• Tidak ada hasil yang ditemukan

Thesis Mainpart 1

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Thesis Mainpart 1"

Copied!
102
0
0

Teks penuh

(1)

__________________________________________________________________________________________

PANANAW NG MGA PILING MAG-AARAL SA UP,PUP AT PNU SA KURIKULUM NG PROGRAMANG PANGKOLEHIYO NA MAY MALAKING

KINALAMAN SA PAGPAPANATILI AT PAGPAPAUNLAD NG WIKANG FILIPINO

Tesis na iniharap sa mga dalubguro ng Kagawaran ng Filipinolohiya Kolehiyo ng mga Wika at Lingggwistika

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Bilang pagtugon sa kahingian sa kursong Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya sa asignaturang Pagsulat ng Tesis (FO 421)

Mga mananaliksik: Peña, Romeo P. Moreno, Grace A. Gonzaga, Aiza R. Castillo, Rolina B. Balauro, Arnel C. Omac, Oliver Glenn S. Fellizar, Joy Zerlaine S.

Oktubre, 2007

i Republika ng Pilipinas

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas KOLEHIYO NG MGA WIKA AT LINGGWISTIKA

KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA Sta. Mesa, Maynila Tel. # 716-7832 to 45 loc. 229

(2)

__________________________________________________________________________________________

PAGPAPAKILALA NG PANGKAT

Ang mga bumubuo sa pangkat na nagsagawa ng pag-aaral sa PANANAW NG MGA PILING MAG-AARAL SA UP, PUP AT PNU SA KURIKULUM NG PROGRAMANG PANGKOLEHIYO NA MAY MALAKING KINALAMAN SA

PAGPAPANATILI AT PAGPAPAUNLAD NG WIKANG FILIPINO ay ang mga

sumusunod: Peña, Romeo P. Pinuno Mga Kasapi: Moreno, Grace A. Gonzaga, Aiza R. Castillo, Rolina B. Balauro, Arnel C. Omac, Oliver Glenn S. Fellizar, Joy Zerlaine S.

ii Republika ng Pilipinas

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas KOLEHIYO NG MGA WIKA AT LINGGWISTIKA

KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA Sta. Mesa, Maynila Tel. # 716-7832 to 45 loc. 229

(3)

__________________________________________________________________________________________

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang pag-aaral na ito na may pamagat na, PANANAW NG MGA PILING MAG-AARAL SA UP, PUP AT PNU SA KURIKULUM NG PROGRAMANG PANGKOLEHIYO NA MAY MALAKING KINALAMAN SA PAGPAPANATILI

AT PAGPAPAUNLAD NG WIKANG FILIPINO ay iniharap at inihanda ng mga

mag-aaral ng AB Filipinolohiya minor sa Komunikasyong Pangmadla bilang bahagi ng pagtupad sa kahingian sa asigmnaturang Pagsulat ng Tesis (FO 420).

LUPON NG TAGASULIT

Prof. Lolita K. Abueg

Punong Tagasulit

Prof. Emelinda C. Layos

Kagawad

Prof. Robert M. Baldago

Kagawad

Prof. Perla S. Carpio

Tagapayo/Tagapangulo, KF

Dr. Corazon P. San Juan

Dekana, KWL

iii Republika ng Pilipinas

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas KOLEHIYO NG MGA WIKA AT LINGGWISTIKA

KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA Sta. Mesa, Maynila Tel. # 716-7832 to 45 loc. 229

(4)

__________________________________________________________________________________________

MARKA SA DEPENSANG ORAL

Ang pag-aral na ito na may pamagat na, PANANAW NG MGA PILING MAG-AARAL SA UP, PUP AT PNU SA KURIKULUM NG PROGRAMANG PANGKOLEHIYO NA MAY MALAKING KINALAMAN SA PAGPAPANATILI AT PAGPAPAUNLAD NG WIKANG FILIPINO ay pinagtibay na Lupon sa Pagsusulit na Oral.

Ang kaloob na antas ay: _________.

LUPON NG TAGASULIT

Prof. Lolita K. Abueg

Punong Tagasulit

Prof. Emelinda C. Layos

Kagawad

Prof. Robert M. Baldago

Kagawad

Prof. Perla S. Carpio

Tagapayo/Tagapangulo, KF

Dr. Corazon P. San Juan

Dekana, KWL

PASASALAMAT

iv Republika ng Pilipinas

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas KOLEHIYO NG MGA WIKA AT LINGGWISTIKA

KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA Sta. Mesa, Maynila Tel. # 716-7832 to 45 loc. 229

(5)

Buong pusong pinasasalamatan ng mga mananaliksik ang PANGINOONG DIYOS na walang sawang sumusubaybay at gumagabay sa bawat kasapi upang matapos ang pag-aaral na ito. Salamat sa ibinibigay Mong karunungan, pag-ibig at pananampalataya sa bawat isa.

Pinasasalamatan din sina Prof. Lolita K. Abueg Prof. Emelinda C. Layos at Prof. Robert M. Baldago na nagsilbing lupon ng tagasulit sa depensang oral. Salamat sa pakikinig sa bunga ng aming pawis at salamat sa mga kritisismo at mungkahi na malaki ang naitulong para ganap na maging maayos ang aming pananaliksik.

Lubos ding pinasasalamatan si Prof. Perla S. Carpio, ang tagapayo na nagsilbing ina at patuloy na kumalinga sa bawat problemang dumarating sa mga mananaliksik. Salamat sa napakalawak na pag-unawa at matalinong pag-iisip sa pangaraw-araw na gawain sa unibersidad.

Pinasasalamatan din si Dr. Corazon P. San Juan, ang dekana ng kolehiyo na walang patid ang pagtulong upang maisakatuparan ang pagdedepensa ng pananaliksik.

Taos puso ring pinasasalamatan si Dr. Virgilio S. Almario at Prof. Vina P. Paz ng Unibersidad ng Pilipinas, Dr. Lydia B. Liwanag at Prof. Patrocinio V. Villafuerte ng Pamantasang Normal ng Pilipinas sa pagpapahintulot na makapagserbey sa inyong mga mag-aaral. Maraming salamat po sa inyong mabubuting puso.

Maraming salamat muli kay Prof. Emelinda C. Layos na nagsilbing unang ina ng mananaliksik, kay Prof. Ma. Victoria R. Apigo na nagsilbi ring sandalan naming mananaliksik, kay Prof. William G. Cabaysa, sa aklatang

(6)

naging saksi ng malayang kaisipan at karunungan, kay Prof. Mary Joy A. Castillo, sa pagtuturo ng maayos na paggawa ng mga liham at programa.

Pangalawa sa Lumikha, wagas na pagpapasalamat sa aming mga magulang na nagsilbing tubig kapag kami’y nauuhaw, nagsilbing damit sa aming kahubdan, kasing halaga ng hanging ating nalalanghap. Maraming maraming salamat, ama, papa, tatay, ina, mama, nanay at sa mga kapatid na mapagmahal at handang tumulong.

Maraming salamat sa mga kaibigan, kakilala at sa mga taong nakasalamuha habang binubuo ang pananaliksik na ito.

At sa huli, salamat sa edukasyon at wika na nagsisilbing palamuti sa ating katauhan at ang nagbabantayog sa karunungan.

MGA MAY-AKDA

PAGHAHANDOG

Iniaalay sa mga punong pinutol para gawing papel.

(7)

Iniaaalay sa Panginoong Diyos at mga magulang.

Noong ako ay bata pa,nasa kupkop pa ni ama, Batambata, walang malay,t anging anak nga ni ina,

Itinuro niya sa akin at kanyang sinabi: Unahin mo sa lahat anak, pagtuklas ng kaalaman,

Ito’y pilitin mong matamo kahit gaano kamahal. Kaalama’y pahalagahan at kanya kang itataas. Bibigyan kang karangalan kapag siya’y isinakbat.

Siya’y korona sa ulo,s akdal ganda,anong inam, At putong pa ng luwalhati sa buo mong katauhan.

Kawikain 4:3-4, 7-9

ABSTRAK

Pangalan ng Institusyon: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Address/Kinatatayuan: Sta. Mesa, Maynila

(8)

PAMAGAT: PANANAW NG MGA PILING MAG-AARAL SA UP, PUP AT PNU SA KURIKULUM NG PROGRAMANG PANGKOLEHIYO NA MAY MALAKING KINALAMAN SA PAGPAPANATILI AT PAGPAPAUNALAD NG WIKANG FILIPINO

MAY-AKDA: ROMEO P. PENA, GRACE A. MORENO, AIZA R. GONZAGA, JOY ZERLAINE S. FELLIZAR, ARNEL C. BALAURO, OLIVER GLENN S. OMAC AT ROLINA B. CASTILLO

Kurso: Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya minor sa Komunikasyong Pangmadla

Pondo: Personal at sa mga magulang

Petsang Nagsimula: Oktubre, 2006

Petsang Natapos: Oktubre, 2007

I. PANIMULA

Ang kurikulum ay isang bagay na napakahalaga sa isang programang pangkolehiyo. Ito ay nagsisilbing talaan ng mga kurso o asignatura at ang batayan at gabay ng mga guro at mag-aaral sa institusyong pang-edukasyon

Sa pagpili ng tatlong pangunahing pang-estadong unibersidad sa Pilipinas tulad ng UP, PUP, at PNU, ihahain sa pag-aaral na ito kung bakit napakalaki ng bahaging ginagampanan ng kurikulum ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino kaugnay sa pagpapanatili at papapaunlad ng wikang Filipino.

II. MGA LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

(9)

1. Bakit pinili ng mga mag-aaral sa tatlong piling unibersidad ang kursong may malaking kinalaman sa wikang Filipino?

2. Anu-ano ang pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral sa tatlong piling unibersidad sa programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino?

3. Anu- ano ang pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral sa tatlong piling unibersidad sa kurikulum ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino?

4. Sa anong paraan tumutugon para sa pangangailangan ng kasalukuyang panahon ang mga sumusunod:

a. layunin ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino.

b. mga kurso o asignatura na nakapaloob sa kurikulum ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino.

5. Paano umuugnay ang kurikulum ng programang pangkolehiyo sa tatlong piling unibersidad sa Pangkalahatang Edukasyon na inihain ng CHED?

6. Ano ang saloobin ng mag-aaral sa mga preperensyang pangwika kaugnay sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng wiikang Filipino na maaaring ihain ng kurikulum ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino?

III. SAKLAW AT LIMITASYON

(10)

Ang pag-aaral na ito ay kinasasangkutan ng mga piling mag-aaral na may kabuuang bilang na pitumpu’t lima(75) na kumukuha ng programang pangkolehiyo na B,A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino (UP); AB Filipinolohiya (PUP); BSE Major in Filipino (PNU).

IV. PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng deskriptibong pamamaraan. Nagamit ang pamamaraang ito sapagkat inilarawan ang kasalukuyang ginagamit na kurikulum ng UP, PUP, at PNU. Upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito ay kumunsulta ang mga mananaliksik sa iba’t ibang silid-aklatan gaya sa Pambansang-Aklatan, Ninoy Aquino Learning Resource Center at Silid-Aklatan ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika upang makapangalap ng mahalagang datos na may kaugnayan sa pag-aaral. Kumuha rin ng mahalagang impormasyon sa websayt ng tatlong piling pang-estadong unibersidad. Humingi ng pahintulot sa pamamagitan ng pormal na liham ang mga mananaliksik sa dekana at tagapangulo na nakasasakop sa mga nabanggit na programang pangkolehiyo upang mapahintulutan na makapagsarbey sa ilang piling mag-aaral namay bilang na dalawampu’t lima (25) sa bawat unibersidad. May kabuuang pitumpu’t limang (75) binahaginan ng talatanungan ng mga mananaliksik at maayos na ipinaliwanag ang nilalaman nito sa mag-aaral.

V. BUOD NG NATUKLASAN AT KONGKLUSYON Mga Natuklasan

(11)

1. Malaya ang mga mag-aaral ngayon na makapamili ng kursong kanilang kukunin pagtuntong nila sa kolehiyo.

2. Malaki ang pananalig ng mga mag-aaral mula sa UP, PUP at PNU na magiging daan ang programang pangkolehiyo na B.A. Filipino, B.A.

Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa Filipino sa PNU sa pag-aangat sa kamalayan bilang tunay na mamamayang Pilipino.

3. Higit na nakatuon ang mga nasabing programa pangkolehiyo sa propesyon bilang tagahasik ng kaalaman sa mga paaralan o ang tinatawag na guro.

4. Ang isang mag-aaral ay mapapabilang sa mga nabanggit na programang pangkolehiyo ay malaki ang posibilidad na mapayabong ang kaniyang pagmamahal sa wikang Filipino.

5. Pinakamabisang daan upang magkaroon ng kaalaman ang mag-aaral tungkol sa nilalaman ng kurikulum ay ang pagbabahagi ng kopya nito. 6. Sa wika higit na nakasentro ang mga nabanggit na programang

pangkolehiyo.

7. Intelektwal na pagkatuto ang higit na inihahain ng mga asignatura na nakapaloob sa kurikulum ng programang pangkolehiyo na BA Filipino, BA Malikhaing Pagsulat at BA Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa Filipino sa PNU.

8. Ang paggamit ng wikang Filipino sa ulat at korespondensya opisyal ay isa sa mabisang paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

(12)

9. Ang pagtangkilik at panonood ng mga palatuntunang Filipino ay isa sa epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

10.Ang pagbabasa ng iba’t ibang babasahin na nakasulat sa wikang Filipino ay isa sa mabisang paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

11. Ang paggamitng Filipino sa pagsulat ng mga sulating pampanitikan ay isa sa epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

12. Ang pagsasalin sa Filipino ng mga banyagang sulatin para lalong mabatid ng maraming Pilipino isa sa mabisang paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

13. ang pagsasalita ng wikang Filipino na hindi ito ikinahihiya ay isa sa

epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

14. ang pagpapalimbag ng maraming aklat sa wikang Filipino upang dumami ang sanggunian ng mgs mag-aaral ay kailangan upang lalo pang

mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

15. ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtatalumpati ay isa sa mabisang paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino. 16. ang pagtangkilik sa mga pelikulang Pilipino ay isa sa epektibong paraan

upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

17. ang pagpapahayag ng kuru-kuro at saloobin gamit ang wikang Filipino ay makatutulong upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

(13)

18. ang pakikiisa sa mga kilusang may kaugnayan sa pagpapaunlad sa wikang Filipino ay isang daan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

19. ang panonood at pakikinig sa mga balita sa radyo at telebisyon na wikang Filipino ang midyum ay isa sa epektibong paraan upang lalo pang

mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

Mga Kongklusyon

1. Ang pagpili ng mga mag-aaral sa programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino.

Sa masusing pagsasarbey ng mga mananaliksik ay napag-alaman na kaya pinili ng mga mag-aaral na pumasok o mapabilang sa programang pangkolehiyo ay dahil ito ay kagustuhan nila. Naging malaya ang mga mag-aaral ngayon sa pagpili ng kursong kanilang kukunin na hindi kainakailangan ng impluwensiya ng magulang at ng ibang tao. Sa kabilang banda, malaki rin ang nagging bahagdan ng mga mag-aaral na napagsarhan o nawalan ng pagkakataon sa gusto nilang kurso.

2. Sa pagsarbey, sa kabuuan, nagiging instrumento upang maiangat ang kamalayan ng mag-aaral bilang isang Pilipino ang programang pangkolehiyo na BA Filipino, BA Malikhaing Pagsulat at BA Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa Filipino sa PNU ay nagtala ng pinakamaraming tugon na may bilang na 34 mag-aaral na may katumbas na 45.33%

(14)

Nangangahulugan na may pinakamalaking gampanin ang programang pangkolehiyo sa tatlong piling pang-estadong unibersidad sa kalakhang Maynila sa pag-angat sa kamalayan bilang tunay na mamamayang Pilipino at sa pagmamahal sa wikang Filipino. Nangangahulugan din na higit pa sa hangarin na makahanap agad ng magandang trabaho ang layunin nito at naniniwala din ang mga mag-aaral na magiging dalubhasa sila sa wikang Filipino sa pamamagitan bg mga nabanggit na programang pangkolehiyo sa pamamagitan ng paghasik ng kaalaman o pagiging guro.

3. Ang Pagkatuto – Napatunayan na sa wika talaga higit na nakasentro ang mga nabanggit na programang pangkolehiyo dahil sa napakaraming mag-aaral ang tumugon nito.

Naikintal ang pagkatutong intelektwal sa mga mag-aaral ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wika.

4. Ang Pagtangkilik at Paggamit ng Wikang Filipino sa mga Gawaing Pang-unibersidad ng mga Mag-aaral na may Kinalaman sa Pagpapaunlad Nito.

Tinatangkilik ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng panonood ng mga palatuntunang Filipino, pagbabasa ng iba’t ibang babasahin na nakasulat sa wikang Filipino, pagsasalita ng wikang Filipino na hindi ikinahihiya, pagpapalimbag ng maraming aklat sa wikang Filipino upang dumami ang

(15)

sanggunian ng mga mag-aaral at pagtangkilik sa pelikukang Pilipino.

Gayundin, ginagamit ang wikang Filipino sa mga gawaing pang-unibersidad gaya ng sa ulat at korespondensya opisyal, pagsulat ng mga sulating pampanitikan, pagsasalin sa Filipino ng mga banyagang sulatin, sa pagtatalumpati at sa pagpapahayag ng mga kuru-kuro at saloobin. Samakatuwid, ang mga mag-aaral na nasa ilalim ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa p-agpapaunlad ng wikang Filipino ay patuloy sa paggawa ng mga epektibong paraan sa pagtangkilik at paggamit ng wikang Filipino sa labas o sa loob ng unibersidad upang lalong mapanatili at mapaunlad ito.

5. Ang Pagpapaunlad sa Wikang Filipino ng mga Mag-aaral sa Aspetong Sosyal

Ang pakikiisa sa mga kilos ang may kaugnayan sa pagpapaunlad sa wikang Filipino at ang panonood at pakikinig sa mga balita sa radio at telebisyon na wikang Filipino ang midyum ay ilan lamang sa mga epektibong paraan upang lalong mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino sa aspetong sosyal.

VI. Rekomendasyon

1. Mas mainam kung ang maraming bilang Pilipinong mag-aaral ay kukuha ng kursong naaayon sa kanilang kagustuhan na magiging daan sa pagpapaunlad ng kanilang sarili.

(16)

2. Dapat ipagpatuloy ang paghahain ng mga asignaturang mas magpapalawak sa kaalaman ng mga mag-aaral sa pangkasalukuyang panahon lalo na sa kaso ng pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino.

3. Higit na patatagin ang layunin at kahalagahan ng pag-aaral ng wikang Filipino.

4. Higit na palaganapin ang mga pamamaraan at preperensyang pangwika na lalong magtataguyodsa wikang Filipino.

5. Higit na pahalagahan ng mga mag-aaral ang mga Gawain na may kinalaman sa wikang Filipino.

6. Dapat pag-ibayuhin ng mga programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino ang pangunguna sa pagpapatatag at pagpapayabong ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangang pang-edukasyon.

7. Maging matulungin ang mga ahensyang pang-edukasyon at pangwika sa patuloy na pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino upang lalong maging malakas ang pwersa na gaganap sa usaping ito.

8. Pantilihing tiyak, malinaw, at umuugnay sa kasalukuyang pangangailangan ng panahon ang mga programang may malaking kinalaman sa wikang Filipino.

9. Ito na ang tamang pagkakataon upang paramihin ang mga programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino na maaaring kabilangan ng mga Pilipinong mag-aaral pagtuntong sa tersyarya.

(17)

10.Ang patuloy na pagdaragdag na makatutulong sa pagpapahusay ng pananaliksik na ito ay tinatanggap ng mga mananaliksik upang lalo pang tumibay ang kredibilidad nito.

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT SANLIGANG PANGKASAYSAYAN

PANIMULA

“Thought is the blossom; language the bud, action the fruit behind it.” -Ralph Waldo Emerson

(18)

Malaki ang papel na ginagampanan ng wika sa pagbuo ng isang pambansang identidad o kaakuhan, lalo na sa pagsabak sa proseso ng globalisasyon. Mahalagang mabuo muna ang identidad ng isang ng bansa para makasabay sa hamon ng kasalukuyang panahon.

Ayon kay Dr. Nita Buenaobra, malaki ang bahagi ng mga mamamayang Pilipino sa pagtanggap sa Filipino bilang wikang umiiral sa bansa. Ang ibig sabihin ng Filipino ngayon ay ang wikang nauunawaan ng lahat, simple, madaling iakma o fleksibol at ekonomikal. Ang wikang Filipino ay isang isyung sosyo-pulitikal, isang krusada na nangangailangan ng pag-unawa at atensyon mula sa mamamayan at pinuno na nangunguna sa pagpapaunlad nito bilang kaluluwa ng isang bansa (Medina, 2003:4).

Subalit sa Pilipinas, bunga ng globalisasyon, sa halip na paunlarin ang sariling wika, bakit unti-unting humihina ang wikang Filipino? Sinabi ni Dr. Galileo Zafra, sa larangan ng pananalita mahirap isipin na magkakaroon ng isang wikang puro. Ang katotohanan, hihiram at hihiram ang tao mula sa ibang wika at ito’y tinatanggap na sa kasalukuyan.

Sa mga bansang mauunlad, kahanga-hanga ang kanilang pagmamahal sa kanilang wika. Sa bansang Hapon, ang mga pabatid sa trapiko ay nasa wikang Nihongo. Halimabawa, ang tawag sa no right turn nila, usetsu kinshi, no left turn, sasetsu kinshi, no parking, chuusa kinshi. Ang kanilang dahilan, aralin mo ang wika namin kung nais mong alamin ang nais naming sabihin. Nasa wika namin ang pag-unlad at wala sa iba. Sa Malaysia, ang mga pabatid sa trapiko ay nasa wikang Bahasa Malaysia. Sa kanilang bilihan ng mga libro, ang mga aklat ay nasa wika nila. Ang tawag sa Silicon Valley nila ay Cyber Jaya at ang sentro ng kapangyarihan, ay Patra Jaya. Tayo, panay Ingles ang

(19)

titulo, no left turn, no right turn, dagdagan pa natin ng no swerving, no u-turn at no jay-walking (Turgo, 2004).

Bilang mga mananaliksik, napakahalaga ng wikang Filipino. Sa katunayan, malaki ang naitutulong ng sariling wika sa pagsusulong ng kahusayang pang-akademya sa iba’t ibang paaralan at unibersidad dito sa ating bansa, may mga programa na tumatalakay at nagtuturo ng kahalagahan upang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

May mga programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino sa iba’t ibang unibersidad dito sa Piliipinas. Nakapalobb ang kurikiulum sa mga programang ito na nagsisilbing talaan ng mga kurso o asignatura at ang batayan at gabay ng mga guro at mag aaral. Sa pagbibigay kahulugan ni John Kerr sa kurikulum ay ganito ang isinasaad:

Curriculum defines as all learning which is planned and guided by the school, whether it is carried on in groups or individually inside or outside the school (Kelly, 1983:10).

Ang ito ni John Kerr ay sinuportahan at pinalawig sa aklat ni John Franklin Bobbitt na may pamagat na TheCurriculum. Ayon kay Bobbitt:

The idea of curriculum has its roots in the Latin word for a race-course and explained curriculum as the source of deeds and experiences in which children become the adults that they should be, for success in adult society. Curriculum must be understood as encompassing not only those experiences that take place within schools, but the entire scope of formative experience both within and outside of schools. This includes experiences that are not planned or directed, as well as experiences that are intentionally directed (in or out of school) for the purposeful formation of adult members of society.

Dahil sa napakahalagang bagay ang kurikulum sa isang programa na tumatalakay sa sariling wika, minarapat ng mga mananaliksik na pag aaralan ito. Isinasaalang-alang din ang pagtukoy sa mga layunin ng kurikulum para sa pagkatuto at pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa kinukuhang programa.

(20)

Kasabay ang pagsisiyasat kung ito ay nakasasabay sa agos ng kontemporaryong panahon. Kasangkot sa pananaliksik na ito ang pag-alam kung nakatutugon ang bawat kursong nakapaloob sa kurikulum bilang tulay upang mapanatili at lalo pang mapaunlad ang wikang Filipino. Gayundin kung ito ay naaayon sa inilalabas na pamantayan ng Commission on Higher Education (CHED).

Ayon sa ipinalabas ng Commission on Higher Education (CHED) Special Order No. 42 Series of 2003 na may paksang Guidelines for the Formulation Of Policies and Standards of Academic Programs Sec. 4, Par. e, kung saan ang kurikulum ay dapat magtataglay ng:

Kurikulum deskripsyon: Kabilang dito ang: o Kahalagahan at kaugnayan ng mga kurso

o Katiyakan at kahalagahan ng kurso na nakatala sa balangkas ng kurikulum.

o Tiyak na paksang mapakikinabangan at makatutulong sa mga mag-aaral at ibang suhestiyon o inihaing opsyon.

o Suhestiyon sa iba pang paksang maaaring maging alternatibo na magpapalawak sa programa.

Sa pagpili ng tatlong pangunahing unibersidad sa Pilipinas tulad ng UP, PUP, at PNU ihahain ng pag-aaral na ito kung bakit napakalaki ang bahaging ginagampanan ng kurikulum sa programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa larangan ng Wikang Filipino.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

(21)

Sa kasaysayan ng kurikulum, ang unang aklat na inilathala noong 1918 tungkol sa kurikulum ay nagpapaliwanag na ang kurikulum ay programa ng mga gawain at mga karanasan kung saan ang mga bata ay lalaki at matututo sa kung anong nararapat sa kanila sa ikauunlad ng lipunan (Bobbit, 1918).

Idinagdag pa ni Bobbit na ang mga nakukuhang karanasan sa loob at labas ng paaralan ay nararapat na naiintindihan. Ang kurikulum ang nagiging kaagapay ng mga mamamayan sa pakikihalubilo at pagkakaroon ng gampanin sa lipunan. Nagkakaroon ng dalawang pormulasyon ayon sa nakikita niyang suliranin: (1) Ang mga eksperto sa siyentipiko lamang ang makagagawa ng disenyo sa paggawa ng mga kurikulum base sa katangian, dunong at kasanayan na mayroon ang mag-aaral na kung saan ay makakatulong pa sa pagpapaunlad nito. (2) Sa kanyang depenisyon na ang kurikulum ay ang mga karanasan o aral na dapat niyang matutunan sa kung anumang dapat maging siya, ang kurikulum ay nagiging tumpak ayon sa pansariling kagustuhan ng isang mag-aaral depende sa realidad ng kanyang karanasan.

Ang kurikulum ay kalipunan ng mga kurso at mga programa na inihahain ng institusyon tulad ng paaralan at unibersidad. Sa Estados Unidos, ang kurikulum ay binubuo ng mga indibidwal sa bawat estado o batay sa pangangailangan ng mga mag-aaral.

Ang pag-unlad ng kurikulum ay kahalintulad ng kasaysayan ng Pilipinas kung saan naimpluwensyahan ng relihiyon, politika, ekonomiya at mga isyung panlipunan.

(22)

Noong bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ay nauna nang makarating ang mga taga-Arabia, India, tsina, Indo-Tsina at Borneo kung saan sinasabing sila’y mga sibilisado at may sariling sistema ng pagsulat, batas at moral sa kanilang pamamahala.

Ang mga Pilipino ay walang pormal na metodong pagtuturo. Ang kanilang pagkatuto sa mga kaugalian, ideya at mga bagong kaalaman ay hindi planado at walang

sinunod na sistema.

Samantalang sa pagdating ng mga Kastila, ay nagsimula nang nagtatag ntg mga parochial convent schools. Ang kanilang madalas na pinag-aaralan at binabasa ay mga Kartilya, ang Katon at ang Katesismo. Ang sistema ng kanilang pagkatuto ay indibidwal na pagkakabisa.

Nagsimulang magkaroon ng mga pampublikong paaralan nang itatag ito ng mga Amerikano. Ang kurikulum noon ay nakabase sa paniniwala at tradisyon ng mga Amerikano. Tulad ng pagkakaroon ng mga babasahin tungkol sa mg tanyag na personalidad sa Amerika at pagtuturo ng pagguhit ng mga kabahayang may impluwensiya ng Amerika. Ingles din ang ginagamit sa pagtuturo ng mga asignatura tulad ng Aritmetik, Heograpiya, Siyensya at Ingles.

Ang kurikulum ay nananatiling hiwa-hiwalay na asignatura at sinunod naman ay sistemang pagrupong pagtuturo.

Nagkaroon naman noong panahon ng Komonwelt ng mga Amerikanong sundalong-guro na kung tawagin ay Thomasites. Ang kurikulum ay umuunlad sa pagkakaroon ng kurso sa pagtatanim, pangangalakal, negosyo at domestic science.

(23)

Binago ang kurikulum noong dumating ang mga Hapon na isinunod sa kanilang kagustuhan sa pamamagitan ng pagtanggal sa wikang Ingles bilang gamit sa pagtuturo sa halip ay ginamit ang Niponggo.

BALANGKAS TEORETIKAL

Naka-angkla ang pag-aaral na ito sa mga teoretikal na oryentasyon tungkol sa kurikulum na inihain ng mga Amerikanong edukador at manunulat na sina Lawrence Stenhouse, John Franklin Bobbit, Ralph W. Tyler at Hilda Taba para lubos na maunawaan ang suliraning inilahad ng mananaliksik.

Sa aklat ni Bobbit na The Curriculum, tinalakay niya ang sentral na teorya ng kurikulum. Nakasulat sa aklat niya na:

The central theory of curriculum is simple. Human life, however varied, consists in the performance of specific activities. Education that prepares for life is one that prepares definitely and adequately for these specific activities. These will show the abilities, attitudes, habits, appreciations and forms of knowledge that people (students) need. These will be the objectives of he curriculum. They will be numerous, definite and particularized. The curriculum will then be that series of experiences which children and youth must have by way of obtaining those objectives (1918:42).

Ayon kay Taba, Stenhouse at Tyler, may apat na gabay na sinusunod ang pagbubuo at pagpaplano sa pagkatuto ng isang mag-aaral sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng kurikulum. Ang apat na gabay ay maituturing na teorya at praktika ng kurikulum. Lubos na mauunawaan ang mga gabay na teorya at praktika tungkol sa kurikulum sa pagkakategorya ni Aristotle sa karunungan sa tatlong disiplina: teoretikal, produktibo at praktikal. Ang mga gabay ay ang mga sumusunod:

(24)

Kurikulum bilang kabuuan ng karunungan na dapat ibahagi.

Tumutukoy ito sa pagbabahagi sa mga mag-aaral ng mga paksang pag-aaralan, metodo at konteksto sa epektibong proseso at pamamaraan.

Kurikulum bilang isang produkto. Ang gabay na ito ay nakabase sa apat na pundamental na tanong ni Tyler na may kinalaman sa teorya at praktika ng kurikulum na gamit sa edukasyon. Ang mga tanong ay ang sumusunod:

1. Anong layuning pang-edukasyon ang gustong makamit?

2. Anong mga karanasang pang-edukasyon ang maibabahagi para makamit ang mga layunin?

3. Paano maisasaayos ang mga karanasang pang-edukasyon sa pagiging epektibo nito?

4. Paano madedetermina kung nakamit na ang mga layuning pang-edukasyon?

Base sa mga inihain ni Tyler na mga tanong ay nabuo niya ang konsepto sa pagtingin sa kabuuang pananaw sa kurikulum.

(25)

Pigura 1. Kabuuang Pananaw sa Kurikulum

Kasangkot din dito ang mga epektibong pamamaraan at hakbang sa pagbubuo ng kurikulum ayon kay Taba. Nakasaad ang mga sumusunod:

1. Pag-alam sa maaaring lamanin ng kurikulum 2. Pagbuo ng matibay na layunin ng kurikulum 3. Pagpili ng tiyak na lalamanin ng kurikulum 4. Pag-oorganisa ng lalamanin ng kurikulum

5. Pagbabatay sa mga karanasan ng pagkatuto sa kurikulum 6. Pag-oorganisa sa mga karanasan ng pagkatuto sa kurikulum

7. Pagsasagawa ng mga epektibong pamamaraan sa pagkatuto na lalamanin ng kurikulum

Kurikulum bilang proseso. Ipinababatid nito na ang kurikulum ay hindi lamang pisikal na bagay kundi ito ay ang interaksyon ng guro at mag-aaral sa loob ng silid-aralan at ang kanilang pagpapalitan ng kaalaman. Sa

PURPOSE MEANS ASSESSME NT IDEAL GRADUAT xxv

(26)

pamamagitan ng inihaing basehang prinsipyo sa pagpaplano ng mga kurso sa kurikulum ni Stenhouse ay lubos na mauunawaan kung bakit ito naging isang proseso.

A. Sa pagpaplano:

1. Prinsipyo sa pamimili ng nilalaman – Ano ang dapat matutunan at maituro?

2. Prinsipyo sa pagpapa-unlad ng istratehiya sa pagtuturo – Paano ito dapat matutunan at maituro?

3. Prinsipyo sa pagbuo ng desisyon tungkol sa mabisang daloy ng pagtuturo at pagkatuto

4. Prinsipyo na kung saan ay aalamanin ang kahinaan at kalakasan ng magtuturo at tuturuan gayundin kung paano nila tinatanggap ang tatlong naunang prinsipyo.

B. Sa emperikal na pag-aaral:

1. Prinsipyo na kung saan ay aalamin at pag-aaralan ang pag-unlad ng mga mag-aaral

2. Prinsipyo na kung saan ay aalamin at pag-aaralan ang pag-unlad ng mga guro

C. Sa relasyong pagpapatibay:

1. Prinsipyo na kung saan ay iaayon ang kurikulum sa iba’t ibang sitwasyon ng paaralan, mag-aaral, kapaligiran at organisasyon

2. Prinsipyo sa pag-alam sa maaaring maging epekto ng kurikulum kung may magkakaibang konteksto, paniniwala at pagkakaunawa 3. Prinsipyo sa magiging layunin ng kurikulum

(27)

Kurikulum bilang praksis o pagganap. Isinasaad na ang kurikulum ay mapapa unlad sa pamamagitan ng aksyon at repleksyon. Hindi lamang simpleng plano ang kurikulum kundi ito’y nakaugnay na matibay sa aktibong paglulunsad at pagsasagawa na ang sentro ay ang marapat at mabisang aksyon ng implementasyon.

BALANGKAS KONSEPTWAL

Sa sanaysay ni Dr. Florentino H. Hornedo, Ang Wikang Filipino tungo sa Intelektwalisasyon, higit na mababanaag ang doble-karang paggamit sa wikang Filipino. Ayon sa kanya, dumadaan ang mga kabihasnan sa dalawang antas ng pag-uunlad ng pag-iisip. Para sa pagpapahayag ng damdamin, ninanasa o hangarin, ang Vital Thought o Diwang Buhay ang umiiral.

Ngunit sa antas ng pagpapahayag ng mapanimbang na pag-iisip o pagmumuni-muning dulot ng mapanuring kamalayan, umiiral ang Reflexive Thought o Diwang Malay. Kung gayon, magkakatotoo lamang ang puspusang paggamit ng ating wika, kung itataas natin ito sa antas ng Diwang Malay. Ang pagkakaroon ng isang laganap na Wikang Pambansa ay isang yaman at mahalaga. Ngunit ang malawakang paggamit at pagpapayaman dito ay higit na dapat bigyang tuon.

Sa pang-akademikong pamamaraan ng pagpapayaman sa wika, higit na dapat pagtuunan ang mga programang may kinalaman dito. Sa pamamagitan lamang ng edukasyon maitataas ang sinasabi ni Dr. Hornedo na Diwang Malay.

Sa edukasyon, papasok na ang kurikulum na sinabi ni Bobbit, ito ay ang paghahanda sa buhay dahil inihandang tiyak ang matututunang

(28)

kaalaman, pag-uugali, abilidad at karanasan. Ang kurikulum ay isang mabisang kasangkapan sa edukasyon. Inihahalintulad nga ni Stenhouse ang kurikulum sa isang recipe sa pagluluto. Sabi niya na:

It can be criticized on nutritional or gastronomic grounds – does it nourish the students and does it taste good? – And it can be criticized on the grounds of practicality – we can’t get hold of six dozen larks’ tongues and the grocer can’t find any ground unicorn horn! A curriculum, like the recipe for a dish, is first imagined as a possibility, then the subject of experiment. The recipe publicly is in a sense a report on the experiment. Similarly, a curriculum should be grounded in practice. It is an attempt to describe the work observed in classrooms that it is adequately communicated to teachers and others. Finally, within limits, a recipe can varied according to taste. So can curricula (1975:4-5).

Lubos na ipinabatid ni Stenhouse ang papel ng isang kurikulum. Mula sa pagpaplano, pagsusuri, pagsasagawa, pasasanay, pagpapanatili at hanggang sa mahusay na pagpapaunlad nito.

Matutunghayan sa susunod na pahina ang hulwarang konseptwal na kung saan ibabatay ng mga mananaliksik ang daloy ng pagsusuri.

(29)

Pigura 2. Hulwarang Konseptwal

Pagsasanay at pagpapanatili ng mga natutunan sa kurikulum ng programa

Pagsasagawa at Pagpapa-unlad ng mga Natutunan sa

Kurikulum ng Programa sa Pagharap sa Aktwal na Buhay

Basikong Bahagi ng Panalita

Pag-usa l n g ila ng p antig , magka halong pa tinig at kat in ig. xxix Kabuuan na pag-aaral sa Wikang Filipino na nakapaloob sa kurikulum ng

Programang AB Filipino/ BSE Major in Filipino.

(30)

Ang pananaliksik ay nakatuon sa kabuuang pagsusuri sa wikang Filipino na nakapaloob sa kurikulum ng programang AB Filipino/BSE Major in Filipino. Ang pagsusuri ay ibabatay sa unang bahagi ng pagkatuto patungo sa pagpapaunlad nito.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa pag-aaral na ito na may paksang Pananaw ng mga Mag-aaral sa UP, PUP at PNU sa Kurikulum ng Programang Pangkolehiyo na may Malaking Kinalaman sa Pagpapanatili at Pagpapaunlad na Wikang Filipino, ninais ng mga mananaliksik na sagutin ang mga sumusunod na suliranin:

1. Bakit pinili ng mga mag-aaral sa tatlong piling unibersidad ang kursong may malaking kinalaman sa wikang Filipino?

2. Anu-ano ang pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral sa tatlong piling unibersidad sa programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino?

3. Anu- ano ang pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral sa tatlong piling unibersidad sa kurikulum ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino?

4. Sa anong paraan tumutugon para sa pangangailangan ng kasalukuyang panahon ang mga sumusunod:

a. layunin ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino.

b. mga kurso o asignatura na nakapaloob sa kurikulum ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino.

(31)

5. Paano umuugnay ang kurikulum ng programang pangkolehiyo sa tatlong piling unibersidad sa kursong Pangkalahatang Edukasyon na inihain ng CHED?

6. Ano ang saloobin ng mag-aaral sa mga preperensyang pangwika kaugnay sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng wiikang Filipino na maaaring ihain ng kurikulum ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Sa Mga Guro at Mag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay ng sinumang guro at mag-aaral ukol sa kahalagahan ng mahusay na kurikulum bilang instrumento sa pag-unlad ng wika. Mahalaga ang gagampanan nito bilang pagmumulat sa bawat guro at mag-aaral na Pilipino na kung ganap na tatanggapin ang wikang Filipino ay tiyak na uunlad ang ating bansa.

Sa Paaralan

Malaki ang buting maidudulot sa paaralan lalo na sa unibersidad na ito ang pananaliksik. Magsisilbing gabay ang pananaliksik na ito sa mga maaaring pagbabago o pagpaplano sa pagbuo ng isang kurikulum na umaagapay sa kasalukuyang panahon. Dapat lamang na maging mahusay ang isang kurikulum ng isang programang tumatalakay at tumutugon sa pangangailangan upang mapanatili ang wikang Filipino at pagpapaunlad pa nito. Ang pagtatakda ng mahusay na kurikulum ay sumasailalim sa kagalingan ng isang bansa tungo sa pagbuo ng identidad nito.

(32)

Sa Pamahalaan

Lubos na makikinabang ang Commission on Higher Education (CHED) sa pananaliksik na ito. Mabibigyan sila ng impormasyon tungkol sa paggawa ng mahusay na pamantayan na gagawing batayan ng mga unibersidad sa paggawa ng mahusay na kurikulum.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral ay kinasangkutan ng mga piling mag-aaral ng Taong-Panuruan 2007-2008 na kumukuha ng kursong BA Filipino, BA Malikhaing Pagsulat at BA Araling Pilipino (UP); AB Filipinolohiya (PUP); BSE Major in Filipino (PNU).

Naging tagatugon ang dalawampu’t limang (25) mga mag-aaral na kumukuha ng mga nabanggit kurso sa tatlong piling pang-estadong unibersidad sa kalakhang Maynila, ito ang Unibersidad ng Pilipinas, Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas at Pamantasang Normal ng Pilipinas.

Sa paksang usapin, saklaw ng pag-aaral ang pagsusuri sa kurikulum ng bawat unibersidad at kung paano ito nagiging instrumento sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino. Tatalakayin din sa pag-aaral na ito kung nakabatay sa pamantayang Pangkalahatan Edukayon ng Commission on Higher Education (CHED) ang nilalaman ng kurikulum sa bawat unibersidad. Bahagi rin nito ang pagsusuri kung nakatutugon ba sa mabilis na pagbabago ng panahon ang mga inihaing kurso sa bawat kurikulum.

KATUTURAN NG TALAKAY

(33)

Kurikulum- kabuuan ng mga sistematikong kurso sa loob ng isang programang pangkolehiyo at nangangahulugan din ito na kabuuang buhay ng kurso sa isang pamantasan.

Kurso- tumutukoy sa asignaturang itinuturo sa loob ng pamantasan o

unibersidad. Ang halimbawa nito ay Sining ng Pakikipagtalastasan, Retorika, at Panimulang Linggwistika.

Teorya- isang uri ng kaisipang nagagamit na batayan o pamantayan, nagbabago rin ang mga ito, hindi palagian.

Programang Pangkolehiyo- tumutukoy ito sa kursong pinili ng isang mag-aaral kapag tumuntong na siya sa tersarya. Nakapaloob ditto ang kurikulum na nagtataglay ng mga asignaturang ihahain sa apat o higit oang taong aralan.

Pamantayan- tumutukoy sa mga tuntunin na dapat sundin at nagsisilbi

rin itong gabay para sa ikaaayos ng isang progama.

Intelektwalisasyon- prosesong isinasagawa upang matamo ang sariling

identidad o kaakuhan. Sa punto ng wika, sa pamamagitan ng pagpapalaganap at paggamit nito sa pangaraw-araw na buhay ay matatamo ang intelektwalisasyon.

Pagpapapanatili- tumutukoy sa patuloy na pagtangkilik o paggamit para hindi tuluyang mawala, hindi kinalilimutang bigyang pagpapahalaga o tuon.

Wika- binubuo ng kalipunan ng mga tunog na may sinusunod na tuntunin at ginagamit sa paghahatid ng mensahe sa kapwa.

(34)

Pagpapaunlad- tumutukoy sa malawakang paggamit, pagpapatatag at pagpapayaman. Kung sa kaso ng wik, ito’y nangangahulugang paggamit ng wikang pambansa hindi lamang sa laangan ng pakikipagtalastasan kund pati na rin sa larangang pang-akademya.

Fleksibol- kakayahan ng wikang umangkop sa iba ang wika upang madaling maunawaan ng nakararami.

Paksa- ang pinag-uusapan o ang tinatalakay.

Paglalahad- pagpapaliwanag tungo sa ikalilinaw ng isang usapin, paraan o pagsasakatuparan ng isang layunin.

Paglalarawan- naglalayong bumuo nang malinaw na larawan sa isipan ng mambabasa.

Istratehiya- piling pamamaraan o teknik na umaangkop sa isang gawain.

Ugnayan- pakikisangkot sa isang gawain na kompleto ang mga pangunahing impormasyon.

KABANATA 2

PAGLALAHAD NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang bahaging ito ay tumatalakay sa mga akdang pampanitikan na binasa at kinalap mula sa mga aklat, tesis, lathalain, websayt, at mga artikulo na may kinalaman sa pananaliksik.

(35)

MGA KAUGNAY NA BANYAGANG LITERATURA

Ang mababaw na pagpapakahulugan sa kurikulum ay sinasabing ito ay serye lamang ng pagpaplano, ngunit ang malawak na pagpapakahulugan nito ayon kay Daniel Lee at J. Gwynn Lee sa kanilang aklat na “Educational Competencies and Curriculum Planning” na nailathala noong 1998, ang kurikulum ay ang mga karanasan ng isang bata na kung saan maraming paraan ng paggamit at pagpapaunlad nito sa impluwensiya ng paaralan. Pagdating sa paaralan, dumadaan ito sa organisadong proseso at replektibong paggabay, kaagapay ng pagbabagong pang-edukasyon sa lahat ng aspeto ng buhay at pagtuntong sa hinaharap (98).

Inilahad naman ng isang edukador at manunulat na si James A. Ragan sa “MEC Catalog of Curriculum Research and Development Outputs” noong 1998, kung pag-uusapan ang kabihasnan ng kurikulum, ito ay nangangahulugan na mga asignaturang itinuturo sa paaralan o mga kursong pag-aaralan. Sa kasalukuyang panahon, ang terminong kurikulum ay pinalawak at nangangahulugan na ito ng kabuuang buhay at programa ng paaralan. Kasangkot dito ang lahat ng karanasan ng isang kabataan na kung saan ito’y hinuhubog ng paaralan. Tumutukoy na rin ito sa resulta ng impluwensiya ng mga tao sa komunidad o bansang kinamulatan ng kabataan para maging produktibo at kasama na rin ang nananatiling kultura na nakakaapekto sa kanya (8).

Sa pagpapakahulugan naman ni Ronald Krug, isa ring manunulat at edukador sa kanyang aklat na may pamagat na “Study and Teaching in Developmental Education” na nailimbag noong 1996, ang kurikulum ay naglalaman ng mga araling inihahanda ng isang institusyong

(36)

edukasyon at nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na ang lahat ng kanyang karanasan ay magbunga ng kaalaman at kahusayan para sa ikauunlad niya. Ipinaliwanag niya na ang paraan ng pagkatuto, kabilang dito ang pag-aaral sa loob ng silid-aralan, programang paggabay at pagpapayo, serbisyo para sa komunidad at paaralan, silid-aklatan, at mga gawaing madalas na tawaging “extra-curricular” (13-14).

MGA KAUGNAY NA BANYAGANG PAG-AARAL

Ayon sa tesis na ginawa ni Jeffs Smith na may pamagat na “Curriculum Planning in Formal Education” noong 1999 na matatagpuan sa websayt na http://www.infed.org/biblio/b-curric.html, isinasaad na ang pagpaplanong pang-kurikulum ay isang gawain na hindi lamang ang eksperto sa edukasyon ang kasangkot kundi pati na rin ang publiko na ang halimbawa ay ang mag-aaral, kawani at ito’y ginagawa sa pamamaraang: (1) malakihang pagpapaliwanag sa malalawak na isyung pang-edukasyon at (2) ang maramihang pakikilahok ng bawat miyembro ng publiko sa pagkatuto mula sa pagtuturo at sa paghahanda sa kakailanganin nito.

Samakatuwid, sa pag-aaral ni Smith, ang pagpaplanong pang-kurikulum ay nagiging daan para maging organisado at nasa replektibong pamamaraan ang bawat programa ng isang institusyong pang-edukasyon na para sa kapakanan ng bawat indibidwal sa lipunang kanyang ginagalawan.

Sa pananaliksik naman na may pamagat na “Curriculum Conceptualization in Education at Teachers Level” ni William B. Stapp, pinuno ng Environmental Education Program ng University of Michigan, noong 1996 na matatagpuan sa websayt na

(37)

http://en.wikipedia.org/wiki/Curriculum, binanggit niya na ang epektibong edukasyon ay nakadepende sa mga sumusunod: kurikulum, tamang mga aklat na sanggunian, “functional audio-visual aids”, sapat na pasilidad ng paaralan at kaaya-ayang kapaligiran. Sa lahat ng nabanggit ang pinakaimportante pa rin ang taong gaganap para maabot niya ang kanyang minimithi. Ang tao ang gagamit at makikinabang sa mga pasilidad ng paaralan at ang magbibigay katugunan sa mga “visual aid” at ito ang mabisang naghuhulma sa buhay ng isang mag-aaral.

MGA KAUGNAY NA LOKAL NA LITERATURA

Sa isinulat ni Prof. Ramades M. Doctor na may pamagat na “Teacher Education Curricula” na matatagpuan sa aklat na Philippine Extension Service Review na nailimbag noong 1996. Tinalakay niya ang propesyon ng pagtuturo na naaayon sa kurikulum ng edukasyon na kung saan dapat mapaunlad ang pagkaunawa, kakayahan at pag-uugali ng mag-aaral. Ang tagapagturo ay isa sa tagapagpaunlad ng programang pang-edukasyon at pangwika (97).

Idinagdag pa niya na ang mga paaralan ay gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan para madaling matuto ang mga mag-aaral. Isa sa pamamaraang ito ay ang kurikulum na nagiging instrumento sa pagsalin ng pag-asa o inaasahang edukasyon sa kongkretong realidad. Para magawa na ang kurikulum sa programang pang-edukasyon at pangwika ay maging totoong epektibo, ang kailangan ay iagapay sa panahon ang sistema ng edukasyon na kung saan nalilinang ang kaalaman, operasyunal na kakayahan at pagpapatupad ng tanggap na pamamaraan. Sa bawat isa na nagbibigay ng

(38)

malikhaing mga karanasan at pagpapaunlad ng pag-iisip kasabay ang paparating na bagong kaalaman sa pag-usad ng panahon (97-98).

Sa artikulo ni Dr. Cristeto Bonilla na, “A Framework on Education Curriculum” na nailathala sa manwal ng Education and Culture Planning Service noong 1996. Binanggit niya na ang ilang konsepto ng isang kurikulum para sa wika at lipunan. Sinabi niya na ang kurikulum ay dapat magtaglay ng sapat na nilalaman patungkol sa Agham Panlipunan at Humanidades na napakahalaga sa Sosyo-Ekonomikong kalagayan ng Pilipinas. Ayon din sa kanya, ang kurikulum ay dapat nakatuon sa kahalagahan ng pag-aaral ng wika sa bawat guro bilang propesyon sa pagtuturo sa silid-aralan at sa bawat estudyante upang madagdagan at mapalawig ang kaalaman tungkol sa magiging epekto kung kontrolado at napapanatili ang sariling wika.

Binigyang diin naman ang mabisang katangian ng kurikulum at pagpapa-unlad nito sa librong may pamagat na “Curriculum Development System” na nailimbag noong 1992 na isinulat ni Dr. Jesus C. Palma na nagtuturo sa Ateneo Graduate School of Education. Ayon sa aklat may limang katangian ang kurikulum:

1. Sistematiko, tumutukoy sa kurikulum bilang isang sistema at kung paano ito nagiging kasangkapan sa pagbuo ng edukasyon at ang malaking nagagampanan nito sa paaralan

2. Kolaboratibo, ang pagiging sistematiko ng kurikulum ay magagampanan sa aktibong partisipasyon ng mga sangkot sa pagbuo at pagpapa-unlad para maabot ang hinahangad na kahusayan nito.

(39)

3. Dinamiko, ang kurikulum ay dapat sumasabay sa agos ng panahon na magdadala sa institusyon ng mataas na uri ng kagalingang pang-edukasyon.

4. Sabstansyal o mahalaga, ang kurikulum ay mahalaga sa sentral na layunin ng pag-aaral at pagtuturo na umaayon sa itinatakdang Bisyon at Misyon ng institusyong pang-edukasyon.

Dinagdag din sa aklat nina Dr. Tomas Quintin D. Andres at Dr. Felizardo Y. Francisco na may pamagat na “Curriculum Development in the Philippine Setting” na nailimbag noong 1989, na ang ubod ng edukasyon ay ang kurikulum na nabuo mula sa malawak na repleksyon at pag-aaral at habang tumatagal ay kailangang pag-ibayuhin ang pagpapaunlad. Tinalakay rin sa aklat na ang pagpapaunlad ng kurikulum sa kasaysayan ay karaniwan ng para sa limang hangarin: (1) hangaring pang-relihiyon, (2) hangaring pang-pulitikal, (3) hangaring pang-yutilitaryan, (4) hangaring masang edukasyon, (5) hangarin para sa kagalingang pang-edukasyon.

MGA KAUGNAY NA LOKAL NA PAG-AARAL

Sa tesis na “Kahandaan at Kaalaman sa Pagtuturo ng Filipino ayon sa Binagong Kurikulum ng DepEd ng mga Mag-aaral sa Teachers Education Institutions” ni Melanie M. Lorica noong Oktubre 2004 sa Pamantasan ng Bikol, Lungsod ng Legazpi. Inilahad ang layunin nitong malaman ang kalagayan ng wikang Filipino sa edukasyon at paano lalong mapatataas ang kalidad ng pagtuturo nito. Nagbigay ito ng nga mungkahing

(40)

gawain para mapaunlad ang kaalaman sa pagtuturo ng Filipino tulad ng ganap na paggamit nito bilang instrumento sa pakikipagtalastasan.

Ang pag-aaral naman ni Cynthia A. Aragones na “Asyanong Pagpapahalaga sa Bagong Kurikulum” noong Marso 2004 sa Pamantasan ng Nueva Caceres, Lungsod ng Naga, na tumatalakay sa pagtukoy at pagsusuri ng mga pagpapahalagang taglay ng mga Asyano patungkol sa kurikilum. Kaugnay nito ang pagtukoy sa kahalagahan ng binagong kurikulum sa Southern Luzon Polytechnic College at Judge Guillermo Eleazar Polytechnic College, Tagkawayan, Quezon. Binanggit din ang mga Asyanong pagpapahalaga na naaayon sa kurikulum thrusts: makabayan, makakalikasan, at maka-Diyos.

Ang pag-aaral naman na ginawa ni Anita A. Gesta na may pamagat na “Saloobin ng mga Mag-aaral sa Antas Tersyarya sa Lungsod ng Surigao tungkol sa Filipino bilang Isang Kurso sa Kurikulum” noong 1996 sa Pamantasan ng Xavier. Inilahad dito ang saloobin ng mga mag-aaral sa antas tersyarya tungkol sa Filipino bilang kurso sa kurikulum. Binanggit din dito ang kahalagahan ng wikang Filipino pati ang kaasalan at kawilihan sa Filipino ng mga mag-aaral at guro sa Filipino.

Lahat ng mga literatura at pag-aaral na tinalakay sa unahan ay may malaking naitulong sa mga mananaliksik dahil sa pagkaka-ugnay o pagkakaroon ng relasyon nito sa isinasagawang pag-aaral.

(41)

KABANATA 3

MGA PAMAMARAAN GINAMIT AT PINAGKUNAN NG DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga pamamaraang ginamit, paghahanda ng instrumentong ginamit sa pag-aaral, mga hakbang na ginawa sa paglikom ng mga datos, istratehiya sa pagpili ng mga kalahok, paglalarawan sa mga kalahok, populasyon at magiging bilang ng kalahok at estadistikang ginamit sa pagsusuri at pagpapakahulugan ng mga datos.

PAMAMARAANG GINAMIT

Gumamit ang mga mananaliksik ng diskriptibong pamamaraan ng pananaliksik. Napili ang pamamaarang ito dahil makatugon ito sa pagtukoy sa kung mahusay ang programang may malaking kinalaman sa Filipino sa bawat unibersidad sa pamamagitan ng paglalarawan sa kasalukuyang gagamit sa kurikulum nito. Ang pamamaraan ding ito ay tumugon sa layunin

(42)

ng pag-aaral na masuri ang kurikulum ng tatlong piling unibersidad bilang kasangkapan para mapanatili at mapaunlad pa ang wikang Filipino.

Ang naging tagatugon sa pananaliksik ay dalawampu’t limang (25) mga mag-aaral mula sa una hanggang sa ikaapat na taon ng tatlong piling unibersidad ( UP, PUP at PNU ) na kumukuha ng programang B,A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino (UP); AB Filipinolohiya (PUP); BSE Major in Filipino (PNU) sa unang semestre ng taong- panuruan 2007-2008.

Sa kabuuan, nagkaroon ng pitumpu’t lima (75) mag-aaral na tagatugon.

PARAAN NG PAGPILI NG MGA KALAHOK

Pinagsamang istratipayd random sampling at sistematikong sampling ang ginamit sa paraan sa pagpili ng kalahok. Sa bawat unibersidad nagmula ang dalawampung mag-aaral na tagatugon, kumuha ng representante sa una hanggang sa ikaapat na taon at ang mga mag-aaral na ito ay ang mga pangunahing opisyales na nahirang ng klase sa bawat taon. Pinili ang mga pangunahing opisyales sa kaisipang sila ang tumatayong haligi o lider sa klase na magiging mabisang tagatugon sa mga inihaing mga katanungan.

Naghanda rin ng talatanungan ang mga mananaliksik na naglalaman ng ilang katanungan para sa impormal na panayam sa ilang dalubguro sa bawat unibersidad.

DISKRIPSYON SA MGA KALAHOK

Ang mga mag-aaral sa tatlong piling pang-estadong unibersidad sa kalakhang Maynila ang magsisilbing tagatugon ng pananaliksik. Napili ang Unibersidad ng Pilipinas (UP, Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) at

(43)

Pamantasang Normal ng Pilipinas (PNU) sapagkat ayon sa resulta ng pag-aaral na isinagawa ng Professional Regulation Commission (PRC) at ng Commission on Higher Education (CHED) kabilang ang tatlong piling pang-estadong unibersidad na ito sa kalakhang Maynila sa dalawampung (20) nangungunang unibersidad na naghahain ng mataas na uri ng edukasyon at sa loob ng sampung taon ay laging nangunguna sa mga Board Examination sa lahat ng unibersidad at kolehiyo sa buong Pilipinas.

Ang pinagbatayan sa pagpili ng tatlong piling pang- estadong unibersidad ay nagmula sa talaan ng mga nagungunang unibersidad sa Pilipinas batay sa websayt na http://www.topuniversities.com.

Ang estadistikang ito ay resulta ng pag-aaral na isinagawa ng Professional Regulation Commission (PRC) at ng Commission on Higher Education (CHED) na base sa kabuuang marka ng mga pumapasa sa mga kursong may Board Examination ng lahat ng pamantasan at kolehiyo sa Pilipinas.

Ang pag-aaral ay isinasagawa kada sampung taon. Ang mga sumusunod ay resulta ng unang pag-aaral mula taong 1992 hanggang 2002. Labindalawang pamantasan/kolehiyo ay nagmula sa Luzon, dalawa sa Visayas at anim sa Mindanao. Nakatala roon ang mga sumusunod na pamantasan/kolehiyo:

1. Unibersidad ng Pilipinas (Diliman/Luzon)

2. Unibersidad ng Pilipinas (Los Baños/Luzon) 3. Unibersidad ng Pilipinas (Maynila/Luzon)

4. Unibersidad ng Silliman (Lungsod ng Dumaguete/Visayas) 5. Unibersidad ng Ateneo de Davao (Davao/Mindanao)

(44)

6. Unibersidad ng Ateneo de Manila (Maynila/Luzon) 7. Unibersidad ng Santo Tomas (Maynila/Luzon) 8. Pang-Estadong Unibersidad ng Mindanao

(Institusyong Panteknolohiya ng Iligan/Mindanao) 9. Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (Maynila/Luzon) 10. Unibersidad ng Saint Louis (Lungsod ng Baguio/Luzon) 11. Unibersidad ng San Carlos (Lungsod ng Cebu/Visayas) 12. Unibersidad ng Xavier (Cagayan de Oro/Mindanao)

13. Pang-Estadong Unibersidad ng Mindanao (Main/Mindanao) 14. Kolehiyo ng Urios (Lungsod ng Butuan/Mindanao)

15. Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (Maynila/Luzon)

16. Unibersidad ng De La Salle (Maynila/Luzon)

17. Institusyong Panteknolohiya ng Mapua (Maynila/Luzon) 18. Unibersidad ng Adamson (Maynila/Luzon)

19. Pamantasang Normal ng Pilipinas (Maynila/Luzon)

20. Unibersidad ng Katimugang Pilipinas (Davao/Mindanao)

INSTRUMENTONG GINAMIT

Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito ay talatanungan. Ito ay binuo ng mga mananaliksik pagkatapos ang masusing pag-aaral sa mga suliranin at matapos makapagbasa ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral. Iniharap ito sa tagapayo upang maaprubahan at ipinasuri rin ito sa mga dalubguro na may malawak at mahabang karanasan sa pagtuturo ng mga asignaturang may kinalaman sa wikang Filipino.

(45)

Nagkaroon ng tatlong bahagi ang talatanungan. Ang unang bahagi ay naglalaman ng mga tanong patungkol sa personal na datos ng mag-aaral. Ang pangalawang bahagi naman ay naglalaman ng mga tanong na may kinalaman sa pananaw ng mga mag-aaral sa kanilang kurso at kurikulum. At ang huling bahagi ay naglalaman ng mga preperensyang pangwika na makatutulong sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino. Lahat ng mga tanong ay nakatulong upang bigyang tugon ang mga suliraning inihain sa unang bahagi ng pananaliksik na ito.

Ang inihandang tanong sa huling bahagi ng talatanungan ay sasagutin sa pamamagitan ng “five (5) point Lickert scale” tulad ng:

5 - lubos na sumasang-ayon (highly agree)

4 - sumasang-ayon (agree)

3 - hindi sigurado (not sure)

2 - hindi sumasang-ayon (disagree)

1 - lubos na hindi sumasang-ayon (highly disagree)

PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS

Ang unang hakbang na isinagawa ng mga mananaliksik ay ang pangangalap ng datos sa iba’t ibang silid-aklatan; Pambansang Aklatan, Ninoy Aquino Learning Resource Center (NALRC), Silid-aklatan ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika. Pangalawa ay ang paglikom ng datos at ang paghingi ng pahintulot sa dekana at tagapangulo ng kolehiyo at kagawaran na nakasasakop sa programang B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B,A. Araling Pilipino (UP); AB Filipinolohiya (PUP); BSE Major in Filipino (PNU) ng pormal na liham upang payagang makapagsagawa ng sarbey.

(46)

Ang mga mananaliksik mismo ang mamimigay ng mga talatanungan sa mga tagatugon sa bawat unibersidad at humingi ng gabay sa ilang dalubguro ng bawat unibersidad para sa ikaaayos ng pagsasarbey.

Lahat ng talatanungan ay tinipon sa itinakdang panahon maliban lamang sa mga talatanungang mas maagang ipinamahagi ng mga mananaliksik sa mga mag-aaral PUP na kaagad ding kinolekta matapos nilang masagutan.

URI NG GAGAMITING ESTADISTIKA

Ginamit lamang ng simpleng estadistika ang mga mananaliksik upang malinaw at madaling mabigyan ng pagsusuri at pagpapakahulugan ang mga katanungan sa mga talatanungan. Ang porsiyento ng tugon ay hahanguin batay sa pormulang nasa ibaba:

(f) bilang ng mga sumasagot

Bahagdan (%) = --- X100 (n) kabuuang bilang ng respndent

(47)

KABANATA 4

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA

NAKALAP NA DATOS

Nilalaman ng bahaging ito ang mga nalikom na datos ng mga mananaliksik na tumugon sa nabanggit na mga suliranin sa unang bahagi ng pananaliksik na ito. Tinugunan sa pamamagitan ng paghahain ng mga impormasyong ibinase sa sarbey ang una hanggang ikalimang suliranin. Samantala, ang kasagutan sa ikaanim na suliranin ay ibinase sa mga datos na nakalap na ipinamahagi ng tatlong piling pang-estadong unibersidad tungkol sa kanilang kurikulum, kasama na rin ang datos mula sa kanilang websayt at ang mga sagot sa isinagawang impormal na pagtatanong.

Pananaw at Kaalaman ng mga Mag-aaral sa Programang Pangkolehiyo na may Malaking Kinalaman sa Wikang Filipino

Ilalahad ng talahanayan sa susunod na pahina ang distribusyon ng tugon ng mga mag-aaral sa piling pang-estadong unibersidad sa tanong na: Bakit mo pinili ang kursong may malaking kinalaman sa wikang Filipino? Ang tanong na nagtukoy sa mga dahilan ng mag-aaral sa pagpili sa programang pangkolehiyo na may kinalaman sa wikang Filipino tulad ng BA Filipino, BA Malikhaing Pagsulat at BA Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa Filipino sa PNU.

(48)

Opsyon

Mga Sangkot na Piling Unibersidad

UP PUP PNU Distribusyon ng Tugon Kabuuan sa Pangkalahatan f % f % f % f % sariling kagustuhan 18 72 11 44 23 92 52 69.33 Impluwensya ng kaibigan 1 4 1 4 1 4 3 4 kagustuhan ng magulang 1 4 1 4 1 4 3 4 wala ng ibang kursong bakante 5 20 12 48 0 0 17 22.67 kabuuan sa bawat unibersidad 25 100 25 100 25 100 75 100

Talahanayan 1- Mga Dahilan sa Pagpili ng mga Mag-aaral sa Programang Pangkolehiyo na may Malaking Kinalaman sa Wikang Filipino

_____________________ Tala:

UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino) PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)

PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino) f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon

% - bahagdan

Makikita sa Talahanayan 1 ang tugon ng mag-aaral sa tatlong piling pang-estadong unibersidad kung bakit nila napili ang programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino. Nangunguna ang PNU sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon sa unang opsyon na may bilang na 23 mag-aaral o 92%, sumunod ang UP na may bilang na 18 mag-aaral o 72% at ang PUP na may bilang na 11 mag-aaral o 44%. Sa pangalawa at pangatlong opsyon ay magkakatulad ang tatlong unibersidad na may 1 mag-aaral na tumugon o 4%. Sa huling opsyon ang may

(49)

pinakamataas na bilang na tumugon ay ang mga mag-aaral ng PUP na may bilang na 12 o 48%, pangalawa ang UP na may bilang na 5 mag-aaral o 20% at walang tumugon sa mga mag-aaral ng PNU.

Sa kabuuan, ang unang opsyon na, sariling kagustuhan ang pagpili sa programang pangkolehiyo na may kinalaman sa wikang Filipino ay nagtala ng pinakamaraming tugon na may bilang na 52 mag-aaral na may katumbas na 69.33%. Pumangalawa ang huling opsyon na, wala ng ibang kursong bakante kaya napabilang sa programa pangkolehiyo na may bilang na 17 mag-aaral na may katumbas na 22.67%. Sa huling posisyon ay magkatulad ang pangalawang opsyon na, impluwensiya ng kaibigan at ang pangatlong opsyon na, kagustuhan ng magulang kaya napabilang sa nasabing programang pangkolehiyo na may bilang na 3 mag-aaral bawat opsyon na may katumbas na 4%.

Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa unang opsyon na kaya sila pumasok o napabilang sa programang may malaking kinalaman sa wikang Filipino ay dahil ito’y kagustuhan nila. Nangangahulugan na malaya na ang mga mag-aaral ngayon na makapamili ng kursong kanilang kukunin pagtuntong nila sa kolehiyo. Kakaunti na ang bahagdan ng mga mag-aaral na naiimpluwesyan ng mga magulang o mga kaibigan sa pagpili ng programang pangkolehiyo kung saan nais nila mapabilang. Ngunit malaki pa rin ang bahagdan ng mga mag-aaral na napagsasarhan at nawawalan ng pagkakataon mapabilang sa gusto nilang programang pangkolehiyo dahil limitado lamang ang kinukuhang bilang na mag-aaral.

Ang susunod na talahanayan ay naglalahad ng distribusyon ng tugon ng mga mag-aaral sa UP, PUP at PNU sa tanong na: Ano ang pagkakaalam mo

(50)

sa iyong kurso? Ang tanong na ito ang nagtukoy kung may kaalaman ba ang mga mag-aaral sa kinukuha nilang programang pangkolehiyo.

Opsyon

Mga Sangkot na Piling Unibersidad

UP PUP PNU Distribusyon ng Tugon Kabuuan sa Pangkalahatan f % f % F % f % simpleng kurso gamit ang wikang

Filipibo 2 8 0 0 0 0 2 2.67 may layuning magpakadalubhasa sa Filipino 5 20 14 56 12 48 31 41.33 tulay para madaling matanggap sa trabaho 0 0 7 28 1 4 8 10.67 mag-aangat sa kamalayan bilang isang Piipino 18 72 4 16 12 48 34 45.33 kabuuan sa bawat unibersidad 25 100 25 100 25 100 75 100 Talahanayan 2 – Pagkakaalam ng mga Mag-aaral sa Programang Pangkolehiyo na may

Malaking Kinalaman sa Wikang Filipino _____________________

Tala:

UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino) PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)

PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino) f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon

% - bahagdan

Sa Talahanayan 2 nangunguna ang UP sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon sa unang opsyon na may bilang na 2 mag-aaral o 8%, at wala namang mag-aaral na tumugon mula sa PUP at PNU. Sa pangalawang opsyon nanguna ang PUP na may bilang na 14 na mag-aaral na may katumbas na 56%, pumangalawa ang PNU na may bilang na 12 mag-aaral na

(51)

may katumbas na 48%, at ang panghuli ay ang UP na may bilang na 5 mag-aaral na may katumbas na 20%. Sa pangatlong opsyon ay nanguna muli ang PUP na may bilang na 7 mag-aaral na may katumbas na 28%, pangalawa ang PNU na may bilang na 1 mag-aaral na may katumbas na 4%, samantalang sa UP ay walang tumugon. Sa huling opsyon, ang may pinakamataas na bilang na tumugon ay ang mga mag-aaral na mula sa UP na may bilang na 18 o 72%, pangalawa ang PNU na may bilang na 12 mag-aaral na may katumbas na 48%, at ang huli ay ang PUP na may bilang na 4 na mag-aaral na may katumbas na 16%.

Sa kabuuan, ang huling opsyon na, mag-aangat sa kamalayan bilang isang Pilipino ang programang pangkolehiyo na BA Filipino, BA Malikhaing Pagsulat at BA Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa Filipino sa PNU ay nagtala ng pinakamaraming tugon na may bilang na 34 mag-aaral na may katumbas na 45.33%. Pumangalawa ang ikalawang opsyon na, ang mga programang pangkolehiyo na nabanggit ay may layuning magpakadalubhasa sa Filipino na may bilang na 31 mag-aaral na may katumbas na 41.33%. Nasa ikatlong posisyon ang opsyon na, magiging tulay ang mga nabanggit na programang pangkolehiyo upang madaling matanggap sa trabaho na may bilang na 8 mag-aaral na may katumbas na 10.67%. Nasa huling posisyon na may bilang lamang na 2 mag-aaral na may katumbas na 2.67% tumugon sa unang opsyon na, simpleng kurso lamang gamit ang wikang Filipino ang mga nabanggit na programang pangkolehiyo.

Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa huling opsyon, nangangahulugan lamang na malaki ang pananalig ng mga mag-aaral mula sa UP, PUP at PNU na magiging daan ang programang pangkolehiyo na B.A.

(52)

Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa Filipino sa PNU sa pag-aangat sa kamalayan bilang tunay na mamamayang Pilipino. Nangangahulugan din na higit pa sa hangarin na makahanap agad ng magandang trabaho ang layunin nito at naniniwala rin ang mga mag-aaral na magiging dalubhasa sila sa wikang Filipino sa pamamagitan ng mga nabanggit na programang pangkolehiyo.

Ang susunod na talahanayan ay naglalahad ng distribusyon ng tugon ng mga mag-aaral sa UP, PUP at PNU sa tanong na: Saang propesyon higit na nakatuon ang iyong kurso? Ang tanong na ito ang nagtukoy sa pananaw ng mga mag-aaral kung saang propesyon nakapokus ang kanilang programa.

Opsyon

Mga Sangkot na Piling Unibersidad

UP PUP PNU Distribusyon ng Tugon Kabuuan sa Pangkalahatan f % f % f % f % manunulat 10 40 5 20 4 16 19 25.33 guro 11 44 11 44 14 56 36 48 Tagapagsalin 1 4 3 12 5 20 9 12 lii

Referensi

Dokumen terkait

Kondisi seperti ini memicu sebagian bangsa Indonesia mencari alternatif bentuk negara atau masyarakat yang dapat diterima oleh berbagai elemen masyarakat Indonesia

Lokasi timbunan tanah Komplek Northern Hill, jenis perkuatan yang dilakukan adalah grouting... Daerah penelitian memiliki litologi berupa pasir kerakal, breksi

Penelitian ini bertujuan untuk mengidentifikasi makna implikatur yang ada dalam teks bahasa sumber, jenis implikatur yang digunakan, teknik penerjemahan

Terkadang kita meremehkan orang lain dan telah menganggap sistem yang kita bangun sudah benar-benaraman. Padahal, sampai detik ini, tidak ada suatu sistem yang bisa

Jumlah angka yang harus di raih dalam satu set permainan bola voli adalah «« angka5.

(4) Hambatan dalam penerapan kurikulum yaitu perencanaan pembelajaran yang tidak tepat waktu, Guru dituntut harus kreatif dalam mengembangkan RKM dan RKH serta keterbatasan

1) Hasil uji ANOVA dalam metode Princals, diperoleh faktor-faktor yang berpengaruh terhadap prestasi belajar adalah umur masuk, nilai NEM, status sekolah, jalur masuk,

Mesin frais adalah salahsatu mesin perkakas dapat digunakan untuk mengerjakan/suatu bentuk benda kerja dengan mempergunakan pisau frais sebagai alat potongya. Dan