• Tidak ada hasil yang ditemukan

Banghay-Aralin sa Filipino 7 (Pork Empanada)

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Banghay-Aralin sa Filipino 7 (Pork Empanada)"

Copied!
9
0
0

Teks penuh

(1)

Republic of the Philippines Department of Education

Region II

LANTING REGION NATIONAL HIGH SCHOOL Lanting, Roxas, Isabela

Masusing Banghay – Aralin sa Pagkatuto Filipino Grade 7-Narra

Enero 13, 2016 I. LAYUNIN

Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nabibigyang kahulugan ang mga salitang malalalim at nagagamit sa pangungusap; b. naipahahayag ang sariling ideya hinggil sa paksang-aralin;

c. masiglang nakikilahok sa talakayan at mga gawaing may kinalaman sa paksa. II. PAKSANG-ARALIN

PAKSA: Pork Empanada ni Tony Perez INTEGRASYON: Elemento ng Maikling Kuwento

SANGGUIAN: Gabay sa Guro Baitang 7 Ikatlong Markahan, Panitikang Filipino 7 AWTOR: Rowena del Castillo, Et. al.

PAHINA: 77-84

KAGAMITAN: Kopya ng buod ng “Pork Empanada”, pork empanada, alkansya, gintong barya, biswal eyds, powerpoint presentation, korona na empanada, pangkulay

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Paghahanda 1. Panimula a. Panalangin b. Pagbati

c. Pagpuna sa kaayusan ng klasrum d. Pag tsek ng atendans

B. Pagtuklas

1. Pagganyak

Kayo ay mahahati sa apat na grupo. Bawat grupo ay may lider. Bibigyan ko kayo ng alkansya. Dito ninyo ilalagay lahat ng gintong barya na maiipon niyo. Paramihan kayo sa pag-iipon ng gintong barya. Ang pinakamaayos na grupo ay dadagdagan ko ng gintong barya at ang magulo ay babawasan ko ng gintong barya. Ang may pinakamaraming naipon na gintong barya ay bibigyan ng premyo batay sa tsart na inihanda ko.

Kapag may itinanong ako sa inyo, lahat ng isasagot ninyo sa akin ay “Aba, syempre po Ma’am”.

Gusto niyo bang maglaro?

Kailangan ko ng apat na kalahok dito sa harapan. Ang ating laro ay pinamagatang “Kainin Mo, Sagot Mo!

Aba, syempre po Ma’am! Aba, syempre po Ma’am!

(2)

Panuto:

Bawat kalahok ay tatakpan ng mata at may ipapakain sa kanila. Kapag natikman na, isisigaw lamang ang pangalan ng pagkaing ito.

Bibigyan ng limang gintong barya ang unang makakasagot. Handa na ba kayo?

(Kumakain na ng pork empanada ang mga kalahok) (Isisigaw ang pangalan ng pagkain)

Mahusay! May limang gintong barya ang inyong grupo at tig-dadalawang gintong barya sa ibang grupo.

C. Paglalahad

Base sa ating ginawang aktiviti, ano kaya ang paksang-aralin natin sa araw na ito? Ariel?

Magaling!

Lahat ba kayo ay nakatikim na ng “Pork Empanada”? Kung ganoon, ano ang lasa ng pagkaing ito. John Mark.

Magaling! Ano pa? Jayferson?

Tumpak! Heto ang dalawang gintong barya para sa grupo mo.

Trivia:

Nagmula ito sa bansang Espanya at Portugal. Nanggaling ito sa salitang kastila na “Empanar” na ang ibig sabihin ay karneng binalutan ng tinapay. 1. Pagpapalawak ng Talasalitaan

Tayo na at magpalawak ng talasalitaan. Panuto:

Tignan ninyo ang ilalim ng inyong mga upuan kung mayroong nakalagay na papel na empanada. Pumunta kayo sa harapan at ilagay ito sa tabi ng mga salitang kasingkahulugan sa tapat ng malalalim na salita. Tignan naman ninyo ang likod ng inyong mga upuan kung may nakadikit na lapis at papel. Gamitin ninyo ang mga malalalim na salita sa makabuluhang pangungusap.

Ngayon, tignan natin kung tama ang inyong mga kasagutan.

(Hihilain ang empanada para makita ang tamang

Aba, syempre po Ma’am!

Ma’am, pork empanada po!

Ma’am, Pork Empanada po!

Aba, syempre po Ma’am! Masarap at malambot po. Malasa at malaman po.

nakaismid naghahagikgikan kumakalansing binuklat binubulyawan nakasimangot nagtatawanan tumutunog binuksan sinigawan

(3)

kasagutan) Mahuhusay!

Lahat kayo ay makakatanggap ng tig-iisang gintong barya! Ngayon gamitin naman ninyo ito sa pangungusap. Jasmine.

Magaling! Gamitin sa pangungusap ang ikalawang salita, Erickson.

Mahusay! Gamitin sa pangungusap ang ikatlong salita, Lady Jasmin.

Magaling! Gamitin sa pangungusap ang ikaapat na salita, Rowena.

Tumpak! Gamitin sa pangungusap ang huling salita, Rosana.

Magaling!

Naunawaan ba klas?

Bawat isa sa inyo ay may tig-iisang gintong barya. 2. Paglalahad ng mga Gabay na Tanong

Ngayon dumako tayo sa pagbasa sa mga gabay na tanong. Jared, pakibasa.

Emerson, Vincent, Kyla, Edel, Kristine, Mark, D. Presentasyon 1. Pagbasa sa Akda

Pagalingan sa pagbabasa ng bawat grupo. Handa na ba kayo?

Mahuhusay! Dahil kayo ang pinakamahusay sa pagbabasa, may isang gintong barya ang inyong grupo.

E. Pagpapalawig

1. Binubulyawan ng bos ang kaniyang tinder dahil nasunog ang nilulutong pork empanada.

2. Binuklat niya ang libro upang basahin ang teksto.

3. Ang baryang pinagbentahan ng pork empanada ay kumakalansing.

4. Naghahagikgikan sa tuwa ang mga bata habang kumakain ng empanada.

5. Ang dalagang iyon ay laging nakaismid kapag nagtitinda ng empanada.

Aba, syempre po Ma’am!

1. Ano ang plano ni Bototoy na bibilhin para sa kaarawan ni Ningning na kaniyang pinag-iipunan? 2. Ilang halaga ang dapat niyang ipunin para makuha ito?

3. Ilarawan ang hitsura ni Bototoy at Ningning. 4. Anong ugali ang ipinakita ni Bototoy sa kuwento? 5. Paano ipinadama ni Bototoy ang pagmamahal sa kapatid?

6. Paano ninyo ilalarawan ang weytres?

7. Bakit ibinenta pa ng weytres ang pork empanada samantalang ito ay panis na?

Aba, syempre po Ma’am!

(Makikinig ang bawat grupo habang nagbabasa ang nakatalagang pangkat)

(4)

Sagutin natin ang mga katanungan kanina.

Bubunot ako ng pangalan na sasagot dito sa mini empanada na inihanda ko.

1. Patalakay Pangkaisipan

1. Ano ang plano ni Bototoy na bibilhin para sa kaarawan ni Ningning na kaniyang pinag-iipunan? Eliz?

Magaling!

2. Ilang halaga ang dapat niyang ipunin para makuha ito? Angelo?

Tama!

3. Ilarawan ang hitsura nina Bototoy at Ningning. Lester.

Mahusay!

4. Anong ugali ang ipinakita ni Bototoy sa kuwento? Kyla?

Tumpak!

5. Paano ipinadama ni Bototoy ang pagmamahal sa kapatid? Ivan?

Magaling!

6. Paano ninyo ilalarawan ang weytres? Eliz?

7. Bakit ibinenta pa ng weytres ang pork empanada samantalang ito ay panis na?

Mahusay! May kasabihan tayo na “huwag mong gawin sa kapwa mo, ang ayaw mong gawin sa iyo”. Tulad nalang ng ginawa ng weytres, nasaktan siya kaya gusto niya rin makasakit ng tao. Huwag natin ugaliin ang maghiganti sa kapwa. Dapat maging mabuti tayo kahit kanino.

Lahat kayo ay tatanggap ng tig-iisang gintong barya.

2. Pagtalakay Pangkagandahan

May inihanda akong empanada na may nakapaloob na katanungan at kung may dagdag o bawas sa inyong gintong barya. Tatawag ako ng sasagot at pumili lamang kayo ng bilang sa empanada at sagutan ninyo ang katanungan.

Kung ikaw ang may-akda ng kuwento, paano mo ito bibigyan ng wakas? Cyrus?

Ma’am, plano ni Bototoy pong bumili ng pork empanada para sa kaarawan ni Ningning.

Ma’am beinte uno po.

Ma’am, sina Bototoy at Ningning po ay may mabibilog na mata at parehong may ngiping kuneho po.

Si Bototoy po ay matiyaga, matiisin, at mapagmahal na kapatid.

Ma’am kahit gaano po kaliit ang kanyang kinikita, hindi niya po nakakalimutang pasalubungan ng kahit kapirasong kendi si Ningning. At nag-ipon po siya ng pera para makabili ng pork empanada sa kaarawan nito.

Ma’am siya po ay masama, mapagsamantala at nangungupit ng pera.

Ma’am kasi po napagalitan siya ng kaniyang amo ay gumanti na siya pero sa ibaang tao po niya ginawa ang paghihiganti niya sa kaniyang amo.

(5)

Magaling!

Kung kayo ang weytres, gagawin niyo rin ba ang ginawa niya? Richel?

Mahusay!

Dagdag ng isang gintong barya para sa grupo mo! Kapag napagalitan ka ng iyong magulang, guro o mas nakatatanda sa iyo, dapat ka bang magtanim ng galit at gumanti sa iba? Nympha?

Tama!

Bawas ng dalawang gintong barya sa inyong grupo. May katulad pa ba si Bototoy na kanyang magtiis, magtiyaga at magsikap, makuha lang ang kaniyang pinapangarap? Jimson?

Magaling!

Ano kaya ang mga kasabihan na maaari nating iugnay sa kuwentong ito? Lady?

Tumpak! Katulad ni Bototoy na laging nagtitiyaga sa pagwa-watch-your-car para mabili ang empanada sa kanyang kapatid na si Ningning.

Ano pa? Jhoewilson?

Magaling! Mapamaraan si Bototoy sapagkat gumawa siya ng alkansya sa lata ng Sardinas upang makapag-ipon ng pera na pambili nila ni Ningning ng empanada.

Ang paghihirap ay matamis kung ito ay puno ng pagtitiis.

Lahat kayo ay may tig-iisang gintong barya. 3. Pagtalakay Pampanitikan

Tignan muli ang kopya. Anong anyo ng panitikan ang ating tinalakay?

Hyacinth?

Tama! Ano nga ba ang maikling kuwento? Pakibasa, Thaellor.

Salamat.

Ang inyong binasa ay maikling kuwento at ito ay

Kung ako po ang may-akda ang nais kong maging wakas ay maparusahan ang weytres na mapagsamantala, magkaroon ng permanenteng trbaho si Bototoy at makapag-aral si Ningning upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

Ma’am hindi po. Unang-una masama po ang gumanti sa kapwa, lalo na po ang kumuha o magnakaw ng pera na hindi sa iyo.

Ma’am hindi po. Dapat po na humingi ng tawad at magpakumbaba po kapag napapagalitan.

Opo Ma’am, katulad ko po, tumutulong ako sa mga magulang ko para magkaroon ng baon pagpasok dito para po makatapos ako ng pag-aaral.

Ma’am “Kapag may tiyaga, may nilaga”

Ma’am “kapag may isinuksok may madudukot”.

Ma’am ito po ay maikling kuwento.

MAIKLING KUWENTO

(6)

may mga elemento. Basahin mo, Bea. magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.

Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? Lester? Tumpak!

Jayferson, pakibasa.

Sino-sino sila sa kuwento? Alpha? Mahusay!

Ivan,

Saan naganap ang kuwento? Fernalyn? Magaling!

Rowena,

Ano ang problema sa kuwento? Shiela? Tama!

Nicole,

Ang tao laban sa tao kalaban ng bida ang kanyang kapwa tao.

May tungglian bang nangyari sa kuwento? Ano ito? Earl?

Tumpak! Cristine,

Kapag trahedya ito ay tawag sa wakas kung humantong ito sa pagkabigo o pagkamatay ng tauhan Melodrama naman kapag may malungkot na pangyayari ngunit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.

Ano ang wakas ng kuwento? Sonny? Tama!

Naintindihan ba ninyo ang elemento ng maikling kuwento?

Ngayon, tignan natin kung naintindihan niyo ang maikling kuwento.

1. TAUHAN – siya ang bida sa kuwento. Sa kanya umiikot ang buong salaysay.

Si Bototoy po.

* Iba pang tauhan – madalas may relasyon sa bida at sa kanyang problema at pakikipagtunggali. Ningning, Nono, Itoc, Radny, tatay at weytres

2. TAGPUAN – kung saan at kailan nangyari ang kuwento.

Sa Katipunan po Ma’am.

3. SULIRANIN – problemang hinaharap ng bida. Ito ang dahilan kung bakit may kuwento. Kung walang problema, walang kuwento.

Ma’am Pork Empanada po.

4. TUNGGALIAN – ito ang mga hadlang o pumipigil sa pangunahing tauhan sa kuwento.

tao laban sa tao tao laban sa sarili tao laban sa lipunan tao laban sa kalikasan

Tao laban sa tao

Si Bototoy laban sa weytres Ang amo laban sa weytres

5. WAKAS – ito ang kahihinatnan ng pakikipagtunggali ng bida.

Trahedya Melodrama

Ma’am Melodrama po.

(7)

F. Paglalahat

Panuto: Kailangan ko ng dalawang representante bawat grupo. Pagsunud-sunudin ang mga naganap na pangyayari sa kuwento. Paunahan na idikit ito sa pisara. Itaas ang kamay kapag tapos na. Gawin ito sa loob ng dalawang minuto May tatlong gintong barya ang mauunang matapos.

1. Naghihintay si Ningning sa pagdating ni Bototoy. 2. Napagalitan ng amo ang weytres dahil siya ay burara.

3. Maingat nilang binuklat ang raper at unti-unting kinain ang empanada.

4. Ibigay ng weytres ang dalawang lumang empanada at lihim na ibinulsa ang bayad.

5. Nagwa-watch-your-car si Bototoy sa harap ng Frankie’s Steaks and Burger para makaipon ng pera pambili ng Pork Empanada.

Mahuhusay!! Heto ang dalawang gintong barya ninyo.

G. Pangwakas Na Pagtataya Pangkatang Gawain

Bawat grupo ay maglabas ng papel at pangkulay. Magtutulungan kayo sa pagguhit at pagbibigay ng paliwanag sa iguguhit ninyo. Pipili ako ng Bb. Pork Empanada 2016 na siyang magpapaliwanag dito sa harapan. Ang larong ito ay tinatawag na “Guhit ng grupo ko, Korona ko”.

Unang Grupo = PANGUNAHING TAUHAN Iguhit si Bototoy. Ano ang mga katangiang taglay niya.

Ikalawang Grupo = IBA PANG TAUHAN

Iguhit si Ningning. Ano ang relasyon niya kay Bototoy.

Ikatlong Grupo = TAGPUAN

Gumuhit ng mapa mula sa bahay ni Bototoy hanggang sa Franki’es Steaks and Burgers

Ikaapat na Grupo = SULIRANIN

Iguhit ang gustong-gustong bilhin ni Bototoy. Ano ang mahalagang ginampanan nito sa kuwento. Gawin ito sa loob ng limang minuto.

Kapag sinabing kong Pork Empanada! Tapos o hindi ay itataas na ang inyong mga ginawa at pumunta na sa harapan ang apat na kontestant ng Bb. Pork Empanada 2016.

Narito ang rubriks sa pagguhit.

Pamantayan sa Pagguhit Punto

Mga Kasagutan 2 3 5 4 1

(8)

s

 Pagkamalikhain 10

 Kaugnayan sa Paksa 10

 Kalinisan at kaayusan 10

Kabuuan 30

Ngayon magsimula na kayo sa pagguhit ng tahimik. Ang iba ay gumawa na ng pagpapaliwanag sa inyong iguguhit.

Pork Empanada! Unang grupo, Nympha.

Magaling!

Ikalawang grupo, Alexis.

Mahusay!

Ikatlong grupo. Fernalyn.

Ikaapat na grupo. Antonette.

Magaling!

Base sa iyong mga iginuhit at kasagutan… Ang Bb. Pork Empanada 2016 ay si…. Antonette!! Kunin mo ang iyong korona at sash.

Sandali lamang… nais kong humingi ng paumanhin.. ang Bb. Pork Empanada 2016 ay si Nympha..

Kayo ang tatanggap ng sampung gintong barya at tig-lilimang gintong barya naman sa ibang grupo.

Ngayon bilangin na ninyo kung ilan ang naipon ninyong gintong barya at tanggapin ninyo ang inyong premyo. Bawat miyembro ay makakatanggap ng premyo.

(Gumuguhit na ang bawat grupo) (Itataas ang mga ginuhit)

Iginuhit namin si Bototoy. Siya ay matiyaga, matiisin at mapagmahal na kapatid.

Iginuhit naman namin si Ningning. Siya ay masayahin, may bilog na mata at kunehong ngipin tulad ni Bototoy.

Iginuhit ng aming grupo ang mapa mula sa bahay papunta sa Frankie’s Steaks and Burgers kung saan nagwa-watch-your-car si Bototoy at kung saan niya binili ang anis na empanada.

Iginuhit naming ang Pork Empanada. Mahalaga ito sa kuwento dahil dito, nakita ang magagandang katangian ni Bototoy at ang masamang katangian ng weytres.

IV. TAKDANG-ARALIN

1. Ano-ano ang bahagi ng maikling kuwento? 2. Ano-ano ang mga salik ng maikling kuwento? Sanggunian:

1. Gabay sa Guro Baitang 7 Ikatlong Markahan 2. Panitikang Filipino 7 3. internet Pahina: 85-86 Inihanda ni: ALMARIE S. MALLABO Praktis Titser Sinuri ni: 1-10 na barya Pambura 11-20 Lapis 21-30 Ruler 31-50 Papel

(9)

Gng. LIGAYA P. ACIO Koopereyting Titser

Referensi

Dokumen terkait

Dito pa lang po ay matatatanto na natin kung gaano ang paghahangad niya na ito ay malathala dahil alam po niyang ito ang susi para sa isang mapayapang paraan ng pagkakamit

Mula noong 2003 ang kanyang kumpanya sa telecom na Digital Telecommunications Philippines ay gumastos ng halos $ 800 milyon para sa mobile carrier nito, Sun Cellular na kung saan

Ang ibinigay na buod ng kwentong Banyaga sa itaas ay nagpapakita ng maayos na galaw ng pangyayari mula sa paglalahad ng suliranin ng pangunahing tauhan na si Fely na kung saan ay

Ang bawat mag – aaral ay susulat ng isang talatang naglalarawan sa masining na paraan na tumatalakay sa mga pangyayari sa kanilang buhay o sa buhay ng iba na pumapaksa tungkol

saan matatagpuan na sa teksto ang laat ng ideya, impormasyon, at kaulugan para sa mambabasa# Nagreresulta ito sa isang pasibong pagbasa, kung saan ang. mababasa ay nagiging

Gagamitin natin ang salitang “disaster” bilang suheto ng pagtatanong ng papel na ito, at kung paano ito nauugnay sa konsepto ng “sakuna.” Kung paanong ang sakuna sa pag-unawa nito sa

May paglalahad din kami mula Bacolod City kung saan kanyang ibinahagi ang organic rice farming at iba pang kamada, nang negosyo ay umarangkada.. Nariyan din ang negosyong rice wine sa

Payak at maliit lang ang entabladong gawa sa kawayan, sa likod nito may trapal kung saan nakasulat ang mahabang pamagat at tema ng okasyon; nililinaw kung sino ang mga kaibigan at kung