• Tidak ada hasil yang ditemukan

95 NANG MATANGGAL ANG MASKARA NG BAYANI

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2023

Membagikan "95 NANG MATANGGAL ANG MASKARA NG BAYANI"

Copied!
2
0
0

Teks penuh

(1)

95

NANG MATANGGAL ANG MASKARA NG BAYANI ni Daniel C. De Guzman

Nangako siya na kahit anong mangyari ay hindi niya tatanggalin ang kanyang maskara.

Bilang isa sa mga natitirang bayani na patuloy na lumalaban sa kalabang hindi nakikita, ang maskara ang siyang baluti nila upang ipagtanggol ang kanilang sarili sa tuwing magliligtas sila ng buhay.

Kung isa man sa kanila ay magapi dahil wala siyang maskara, hindi malabong matalo sila sa laban.

Pero nagbago ang lahat pagdating ng isang musmos na nangangailangan ng agarang tulong. Isang batang lalake na tumatangis, nagwawala at hiningal.

Isang parusa ang bawat ubo nito na tila masong dumudurog sa kanyang baga.

"Positive."

Yun ang sabi sa kanya ng isa sa mga kasamahan nila. Nangangahulugang pati oras ay kalaban na rin niya ngayon.

Kailangang iligtas ora mismo ang bata pero alam niyang lubos ang takot nito sa sandata niyang pamuksa sa kalaban.

Tulad ng inaasahan, nang sisimulan na nila ang paggapi sa kalaban ay nagpupumiglas ang musmos; tila mas pipiliin na lamang niya ang pasakit na dala ng kalaban kaysa siya ay mailigtas.

"Anong gagawin natin?" Tanong sa kanya ng mga kapwa bayani. Ayaw magpaligtas ng bata. Tuluyan nang nagapi ng kalaban maging ang kanyang isip.

(2)

96

Tinitigan niya ang mga kapwa niya bayani na tila humihingi sa kanila ng paumanhin.

Walang ano-ano'y tinanggal niya ang maskara na kinagulat ng lahat. Pagkakita ng bata dito ay bigla itong kumalma. Tumahimik ang masakit niyang pagtangis.

"Close your eyes." Wika niya sa musmos saka marahang sinara ng bata ang mga mata nito bago itinarak ng bayani ang kanyang sandata.

Tagumpay man sila ay hindi natuwa ang kanyang mga kasamahan. Binali niya ang pangako sa maskara at dahil dun ay hindi na siya maaring magligtas ng buhay.

"Bakit mo iyon nagawa?" Tanong nila sa kanya.

Sa unang pagkakataon ay doon lang nila nakita ang bayani na napaiyak simula pa noong nagsimula ang kanilang digmaan laban sa COVID-19.

Tumingin ang bayani sa mga kasamahan niya; wala na siyang maskara ngayon upang itago ang totoo niyang pagkatao na muntikan na rin niyang nakaligtaan dahil sa pagiging isang bayani.

"Kung hindi ko iyon ginawa ay hindi ko maililigtas ang buhay ng aking anak."

Referensi

Dokumen terkait

Sa isang bahagi ng kanyang report, ito ang ipinahayag ni Yee na maaaring gamitin ang Online Computer Game upang masukat ang kakayahan ng isang taong nag-aapply

tinatawag na mga Oversees Filipino Worker, dahil gaya nina Rizal, ang mga OFW ay nagtrabaho at tumungo rin sa ibang bansa ngunit sila nga ba ay pumunta sa ibang bansa

(Nakita niya si Simoun na naghuhukay nang kung ano at may katabing isang malaking kahon. Isang pagbabalik tanaw ang nangyari kay Basilio: Sa paghabol niya sa kanyang ina noon,

Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang siya ay bitiwan ng nasaktang

Halimbawa nito ang "Nagpunta sa lalawigan ang mag-anak upang dalawin ang kanilang mga kamag- anak." [3] Karaniwan ding ginagamit sa pangungusap na mayroong pang-abay na

At dahil sa kanila, magpahanggang ngayon, nakikilala natin para sa atin ang sinabi ni San Agustin, “Si Hesus ay naglaho sa ating mga mata, upang matagpuan natin siya sa

Ang mga talatanongan papel na naglalaman ng mga katanongan patungkol sa homosekswal ang ginamit naming upang malaman namin kong tanggap ba sa lipunan ang

Ibig niyang sa kanyang tingin ay mawatasan ng matanda na nababatid niya na ginawa yaon upang mapawi ang pag-ibig niya kay Merton, sapagkat laban