• Tidak ada hasil yang ditemukan

A. MALIKHAING PAGSULAT

Dalam dokumen Thesis Mainpart 1 (Halaman 65-92)

Ang B.A. Malikhaing Pagsulat ay pang-apat na taong programang magsisilbing daluyan ng pormal na kasanayang akademiko para sa mga manunulat sa wikang pambansa. Nangagailangan ito ng 90 na yunit sa mga pangunahing asignatura at 45 na yunit na kurso sa pangkalahatang edukasyon.

Layon nito na mabigyan ang mga estudyante ng:

1. Masinsinang kasanayan sa mga batayang prinsipyo at pamamaraan sa

malikhaing pagsulat sa iba’t ibang anyo,

2. Kaalaman sa mga tradisyon pampanitikan ng Pilipinas at

3. Pag-unawa sa mga katangian ng Filipino bilang Kasangkapan para sa malikhaing pamamahayag.

Ang programang ito ay may 42 yunit na kurso na nakatuon sa malikhaing pagsulat gamit ang wikang Filipino tulad ng: Mga Palihan Gamit ang Filipino sa mga Malikhaing Akda, Pagbsa at Pagsulat sa mga Wika ng Pilipinas, Istilo sa Paggamit ng Wikang Pambansa, Pagsulat ng Tula sa Filpino, Panulaang Filipino ng Pilipinas, Pagsasalin sa Filipino, Pagsulat ng Prosa sa Filipino, Pamamahayag sa Filipino, Kasanayan sa Wika at Kamalayang Filipino at Kasanayan sa Pagsulat sa Wikang Filipino.

Ang Pagtugon ng B.A. Malikhaing Pagsulat sa Pangangailangan sa Kasalukuyang Panahon

Masasabing ang programang ito ay tumutugon sa pangangailangan sa kasalukuyang panahon sapagkat ito’y naghahain ng kasanayang akademiko para sa mga nais pumasok sa larangan ng pagsusulat. Batay sa layunin ng

programa, sa pamamagitan ng mga asisnatura ay masasanay ang mga mag-aaral sa mga batayang prinsipyo at istilo sa pagsulat. Gayundin, matutukoy ang katangian ng wikang pambansa na magiging mabisa para sa malikhaing pamamahayag.

Ang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa Kasalukuyang Panahon ng mga Asignatura o Kursong Nakapaloob sa Kurikulum ng B.A. Malikhaing Pagsulat

Ang mga kursong nakatuon sa wikang Filipino na nakapaloob sa kurikulum ng B.A. Malikhaing Pagsulat ay masasabing tumutugon sa pangangailangan sa kasalukuyang panahon. Halimbawa ang mga asignaturang: Pagsulat ng Tula, Pagsulat ng Prosa, Pagsulat ng Drama at Pagsulat ng Iskrip sa Telebisyon, Radyo at Pelikula, sinasanay sa pamamagitan ng mga asignaturang ito ang mga mag-aaral na Pilipino sa paggamit ng mga pundamental na konsepto, elemento at pamamaraang Pilipino sa pagsulat ng mga akdang patuloy na magpapatingkad na mga babasahin at panoorin nasa wikang Filipino.

B.A. FILIPINO

Ang B.A. Filipino ay pang-apat na taong programang mangangailangan ng 96 yunit ng mga pangunahing asignatura at 45 yunit na kursong pangkalahatang edukasyon.

Layon ng programang ito na mabigyan ang mga estudyante ng:

1. Kaalaman sa kasaysayan ng pag-unlad ng pambanssang wikang Filipino at panitikan ng Pilipinas sa konteksto ng kalagayan at Lipunang Pilipino;

2. Pag-unawa sa kalikasan at gamit ng wika sa Lipunang Pilipino at sa mga teorya at kritikal na lapt sa pag-aaral ng panitikan; at

3. Kasanayan sa kritikal na pagsusuri ng wika at panitikan ng Pilipinas.

Ang B.A. Filipino ay may pitong (7) kurso o asignatura na may katumbas na 21 yunit na nakayuon o malaking kinalaman sa wikang Filipino, ito ay ang; Pagbasa at Pagsulat sa mga Wika ng Pilipinas, Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas, Mga Natatanging Diskurso sa Wika at Lipunan, Istruktura ng Filipino, Mga Barayti at Baryasyon ng Filipino, Gramar ng mga Wika ng Pilipinas, Leksokograpong Filipino, Mga Tunguhin at Tradisyon sa Analisis ng Gramar na Filipino, Natatanging Suliranin sa Wika at Sikolohiya ng Wikang Filipino.

Ang Pagtugon ng Layunin ng B.A. Filipino sa Pangangailangan sa Kasalukuyang Panahon

Masasabing ang B.A.Filipino ay tumutugon sa pangangailangan sa kasulukuyang panahon sapagkat nilalayon nito ang pagbibigay kaalaman sa kasaysayan ng pag-uunlad ng pambansang wikang Filipino na mahalagang mabatid ng lipunang Pilipino sa kasalukuyan upang matuto silang pagyamanin ang sariling wika. Gayundin, sa pamamagitan ng programa ay mauunawaan ng mga Pilipinong mag-aaral ang kalikasan at gamit ng wikang Filipino sa lipunang Pilipino at mapahuhusay ang kanilang kahusayan sa pagamit ng sariling wika sa iba’t ibang larangan.

Ang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa Kasalukuyang Panahon ng mga Asignatura o Kursong Nakapaloob sa Kurikulum ng B.A. Filipino

Ang mga kursong nakatuon sa wikang Filipino na nakapaloob sa kurikulum ng B.A. Filipino ay masasabing tumutugon sa pangangailangan sa kasalukuyang panahon. Halimbawa ang asignaturang, Mga Natatanging Diskurso sa Wika at Lipunan, sinusuri nito ang ilang piling diskursong pangwika sa lipunan sa konteksto ng lipunang Pilipino. Tinutukoy rin ang mga teorya, konsepto at isyung pangwika, at ang kahalagahan at kaugnayan ng mga ito sa akademiko at di-akademikong gawain at karanasan ng mga mag-aaral na Pilipino. Sa asignaturang, Mga Barayti at Baryasyon ng Filipino, isinasagawa naman ang komparatibong sarbey ng iba’t ibang rehiyonal at sosyal na dayalekto ng Filipino. Mayroon ding isinasagawang sarbey sa mga akdang panggramar ng mga wika sa Pilipinas sa ilalim ng asignaturang, Gramar ng mga Wika ng Pilipinas. Tinutukoy naman ang mga perspektibo at mga tunguhin sa pag-aanalisa ng istrukturang panglinggwistika ng wikang pambansa sa kursong, Mga Tunguhin at Tradisyon sa Analisis ng Gramar na Filipino. Sinusuri naman ang mga kasalukuyang natatanging suliranin sa wika gaya ng suliranin sa lingua franca ng wikang pambansa, wikang panturo, at wikang opisyal sa kursong, Natatanging Suliranin sa Wika. At patuloy na tinatalakay ang mga simulain at pamamaraan sa pag-aaral sa wika sa asignaturang, Sikolohiya ng Wikang Filipino.

B.A. Araling Pilipino (Philippine Studies)

Natatangi ang B.A. Araling Pilipino sa pagsasanay ng estudyante sa interdisiplinari na pag-aaral ng kultura at lipunang Pilipino. Pang-apat na taong programa ito na nangangailangan ng 93 na yunit sa mga kursong pangmajor at 45 na yunit sa kursong pangkalahatang edukasyon.

Nakaangkla ang programa sa mga susing kursong interdisiplinari at mga sandigang kurso sa wika, panitikan at kasaysayan sapagkat itinuturing ang mga ito ng tagapayo, makakapagdisenyo ang estudyante ng sariling programang naaayon sa kanyang interes. Bukod sa mga susing kurso, pipili ang estudyante ng alinmang dalawang disiplina mula sa Artes at Literatura, Agham Panlipunan, Community Development, Economics, Fine Arts, Islamic Studies, Mass Communication, Music at iba pa para bumuo ng 39 yunit ng mga kursong pangmajor.

Panghuling kailanganin ang pagsulat ng isang tesis na gumagamit ng interdisiplinaring lapit sa isang natatanging problema, aspeto, at isyu sa lipunan at kulturang Pilipino.

May 15 yunit na kurso ang B.A. Araling Pilipino na nakasentro sa pag-aaral nbg wikang Filipino. Ito ay ang: Mga Natatanging Diskurso sa Wika at Lipunan, Pagbasa at Pagsulat sa mga Wika ng Pilipinas, Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Kasanayan sa Wika at Kamalayang Filipino at Kasanayan sa Pagsulat sa Wikang Filipino.

Ang Pagtugon ng B.A. Araling Pilipino sa Pangangailangan sa Kasalukuyang Panahon

Hindi maikakaila mula sa datos na nakalap ng mga mananaliksik , tumutugon ang programang B.A. Araling Pilipino sa pangangailangan sa kasalukuyang panahon sapagkat inihahain nito ang mga kursong pangwika, pmapanitikan at pangkasaysayan na sinasabing magiging tulay upang matanto ang kalinangang Pilipino at ang yamang pangkaisipan bilang lahing Pilipino. Ipinapatalos ng programang ito na bilang Pilipino sa kasalukuyang panahon ay kailangan nating magmalasakit at tumangkilik sa sariling wika, tradisyon, kultura at panitikan natin.

Ang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa Kaslukuyang Panahon ng mga Asignatura o Kursong Nakapaloob sa Kurikulum ng B.A. Araling Pilipino

Ang mga kursong nakatuon sa wikang Filipino na nakapaloob sa kurikulum ng B.A. Araling Pilipino ay masasabing tumutugon sa pangangailangan sa kasalukuyang panahon. Halimbawa ang asignaturang, Mga Natatanging Diskurso sa Wika at Lipunan, sinusuri nito ang ilang piling diskursong pangwika sa lipunan sa konteksto ng lipunang Pilipino. Tinutukoy rin ang mga teorya, konsepto at isyung pangwika, at ang kahalagahan at kaugnayan ng mga ito sa akademiko at di-akademikong gawain at karanasan ng mga mag-aaral na Pilipino. Sa asignaturang Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa, tinutukoy ang mga naging kasaysayan ng wikang Filipino at kung paano ito umuunalad na mahalagang malaman ng mga mag-aaral ngayon. At patuloy namang sinasanay ang mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino at paghubog ng kamalayang Pilipino sa mga asignaturang, Kasanayan sa Wika at Kamalayang Filipino at Kasanayan sa Pagsulat sa

Wikang Filipino na importante na magawa ng mga mag-aaral ngayon bilang isang Pilipino.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS (PUP) – Sta. Mesa

AB FILIPINOLOHIYA

May isang programang pangkolehiyo sa PUP na may kinalaman sa wikang Filipino na nasa ilalim ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika, Kagawaran ng Filipinolohiya, ito ay ang AB Filipinolohiya.

Apat na taong programang pang-akademiko ang Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya (ABF). Sinasaklaw ng kurso ang wika, komunikasyon, panitikan at kultura o pambansang kabihasnan sa pangkalahatan. Pibnapanday nito ang mga potensyal at talino ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga karunungang makakamit sa Filipinolohiya. Nakatuon sa pagiging malikhain (creativity) at sikahayan (scholarly works) ang lalim at lawak ng pagpapakadalubhasa sa Filipinolohiya na napakahalaga sa propesyon.

Ang mga mag-aaral sa kursong AB Filipinolohiya ay kailangang makatapos ng 155 yunit; 57 yunit para sa dalubhasa (bukod sa 9 ng yunit na kahingian); 60ng yunit para sa pangkalahatang edukasyon (general education), 12ng yunit ng sariling pili para sa dalubhasa (elective), at 14 na yunit para sa NSTP At P.E. Inaasahang ang mga mag-aaral ay:

• Maging dalubhasa sa pagtatamo ng mga kagalingan/kasanayan

sa larangan ng komunikasyon, wika at literatura.

• Matututong magsalin sa wikang Filipino ng mga kagamitan sa

pag-aaral at pagtuturo mula sa ibang bansa.

• Mapaghuhusay ang komunikasyong pasulat at pasalita para sa pangangailangan ng mga paaralang bayan, pamantasan, industriya, at institusyon.

• Makatulong sa pagpapalaganap ng makabuluhang karunungan

para sa kapakinabangan ng sambayananang Pilipino; at

• Mahahasa sa gawaing pananaliksik upang makapagbahagi ng kaalaman at karunungan.

Sa pagsusuri ng mga mananaliksik ay napag-alaman na ang programang ito ay may 75 yunit na kurso na nakatuon sa wikang Filipino. Ito ay ang: Kayarian ng Wikang Filipino, Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Filipino, Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Filipinolohiya sa Larangan ng Pagtuturo, Filipinolohiya sa Larangan ng Komunikasyong Pangmadla, Pamamahayag sa Filipinolohiya, Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina, Retorika, Gramatikang Filipino, Pagsasaling Wika sa Filipino, Tula at Panulaang Filipino, Maikling Kwento at Nobelang Filipino, Dula at Dulaang Pilipino, Malikhaing Pagsulat sa Filipino, Mga Isyung Pangwika, Mga Dulog sa Pagtuturo ng Filipino sa Kolehiyo, Antropolohiyang Filipino, Pagpaplanong Pangwika, Pilosopiya ng Wika, Pulitika ng Wika, Sikolohiya ng Wika, Wika at Lipunan, at Pagsulat ng Ulat at Korespondensya Opisyal.

Ang Pagtugon ng AB Filipinolohiya sa Pangangailangan sa Kasalukuyang Panahon

Masasabing ang programang ito ay tumutugon sa pangangailangan sa kasalukuyang panahon sapagkat inaasahan sa kursong Batsilyer ng Sining sa Filipinolohiya (ABF) ay magkakamit ang karunungan sa wikang Filipino. Ito’y

tulay sa pagpapataas sa pagkilala ng mga mag-aaral sa kanilang pagiging Pilipino sa pamamagitan ng pakikisangkot sa pagtatatag ng isang lipunang makabansa, malaya, maunlad, makatao at maka-Diyos sa panahon ng sibilisasyong cyberspace.

Ang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa Kasalukuyang Panahon ng mga Asignatura o Kursong Nakapaloob sa Kurikulum ng AB Filipinolohiya

Ang mga kursong nakatuon sa wikang Filipino na nakapaloob sa kurikulum ng AB Filipinolohiya ay masasabing tumutugon sa pangangailangan sa kasalukuyang panahon sapagkat ito’y magiging daan upang mapahusay ang kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral at magiging kaagapay upang magkaroon sila ng mapanuri at malikhaing pag-iisip. Matutulungan din ang mga mag-aaral na maiangkla ng mabisa ang kanilang kakayahan sa pagtuturo ng wika, paggamit ng wika at pagpapayaman nito para sa kapakanan ng bansang Pilipinas at upang makaagapay sa kompetisyong global sa kasalukyan.

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS (PNU) – Taft

BSE major sa Filipino

May isang programang pangkolehiyo sa PNU na may kinalaman sa wikang Filipino na nasa ilalim ng Kolehiyo ng mga Wika, Linggwistika at Literatura, Departamento ng Filipino, ito ay ang BSE major sa Filipino.

Apat na taong programang pang-akademiko ang BSE major sa Filipino na may mga layunin na:

• Mapaunlad ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga batayang simulaing panlinggwistika ng wikang Filipino at sa mga teorya at pamamaraan ng paggamit nito bilang midyum ng komunikasyon at pagtuturo.

• Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa mabisang paggamit ng

Filipino sa iba’t ibang larangang akademiko at sa pagdukal ng mga karunungan at paksaing nangangailangan ng mataas na antas ng pag- iisip at pagpapahalaga.

• Mapasigla ang kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral sa paglahok

at pagsasagawa ng iba’t ibang gawaing pangwika at pampanitikan na nangangailangan ng pagkamasining at pagkamalikhain.

Ang Pagtugon ng BSE major sa Filipino sa Pangangailangan sa Kasalukuyang Panahon

Batay sa pagsusuri ng mga mananaliksik masasabing ang programang ito ay tumutugon sa pangangailangan ng kasalukuyang panahon sapagkat ayon sa mga layunin nito mapapaunlad ng mga mag-aaral ang mga batayang simulain ng wikang Filipino at ang paggamit nito bilang midyum ng komunikasyon at pagtuturo. Gayundin, malilinang ang kasanayan ng mag-aaral sa mabisang paggamit ng Filipino sa pagdukal ng mga bagong karunungan na kakailanganin sa susunod na panahon. At mapapataas ang kakayahan at kawilihan ng mga Pilipinong mag-aaral sa mga gawaing may kinalaman sa wikang Filipino nma nangangailangan ng mataas na pag-iisip at pagpapahalaga.

Ang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa Kasalukuyang Panahon ng mga Asignatura o Kursong Nakapaloob sa Kurikulum ng BSE major sa Filipino

Sa pagtungo sa PNU, sinubukang humingi ng mga mananaliksik ng kopya ng kurikulum ng programang pangkolehiyo na BSE major sa Filipino subalit tumanggi silang magbigay ng kopya nito. Ngunit nagkaroon ng pagkakataon na kapanayamin ang tagapangulo ng departamento na nakakasakop sa programang BSE major sa Filipino na si Prof. Patrocinio V. Villafuerte. Sinabi niya na ang mga asignatura na nakapaloob sa kurikulum ng nasabing programa ay kulang sa panitikan ngunit mayaman sa mga asignaturang pangwika. Idinagdag din niya na walang kahandaan ang pagkakabalangkas ng kurikulum at may mga asignatura ring itinuturo sa di gradwadong mga programa na itinuturo rin sa gradwadong programa o masteral na ang halimbawa ay ang mga asignaturang: Pagtataya sa Pagbasa at Pagsulat at Panimula sa Pagsasaling Wika.

Ang Pagtugon ng Kurikulum ng Programang Pangkolehiyo na B.A. Filipino, B.A. Araling Filipino at B.A. Malikhaing Pagsulat (UP); AB Filipinolohiya (PUP); BSE major sa Filipino (PNU) sa Kursong

Pangkalahatang Edukasyon na Inihain ng CHED

Batay sa mga nasuring datos tungkol sa kurikulum ng tatlong piling pang-estadong unibersidad ay nalaman na ang mga programang pangkolehiyo ng UP na B.A. Filipino, B.A. Araling Filipino at B.A. Malikhaing Pagsulat ay naghahain ng 45 yunit na kursong pangkalahatang edukasyon ang bawat programa. Base naman sa datos mula sa PUP, naghahain ang programang pangkolehiyong AB Filipinolohiya ng 60 yunit na kursong

pangkalahatang edukasyon. Samantalang, sa PNU, ayon sa impormal na pagtatanong sa tagapangulo ng Departamento ng Filipino na si Prof. Patrocinio V. Villafuerte, sinusunod nila ang 63 yunit na kursong pangkalahatang edukasyon ng CHED.

Samakatuwid, nangangahulugan na ang UP ay may kulang na 15 yunit para sa kursong pangkalahatang edukasyon na inihain ng CHED. Gayundin naman ang PUP na may kulang na 3 yunit, samantalang sumunod naman ang PNU sa panukala mg CHED para sa bilang ng yunit ng mga kursong pangkalahatang edukasyon.

Saloobin ng mga Mag-aaral sa mga Preperensyang Pangwika Kaugnay sa Pagpapanatili at Pagpapaunlad ng Wikang Filipino na

Maaaring Ihain ng mga Programang Pangkolehiyo na may Kinalaman sa Wikang Filipino

Sa isinagawang pananaliksik ni Anita A. Gesta na may pamagat na, “Saloobin ng mga Mag-aaral sa Antas Tersarya sa Lungsod ng Surigao Tungkol sa Filipino bilang Isang Kurso sa Kurikulum” sa Pamantasan ng Xavier, lalawigan ng Surigao noong 1996, naghain siya ng mga preperensyang pangwika para sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino. Dahil sa naging matagumpay ang paghahain niyang iyon ay minarapat ng mga mananaliksik na iangkop ang mga preperensyang pangwika na magagamit ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino. At ang mga sumusunod na talahanayan ang naging resulta ng pag-agapay ng mga mananaliksik sa mga haing preperensyang pangwika na hiningian ng

tugon sa tatlong piling pang-estadong unibersidad sa kalakhang Maynila (UP, PUP at PNU).

Opsyon

Mga Sangkot na Piling Unibersidad

UP PUP PNU Distribusyon ng Tugon Kabuuan sa Pangkalahatan f % F % F % f % lubos na sumasang-ayon 15 60 11 44 20 80 46 61.33 sumasang-ayon 7 28 11 44 3 12 21 28 hindi sigurado 3 12 3 12 2 8 8 10.67 hindi sumasang-ayon 0 0 0 0 0 0 0 0 lubos na hindi sumasang-ayon 0 0 0 0 0 0 0 0 kabuuan sa bawat unibersidad 25 100 25 100 25 100 75 100

Talahanayan 8 – Paggamit ng Wikang Filipino sa mga Ulat at Korespondensya Opisyal _____________________

Tala:

UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino) PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)

PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino)

f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon % - bahagdan

Sa Talahanayan 8, sa paggamit ng wikang Filipino sa mga liham at korespondensya opisyal, ang bilang ng mga mag-aaral na lubos na sumasang-ayon sa UP - 15 (60%), PUP - 11 (44%), PNU - 20 (80%). Ang mga sumasang-ayon naman sa UP – 7 (28%), PUP – 11 (44%), PNU – 3 (12%). Ang mga sumagot ng hindi sigurado sa UP – 3 (12%), PUP –3 (12%), PNU – 2 (8%). Walang sumagot ng hindi sumasang-ayon at lubos na hindi sumasang-ayon. Sa pangkalahatang kabuuan, lubos na sumasang-ayon – 46 (61.33%), sumasang-ayon – 21 (28%), hindi sigurado – 8 (10.67%).

Samakatuwid, ang paggamit ng wikang Filipino sa ulat at korespondensya opisyal ay isa sa mabisang paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

Opsyon

Mga Sangkot na Piling Unibersidad

UP PUP PNU Distribusyon ng Tugon Kabuuan sa Pangkalahatan f % F % f % f % lubos na sumasang-ayon 15 60 15 60 20 80 50 66.67 sumasang-ayon 8 32 7 28 4 16 19 25.33 hindi sigurado 2 8 3 12 1 4 6 8 hindi sumasang-ayon 0 0 0 0 0 0 0 0 lubos na hindi sumasang-ayon 0 0 0 0 0 0 0 0 lxxviii

kabuuan sa bawat

unibersidad 25 100 25 100 25 100 75 100

Talahanayan 9 - Pagtangkilik at Panonood ng mga Palatuntunang Filipino _____________________

Tala:

UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino) PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)

PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino) f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon

% - bahagdan

Sa Talahanayan 9, sa pagtangkilik at panonood ng mga palatuntunang Filipino, ang bilang ng mga mag-aaral na lubos na sumasang-ayon sa UP - 15 (60%), PUP - 15 (60%), PNU - 20 (80%). Ang mga sumasang-ayon naman sa UP – 8 (32%), PUP – 7 (28%), PNU – 4 (16%). Ang mga sumagot ng hindi sigurado sa UP – 2 (8%), PUP –3 (12%), PNU – 1 (4%). Walang sumagot ng hindi sumasang-ayon at lubos na hindi sumasang-ayon. Sa pangkalahatang kabuuan, lubos na sumasang-ayon – 50 (66.67%), sumasang-ayon – 19 (25.33%), hindi sigurado – 6 (8%).

Samakatuwid, ang pagtangkilik at panonood ng mga palatuntunang Filipino ay isa sa epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

Opsyon

Mga Sangkot na Piling Unibersidad

UP PUP PNU Distribusyon ng Tugon Kabuuan sa Pangkalahatan f % F % f % f % lubos na sumasang-ayon 15 68 19 76 21 84 57 76 sumasang-ayon 8 32 6 24 4 16 18 24 lxxix

Hindi sigurado 0 0 0 0 0 0 0 0 hindi sumasang-ayon 0 0 0 0 0 0 0 0 lubos na hindi sumasang-ayon 0 0 0 0 0 0 0 0 kabuuan sa bawat unibersidad 25 100 25 100 25 100 75 100

Talahanayan 10- Pagbabasa ng Iba’t Ibang Babasahin na Nakasulat sa Wikang Filipino _____________________

Tala:

UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino) PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)

PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino) f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon

% - bahagdan

Sa Talahanayan 10, sa pagbabasa ng iba’t ibang babasahin na nakasulat sa wikang Filipino, ang bilang ng mga mag-aaral na lubos na sumasang-ayon sa UP - 15 (68%), PUP - 19 (76%), PNU - 21 (84%). Ang mga sumasang-ayon naman sa UP – 8 (32%), PUP – 6 (24%), PNU – 4 (16%). Walang sumagot ng hindi sigurado, hindi sumasang-ayon at lubos na hindi sumasang-ayon. Sa pangkalahatang kabuuan, lubos na sumasang-ayon – 57 (76%), sumasang-ayon – 18 (24%).

Samakatuwid, ang pagbabasa ng iba’t ibang babasahin na nakasulat sa wikang Filipino ay isa sa mabisang paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

Opsyon

Mga Sangkot na Piling Unibersidad

UP PUP PNU Distribusyon ng Tugon Kabuuan sa Pangkalahatan F % F % f % f % lubos na sumasang-ayon 20 80 18 72 19 76 57 76 sumasang-ayon 5 20 7 28 4 16 16 21.33 hindi sigurado 0 0 0 0 2 8 2 2.67 hindi sumasang-ayon 0 0 0 0 0 0 0 0 lubos na hindi sumasang-ayon 0 0 0 0 0 0 0 0 kabuuan sa bawat unibersidad 25 100 25 100 25 100 75 100

Talahanayan 11 - Paggamit ng Filipino sa Pagsulat ng mga Sulating Pampanitikan,

Dalam dokumen Thesis Mainpart 1 (Halaman 65-92)

Dokumen terkait