• Tidak ada hasil yang ditemukan

Uuwi ang mga basketbolista kasabay ang mga batang umaastang nagsu-shoot, nangangarap ring makapaglalaro

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2023

Membagikan "Uuwi ang mga basketbolista kasabay ang mga batang umaastang nagsu-shoot, nangangarap ring makapaglalaro"

Copied!
1
0
0

Teks penuh

(1)

57 ANG BASKETBOL SA BARRIO SILANG Adrian Pregonir

Ito ang batas ng barrio bago dumatal ang dapithapon:

magtitipon ang kalalakihan sa naanihang palayan kasama ang mga batang nagbitbit ng mahabang upuan, magmamasid na nakapalibot sa nakakuwadrong court na kinandili ng nag-iisang libangang basketbol ring.

Hindi buo ang araw ng barrio kung walang ritwal ng laro.

Naghihiyawan ang mga bata’t matanda kung magsu-shoot ng tres o kahit dalawang puntos ang basketbolista.

Naghahalo ang iyak ng mga sanggol sa hiyawan

upang manalo ang pusta sa dalawang magkaibang grupo.

Tatalon ang mga aleng may panyo sa ulo sabay sa jump shot, kinikilig na parang kabayo ang paa ng mga batang lalaki sabay sa dunk katulad ng kengkoy na islam dunk.

Kung iinit na ang labanan ng mga kabalyero ng pustahan, habang nag-iisip kung lulusot ang bola, tahimik

ang lahat ng mga nanonood sa pag-analisa sa galaw, takbo, at nanunulong pawis ng mga basketbolista.

Kung malapit na ito sa dila ng ring, kumukuom ang dalawang palad sa sabik marahil dalawa lamang ang laban:

talo ang bente pesos laban sa bente pesos.

Kung maninitsit na ang kuliglig, tapos na ang ritwal.

Mamamahid ng pawis, bitbitin pauwi ang upuan.

Uuwi ang mga basketbolista kasabay ang mga batang umaastang nagsu-shoot, nangangarap ring makapaglalaro.

Barrio Silang

Banga, South Cotabato

Referensi

Dokumen terkait

May tatlong klase ng mga guro ang dumadalo sa ganitong panayam na ubod ng optimismo ang pamagat: ang una ay mga gurong naghahanap ng saysay o katuturan sa pagtuturo ng Filipino bilang