Detalyadong banghay-Aralin sa Filipino I I.Mga Layunin:
Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang mga salitang magkasalungat.
b. Nakapagbibigay ng mga salitang magkasalungat.
II.Paksang-Aralin:
Paksa: Mga salitang magkasalungat
Sanggunian: https://slideshare.net>mobile Kagamitan: Visual Aids at mga Larawan III.Pamamaraan:
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral A.Panimulang Gawain
*Panalangin: Kyla, pangunahan mo an gating panalangin sa Hapon na ito.
Amen!
*Pagbati:
Magandang hapon mga bata!
Komusta kayong lahat?
*Pagtala ng liban:
Mayroon bang lumiban sa hapon na ito?
B.Panlinang ng Gawain:
Magsitayo ang lahat at mayroon tayong aawitin.
Ang pamagat n gating awitin at”ako ay may lobo”
Ako ay may lobo lumipad sa langit Di ko na nakita pumutok na pala Sayang ang pera ko pinambili ng lobo Sa pagkain sana nabusog pa ako.(2x) (ulitin ang kanta ng isang beses)
*Balik-aral:
Mga bata, naalala nyo pa ba ang ating nakaraang Aralin?
Antonio, ipabuwatig mo!
Tama! Karla magbigay ka ng halimbawa.
Magaling! Ikaw naman Rico ang magbigay ng halimbawa
Mahusay!
*Pagganyak:
(Maglalagay ang guro ng dalawang kahon sa ibabaw ng mesa) ngayon mga bata, ano ang nasa ibabaw ng mesa?
Panginoon, salamat sa mga biyayang Aming natatanggap. Sana patuloy mo Kaming gagabayan. Amen!
Magandang hapon din po Ginoong Cleford!
Mabuti naman po.
Wala po.
Opo!
Ang ating nakaraang aralin ay tungkol Sa”mga salitang magkasingkahulugan”.
Maganda-marikit Masaya-maligaya
Kahon po!
(Hinuhulaan ng mga bata ang laman ng kahon)
Ano kaya ang laman ng kahon na ito?
Mga bata, ang laman ng mga kahon na ito ay mga hugis
Na may nakasulat na mga salita. Pero, ang mga hugis
Sa bawat kahon ay kalahati lang hanapin ninyo ang kalahati sa kabilang kahon upang mabuo ang mga hugis at pares ng mga salita.
Naiintindihan ba?
Ngayon, maari nyo bang idikit sa pisara ang mga hugis na inyong hawak-hawak?
Mahusay mga bata!
C. Pagtatalakay:
Ang ating aralin ngayon ay tungkol sa
“magkasalungat”.
Basahin natin ng sabay-sabay ang kahulugan ng Magkasalungat.
Ang mga halimbawa ng mga magkasalungat ay ang mga
Sumusunod:
*malawak-masikip*Duwag-matapang
*natalo-nanalo
*payat-mataba *matangkad-mahaba
Maliban sa mga halimbawa na nasa pisara, sino ang gusting
Magbigay ng halimbawa?Rex?
Magaling! Ang mga salitang malayo at malapit ay magkasalungat.
*Paglalapat:
Panuto: Magbigay ng limang pares ng mga salita na
Magkasalungat.
*Paglalahat:
Ano an gating aralin sa hapon na ito?
Lyca, ano ang ibig sabihin ng magkasalungat?
Magaling! Lino , magbigay ka ng
Opo gurong Ginoong Cleford!
(kukuha ng mga kalahating hugis ang mga
Mag-aaral at hahanapin ang kanilang kaparehas).
Opo ,(Idikit ng mga mag-aaral sa pisara) Malawak duwag natalo Masikip matapang nanalo Payat matangkad
Mataba mahaba
Magkasalungat ay ang mga salitang magkaiba o magkakabaliktad ang kahulugan.
Malayo-malapit
Ang ating aralin ay tungkol sa mga Salitang magkasalungat.
Ang magkasalungat ay mga salitang makaiba
Ang kahulugan o kabaligtaran ang kahulugan.
Maganda-pangit.
halimbawa, Mahusay!
IV.Pagtataya:
Panuto: Piliin sa kahon ang kasalungat ng mga salita at isulat sa isang malinis na papel.
1.)Matangkad 2.)Matamis 3.)Maingay 4.)Gising 5.)Malakas V.Takdang-Aralin:
Panuto: Gumuhit ng mga magkasalungat na mga salita o bagay. Ilagay sa inyong kwaderno.
Maalat tahimik tulog mababa mahina bulag