Nilalaman ng bahaging ito ang mga nalikom na datos ng mga mananaliksik na tumugon sa nabanggit na mga suliranin sa unang bahagi ng pananaliksik na ito. Tinugunan sa pamamagitan ng paghahain ng mga impormasyong ibinase sa sarbey ang una hanggang ikalimang suliranin. Samantala, ang kasagutan sa ikaanim na suliranin ay ibinase sa mga datos na nakalap na ipinamahagi ng tatlong piling pang-estadong unibersidad tungkol sa kanilang kurikulum, kasama na rin ang datos mula sa kanilang websayt at ang mga sagot sa isinagawang impormal na pagtatanong.
Pananaw at Kaalaman ng mga Mag-aaral sa Programang
Pangkolehiyo na may Malaking Kinalaman sa Wikang Filipino
Ilalahad ng talahanayan sa susunod na pahina ang distribusyon ng tugon ng mga mag-aaral sa piling pang-estadong unibersidad sa tanong na: Bakit mo pinili ang kursong may malaking kinalaman sa wikang Filipino? Ang tanong na nagtukoy sa mga dahilan ng mag-aaral sa pagpili sa programang pangkolehiyo na may kinalaman sa wikang Filipino tulad ng BA Filipino, BA Malikhaing Pagsulat at BA Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa Filipino sa PNU.
Opsyon
Mga Sangkot na Piling Unibersidad
UP PUP PNU Distribusyon ng Tugon Kabuuan sa Pangkalahatan f % f % f % f % sariling kagustuhan 18 72 11 44 23 92 52 69.33 Impluwensya ng kaibigan 1 4 1 4 1 4 3 4 kagustuhan ng magulang 1 4 1 4 1 4 3 4 wala ng ibang kursong bakante 5 20 12 48 0 0 17 22.67 kabuuan sa bawat unibersidad 25 100 25 100 25 100 75 100
Talahanayan 1- Mga Dahilan sa Pagpili ng mga Mag-aaral sa Programang Pangkolehiyo na may Malaking Kinalaman sa Wikang Filipino
_____________________ Tala:
UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino) PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)
PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino) f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon
% - bahagdan
Makikita sa Talahanayan 1 ang tugon ng mag-aaral sa tatlong piling pang-estadong unibersidad kung bakit nila napili ang programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino. Nangunguna ang PNU sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon sa unang opsyon na may bilang na 23 mag-aaral o 92%, sumunod ang UP na may bilang na 18 mag-aaral o 72% at ang PUP na may bilang na 11 mag-aaral o 44%. Sa pangalawa at pangatlong opsyon ay magkakatulad ang tatlong unibersidad na may 1 mag-aaral na tumugon o 4%. Sa huling opsyon ang may
pinakamataas na bilang na tumugon ay ang mga mag-aaral ng PUP na may bilang na 12 o 48%, pangalawa ang UP na may bilang na 5 mag-aaral o 20% at walang tumugon sa mga mag-aaral ng PNU.
Sa kabuuan, ang unang opsyon na, sariling kagustuhan ang pagpili sa programang pangkolehiyo na may kinalaman sa wikang Filipino ay nagtala ng pinakamaraming tugon na may bilang na 52 mag-aaral na may katumbas na 69.33%. Pumangalawa ang huling opsyon na, wala ng ibang kursong bakante kaya napabilang sa programa pangkolehiyo na may bilang na 17 mag-aaral na may katumbas na 22.67%. Sa huling posisyon ay magkatulad ang pangalawang opsyon na, impluwensiya ng kaibigan at ang pangatlong opsyon na, kagustuhan ng magulang kaya napabilang sa nasabing programang pangkolehiyo na may bilang na 3 mag-aaral bawat opsyon na may katumbas na 4%.
Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa unang opsyon na kaya sila pumasok o napabilang sa programang may malaking kinalaman sa wikang Filipino ay dahil ito’y kagustuhan nila. Nangangahulugan na malaya na ang mga mag-aaral ngayon na makapamili ng kursong kanilang kukunin pagtuntong nila sa kolehiyo. Kakaunti na ang bahagdan ng mga mag-aaral na naiimpluwesyan ng mga magulang o mga kaibigan sa pagpili ng programang pangkolehiyo kung saan nais nila mapabilang. Ngunit malaki pa rin ang bahagdan ng mga mag-aaral na napagsasarhan at nawawalan ng pagkakataon mapabilang sa gusto nilang programang pangkolehiyo dahil limitado lamang ang kinukuhang bilang na mag-aaral.
Ang susunod na talahanayan ay naglalahad ng distribusyon ng tugon ng mga mag-aaral sa UP, PUP at PNU sa tanong na: Ano ang pagkakaalam mo
sa iyong kurso? Ang tanong na ito ang nagtukoy kung may kaalaman ba ang mga mag-aaral sa kinukuha nilang programang pangkolehiyo.
Opsyon
Mga Sangkot na Piling Unibersidad
UP PUP PNU Distribusyon ng Tugon Kabuuan sa Pangkalahatan f % f % F % f % simpleng kurso gamit ang wikang
Filipibo 2 8 0 0 0 0 2 2.67 may layuning magpakadalubhasa sa Filipino 5 20 14 56 12 48 31 41.33 tulay para madaling matanggap sa trabaho 0 0 7 28 1 4 8 10.67 mag-aangat sa kamalayan bilang isang Piipino 18 72 4 16 12 48 34 45.33 kabuuan sa bawat unibersidad 25 100 25 100 25 100 75 100
Talahanayan 2 – Pagkakaalam ng mga Mag-aaral sa Programang Pangkolehiyo na may Malaking Kinalaman sa Wikang Filipino
_____________________ Tala:
UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino) PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)
PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino) f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon
% - bahagdan
Sa Talahanayan 2 nangunguna ang UP sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon sa unang opsyon na may bilang na 2 mag-aaral o 8%, at wala namang mag-aaral na tumugon mula sa PUP at PNU. Sa pangalawang opsyon nanguna ang PUP na may bilang na 14 na mag-aaral na may katumbas na 56%, pumangalawa ang PNU na may bilang na 12 mag-aaral na
may katumbas na 48%, at ang panghuli ay ang UP na may bilang na 5 mag-aaral na may katumbas na 20%. Sa pangatlong opsyon ay nanguna muli ang PUP na may bilang na 7 mag-aaral na may katumbas na 28%, pangalawa ang PNU na may bilang na 1 mag-aaral na may katumbas na 4%, samantalang sa UP ay walang tumugon. Sa huling opsyon, ang may pinakamataas na bilang na tumugon ay ang mga mag-aaral na mula sa UP na may bilang na 18 o 72%, pangalawa ang PNU na may bilang na 12 mag-aaral na may katumbas na 48%, at ang huli ay ang PUP na may bilang na 4 na mag-aaral na may katumbas na 16%.
Sa kabuuan, ang huling opsyon na, mag-aangat sa kamalayan bilang isang Pilipino ang programang pangkolehiyo na BA Filipino, BA Malikhaing Pagsulat at BA Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa Filipino sa PNU ay nagtala ng pinakamaraming tugon na may bilang na 34 mag-aaral na may katumbas na 45.33%. Pumangalawa ang ikalawang opsyon na, ang mga programang pangkolehiyo na nabanggit ay may layuning magpakadalubhasa sa Filipino na may bilang na 31 mag-aaral na may katumbas na 41.33%. Nasa ikatlong posisyon ang opsyon na, magiging tulay ang mga nabanggit na programang pangkolehiyo upang madaling matanggap sa trabaho na may bilang na 8 mag-aaral na may katumbas na 10.67%. Nasa huling posisyon na may bilang lamang na 2 mag-aaral na may katumbas na 2.67% tumugon sa unang opsyon na, simpleng kurso lamang gamit ang wikang Filipino ang mga nabanggit na programang pangkolehiyo.
Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa huling opsyon, nangangahulugan lamang na malaki ang pananalig ng mga mag-aaral mula sa UP, PUP at PNU na magiging daan ang programang pangkolehiyo na B.A.
Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa Filipino sa PNU sa pag-aangat sa kamalayan bilang tunay na mamamayang Pilipino. Nangangahulugan din na higit pa sa hangarin na makahanap agad ng magandang trabaho ang layunin nito at naniniwala rin ang mga mag-aaral na magiging dalubhasa sila sa wikang Filipino sa pamamagitan ng mga nabanggit na programang pangkolehiyo.
Ang susunod na talahanayan ay naglalahad ng distribusyon ng tugon ng mga mag-aaral sa UP, PUP at PNU sa tanong na: Saang propesyon higit na nakatuon ang iyong kurso? Ang tanong na ito ang nagtukoy sa pananaw ng mga mag-aaral kung saang propesyon nakapokus ang kanilang programa.
Opsyon
Mga Sangkot na Piling Unibersidad
UP PUP PNU Distribusyon ng Tugon Kabuuan sa Pangkalahatan f % f % f % f % manunulat 10 40 5 20 4 16 19 25.33 guro 11 44 11 44 14 56 36 48 Tagapagsalin 1 4 3 12 5 20 9 12 lii
mamamahayag/
tapagbalita 2 8 5 20 2 8 9 12
iba pa 1 4 1 4 0 0 2 2.67
kabuuan sa bawat
unibersidad 25 100 25 100 25 100 75 100
Talahanayan 3– Propesyon Kung Saan Nakatuon ang Programang Pangkolehiyo na may Malaking Kinalaman sa Wikang Filipino
_____________________ Tala:
UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino) PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)
PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino) f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon
% - bahagdan
Sa Talahanayan 3 nangunguna ang UP sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon sa unang opsyon na may bilang na 10 mag-aaral o 40%, pangalawa ang PUP na may bilang na 5 mag-aaral na may katumbas na 20% at ang huli ay ang PNU na may bilang na 4 na mag-aaral na may katumbas na 16%. Sa pangalawang opsyon nanguna ang PNU na may bilang na 14 na mag-aaral na may katumbas na 56%, samantalang magkatulad ang bahagdan ng tumugon mula sa UP at PUP na may bilang na 11 mag-aaral na may katumbas na 44% sa bawat unibersidad. Sa pangatlong opsyon ay nanguna muli ang PNU na may bilang na 5 mag-aaral na may katumbas na 20%, pangalawa ang PUP na may bilang na 3 mag-aaral na may katumbas na 12%, samantalang sa UP ay 1 lamang ang tumugon na may katumbas na 4%. Sa pang-apat na opsyon, ang may pinakamataas na bahagdan na tumugon ay ang mga mag-aaral na mula sa PUP na may bilang na 5 o 20%, samantalang magkatulad ang bahagdan ng tumugon mula sa UP at PNU na may bilang na 2 mag-aaral na may katumbas na 8% sa bawat unibersidad.
May dalawa (2) namang sumagot ng ibang propesyon na nagmula sa UP at PUP.
Sa kabuuan, ang pangalawang opsyon na, pagiging guro ang higit na binibigyang tuon ng programang pangkolehiyo na B.A. Filipino, B.A. Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; BSE major sa Filipino sa PNU at maliban lamang sa B.A. Malikhaing Pagsulat ng UP na talagang nakasentro sa pagiging guro, ay nagtala ng pinakamaraming tugon na may bilang na 36 mag-aaral na may katumbas na 48%. Pumangalawa ang unang opsyon na, pagiging manunulat na may bilang na 19 mag-aaral na may katumbas na 25.33%. Samantalang magkatulad sa ikatlong posisyon ang mga opsyon na, pagiging tagapasalin at pagiging mamamahayag/tagapagbalita na may bilang na 9 mag-aaral na may katumbas na 12% sa bawat opsyon.
Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa pangalawang opsyon, nangangahulugan lamang na higit na nakatuon ang mga nasabing programa pangkolehiyo sa propesyon bilang tagahasik ng kaalaman sa mga paaralan o ang tinatawag na guro. Hindi rin nalalayo sa propesyon bilang manunulat ang mga magtatapos sa programang nabanggit. At may pagkakataon din naman na maging tagapagsalin at mamamahayag/tagapagbalita ang mga mag-aaral.
Ang susunod na talahanayan ay naglalahad ng distribusyon ng tugon ng mga mag-aaral sa UP, PUP at PNU sa tanong na: Bilang mag-aaral ng kursong may malaking kinalaman sa wikang Filipino, anong damdamin ang umuusbong habang lalong lumalalim ang iyong kaalaman sa wikang Filipino? Ang tanong na ito ang nagtukoy sa kung anong damdamin ang kumikintal sa
mga mag-aaral ng programang pangkolehiyo na BA Filipino, BA Malikhaing Pagsulat at BA Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa Filipino sa PNU.
Opsyon
Mga Sangkot na Piling Unibersidad
UP PUP PNU Distribusyon ng Tugon Kabuuan sa Pangkalahatan f % f % f % f % pagmamalasakit sa bayan 6 24 3 12 7 28 16 21.33 pagmamahal sa sariling wika 14 56 16 64 10 40 40 53.33 pagpapahalaga sa buhay bilang Isang Pilipino 5 20 5 20 8 32 18 24 walang umusbong na anumang damdamin 0 0 1 4 0 0 1 1.34 kabuuan sa bawat unibersidad 25 100 25 100 25 100 75 100 lv
Talahanayan 4– Damdaming Umuusbong Habang Lalong Lumalalim ang Kaalaman sa Programang Pangkolehiyo na may Malaking Kinalaman sa Wikang Filipino _____________________
Tala:
UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino) PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)
PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino) f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon
% - bahagdan
Sa Talahanayan 4 nangunguna ang PNU sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon sa unang opsyon na may bilang na 7 mag-aaral o 28%, pangalawa ang UP na may bilang na 6 mag-aaral na may katumbas na 24% at ang huli ay ang PUP na may bilang na 3 na mag-aaral na may katumbas na 12%. Sa pangalawang opsyon nanguna ang PUP na may bilang na 16 na mag-aaral na may katumbas na 64%, sumunod ang UP na may bilang na 14 mag-aaral na may katumbas na 56%, at ang huli ay ang PNU na may bilang na 10 mag-aaral na may katumbas na 40%. Sa pangatlong opsyon ay nanguna ang PNU na may bilang na 8 mag-aaral na may katumbas na 32%, samantalang magkatulad ang UP at PUP na may bilang na 5 mag-aaral na may katumbas na 20% sa bawat unibersidad. Sa pang-apat na opsyon, ang may pinakamataas na bahagdan na tumugon ay ang mga mag-aaral na mula sa PUP na may bilang na 1 o 4%, samantalang magkatulad ang UP at PNU na walang tumugon.
Sa kabuuan, ang pangalawang opsyon na, pagmamahal sa sariling wika ang damdaming umuusbong ang may pinakamaraming tugon na may bilang na 40 mag-aaral na may katumbas na 53.33%. Pumangalawa ang pangatlong opsyon na, pagpapahalaga sa buhay bilang isang Pilipino ang umuusbong na damdamin na may bilang na 18 mag-aaral na may katumbas na 24%. Nasa pangatlo ang unang opsyon na, pagmamalasakit sa bayan ang
umuusbong na damdamin na may bilang na 16 mag-aaral na may katumbas na 21.33%. At may isang (1) mag-aaral ang sumagot na walang umuusbong na anumang damdamin.
Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa pangalawang opsyon, nangangahulugan lamang na kung ang isang mag-aaral ay mapapabilang sa mga nabanggit na programang pangkolehiyo ay malaki ang posibilidad na mapayabong ang kaniyang pagmamahal sa wikang Filipino. Hindi rin naman nawawala ang posibilidad na pahalagahan pang lalo ng mag-aaral ang kaniyang buhay bilang isang Pilipino at ang patuloy na pagmamalasakit sa bayan.