• Tidak ada hasil yang ditemukan

MGA PAMAMARAAN GINAMIT AT PINAGKUNAN NG DATOS

Dalam dokumen Thesis Mainpart 1 (Halaman 41-47)

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga pamamaraang ginamit, paghahanda ng instrumentong ginamit sa pag-aaral, mga hakbang na ginawa sa paglikom ng mga datos, istratehiya sa pagpili ng mga kalahok, paglalarawan sa mga kalahok, populasyon at magiging bilang ng kalahok at estadistikang ginamit sa pagsusuri at pagpapakahulugan ng mga datos.

PAMAMARAANG GINAMIT

Gumamit ang mga mananaliksik ng diskriptibong pamamaraan ng pananaliksik. Napili ang pamamaarang ito dahil makatugon ito sa pagtukoy sa kung mahusay ang programang may malaking kinalaman sa Filipino sa bawat unibersidad sa pamamagitan ng paglalarawan sa kasalukuyang gagamit sa kurikulum nito. Ang pamamaraan ding ito ay tumugon sa layunin

ng pag-aaral na masuri ang kurikulum ng tatlong piling unibersidad bilang kasangkapan para mapanatili at mapaunlad pa ang wikang Filipino.

Ang naging tagatugon sa pananaliksik ay dalawampu’t limang (25) mga mag-aaral mula sa una hanggang sa ikaapat na taon ng tatlong piling unibersidad ( UP, PUP at PNU ) na kumukuha ng programang B,A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino (UP); AB Filipinolohiya (PUP); BSE Major in Filipino (PNU) sa unang semestre ng taong- panuruan 2007-2008.

Sa kabuuan, nagkaroon ng pitumpu’t lima (75) mag-aaral na tagatugon.

PARAAN NG PAGPILI NG MGA KALAHOK

Pinagsamang istratipayd random sampling at sistematikong sampling ang ginamit sa paraan sa pagpili ng kalahok. Sa bawat unibersidad nagmula ang dalawampung mag-aaral na tagatugon, kumuha ng representante sa una hanggang sa ikaapat na taon at ang mga mag-aaral na ito ay ang mga pangunahing opisyales na nahirang ng klase sa bawat taon. Pinili ang mga pangunahing opisyales sa kaisipang sila ang tumatayong haligi o lider sa klase na magiging mabisang tagatugon sa mga inihaing mga katanungan.

Naghanda rin ng talatanungan ang mga mananaliksik na naglalaman ng ilang katanungan para sa impormal na panayam sa ilang dalubguro sa bawat unibersidad.

DISKRIPSYON SA MGA KALAHOK

Ang mga mag-aaral sa tatlong piling pang-estadong unibersidad sa kalakhang Maynila ang magsisilbing tagatugon ng pananaliksik. Napili ang Unibersidad ng Pilipinas (UP, Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) at

Pamantasang Normal ng Pilipinas (PNU) sapagkat ayon sa resulta ng pag-aaral na isinagawa ng Professional Regulation Commission (PRC) at ng Commission on Higher Education (CHED) kabilang ang tatlong piling pang-estadong unibersidad na ito sa kalakhang Maynila sa dalawampung (20) nangungunang unibersidad na naghahain ng mataas na uri ng edukasyon at sa loob ng sampung taon ay laging nangunguna sa mga Board Examination sa lahat ng unibersidad at kolehiyo sa buong Pilipinas.

Ang pinagbatayan sa pagpili ng tatlong piling pang- estadong unibersidad ay nagmula sa talaan ng mga nagungunang unibersidad sa Pilipinas batay sa websayt na http://www.topuniversities.com.

Ang estadistikang ito ay resulta ng pag-aaral na isinagawa ng Professional Regulation Commission (PRC) at ng Commission on Higher Education (CHED) na base sa kabuuang marka ng mga pumapasa sa mga kursong may Board Examination ng lahat ng pamantasan at kolehiyo sa Pilipinas.

Ang pag-aaral ay isinasagawa kada sampung taon. Ang mga sumusunod ay resulta ng unang pag-aaral mula taong 1992 hanggang 2002. Labindalawang pamantasan/kolehiyo ay nagmula sa Luzon, dalawa sa Visayas at anim sa Mindanao. Nakatala roon ang mga sumusunod na pamantasan/kolehiyo:

1. Unibersidad ng Pilipinas (Diliman/Luzon) 2. Unibersidad ng Pilipinas (Los Baños/Luzon) 3. Unibersidad ng Pilipinas (Maynila/Luzon)

4. Unibersidad ng Silliman (Lungsod ng Dumaguete/Visayas) 5. Unibersidad ng Ateneo de Davao (Davao/Mindanao)

6. Unibersidad ng Ateneo de Manila (Maynila/Luzon) 7. Unibersidad ng Santo Tomas (Maynila/Luzon) 8. Pang-Estadong Unibersidad ng Mindanao

(Institusyong Panteknolohiya ng Iligan/Mindanao) 9. Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (Maynila/Luzon) 10. Unibersidad ng Saint Louis (Lungsod ng Baguio/Luzon) 11. Unibersidad ng San Carlos (Lungsod ng Cebu/Visayas) 12. Unibersidad ng Xavier (Cagayan de Oro/Mindanao)

13. Pang-Estadong Unibersidad ng Mindanao (Main/Mindanao) 14. Kolehiyo ng Urios (Lungsod ng Butuan/Mindanao)

15. Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (Maynila/Luzon)

16. Unibersidad ng De La Salle (Maynila/Luzon)

17. Institusyong Panteknolohiya ng Mapua (Maynila/Luzon) 18. Unibersidad ng Adamson (Maynila/Luzon)

19. Pamantasang Normal ng Pilipinas (Maynila/Luzon)

20. Unibersidad ng Katimugang Pilipinas (Davao/Mindanao)

INSTRUMENTONG GINAMIT

Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito ay talatanungan. Ito ay binuo ng mga mananaliksik pagkatapos ang masusing pag-aaral sa mga suliranin at matapos makapagbasa ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral. Iniharap ito sa tagapayo upang maaprubahan at ipinasuri rin ito sa mga dalubguro na may malawak at mahabang karanasan sa pagtuturo ng mga asignaturang may kinalaman sa wikang Filipino.

Nagkaroon ng tatlong bahagi ang talatanungan. Ang unang bahagi ay naglalaman ng mga tanong patungkol sa personal na datos ng mag-aaral. Ang pangalawang bahagi naman ay naglalaman ng mga tanong na may kinalaman sa pananaw ng mga mag-aaral sa kanilang kurso at kurikulum. At ang huling bahagi ay naglalaman ng mga preperensyang pangwika na makatutulong sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino. Lahat ng mga tanong ay nakatulong upang bigyang tugon ang mga suliraning inihain sa unang bahagi ng pananaliksik na ito.

Ang inihandang tanong sa huling bahagi ng talatanungan ay sasagutin sa pamamagitan ng “five (5) point Lickert scale” tulad ng:

5 - lubos na sumasang-ayon (highly agree) 4 - sumasang-ayon (agree)

3 - hindi sigurado (not sure)

2 - hindi sumasang-ayon (disagree)

1 - lubos na hindi sumasang-ayon (highly disagree)

PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS

Ang unang hakbang na isinagawa ng mga mananaliksik ay ang pangangalap ng datos sa iba’t ibang silid-aklatan; Pambansang Aklatan, Ninoy Aquino Learning Resource Center (NALRC), Silid-aklatan ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika. Pangalawa ay ang paglikom ng datos at ang paghingi ng pahintulot sa dekana at tagapangulo ng kolehiyo at kagawaran na nakasasakop sa programang B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B,A. Araling Pilipino (UP); AB Filipinolohiya (PUP); BSE Major in Filipino (PNU) ng pormal na liham upang payagang makapagsagawa ng sarbey.

Ang mga mananaliksik mismo ang mamimigay ng mga talatanungan sa mga tagatugon sa bawat unibersidad at humingi ng gabay sa ilang dalubguro ng bawat unibersidad para sa ikaaayos ng pagsasarbey.

Lahat ng talatanungan ay tinipon sa itinakdang panahon maliban lamang sa mga talatanungang mas maagang ipinamahagi ng mga mananaliksik sa mga mag-aaral PUP na kaagad ding kinolekta matapos nilang masagutan.

URI NG GAGAMITING ESTADISTIKA

Ginamit lamang ng simpleng estadistika ang mga mananaliksik upang malinaw at madaling mabigyan ng pagsusuri at pagpapakahulugan ang mga katanungan sa mga talatanungan. Ang porsiyento ng tugon ay hahanguin batay sa pormulang nasa ibaba:

(f) bilang ng mga sumasagot

Bahagdan (%) = --- X100 (n) kabuuang bilang ng respndent

KABANATA 4

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA

Dalam dokumen Thesis Mainpart 1 (Halaman 41-47)

Dokumen terkait