Paaralang De La Salle Santiago Zobel FILIPINO 5
HANDOUT BLG. 2
UNANG TERMINO 2015-2016
Diin – antas ng lakas nang bigkas ng salita o bahagi ng salita Tuldik – isang hudyat na idinagdag sa isang titik upang mapalitan ang pagbigkas o malaman ang pagkakaiba nito sa pagitan ng
magkakatulad na mga salita.
Uri ng Diin:
1.MALUMAY- binibigkas ito nang dahan-dahan at may diin sa pagbigkas sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ito ay hindi ginagamitan ng tuldik o palatandaan. Maaaring magtapos ang salitang malumay sa patinig o katinig.
Hal:
buhay kubo kulay dahon
malumay baka babae apat
2.MALUMI- ang bigkas sa malumi ay tulad sa bigkas ng mga salitang malumay. Ito ay binibigkas nang dahan-dahan at may diin sa ikalawang pantig buhat sa hulihan subalit ang malumi ay may impit na tunog sa dulo ng mga salita. Palaging nagtatapos sa tunog patinig. Ginagamitan ito ng tuldik na paiwa(\).
Hal:
barò batà tamò lahì luhà lupà
panlapì mayumì
3. MABILIS- binibigkas ito nang tuloy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig, wala itong impit na tunog. Maaaring magtapos ang mga salitang binibigkas nang mabilis sa katinig o patinig.
Ginagamitan ito ng tuldik na pahilis (/) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.
Hal:
diláw pitó kahón bulaklák hulí sapín buwán rebolusyón
4.MARAGSA- binibigkas ito nang tuloy-tuloy na tulad ng mga salitang binibigkas ng mabilis, subalit ito ay may impit o pasarang tunog sa hulihan. Tulad ng malumi, ito ay palagiang nagtatapos sa tunog na patinig. Ginagamit dito ang tuldik na pakupya (/\) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.
Hal:
dagâ wastô pasâ tumulâ
hindî kumulô humulâ ginawâ
_____________________________________________________
Pagsasanay:
(http://lessons.ph/studyaids/allschools/grade5/wika5/f5a0003a.htm)
Panuto:
Isulat ang Y kung malumay, I kung malumi, A kung maragsa at S kung mabilis ang pagbigkas sa mga sumusunod na salita.
Pagbigkas
Gap-fill exercise
siya
dusa
munti
umaga
maganda
ginamit
hiya
kunwari
salita
dagli
sumaya
ligaya
pakikisama
natatangi
ito
(http://www.scribd.com/doc/84094434/LSM-Grade-5-Filipino-3rd-Trim-Exam-SY-2011- 2012)
B. Isulat sa patlang kung anong uri ng diin ang mga sumusunod na salita. Lagyan ito ng tuldik.
________ 1. daga _________6. tumula ________ 2. huli _________7. mayumi ________ 3. kubo _________8. buhay ________ 4. luha _________9. babae ________ 5. bulaklak _________10. hindi