Sa isinagawang masusing pag-aaral na may paksang “Pananaw ng mga Piling Mag-aaral sa UP, PUP at PNU sa Kurikulum ng
Programang Pangkolehiyo na may Malaking Kinalaman sa Pagpapanatili at Pagpapaunlad ng Wikang Filipino”, natuklasan ng
mga mananaliksik ang mga sumusunod:
20.Malaya ang mga mag-aaral ngayon na makapamili ng kursong kanilang kukunin pagtuntong nila sa kolehiyo.
21.Malaki ang pananalig ng mga mag-aaral mula sa UP, PUP at PNU na magiging daan ang programang pangkolehiyo na B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa Filipino sa PNU sa pag-aangat sa kamalayan bilang tunay na mamamayang Pilipino.
22.Higit na nakatuon ang mga nasabing programa pangkolehiyo sa propesyon bilang tagahasik ng kaalaman sa mga paaralan o ang tinatawag na guro.
23.Ang isang mag-aaral ay mapapabilang sa mga nabanggit na programang pangkolehiyo ay malaki ang posibilidad na mapayabong ang kaniyang pagmamahal sa wikang Filipino.
24.Pinakamabisang daan upang magkaroon ng kaalaman ang mag-aaral tungkol sa nilalaman ng kurikulum ay ang pagbabahagi ng kopya nito. 25.Sa wika higit na nakasentro ang mga nabanggit na programang
pangkolehiyo.
26.Intelektwal na pagkatuto ang higit na inihahain ng mga asignatura na nakapaloob sa kurikulum ng programang pangkolehiyo na BA Filipino,
BA Malikhaing Pagsulat at BA Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa Filipino sa PNU.
27.Ang paggamit ng wikang Filipino sa ulat at korespondensya opisyal ay isa sa mabisang paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
28.Ang pagtangkilik at panonood ng mga palatuntunang Filipino ay isa sa epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
29.Ang pagbabasa ng iba’t ibang babasahin na nakasulat sa wikang Filipino ay isa sa mabisang paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
30. Ang paggamitng Filipino sa pagsulat ng mga sulating pampanitikan ay isa sa epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
31. Ang pagsasalin sa Filipino ng mga banyagang sulatin para lalong mabatid ng maraming Pilipino isa sa mabisang paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
32. Ang pagsasalita ng wikang Filipino na hindi ito ikinahihiya ay isa sa epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
33. Ang pagpapalimbag ng maraming aklat sa wikang Filipino upang dumami ang sanggunian ng mgs mag-aaral ay kailangan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
34. Ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtatalumpati ay isa sa mabisang paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
35. Ang pagtangkilik sa mga pelikulang Pilipino ay isa sa epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
36. Ang pagpapahayag ng kuru-kuro at saloobin gamit ang wikang Filipino ay makatutulong upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
37. Ang pakikiisa sa mga kilusang may kaugnayan sa pagpapaunlad sa wikang Filipino ay isang daan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
38. Ang panonood at pakikinig sa mga balita sa radyo at telebisyon na wikang Filipino ang midyum ay isa sa epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
KONGKLUSYON
Batay sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik tungkol sa paksang “Pananaw ng mga Piling Mag-aaral sa UP, PUP at PNU sa Kurikulum ng Programang Pangkolehiyo na may Malaking Kinalaman
sa Pagpapanatili at Pagpapaunlad ng Wikang Filipino” ay nabuo ang mga sumusunod na kongklusyon:
6. Ang pagpili ng mga mag-aaral sa programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino.
Sa masusing pagsasarbey ng mga mananaliksik ay napag-alaman na kaya pinili ng mga mag-aaral na pumasok o
mapabilang sa programang pangkolehiyo ay dahil ito ay kagustuhan nila. Naging malaya ang mga mag-aaral ngayon sa pagpili ng kursong kanilang kukunin na hindi kainakailangan ng impluwensiya ng magulang at ng ibang tao. Sa kabilang banda, malaki rin ang nagging bahagdan ng mga mag-aaral na napagsarhan o nawalan ng pagkakataon sa gusto nilang kurso.
7. Sa pagsarbey, sa kabuuan, nagiging instrumento upang maiangat ang kamalayan ng mag-aaral bilang isang Pilipino ang programang pangkolehiyo na BA Filipino, BA Malikhaing Pagsulat at BA Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa Filipino sa PNU ay nagtala ng pinakamaraming tugon na may bilang na 34 mag-aaral na may katumbas na 45.33%
Nangangahulugan na may pinakamalaking gampanin ang programang pangkolehiyo sa tatlong piling pang-estadong unibersidad sa kalakhang Maynila sa pag-angat sa kamalayan bilang tunay na mamamayang Pilipino at sa pagmamahal sa wikang Filipino. Nangangahulugan din na higit pa sa hangarin na makahanap agad ng magandang trabaho ang layunin nito at naniniwala din ang mga mag-aaral na magiging dalubhasa sila sa wikang Filipino sa pamamagitan bg mga nabanggit na programang pangkolehiyo sa pamamagitan ng paghasik ng kaalaman o pagiging guro.
8. Sa aspetong pagkatuto, napatunayan na sa wika talaga higit na nakasentro ang mga nabanggit na programang pangkolehiyo dahil sa napakaraming mag-aaral ang tumugon nito.
Naikintal ang pagkatutong intelektwal sa mga mag-aaral ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wika.
9. Ang Pagtangkilik at Paggamit ng Wikang Filipino sa mga Gawaing Pang-unibersidad ng mga Mag-aaral na may Kinalaman sa Pagpapaunlad Nito.
Tinatangkilik ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng panonood ng mga palatuntunang Filipino, pagbabasa ng iba’t ibang babasahin na nakasulat sa wikang Filipino, pagsasalita ng wikang Filipino na hindi ikinahihiya, pagpapalimbag ng maraming aklat sa wikang Filipino upang dumami ang sanggunian ng mga mag-aaral at pagtangkilik sa pelikukang Pilipino.
Gayundin, ginagamit ang wikang Filipino sa mga gawaing pang-unibersidad gaya ng sa ulat at korespondensya opisyal, pagsulat ng mga sulating pampanitikan, pagsasalin sa Filipino ng mga banyagang sulatin, sa pagtatalumpati at sa pagpapahayag ng mga kuru-kuro at saloobin. Samakatuwid, ang mga mag-aaral na nasa ilalim ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa p-agpapaunlad ng wikang Filipino ay patuloy sa paggawa ng mga epektibong paraan sa pagtangkilik at paggamit ng wikang Filipino sa labas o sa loob ng unibersidad upang lalong mapanatili at mapaunlad ito.
10.Ang Pagpapaunlad sa Wikang Filipino ng mga Mag-aaral sa Aspetong Sosyal
Ang pakikiisa sa mga kilos ang may kaugnayan sa pagpapaunlad sa wikang Filipino at ang panonood at pakikinig sa mga balita sa radio at telebisyon na wikang Filipino ang midyum ay ilan lamang sa mga epektibong paraan upang lalong mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino sa aspetong sosyal.
REKOMENDASYON
Matapos ang masusing pag-aaral, magalang na inihahayag ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na rekomendasyon na ibinatay sa kongklusyon:
1. Mas mainam kung ang maraming bilang Pilipinong mag-aaral ay kukuha ng kursong naaayon sa kanilang kagustuhan na magiging daan sa pagpapaunlad ng kanilang sarili.
2. Dapat ipagpatuloy ang paghahain ng mga asignaturang mas magpapalawak sa kaalaman ng mga mag-aaral sa pangkasalukuyang panahon lalo na sa kaso ng pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino.
3. Higit na patatagin ang layunin at kahalagahan ng pag-aaral ng wikang Filipino.
4. Higit na palaganapin ang mga pamamaraan at preperensyang pangwika na lalong magtataguyodsa wikang Filipino.
5. Higit na pahalagahan ng mga mag-aaral ang mga Gawain na may kinalaman sa wikang Filipino.
6. Dapat pag-ibayuhin ng mga programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino ang pangunguna sa pagpapatatag at pagpapayabong ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangang pang-edukasyon.
7. Maging matulungin ang mga ahensyang pang-edukasyon at pangwika sa patuloy na pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino upang lalong maging malakas ang pwersa na gaganap sa usaping ito.
8. Pantilihing tiyak, malinaw, at umuugnay sa kasalukuyang pangangailangan ng panahon ang mga programang may malaking kinalaman sa wikang Filipino.
9. Ito na ang tamang pagkakataon upang paramihin ang mga programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino na maaaring kabilangan ng mga Pilipinong mag-aaral pagtuntong sa tersyarya.
10.Ang patuloy na pagdaragdag na makatutulong sa pagpapahusay ng pananaliksik na ito ay tinatanggap ng mga mananaliksik upang lalo pang tumibay ang kredibilidad nito.
TALASANGGUNIAN
Aklat
Andres, Tomas Quntin D. at Felizardo Y. Francisco. Curriculum Development in the Philippine Setting. National Bookstore Inc. ECZ Enterprises, Sta. Cruz, Manila.1989.
Auztero, Cecilia S., et.al. Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina. Gold Publishing Palace, Makati, Metro Manila. 2003.
Bobbit, John Franklin. The Curriculum. Allyn and Bacon, Inc. Boston. 1918. Bonilla, Cristeto. A Framework on Education Curriculum. Education and
Culture Planning Service Manual. 1996.
Doctor, Ramades M. Teacher Education Curricula. Philippine Extension Service Review. December, 1996.
Japanese For Busy People. Basic Japanese Level 1. Asia Dempa Research ang Training Research Institute Foundation, Inc. 2005.
Kelly, Kathleen. Curriculum Design: A Handbook for Educators. Scott Forseman Company, Illinois. 1983.
Krug, Ronald. Study and Teaching in Developmental Education. 1996.
Lachica, Veneranda S. Komunikasyon at Linggwistika. GMK Publishing House, Sta.Cruz, Manila. 2002.
Lachica, Veneranda S., Perla S. Carpio, et.al. Lingas sa Akademikong Komunikasyon. GMK Publishing House, Quezon City. 2006.
Lee, Daniel at J. Gwynn Lee. Educational Competencies and Curriculum Planning. 1998.
Magandang Balita Biblia. Philippine Bible Society, Sta. Mesa, Manila. 1980. Mag-atas, Rosario U., et.al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Booklore
Publishing Corp. Sta. Cruz, Manila. 2007.
Palma, Jesus C. Curriculum Development System. National Bookstore Inc. 24K Printing Co., Inc. Valenzuela, Metro Manila. 1992.
Rogan. James A. MEC Catalog of Curriculum Research and Development Outputs. 1998.
Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G. makabagng BAlarilang Filipino, Binagong Edisyon. Rex Bookstore, Inc. Sampaloc, Manila. 2003. Stenhouse, Lawrence. The Teacher and Curriculum Making Macmillian
Publishing Company, New York. 1981.
Taba, Hilda. Curriculum Development: Theory and Practice. Harcourt Brace Jovanovich, New York. 1962.
Tyler, Ralph. Basic Principles of Curriculum and Introduction. University of Chicago Press, Chicago. 1960.
Tesis
Aragones, Cynthia A. Asyanong Pagpapahalaga sa Bagong Kurikulum. Pamantasan ng Nueva Caceres, Naga. 2004.
Carpio, Perla S. Katanggapan ng 2001 Revisyon sa Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng Piling Mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas: Isang Pagsusuri. PUP, Manila. 2004. Gesta, Anita A. saloobin ng mga Mag-aaral sa Antas Tersarya sa Lungsod ng
Surigao Tungkol sa Filipino bilang Isang Kurso sa Kurikulum. Pamantasan ng Xavier, Surigao. 1996.
Lazaro, Ma. Lourdes Y., et al. kurikulum ng AB Filpinolohiya sa PUP sa Pananaw ng mga MAg-aaral ng AB Filipinolohiya taong aralan 2004-2005. PUP, Maynila. 2004.
Lorica, Melanie M. Kahandaan at Kaalaman sa Pagtuturo ng Filipino ayon sa BInagong Kurikulum ng DepEd ng mga Mag-aaral sa Teachers Education Institutions. Pamantasan ng Bikol, Legazpi. 2004.
Websayt http://en.wikipedia.org/wiki/curriculum http://www.ched.gov.ph/policies/1996.pdf http://www.infed.org/biblio/b-curric.html http://www.pnu.edu.ph http://www.pup.edu.ph http://www.topuniversities.com http://www.upd.edu.ph ci
http://www.wisdomquotes.com/cat_writingwriters.html Mga Artikulo
Abeleda, Kakoi. Ang Wikang Filipino sa Kasalukuyan: Tungkulin at Suliranin. Apigo, Ma. Victoria R. Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Bilang
Aktibong Tagapagsulong ng Wikang Filipino tungo sa Pagiging Isang Pamantasang Umuugit sa Pagkapilipino. PUP. 2003.
Medina, Roy. Wikang Filipino: Mabisang Panturo. abs-cbnnews.com. 2003. Ocampo, Nilo S. Onli in da Pilipins: Ang Reispeling Mula Ingles sa Paglilinang
sa Filipino. Unibersidad ng Pilipinas. 1998.
Turgo. Nelson. Kung Bakit Nagmura Ako ng Putang Ina sa Buwan ng Wika/ Ang Diskurso ng Kapangyarihan/ Pulitika ng Tunggalian sa Filipino Bilang Wikang Pambansa. 2004.