• Tidak ada hasil yang ditemukan

Thesis Namin e2

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Thesis Namin e2"

Copied!
24
0
0

Teks penuh

(1)

KABANATA I `

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

PANIMULA

Sa kabanatang ito ilalahad ng mga mananaliksik ang kanilang pangkahalatang pananaw, ang layunin,kahalagahan, suliranin at depenisyon at terminolohiya na ginagamit sa pananaliksik.

Kaalinsabay ng patuloy na paglawig ng ating panahon, ay ang hindi ring maiiwasang paglago ng mga kabataan na hindi nakapagtapos ng pagaaral. Mga suliranin na matagal nang binibigyang-pansin ng ating pamahalaan subalit tila ba hindi sapat ang bawat hakbangin upang ito‘y masugpo. Isa na rito ay ang kawalan ng tamang pag aaruga ng mga magulang. Ang iba naman, ay mayroon ngang nag aaruga ngunit hindi binibigyang halaga ang pag-mamahal ng kanilang mga magulang. Ito naman ang tinatawag na pag-saway sa magulang. Hindi lingid sa atin ang patuloy na pagtaas ng maagang pag aasawa. Hindi rin kaila sa atin na sa makabagong panahon na ito ay hindi na nakakapag taka sapagkat kapag ito ang pinaguusapan uso naman iyan. Bukod pa riyan, ay maituturing ang mga ito na malaking banta sa mga kabataan na mag-aaral sa ika dalawang baitang at maging sa mga nananatili pang mag-aaral. Ano ba ang mga dahilan sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kabataan na hindi nakakapagtapos ng pagaaral ? Papaano ito nakaaapekto sa atin?

Layunin ng Pananaliksik

Layunin ng pananaliksik na ito ang magbigay kaalaman sa mga mag-aaral, at maging sa iba pa ng tungkol sa iba‘t-ibang mga kadahilanan ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kabataan na nalilihis ng tamang landas. Mga kabataan na ―biktima‖ ng sitwasyon yaong walang gumagabay na magulang o di kaya ay walang pananalig sa may kapal .Kaugnay pa, ay ang mga epekto na idinudulot nito, hindi lamang sa kabataan, ekonomiya, kundi maging sa mga simpleng mag-aaral pa lamang. Layon din ng pananaliksik na ito na magbahagi ng mga solusyon na mabubuo base sa makakalap na mga impormasyon.

(2)

Kahalagahan ng pananaliksik

Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalaman ng mga pahayag kung ano ang mga kapakipakinabang na makukuha sa pananaliksik.

Makakuha ang mga mananaliksik at maging ang mga mambabasa ng mga karagdagang kaalaman,impormasyon,ideya at mga pananaw na maaaring makaimpluwensya sa kanilang paniniwala patungkol sa “Ang Pananaw ng mamamayan hinggil sa pag taas ng kabataang maagang nag aasawa”

Ito ay maaring maging karagdagan reperense sa mga magsasagawa ng pag-aaral patungkol sa mga kabataan na maagang pag aasawa sa mga kahalagahan ng pananaliksik na ito ay makasasagot sa mga katanungan na maaaring gumugulo at kapaliwanagan sa isipan ng mga tao.

Makapag-iisip ng magandang ideya at paraan kung paano tuluyang maiwasan ang maagang pag aasawa.

Paglalahad ng mga Suliranin

1. Profayl

 Kasarian  Edad  Edukasyon

 Katayuan (kung may hanapbuhay o wala)

2. Anu-ano ang mga posibleng kadahilanan kung bakit maagang nakakapag asawa?

3. Anu-ano ang mga posibleng dahilan?

4. Bakit patuloy na tumataas ang bilang ng mag-aaral na hindi nakapg tapos? 5. Ano ang mga epekto ng patuloy na pagtaas ng mga kabataan na hindi

nakapagtapos ng pag aaral Depinisyon ng mga Terminolohiya

1. NALILIHIS NANG LANDAS—naliligaw patungo sa kapahamakan. 2.

(3)
(4)
(5)

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Unemployment at Underemployment

Ayon sa International Labour Organization (ILO, sa pamamagitan ng Wikipedia), ang Unemployed ay ang mga taong walang hanapbuhay kahit pa aktibo ang mga ito sa paghahanap ng trabaho sa nakalipas na 4 na linggo; samantalang Underemployed naman ang tawag sa mga taong may hanapbuhay ngunit ang trabaho ay mas mababa kaysa sa tinapos na kurso (overqualification); mga part-timers na kung tutuusin ay kaya namang magtrabaho ng full-time (Involuntary part-time); at mga taong umeekstra lamang at hindi regular sa trabaho (labor hoarding).

Sa Trading Economics.com at Philstar ay tinalakay naman na sa unang kalahating taon ng 2011, naitala ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa. Sa buwang Hulyo 2011, tinatayang may 2.8 milyong mga Pilipino ang unemployed o kumakatawan sa 7.1% ng unemployment rate. Sa katapusan ng taong 2011, ay tinatayang nasa 11.4% ang annual average unemployment rate. Sa kalagitnaan ng taon ay binago ng National Statistical Coordination Board (NSCB) and depinisyon ng ―walang trabaho‖. Sa kasalukuyan, ang mga walang trabaho ay yaong naghahanap at handang magtrabaho pero walang mapasukan.

Kahit iniulat ng gobyerno ang ―kumikinang‖ na 7.9% paglago sa gross domestic product (GDP) sa pangalawang kwarto at dalawang magkasunod na panahon ng higit sa karaniwang paglago, hindi ito sinabayan ng katumbas na pagdami ng tunay na trabaho o disenteng sahod. Kahit mistulang paborable ang paglago, ang empleyo ay nagrehistro lamang ng 1.2% paglago noong Abril 2010 mula sa nakaraang taon, na ni hindi masabayan ang paglaki ng pwersang paggawa o ng populasyong nasa-edad nang magtrabaho. Patuloy na tumaas ang disempleyo sa 4.7 milyon noong Abril 2010 at ang tantos ng disempleyo na 11.6% ay ang pinakamalala sa Asya. Nawalan naman ng 802,000 trabaho ang sector ng agrikultura noong Abril.

Imbes na bilang ng hanapbuhay ang lumago kasabay ng paglago ng ekonomiya ay ang pagtaas sa tubo ng Top 1,000 na korporasyon mula P116.4 bilyon noong 2001 sa P686.3 bilyon noong 2007. Ang kakayahang tumubo o tantos ng tubo kumpara sa kita ay tumaas din mula 3.2% noong 2001 hanggang 11.7% noong 2007. Nagkaroon ng pagbaba sa tubo sa P415.1 bilyon noong

(6)

2008, malamang dahil sa pandaigdigang krisis pang-ekonomiya, subalit nagkaroon pa rin ng 7.02% kakayahang tumubo katapat ng 0% pagtaas ng sahod.

Lumiit ang bilang ng mga sahurang manggagawa (wage and salary workers) ng 156,000 habang sumirit ang mga sariling kayod (own account and unpaid family workers). Lumilitaw na halos kalahating umiiral na trabaho sa bansa ay sariling kayod, mababang pasahod,pansamantala, walang katiyakan at ―impormal‖

Kakarampot kung nadadagdagan man ang mga trabahong nalilikha ng atrasado at ampaw na ekonomiya. Karamihan sa mga bagong trabaho ay nasa agrikultura at serbisyo partikular sa kalakalan gayundin sa transportasyon at komunikasyon. Gayunman, karamihan sa mga ito ay may mababang pasahod o kung relatibong mataas man, walang katiyakan sa trabaho. Sa pagmamanupaktura, halos 17,000 lamang ang nalikhang bagong trabaho na ibayo pang nagpaliit sa bahagi ng pagmamanupaktura sa kabuuang empleyo. Ang sabsektor ng pagmamanupaktura na humihigop ng mga manggagawa sa kalunsuran ay patuloy pang lumiit sa 9.5% na bahagi na lamang sa kabuuang empleyo ng bansa at itinuturing na pinakamaliit nitong tantos sa nakaraang apat na dekada.

Sa kabila ng mga salamangka, mismong mga datos ng gobyerno sa empleyo ang nagpapahiwatig sa tindi at lubha ng kawalan at kakulangan satrabaho. Kapag pinagsama ang tantos sa unemployment (11.4%) at underemployment (21%), lilitaw na 32.4% ng kabuuang lakas paggawa o mahigit 3 sa bawat 10 manggagawa ang wala o kulang ang trabaho. Ito ay batay sa lumang pamantayan ng gobyerno sa pagsukat ng lakas-paggawa. Pero kahit sa lumang pamamaraan ng pagsukat, hindi nito isinama bilang lakas-paggawa ang maraming mamamayan na epektibong nagmemenos sa malubhang datos sa disempleyo. Kahit ito ay hindi naman talaga nagpapakita ng tunay na lala ng kawalan at kakulangan ng trabaho sa Pilipinas. Pero higit pa sa mga datos, ang aktwal na ginagawa ng mga manggagawa para mabuhay ang nagpapakita sa tindi ng disempleyo. Pinakamalala ito mula ng mapabagsak ang diktadurang Marcos dalawang dekada na ang nakaraan. Wala nang mapagpilian ang milyun-milyong mamamayan kundi mangibang bansa para doon humanap ng trabaho. Tinatayang aabot na sa 8 hanggang 9 na milyong Pilipino (10% ng populasyon) ang migrante.

Anu-ano ang mga sanhi ng suliranin? 1. Mga gradweyt na walang trabaho

Una, hindi demand ang kanilang trabaho sa lokal o sa ibang bansa, ikalawa nawawalan ng gana, ikatlo, hindi angkop ang kurso na kanilang kinukuha, ikaapat kakulangan ng kaalaman upang pumasa sa mataas na kalidad ng mga manggawa sa ibang

(7)

bansa. Noong taong 2006 ay humigit kumulang 13,000-15,000 na registered nurses ang pumunta sa ibang bansa para magtrabaho. Sa Pilipinas ay kulang ng mga bakanteng trabaho para sa kanila kung kaya‘t madalas nagkakaroon ng job mismatch. Ang ibang gradweyt na nars ay nagiging crew na lang sa fastfood chain o saleslady sa isang department store.

Ayon sa Commission on Higher Education, noong 2009 humigit kumulang na 900,000 ang mga nakapagtapos ng kolehiyo. Samantala, ang bilang ng mga nagbubukas na trabaho sa bansa nitong 2009, ayon sa Department of Labor and Employment ay 20,000- 30,000 lamang. Dahil hindi balanse o pantay ang ratio ng mga nagsipagtapos sa bilang ng mga nagbukas na trabaho, napipilitang pasukin ng mga iilang graduate ang mga trabahong taliwas sa kursong tinapos nila.

2. Mga hindi nakatapos ng pag-aaral

Karamihan sa kabataan ngayon ay hindi naka-tapos sa pag-aaral. Ito ay sanhi ng madaming mga dahilan:

Una: Kakapusan sa buhay

Maraming mag-aaral ang nais makatapos ng pag-aaral, ngunit sanhi ng kakapusan sa pang-tustos dito, di nila nakakamit ang nais na diploma. May 80 milyon na ang bilang ng mga tao sa Pilipinas. Ayon sa isang pag-aaral ng IBON Foundation, may 88 porsiyento ng 80 milyong taong ito-samakatwid ay 70.4 milyon-ang nasa ibaba ng tinatawag na poverty line. Ang palaki nang palaking populasyon ng Pilipinas ang lagi't laging pinagbubuntuhan ng sisi sa paglala ng kahirapan sa bansa. Kaya naman hindi nakapagtatakang si Kinatawang Lagman ay makaisip ng ganitong panukalang batas. Datapwat ang isang karaniwang manggagawa'y kumikita lamang ng P300 sa kasalukuyan. May 15 porsiyento ng buong populasyon natin ang mga manggagawa sa mga pabrika. Ang mga nagtatrabaho sa mga sakahan ay higit pang masasahol ang dinaranas: ang mga manggagawang-bukid kadalasa'y wala pang P100 ang sinasahod sa isang araw, habang ang mga nakikiparti sa ani ay umaani na ang kita sa pagbebenta ng kanilang inani ay hindi rin sumasapat sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya.

Ikalawa: Kawalan ng interes

Ang mga mag-aaral ay kadalasang nababaling ang atensyon sa ibang mga bagay. Saklaw na nito ang pagkahumaling sa mga laro sa kompyuter, ang paglalakwatsa o di kaya‘y sadyang katamaran ng estudyante. Ang mga bagay na ito ay lubhang naka-aapekto sa mag-aaral. Marahil ay mas mabigyan niya ito ng atensyon at maisip na ito na lamang ang pagtuunan ng pansin.

(8)

Ikatlo: Maagang pagbubuntis

Isa sa mga tinuturong dahilan ng pagbubuntis ng mga batang babae ang kakulangan ng kaalaman ng mga kabataan tungkol sa pakikipagtalik. Partikular sa Pilipinas, ang partuturo ng sex education sa mga paaralan ay isang isyu na patuloy na pinagdedebatehan. Bagamat malakas ang panawagan ng iba‘t ibang sektor ng lipunan para sa sex education, ang simbahang Katoliko at ibang konserbatibong grupo ay mahigpit itong tinututulan. Ayon sa 1995 sensus, mga 1.8 kalalakihan at 670,000 kababaihan na may edad 15-24 ang aktibo sa sex o pakikipagtalik. Ayon naman sa World Health Organization, 21% ng mga Pilipinong kababaihan ay nabubuntis ng wala pang 19 anyos. Ayon rin sa POPCOM, ang mga batang ina ay bumubuo ng 30% na pagbubuntis, 17% ng mga kaso ay hinimuk ng aborsyon, 12% ng normal na panganganak, 6% ng boluntaryong aborsyon.

Sa datos naman noong 2009, halos 3.6 milyon ang naitalang batang ina sa bansa. Sa katunayan, pito sa sampung buntis na babae ay hindi bababa sa 19 ang edad.

Ang lumalaking bilang ng mga kabataang maagang nabubuntis ay sinasabing sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya ng bansa. Ang lumulobong populasyon at kawalan o limitadong kakayahan ng mga kabataan na suportahan ang kanilang mga anak ay isa sa mga nagiging dahilan ng lumalalang kahirapan sa bansa. Sa madaling sabi, ang mga kabataang maagang nabubuntis ay ‗di na napagpapatuloy ang kanilang pag-aaral na nagsasanhi ng ‗di nila pagkahanap ng magandang hanap buhay upang matustusan ang pangangailangan nila at ng kanilang anak.

Papaano natutustusan ang pang-araw-araw na gastusin?

Kailangan ng isang ordinaryong pamilya ng P858 para mairaos ang pangangailangan sa araw-araw. Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) lumala na nang husto ang nararanasang kahirapan ng buhay sa kasalukuyan. Sa isang artikulong sinulat ni Danilo Araña Arao sa Bulatlat nitong Hunyo, makikitang ang isang pamilyang may dalawang magulang at apat na anak-ang karaniwang pamilyang Pilipino-ay nangangailangan ng P594 sa isang araw upang mabili ang lahat na pangangailangan. Gumamit si Arao ng datos mula sa National Wages and Productivity Commission para sa artikulong nasabi.

Mayroon bang solusyon dito ang gobyerno?

Ang ating pamahalaan ay ‗di lamang nagbibigay ng mga hanapbuhay sa ilalim ng kanilang administrasyon. Sila din ay nangangasiwa ng mga programa upang matulungan ang iba na matuto ng mga kakayahan na kakailanganin sa paghahanap ng trabaho. Sila din ay

(9)

nangangasiwa sa mga proyekto na makakatulong sa mga di nakapagtapos na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Kaugnayan sa Overpopulation

Ang laki ng populasyon ay nagiging sanhi din ng unemployment. Sa dami ng bilang ng tao, hindi lahat ay nabibigyan ng trabaho. Hindi nagiging balanse ang ratio ng bilang ng trabaho sa bilang ng taong nais maghanapbuhay. May 80 milyon na ang bilang ng mga tao sa Pilipinas. Ayon sa isang pag-aaral ng IBON Foundation, may 88 porsiyento ng 80 milyong taong ito - samakatwid ay 70.4 milyon-ang nasa ibaba ng tinatawag na poverty line. Ang palaki nang palaking populasyon ng Pilipinas ang lagi't laging pinagbubuntuhan ng sisi sa paglala ng kahirapan sa bansa. Kaya naman hindi nakapagtatakang si Kinatawang Lagman ay makaisip ng ganitong panukalang batas.

Sa isang pag-aaral ng dalawang Pilipinong siyentipiko noong 1983, napatunayang ang lahat ng yamang likas ng Pilipinas ay may kakayahang bumuhay ng hanggang sa 500 milyong tao. Kayrami nang mga sumunod napagsusuri sa ating problema sa populasyon, subalit magpahanggang ngayo'y walang nakapagpapabulaan sa pag-aaral na isinagawa noong 1983.

(10)

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Descriptive-status ang disenyong ginamit sa pag-aaral na ito. Ang pamamaraang ito ng pagsagot ng mga katanungan ay naglalayong sagutin ang mga tanong tungkol sa mga kaganapan na nangyayari sa kasalukuyan at mga kasalukuyang kondisyon. Ito ay isang paraan ng kwantitatibong deskripsyon na kung saan inaalam ang mga umiiral na kondisyon sa grupo ng mga usaping pinili para sa pag-aaral.

RESPONDENTE

Pinili ang mga respondente mula sa iba‘t-ibang mga barangay sa lungsod ng Malabon upang tahasang makita ang bilang ng mga may trabaho at walang trabaho sa nasabing lungsod. Napili ang mga barangay na nasa proksimidad ng pamantasan. Sa paghahambing ay kumuha kami ng 15 mga tao mula sa iba‘t-ibang antas ng lipunan. Ang 15 ito ang nagsilbing ―representative sample‖ o kinatawan sa populasyon ng mga kinakailangan sa isinasagawang pag-aaral.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang instrumentong ginamit sa pagkuha ng mga kinailangang datos sa pag-aaral ay isang sarbey kwestyuner. Ang piling mamamayan sa iba‘t-ibang lugar sa Malabon ay ginawang sabjek ng sarbey. Sila ay pinasagot sa inihandang kwestyuner at pagkatapos ay nagkaroon ng kaunting pakikipanayam tungkol sa kanilang kalagayan, kung may hanapbuhay, o wala.

(11)

TRITMENT NG MGA DATOS

Ang analisis at ang pagsalin sa mga datos upang maging pamilang na impormasyon (numerical data) ay ang paggamit ng mga graps tulad ng bar graph, pictograph at “pie chart”, kung saan ang kabuuang bilang o porsyento (100%) ay palaging kakatawan sa 15 mga respondente.

(12)

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

I. Profayl

A. Kasarian at Edad

Sa 15 mga respondente na nagpaunlak sa pagsagot sa aming mga katanungan, walo (8) ang bilang mga kalalakihan at pito (7) naman ang mga kababaihan. Sa walong (8) mga kalalakihan, tatlo (3) ang nasa edad 17-19; tatlo (3) rin ang mga nasa edad 20-25; at dalawa (2) naman ang mga may edad 26-30. Sa pitong (7) mga kababaihan, dalawa (2) ang nasa edad 17-19; tatlo (3) naman sa 20-25 ang mga edad; at isa (1) ang nasa edad 26-30. Ang 15 respondente ay pumapasok sa kategorya ng working labor force.

(13)

6 sa mga respondente ang naka-gradweyt ng kolehiyo. 8 naman ang hindi naka-abot sa kolehiyo, habang 1 sa 15 ang nagsabing hindi siya naka-abot ng hayskul bunga ng kahirapan.

Katayuan sa Paghahanapbuhay

Sa 15 respondente, 53% ang nagsabing patuloy na nag-a-aplay subalit walang mahanap na trabaho. 34% naman ang nagsabi na may masasabi ngang hanapbuhay subalit hindi angkop sa kanilang tinapos na kurso. Tulad ng isang respondent na gradweyt ng nursing at isang registered nurse pa, ngunit sa isang bangko siya

0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 Elementarya Sekundarya Kolehiyo May trabaho na tugma sa natapos na kurso 13%

May trabaho ngunit hindi ayon sa pinag-aralan/kakayahan

34% Walang trabaho

53% 0%

(14)

nakahanap ng trabaho. Samantala, mayroon namang nagsabi na sila‘y nagta-trabaho na ayon sa kurso na kanilang natapos.

Dahilan ng Unemployment

53% o higit sa kalahati ng kabuuang respondente ang naniniwala na ang dahilan ng Unemployment ay ang hindi pagtatapos ng pag-aaral. Kadalasan, ay sanhi ito ng kahirapan na ang bunga din ay kahirapan. 20% naman ang nagsabi na kulang ang mga namumuhunan sa bansa; habang 20% din ang naniniwala na ang overpopulation ang may kasalanan ng pagiging unemployed ng ilan. Mayroon din namang 7% na nagsabi na ang pamahalaan ang dapat sisihin dahil sa mga pagkukulang nito.

Dahilan ng Underemployment

Sa katanungan naman kung ano ang posibleng dahilan ng Underemployment, 67% ang nagsabi na ang kawalan ng trabahong mapapasukan na akma sa kanilang tinapos ang dahilan kung bakit pinipili na lang ng ilan na kunin kung ano na lang ang trabahong dumating, lalo na sa mga bagong gradweyts. Mas pinipili nila ang makakuha ng

53% 20%

20% 7%

Hindi nakapagtapos ng pag-aaral Kulang ng mga investors Overpopulation Pagkukulang ng pamahalaan

67% 33%

(15)

karanasan o experience sa trabaho kaysa sa katangian ng trabaho o sweldo, dahil sa panahon ngayon, mas pinipili na ng mga kompanya ang mga aplikanteng may karanasan na sa trabaho. Samantala, 33% ang sumagot na dahil sa lakas ng kumpetisyon at sobrang dami ng gradweyts, kaya napipilitan ang ilan na tanggapin na lang ang trabaho kahit mababa ang pasahod dito.

Dahilan ng pagtaas ng Unemployment at Underemployment Rate

67% ang naniniwala na dumarami ang hindi nakakapagtapos ng kolehiyo kaya dumarami rin ang mga nahihirapang maghanap ng trabaho. Ang 20% ang nagsabi na ang patuloy na paglaki ng populasyon ang dahilan kung bakit tumataas ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa. Para naman sa 13% o sumasalamin sa ilang gradweyts na respondente, ang mga gradweyts sa mga kursong oversubscribed ang dahilan kung bakit mataas ang bilang ng mga unemployed at underemployed, dahil sa sobrang dami nila na hindi kayang mabigyan ng angkop na trabaho ang lahat.

Mga Epekto ng Patuloy na Pagtaas ng Unemployment at Underemployment Rate

67% 20%

13% 0%

(16)

Sa katanungang ito ay hinayaan namin ang mga respondent na pumili ng mahigit sa isang sagot, ayon sa kanilang disposisyon at pananaw sa epekto ng Unemployment at Underemployment. Ang lahat (o 15 mga respondente) ay naniniwala na ang mga pangunahing magiging epekto kung patuloy na tumaas ng bilang ng mga taong walang trabaho, ay ang kahirapan at kaalinsabay nito ay ang paglaganap ng krimen. Samantala, ang ilan sa kanila, o may 10 respondente ang nagsabi na ang kahirapan ay maaaring magbunga ng prostitusyon; 8 ang naniniwala na ang suliraning ito ay makasisira ng ekonomiya habang may 7 ring nagsabi na handa silang magtrabaho sa ibang bansa kung patuloy na lalaki ang problema sa Unemployment o Underemployment.

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

LAGOM 0 2 4 6 8 10 12 14 16 Kahirapan Krimen Prostitusyon Pagbaba ng performance ng ekonomiya Marami ang nagtatrabaho sa ibang bansa

(17)

Ang Unemployment ay isang kalagayan kung saan ang isang tao ay walang trabaho sa kabila ng kahandaan nito na magkaroon ng trabaho. Sa kaso ng ilan, may mga pinapalad na magkaroon ng hanapbuhay ngunit hindi naman masasabing sapat o naaayon sa kanyang kakayanan, pinag-aralan at kagustuhan. Dito pumapasok ang Underemployment. Magkaiba ang sitwasyon subalit magkaugnay ang dahilan at epekto – kapwa mga suliraning patuloy na kinakaharap ng ating bansa.

Hindi lingid sa atin ang katotohanang dumarami ang bilang ng mga taong walang hanapbuhay. Sa katunayan, sa taong 2011 ay naitala ang 2.8 milyong mga Pilipinong walang trabaho. Sa kabila ng pagmamalaki ng administrasyon tungkol sa paglago at pagdami ng mga namumuhunan sa ating bansa ay hindi natin lubos na maunawaan kung bakit ang kanilang ipinagyayabang ay taliwas sa realidad. Ang kanilang mga sarbey na nagsasaad na nababawasan ang bilang ng mga taong nagugutom sa bansa, ay tila ba isang malaking biro sapagkat alam nating ang panahon ngayon ay mas lalo pang humihirap.

Ngunit maliban sa mga pagkukulang ng gobyerno ay masasabi rin nating may kinalamnan ang ating mga sarili kung bakit tayo nahihirapang maghanap ng trabaho. Kung ating babalikan ang naging pag-aaral, makikita natin na ang hindi pagtatapos ng pag-aaral (bunga ng kahirapan, maagang pag-aasawa atbp) at overpopulation ay ang mga nangungunang kadahilanan ng Unemployment at Underemployment. Bukod pa rito ay ang pagkuha ng mga kursong oversubscribed. Ang mga kadahilanang ito ay kadalasang nagmumula mismo sa atin.

(18)

Maaari ngang may pagkukulang ang pamahalaan sa pagresolba sa isang suliraning suntok sa buwan na‘ng masugpo, ngunit kung titingnan sa kabilang banda, masasabing nag-uugat din ang suliraning ito sa ating mga mamamayan. Sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito ay naunawaan natin ang mga kadahilanan ng kawalan ng trabaho – at ang pangunahin dito ay ang kawalan ng degree sa kolehiyo o yaong mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Ito rin ay isang suliranin na nag-uugat sa iba ring mga suliranin. Una ay ang kahirapan. Sa kabila ng malaking kagustuhan, marami ang hindi nakapagtatapos ni nakatutuntong man ng kolehiyo bunga ng kahirapan. Pangalawa ay ang kawalan ng interes sa pag-aaral. Ang iba ay may kakayanan naman na makapag-aral subalit hindi sineseryoso at kapag nagsawa ay titigil na lang. Pangatlo ay ang pagbubuntis nang labas sa kasal o habang nag-aaral. Ang mga nagbubuntis na ito ay maagang nagsisipag-asawa dahilan upang kanilang pabayaan o iwan ang kanilang pag-aaral. Sa paglaon at may mga anak na sila ay maiisipan nilang maghanap ng trabaho upang may maipantustos sa pangangailangan nila. Mahihirapan sila sa paghahanap ng trabaho kung kaya‘t maghihirap sila at hindi mapag-aaral ang mga anak na sa kalaunan ay magsisipaghanap din ng trabaho. Sa ganitong sitwasyon ay nauulit lang ang sikulo ng mga suliranin, at patuloy na lolobo ang bilang ng mga walang hanapbuhay.

Ika-apat ay ang katamaran. Tandaan ang kasabihan na kung may tiyaga, may nilaga. Minsan, ay may oportunidad na dumarating subalit dahil sa kakulangan ng pagsisikap ay hindi rin nagtatagal at napapabilang din sa mga walang trabaho.

Tandaan din na hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakakatulong ang paglago ng ekonomiya sa paglutas sa mga problema ng mga walang trabaho. May mga pagkakataon na may bakante ngang trabaho ngunit ‗di naman angkop sa natapos o kaalaman ng isang manggagawa. Sa madaling sabi, maraming bagay ang saklaw ng unemployment. Marami ang maaaring sanhi nito at nakapagdudulot din ito ng mga hindi magagandang epekto, ‗di lamang sa isang indibidwal kung hindi damay na rin ang maraming bilang ng taong nakapaligid sa kanya.

(19)

Malaking bagay kung tayo ay may pinag-aralan upang mas mapadali ang paghahanap ng hanapbuhay. Sa panahon ngayon, ay umiigting ang kumpetisyon upang patuloy na mabuhay, kaya dapat ay ―armado‖ tayo ng karunungan at karanasan. Bagamat may mga trabahong hindi angkop sa ating pinag-aralan, masasabi mo pa ring maswerte ka dahil sa hirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon, ay isa ka pa rin sa mga may kinikita upang patuloy na matugunan ang mga pangangailangan. Bukod pa riyan ay hindi dapat mawala ang pagsisikap – pagsisikap na dapat makita sa lahat ng bagay. Dapat bawat isa sa atin ay magsikap na mapaganda ang hinaharap at buhay ng bawat isa. Ang ating pamahalaan ay gumagawa (naman) ng mga hakbang na dapat nilang gawin upang matulungan ang malaking bilang ng mga Pilipinong kumakaharap sa unemployment. Ang dapat ay huwag nating i-asa ang lahat sa tulong ng iba. Dapat tayo ay may sarili ring kusa upang mapa-unlad natin ‗di lamang ang buhay natin kung hindi pati na rin ang bansa. Ang pagsisikap ng bawat isa, ay makatutulong sa pag-ahon natin sa bawat problema at krisis na ating kinakaharap.

Maaaring sisihin ang gobyerno sa kanilang mga pagkukulang at kapabayaan ngunit tandaan natin na ang bawat isa ay may tungkuling dapat magampanan at pananagutan natin ang ating sariling mga buhay. Ang kawalan ng trabaho ay maaaring maging bunga kapag hindi tayo nakapagtapos ng pag-aaral ngunit hindi nangangahulugan na walang karapatang mag-hanapbuhay ang mga hindi nakapag-kolehiyo. Ang kahirapan ay hindi isang option kung wala kang mahanap na trabaho. Gayundin sa mga mahihirap na hindi magawang makapag-aral. Ang lahat ay kayang idaan sa determinasyon at pagsisikap. Tandaan mo na hindi kasalanan ang ipanganak na mahirap, ngunit nasa pagkukulang mo kung mamatay kang mahirap.

KABANATA VI

(20)

Mga Sangguniang Aklat:

Cottle, Thomas J., Hardest Times: The Trauma of Long Term Unemployment, December 30, 2000

Kurihara, Kenneth K., The Keynesian Theory of Economic Development, 1959

Mga Sanggunian sa Internet:

Mga Karapatan ng Manggagawa

http://karapatanmanggagawa.wordpress.com/kasaysayan Unemployment

http://en.wikipedia.org/wiki/Unemployment Underemployment

http://en.wikipedia.org/wiki/Underemployment

Scribd: Mga Suliraning Kinakaharap ng ating Bansa; http://www.scribd.com/doc/46202560/Suliraning-Kinakaharap-ng-ating-Bansa-Dapat-Bigyang-Pansin

Maagang Pagbubuntis: Isang Pananaliksik

http://www.scribd.com/doc/22839994/Thesis-Filipino-2

―More bad news on Philippine economy as unemployment rate rises‖ Philstar Online Portal, Philstar.com

Philippines GDP Growth Rate

http://www.tradingeconomics.com/philippines/gdp-growth Philippines Unemployment Rate

http://www.tradingeconomics.com/philippines/unemployment-rate

Arellano University Elisa Esguerra Campus Gov. Pascual Ave., Malabon

(21)

Pangalan (opsyonal):____________________ Panuto: Paki-markahan ( ) ang angkop na sagot I. Profayl

1. Kasarian Lalake Babae

2. Edad 17-19 taong gulang 20-25 taong gulang 26-30 taong gulang 31-40 taong gulang 41 pataas

3. Edukasyon Elementarya Sekundarya Kolehiyo 4. Katayuan

May trabaho na tugma sa natapos na kurso

May trabaho ngunit hindi angkop sa natapos na kurso/ayon sa kakayahan Walang trabaho

II. Panuto: Markahan lamang ang isang (1) pinakanapiling sagot

1. Posibleng dahilan ng Unemployment o kawalan ng trabaho ng ilan Kahirapan/Hindi nakapagtapos ng pag-aaral

Kakulangan ng mga trabahong mapapasukan/ kakulangan ng mga namumuhunan (investors)

Marami ang bilang ng mga nag-a-apply (overpopulation)

Kakulangan ng pamahalaan sa mga proyekto at programa na may kinalamnan dito 2. Dahilan ng pagiging Underemployed ng ilan

Walang mapasukang trabaho na aakma sa tinapos na kurso/kakayahan Masyadong marami ang gradweyts sa isang kurso/mataas ang kumpetisyon

3. Dahilan ng patuloy na tumataas ang bilang ng Unemployment at Underemployment sa ating bansa

Marami ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral Overpopulation

Oversubscribed na mga kurso/masyadong marami ang gradweyts sa isang kurso 4. Mga epekto ng patuloy na pagtaas ng Unemployment at Underemployment rate sa bansa (Pumili ng dalawang sagot)

Kahirapan Pagbaba ng performance ng ekonomiya

(22)

Komento/Suhestyon :

_____________________________________________________________________ _____________________________________________________________

“Maraming Salamat po sa inyong pakikipagkaisa!”

Ang Patuloy na Pagtaas ng Bilang ng Unemployment at Underemploymentsa Bansa: Isang Pagsusuri

(23)

Ni Dulay, Eula Arcenal, Shiela Medrano, Jaymee Catalan, Clarissa Faye

Arellano University Malabon Branch 2012

Ang Patuloy na Pagtaas ng Bilang ng Unemployment at Underemployment sa Bansa: Isang Pagsusuri

(24)

Isang Papel – Pampananaliksik na Iniharap sa Kaguruan ng Pamantasang Arellano

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Kinakailangan sa Pagtatapos sa Ikalawang Semestre Na may Asignaturang Filipino 2

________________________________________________________________

Ni

Dulay, Eula Arcenal, Shiela Medrano, Jaymee Catalan, Clarissa Faye

Referensi

Dokumen terkait

Ang sarbey na ito ay tumulong sa akin upang malaman ang mga saloobin ng mga bata’t iba pang mga respondent (sa pamamagitan ng kanilang mga reaksyon), kung sila’y may sapat na

Sa pag-aaral na ito, natuklasan ng mga mananaliksik ang mga iba’t ibang resulta batay sa mga dahilan at epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng

Sa pamamagitan din ng kalakalan ng seda, nagkaroon ng magandang- ugnayan ang mga mangangalakal na nagmula sa ibat ibang lupain dahil sinikap ng mga ito na matutuhan ang lokal na

Para sa mga mag-aaral na kumukuha sa kursong Hospitality Management, dapat pag-aralang mabuti ang kursong ito upang magampanan ng maayos ang uri ng trabaho na mapasukan. b.Para

Nagsaad ng sarbey ang mga mananaliksik sa mga estudyante ng PATTS upang malaman ang mga ideya at opinyon ng mga mag-aaral HRM tungkol sa epekto ng pasilidad

Ang araling pananaliksik na ito na pinamagatang “Pagdetermina ng mga Paraan ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral ng Unang Taon sa Kolehiyo sa Pamamagitan ng Sistemang VARK” ay

mararamdaman ang kahalagahan ng bawat aralin dahil ang mga layunin sa bawat linggo ay mula sa an ang kahalagahan ng bawat aralin dahil ang mga layunin sa bawat linggo ay mula sa

Sa panahon naman ni Reyna Victoria, ang mga taong nakaluluwag sa buhay lang din ang may kakayahang mag-alaga ng mga halaman sa loob ng kanilang mga tahanan dahil mayroon silang sapat na