• Tidak ada hasil yang ditemukan

K-12 pamanahong papel.docx

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "K-12 pamanahong papel.docx"

Copied!
10
0
0

Teks penuh

(1)
(2)

Talahanayan ng Nilalaman

Kabanata I

A. Panimula

B. Mga Tiyak na Layunin C. Kahalagahan ng Pag-aaral

D. Saklaw ng deLimitasyon ng Pag-aaral E. Katuturan ng mga Katawagang ginagamit Kabanata II

Sandigan ng Pag-aaral at mga Kaugnay na Literatura Kabanata III

Istratehiyang Ginamit at Pinagkunan ng Datos Kabanata IV Paglalahad Kabanata V Paglalagom at Konklusyon Kabanata VI Pagbibigay ng Rekomendasyon Kabanata VII Bibliograpiya

(3)

Kabanata I

Panimula

Ang K+12 ay isang programang nagnanais na mapalawig ang kalidad ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng pagdaragdag ng dalawa pang taon sa kurikulum ng mga mag-aaral. Ito ay isinabatas ng kasalukuyang administrasyon upang tugunan ang bumababang kalidad ng edukasyon sa bansa. Ayon sa kanila, ito ang magiging susi upang mapadali ang buhay ng mga kabataan. Sinasabi nilang pagkagradweyt ng mga mag-aaral sa huling taon ay maari na silang mag-umpisang magtrabaho hindi katulad sa kasalukuyang panahon na ang karamihan ay kailangan pa ng dalawang taon bago makapagtrabaho.

Ang K+12 ay maituturing na isang suliraning pambansa dahil kapakanan ng lahat ng mamamayan ang usaping ito. Ang usaping ito ay para sa kinabukasan ng mga mamamayan maging ng bansa kaya naman masusi dapat itong binubusisi upang maiwasan ang pangmatagalang problema na maaaring maidulot kung sakaling hindi maging maayos ang pagkakapatupad rito.

Matinding paghahanda ang dapat gawin ng pamahalaan para sa programang ito. Ang programang ito ay may matinding pangangailangan sa mga guro, mga klasrum, libro, at pera. Ang mga ito ay kailangan mapondohan ng tama bago mailunsad. Hindi biro ang kinakailangang pundo para sa programang ito dahil sangkot dito ang buong kapuluan kung saan libo-libo ang mga paaralan.

(4)

Kabi-kabila na ang mga nagiging debate at diskursyon ukol sa usaping ito. Makakatulong ito para maungkat ang mga isyu nang sa ganoon ay maging handa ang lahat sa mga maaaring kahantungan kung sakaling maipatupad na ito.

Mga Tiyak na Layunin

Pangkalahatang Layunin

Nilalayon ng pag-aaral na ito na bigyang kasagutan ang mga tanong ukol sa mga positibo at negatibong epekto ng programang K+12 sa kasalukuyang panahon.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pagsasaliksik na ito ay makatutulong upang maipabatid sa mga mamamayan ang mga positibo at negatibong epekto ng programang ito. Ito ay makatutulong para sa kaalaman ng mga kabataang mag-aaral pati na rin ang mga magulang na siyang isa sa mga unang maapektuhan sa katuparan ng programang ito.

Saklaw ng Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pamanahong papel na ito ay nakatuon at nagbibigay pansin lamang sa mga limitadong impormasyon na dapat sundin at bigyang pansin.

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga positibo at negatibong epekto ng pagkakatatag ng programang K+12 sa larangan ng edukasyon. Hindi na nito

(5)

pag-uukulan ng pansin ang mga paraan kung paano masolusyunan ang mga maaring maging epekto sa pagkakatupad ng programang ito.

Ang mga datos na nakalap ay mula sa mga naging pahayag ng ilang tao at ilang mga impormasyon kagaya na lamang ng mga memorandum mula sa Kagawarang ng Edukasyon.

Katuturan ng mga Katawagang Ginagamit

K+12. Ito ay ang programang bagong lunsad nang kasalukuyang administrasyon upang tugunan ang problema sa edukasyon sa ating bansa.

Kabataan. Ang mga pangunahing sangkot sa programa kung saan sila ang maapektuhan ng programang ito.

Kagawaran ng Edukasyon. Ito ang kagawaran ng Republika ng Pilipinas na tumutugon sa pang edukasyong sector ng ating bansa. Sila rin ang nagpapalabas ng mga ordinansa sa buong kapuluan para sa kaalaman ng lahat ng paaralan sa bansang ito.

Drop-out rates. Bilang ng mga napapaalis sa eskwelahan sanhi ng maraming problema.

(6)

Kabanata II

Sandigan ng Pag-aaral at mga Kaugnay na Literatura

Ayon kay Joe Padre, kabilang sa mga nagtutulak maisabatas ang programang ito ay ang mga pulitiko at mga batikang tao sa industriya. Sa bahagi naman ng mga hindi sang-ayon dito ay ang mga mamamayan na direktang maapektuhan kung sakaling daragdagan ang taon ng pag-aaral.

Ayon naman sa isang mamamahayag ng Philippine Daily Inquirer na si Tarra Quismundo, mas magiging kompetitib ang mga Pilipino sa mga dayuhan dahil mas magkakaroon sila ng kasanayan sa loob ng dalawang taong idaragdag sa kurikulum ng edukasyon. Ani niya ay maiiwasan ang pang-mamaliit at pang-aabuso sa mga Pilipino dahil mas magiging malawak ang mga kaalaman nito pagkagraweyt ng hayskul.

Ang K+12 ay may kaloob na dalawang karagdagang taon sa hayskul kung saan ay magkakaroon ng “senior high” na magtatagal ng dalawang taon. Ito ay magpopokus sa Agham at Teknolohiya, Musika at Arts, Sports, Negosyo at marami pang iba na maghahanda sa kanila sa pagtatrabaho oras na sila ay makatapos nang hayskul.

Isa rin sa mga dahilan kaya lalong pinagtibay ang pagkakatatag ng programang ito ay dahil sa mababang katayuan ng Pilipinas sa pandaigdigan pagdating sa Edukasyon. Kadalasan nasa pinakadulo ang Pilipinas pagdating sa edukasyon na sadyang nakakalungkot. Ito ang isa sa mga naging basehan upang pagtibaying lalo ang pagkakatatag ng K+12.

(7)

Kabanata III

Istratehiyang Ginamit at Pinagkunan ng Datos

Lahat ng datos na nakalap ay nagmula sa mga artikulo na matatagpuan sa internet. Ang mga ito ay galing sa mga manunulat sa dyaryo na nagpalabas ng kani-kanilang mga artikulo sa internet. Ang iba naman ay galing sa mga ordinansang ipinapalabas ng DepEd kung saan ito ay ipinapakalat sa buong kapuluan.

Ang istratehiyang ginamit ay ang pangangalap sa iba’t ibang sanggunian gaya ng mga artikulo sa internet at ilang mga piling pahayag galing sa mga taong may malawak na karanasan sa larangan ng edukasyon.

Kabanata IV

Paglalahad

Sa paglalahad, ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng pagkokolekta ng mga datos sa pamamagitan ng pangangalap ng impormasyon sa iba’t ibang website sa

internet.

Kasama sa mga nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik ay ilan sa mga pahayag mula mismo sa Kagawaran ng Edukasyon. Doon ay nilahad nila ang mga positibong nilalaman ng programang K+12. Sinasabi nila roon na mas magiging mabilis ang paglago ng ekonomiya dahil mahahasa ang mga kabataan dahil sa karagdagang dalawang taon sa kanilang pag-aaral. Nakasaad din dito na mas kakayanin ng mga

(8)

Pilipino na makipagsabayan sa mga dayuhan kung kakayahan ang pag-uusapan. Ayon din sa kanila ay mayroon silang mga nakalap na survey kung saan ay may magandang epekto sa lipunan ang pagdaragdag ng taon sa pag-aaral. Nais din ng programang ito na patatagin ang katayuan ng mga Pilipino sa pandaigdigan kung galing ang magiging sukatan.

Sa mga negatibong epekto naman ay mas magiging malaki ang gastos ng pamahalaan at mas mahirap matugunan ang mga pangangailangan sa edukasyon dahil sa mas mahabang panahon ng mag-aaral. Ayon din dito ay maaaring mas dumami ang

drop-out rates dahil hindi na kayang tugunang pampinansyal ng mga magulang ang

kanilang mga anak. Ayon din sa mga pahayag nila ay mas kailangang pagtuunan ng pansin ang kurikulum bago pumunta sa usaping pagdaragdag ng kurikulum. Ito ang mga naging pahayag ng ilang personalidad ukol a programang ito.

Ang K+12 ay maituturing na suliraning pambansa dahil ito ay makakaapekto sa katayuan ng bansa at kung ano ang gagawin ng pamahalaan para masolusyunan ito. Ito ay may malaking epekto sa lipunan dahil sangkot dito ang mga kabataan pati na rin ang kanilang mga magulang. Para sa kinabukasan nila, at nang bansa ang pinag-uusapan dito kaya naman maiituturing itong suliraning pambansa kapag hindi ito nabigyang linaw at kaayusan.

(9)

Kabanata V

Paglalagom at Konklusyon

Batay sa mga resultang nakalap, may mga positibo itong epekto sa lipunan ngunit mayroon din itong mga negatibong epekto na katumbas. Ang K+12 ay isang suliraning pambansa sapagkat nakataya ang magiging kahinatnan ng lipunan sa kinabukasan. Ang K+12 ay isang maselang usapan sapagkat kailangan ang magiging desisyon ng pamahalaan ay magkaroon ng mabuting epekto sa mga mamamayan. Ang mga debateng inilulunsad sa paksang ito ay makakatulong upang mas mapalawak ang pagbibigay ng opinyon upang marinig naman ang boses o tinig ng mga mamamayan.

Kabanata VI

Pagbibigay ng Rekomendasyon

Para sa mas ikauunlad at mas kapaki-pakinabang ang pagkatuto sa pamanahong papel na ito , kinakailangang mas mapalawig pa ang pagkuha ng mga sanggunian upang mas makakalap ng mga impormasyong magpapatatag sa pinupunto ng mananaliksik. Mas makakabubuti kung ang mga mananalisik ay sumali sa mga diskursyon ukol sa K+12 upang mas mapalawak ang kanilang kaalaman. Makabubuti rin kung manghihingi siya ng mga pahayag galing sa mga taong parte ng inilulunsad na programang ito. Makabubuti rin kung hihingin niya ang panig ng mga mamamayan ukol sa programang ito upang mas maging kapakipakinabang ang pamanahong papel na ito.

(10)

Kabanata VIII

Bibliograpiya

Joe Padre, “Education Debate”. Oktubre 14, 2010

Tarra Quismundo, “DepEd’s K+12 good for foreign firms”, Philippine Daily Inquirer. Pebrero 5, 2012.

Department of Education, “Salient Points on the Enhanced K+12 Basic Education Program”

Nobyembre 2, 2010.

Deparment of Education, “DISCUSSION PAPER ON THE ENHANCED K+12 BASIC EDUCATION PROGRAM”, October 5, 2010

Sarah Katrina Maramag “Is the K-12 model good for the Philippine education system?”, Philippine Online Chronicles

Referensi

Dokumen terkait

Namun dilihat dari sisi Indonesia, pemerintah juga telah melakukan berbagai cara untuk mengupayakan pencegahan kebakaran hutan dan lahan, seperti arah kebijakan

Hasil: 1) Pada bagian Final Test diperoleh hasil pengukuran tingkat kebisingan berkisar antara 94,9-103 dB(A), nilai ini diatas NAB. 2) sebesar 38,64% pekerja mengalami stres

Sebagaimana terungkap dalam buku The Religion of Java, Geertz menemukan bahwa agama ternyata bukan hanya sebagai fakta budaya semata, atau semata-mata sebagai ekspresi

Hasil pengujian, pengamatan dan pengukuran memperlihatkan bahwa pahat bubut yang dikembangkan dari baja karbon rendah melalui proses karburising padat memiliki keterbatasan

Hal tersebut terjadi dalam kasus Masyarakat Dayak Iban, dimana keberadaan kebijakan negara tentang IUPHHK yang diberlakukan pada kawasan Hutan Sungai Utik, membuat

1) Hasil uji ANOVA dalam metode Princals, diperoleh faktor-faktor yang berpengaruh terhadap prestasi belajar adalah umur masuk, nilai NEM, status sekolah, jalur masuk,

bersangkutan atau dengan sistem lain yang ditetapkan dan dilaksanakan sesuai jadwal penerimaan peserta didik baru yang akan ditentukan lebih lanjut oleh Dinas Pendidikan

Karena dipicu penyakit/trauma berat, akan terjadi aktivasi pembekuan darah, terbentuk fibrin dan deposisi dalam pembuluh darah, sehingga menyebabkan