• Tidak ada hasil yang ditemukan

DLP Aralin 5, 1st qtr., EsP 6 (final).pdf

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "DLP Aralin 5, 1st qtr., EsP 6 (final).pdf"

Copied!
11
0
0

Teks penuh

(1)

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Banghay Aralin sa Pagtuturo ng EDUKASYON SA

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAPAGPAPAKATAOO Ikaanim na Baitang Ikaanim na Baitang UNANG MARKAHAN UNANG MARKAHAN Ikalimang Linggo Ikalimang Linggo Aralin 5: Tibay ng Iyong Kalooban

Aralin 5: Tibay ng Iyong Kalooban Aking SusubukinAking Susubukin

I. LAYUNIN I. LAYUNIN

A.

A. Pamantayang Pamantayang PangnilalamanPangnilalaman

Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat

hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat B. Pamantayan sa Pagganap

B. Pamantayan sa Pagganap

Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa ikabubuti ng lahat

ikabubuti ng lahat

C. Pamantayan sa Pagkatuto C. Pamantayan sa Pagkatuto

1. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng 1. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng

isang desisy

isang desisyon na on na makabubuti sa makabubuti sa pamilyapamilya

1.1. pagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa 1.1. pagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa

pangyayari pangyayari 1.2.

1.2. pagsang-ayon pagsang-ayon sa pasysa pasya ng naka ng nakararami kung ararami kung nakabubuti itonakabubuti ito 1.3.

1.3. paggamit paggamit ng ng impormasyonimpormasyon Code: EsP6PKP-Ia-i-37Code: EsP6PKP-Ia-i-37

II. NILALAMAN II. NILALAMAN

Paksa:

Paksa: Katatagan ng  Katatagan ng loob sa responsableng pagdedesisyonloob sa responsableng pagdedesisyon KaugnayKaugnay na

na PagpapahalagaPagpapahalaga:: Katatagan ng Loob Katatagan ng Loob (Fortitude)(Fortitude)

III. KAGAMITANG PANTURO III. KAGAMITANG PANTURO

 A. Sanggunian:  A. Sanggunian:

•• K to 12 K to 12 Gabay PangGabay Pangkurikulum, Edukaskurikulum, Edukasyon sa yon sa Pagpapakatao Pagpapakatao May 2016May 2016,, pahina 81

(2)

(video clip ng awit: liwanag sa dilim by rivermaya with lyrics) •  https://www.youtube.com/watch?v=ZdMOqT3qjoY

(video clip na hango sa palatuntunan ng GMA Public Affairs: Kapuso Mo, Jessica Soho: 9 year-old crippled girl uses improvised stroller to go to school )

•  https://prezi.com/kz1kbhdevo3l/katatagan-ng-kaloobannasusubok-sapagharap-sa-hamon/

B. Iba pang Kagamitang Panturo:

laptop, projector, video clips ng mga awit na “Pagsubok” ng Orient Pearl, at “Liwanag sa Dilim” ng Rivermaya, video clip na hango sa palatuntunang

“Kapuso Mo, Jessica Soho”, powerpoint presentation na nagpapakita ng mga sitwasyon, manila paper , gunting,  permanent marker , masking tape, graphic organizers

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin Itanong:

Bilang mag-aaral, paano nakakaapekto ang pagiging bukas ng inyong isipan sa pagbuo at pagbibigay ng desisyon o pasya na makabubuti sa inyong sarili at pamilya?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Itanong:

1. Ano ang karaniwan ninyong ginagawa kapag may mga suliraning dumarating sa inyong pamilya?

2. Paano ninyo nabigyang solusyon ang mga suliraning ito?

C. Pag-uugnay sa mga halimbawa sa bagong aralin (Alamin Natin)

Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga sitwasyon ng OO o HINDI na susubok sa kanilang pagpapasya gamit ang katatagan ng kalooban. Ipapakita ng guro ang mga sitwasyon gamit ang powerpoint presentation.

(3)

Mga Sitwasyon:

 ____1. Pinaninidigan ko ang aking mga ginawang desisyon ng buong husay at tapang.

 ____2. Sa oras na may suliraning kinakaharap, buo ang loob ko at taimtim na nanalig sa Diyos.

 ____3. Pinanghihinaan ako ng loob sa mga pagkakataong nakapagbigay ako ng maling desisyon.

 ____4. Pinag-aaralan kong mabuti ang bawat bagay at sitwasyon na nangangailangan ng isang matibay at matatag na pagpapasya.

 ____5. Itinutuwid ko ang aking mga nagawang maling desisyon sapagkat ako ay naniniwala na ang bawat pagkakamali ay nagbibigay ng

mahalagang aral. Pagtalakay

Itanong:

1. Alin sa mga nabanggit ang palagi mong naisasagawa? hindi naisasagawa?

2. Bukod sa mga nabanggit, ano-ano pa ang mga paraan upang magkaroon ng matatag na kalooban sa pagbuo ng pasya o desisyon?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 (Isagawa Natin)

Sabihin:

Ngayong araw na ito ay inyong pakikinggan ang isang awitin na may pamagat na “Pagsubok”. (maaaring gumamit ng ibang video/s o awitin na may kaugnayan sa aralin)

Patnubay na tanong:

1. Ano ang mensahe ng awiting inyong napakinggan?

2. Ano ang inyong naramdaman habang nakikinig sa awitin?

3. Anong linya ng awitin ang pumukaw sa inyong damdamin? Bakit?

4. Ano-ano ang dapat ninyong taglayin kung may mga pagsubok man kayong nararanasan?

5. Paano ninyo dapat tingnan ang mga pagsubok na inyong nararanasan sa buhay?

(4)

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 (Isapuso Natin)

Gawain

1. Pangkatin ang klase sa apat (4).

2. Ang bawat pangkat ay babasahin at uunawaing mabuti ang kwento na may pamagat na “Isang Hamon sa Buhay ni Joel”.

Isang Hamon sa Buhay ni Joel

Nabuhay sa isang marangyang pamilya si Joel. Ang kaniyang mga magulang ay magkasamang naghahanap-buhay sa barko simula ng siya ay maliit pa lamang. Lahat ng kaniyang gusto ay nakukuha niya kagaya ng magagarang laruan, mamahaling damit at bagong sapatos. Nararating din niya ang mga lugar na nais niyang puntahan. Nakakain niya ang lahat ng masasarap na pagkaing nais niyang kainin at nagagawa nyang ilibre ang mga kaibigan niya sa mga bagay na gusto nila. Walang siyang awa sa paglustay ng perang padala ng kaniyang magulang. Katwiran niya ay sa padalang pera na lamang niya nahahanap at nakukuha ang pagkalinga at pagmamahal na kaniyang hinahanap. Laki sa layaw at sunod sa luho, iyan ang larawang sasalamin sa batang si Joel. Isang araw, habang siya ay kasama ng kaniyang mga kaibigan na abala sa paglalaro ng computer game sa isang Internet cafe, isang tawag ang kaniyang natanggap mula sa kanyang lola Maria.

“Apo, madali ka munang umuwi sa bahay at may mahalaga tayong pag-uusapan”, wika ng kaniyang lola. Agad na sumunod si Joel sa bilin ng kaniyang lola.

Pagdating sa tahanan ay nagkakagulo ang mga tiyo at tiya ni Joel. Nag-iiyakan ang mga ito at sa kaniyang pagpasok sa pintuan ng bahay ay biglang huminto ang lahat. “Ano po ang nangyayari dito?” “Bakit kayo nag-iiyakan?” ang tanging tanong ng batang si

Joel.

Lumapit ang lola ni Joel, na tangi niyang tagapag-alaga. Sinabi nito ang nangyari sa kaniyang mga magulang. “Joel, huwag kang mabibigla.” “Sa hindi inaasahang pangyayari ay lumubog ang barkong pinagtatrabahuhan ng nanay at tatay mo,” sambit ng kaniyang lola. Yumakap at humagulgol si Joel dahil hindi niya matanggap ang sinapit ng kaniyang magulang.

(5)

3. Pagkatapos basahin ang kwento, pag-uusapan ng bawat pangkat ang sitwasyon na ipinakita sa kwento, at kung ano ang pagpapasya o desisyon na kanilang gagawin kung sila ang makakaranas ng kaparehong sitwasyon.  Ang pagpapasya o desisyon ay dapat na magpapakita ng katatagan ng

loob.

Gabay na tanong para sa gagawing talakayan ng bawat pangkat:

a. Ano-ano ang isinasaalang-alang sa pagbuo ng isang pasya o desisyon?

b. Sa paanong paraan mo maipakikita ang pagkakaroon ng matatag na kalooban?

F. Paglinang sa kabihasaan (Isabuhay Natin) Gawain 1

1. Ipapanood sa mga mag-aaral ang video clip  na hango sa palatuntunang “Kapuso Mo, Jessica Soho”, na tumatalakay sa katatagan ng loob ng isang batang pumapasok sa paaralan gamit ang sariling likhang stroller   upang makatapos ng kaniyang pag-aaral at matamo ang adhikain sa kaniyang buhay.

2. Ipagawa ang graphic organizer .

Panuto: Gamit ang graphic organizer  sa ibaba, punan ang mga kahon ng mga sitwasyon na nagpapakita ng katatagan ng loob ng tauhan sa pinanood na video clip.

Katatagan ng Loob

(6)

Pagtalakay

1. Tungkol saan ang video clip na inyong napanood?

2. Ano ang inyong naramdaman habang pinapanood ang video clip?

3. Kung kayo ang batang nasa video clip, ano ang inyong gagawin sa sitwasyong kaniyang kinaharap? Bakit?

4. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pagpapasya sa mga sitwasyong katulad nito?

5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipamamalas ang pagkakaroon ng katatagan ng kalooban sa mga hinaharap na sitwasyon sa buhay? sa tahanan? sa paaralan?

Gawain 2

Pakinggang mabuti ang awit ng bandang Rivermaya na may pamagat na “Liwanag sa Dilim”.

Pagtalakay

1. Ano ang mensahe na ipinararating ng awiting inyong napakinggan? 2. Ano ang inyong naramdaman habang pinakikinggan ang awitin? 3. Anong linya ng awitin ang pumukaw sa inyong damdamin? Bakit?

4. Ano-ano ang katangian/pag-uugali na dapat ninyong taglayin kung may mga pagsubok man kayong nararanasan?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Subukin Natin) Pangkatang Gawain:

1. Sa pamamagitan ng iba’t ibang paksa na may kaugnayan sa katatagan ng kalooban sa pagbibigay ng pasya sa sarili at pamilya, bigyang laya ang mga mag-aaral na maipahayag ang kanilang sarili gamit ang mga gawaing nakatalaga sa bawat pangkat.

Pangkat Paksa Gawain

1 Katatagan ng loob sa pamilya dula-dulaan o iskit 2 Katatagan ng loob sa sarili kasabihan/islogan 3 Katatagan ng loob sa pag-aaral tula

4 Katatagan ng loob sa pamayanan sabayang-bigkas

2. Bigyan ng marka ang mga gawaing ipapakita ng bawat pangkat gamit ang rubrik na napagkasunduan ng guro at ng mga mag-aaral.

(7)

Rubrik sa Pagmamarka Kraytirya 3 2 1 Husay sa Pagganap Lahat ng kasapi sa pangkat ay nagpakita nang mataas na kahusayan sa pagganap. 1-2 na kasapi ng pangkat ay nagpakita ng katamtamang husay sa pagganap. 3-4 na kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng kahusayan sa pagganap.  Angkop/ tamang saloobin sa sitwasyon Naipakita nang maayos at may tiwala ang tamang saloobin sa

sitwasyon.

Naipakita nang maayos ngunit may pag-aalinlangan ang tamang saloobin sa sitwasyon. Hindi naipakita ang tamang saloobin sa sitwasyon. Partisipasy on ng mga kasapi sa pangkat Lahat ng miyembro ng pangkat ay nakiisa sa pangkatang gawain. 2-3 na miyembro ng pangkat ay hindi nakiisa sa pangkatang gawain. 4-5 na miyembro ng pangkat ay hindi nakiisa sa pangkatang gawain. Pagtalakay

1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng matatag na kalooban?

2. Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng matatag na kalooban sa pagbuo ng pasya o desisyon para sa inyong sarili at pamilya?

3. Ano-ano ang mga katangian o pag-uugali na dapat ninyong taglayin tungo sa pagbuo at pagbibigay ng pasya o desisyon sa kabila ng mga suliranin ninyo sa buhay?

H. Paglalahat ng aralin Gawain

Tawagin ang lider ng bawat pangkat at ibigay ang graphic organizer . Bigyang laya ang mga mag-aaral na lagyan ang mga bilog sa paligid ng salitang ”MATATAG AKO”  ng mga paraan kung paano matatamo ang pagiging matatag sa pagbibigay ng pasya o desisyon.

(8)

Pagtalakay

1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng matatag na kalooban?

2. Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng matatag na kalooban sa pagbuo ng pasya o desisyon para sa inyong sarili at pamilya?

3. Ano-ano ang mga bagay na dapat ninyong tandaan sa pagbuo at pagbibigay ng isang pasya o desisyon sa kabila ng mga suliranin ninyo sa buhay?

TANDAAN NATIN:

 Ang katatagan ng kalooban ang isa sa magagandang ugali na dapat taglayin ng isang tao. Ang halimbawa nito ay masasalik sa mga kabataang patuloy na nagsisikap at bumabangon sa kabila ng mga pagsubok at hirap sa buhay.

Kaakibat nito ang pagkakaroon ng malakas na paniniwala, pagkakaroon ng prinsipyo at tiwala sa sarili na ating nakukuha sa bawat desisyon na ating ginagawa.

Nalilinang ang katatagan ng loob sa mga tagumpay sa pagharap sa pagsubok ng buhay. Subalit ang Diyos pa rin ang pinakamalakas na sandigan upang maging matatag ang kalooban sa paglutas ng anumang uri ng suliranin.

MATATAG AKO

(9)

Sanggunian:

https://prezi.com/kz1kbhdevo3l/katatagan-ng-kaloobannasusubok-sa  pagharap- sa-hamon/

I. Pagtataya ng aralin

Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng matatag na

kalooban sa pagbuo ng desisyon?

a. Tumigil muna si Lloyd sa pag-aaral sa kadahilanang nawalan ng trabaho ang kaniyang ama na nagtatrabaho sa Gitnang Silangan. b. Nagmukmok sa kaniyang silid si Marlon dahil hindi niya nagawang

ipasa ang pagsusulit nila sa pagkaabogasya.

c. Nagpadala sa suhol ang karamihan ng pamilyang naninirahan sa ilalim ng tulay dala ng kanilang pangangailangan.

d. Patuloy na nananalig si Arthur sa kapangyarihan ng Diyos na gagaling ang kaniyang ina sa pakikipaglaban sa sakit na cancer . 2. Ang inyong lugar ay nakaranas ng isang malakas na lindol. Marami ang

naapektuhan ng pangyayari kasama na ang inyong pamilya. Alin sa sumusunod ang dapat mong gawin?

a. Lumapit sa mga kamag-anak at kausaping pansamantala muna silang kupkupin.

b. Unti-unting isaayos ang tahanan sa pamamagitan ng pagkukumpuni sa nasirang bahagi nito.

c. Lumapit sa mga pulitiko upang mabigyan ng agarang tulong kagaya ng pansamantalang tirahan at pagkain.

d. Maghanap ng bagong tirahan na hindi nakararanas nang madalas na lindol at pabayaran sa mga kamag-anak na nakaaangat sa buhay.

3. Nagkaroon kayo ng pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakato. Sinabihan ka ng matalik mong kaibigan na kailangan mo siyang pakopyahin dahil kung hindi ay hindi ka niya kikilalaning kaibigan. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang gagawin mo?

a. Kakausapin ko siya ng mahinahon at sasabihin ko na sumabay siya sa akin sa pagsuri ng mga nakaraang aralin.

(10)

d. Hahanap na lamang ako ng mga bagong kaibigan na sasamahan at sasabihin ko ang ugaling ipinakita niya sa akin.

4. Nagsara ang pabrikang pinapasukan ng iyong ama. Hindi naman makapagtrabaho ang iyong ina dahil kapapanganak lamang niya. Kinausap ka ng iyong mga magulang na pansamantalang tumigil sa pagaaral upang patapusin muna ang iyong kuya sa kolehiyo na magtatapos na sa taong kasalukuyan. Ano ang gagawin mo?

a. Susundin ko ang kagustuhan ng aking nanay at tatay dahil sila naman ang bumuo ng pagpapasyang huminto muna ako sa aking pag-aaral.

b. Mangungutang muna ako sa aking mga kamag-aral at mangangako na babayaran ko sila kapag nakaluwag na ang aming pamilya.

c. Kakausapin ko ang aking nanay at tatay na mag-aaral pa rin ako at hahanap na lamang ako ng mapapasukang trabaho sa araw ng Sabado at Linggo.

d. Mamamasukan muna ako sa karendiryang malapit sa amin at gagamitin ko ang aking sweldo na pambili ng mga bagay na gusto ko upang hindi na humngi sa nanay at tatay ko.

5. Ulila na kayong apat na magkakapatid sa magulang at tanging tiyo at tiya ninyo na lamang ang nangangalaga sa inyo. Napansin mong hindi mabuti ang pakikitungo nila sa inyo. Wala na kayong ibang mapupuntahan dahil mas malayo ang lugar ng iba ninyong kamag-anak. Ano ang gagawin mo? a. Kakausapin ko ang aking mga kapatid na doon na muna sila sa iba

naming kamag-anak habang ako ay nag-aaral pa.

b. Ipagbibigay alam ko sa kinauukulan ang ginagawa ng aking tiyo at tiya upang mabigyan sila ng tamang pansin sa kanilang ginagawa. c. Kakausapin ko ang aking mga kapatid na magtiis na lang muna kami

sa ginagawa ng aming tiyo at tiya dahil wala kaming ibang pupuntahan.

d. Titigil na lang muna ako sa pag-aaral upang magtrabaho at mangungupahan ng sariling bahay upang

makaiwas sa pagmamaltratong ginagawa sa amin ng aming tiyo at tiya.

Pagninilay / Repleksyon

Ipasulat sa TALAARAWAN ang mga sagot sa sumusunod na tanong: 1. Ano-ano ang natutunan ninyo sa isang linggong aralin sa Edukasyon sa

(11)

3. Paano mo pa mahuhubog ang iyong sarili na magkaroon ng matatag na kalooban?

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin

Ipakita ang pagkakaroon ng matatag na kalooban sa paggawa ng isang sitwasyon gamit ang responsableng desisyon. Pumili lamang ng isa sa mga nakalistang paraan ng paggawa.

a. paggawa ng poster  b. paggawa ng islogan c. paglikha ng isang awitin d. pagsulat ng maikling tula

Referensi

Dokumen terkait

Ganito rin ang persepsyon ng ibang mamamayan sa iba pang isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa ating bansa tulad ng paglabag sa karapatang pantao, malayang kalakalan,

Sa pamamagitan ng paggamit ng Lingua Franca ay pinapanatiling mabilis at madaling komunikasyon ang mga taong nag-uusap na magkaiba ng pangunahing wika.. Ang Diyalekto ay maiuugnay

(2003) Pangkalahatang Layunin: Layunin ng pag-aaral na mabatid kung may kaugnayan ang saloobin ng mga mag-aaral sa Wikang Filipino sa kanilang kasanayan

Layunin ng tesis na ito na alamin ang mga dahilan sa pagkaadik ng mga mag- aaral sa cellphone upang mabigyan ito ng kaukulang solusyon o hakbangin ng kanilang mga magulang na

Sa pag-aaral na ito a mag-kakaroon ng ideya ang mga guro kung anong pamamaraan ng kanilang pagtuturo ang pinaka epektibo para sa mga mag-aaral.. makapaghahatid ito na kaalaman para

Ang araling pananaliksik na ito na pinamagatang “Pagdetermina ng mga Paraan ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral ng Unang Taon sa Kolehiyo sa Pamamagitan ng Sistemang VARK” ay

Gamit ang pamantayang isinagawa ni Gary et al 1996 tungkol sa epektibong sistema ng pagsesenyas sa paggawa, pagbabalik tanawin ang iba’t ibang inisiyatibo sa pagbibigay ng impormasyon

Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay Sa puntong ito, mula sa binasang tula ano ang kahalagahan nito sa inyo bilang isang mag-aaral.. Ayan sige, ikaw