Pangalan: Nor-ashia S. Macabanding Subject/Section: FIL125 Dd
1. Ipaliwanag ang dalawang konspeto na maiuugnay sa Wikang Filipino.
Ang dalawang konsepto na maiuugnay sa Wikang Filipino ay ang Lingua Franca at Diyalekto. Ang Lingua Franca ay ginagamit ng taong nag-uusap na magkaiba ng unang wika. Sa pamamagitan ng paggamit ng Lingua Franca ay pinapanatiling mabilis at madaling komunikasyon ang mga taong nag-uusap na magkaiba ng pangunahing wika. Ang Diyalekto ay maiuugnay sa wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko, ito ay ginagamit ng tao sa isang particular na relihiyon, pook o lalawigan. Ang konseptong ito, Lingua Franca at Diyalekto ay nagkakaugnay sapagkat upang madaling magkaunawaan ang pakikipagkomunikasyon sa kapwa tao kahit na ito’y magkaiba ng pangunahing wika.
2. Ipaliwanag ano ang ibig sabihin ng Filipino-Meranaw Varayti. Bigyang patunay mula sa post na pinabasa ko sa inyo at magbigay ng dalawang halimabawa ng pangungusap.
Ang Filipino-Meranao Varayti ay ang magkaiba ng ginagamitan na wika. Ang Meranao ay unang wikang ginagamit ay Wikang Meranao. Ang Meranao ay ginagamit ang Wikang Meranao sa pakikipagkomunikasyon sa kapwang meranao. Ang Wikang Filipino ay itinuturing na pangalawang wika ng mga meranao. Ngunit may mga salitang meranao na maaaring maihalintulad sa Wikang Filipino gaya ng salitang “Salamat” at “Babae”
Wikang Filipino: Salamat dahil tinulungan mo ako.
Wikang Meranao: Salamat ka inugopan akonga.
(mapapansin natin dito na magkapareho ang tunog ng Salamat at ako na ginamit) Wikang Filipino: Namatay ang babae sa kalsada.
Wikang Meranao: Myatay so babae sa karsada.
(mapapansin din dito na magkapareho ang babae at kalsada/karsada sa ginamit)