• Tidak ada hasil yang ditemukan

modyul sa filipino

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "modyul sa filipino"

Copied!
27
0
0

Teks penuh

(1)

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon III SANGAY NG PAMPANGA

MODYUL SA FILIPINO IV

Inihanda ni: JANET Y. PARAS

Pandistritong Tagapag-ugnay sa Filipino ng Sto. Tomas

(2)

Modyul sa Filipino IV

I. Pamagat: Pandiwa

II. Mag-aaral: Ikaapat na Baitang III. Lagom – Pananaw:

Ang modyul na ito ay sadyang nakalaan para sa iyo.

Mahalagang pag-aralan mo ito dahil makakatulong ito sa iyo sa pag-aaral ng mga pandiwa. Nakapaloob dito ang tatlong aspekto ng pandiwa sa pamamagitan ng mga gawain sa

pagkatuto. May mga pagsasanay kang sasagutin upang

(3)

IV. Mga Layunin

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito,

ikaw ay inaasahang:

1. Makilala ang mga pandiwa.

2. Matukoy ang salitang-ugat at panlapi sa pawatas

ng pandiwa.

3. Matukoy ang aspekto ng pandiwa sa

pangungusap.

(4)

V. Panuto sa mga Mag-aaral

1. Sagutin ang unang pagtatayang pagsusulit pagkatapos sagutin, iwasto ito.

2. Basahin at unawaing mabuti ang mga gawain sa pagkatuto at sagutin ang mga pagsasanay at iwasto rin ang mga ito. Kung

handa ka nang sagutin ang pangkalahatang pagsusulit. Kung hindi naman, muli mong balikan ang mga gawain sa pagkatuto at sagutin muli ang pagsasanay.

3. Iwasto ang mga gawain sa pagkatuto at ang kasagutan sa pangkalahatang pagsusulit o pagsasanay.

4. Maaari mo nang kunin ang susunod na modyul kung matapos maunawaan nang lubos ang mga gawain.

(5)

VI. Mga Kakailanganing Kahandaan Gawi:

Bago mo simulan ang modyul na ito,

nararapat na alam mong pumili at kumilala

ng mga pandiwa.

(6)

VII. Unang Pagtatayang Pagsusulit

Ikahon ang mga pandiwa sa sumusunod na pangungusap

1. Nanood ng sine si Rey kahit malakas ang ulan. 2. Malakas na sumigaw ang natakot na babae. 3. Susulat ako sa iyo sa isang Linggo.

4. Si Vina ay naghiram ng aklat sa kanyang guro.

5. Kailangan ang pag-iingat lalo na kapag bumabagyo. 6. Nagdasal si Marian sa Mahal na Birhen.

7. Magalang na sumasagot sa nakatatanda ang mga batang iyon. 8. Iinom ako ng gatas mamaya.

9. Sasali ka ba sa paligsahan sa pag-awit? 10. Ang inahin ay hinabol ng tandang.

(7)

VIII. Mga Sagot sa Unang Pagsusulit

1. nanood

2. sumigaw

3. susulat

4. nanghiram

5. pag-iingat

6. nagdasal

7. sumasagot

8. iinom

9. sasali

10. hinabol

(8)

IX. Mga Gawain sa Pagkatuto

Aralin I

Pandiwa

Ang pandiwa ay salitang nagpapakita ng kilos o galaw. Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng salitang ugat at panlapi. Ang pinagtambal na salitang-ugat at panlapi ay tinatawag na pawatas. Sa pawatas makukuha ang mga pandiwa.

Hal.

Salitang-ugat panlapi pawatas pandiwa Aral mag mag-aral mag-aral

mag-aaral

mag-aaral

Kain um kumain kumain

kumakain

(9)

Pagsasanay 1

Ikahon ang pandiwang ginamit sa pangungusap. 1. Nagtawag ng miting si tatay.

2. Sasabihin ng nanay ang balak niya.

3. Ang buong pamilya ay aakyat ng Baguio. 4. Pumalakpak ang mga anak.

5. Natuwa sila sa magandang balita.

6. Magsisimula nang maghanda ang lahat, 7. Dadalhin ng tatay ang kotse sa talyer.

8. Nag-usap ang nanay at mga anak tungkol sa mga pagkain at gamit na kailangan nila.

9. Ang dalawang anak na lalaki ay manghihiram ng tent sa kanilang lolo.

(10)

Pagsasanay 2

Lagyan ng ekis ang pandiwa sa pangungusap. Sabihin ang

salitang-ugat at tukuyin ang panlaping ginamit dito.

________ _______ 1. Si Mang Edgar ay nagpahinga

sa duyan.

________ ________ 2. Kumain na si Rose ng almusal.

________ ________ 3. Bukas ay sasamahan kita sa

kilala kong denstista.

________ ________ 4. Kahapon ay binigyan ng

parangal ang aming punungguro.

(11)

Mga Sagot sa pagsasanay 1

1. nagtawag

2. Sasabihin

3. Aakyat

4. Pumalakpak

5. Natuwa

6. Maghanda

7. Dadalhin

8. nag-usap

9. Manghihiram

10. Napalukso

Mga Sagot sa pagsasanay 2

Salitang-ugat/panlapi

1. Pahinga

mag

2. Kain

um

3. Sama

han

4. Bigyan

in

5. Sayaw

um

(12)

Aralin 2

Pandiwa sa Aspektong Naganap

May iba’t-ibang panahon ng paggawa ng kilos o pandiwa.

Ang panahon ng paggawa ng kilos o pandiwa ay tinatawag na panahunan o aspekto.

Ang mga pandiwang naapula, nasunog, nakinig, natupok, kumalat at tumuntong ay mga kilos na tapos na o nangyari na. Ang mga pandiwang tapos na o nangyari na ay nasa aspektong naganap.

Ang mga salitang pampanahong kanina, kahapon, kagabi, noon at iba pa ay nagpapahiwatig na tapos na ang kilos kaya ginagamit ang mga ito sa aspektong naganap.

(13)

Narito ang paraan sa pagbubuo ng pandiwa sa aspektong naganap na.

1. Ang pawatas na may panlaping um at ang panahunang pangnagdaan o aspektong naganap ay pareho.

Hal.

S. U. + panlapi = pawatas = naganap inom + um = uminom = uminom kain + um = kumain = kumain

2. Ang panlaping mag, ma, mang, sa isang pawatas ay magiging na, nag, nang sa aspektong naganap

Hal.

S. U. + panlapi = pawatas = naganap dapa + na = nadapa = nadapa suklay + mag = magsuklay= magsuklay hingi + mang = manghingi= manghingi

(14)

3. Ang panlaping in sa isang pawatas ay magiging

unlapi kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa

patinig at magiging gitlapi kung ang

salitang-ugat ay nagsisimula sa katinig.

Hal.

S. U. + panlapi

= pawatas

=

naganap

alis + in = alisin

=

inalis

mahal + in

= mahalin

=

minahal

(15)

Pagsasanay 3

Lagyan ng ekis ang pandiwang nasa aspektong naganap.

1. Ang mag-anak ay sama-samang nagdasal.

2. Sumama ba si Bantay sa bukid?

3. Tinupad ba ni Pang. Noynoy Aquino ang kanyang

pangako?

4. Naglaro sa tubig-baha si Kisha kaya siya napalo.

5. Ako’y naghiram ng mga aklat sa silid-aralan

6. Naku, tinangay ng aso ang mga isda!

7. Mabuti’t huminto na ang ulan.

8. Nagluto ng sinigang si Crisostomo Ibarra.

9. Tinahi ni Aling Dodeng ang mga damit.

(16)

Mga Sagot sa pagsasanay 3

1. nagdasal

2. Sumama

3. Tinupad

4. naglaro/napalo

5. Nanghiram

6. Tinangay

7. Huminto

8. Nagluto

9. Tinahi

10. Nagligtas

(17)

Aralin 3

Pandiwa sa Aspektong Nagaganap

Ang pandiwa ay nagaganap din sa panahong pangkasalukuyan o ngayon. Ang kilos sa aspektong nagaganap ay hindi pa tapos, bagkus nangyayari ngayon o ginagawa sa kasalukuyan. Ang mga pandiwang tinatapos, nagsisimula, dumarating at nagmamadali ay nasa aspektong nagaganap.

Nakikilala ang mga pandiwang nasa aspektong nagaganap sa tulong ng mga salitang araw-araw, palagi, tuwing, taun-taon at iba pa.

Ang pagbubuo ng pandiwa sa aspektong naganap ay ganito. 1. Alamin ang salitang-ugat at panlapi sa isang pawatas

2. Alamin ang unang pantig o unang dalawang titik sa salitang-ugat.

3. Kung ang pawatas ay may panlaping um, ulitin lamang ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Hal. pawatas nagaganap

uminom umiinom

tumakbo tumatakbo

(18)

4. Kapag ang panlapi ng pawatas ay ma, mag o mang, gawing na, mag at mang at ulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng

salitang-ugat.

Hal. pawatas nagaganap

mahilo nahihilo

magdasal nagdadasal

manghingi nanghihingi

5. Kung ang pawatas ay may panlaping in .

a). Kapag ang salitang-ugat ay nagsisimula sa patinig, ilagay ang panlaping in sa unahan at ulitin ang unang pantig o unang

dalawang titik ng salitang-ugat.

Hal. Alis + in = alisin = inalis

b). Kapag ang salitang-ugat ay nagsisimula sa katinig, gawing gitlapi ang in at ulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

(19)

Pagsasanay 4

Bilugan ang pandiwang nasa aspektong nagaganap.

1. Ang mga manlalaro ay (nagsanay, nagsasanay) araw-araw. 2. (Natuwa, Natutuwa) ang mga mamamayan sa kinalabasan ng

eleksyon.

3. Tuwing umaga, ang nanay ay (nanggising, nanggigising) ng mga kasambahay.

4. (Sumunod, Sumusunod) ka ba sa tuwina sa mga magulang mo? 5. (Tinutupad, Tinupad) ni Clara ang bawat pangako niya.

6. Ngayon, (mamamalas, namalas) ninyo ang pinakabagong imbensyon ni Dr. Joseph Dy..

7. (Inalis, Inaalis) ni Tony ang kanyang sapatos tuwing pumapasok sa bahay.

8. (Nahilo, Nahihilo) si Aling Emy ngayon.

9. Palaging (sumusunod, sinunod) sa utos ng ina si Kate. 10. Kasalukuyang (gamutin, ginagamot) si Aling Madel.

(20)

Mga Sagot sa pagsasanay 4

1. nagsasanay

2. natutuwa

3. nanggigising

4. sumusunod

5. tinutupad

6. namamalas

7. inaalis

8. nahilo

9. sumusunod

10. ginagamot

(21)

Aralin 4

Pandiwa sa Aspektong

Magaganap

May mga kilos na mangyayari o magaganap pa lamang. Ang mga kilos na gagawin pa lamang ay nasa aspektong magaganap. Ang mga pandiwang isusuot, bibili, pupunta at magluluto ay nasa aspektong magaganap.

Ang mga salitang mamaya, bukas, sa isang Linggo, sa susunod na bakasyon ay mga hudyat na ang pandiwa ay nasa panahunang panghinaharap o magaganap.

1. Kapag ang pawatas ay may panlaping um, alisin ang um at ulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Hal. Pawatas magaganap

umiyak iiyak

(22)

2. Kapag ang pawatas ay may panlaping ma, mag o mang, mananatili ang ma, mag o mang at uulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Hal. Pawatas magaganap

maupo mauupo

magdala magdadala

manghingi manghihingi

3. Kapag ang pawatas ay may panlaping in, ulitin lamang ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Hal. Pawatas magaganap

yakapin yayakapin

(23)

Pagsasanay 5

Isulat sa patlang ang aspektong magaganap ng pandiwang nasa loob ng panaklong.

(sumiklab) 1. Lumayo ka riyan at mukhang _____ na ang apoy sa siga. ( maghagis) 2. ________ ako ng barya sa mga batang Igorot.

(ganapin) 3. Sa aming bayan ____ ang popular na programa sa telebisyon.

(umindak) 4. Sabay-sabay tayong _____________ sa pagtugtog ng banda.

(makita) 5. Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil _________ rin natin ang kanilang bahay.

( mangharana)6. Ang mga lalaki sa baryo ay __________ sa mga dalaga bukas ng gabi.

(gayahin) 7. Hinding-hindi ko ___________ ang masamang ugali niya. (magturo) 8. Si Gng. Santos ay ______________ ng pagbasa sa mga mag-aaral.

(punitin) 9. _______ ko ang mga papeles na ito kung hindi mo ibibigy sa akon ang batang iyan!

(24)

Mga Sagot sa Pagsasanay 5

1. sisiklab

2. Maghahagis

3. Gaganapin

4. Makikita

5. Iindak

6. Manghaharana

7. Gagayahin

8. Magtuturo

9. Pupunitin

10. Magugutom

(25)

X. Panukatang Sangguniang Pagsusulit

Ilagay ang aspektong nawawala sa hanay upang mabuo ang anyo nito.

Salitang-ugat

Naganap

Nagaganap

Magaganap

1.

2.

Aalis

3.

Tumalon

4.

Sumigaw

5. Kandirit

6.

lumuluha

7. Awit

8.

Kumaway

9.

kikilos

10.

sinalin

(26)

Mga Sagot para sa Panukatang Pagsusulit

Salitang-ugat

Naganap

Nagaganap

Magaganap

1. tuka

Tumuka

Tumutuka

Tutuka

2. alis

Umalis

Umaalis

Aalis

3. talon

Tumalon

Tumatalon

Tatalon

4. sigaw

Sumigaw

Sumisigaw

Sisigaw

5. kandirit

Kumandirit Kumakandirit Kakandirit

6. luha

Lumuha

Lumuluha

Luluha

7. awit

Umawit

Umaawit

Aawit

8. kaway

Kumaway

Kumakaway

Kakaway

9. kilos

Kumilos

Kumikilos

Kikilos

(27)

XI. Pagpapahalaga

Natatandaan mo ba ang iyong napag-aralan sa

modyul na ito? Naging matiyaga ka ba at naging

masigasig sa iyong pagsagot sa mga pagsasanay?

Nauunawaan mo bang mabuti ang mga aralin? Kung

oo, binabati kita dahil natapos mo ang modyul na

ito nang may kasiyahan at puno ng kaalaman. Sana

ay maging kapaki-pakinabang ang susunod na

Referensi

Dokumen terkait

Ayon sa listahang ito, ang karaniwang kahulugan ng pagkahapo para sa mga mag-aaral sa unang taon sa Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Narsing ay ang “pag-aaral at

Ang titik o ltra ay sagisag sa isang Ang titik o ltra ay sagisag sa isang tunog sa pagsasalita. Binubuo ito ng tunog sa pagsasalita. Binubuo ito ng patinig at ng mga katinig.

Ipasuri sa klase ang ang ibinigay na pagpapakahulugan ng may-akda sa salitang “Kagandahan.” Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at

Basahin mo ito. May apat na uri ng klima na nararanasan sa Pilipinas ayon sa dami ng ulan. Ang unang uri ng klima ay dalawang magkaibang panahon. Tuyo mula Nobyembre

dito at 100% naming alam na lahat ng nagaaral dito ay gumagamit ng social networking sites.. Ang taong 2011-2012 ay ginamit naming dahil ito ang kasalukuyang

Kami po ay mga mag-aaral na nasa unang taon sa Kursong Bachelor of Secondary Education mula sa Partido State University.Kasalukuyang po kaming gumagawa ng

Ang araling pananaliksik na ito na pinamagatang “Pagdetermina ng mga Paraan ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral ng Unang Taon sa Kolehiyo sa Pamamagitan ng Sistemang VARK” ay

Ang core na argumento ng isang transitibong konstruksyon ay binubuo ng dalawang gramatikal na argumento, kung saan ang pinanggalingan ng aksyon ay magkaiba at distintibo sa