• Tidak ada hasil yang ditemukan

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino 1

N/A
N/A
Jillian Larrah

Academic year: 2023

Membagikan " Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino 1"

Copied!
6
0
0

Teks penuh

(1)

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino 1

I. Layunin : Pagkatapos ng leksyon ang mga mag-aaral ay inaasahang :

A. Natutukoy ang pantig na bubuo sa pangalan ng nakalarawan;

B. Nakakabuo ng mga salita ;at C. Napapantig ang mga salita.

II. Paksang Aralin: Pagbuo ng Salita

Batayang Aklat: My Distance Learning Buddy, A Modular Text for the 21st Century Learner, Filipino, Baitang 1, pahina 45

May-akda: Tsarisma R. Gloria at Florante C. Garcia, PhD Kagamitan: Larawan, tsart

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral A. Paghahanda

A. 1. Panalangin Magsitayo ang lahat.

Kath, maari mo bang pangunahan ang ating panalangin?

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Diyos at Espiritu Santo, Amen.

Anghel ng Diyos Tagatanod kong mahal, Na sa pag-ibig Niya ako

Sa iyo’y ipinaubaya.

Sa araw na ito,

Sa piling ko’y huwag lumisan.

Ako’y tanglawan, bantayan Pamunuan at gabayan.

Amen!

A. 2. Pagbati

Magandang hapon mga bata.

A 3. Pag stek ng Pagdalo

Itaas ninyo ang inyong kanang kamay

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Diyos at Espiritu

Santo, Amen.

Anghel ng Diyos Tagatanod kong mahal, Na sa pag-ibig Niya ako

Sa iyo’y ipinaubaya.

Sa araw na ito, Sa piling ko’y huwag

lumisan.

Ako’y tanglawan, bantayan Pamunuan at gabayan.

Amen!

Magandang hapon po Ginoong Araño, magandang hapon mga kaklase, magandang hapon sa ating lahat.

Gagawin ng mga bata ang sinasabi ng guro.

(2)

kapag tinawag ko ang inyong pangalan at sabihing narito po.

A. 4. Balik-Aral

Bago tayo dumako sa ating bagong tatalakayin ngayong hapon, atin munang balikan kung ano ang naging leksyon natin kahapon.

Ana, ano ang ating tinalakay kahapon?

Tama!

Anu-ano naman ang mga uri ng pangngalang pamabalan?

Mahusay!

B. Pagganyak

Pansinin ang mga salitang nasa pisara.

Pa+pel = papel Ba+su+ra = basura Ka+i+bi+gan = kaibigan Gu+ro = guro

Ano ang napapansin niyo sa mga salita?

Tama!

Ano naman ang mabubuo kapag pinagsama-sama ng mga pantig?

Magaling!

C. Pagtatalakay

Ang ating leksyon ngayong hapon ay tungkol sa pagbuo ng salita.

Nakakabuo ng salita kapag

pinagsama-sama ang isa o higit pang pantig.

Halimbawa :

Ba + lat = balat Sa + ging = saging Ka + li +ni +san = kalinisan

Ang ating tinalakay kahapon ay tungkol sa Uri ng

Pangngalang Pambalana.

Ang mga uri ng pangngalan pambalana ay tahas o

kongkreto at basal o di kongkreto.

Pinapantig-pantig ang mga salita.

Makakabuo ito ng mga salita.

Opo!

(3)

Tama ba mga bata?

Tama!

Nakakabuo rin ng salita sa pamamagitan ng pag uulit-ulit.

Halimbawa :

Sing + sing = singsing Tak + tak = taktak D. Paglalapat

Gawain 1. Indibidwal na Gawain.

Panuto: Isulat sa patlang ang bilang ng pantig ng bawat salita.

1.Da + mit = damit ______

2. Mo + tor + sik + lo = motorsiklo _______

3. Bi + gas = bigas ______

4. Ak + lat = aklat ______

5. Pu + no = puno ______

Gawain 2. Pangkatang Gawain Unang Pangkat

Panuto: Pantigin ang bawat salita.

1.Bote = _____________

2. Bulaklak = ____________

3. Kagandahan = ___________

4. Aralin = __________

5. Salita = _________

6. Baso = __________

7. Kompyuter = ________

8. Kabukiran = ________

9. Halaman = _________

10. Guyabano = _________

Pangalawang Pangkat

Panuto : Pagsama-samahin ang mga pantig upang makabuo ng isang salita.

Isulat ang sagot sa linya.

1.Pa + a + ra + lan = _____________

2. Ba + su + ra + han = ______________

3. Plas + tik = ____________

4. Na + i + ta + pon = _________

(4)

5. I + tim = ________

6. Ber + de = ________

7. Ka + li + ni + san = ________

8. Na + dul + las = _________

9. I + ta + pon = ________

10. Sa + hig = __________

E. Paglalahat

Ano ang ating aralin ngayong hapon?

Sige Marian, sagutin mo ang tanong.

Magaling!

Paano natin mabubuo ang isang salita?

Sige John, sagutin mo ang tanong.

Mahusay!

Tandaan niyo mga bata na kapag pinag sama-sama natin ang jsa o higit pang pantig ay nakakabuo tayo ng salita.

Importante na matuto kayong bumuo ng salita at pumantig ng mga salita.

Naintindihan ba mga bata?

Mahusay!

Itinaas ni Marian ang kanyang kanang kamay.

Ang ating aralin ngayon ay tungkol sa pagbuo ng salita.

Itinaas nj John ang kanyang kanang kamay.

Mabubuo ang isang salita sa pamamagitan ng pagsama- sama sa isa o higit pang pantig.

Opo!

IV. Pagtataya

Panuto : Tukuyin ang pantig na bubuo sa pangngalan ng bawat

nakalarawan. Piliin ang tamang pantig sa panaklong. Isulat ang sagot sa linya.

(5)

1. A ________

(ray, raw, war, ruy)

2. Bitu ______

(an, am, in, on)

3. P _______

(uso, usa, uto, uta)

4. U ______

(lap, lat, lam, lo)

5. Bu _______

(win, won, wen, wan)

V. Takdang Aralin

Panuto : Sumulat ng limang bagay na nasa inyong bahay.

Pagkatapos, pantigin ito.

Halimbawa : Plato

(6)

Pla + to = plato

1.

2.

3.

4.

5.

Referensi

Dokumen terkait

Kapag ang pawatas ay may panlaping ma, mag o mang, mananatili ang ma, mag o mang at uulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat5. Kapag ang pawatas ay

Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang

Layunin ng tesis na ito na alamin ang mga dahilan sa pagkaadik ng mga mag- aaral sa cellphone upang mabigyan ito ng kaukulang solusyon o hakbangin ng kanilang mga magulang na

Sa pag-aaral na ito, natuklasan ng mga mananaliksik ang mga iba’t ibang resulta batay sa mga dahilan at epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng mga

Kapag nasa dulo ng mga salita ang [i] at [e] o [u] at [o], hindi ito magkaibang fonim kung mga alofown na nasa malayang

At sa ngayon ang mga Filipino ay pinapaikli na ang mga salita para mas madaling sabihin or bigkasin o paggamit ng ating wika ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabolaryo ay

Tiniyak sa pag-aaral na masagot ang sumusunod: 1 pagsusuri sa mga salita: mga salitang nauulit, mga katutubong kategorya, at mga susing-salita sa teksto; 2 masinsinang pagbabasa ng

Ang teksto ay nag-aaral sa mga elementong pampaliwanag sa tula at ang kanilang paggamit sa paglikha ng sariling