa isang lingkod ang manatiling tapat sa kanyang pangako ng paglilingkod sa dambana ng Diyos at sa kanyang kapwang lagi niyang nakakasama. Sa bawat sandali ay kailangan niyang maipakita sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay ang kanyang paninindigan sa Panginoong tumawag at nagbibigay-halimbawa sa kanya. Dumating man ang mga sandali na parang hindi niya ito napapanagutan dala ng kahinaan, naroon ang paniniwala sa Awa ng Diyos na tapat sa lahat ng Kanyang pangako. Ang Mabathalang Katapatang ito ay marapat na masuklian din naman ng katapatan sa abot ng makakaya ng isang lingkod. In Christo, serviam – Kay Kristo, ako’y maglilingkod!

Pangako ng Paglilingkod

Panginoon, narito ako, handang paglingkuran Ka. Sisikapin kong maging tapat sa aking tungkulin na maglingkod sa pagdiriwang ng Misa at tumulong sa anumang gawain ukol sa Simbahan. Sisikapin kong magbigay ng mabuting halimbawa sa lahat at tulungan ang aking kapwa sa paggalang sa Iyong tahanan. Nawa’y maging tapat na lingkod mo ako sa tulong ni Santa Mariang aking ina at huwaran.

Panalangin ng Isang Lingkod

(3)

Mapagmahal na Amang lumikha ng sansinukob, tinawag Mo ang Iyong bayan upang paglungkuran Ka, at makasama Ka at ang Iyong kapwa sa Santa Misa.

Tulungan Mo ako, ako na Iyong tinawag. Gawin mo akong isang taong madasalin at laging handang maglingkod. Lubos akong nagpapasalamat sa pagtitiwalang ibinigay Mo sa akin. Tulungan mo akong maging tapat sa pagtitiwalang iyon. Hinihiling ko ito sa Ngalan ng Panginoong Hesu-Kristo, kasama ang Espiritu-Santo, Diyos magpakailanman. Amen.

Ang Patron

Ang patron ng Lingkod ng Dambana ay ang Panginoong Hesu-Kristo na Siyang nagbigay ng pinakadakilang halimbawa ng pagmamahal at paglilingkod. Nananatili Siyang kasa-kasama ng bawat lingkod sa lahat ng kanyang gawain, lalo na sa Banal na Sakramento sa Altar.

Ang Sagisag/ Logo ng Lingkod ng Dambana ng Diyosesis ng San Pablo

Ang sagisag/ logo ng Lingkod ng Dambana ng Diyosesis ng San Pablo ay nahahati sa dalawang bahagi. Sa pagitan ng dalawang ito ang Chiro na simbolo ng Panginoong Hesu-Kristo, ang tunay na Pari na nag-alay ng Kanyang sarili para sa kaligtasan ng lahat. Siya ay kapatid ng bawat lingkod at modelo ng tunay na paglilingkod. Ang unang bahagi sa kaliwa ng Chiro ay sumasagisag sa Liturhiya ng Salita ng Diyos, at sa kabila naman ay ang Liturhiya ng Eukaristiya. Ang lingkod ay may malaking papel sa pagdiriwang ng Banal na Misa.

Ang nakasinding kandila ay sumasagisag sa Panginoong Liwanag ng mundo. Dinadala ng mga lingkod ang kandila sa iba’t ibang bahagi ng Misa. Pinakahigit sa mga ito ang pagdadala ng kandila sa Pagpapahayag ng Mabuting Balita. Sa ganitong imahe, hinahamon ang bawat isa na isabuhay ang aral ng Mabuting Balita at ikalat ang liwanag na nagmumula sa Mukha ng Panginoon sa kanilang kapwa na puno ng kinang at sigasig.

Ang nakalulon na kasulatan at ang alpha at omega ay nagpapahayag kay Kristong Salita ng Diyos na naghahari mula noon at magpakailanman. Bukod sa paglilingkod, dapat makinig ang isang lingkod nang taimtim sa Salita ng Diyos at kumuha ng inspirasyon mula rito sa pang-araw-araw na paglilingkod sa Diyos at Simbahan. Tinatawag ang lingkod na maging mystagogue, ang tagapangalaga ng Salita.

Ang tinapay at saro ay nagpapahiwatig ng Eukaristiya. Sa paghahati ng tinapay at pagsasalu-salo sa saro, ang lingkod ay tinatawag na maglingkod nang buong puso sa pari at sa komunidad na nagsasama-sama bilang isang Simbahan. Kailangang isaisip na sa bawat paghahati at pagsasalo, lubos na naipapakita ang kaisahan ng Simbahan. Hinihingi rin ang ganitong pagkakaisa sa sama-samang paglilingkod sa Misa. Samakatuwid, ang kanilang kapatiran ay sadyang maka-Eukaristiya.

Ang insenso ay nagpapakita ng isang mahalagang bahagi ng mga naglilingkod sa dambana. Hindi lamang ito isang paglilingkod, ngunit ang pagnanais na makadagdag pa sa angking kabanalan ng Banal na Misa sa pamamagitan ng maayos na paglilingkod. Ang bawat kilos ay itinataas para sa kaluwalhatian ng Diyos at sa kabanalan ng mga tao.

(4)

Ang Himno ng Lingkod ng Dambana

Tinawag Ka

Himig at titik ni Rev. Fr. Jerry E. Gaela, PhD

Koro: Tinawag ka ng Diyos Tinawag ka niya ngayon, Tinawag ka upang maglingkod

Sa Diyos at sa mga tao. I

Bata pa ako ay ninais ko na Sumunod at maging katulad Niya. Laging handang maglingkod sa Kanya

Upang purihin Siyang ganap. (koro) II

Maliit man ako ay dakila naman ‘pagkat sa Diyos ako’y nagmamahal.

Kailanma’y di ko Siya iiwan Dahil ako’y tinawag Niya. (koro)

III

Lingkod ng Dambana ang tawag sa amin Munting pari ang akala namin. Sa simbahan kami’y dumadalangin Upang si Kristo’y sambahin! (koro)

(5)

IKALAWANG BAHAGI

BALANGKAS NG MINISTERYO

PAMUNUANG DIYOSISANONG LINGKODNG DAMBANA

Ang Pamunuang Diyosisano ng Lingkod ng Dambana ay binubuo ng Obispo, Diocesan Director, Assistant Diocesan Director, apat na Seminarian District Coordinators, at kani-kanilang kasaping Vicariate Coordinators at mga Parish Animators.

Bishop

Ang obispo ang pinakapuno ng lahat ng samahan at ministeryo ng diyosesis. Bilang Ama ng Diyosesis, siya ay marapat na bigyan ng paggalang at pagsunod. Ang mga kasapi ng Lingkod ng Dambana ay inaasahang laging tumalima sa naisin ng obispo para sa ikabubuti ng ministeryo.

Diocesan Director

Ang Diocesan Director ay itinatalaga ng obispo bilang kinatawan niya sa pamumuno ng ministeryo. Sa ganoon, marapat ding igalang at sundin ang mga naisin ng direktor na nasa kaalaman din ng obispo. May mga bagay sa ministeryo na ipinapaubaya na sa kakayahan ng direktor. Siya ay tinutulungan din naman ng isang Assistant Diocesan Director at Secretary. Ipinapaubaya na sa direktor ang mga tungkuling iaatang sa kanyang mga katuwang sa pamumuno.

Seminarian District Coordinators

Bilang kasama ng mga direktor sa pamumuno ng ministeryo, may mga seminaristang diyosisano na itinatalaga bilang mga coordinators ng apat na distrito ng Diyosesis ng San Pablo. Bilang mga kinatawan ng diocesan director sa mga distrito, inaasahang gagawin ng mga seminarian district coordinators sa abot ng kanilang makakaya ang kanilang mga tungkulin upang masigurong naaayon at maayos ang pamamalakad ng pamunuang pambikarya at pamparokya ng LND. Maaari silang magplano ng mga gawain kasama ang mga pamunuang pambikarya at pamparokya para sa ikalalago ng LND sa kanilang distrito, na dapat ay nasa kaalaman naman ng mga direktor.

Nasa kapasyahan na ng diocesan director ang iba pang tungkuling kailangan pang ibigay sa mga seminarian district coordinators.

Page 5 of 18

Bishop

Seminarian District

I Coordinator

Vicariate Coordinators/

Parish Animators

Diocesan Director

Asst. Diocesan Director

Seminarian District

II Coordinator

Seminarian District

III Coordinator

Seminarian District

IV Coordinator

Vicariate Coordinators/

Parish Animators

Vicariate Coordinators/

Parish Animators

Vicariate Coordinators/

Parish Animators

Bishop

Seminarian District

I Coordinator

Vicariate Coordinators/

Parish Animators

Diocesan Director

Asst. Diocesan Director

Seminarian District

II Coordinator

Seminarian District

III Coordinator

Seminarian District

IV Coordinator

Vicariate Coordinators/

Parish Animators

Vicariate Coordinators/

Parish Animators

Vicariate Coordinators/

Parish Animators

Secretary

(6)

Vicariate Coordinators at Parish Animators

Hinihikayat na magtalaga o magbotohan sa bawat distrito ng kani-kaniyang vicariate coordinators na kakatuwang sa mga seminarian district coordinators. Sapagkat ang mga seminarista ay nasa seminaryo, inaasahang ang mga vicariate coordinators ang susubaybay sa kani-kanilang bikarya at magsusulit naman sa kani-kanilang seminarian district coordinators.

Ang mga parish animators ay nagsisilbing ugnayan ng parish units sa diocesan level. Marapat lamang na sila ang unang makaalam ng mga pangyayari, proyekto, o anumang gawaing nagmumula sa diyosisanong pamunuan. Ang kanilang iba pang tungkulin ay nasasaad na sa pamunuang pamparokya.

Sa Mga Pagpupulong

Marapat na makapaglaan ng mga regular na pagpupulong sa pamunuan diyosisano upang matalakay ang mga programa at gawain ng samahan. Hinihingi na dapat ay makapagpulong ang mga direktor kasama ang mga seminarian district coordinators kahit minsan sa isang kapat ng taon (quarterly). Gayon din, marapat din na makapagpulong ang seminarian district coordinator kasama ang kani-kaniyang mga vicariate coordinators at parish animators para sa isang district assembly minsan din sa isang kapat ng taon (quarterly).

Marapat din na magkaroon ng isang pangkalahatang pagpupulong (diocesan assembly) kung may mga bagay na dapat talakayin. Inihahabilin sa pagpapasya ng direktor at/o ng mga seminarian district coordinators ang panahong ilalaan sa ganitong pagpupulong.

PAMPAROKYANG PAMUNUANNG LINGKODNG DAMBANA

Ang Pamunuang Pamparokya ng Lingkod ng Dambana ay kinabibilangan ng Parish Priest, LNDPA President, at Core Group. Inaasahan ang magandang pagsasamahan ng mga kasapi ng pamunuan para sa ikabubuti ng ministeryo.

Parish Priest

Siya ang tumatayong spiritual director ng Lingkod ng Dambana. Tungkulin niyang patnubayan ang samahan lalo na sa espiritwal na paglago ng bawat kasapi. Hinihikayat din ang kanyang pakikiisa sa mga gawain ng samahan tulad ng pagdalo sa mga pagpupulong at pagsubaybay sa paglilingkod. Mabuting

Page 6 of 18

Parish Priest

LND Parents

Association

President

President

Animator

Treasurer

Vice President

Secretary

Asst. Secretary*

Asst. Treasurer*

Group Leaders

Core Group

Parish Priest

LND Parents

Association

President

President

Animator

Treasurer

Vice President

Secretary

Asst. Secretary*

Asst. Treasurer*

Group Leaders

Core Group

(7)

maramdaman ng mga lingkod ang maka-amang pagkalinga ng kanilang kura-paroko upang mag-ibayo sila sa kanilang ministryo.

Bilang pinakapuno ng pamparokyang pamunuan, dapat ay nasa kabatiran ng kura-paroko ang kalalagayan ng samahan. Kung sakaling may mga bagay na dapat mapagkasunduan, mainam na isangguni ito sa kura-paroko, lalo na at para sa pangkalahatang ikabubuti ng parish unit.

Dapat mabuo ang isang magandang relasyon sa pagitan ng paroko at ng mga kasapi. Ang kura-paroko ay laging nararapat bigyan ng paggalang at pagsunod, lalo na sa pagdiriwang ng Banal na Misa. Dapat laging isaisip ng mga lingkod na ang siya ay Alter Christus o “another Christ”.

LND Parents’ Association (LNDPA) President

Siya ay maaaring magulang ng isa sa mga miyembro, isang dati nang miyembro ng ministeryo, o kaya’y isang naglilingkod sa Simbahan. Siya ang nakikipag-ugnayan sa mga magulang ng mga kasapi tungkol sa mga gawain ng ministeryo upang sila rin ay may nalalaman sa mga ginagawa ng kanilang mga anak sa simbahan. Sa kanya rin iniaatang ng kura-paroko ang pamamatnubay ng samahan, lalo na sa Core Group, ukol sa kanilang mga gampanin. Hindi siya tuluyang namumuno sa grupo, ngunit maaaring mamagitan kung hinihingi ng pagkakataon.

Ang Core Group

Ang Core Group ay binubuo ng animator, president, vice president, secretary, at treasurer.

Ukol sa Posisyon. Sa lima, tanging animator lamang ang itinatalaga ng kura-paroko. Maaaring humingi ang kura-paroko ng mga mungkahi sa ibang pinuno ng samahan, ngunit siya pa rin ang tunay na pipili ng isang nararapat na maging animator. Ang animator ay maaaring kunin sa mga kasalukuyang kasapi ng samahan o kaya ay isa sa mga matatanda nang kasapi ng samahan.

Ang ibang kasapi ng core group ay inihahalal ng samahan. Ipinapaubaya na sa pamparokyang pamunuan ang paraang ng paghahalal ng mga pinuno. Ngunit sa mga pagkakataong sadyang hindi maaaring maghalal ng mga pinuno (halimbawa ay kakaunti ang mga kasapi o mga baguhan pa lamang), maaari munang italaga ng kura-paroko ang mga pinuno.

Panahon ng Paglilingkod. Sapagkat ang animator ay itinatalaga ng kura-paroko, inihahabilin na sa kanyang kapasyahan ang haba ng paglilingkod ng animator. Para naman sa mga inihahalal na pinuno, marapat na magtakda ng haba ng panahon ng paglilingkod. Iminumungkahi na gawin itong isang taon. Kung nanaisin, maaari muling maihalal ang pinuno sa posisyong kanyang hinawakan. Ngunit matapos ang dalawang termino ay hinihikayat na ipaubaya na sa iba ang panunungkulan upang lumago rin ang ibang kasapi sa pamumuno ng ministeryo.

Paglalarawan ng mga Posisyon. Tingnan din ang Mga Pangunahing Gawain ng Ministeryo at Aspirancy Program upang mas maunawaan ang ibang tungkulin ng mga pinuno.

Animator

Pinapatnubayan ng animator ang core group upang maisagawa ang gawaing nakaatang sa bawat isa. Siya rin ang tumatayong kinatawan ng parish unit sa labas ng parokya (mga gawaing pangdiyosisano, distrito, at/o bikarya). Dahil dito, inaasahan na siya ang may pinakamaraming kaalaman sa pamumuno ng samahan upang madali niyang magabayan ang kanyang mga kasama. Dala ang titulong ”animator” na halaw sa salitang Latin na anima na ang ibig sabihin ay kaluluwa, dapat ay siya ang nagbibigay-buhay at sigla sa mga kasapi ng samahan sa pamamagitan ng mga makabuluhang gawaing magbubunsod sa kanila na mag-ibayo sa kanilang paglilingkod.

(8)

Bilang tagapagturo ng Katesismo, hinihingi na ang animator ay may lubos na kinalaman sa mga aral ng Simbahan. Kaya’t hinihimok ang patuloy na pag-aaral ng animator tungkol sa pananampalataya. Dahil sa kahalagahan ng bagay na ito at kung sakaling hindi ito lubusang magagampanan ng animator, inaasahan ang pamamatnubay ng kura-paroko, ng isang katekista, o kung sino mang magbigay ng nararapat na pagtuturo. President

Gaya ng animator, inaasahan din na ang pangulo ay may kaalaman sa pamumuno ng samahan. At dahil siya ay iniluklok ng samahan, marapat lamang na igalang niya ang pagtitiwalang ibinigay sa kanya ng mga miyembro sa pamamagitan ng mabuting pamumuno at halimbawa para sa lahat. Pinangungunahan niya ang mga pagpupulong ng ministeryo at siya rin ang kinatawan ng samahan sa mga pagpupulong ng parokya (para sa Parish Pastoral Council, etc.).

Bilang tagahubog ng mga nagnanais na sumapi sa samahan at ng mga kasalukuyang kasapi, marapat din namang may kaalaman ang pangulo sa Liturhiya, lalo na ng Banal na Misa at ng iba pang pangsimbahang pagdiriwang.

Vice President

Sa mga pagkakataong hindi magagampanan ng pangulo ang kanyang gawain, aakuin ito pansamantala ng pangalawang pangulo. Maaari ring gampanan na niya nang tuluyan ang mga tungkuling ito kung sakaling hindi na maaari ang pangulo dala ng iba’t ibang dahilan (ipinauubaya na sa pamunuan ang mga kadahilanan ng pagtatanggal sa posisiyon). Sa ganoong pagkakataon, bilang bagong pangulo ay tatapusin niya ang kanyang termino hanggang sa susunod na paghahalal ng mga panibagong mamumuno.

Pangunahing babantayan ng pangalawang pangulo ang pagdalo ng mga lingkod sa kanilang takdang-paglilingkod sa Banal na Misa at sa iba pang gawaing-pagsamba. Siya rin ang magpapaalala sa mga kasaping nakakalimot ng kanilang tungkulin at pagdalo sa mga gawain ng samahan.

Secretary

Siya ang namamahala sa mga talaan ng samahan at documentation ng mga gawain. Siya rin ang gagawa ng mga minutes of the meeting upang magkaroon ng tala ng mga nagaganap sa pagpupulong. Marapat din na marunong siyang gumawa ng mga panawagan tungkol sa mga iskedyul ng paglilingkod at iba pang mahahalagang detalye. Kung kinakailangan, maaari siyang magsilbing property custodian o tagapag-ingat ng mga gamit ng samahan. Kung hinihingi ng pagkakataon, maaaring maghalal din ng assistant secretary.

Treasurer

Siya ang namamahala sa pondo ng ministeryo, kung mayroon man. Kung wala, at sakaling ang mga gastusin ng samahan ay nagmumula sa parokya, siya ang nagtatala ng pondong ginamit at gastusing nagawa. Kung hinihingi ng pagkakataon, maaari ring maghalal ng assistant treasurer.

Group Leaders

Ang mga group leaders ay itinatalaga ng core group kung sakaling lumalaki na ang samahan at ang pamumuno ng core group ay hindi na nakasasapat. Ang group leaders ang pangunahaing nakikipag-ugnayan sa mga kasaping nakatalaga sa kanila at nagsusulit naman sa core group ng kanilang katatayuan sa samahan. Nakabatay na sa core group kung ano pang gawain ang maaari nilang ibigay sa mga group leaders para sa mas mabuting pamamalakad ng samahan at mas magandang ikalalago ng mga kasapi nito.

(9)

ANGMGA KASAPING LINGKODNG DAMBANA

Ang mga opisyal na kasapi ng Lingkod ng Dambana ay marapat na dumaan sa isang maayos na programa ng paghuhubog upang maging handa sa kanilang magiging pangunahing gawain, ang maging mga lingkod ng Panginoon sa Kanyang dambana, sa Banal na Misa. Makikita ito sa Aspirancy Program na naglalayong maipakilala sa isang naghahanda ang lahat ng kanyang kakailanganin sa ministeryong kanyang hinahangad na pasukin.

Matapos na opisyal na maitalaga sa ministeryo, ang isang kasapi ay tatanggap ng natatanging karapatang maging pangunahing lingkod sa Banal na Misa. Sinasagisag ito ng damit panglingkod (service attire) na siya lamang ang nararapat na gumamit. Mas naipapakita ng opisyal na damit panglingkod (na nauna nang hinagad na makamit) ang pagkakaisa hindi lamang ng pamparokyang LND kung hindi ng pangdiyosisanong samahan. Dala ng pribilehiyong ito, marapat na tanggapin ng isang kasapi ang tungkuling laging maging handa upang makapagbigay ng mapagpuring paglilingkod sa dambana. Upang siya ay lumago rito, hinahangad na ang isang kasapi ay laging nakikiisa sa mga gawain ng ministeryo, sapagkat nakatuon ang lahat ng ito sa kanyang pangkabuuang paglago.

Mga ilang bagay na marapat linawin tungkol sa mga kasapi ng ministeryo ng Lingkod ng Dambana: Sa Pagpapanibago ng Pangako

Iminumungkahi ang isang takdang araw ng pagpapanibago ng pangako ng paglilingkod upang maging batayan ng pagiging kasapi ng ministeryo. Iminumungkahi na gawin ito kasabay ng Investiture Rites ng mga bagong kasapi upang makita at maalaala ng mga kasapi ang malaking gampaning muli nilang pinagpapanibago, saksi ang kanilang kura-paroko at ang komunidad na kanilang pinaglilingkuran (tingnan Ang Pagdiriwang ng Pagtatalaga at Pagpapanibago ng mga Kasapi ng Lingkod ng Dambana Diyosesis ng San Pablo). Ang hindi pagdalo dito ng isang kasapi ay isang malinaw na pagtiwalag sa ministeryo. Kung sakali namang may katanggap-tanggap na dahilan ang kasapi sa hindi pagdalo, maaari pa rin namang tanggapin ang kasapi. Muli ay inihahabilin na sa pamparokyang pamunuan ang pagdedesisyon sa bagay na ito.

Sa Mga Paraang Pangdisiplina (Disciplinary Measures)

Ang bawat kasapi ng Lingkod ng Dambana ay inaasahang maging mga huwaran ng Kristyanong pamumuhay. Hinihimok ang isang lingkod na ganapin sa sarili ang lahat ng kanyang natututunan sa paglilingkod upang maging tapat na saksi ng Panginoon sa kanyang kapwa.

Ngunit hindi maiiwasan ang mga pagkakataong nakagagawa ng mga di-kanais-nais na bagay ang mga kasapi na hindi lamang makasasama sa kanyang sarili ngunit pati na rin sa kanyang mga kapwa lingkod at sa buong samahan. Samakatuwid, lubos na hinihingi ang marapat na pagdidisiplina sa mga ganitong pagkakataon upang maituwid ang pagkakamali.

Inaasahan ang mabuting pagpapasya (prudence) ng pamparokyang pamunuan ukol sa mga bagay na ito. Tatlong bagay ang laging tinitingnan sa mga pagkakamali: ang nagawang pagkakamali (ang mismong akto, hal. pagnanakaw), ang intensyon (bakit ginawa ang bagay, hal. mahigpit na pangangailangan), at ang pagkakataon (ang degree o bigat ng nagawa, hal. pagnanakaw ng maliit o malaking halaga). Mula roon ay maaari nang magbigay ng karampatang pagtutuwid na ang tanging layunin ay sa mas ikabubuti ng kasaping nasasabi at pati na rin ng samahan. Kung kinakailangan ay maaaring isangguni ang mabibigat na kaso sa LNDPA President at/o sa kura-paroko.

Inihahabilin na sa pamparokyang pamunuan ang mga paraan ng pagbibigay-disiplina para sa mga kasapi ng samahan.

(10)

Tungkol sa Edad ng mga Kasapi

Ang mga kasapi ay iminumungkahi na (a) hanggang sa edad na dalawampung taon (20 years old) lamang o (b) maaaring hanggang makapagtapos ang kasapi ng kolehiyo. Ngunit mas mainam din naman kung (c) hanggang makapagtapos ang kasapi ng mataas na pag-aaral (highschool graduate) lamang. Ito ay iaayon sa pangangailangan ng parokya at ng samahan, sapagkat tunay namang hindi pare-pareho ang kalalagayan ng bawat parish unit. Pero dapat isaalang-alang ang patuloy na paglago ng pananampalataya ng bawat kasapi, at ang pananatili sa LND nang lagpas sa hinihinging edad ay maaaring hindi makatulong sa kanyang paglalim sa buhay-Kristyano.

Hindi naman ititiwalag ang mga kasaping lumagpas na sa edad ng paglilingkod. Hinihikayat na gampanan nila ang mga pwesto ng pamunuan ng ministeryo, dala ng maraming karanasan sa pamamalakad ng LND. Maaari din namang gampanan nila ang ibang tungkulin sa parokya o ang pagsapi naman sa ibang ministeryong pansimbahan upang mas makapagbigay ng nararapat na paglilingkod sa komunidad, dala ang kanilang natutunan sa LND. Isang karangalan para sa samahan na makita ang kanyang mga dating kasapi na patuloy na naglilingkod sa Simbahan sa mas marami pang paraan at pagkakataon. Ang kanilang halimbawa ay lubos na makakatulong sa mga nakababatang kapatid sa paglilingkod.

PAGIGING OPISYALNA KASAPING LINGKODNG DAMBANA

Kinakailangang makilala sa diocesan level ang lahat ng mga kasapi sa parish units upang mapatunayan na sila ay mga opisyal na kasapi ng Ministeryo ng Lingkod ng Dambana.

Hinihikayat na ang bawat parish unit ay magpasa ng talaan ng kanilang mga kasapi sa pamunuang diyosisano. Taunan itong gagawin upang magkaroon ng up-to-date na talaan ng mga kasapi ng LND sa buong diyosesis. Mainam na maipasa ang talaang ito sa buwan ng Agosto, kung kailan tapos na ang programa ng pagtanggap ng mga bagong kasapi (tingnan ang Aspirancy Program). Ipinapaubaya sa mga seminarian district coordinators ang eksaktong petsa ng nasabing pagpapasa ng talaan. Sila rin ang mamamahala sa pagpapaalala sa mga parish units ukol sa bagay na ito. Ang opisyal na talaan at mga detalyeng hinihingi nito ay ihahanda din naman ng pamunuang diyosisano.

Ang mga kasapi ng LND parish units na nasa opisyal na talaan ay bibigyan ng Diocesan LND identification card na magsisilbing katibayan ng kanilang pagiging kasapi ng Ministeryo ng Lingkod ng Dambana. Tanging ang mga kasaping may ID na ito ang makatatanggap ng lahat ng mga karapatan at tungkuling iniaatang ng ministeryo sa isang lingkod. Samakatuwid, sila lamang ang una sa lahat na nararapat na makapaglingkod sa Banal na Misa at makibahagi sa mga gawain ng ministeryo. Daan din ito upang magkaroon ng ugnayan ang magkakaratig na parokya, lalo na sa mga magkakadistrito, at magtulungan sa mga pagkakataong may kakulangan ng mga lingkod ang isang parokya. Ito rin ang daan upang malaman ng mga pari ang mga tunay na kasapi ng Lingkod ng Dambana na nahubog na para sa paglilingkod sa Banal na Misa.

(11)

IKATLONG BAHAGI

MGA PANGUNAHING GAWAIN NG MINISTERYO

Bilang isang ministeryong nakatalaga para sa paglilingkod sa Diyos at sa Simbahan, ang Lingkod ng Dambana ay may mga pangunahing gawain na gagabay sa mga kasapi nito at para sa isang mabungang pagtugon sa panawagan ng Panginoon. Ang mga gawaing ito ay nakatuon sa kabuuang paglago ng isang Kristyano: pagkatao (human), pangkaisipan (intellectual), pangkaluluwa (spiritual), at pampastoral o pangkapwa (pastoral/ social).

Dahil ito’y ipinakikilala habang nasa pagkabata pa lamang, inaasahan na ang isang kabataang kasapi ay mamumulat sa mga Kristyanong pananaw at pag-uugali at maagang makikilala ang sarili bilang disipulo ng Panginoong humihimok na sundan ang Kanyang yapak.

Inihahabilin sa core group ang pangunguna sa mga sumusunod na gawain. Pagpupulong ng Ministeryo

Dapat magkaroon ng isang regular na iskedyul ng pagpupulong ang ministeryo. Maaaring gawin ito nang lingguhan, buwanan, o sa kahit anong panahong nakikitang mas nararapat para sa pamparokyang samahan. Ito ang pagkakataon upang matalakay ang mga gawain at pangangailangan ng ministeryo tulad ng pagbibigay ng takdang-paglilingkod sa Misa, araling-Katesismo, pagbabahaginan ng Salita ng Diyos, paglalahad ng gawaing-pamparokya, atbp.

Para sa maayos na pagpupulong, hinihingi ang mga sumususnod:

a) Talaan ng mga dumalo (attendance sheet) b) Talaan ng paglilingkod (assignment of service) c) Talaan ng mga pag-uusapan (agenda for the meeting)

d) Talaan ng pagpupulong (minutes of the meeting)

e) Iba pang mga kinakailangang dokumento

Iminumungkahi ang sumususnod na Paraan ng Pagdaloy ng Pagpupulong na iniaatang sa iba’t ibang kasapi ng core group:

a) Panimulang Panalangin

b) Pagtatala ng mga dumalo (pangalawang pangulo)

c) Pagsasariwa ng nakaraang pagpupulong o review of the minutes of the previous meeting (secretary).

Maaaring gawin ang pagsusuri ng mga napag-usapang hindi natapos. Maaari ring maging bahagi ng kasalukuyang pagpupulong ang nakaraang napag-usapan, kung kinakailangan.

d) Pagtalakay ng mga pag-uusapan (pangulo)

e) Pagtalakay ng mga paglilingkod (pangalawang pangulo). Dito maaaring gawin ang pagbibigay ng

takdang-paglilingkod, mga iskedyul ng lingguhang pananalangin ng rosaryo, pagsamba sa Banal na Sakramento, atbp. Dapat siguruhing malinaw ang mga iskedyul na nabanggit at maaaring tukuyin muli para sa kalinawan ng mga kasapi.

f) Pagtuturo ng Katesismo at Pagbabahaginan tungkol sa Salita ng Diyos (animator). Kung isasama ang pagtalakay ng Katesismo at/o pagbabahaginan tungkol sa Mabuting Balita sa loob ng pagpupulong, inihahabilin na sa nakalaang magtuturo na paglaanan ito ng paghahanda at sapat na oras.

g) Iba pang maaaring pag-usapan (pangulo)

h) Panghuling Panalangin

Pagtuturo ng Katesismo

Maaaring gawin ito bilang bahagi ng pagpupulong ng samahan o kaya’y hiwalay na iskedyul upang mabigyan ng sapat na panahon. Ginagawa ito upang matiyak ang paglago ng mga kasapi sa Katesismo at iba pang turo ng Magisterium tulad ng mga encyclical ng Santo Papa, dokumento ng Simbahan, atbp. Dapat

(12)

isaalang-alang ng mga pinuno ang bahagdan ng pagtuturo na naaangkop sa kakayahan ng mga kasapi. Marapat lamang na ang mga miyembro ng LND ay may nalalaman sa mga pangunahing turo at panuntunan ng Simbahan.

Dahil sa kahalagahan ng katesismo sa paglago ng pananampalataya, lubos na hinihingi na ang maaatasang magtuturo nito ay may angkop na kaalaman sa Katesismo, kahit sa mga pangunahing turo bilang panimula.

Takdang-Paglilingkod sa Misa

Ito ang pangunahing gawain ng bawat miyembro ng ministeryo. Dahil dito, nararapat lamang na bigyan ito ng karampatang atensyon. Kaalinsabay nito ay ang pagbibigay ng sapat na pagtuturo sa mga nagnanais na maging kasapi ukol sa maayos na paglilingkod sa Misa, at patuloy namang paghuhubog sa mga miyembro para sa isang maayos at disiplinadong paglilingkod. Ito ay dapat palagiang bantayan at pag-ibayuhin. Ang pagbibigay ng takdang-paglilingkod ay ginagawa sa pagpupulong.

Pagsamba sa Banal na Sakramento

Bilang mga lingkod sa Misa, inaasahan ang bawat isa na magsumikap na magkaroon ng malalim na ugnayan sa Panginoon na tunay na namamalagi sa Santisimo Sakramento. Ang pagkakaroon ng debosyon sa Banal na Sakramento ay tumutulong sa isang lingkod upang mas lalong mapahalagahan ang paglilingkod na kanyang ibinibigay sa Misa. Bukod sa iba pa, ang mga Lingkod ng Dambana, dala ng hinihingi ng kanilang ministeryo, ang dapat isa sa mga nangungunang nagmamahal sa Panginoon sa Santisimo Sakramento. Dahil dito, dapat magkaroon din ng iskedyul para sa isang oras na pananalangin sa harap ng Santisimo Sakramento, ito man ay maging lingguhan o buwanan, o sa panahong nakikita ng mga namumuno na naaangkop.

Lingguhang Pananalangin ng Santo Rosaryo

Hinihikayat din ang mga lingkod na magkaroon ng malalim na debosyon sa Mahal na Birheng Maria. Ang sama-samang pananalangin ng Rosaryo ay nagdudulot ng maraming magandang bunga para sa bawat kasapi at para sa samahan. Marapat lamang na laging bumaling sa Mahal na Birhen ang isang lingkod ni Kristo dahil siya ang Ina at Huwaran ng isang tapat na naglilingkod sa dambana.

Maaaring gawin ito sa tahanan ng mga kasapi, bukod sa pananalangin sa simbahan, upang maisama rin naman ang pamilya ng bawat miyembro sa pananalanagin. Daan din ito upang mapagbuklod ang pamilya – ng bawat kasapi at ng buong ministeryo.

Pansariling Pananalangin

Hinihikayat ang mga kasapi na magkaroon ng panahon para sa pansariling pananalangin, ito man ay sa bahay, paaralan, atbp. Inaasahan na ang mga namumuno ang mangunguna sa gawaing ito upang makapagbigay ng mabuting halimbawa sa mga miyembro. Ginagawa ito upang patuloy na lumago ang buhay-pangkaluluwa ng bawat lingkod kahit sa labas ng simbahan. Ang bawat lingkod ay dapat maging ehemplo ng paglago sa kabanalan na makikita sa kanyang salita at gawa.

Gawaing Pamparokya

Ang Lingkod ng Dambana, bilang samahang pamparokya, ay laging handang maglingkod sa Panginoon sa anumang hinihingi sa kanila, bukod sa nakagisnang paglilingkod sa Misa. Dapat isipin palagi ang maiaambag nila para sa mas ikalalago ng parokya at hindi ang isara ang kanilang samahan sa tulong na maaari sana nilang ibigay. Ito ang kanilang pagpapakita ng paggalang, pagsunod, at pagmamahal sa kanilang kura-paroko na kanilang espirituwal na ama at sa parokyang kanilang kinabibilangan.

Araw-Libangan

Ang ministeryo ay hindi naman laging nakatuon sa seryosong paglilingkod. Binibigyan din dapat ng panahon ang pagsasaya at pamamahinga bilang isang samahan. Maaaring kasama nito ang mga sportsfest,

(13)

outings, seminars, atbp. Mas pinalalago nito ang buklod ng mga miyembro bilang mga magkakapatid kay Kristo na sama-samang naglilingkod at nagsasaya. Hangarin din nito ang social development ng mga miyembro upang mahubog sila na marunong makisama sa kanilang kapwa lingkod at sa ibang tao.

Iba pang Gawain

Ang mga namumuno ng ministeryo ay patuloy na hinihikayat na bumuo ng iba pang mga gawaing makapagdudulot ng mabuting paglago ng mga kasapi. Kasama na rito ang mga retreats, recollections, outreach programs, atbp. Marapat nga lamang na isangguni ang lahat ng gawain sa kura-paroko.

IKAAPATNA BAHAGI

PROGRAMA NG PAGTANGGAP (ASPIRANCY PROGRAM)

Ang Aspirancy Program ay ang nararapat na panahon upang hubugin ang isang batang lalaki na nagnanais na maging isang Lingkod ng Dambana. Kung gayon, inaasahang maging isang regular na bahagi ito ng ministeryo, mas mainam kung gawing taunan o depende sa kalagayan at pangangailangan ng bawat parish unit. Ito ay upang masigurong may mga bagong miyembro na mahuhubog at susunod naman sa mga matagal nang miyembro. Ito rin ay nagpapahayag ng magandang paglago ng ministeryo sa pangkalahatan.

MGA KINAKAILANGANPARASA ASPIRANCY PROGRAM

Sa pagtanggap ng mga bagong kasapi para sa Lingkod ng Dambana, iminumungkahi ang mga sumusunod na requirements:

a) Katolikong binyagang lalaki (Certificate of Baptism)

b) Nakatanggap na ng Unang Pakikinabang (Certificate of First Holy Communion) c) Application Form ng ministeryo

Hinihikayat na ang mga dapat tanggapin ay ang mga nasa edad na walo hanggang labindalawang taon lamang (8 - 12 years old). Ito ay upang mabigyan ang mga bata ng sapat na panahon ng paglago bilang mga kasapi ng ministeryo. Mainam din ang edad na ito sapagkat mas madali na silang matuturuan ng mga araling pangkatesismo at mga gawain sa Liturhiya.

Inihahabilin sa kani-kaniyang pamparokyang pamunuan ang mga detalyeng nais nilang idagdag. Ang panahong nakalaan sa bawat yugto (buwan at/o haba ng panahon) ay maaari namang mabago, ngunit hindi dapat maisaalang-alang ang kabuuang paghuhubog sa mga tatanggapin sa ministeryo. Laging isaisip ang magandang paglago ng mga applicants na magdudulot din naman ng mabuting ambag para sa hinaharap ng ministeryo.

Para sa mga maaatasang gagabay sa mga nagnanais na makasapi sa samahan, hinihingi ang lubos na paghahanda upang maging makabuluhan ang aspirancy program ng mga bata. Marapat maglaan ng panahon ng paghahanda o pag-aaral para sa mga magtuturo.

Yugto Layunin Panahon Namamahala

Application

* Upang malaman ang mga personal na impormasyon ng mga nagnanais na sumapi.

* Upang makapagpasa ng mga hinihinging requirements:

1) Application Form

2) Cert. of 1st Holy Communion 3) Cert. of Baptism

* Ang mga papasok ay tatawaging

Applicants.

Una – Ika-2 linggo ng Marso

Secretary

- paglilikom ng mga dokumento

(14)

Screening/ Interview

* Upang makakuha pa ng ibang personal na impormasyon at malaman ang intensyon ng pagsali ng mga applicants.

Ika-3 – Ika-4 na linggo ng Marso

Animator – applicants LNDPA President –

magulang ng mga applicants

Observation

* Upang masubaybayan ang mga pagkilos at pag-uugali ng mga applicants sa pamamgitan ng kanilang pagsama sa ilang gawain ng ministeryo. Ang mga makapapasa sa yugtong ito ang tutuloy sa

Formation Seminars.

* Ugnayang dapat subaybayan: 1) Applicants sa mga miyembro 2) Applicant sa kapwa applicant

Abril Sa mga gawain ng ministeryo maliban sa

paglilingkod sa Misa

Vice President

- sa tulong ng core group

Formation Seminars

* Kapag nakapasa na sa observation, sila ay tatawagin nang Aspirants.

* Dito itinuturo ang mga batayang Katesismo ng Simbahan (Kredo,

Sakramento, Mga Utos, Panalangin, atbp) * Makapaglaan ng isang Self-Discovery

Seminar para sa mga aspirants.

* Makapagbigay ng Pagsusulit upang mapagbatayan ng kanilang natutunan. Ang mga makapapasa sa Pagsusulit ay tutuloy sa Practicum.

Mayo Mas mainam kung tatlong beses sa isang

linggo, o depende sa kakayahan ng mga

magtuturo

Animator

- Pagtuturo ng Katesismo - Pagbabahagi ng gawaing ito sa core group

- pag-iimbita ng mga maaaring magbigay ng talk

Practicum

* Ang mga makapapasa sa Pagsusulit ay tatawagin nang Candidates for

Investiture.

* Ito ang panahon upang mabigyan ng praktikal na pagsasagawa ng mga natutunan sa formation seminars, lalo na sa paglilingkod sa Misa.

* Maaaring magkaroon ng dalawang bahagi o isa lamang sa dalawang ito: 1) Paglilingkod sa Misa nang walang pari bilang paghahanda (dry run)

2) Pagpapahintulot na maglingkod sa Misa maliban tuwing Sabado at Linggo, ngunit hindi muna papayagang magsuot ng opisyal na damit ng paglilingkod (ang sotana at surplice)

Hunyo

President

- Pagbibigay ng Takdang-paglingkod sa Misa

- Marapat munang ipakilala ang mga candidates sa kura-paroko bago sila

paglingkurin sa Misa. - Isama ang core group sa pagsusuri ng mga candidates sa kanilang takda bilang

evaluation ng kanilang

paglilingkod.

Investiture Rites

* Opisyal nang tatanggapin ang mga

candidates bilang mga miyembro na ng

ministeryo.

Hulyo o depende sa hinihingi ng pagkakataon

Kura-paroko

- ang opisyal na tatanggap sa mga bagong miyembro at magpapakilala sa komunidad. Core group

- paghahanda ng

pagdiriwang, mainam na sa loob ng Misa ito ganapin LNDPA President

- pakikipag-ugnayan sa mga magulang ng mga candidates

PROGRAMA NG PAGPAPANIBAGO (RENEWAL PROGRAM) Page 14 of 18

(15)

Ang Renewal Program ay kinakailangan lamang kung may mga dating kasapi na sakop pa ng edad ng pagiging miyembro na nagnanais na bumalik sa paglilingkod; samakatuwid ay hindi naman kailangang maging regular na programa ng ministeryo. Kailangang maging mabuti ang pag-aaral ng kanilang kalalagayan at intensyon sa kanilang pagbabalik. Marapat ding laging isaalang-alang ang ikabubuti ng ministeryo.

Nililinaw na iba ang Programa ng Pagpapanibago na para sa mga gustong bumalik kaysa sa Pagpapanibago ng Pangako ng Paglilingkod na ginagawa naman ng mga regular na kasapi ng ministeryo. Ang mga detalye ng programa (panahong nakalaan sa bawat yugto, mga dahilang ng muling pagtanggap, atbp.) ay inihahabilin na sa kakayahan ng pamparokyang pamunuan ng ministeryo, alinsunod sa higit na kinakailangan at katatayuan ng parish unit.

Yugto Layunin Panahon Namamahala

Re-Application * Upang malaman ang pagnanais at intensyon ng re-applicant sa kanyang pagbalik Huling Linggo ng Disyembre Secretary - paglilikom ng panibagong application form o

pagsasaayos ng dating mga dokumento ng re-applicant/s

Interview

* Upang malaman ang dahilan ng pag-alis at katatayuan ng re-applicant.

* Malaman kung may nagawang hindi kanais-nais na naging sanhi ng pag-alis, at kung ito’y maaari pang mabigyan ng konsiderasyon.

Unang Linggo ng Enero

President

- pagpupulong kasama ang core group ukol sa katatayuan ng re-applicant Parish Priest

- maaaring hingin ang pananaw ng kura-paroko para sa mga mabibigat na kaso.

Review Seminars (for 5 re-applicants

and up) or

Qualifying Exam (for less than 5)

* Parehong ibibigay lamang sa mga nakapasa sa Interview at sa desisyon ng pamunuan

* Ang Review Seminars ay upang maipaalam muli sa re-applicants ang mga batayang Katesismo

* Ang Qualifying Examination ay upang masubok ang nalalaman pa ng

re-applicants. Ibinibigay din ito matapos ang review seminars bilang batayan ng

kanilang natutunan.

Ika-2 – Ika-4 na Linggo ng Enero. Ang

qualifying exam ay

matapos ang serye ng

seminars na ito.

Animator

- Pagtuturo ng Katesismo - Maaaring ibahagi ito sa mga ibang miyembro ng core group

Service at Mass

* Matapos makapasa ang re-applicants, sila ay tatawagin nang Candidates for

Renewal.

* Ang kanilang mga takdang-paglilingkod sa Misa (maliban sa Sabado at Linggo) ay upang masariwa nila ang mga gawain sa Misa

Pebrero

President

- ang pagbibigay ng takdang-paglilingkod.

- Kasama ang core group sa pagsusuri sa gawi ng mga

candidates habang

naglilingkod.

Day of Renewal * Upang muling pormal na matanggap sa ministeryo. Gaganapin ito sa isang

maayos na pagpupulong ng ministeryo. Marso

Core Group

- paghahanda ng renewal

rites at ilan pang nais na

pagdiriwang Parish Priest

- opisyal na tatanggap sa mga

candidates

LNDPA President

- ang makikipag-ugnayan sa mga magulang ng candidates

A

NG

P

AGDIRIWANG NG

P

AGTATALAGA

AT

P

AGPAPANIBAGONGMGA

(16)

K

ASAPI NG

L

INGKODNG

D

AMBANA

D

IYOSESISNG

S

AN

P

ABLO

Ang pagtatalaga ay gaganapin sa loob ng pagdiriwang ng Misa. Ang mga sutana at surplice na gagamitin ay babasbasan sa kaukulang oras bago simulan ang Misa ng pagtatalaga. Pagkatapos ng homiliya ang kura-paroko ay uupo sa isang silyang inihanda sa may harapan ng dambana. Siya ay tatabihan ng punong tagapaglingkod. Tatawagin isa-isa ng animator ng Lingkod ng Dambana ang mga pangalan ng mga itatalaga.

Animator:

Minamahal naming Kura-paroko, narito po ang mga nais na maging kasapi ng Lingkod ng Dambana. Lumapit ang mga itatalaga.

Isa-isang tatawagin at lalapit ang mga itatalaga sa harapan ng kura-paroko magpupugay at tutugon:

Itatalaga: Narito po.

Kapag nakaharap na sa kura-paroko ang mga tinawag, magsasalita ang animator.

Animator:

Matapos ng masusing paghahanda sa kaalaman at pagsusuri ng pag-uugali, pinatutunayan ko po na ang ating mga kapatid ay handa na upang italagang Lingkod ng Dambana.

Kura-paroko:

Mga minamahal naming kapatid, nang pasimulan ang pagsamba ng bansang Israel sa tunay na Diyos, nagsimula rin ang ritwal na paghahain at sa pamamagitan ng angkan ni Levi, humirang sila ng mga kabataan tulad ng propetang si Samuel na handang maglingkod sa mga punong pari sa toldang tipanan. Sa pag-agos ng panahon sa unti-unting paglago ng simbahan tumawag ang mga namumuno ng mga kabataan upang maglingkod sa hapag ng bagong tipan. Kayo ay bahagi ng mahalagang kasaysayang ito. Sa araw na ito, buong kalayaan kayong pumarito sa tulong ng inyong mga magulang upang ipahayag sa Diyos at sa kanyang sambayanan ang inyong pagnanais na maglingkod sa Kanyang dambana. Ipinapaalala ko sa inyo na ang tungkuling ito na iaatang sa inyong balikat ay isang dakilang karangalan na ipinagkakaloob dahil sa inyong pakikiisa kay Hesus na inyong tinanggap noong kayo ay binyagan. Sagutin ninyo ngayon ng buong katotohanan ang mga katanungan.

Nakahanda ba kayong ilaan ang sarili at panahon upang maglingkod ng buong puso kay Hesus sa katauhan ng pari na inyong pinaglilingkuran?

Itatalaga:

Opo, nakahanda kami. Kura-paroko:

Nakahanda ba kayong maging mabuting halimbawa sa inyong kapwa kabataan sa pamamagitan ng panalangin, kalinisan ng puso, at pagiging mabuting kapatid sa kapwa tagapaglingkod?

Itatalaga:

Opo, nakahanda kami. Kura Paroko:

Ang Diyos ang nagkakaloob sa simbahan ng mga kabataan upang ilaan ang sarili sa Kanyang gawain. Manalangin tayo mga kapatid upang pagpalain ang paghahain ng sarili ng ating mga kabataang nais

(17)

maging lingkod.

Tatayo ang sambayanan at luluhod naman ang mga itatalagang kasapi, pagkatapos ay ilulukob ng kura paroko ang kanyang mga kamay sa mga itatalaga, kasabay ang tahimik na pananalangin. Matapos ay babalik sa harap ng dambana ang kura-paroko at mananalangin:

Kura Paroko:

Diyos ng Kaluwalhatian,

Ipinakita ng Iyong minamahal na Anak na ang tunay na pagsamba ay nagmumula sa isang pusong nagtitika at mababa ang loob. Pagpalain mo + ang aming mga kapatid na tumugon sa pangangailangan ng aming parokya at nagnanais na italaga ang sarili upang maging Lingkod ng Dambana. Ipagkaloob mo na ang kanilang paglilingkod ay maging tunay na mabunga at ang aming pagsamba ay tunay na maging kalugud-lugod sa iyong paningin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Lahat:

Amen.

Uupo ang kura-paroko at tatayo ang mga itatalaga. Isa-isang silang lalapit sa kura-paroko na siyang magkakaloob sa kanilang mga kamay ng damit na gagamitin sa paglilingkod habang binabanggit:

Kura-paroko:

Tanggapin mo ang damit na ito, tanda ng pakikiisa sa Misyon ng Panginoon. Palaguin mo ang iyong pananampalataya sa paglilingkod sa Dambana ng Kaligtasan.

Itatalaga: Amen.

Lalapit ang mga magulang at tutulong sa pagbibihis sa kanilang mga anak habang inaawit ang kaukulang awit tungkol sa paglilingkod. Pagkatapos ng pagbibihis sasabihin ng kura-paroko:

Kura-paroko:

Minamahal na sambayanan, narito ang ating mga bagong talagang Lingkod ng Dambana.

Magbibigay pugay ang mga bagong talagang Lingkod ng Dambana sa kura-paroko at pagkatapos ay magpupugay sa sambayanan. Pasasalubungan sila ng masigabong palakpakan. Maaari silang paakyatin sa sanktwaryo upang maglingkod sa Liturhiya ng Eukaristiya o paupuin muli sa inilaang lugar para sa kanila. Magppatuloy ang Misa.

PAGPAPANIBAGONG PANGAKONG PAGLILINGKOD

Maaaring gawin ang pagpapanibago ng pangako ng paglilingkod sa Misa ng pagtatalaga. Matapos ang Panalangin matapos ang

Komunyon, pauupuin ang mga tao.

Animator:

Isasagawa ng mga kasapi ng Lingkod ng Dambana ang pagpapanibago ng kanilang pangako ng paglilingkod. Hinihiling namin sa Panginoong tumawag sa amin sa paglilingkod, sa pamamatnubay ng Mahal na Birheng Maria na Ina at Huwaran ng lahat ng mga Lingkod ng Dambana, na kami ay dulutan ng pagpapala na patuloy na maging tapat sa Kanya at sa Kanyang Sambayanan.

Tatayo ang mga kasapi ng Lingkod ng Dambana, kasama ang mga bagong talaga. Aakyat ang isang kasapi ng Lingkod ng Dambana sa sanktwaryo at pangungunahan ang Pangako ng Paglilingkod

Namumuno:

(18)

Mga kapatid, itaas ang kanang kamay at sabay-sabay nating ipahayag ang Pangako ng Paglilingkod. Lingkod ng Dambana:

Panginoon, narito ako, handang paglingkuran Ka. Sisikapin kong maging tapat sa aking tungkulin na maglingkod sa Pagdiriwang ng Misa at tumulong sa anumang gawain ukol sa Simbahan. Sisikapin kong magbigay ng mabuting halimbawa sa lahat at tulungan ang aking kapwa sa paggalang sa Iyong tahanan. Nawa’y maging tapat na lingkod mo ako sa tulong ni Santa Mariang aking ina at huwaran.

Amen.

Ibababa ang kanang kamay at magpupugay sa Dambana. Haharap sa sambayanan at magpupugay. Magpapatuloy ang Misa.

Referensi

Dokumen terkait

Tantangan ini bisa saja membuat hubungan spesial dengan teman kantor tidak berjalan seperti yang diinginkan.. Menjadi pasangan sekantor bukanlah hal mudah untuk dilalui,

power sterring X frame Lh, Check E/G mounting X frame lh, Check E/G mounting X E/G lh, Check cover rack boot steering Lh, Bolt bracket stabilizer lh,

Hal tersebut terjadi dalam kasus Masyarakat Dayak Iban, dimana keberadaan kebijakan negara tentang IUPHHK yang diberlakukan pada kawasan Hutan Sungai Utik, membuat

-* Member#ihkan tumbuhan liar terutama pada daerah perletakan3landa#an dan e4pan#i)n  j)int pada dinding batu atau bet)n dan #ekitar #truktur ka!u* Pember#ihan

Penelitian ini menganalisa efektifitas energi yang dihasilkan dari turbin angin yang akan diinstalasi pada deck Fisheries Inspection Vessel 594 GT dengan variasi jumlah dan

Hasil Penelitian menunjukkan bahwa: (1) Siswa Kelas X SMA Negeri 2 Majene memiliki; Kecerdasan (IQ) dengan kategori rata-rata, Motivasi berprestasi dengan kategori tinggi,

Setelah manajemen telah menyampaikan tanggapan laporan audit, audit internal harus menggabungkan tanggapan dengan draft temuan dan rekomendasi untuk melepaskan

pembengkakkan kulit akibatkan proses perendaman dengan bahan kimia akan menghasilkan nilai pH yang berbeda pula pada produk gelatin yang dihasilkan (Pantow et