• Tidak ada hasil yang ditemukan

Kaligirang Pangkasaysayan Ng Tula

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Kaligirang Pangkasaysayan Ng Tula"

Copied!
5
0
0

Teks penuh

(1)

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Tula

Maraming paraan kung paano ipahayag ang damdamin, ideya o saloobin. lsa na rito ang pagpapahayag sa pamamagitan ng tula. Ang masining na pagpapahayag ng dandamin, kaisipan o saloobin tungkol sa pag-ibig, kapaligiran, damdamin, politika at iba pa ay tinatawag na tula. Bakit masining? Sapagkat dito'y isinasaalang - alang ang tugma, sukat, indayog at maging paggamit ng tayutay o matalinghagang salita / pahayag. Kaysarap bigkasin ng tula. Ang tula na tinatawag ding awit. Marami na ring nagtangkang magbigay ng kahulugan ng tula. Kabilang sa mga kilalang tao na nagbigay sa kahulugan nito ay ang sumusunod:

l. Matandang Panahon

Ang-panitikang Pilipino sa Matandang Panahon ay hindi raw gaanong maunlad. Ang mga anyo ng panitikan, kabilang ang tula ay umunlad at lumaganap lamang noon sa pamamagitan ng bibig (pasalin-saling dila). Hindi pa nasusulat ang tula, binibigkas lamang ito noon at nagpasalin-salin hanggang sa matutuhan ng ating mga ninuno.

Ang tradisyong patula ay nahati sa dalawang kategorya: hindi inaawit at inaawit. Kabilang sa hindi inaawit ang panugmaang bayan at sa inaawit naman ang kantahing-bayan.

Sinasabing ang mga tugmang walang diwa o tugmang pambata na tinatawag ding kasabihan o Mother Goose Tryme sa ingles ang pinagmulan ng tula. Maririkit ang pananalitang ginagamit sa kasabihan na ang mga salita ay ginagamit na pangkasanayan ng mga bata sa pagsasalita. Kulang ito sa kahulugan, walang talinghaga na bukambibig mula noon hanggang sa ngayon. Maaring layunin nitong ituwid ang dila nang mga bata ay di mautal sa pagsasalita; panudyo sa mga nagkakapikunang bata sa laro; pang-alo sa nagmamaktol na mga bata at pansabi-sabi sa mga namamasid sa kapaligiran. Ilan sa mga halimhawa nito ang sumusunod:

Bata...batuta Putak...putak! Tiririt ng maya Samperang muta batang duwag Tiririt ng ibon

Matapang ka't nasa pugad ibig mag-asawa Walang ipalamon.

Nagsimula ang panulaang Pilipino sa anyo ng bugtong, salawikain, at iba pang awiting bayan. Ang unang layunin ng bugtong ay magbigay kasiyahan sa mga tagapakinig at ng mga manlalaro. Kahit simple ang estraktura dito nasusukat ang talino at kaalaman tungkol sa bayan. Ang bugtong ay karaniwang nang daludturan o dadalawahing taludtod, kung minsan naman ay apalaudturan o aapating taludtod ang bumubuo sa isang saknong. Gayundin ang mga salawikain ay kapapalooban ng mabubuting payo at paalala batay sa mga naging karanasan ng matatanda. Sina Padre Gregorio Martin at Mariano Cuadrado na mga Franciscano ang mga unang nagtipon ng mga salawikaing Tagalog at nagbigay paliwanag sa mga Español. Sa panulaang ito ay nasalamin ang tunay na mga saloobin at kaisipan ng matatalinong ninuno ng mga Pilipino.

“Ang tula ay isang pagbabagong hugis ng buhay. lsang paglalarawan ng buhay na hinango sa guniguni na pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw at lalong mainam sa mga sukat at tugma.

- Alejandro at Pineda “Ang tula ay isang kamalayang napasigasig (heightened consciousness)”

“... ing kasaklaw ng pagtula ay higit na malawak kaysa alinman sa ibang gagad na mga sining, pagsama-samahin man ang mga iyon. Ang manlililok ay makagagagad ng anyo lamang; ang mangguguhit-larawan, ng anyo at kulay lamang; ang artista ng dulaan - samantalang hindi pa napagkakalooban ng mga makata ng mga pangungusap-tanging ng anyo, kulay at galaw lamang. Ang tula'y siyang lumalagom sa kabilang daigdig at iniuugnay ito sa ibang mga sining. Ang puso ng isang nilikha ay siyang bayan ng tula, at tanging ng tula lamang.”

- Fernjndo Monleon “Ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuan ng tanang kariktan nakikita sa silang ng alinmang langit."

- Regalado

“Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan, ng Kadakilaan,: tatlong bagay na kailangang magkatipon-tipon sa isang kaisipan upang mag-angkan ng karapatang matatawag na tula"

- Julian C. Balmaceda

(2)

Mga Halimbawa : Bugtong

Daludturan: Apaludturan:

Hayan na, hayan na, Ako ay nagtanim

Di mo pa Makita. (hangin) Sa gitna ng bukid Marami ang nagsihanap

Ngunit isa lamang ang nagkapalad. (Pag-ibig)

Salawikain

Daludturan: Apaludturan:

Ang kapalaran ko di ko man hanapin Ang buhay ay gayon lamang Dudulog, Ialapit kung talagang akin. Ang ugali’t kalakaran

Ganti-ganti katwiran Magbayad ang may utang

Mayroon na ring mga tugmang ganap na tula kung saan nabibilang ang tanaga ng mga Tagalog at Ambahan ng Mindoro. Ang tanaga ay binubuo ng pitong (7) pantig bawat taludtod, may apat na taludtod sa bawat saknong at matalinghaga.

Halimbawa ng Tanaga

Ang katoto kapat tunay Kabibi, ano ka ba? hindi ngiti ang pang-alay May perlas, maganda ka; kundi isang katapatan Kung idiit sa tainga. ng mataus na pagdamay. Nagbubuntunghininga! ni Emelita Perez Baes ni lldefonso Santos

Ang ambahan naman Padre Antonio Postma ay maritmo o maindayog na patulang pagpapahayag na may sukat at may bilang na pitong pantig ang bawat taludtod na may tugma. lsinasaawit nang walang tiyak na tono ng anumang instrumentong pang musika at naglalayong makapagpahayag sa matalinghagang paraan.

Ang mga Pilipino noon ay mayroon na ring kantahing bayan, mga katutubong awiting naririnig tuwing may okasyong idinaraos sa nayon; epiko, isang mahabang salaysay sa anyong patula na maaring awitin na kinapapalooban ng mga paniniwala, kaugalian, saloobin at mga mithiin sa buhay ng mga Pilipino.

Mga halimbawa ng awiting bayan:

Sit-si-rit-sit Pamulinawen

Sit-si-rit-sit, alibambang, Pamulinawen

Salaginto't salagubang Pusok imdengan man

Ang babae, sa lansangan Toy umas-asug

Kung gumiri'y parang tandang. Agrayo ita sadiam

Santo Ninyo sa Pandakan Panunotem man

Putoseko sa tindahan Dika pagintultulngan Kung ayaw kang magpautang

Uubusin ka ng langgam Itdem ta diak kalipatan Mama, mamang namamangka Ta nasudi unay a nagan, Pasakayin yaring bata, Uray sadin' ti sysn, Pagdating mo sa maynila, Lugar sadimo man, lpagpalit ng manika. Aw-awagak a di igsarday

Ta naganmo a kasam-itan

(3)

Ang Panahon ng Español (1565-1898)

Sa panahon ng mga Español, lumaganap ang mga tulang may temang pansimbahan, pangkagandahang asal, pag-aliw, at iba pa. Mga prayle ang nagpasimula nito na simulan rg mga Ladino at naghangga sa pantasya ng mga romantiko na nakatulong sa pagpapalaganap ng awit at korido. Nakilala ang mga awit tulad ng Buhay ni Segismundo, Doce Pares sa Kaharian ng Francia, Prinsipe lgmidio at Prinsesa Cloriana, Salita sa buhay ni Maria Alimango; at ang korido na Ang Haring Patay, Ang lbong Adarna, Don Juan Teñoso, Darna lnes, at iba pa.

Ang tula at bahagi na ng panitikang Pilipino. Mula noon hanggang ngayon ay tinatangkilik ito ng marami sa atin. Maraming Pilipino ang nagging bahagi ng kasaysayan nito at nagbigay ng kontribusyon upang lalong umunlad ang panulaang Pilipino.

lsa sa mga Pilipinong nagbigay ng malaking kontribusyon sa ating panulaan ay ang ating pambasang bayani na si Dr. Jose P. Rizal. Nilikha niya ang tulang ito para sa kabattan, upang mamulat na mahalin at pahalagahan ang sariling wika. Basahin natin ang tulang kaniyang nilikha.

SA AKING MGA KABABATA Ni Dr. Jose P. Rizal

Kapagka ang baga'y sadyang umiibig Sa kanyang salitang kaloob ng langit, Sanlang kalayaan nasa ring masapit Katulad ng ibong nasa himpapawid. Pagkat ang salita'y isang kahatulan

Sa bayan, sa nayo't mga kaharian, At ang isang tao'y katulad, kabagay Ng alinmang likha noong kalayaan. Ang hindi magmahal sa kanyang salita

Mahigit sa hayop at malansang isda, Kaya ang marapat pagyamaning kusa

Na tulad ng inang tunay na nagpala. Ang wikang Tagalog, tulad din sa latin,

Sa ingles, Kastila't sa salitang anghel, Sapagkat ang Poong maalam tumingin Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati'y tulad din sa iba Na may alpabeto at sariling letra, Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una. Ang Panahon ng Amerikano (189-1941)

Pinalaya ng mga Amerikano ang Pilipino sa kamay ng mga Español subalit sa Treaty of Paris noong Disyembre 10, 1898, binili ng Amerikano sa España ang Pilipinas saka lumabas ang tunay na layunin ng Amerikano sa mga Pilipino.

Nang maging payapang muli ang kalagayan ng mga Pilipino, umasa ang maroromansang ideya. Naging karaniwang paksa ang kalikasan, ang tao, ang pag-ibig at maging ang kalayaan.

SA PAMILIHAN NG PUSO (Jose Corazon de Jesus)

Ang tulang Tagalog na ito ay nailathala sa Taliba noong Enero 30, 1929. Huwang kang iibig nang dahil sa pilak

pilak ay may pakpak dagling lumipad

pag iniwan ka na, ikaw'y maghihirap. Huwang kang iibig nang dahil sa ganda

(4)

ganda’y nagbabawa kapag tumanda na

ang lahat sa mundo’y sadyang nag-iiba. Huwag kang iibig sa dangal ng irog kung ano ang tayog

siya ring kalabog

walang taong hindi sa hukay nahulog. Huwag kang iibig dahilan sa nasang maging masagana

sa ilaw at tuwa

pagkat ang pag-ibig ay di nadadaya.... Kung ikaw’y iibig ay yaong gusto mo at mahal sa iyo

kahit siya’y ano,

pusong-puso lamang ang gawin mong dulo. Kung ikaw’y masawi'y sawi kang talaga ikaw na suminta

ang siyang magbata;

kung magirg mapalad, higit ka sa iba. Sa itong pag-ibig ay lato ng puso di upang magtubo

kaya sumusuyo

pag-ibig ay hukay ng pagkasiphayo. Ang Panahon ng Hapon (1942-1945)

Umusbong ang panitikang Pilipino sa panahong ito sapagkat sariling wika ang ipinagamit ng mga Hapon sa mga Pilipino. Naging paksa ng panitikan ang pag-ibig at pagkamakabayan. Natutuhan na rin sa panahong ito ang haiku ngmga Hapon. Ito ay maiikling tuia na may lalabimpituhing pantig at binubuo ng tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay lima, ang gitna ay pito, at ang huli ay lima rin.

Gonzalo K. Flores (1943) 1. Tutubi

Hila mo'y tabak . . . Ang bulaklak: nanginig! Sa Paglapit mo. 2. Anyaya

Ulilang damo

Sa tahimik na ilog : . . Halika, sinta.

Ang Panahon ng Republika (1946-Kasalukuyan)

Noong dekada 50, muling sumigla ang larangan ng panitikan, nagkaroon ng mga patimpalak sa paglikha ng tula at iba pang anyo ng panitikan. Tumaas ang uri ng panitikan dahil sa mga mapanuring kritiko kaya naman naging maingat ang manunulat sa pagsulat. Masining lalo ang mga panitikan sa mga panahong ito. May mga alagad ng wika na patuloy sa pagtulong sa pagpapaunlad ng wikang Filipino. Kabilang dito ang KADIPAN (Kapisanang Aklat, Diwa at Panitik) at ang Gawad Palanca na itinatag sa alaala ni Don Carlos Palanca. Ang naging paksa ng tula ay pag-ibig, kalungkutan, pagkapoot, tao at kalikasan. Sinasabing panahon ng pagkabagabag at pagbibinhi ng aktibismo ang dekada 60.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang paglaganap ng tula. Marami pa ring manunulat ang umusbong upang maipakita ang pagmamahal sa bayan at sa wika.

(5)

Gramatika

Batay na pag-alam sa mga pangwikang kayarian. Sumasaklaw ito sa kaalaman at kasanayan sa kayarian ng wikang pinag-aaralan. Sa pagbibigay ng tuon sa mga tiyak na istrukturang gramatikal bilang bahagi ng pagkatuto ng wika,naging batayan ang kaisipan ni Sibayan (1998).

Saklaw ng gramatika ang pag-aaral sa sistema ng pagkakaugnay-ugnay ng mga salita sa pagpapahayag ng kaisipan. Tumutukoy ang wastong gamit ng Filipino sa paglalapat o aplikasyon ng kaalamang panggramatika at panretorika sa pagbuo ng makabuluhang pangungusap o pahayag. Wasto ang gamit ng Filipino kung bukod sa maayos o nasa tamang sistema ang pagkakabuo ng pangungusap o pahayag ay kaakit-akit na pakinggan o basahin. Retorika

lsang sining. Susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaiga-igaya, at epektibong pagsasalita o pagsulat.

Nagmula sa salitang rhetor na salitang Griyego na ang ibig sabihin ay 'guro'o orador o mananalumpati. lsang sining ng pakikipag-usap at pagsulat. Ang retorika na tinatawag ding sayusay ay isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa kaakit-akit at magandang pagsasalita at pagsulat. Pinag-aaralan din sa retorika ang ukol sa mga tuntunin ng malinaw, mabisa, at kaakit-akit na pagpapahayag

Ayon kay Sebastian (2007), ito ay isang mahalagang kaalaman ng pagpapahayag na kung saan ay tinutukoy kung maganda o kaakit-akit ang pagsusulat at pagsasalita. Maaari rin itong tawagin bilang pagaaral o kahusayan ng isang indibidwal o pagpili ng mga salitang gagamitin sa pagsasalita o pagsulat.

lpinahayag naman ni Aristotle na isang pilosopong Griyego, na ang retorika ay sining ng panghihikayat, na karaniwan ang mga pahayag ay kakikitaan ng mga mabulaklak at madamdaming mga salita.

lnilahad naman ni Socrates na isa pa ring pilosopong Griyego na ang retorika ay isang pagtatalo kung saan magandang pinili ang salita upang higit na maging kaakit-akit ang pagpapahayag.

Sa kabuuan, sa pagpapakahulugan sa salitang retorika, tungkol ito sa maayos na paggamit ng wika na may layang hikayatin ang kaisipan at damdamin ng ibang tao.

Kung ang retorika ay nagbibigay ng linaw, bisa, at kagandahan sa pagpapahayag, nagdudulot naman ng kawastuhan sa pahayag ang gramatika. Ang pagkakaugnay ng mga salita sa pangungusap, wastong panuring, mga pang-uugnay at iba pa ay nagiging tulong upang maging maayos ang gamit ng wika.

Referensi

Dokumen terkait

Pang-angkop- Ang pang-ankop ay ang salitang ginagamitan ng mga pang-ugnay upang maging madulas ang pagbigkas. Ginagamit ang pang-angkop bilang pang-ugnay ng salita sa kapwa salita.

Nilalayon nitong maturuan ang mga guro ng wastong paggamit ng mga makabagong metodo upang maging mahusay na tagapagturo ng mga kaalaman lalong higit sa pagtuturo

vi. Kuwento ng Sikolohiya – mangilan-ngilan lamang ang sumusulat ng kuwentong ito sa kadahilanang may kahirapan ilarawan ang pag-iisip ng isang tao. Ang higit na kakailanganin

Sa pag-aaral na tulad nito, hindi lamang salita o wika ang binusisi ng mananaliksik kundi maging ang kahulugan o silbi ng tula kaya may kiling ang

Tumutol dito si Lino sapagkat wala naman siyang balak na hanapan ng bodyguard ang anak ng Don ngunit ipinaliwanag ni Albino na dapat niya itong gawin upang hindi pagtangkaan ang

Ang usaping ito ay para sa kinabukasan ng mga mamamayan maging ng bansa kaya naman masusi dapat itong binubusisi upang maiwasan ang pangmatagalang problema na

upang maging ayos ang isang larawan ay dapat magkaroon ng apat na ilong at pitong ulo; 32 anang isa‟y kung bakit malitid, sa, ang mga Indiyo ay hindi gayon;

Tumingin ang bayani sa mga kasamahan niya; wala na siyang maskara ngayon upang itago ang totoo niyang pagkatao na muntikan na rin niyang nakaligtaan dahil sa pagiging isang bayani..