• Tidak ada hasil yang ditemukan

MULA SA OVCAR – KOMUNIDAD NG GRADE SCHOOL:

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2023

Membagikan "MULA SA OVCAR – KOMUNIDAD NG GRADE SCHOOL:"

Copied!
4
0
0

Teks penuh

(1)

ANG MABUTING BALITA (Mt. 17:22-27)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Minsang maglakbay si Jesus sa Galilea kasama ang Labindalawa, sinabi niya sa kanila: "Ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao. Papatayin nila siya ngunit babangon siya sa ikatlong araw."Kaya lubha silang nalungkot. Nang makapasok na sila ng Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga taga-kolekta sa Templo at tinanong nila siya: "Nagbabayad ba ng buwis ang guro n'yo?" Sumagot siya:" Siyempre."At pumasok si Pedro sa bahay ngunit agad siyang tinanong ni Jesus:" "Ano sa palagay mo Simon? Sino ang nagbabayad ng buwis o parangal sa mga hari ng mundo: ang mga anak ba o ang iba?" Sumagot si Pedro:

"Ang iba." At sinabi ni Jesus:" Kung gayon, di-saklaw ang mga anak. Ngunit hindi rin natin dapat saktan ang mga taong ito kaya pumunta ka sa dagat, maghagis ng bingwit at buksan ang bibig ng unang isdang iyong mahuli. May pera kang matagpuan doon, kunin mo iyon at magbayad ka para sa iyo at sa akin.

Pagninilay:

May mga bagay na nakalaan para sa Diyos. At may mga bagay din naman na sadyang nakalaan sa bayan ayon sa mga batas at panukala nito. Hindi tayo maituturing na matuwid kung naibibigay natin ang nakalaan para sa Diyos, pero hindi naman natin ginagawa ang mga bagay para sa ikabubuti ng bayan na siya rin namang hinahangad ng Diyos. Sa panahong isinusulong natin ang tunay na pagbabago sa ating bansa para sa ikauunlad ng ekonomiya at serbisyo sa mamamayan, makipagtulungan tayo sa ating pamahalaan. Simulan natin sa ating sarili ang pagbabago nang maganap ang pangmalawakang pagbabagong hinahangad natin sa bayan.

Panalangin:

Panginoon, marapatin Mo pong manaig sa puso ng bawat Pilipino ang katapatan at pagmamalasakit sa aming bayan nang matamo namin ang ganap na pagbabago at kaunlaran na aming inaasam-asam. Amen.

MULA SA IKALAWANG PUNONG GURO NG AKADEMIKS:

Mga minamahal na mag-aaral, guro, at iba pang kasapi ng Lasalyanong komunidad, isang punong-puno ng pagpapalang panibagong taon para sa ating lahat! Nawa ay makinabang tayong lubos sa mga pagbabagong inihanda para sa atin at nawa ay matutunan nating lahat ang mga nararapat na disposisyon, kasanayan, pag-uugali, at pagpapahalaga bilang karapat- dapat na daluyan ng pagmamahal ng Panginoong Diyos para sa ating kapwa.

Ngayong ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika, nawa ay tangkilikin at suportahan natin ang mga gawaing inihanda para sa atin ng Departamento ng Filipino.

Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Pamilyang Lasalyano!

MULA SA OVCAR – KOMUNIDAD NG GRADE SCHOOL:

Mula sa Ikalawang Punong Guro Pang-Administrasyon

1. Maligayang pagdating sa unang araw ng inyong buhay mag-aaral sa Taong Panuruan 17-18 mga minamahal naming Lasalyano! Ito ang simula ng bagong taon ng kasiyahan at pag-aaral matapos ang mahabang bakasyon;

bagong antas, mga bagong guro, bagong kaibigan at mga bagong simulain ng paaralan. Isang magiliw na pagbati sa mahusay na pagsisimula!

2. Taos pusong pasasalamat ang ipinaabot sa buong komunidad ng Grade School lalo’t higit sa ating mga Gurong Tagadisiplina at mga Gurong Tagapayo sa kanilang lubusang paghahanda para sa pagbubukas ng taong ito. Tunay na ang ikapagtatagumpay ng ating mga adhikain ay nasa dedikasyon at pagkakaisa ng lahat.

3. Ang mga panuntunan at gabay sa buong taon ay sisimulang talakayin ng inyong mga guro sa araw na ito.

Inaasahan na ang lahat ng mga mag-aaral ay maliming makikinig.

4. Ipamamahagi po ngayon ang liham para sa mga magulang. Mangyaring ipaliwanag ng mga Gurong Tagapayo sa mga mag-aaral ang nilalaman nito.

5. Simula bukas, Agosto 15 ay susundin na ang regular na iskedyul ng Baitang 1 -6, gayundin ang pagsusuot ng nakatakdang “uniform” para sa mga dati ng mag-aaral ng ating paaralan.

Bulletin No.: 001 Lunes, 14 Agosto 2017

MISSION VISION

“Inspired by our faith in God, by our Catholic traditions and by the charism of St. John Baptist de La Salle educational innovator par excellence, we together and by association are committed to give quality human and Christian education to all building a

society founded on equity and justice and on sustainable and inclusive development. .”

(2)

2 Mula sa Tanggapan ng Punong Tagadisiplina

1. Maligayang pagbabalik sa lahat ng mga mag-aaral! Gugulin ninyo ang araw na ito sa pakikinig sa inyong mga guro tungkol sa mga mahahalagang impormasyon na kanilang ibabahagi.

2. Ipinagbibigay alam sa lahat ng mga mag-aaral sa Baitang 4-6 na magkakaroon ng Pagtitipon sa BHV GYM sa ganap na ika-8 (8:00 AM) ng umaga. Magsisimula kayong pumunta sa naturang bulwagan na isinasaalang-alang ang maayos na pagpila sa ganap na ika-7:40 ng umaga.

3. Pinaaalalahanan ang lahat ng mga mag-aaral at subject teachers sa itinakdang iskedyul ng pagpapakuha ng larawan (ID). Ang mga mag-aaral ay gagabayan ng mga subject teachers sa pagtungo sa Student Activities Office. Gayundin, ang mga mag-aaral ay nararapat na pumila nang maayos pagpunta sa SAO at pagbalik sa classroom.

ISKEDYUL NG PAGPAPAKUHA NG LARAWAN:

AGOSTO 15 AGOSTO 15

BAITANG 4 BAITANG 5

7:40- 8:20- BB 210 1:40-2:20- BB 301 8:20-9:00- BB 212 2:20-3:00- BB 305 9:00-9:40- BB 310

10:00-10:40- BB 312 10:40-11:20- BB 211 12:20-1:00- BB 311 1:00-1:40- BB 209

AGOSTO 16 AGOSTO 16

BAITANG 5 BAITANG 6

7:40- 8:20- BB 302 1:40-2:20- BB 306 8:20-9:00- BB 308 2:20-3:00- BB 403 9:00-9:40- BB 304

10:00-10:40- BB 303 AGOSTO 17

10:40-11:20- BB 309 BAITANG 6

BAITANG 6 7:40-8:20- BB 401 12:20-1:00- BB 404 8: 20-9:00- BB 406 1:00-1:40- BB 402 9:00- 9:40- BB 405

MULA SA OVCAR – KOMUNIDAD NG JUNIOR HIGH SCHOOL:

Mula sa Ikalawang Punong Guro Pang-Administrasyon

1. Malugod naming binabati ang mga mag-aaral sa pagsisimula ng pasukan ngayong taong ito! Nawa ay maging makabuluhan ang inyong oras na ilalagi sa paaralang ito na inyo ring pangalawang tahanan.

2. Ang mga panuntunan ng paaralan ay ipapaliwanag ng inyong mga gurong tagapayo. Pakinggang mabuti ang mga alituntunin at magtanong kung may mga bagay na gusto ninyong linawain.

3. Magkakaroon ng pagtitipon ang mga mag-aaral mula ika-4 hanggang ika-10 baitang sa Miyerkules, Agosto 16, 2017 sa SENTRUM upang mas malalim na maipaliwanag ang mga proyekto ng paaralan tungkol sa SMILES at CAPSTONE Initiatives. Magsisimula ang pagpunta sa nasabing lugar sa mga sumusunod na oras:

a. 7:30 nu- Baitang 10 b. 7:35 nu- Baitang 9 c. 7:40 nu- Baitang 7 d. 7:45 nu- Baitang 8 Mula sa Departamento ng Filipino Buwan ng Wika 2017

Mapagbago ang wikang Filipino

Gaya ng mapaghilom na awit ng Ibong Adarna, ang wikang Filipino ay may kakayahan din na magdulot ng paggalíng at positibong pagbabago sa lipunang Filipino. Buong pagmamalaki itong itinatanghal sa buong bansa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Filipino 2017 ngayong Agosto na may temang Filipino: Wikang Mapagbago.

Bílang wikang pambansa ng Pilipinas, ang pagbabágong ito ay nakasandig sa tatlong kahalagahan na pinagsisikapan ng Komisyon sa Wikang Filipino na maipalaganap sa buong Pilipinas: ang Filipino bílang wika ng kaisahan, kaunlaran, at karunungan. (mula sa Komisyon sa Wikang Filipino)

(3)

3 Mabuhay ang wikang Filipino na nagbibigkis sa bawat isa sa atin. Taas noong ipagmalaki na ikaw ay Pilipino sa pamamagitan ng pagpapanatiling buhay ng wika at kulturang sumasalamin sa ating identidad bilang isang lahing kayumanggi.

MULA SA OVCAR – KOMUNIDAD NG SENIOR HIGH SCHOOL:

Mula sa Ikalawang Punong Guro Pang-Administrasyon

1. Binabati ko ang mga mag-aaral at guro ng SHS sa isang maayos na unang linggo ng SY 2017-18.

2. Ang lahat ng mga mag-aaral ng SHS ay pinaaalalahan ng tamang pakikitungo sa kapwa. Simula ngayong araw na ito kayo ay makikisalamuha sa mga mag-aaral ng Kolehiyo. Pairalin ang paggalang sa mga nakakatandang mag- aaral sa ating paaralan. Igalang ang karapatan ng kapwa mag-aaral at panatilihing mabuti ang pakikitungo sa mga kamag-aaral.

3. Mahalagang Pa-ala-ala:

Sundin ang tamang patakaran sa paggamit ng elevator Sundin ang patakarang CLAYGO

4. Ngayong araw na ito ika-14 ng Agosto isasagawa ang inspeksyon sa tamang gupit at ayos ng buhok. Ang lahat ay pinaalalahan na sundin ang patakaran ng paaralan tungkol dito.

5. Para sa inyong kaalaman, ang Guidance Counselor ng mga mag-aaral ng SHS ay ang mga sumusunod:

GRADE/STRAND GUIDANCE COUNSELOR

Grade 11 & 12 (STEM) Ms. Nery Dumol Grade 11 &12 (ABM) Ms. Che Grajo Grade 11 & 12 (GA, HUMSS) Mr. Loreto Berana Jr.

MULA SA OVCAR - TANGGAPAN NG TAGAGABAY:

1. Maligayang pagbabalik mga Lasalyano! Ang lahat ng mag-aaral ay hinihikayat na gawing makabuluhan at masaya ang Taong Panuruan 2017 – 2018.

2. Ang mga sumusunod ang bumubuo ng Tanggapan ng Gurong Tagagabay:

Puno ng Gurong Tagagabay: G. Jojo Berana Nursery 1, 2, Kinder and Grade 1: Bb. Melisa Gonzales

Antas 2 & 3: Bb. Love Navarro

Antas 4 & 5: Bb. Kristine Magaling

Antas 6: Bb. Cheche Grajo

Antas 7: Bb. Maicon Katigbak

Antas 8: Bb. Jane Gutierrez

Antas 9: Bb. Renie Fabon

Antas 10: Bb. Minnie Mallari

Psychometrician: Bb. Alecks Dimaano

Sekretarya: Bb. Iyah Docog

Antas 11 at 12 STEM : Bb. Nery Dumol Antas 11 at 12 HUMSS at GAS G. Jojo Berana

Antas 11 at 12 ABM Bb. Cheche Grajo

3. Para sa mag-aaral ng Antas 12: Ang mga sumusunod na mag-aaral ay kailangang pumunta sa tanggapan ng Gurong Tagagabay ngayong araw, Agosto 14 upang ayusin ang kanilang mga aplikasyon sa kolehiyo :

a. Mga aplikante ng Ateneo na hindi pa nagsusumite ng kanilang kumpletong aplikasyon.

b. Mga aplikante ng Ateneo na hindi pa nagsusumite ng High School Record & Principal’s Recommendation Form

1. Mari Franzene P. Reyes 2. Sherwyn M. Suarez 3. Margaret M. Manuel 4. Jullianne Airina C. Lat 5. Lorena Rebecca A. Rosuelo 6. Karol Jozef A. Gutierrez 7. Tristan Philip U. Calangi 8. Joph M. Bonifacio

9. Christian Angelo T. Sanchez

(4)

4 c. Mga may kulang sa kanilang aplikasyon :

1. Alexa Marie B. Elpedes 2. Rebekah Angela R. Maderazo 3. Nathaniel A. Dimaano

4. Seline S. Abanto MULA SA OVCAR - SILID AKLATAN:

Maligayang pagbabalik mga guro at mag-aaral! Inaanyayahan po ang lahat na patuloy na bumisita at magbasa sa ating silid-aklatan. Mayroon inihandang pagtatanghal ng mga aklat para sa Buwan ng Wika ang silid-aklatan na makikita sa Filipiniana Seksyon. Ipinagbibigay alam din sa lahat ng mag-aaral sa Junior High School ang bagong polisiya sa silid- aklatan. Maari ng dalahin sa loob ng silid-aklatan ang inyong mahahalagang gamit tulad ng bag, gadgets (laptop, cellphone, tablet, etc) bottled water, lunch box, at iba pa. Maraming salamat po.

Referensi

Dokumen terkait

Mga Paraan para Makakonekta sa Internet Kagamitan Bilang Porsiyento Sariling broadband internet DSL, wireless fiber, satellite 40 35.1% Sariling mobile data 76 66.7%

Ang Paaralang Bayan din ang naging isang tuntungan sa pagbubuo ng pederasyon ng mga homeowners association mula sa iba't ibang purok sa South Daang Hari na siyang mangunguna sa