Paaralang De La Salle Santiago Zobel FILIPINO 5
HANDOUT BLG. 1 Unang Termino 2015-2016
Ang dating apat na kayarian o kaanyuan ng pantig ay nadagdagan ng lima pang kayarian.
Ang pagtukoy sa pantig ay gumagamit ng simbolo , “K” para sa katinig at “P” para sa patinig.
TRADISYONAL NA KAYARIAN HALIMBAWA
P u-lap
KP ma-li
PK is-da
KPK han-da
KARAGDAGANG KAYARIAN HALIMBAWA
KKP kli-ma
PKK ins-trumento
KKPK plan-tsa
KPKK nars
KKPKK tsart
PANTIG – ang pantig ay isang saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita. Ang bawat pantig ay laging may isang patinig.
(saltik ng dila - galaw ng bibig
Mga dapat tandaan sa pagpapantig ng mga salita.
1. Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig , ito ay hiwalay na mga pantig.
Hal: aalis = a-a-lis totoo = to-to-o
2. Kapag may dalawang magkakaibang katinig na magkasunod sa loob ng isang salita, maging katutubo o hiram, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan at ang pangalawa ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa:
SALITA MGA PATINIG
buksan buk-san
pinto pin-to
tuktok tuk-tok
3. Kapag may tatlong magkakaibang katinig na magkakasunod sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huli ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa:
SALITA MGA PATINIG
eksperto eks-per-to
transportasyon trans-por-ta-syon eksperimento eks-pe-ri-men-to
PAGPAPANTIG
4. Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa:
SALITA MGA PATINIG
ekstra eks-tra
ekstradisyon eks-tra-disyon eksklusibo eks-klu-si-bo