• Tidak ada hasil yang ditemukan

ANG BATIK NG BUWAN

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "ANG BATIK NG BUWAN"

Copied!
6
0
0

Teks penuh

(1)

ANG BATIK NG BUWAN

Maikling Kuwentong – Bayan Ng Bisaya

Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na bituin.

Gustung-gusto ng araw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na ibig niyang

yakapin ang mga ito ngunit pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw ang

mga bituin sa labis na init ng araw. Kinagagalitan ng araw ang mga anak kapag

lumalapit sa kanya.

Isang araw, nagtungo sa ilog ang buwan upang maglaba ng maruruming

damit. Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang mga anak ngunit huwag niyang

lalapitan ang mga ito. Binantayan nga ng araw ang mga anak. Buong kasiyahan

niyang pinanood ang mga ito habang naghahabulan. Nakadama siya ng pananabik

at hindi siya nakatiis na hindi yakapin ang mga anak. Bigla niyang niyakap ang

lipon ng maliliit na bituin nang madikit sa kanya ay biglang natunaw.

Hindi naman nagtagal at umuwi n ang buwan. Nagtaka siya sapagkat

malungkot ang asawa. Naisipan niyang bilangin ang mga anak ngunit hindi nya

nakita ang maliliit kaya't hinanap niya ang mga ito kung saan-saan. Hindi niya

matagpuan ang mga anak. Sa gayo'y sinumabatan niya ang asawa. "Niyakap mo

sila? Huwag kang magsisinungaling!”

Hindi na naghintay ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang isang

punong saging at tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na ang kanyang

kasalanan. Ang tanging nasa isp niya ay kung paano niya maipagtatanggol ang

sarili sa asawang galit na galit. Dumampot siya ng isang dakot na buhangin at

inihagis sa nukha ng buwan at dahilan sa nangyari ay nagkaroon ng batik ang

mukha ng buwan. Hinabol ng buwan ang araw upang makaganti sa ginawa nito sa

kanya at hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ng buwan ang araw.

(2)

Kuwentong - Bayan Ng Ilocos

Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay.

Mapagpala ang kalikasan sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nilay ay ang

pangingisda. Sagana sa maraming isda ang karagata. May isang diwatang

nagbabantay at nag-aalaga sa mga isda at ito'y nalalaman ng mga taganayon.

Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang makahuli ng maraming-maraming isda

upang magkamal ng maraming salapi. Gumamit sila ng dinamita kaya't labis na

napinsala ang mga isda, pati ang maliliit ay namatay.

Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang

mahuli kahit na isda ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging

pangit na rin ang karagatan na dati'y sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon

at napagpasyahan nilang humingi ng tawad sa diwatang nangangalaga sa

karagatan. Nakiusap din silang ibalik na ang dating ganda ng karagatan at

gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na gagamit ng anumang makasisira

sa kalikasan.

Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng

karagatan at muling dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng

mga tao.

NAGING SULTAN SI PILANDOK kuwentong bayan ng Maranaw

Ang kinagigiliwang Juan ng katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw - si Pilandok.

(3)

Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa. Pagklipas ng ilang araw, ang sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harap na nakasuot ng magarang kasuotan ng sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap na ginituang tabak. "Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok. "Siya pong tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok. "Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng sultan. "Hindi po ako namatay, mahal na sultan sapgkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?" ang paliwanag ni Pilandok. "Marahil ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang sultan. "Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim

ng dagat."

"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak." Umakmang aalis na si Pilandok. "Hintay," sansala ng sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga ninuno, ang sultan ng mga sultan at ang iba ko pang kamag-anak." Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihangwalang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon ang ultan sa loob ng isang hawla. "Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat," ang sabi ng sultan. "Sino po angmamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni Pilandok. "Kapag nalaman po ng iba ang tingkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang magtungo rin doon." Sandaling nag-isip ang sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang pansamantalang sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang hahalili sa akin." "Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat mlaman ng inyong mga ministro." "Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng sultan. "Ililihim po natin ang bagay na ito. Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila ako," ang tugon ni Pilandok. Pumayag naman ang sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging sultan.

(4)

Sina Adlaw at Bulan

Noong unang panahon ay may mag-asawang may mabuting pagpapasunuran at pagmamahalan. Sila'y sina Adlaw at Bulan. Nagkaanak sila ng maraming bituin. Napansin ni Adlaw na lubha ng masikip sa kanilang bahay sapagkat patuloy na nag-aanak si Bulan. Kinausap ni Adlaw si Bulan at sinabi sa asawa na pagpapatayin nila ang iba nilang mga anak upang lumuwag ang kanilang tirahan.Tinutulan ni BUlan ang mungkahi ni Adlaw at ito ang naging dahilan ng mainit nilang pagkakagalit. Wala nang katahimikan sa kanilang bahay sapagkat halos araw-araw ay nag-aaway sila. Hindi na nakatiis si Bulan at ipinasya niyang makipaghiwalay sa asawa na lalo namang ikinagalit ni Adlaw. Hindi nagtagal ay pumayag na rin si Adlaw na

makipaghiwalay sa kasunduang isasamang lahat ni Bulan ang mga anak na bituin at hindi na pakikita sa kanya ang mag-iina.

Kaya mula noon, makikitang nag-iisang sumusikat si Adlaw (Araw) sa araw at sa gabi naman ay lumilitaw si Bulan (Buwan) kasama ang mga anak na bituin. Kapag ang dating mag-asawa'y nagkakatagpo ay lalong tumitindi ang poot ni Adlaw kay Bulan kaya hinahabol niya ito na nagiging dahilan ng eclipse.

‘Ti Biag Ni Lam-Ang’ : Ang Buhay Ni Lam-Ang

SIYAM na buwan bago siya isinilang sa isang

maharlikang pamilya, namundok ang kanyang ama upang sugpuin ang isang

masamang pangkat ng mga Igorot. Sa kasamaang-palad, napatay ang ama, pinugot ang kanyang ulo at isinabit sa gitna ng nayon ng mga Igorot bilang gantimpala at parangal sa kanilang pangkat. Sa kabilang dako, nagulat ang ina pagkatapos nang biglang lumaki ang sanggol at agad-agad nagsalita. Isinumpa ni Lam-Ang - sapagkat ito nga ang naging pangalan niya - na mamumundok din siya upang matuklas kung ano ang nangyari sa kanyang ama. Kasama ang kaiba at mabuting pangkat ng mga Igorot, inakyat ni Lam-Ang ang bundok at natagpuan ang bangkay ng ama niya. Bilang ganti, pinatay niya ang bawat isa sa mga masamang Igorot, gamit ang tangi niyang sandata - isang sibat.

Pagod na pagod siya pagbalik sa bahay. Minabuti niyang maligo muna at sumisid sa ilog Amburayan. Kaginsa-ginsa, umapaw ang ilog sa kapal ng putik at dugo na nahugas mula sa kanyang katawan. Lahat ng isda sa ilog ay namatay. Pati ang mga palaka at iba pang hayop na umahon mula sa tubig ay namatay lahat sa pampang. Kinabukasan, ipinahayag ni Lam-Ang sa ina na mag-aasawa na siya. Ginamit niya ang kapangyarihan niya sa hiwaga at nabatid niya na ang magiging asawa niya ay si Ines, isang babaeng taga-Kandon, isang munting nayon sa hilaga. Patungo na

(5)

siya duon nang nadaanan niya ang isang batong dambuhala (stone giant ) na

sumisira sa palay at tabako sa mga bukid. Gamit ang kalasag na pilak na minana sa ama, nilabanan niya at pinatay ang dambuhala. Tapos, pinugutan niya ng ulo. Sa Kandon, dinatnan niyang nakapaligid sa bahay ni Ines ang libu-libong lalaki na lumiligaw sa dalaga. Siksikan silang lahat at, upang makalapit sa bahay, napilitan si Lam-Ang na lumakad sa mga ulo ng mga lumiligaw hanggang umabot siya sa isang bintana, kung saan siya pumasok sa bahay. Humanga nang matindi si Ines sa lakas at tibay ng loob ni Lam-Ang kaya pumayag siya agad na maging asawa nito. Subalit alinlangan pa ang mga magulang ng dalaga. Kailangan daw mag-alay ng bigay-kaya (dowry) ang mga magulang ni Lam-Ang bago makuha si Ines.

Pumayag si Lam-Ang at ipinangakong babalik siya pagkaraan ng isang linggo, kasama ng kanyang ina at ng mga handog at iba pang yaman. Humangos siya pabalik sa ina, at naghanda ng isang bangka na balot ng ginto. Pinuno niya ito ng iba pang ginto, mga alahas, mga estatua at iba pang mamahaling bagay. Pagbalik niya sa Kandon kasama ng kanyang ina, nagimbal ang mga magulang ni Ines sa dami ng kayamanang dala niya. Noong araw ding iyon, ikinasal sina Lam-Ang at Ines. Pagkaraan ng 3 taon, nagka-anak ng lalaki ang bagong mag-asawa.

Isang araw, binangungot si Lam-Ang: Alang-alang sa kanyang anak, at sa kanyang mga ninuno, kailangan niyang pagdaanan ang makalumang gawi ng pahirap. Ayon sa masamang panaginip, dapat siyang sumisid hanggang sa sahig ng dagat upang hanapin ang gintong kabibe. Batid ni Lam-Ang na ikamamatay niya ang gagawin, kaya nagdasal siya at nanawagan sa mga diyos. Sinagot naman siya at binigyan ng pag-asa. Isiniwalat ni Lam-Ang ang lahat kay Ines: Ang hirap na susuungin niya, ang mga pahiwatig ng kanyang pagkamatay, pati na ang habilin ng pag-asa na sagot sa kanya ng mga diyos.

Pagsapit ng takdang araw, dumumog ang lahat ng tao sa nayon, pati na sa mga kalapit sa paligid, upang saksihan ang pagsisid ni Lam-Ang sa gintong kabibi sa ilalim ng dagat. Subalit bahagya pa lamang nakalubog si Lam-Ang nang biglang umahon si Berkakan, ang dambuhalang halimaw na pating, at sinakmal ang bayani. Sa bahay, nakita ni Ines lahat ng pahiwatig na isiniwalat ni Lam-Ang. Bumagsak ang kalan, umuga ang hagdan, at nanginig ang kanilang anak na lalaki. Napahagulhol si Ines: Patay na si Lam-Ang.

Tatlong araw lumuha si Ines bago siya nagkalakas na lumabas at sundin ang mga habilin ng mga diyos. Inipon niya ang mga buto ni Lam-Ang na inanod ng dagat sa pampang, at inuwi sa bahay. Sunod sa isiniwalat ni Lam-Ang, binalot niya ang mga buto sa pulang sutla, tumalikod at nagdasal nang nagdasal. Habang ibinubulong ni Ines ang mga panalangin, naririnig niyang unti-unting nabubuo uli ang kalansay at katawan. Pagkaraan ng ilang sandali lamang, lumitaw si Lam-Ang na buhay na muli.

(6)

Dahil dito at iba pang giting na ginawa ni Lam-Ang, silang mag-asawa at ang kanilang anak ay pinatawan ng mga diyos ng walang katapusang buhay. At sila ay namuhay sa sagana ng mga bukid ng palay habang panahon.

Referensi

Dokumen terkait

Yun naman ang isang tema ng kwento, dahil naman sa mga salitang ginamit at paglalarawan sa dalawang pangunahing tauhan na sila Doray at Intoy.. Nag-iiwan din naman ang kwento

- Alam natin na ang Tondo ay isa sa mga lugar kung saan laganap ang maraming krimen at kilala natin ang tao roon ay mga basagulero, laging napapaaway at hirap sa buhay. Kaya't kapag

3.Mamamasdan po naman natin/ ang pagpasok ng mga batang magsisipagtapos mula sa/ pangkat Molave/ kasama din po nila ang kanilang mga magulang/ sa ilalim ng pamamatnubay ng

1B.Ang persepsyon ng mga mag-aaral hinggil sa metodong ginagamit ng kanilang guro sa pagsusuri ng maikling kwento at tula ay walang pagkakaiba kapag pinangkat ang mga

Si San Miguel ay nakatalagang taga pagbantay sa alas 9:00AM hanggang 9:59AM sa bawat araw, Siya rin ang tagapagbantay sa unang araw sa bawat linggo, ito ang araw ng linggo, kaya

Ayon sa kanila, tinuturuan nito ang mga mag-aaral na maging tamad sapagkat alam nilang naroon na ang sagot kung kaya’t hindi na sila mag-aaral at kokopyahin na lamang ang mga ito, dahil

3 Isabog nang pantay ang mga pinatubong binhi sa daming isang dakot kada tray.. 4 Pagpatung-patungin nang maayos ang mga tray ng punla sa malinis na lugar at sa mga lugar na malayo sa

Ipinapanukala naman ang babaylanismo bilang isang teoryang tutuon sa lakas ng kababaihan sa loob ng ekolohiya sa pamamagitan ng kaniyang pakikilahok sa mga ugnayan sa kapuwa, sa lipunan