• Tidak ada hasil yang ditemukan

Buod Ng Noli Me Tangere Kabanata 25-64

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Buod Ng Noli Me Tangere Kabanata 25-64"

Copied!
7
0
0

Teks penuh

(1)

Kabanata XXV: Sa Tahanan ng Pilosopo

Tumungo si Juan Crisostomo Ibarra sa kanyang mga lupain at matapos ay sumadya sa tahanan ni Pilosopo Tasyo na kanyang nadatnan na nagsusulat gamit ang heroglipiko. Nagusap siya dito upang humingi ng payo ukol sa plano niyang magpatayo ng paaralan para sa mga kabataan ngunit winika sa kanya ng pilosopo na dapat hindi sumangguni sa kanya sapagkat baka ipagpalagay ng ibang tao na si Crisostomo ay baliw din. At dagdag pa nito na dapat sa mga nakakataas ito humingi ng payo na itinanggi ni Crisostomo. Pinaliwanag din ng pilosopo na ang gobyerno ay kasangkapan lamang ng simbahan na ito ay matatag sapagkat nakasandig sa pader ng simbahan at kusang babagsak sa sandaling iwan ng simbahan. Napag-usapan din ng dalawa ang kalagayan ng Pilipinas hanggang nagpumilit muli si Crisostomo sa paghingi ng payo na mula naman sa karanasan ng pilosopo. Dinala siya nito sa may bintana at winikang tularan na lamang nila ang rosas na hitik sa bulaklak na nagbigay pag-aalinlangan kay Crisostomo.

Kabanata XXVI: Ang Bisperas ng Pista

Ipinagdiriwang ang bisperas ng pista ng bayan ng San Diego tuwing ika-10 ng Nobyembre. Lubos na kagalakan ang nangingibabaw sa lahat ng dako. Ang lahat ay naghanda para sa darating na pista. Ang bawat tahanan ay nagagayakan ng iba’t-ibang pangdekorasyon at pati mga santo at imahen ay ginayakan din. Nagpadagdag sa kasiyahan ang mga tugtugin ng banda ng musiko at orkestra. Mayroon ding magaganap na sabungan na dinaluhan ng mga kilalang sabungero na gintu-ginto ang dala-dala. Kasalukuyan namang tinatapos ang paaralan na pinapagawa ni Crisostomo na malapit sa kanyang tahanan sa pamamatnubay ni ñol Juan.

Kabanata XXVII: Pagtatakipsilim

Nang dumating siya, inanyayahan ng mga kaibigang dalaga ni Maria Clara sina Crisostomo at Maria Clara na mamasyal. Pinayagan naman ni Kapitan Tiyago ang dalaga na mamasyal na nagdulot ng kasiyahan Kay Maria Clara dahil nakadama ng kalayaan sa labas ng beateryo. Sa kanilang pamamasyal, maraming bumati kay Crisostomo at pumuri kay Maria Clara. Nang marating nila ang liwasan ng bayan, nakakita sila ng isang ketongin na umaawit sa saliw ng gitara. Nahabag si Maria Clara sa ketongin at ito ay binigyan ng agnos na kanyang gamit-gamit na pinagtakahan ng mga kasama nito. Tila sinamba ng ketongin si Maria Clara sa kabaitan nito na nagdulot na mapaluha ang dalaga na kanyang tinakpan na lamang. Sumandaling iyon, biglang hinawakan ng baliw na si Sisa ang ketongin na halos hindi na ito makawala. Winika ni Sisa na ang kanyang anak na si Crispin ay nasa kampanaryo at binitawan ang ketongin. Napabulong si Maria Clara na may mga tao pa palang sawimpalad.

Kabanata XXVIII: Sulatan

Si Luis Chiquito ay tumanggap ng sulat sa kaibigang si Martin Aristorenas. Inanyayahan siyang makipaglaro at makipagsaya sa mga batikang tahur. Nakatanggap din si Crisostomo ng paanyaya ngunit hindi dumalo sapagkat wala siyang hilig sa mga sugal gaya ng ama. Nakatanggap muli si Crisostomo ng liham mula naman kay Maria Clara na dinala ni Andeng. Ayon sa liham ng dalaga, kailangang dalawin ng binata siya kundi hindi siya dadalo sa paglalagay ng unang bato sa paaralan.

Kabanata XXIX: Kinaumagahan

Ang mga tao ay nagbihis ng mga magagara at ginamit ang mga itinatagong hiyas. Pagsapit ng ikawalo at kalahati ng umaga, nagsimula ang prusisyon. Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda at inilawan ng matatandang dalaga na kasapi sa kapatiran ni San Francisco. Sa mga suot na abito nito ay kaagad na makikilala ang mayayaman at mahihirap. Tumigil ang isang karo sa tapat ng tahanan ni Kapitan Tiyago, nakadungaw sa bintana ang kapitan, alkalde, Crisostomo, Maria Clara, at ilang mga bisita. Walang anumang tinitigan sila ni Padre Salvi, na siyang gaganap sa misa mayor, na itinaas ang ulo at itinuwid ang katawan.

Kabanata XXX: Sa Simbahan

‘Di mahulugang karayom ang mga tao sa loob ng simbahan na nagsisiksikan, makalapit at mabasbasan lamang ng agua bendita. Lubhang mainit sa loob at halos hindi na humihinga ang mga tao sa loob ng simbahan dahil kailangan nilang making sa sermon na binyaran ng dalawang daan at limampung piso. Nang dumating ang alkalde, nagsimula na ang misa sa pagkulingling ng kampanilya. Dumating din ang pinakahihintay ng lahat na si Padre Damaso, kasama ang isang prayuleng may dalang kwaderno at dalawang sakristan. Lumibot ang paningin nito at isang kndat ang iniukol kay Crisostomo na nangangahulugang kasama ang binata sa sermon nito at ni Padre Martin.

Kabanata XXXI: Ang Sermon

Nagsimula ng magsermon si Padre Damaso na may dalawang bahagi na nasa wikang Kastila at Tagalog. Humanga ng lubos si Padre Sibyla sa winika ng pari samantalang napalunok ng laway si Padre Martin dahil sa mas higit na magaling ang pambungad ni Padre Damaso kaysa sa kanyang sermon. Pinapurihan niya ang mga alkalde, pari, at tagapakinig samantalang tinuligsa naman niya ang mga walang paggalang at lumalayo sa kalooban ng Diyos. Marami siyang pasaring kung kani-kanino na sinawalang-bahala ni Crisostomo dahil alam niyang siya ang pinatutungkulan. Habang patuloy ang sermon, ang ilan sa mga tagapakinig, gaya ng alkalde at ni Maria Clara, ay napayukayok na. Samantala isang lalaki ang lumapit kay Crisostomo at siya ay binalaan ukol sa gagawing pagdiriwang sa paaralan. Nakilala naman ni Crisostomo ang lalaking lumapit sa kanya, ito ay si Elias ang piloto.

Kabanata XXXII: Ang Panghugos

Labis ang paghanga ang ibinigay ni ñol Juan sa panghugos na ginawa ng taong madilaw. Habang nalalapit ang paghuhugos ay kinakabahan si Crisostomo. Namataan niya na kumindat sa kanya si Elias bilang paalala sa binulong nito ssa simbahan. Sinimulan ang paghuhugos na pinangunahan ni Padre Salvi. Matapos ihanda ang mga kailangan sa paghuhugos, isang malaks na ugong at nagdilim ang paligid dahil sa alikabok

▸ Baca selengkapnya: paano hinarap ni hiuquan ang kanyang problema

(2)

at abg nakapanghihilakbot na sigawan ng mga tao. Nang mapawi ang kaguluhan, nakita si Crisosotomo na nakatayo sa torno at ang bangkay ng taong madilaw na natabunan ng gumuhong gusali. Ipinahuhuli ng alkalde ang gawaing namahala subalit nakiusap si Crisostomo na siya ang mananagot sa pangyayari. Matapos ng nangyari, itinanong niya ang kalagayan ni Maria Clara at umuwi upang magpalit ng damit. Nasambit ni Pilosopo Tasyo na iyon ay isang masamang simula na nakasaksi sa lahat ng pangyayari.

Kabanata XXXIII: Malayang Isipan

Nakipagkita si Elias kay Crisostomo. Sinabi ni Elias na wala dapat ipagpasalamat ang binata sa kanya dahil siya ay gumanti lamang sa pagkakauntang. Hiniling din nito na ilihim ang pagbibigay paalala nito sa simbahan ukol sa mga pangyayari para sa kapanatagan ng binata at pinayuhan si Crisostomo na dapat laging makita ng kaaway na walang pag-iingat at may tiwala sa lahat. Itinanggi ng binata ang pagkakaroon ng kaaway na sinagot naman ni Elias na ang lahat ng tao ay may kaaway. Hindi maikubli ni Crisostomo ang paghanga sa pangangatwiran ni Elias. Dagdag pa ni Elias na ang taong madilaw ay isa sa mga kaaway na nakita niyang nakikipag-usap sa isang tao na hindi niya kakilala. Matapos ang namagitang katahimikan, naintindihan ni Crisostomo ang kalagayan ni Elias. At muli siyang pinaalalahanan nito na huwag lilimutin ng binata na may mga kaaway at mag-iingat dahil siya ay kailangan ng Pilipinas.

Kabanata XXXIV: Ang Pananghalian

Dumating si Padre Damaso na patapos na ang panananghalian. Ang lahat ay bumati sa kanya, maliban kay Vrisostomo. Nagsimula itong pasaringan ang binata na nahalata naman ng alkalde kaya sinikap nitong baguhin ang pinag-uusapan subalit patuloy pa rin ang pari sa pananaring. Nang simulan ungkatin ng pari ang nangyari sa ama ni Crisostomo, biglang tumindig ang binata at sinunggaban ito, sabay dukwang ng isang kutsilyo. Pinanawan ng bait si Crisostomo. Nanginginig ang kanyang katawan, naninilaw, at nagbabaga ang mga mata. Nagpumilit na bumangon si Padre Damaso ngunit sinakal siya ng binata, iwinagwag hanggang mapaluhod at mauklo. Nang sasaksakin na ni Crisostomo ang pari, pumagitna si Maria Clara na pinigil si Crisostomo. Patakbong umalis ang binata matapos bitwan ang pari at ang kutsilyo.

Kabanata XXXV: Mga Kuru-kuro

Mabilis na kumalat ang pangyayaring namagitan kay Padre Damaso at Crisostomo sa San Diego. Sa mga usapan ay hindi malaman kung sino sa dalawa ang may katwiran. Ikinatakot naman ng mga magbubukid na hindi maituloy ang pagpapatayo ng paaralan. Magkahalong pangamba at lungkot ang kanilang nadama palibhasa’y naghahangad ang bawat isa na magkaroong ng mga anak na makapag-aral at makapagtapos. Nababalita rin ang pagtawag kay Crisostomo ng mga prayle bilang isang pilibustero at hindi mapapatawad ang binata.

Kabanata XXXVI: Ang Unang Suliranin

Dinamdam ni Maria Clara ang pagbabawal ng ama sa pakikipagkita niya kay Crisostomo habang ito ay isa pang excomulgado. Iniutos din ni Padre Damaso na sirain ang kasunduan sa pag-iisang-dibdib nina Crisostomo at Maria Clara kay Kapitan Tiyago na lalong nagpaluha sa dalaga. Winika din nito na mayroong binata galing Espanya na magiging katipan ng dalaga na siyang kinagalit ni Tiya Isabel. Inayos ng dalaga ang sarili at naghanda ng marinig na paparating na ang Kapitan-Heneral na hihiling na siya ay umawit at tumugtog ng piyano kahit mabigat man sa kanyang kalooban.

Kabanata XXXVII: Ang Kapitan-Heneral

Malugod na binati ng Kapitan-Heneral si Crisostomo at pinuri sa ginawang pagtatanggol nito sa ala-ala ng kanyang ama. Sinabi rin ng Heneral na kakausapin niya ang Arsobispo tungkol sa pagiging excomulgado ng binata. Napansin ng Heneral ang pagkabilasa ni Maria Clara, kaya sinabi niyang nais itong makaharap bago umaalis patungong Espanya. Ipinamalas din ng Kapitan-Heneral ang paghanga sa katalinuhan ng binata bagamat iminungkahi nito na mas makabubuting sa Europa siya manirahan sapagkat ang kanyang kaisipan ay nararapat lamang sa kaunlaran ng ibang bansa. Magalang namang tumanggi si Crisostomo at sinabing higit na matamis ang mamuhay sa sariling bayan. Itinagubilin naman ng Kapitan-Heneral sa alkalde na protektahan si Crisostomo upang maisakatuparan nito ang mga layunin. Samantala, si Crisostomo naman ay nagpunta sa silid ni Maria ngunit sinabi sa kanya ni Sinang na isulat na lamang nito ang kanyang sasabihin dahil sa mga oras na iyon ay gumagayak sila papunta sa dulaan.

Kabanata XXXVIII: Ang Prusisyon

Magkakasamang naglalakad ang Kapitan-Heneral, mga kagawad, Kapitan Tiyago, alkalde, alperes at Crisostomo. Sa harap ng bahay ni Kapitan Tyago ay may isang kubol na pagdarausan ng pagbigkas ng tulang papuri sa pintakasi ng bayan. Matapos ang loa, sumunod naman ay ang pag-awit ni Maria Clara ng Ave Maria ni Gounod na ang tinig ay nagsusumamo at tumitimo hanggang puso. Ramdam naman ni Crisostomo ang pighating nararamdaman ng kanyang katipan sa boses nito. Napukaw ang atensyon ng binata ng ito ay kausapin ng Kapitan-Heneral tungkol sa hapunan kung saan kailangan nilang pag-usapan ang pagkawala ng dalawang bata.

Kabnata XXXIX: Si Donya Consolacion

Pinagbawalan ng alperes si Donya Consolacion na lumabas ng bahay dahil nahihiyang ipakita ng alperes sa mga taong Kastila at mga nakaririiwasa ang asawa. Ito raw ay nangangamoy tila isang kalaguyo ng mga sundalo at pinaniniwalaan na ang sarili ay mas kaakit-akit kaysa kay Maria Clara. Naging ugali ng donya na mgasalita sa wikang Kastila upang patunayan sa kaharap na siya ay isang Europeo at hindi marunong mag-Tagalog. Hindi nakaligtas sa pandinig ni Donya Consolacion ang matamis at malungkot na pag-awit ni Sisa kaya ipinatawg niya ito. Inutos niya kay Sisa na unawit ngunit hindi ito maunawaan ni Sisa kaya pinag-utos ni Donya Consolacion sa bantay na sabihin sa baliw na kumanta ng Tagalog. Sinunod naman ni Sisa at umawit ng Kundiman ng Gabi. Naantig naman ang damdamin ng donya kung kayat nawala sa isip nito na

(3)

magsalita sa Tagalog, na ikinagulat naman ng gwardya sibil. Napansin naman ito ng donya kung kaya't pinaalis niya ito. Hinarap naman niya si Sisa at pinasayaw. Nang hindi ito sumunod ay hinampas niya ito muli ng latigo at inutusang kumanta. Napabuwal naman si Sisa at nahubaran ito ng damit kasabay ng pagdugo ng sugat. Ang pangyayaring ito ay nadatnan ng alperes at nagalit ito sa nasaksihan. Inutusan niya ang isang kawal na sabihan si Marta na bihisan at pakainin si Sisa, alagaan, at gamutin din ang mga sugat nito. Ang pag-aalaga ng alperes ay dahil na rin sa nakatakdang ihatid si Sisa kay Crisostomo kinabukasan.

Kabanata XL: Ang Karapatan at Ang Lakas

Sinisimulan na ang ikalawang bahagi ng dula nang dumating si Crisostomo. Nakatawag pansin ito sa mga pari at hiniling kay Don Filipo na paalisin si Crisostomo. Tinutulan naman ito ni Don Filipo sapagkat malaki ang abuloy ni Crisostomo at higit siyang takot na suwayin ang utos ng Kapitan-Heneral kaysa sa utos nila. Sa inis ay umalis ang mga pari sa kalagitnaan ng dula. Ilang saglit pa ay nagpaalam na rin si Crisostomo sa mga kadalagahan lalo na kay Maria Clara upang paroonann ang nalimutang tipanan. Nangako siya na babalik bago matapos ang dula. Nagsimula ang isang kaguluhan na hindi naman binigyang-pansin ng binata. Sa galit ng mga kalalakihan doon ay pinagbabato nila ang mga gwardya-sibil na huminahon lamang sa pakiusap ni Elias, na inabisuhan naman ni Crisostomo sapagkat wala silang magagawa ni Don Filipo sa bagay na iyon. Ang pangyayari ay hindi nakaligtas sa pagmamanman ni Padre Salvi at ibinalita rin ito ng kanyang tauhan. Sa kanyang pangitain ay nawalan ng malay tao si Maria at si Crisostomo ang kumarga sa dalaga. Sa ganoong pangitain ay nagmistula itong baliw at nagtatakbo papunta sa bahay ni Kapitan Tyago upang makasiguro na hindi totoo ang kanyang takot. Nakahinga lamang siya ng maluwag nang makita niya ang anino nina Maria Clara at Tiya Isabel mula sa labas ng bahay ng Kapitan. Dali-dali naman nilisan ng pari ang pook at nagbalik sa kumbento.

Kabanata XLI: Dalawang Dalaw

Habang naglilibang sa laboratoryo si Crisostomo,dumating naman si Elias. Layunin ni Elias na ipagbigay-alam kay Crisostomo na may sakit si Maria Clara, at kung may ipagbibilin ang binata bago siya pumunta sa Bataan. Ipinaliwanag din ni Elias kay Crisostomo kung paano niya nasugpo ang kaguluhan ng nagdaang gabi. Sinabi nito na kilala niya ang magkapatid at napakiusapan niya na itigil ang kaguluhan. Napahinuhod naman ang magkapatid na gwardya sibil dahil sa kanilang utang na loob kay Elias. Umalis na rin si Elias makalipas ang ilang sandali. Nagmamadali naman na gumayak si Crisostomo upang tumungo sa bahay ni Kapitan Tyago. Sa daan ay nasalubong niya ang kapatid ng taong madilaw na si Lucas. Kinulit nito ang binata tungkol sa salapi na makukuha ng kanyang pamilya dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Sinagot ito ng maayos ng binata na magbalik na lamang sa isang araw sapagkat siya ay patungo sa maysakit. Sinundan ni Lucas ng tingin si Crisostomo na nakangiting puno ng poot at sinabing kagaya ni Crisostomo ang lolo nito at magiging magkaibigan lamang sila kung mabuti itong magbayad.

Kabanata XLII: Ang Mag-asawang De Espedaña

Dumating sa bahay ni Kapitan Tiago sina Dr. Tiburcio de Espadaña, na inaanak ng kamag-anak ni Padre Damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro sa Espanya at ang kanyang asawa na si Donya Victorina na sa biglang tingin ay napapagkamalang isang Orofea. Ipinakilala ng donya si Don Alfonso Linares de Espadaña na kanila raw pinsan. Kasunod nilang dumating si Padre Salvi. Nabanggit ni Kapitan Tyago na kadadalaw lamang ng Kapitan-Heneral sa kanilang tahanan. Lubos na nanghinayang ang ambisyosang ginang at nahiling na sana ay noon pa nagkasakit si Maria Clara na sana ay nakadaupang palad nila ang Kapitan-Heneral. Hinanap naman ni Linares si Padre Damaso kay Padre Salvi, upang ibigay ang hatid niyang sulat mula sa Espanya. Nang matapos ang kanilang pag-uusap, pinuntahan nila si Maria at sinimulan na ng don alamin ang karamdaman ni Maria Clara at nagbilin kung ano ang mga ipaiinom. Dumating si Padre Damaso na kagagaling lamang sa sakit upang dalawain si Maria Clara.

Kabanata XLIII: Mga Panukala

Pumasok sa loob ng silid ni Maria Clara si Padre Damaso nang walang sinumang pinapansin. Nakita ng dalaga na ang pari ay umiiyak sa pagkakasakit niya na mabatid na ikinagulat ng mga naroroon. Matapos, ipinakilala ni Donya Victorina sa pari si Linares. Natuwa ang pari dahil si Linares ang inaanak ng kanyang bayaw at niyakap niya ito ng buong kugod. Ibinigay ni Linares ang dala-dala nitong sulat sa pari na agad naming binasa nito.Napag-alaman na si Linares ay naghahanap ng trabaho at mapapangasawa. Ayon sa pari, hindi ito mahihirapan maghanap ng trabaho sapagkat ito ay kinukuhang manananggol sa Unibersidad Central. At tungkol naman sa mapapangasawa, sinabi ni Padre Damaso na sila ay makikipag-usap kay Kapitan Tiyago.Sa kabilang banda, nagpupumilit naman si Lucas kay Padre Salvi na humihingi ng tulong upang makausap si Crisostomo. Kung anu-ano ang pinagsasabi nito ukol sa di umanong pagmamaltrato nito sa kanya subalit nagalit sa kanya ang pari at siya ay sinisigawan at sinabihang dapat magpasalamat pa ang binata dahil hindi siya pinakulong ni Crisostomo. Umalis si Lucas na may pabulung-bulong at matapos umalis na rin ang pari na patungo sa kumbento.

Kabanata XLIV: Pagsusuri sa Budhi

Nabinat si Maria Clara matapos nitong makapagkumpisal. Sa kanyang pagkahibang walang sinasabing pangalan kundi ang pangalan ng kanyang inang hindi man lamang nakikilala. Magkakaharap sina Padre Salvi, Kapitan Tyago at mag-asawang Espadaña at napag-usapan na malilipat sa parokya ng Tayabas si Padre Damaso. Ayon kay Kapitan Tyago, ikalulungkot ito ni Maria Clara sapagkat para na rin niyang ama ang pari. At ang pagkakasakit ng dalaga ay bunga ng mga kaguluhan na nangyari noong gabi ng pista. Pinagtalunan naman ni Donya Victorina at Padre Salvi kung ano ang nagpagaling kay Maria Clara, ayon sa donya na ang binilin na gamot ng kanyang asawa ang nagpagaling sa dalaga ngunit ayon naman sa pari na ang pagiging tapat sa pangungumpisal o pagkakaroon ng busilak na budhi ang nagpagaling dito. Nalaman ni Maria kay Sinang na abala si Crisostomo na mapawalang bisa ang pagiging excomulgado nito kung kaya't hindi pa ito makasulat sa dalaga. Dumating naman si Tiya Isabel upang ihanda si Maria sa pangungumpisal at binulungan naman ni Maria Clara si Sinang na sabihin kay Crisostomo na siya ay kalimutan na. Matapos ang pangungumpisal ni Maria Clara, napapansing ang noo ni Padre Salvi ay nakakunot at pinagpapawisan.

(4)

Sa wakas ay natagpuan na ni Elias si Kapitan Pablo sa isang yungib sa kagubatan pagkatapos ang ilang buwang hindi pagkikita. Ipinahayag ni Elias Kay Kapitan Pablo na siya ay npinagpalad na makilala at makatulong sa isang binatang mayaman, matapat, may pinag-aralan at nag-iisang anak ng isang taong marangal na hinamak din ng isang pari. Binigyang-diin na tiniyak ni Elias sa matanda na makakatulong daw ang binatang ito sa kanilang pagnasang maipaabot sa Kapitan-Heneral ang mga hinaing ng bayan subalit walang tiwala si Kapitan Pablo na pakinggan ang mga ito kaya ipinangako ni Elias na kung walang mapapala ay magiging kabilang siya sa mga kabig ng matanda. Pinakiusap din ni Elias sa matanda na umiwas sa paggawa ng marahas na hakbang.

Kabanata XLVI: Ang Sabungan sa San Diego

Katulad din ng iba pang bayan ng Pilipinas, may sabungan din sa San Diego. Nasa loob ng sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at Lucas na pinag-uusapan ang manok na ilalaban ni Kapitan Tiyago. Habang hindi magkamayaw sa pagpusta ang ilang sabungero sa gagawing pagsusultada, ang dalawang binatang magkapatid na sina Tarsilo at Bruno ay naiinggit sa mga pumupusta. Kaya ngapasya ang nakakabatang kapatid, na si Bruno, na humiram ng kuwalta kay Lucas tutal nakikilala naman sila ngunit pinaliwanagan sila na ang kuwaltang hawak ay kaloob daw ni Don Crisostomo Ibarra para sa mga taong ibig maglingkod sa kanya at nabanggit sa magkapatid na hindi nila kasingtapang ang ama. Matapos ang pag-iisip, pumayag ang magkapatid sa alok ni Lucas sa planong paglusob sa kuwartel at inabutan sila ni Lucas ng kuwalta. At ang tatlo ay naghiwa-hiwalay na.

Kabanata XLVII: Ang Dalawang Senyora

Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiyago, namamasyal nman sina Donya Victorina at Don Tiburcio upang tingnan ang mga tahanan ng mga Indiyo. Naging ugali na ng mag-asawa ang pintasan ang mga tahanan ng mga mas nakakababa sa kanila. Kinagalit ng donya ang hindi pagbibigay-pugay sa kanila ng mga taong nakakasalubong nila. Nang madaan nila ang tahanan ng alperes, nagkatinginan si Donya Victorina at Donya Consolacion. Hinagod ng tingin ni Donya Consolacion si Donya Victorina at pagkatapos inirapan ito. Sinugod ni Donya Victorina ang mag-asawang alperes at Donya Consolacion at patuloy ang pagtatapakan at pagsusuratan at paglalaitan ng dalawang donya sa gitna ng katuwaan ng mga nanonood hanggang dumating ang kura upang isawata ang kaguluhan. Natapos ang pag-aaway sa pagpapalitan ng babala. Hinamon ni Donya Victorina na makipagpagalingan sa paggamit ng rebolber ang alperes sa asawa niya subalit ang asawa na rin niya ang tumanggi kaya naman pinilit niya na si Linares na ang lumaban sa alperes at pinagbantaan ang binata na isisiwalat ang mga kasinungalingan nito kay Kapitan Tiyago. Dumating si Kapitan Tiyago na malungkot dahil natalo ang lasak sa sabungan, at ibinalita ni Donya Victorina ang nangyari sa kanya at binilin na huwag tulutang ipakasal si Linares kay Maria Clara kapag hindi nito nagawang hamunin ang alperes. Kinabukasan, umalis ang mag-asawang de Espadaña at naiwan si Linares sa gitna ng kahihiyan.

Kabanata XLVIII: Ang Talinghaga

Si Crisostomo ay masayang dinalaw si Maria Clara at Kapitan Tyago. Sinabi nito sa huli na tinanggal na ang kanyang pagiging excomulgado, at ipinabasa ang sulat kay Tiya Isabel. Tuwang tuwa naman ang tiyahin sapagkat magiliw siya kay Crisostomo. Sinabi ng binata sa kasintahan ang dahilan ng kanyang hindi pinasabing pagdalaw. Nakatingin lamang sa kanya si Maria Clara na parang inuunawa ang bawat katagang namutawi sa kanyang labi. Malungkot ang dalaga, kaya nakuro ng binata na bukas nalamang siya dadalaw at tumango ang dalaga. Umalis si Crisostomo na ang puso ay ginugutay ng matinding pag-aalinlangan. Namataan ng binata si Elias na nagkakarga ng bato sa kariton at nabasa nito sa mukha ng huli na may nais siyang ipaalam sa binata. Iminungkahi ni Elias na sila ay mamangka sa lawa upang mapag-usapan ang isang napakahalagang bagay, na sinang-ayunan naman ni Crisostomo. Dumating naman si Nol Juan at ibinigay ang talaan, sinayasat niya ito ngunit hindi nakalista doon ang pangalan ng piloto.

Kabanata XLIX: Ang Tinig ng mga Inuusig

Sinabi ni Elias na si Crisostomo ang tinig ng mga sawimpalad. Ang pinuno ng tulisan ay humihingi ng pagbabago sa pamahalaan tulad ng paglalapat ng katarungan, pagbibigay ng dignidad sa mga tao, at pagbawas ng kapangyarihan sa mga guwardiya sibil na nagiging dahilan ng kanilang pag-aabuso sa karapatang pangtao. Naisip ni Crisostomo na siya ay maaaring tumulong ngunit baka ito ay lalong makasama sa kanila. Ipinaliwanag ng binata na ang pagbawas ng kapangyarihan ng sibil ay makakasama dahil baka malagay naman sa panganib ang mga tao. Nagdebate ang dalawa sa mga gawain ng mga tao at simbahan ngunit hindi pa rin pumayag si Crisostomo.

Kabanata L: Ang Kaanak ni Elias

Ipinagtapat ni Elias ang kanyang buhay ilang taon na ang lumipas kay Crisostomo. Ang kanyang ninuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay-kalakal ng Kastila na nasakdal ang dahil sa salang panununog. At dahil maralita lamang ay hindi nakakuha ng manananggol. Nasakdal naman ang asawa ng nuno nito dahil hindi pinagbigay-alam ang nangyari sa asawa ng ito ay mamatay ngunit nakatakas kasama ang mga anak. Namuhay ang mag-iina sa lalawigan at lumaking tulisan ang panganay na anak na nakilala sa tawag na Balat. Si Balat at ang ina nito ay natagpuang bangkay na lamang ng nakababatang kapatid sa gubat.Ang nakababatang kapatid ay namasukan sa isang mayaman sa lalawigan ng Tayabas at umibig sa anak nito. Nagbunga ang kanilang pag-iibigan ng isang kambal na anak, isang lalaki at isang babae. Nakapag-aral ang kambal sa magagandang paaralan. Nang lumaon, nagbinata at nagdalaga ang kambal subalit nawala na lamang ang babae at pagkaraan ng anim na buwan nakita ng kaatid na lalaki ang kapatid na babae na wala ng buhay. Ang kapatid na lalaki ay walang iba kundi si Elias. Naputol ang pagsasalaysay ni Elias at hindi pa rin niya napapayag si Crisostomo. Nagpasalamat na lamang siya rito na siya ay binigyan ng pagkakataon. Binilinan ni Elias ang binata na huwag na siyang babatiin sa muli nilang pagkikita at limutin na siya. Umalis si crisostomo matapos ito at lumapit kay Elias ang isang taong galling sa gubat at sinabi rito ang resulta ng pagkumbinsi kay Crisostomo Ibarra.

(5)

Sakmal ng pagkabalisa at di pag-igmik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham mula kay Donya Victorina na nagpapaalala sa kanya ng utos nitong makipagtunggali sa alperes at muling tinakot si Linares na sasabihin ang mga katotohanan kay Kapitan Tiyago. Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya at pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at pagsisinungaling sa paghahangad lamang na makapagsamantala. Dumating si Padre Salvi dala ang sulat na nagpapatunay sa ang sinabi ni Crisostomo na siya ay hindi na excomulgado ay totoo. Pinuri niya si Crisostomo at sinadyang maparinig kay Maria Clara. Naniniwala ang pari na maaayos ang lahat kung hihingi ng patawad ang binata kay Padre Damaso. Dumating si Crisostomo at binilinan si Sinang na nais niyang makausap si Maria Clara ng pansarilinan at nabatid nito na nais ni Padre Damaso at Kapitan Tiyago na ipakasal ang dalaga kay Linares. Di naluwata’y nagpaalam si Crisostomo at tuluyang umalis.

Kabanata LII: Ang Baraha ng Mga Patay at Ang Mga Anino

Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo at alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na paanas na naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni Crisostomo ang buhay nito. Ang unang anino ay lulusob sa kumbento upang singilin ang kasamaan ng mga kura samantala ang ikalawa ay lulusob naman sa kwartel. Dumating ang isa pang anino at binilinan na bukas ng gabi ang kanilang pagsalakay. May isa pang aninong dumating at nakipaglaro ng baraha sa mas nauna sa kanya. Ang dalawang huling anino ay sina Lucas at Elias. Natalo si Elias at gaya ng napagkasunduan umalis ito. Naiwan mag-isa si Lucas, nag-alis ito ng saklob at nagdasal ng ilang orasyon.

Kabanata LIII: Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga

Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan ng nakaraang gabi. Ayon sa mga Kapatiran ng San Francsico, may dalawampung kandila ang nakasindi. Si Ermana Sipa naman ay nagsabi na nakarinig siya ng panaghoy samantalang ang kura ay nagpaalaala sa mga kaluluwa sa purgatoryo. Nag-uusap si Don Filipo at Pilosopo Tasyo tungkol sa pagtanggap ng alkalde sa pagbibitiw ni Don Filipo. Sa pagpapalitan nila ng kuro-kuro, napansin ni Don Filipo na mahina na si Pilosopo Tasyo. Pinayuhan niya itong uminom ng gamot pero tumanggi ang matanda. Ani niya, ang mga mamamatay na ay hindi na kailangan ng gamot. Pinakiusapan niya si Don Filipo na sabihin kay Crisostomo na makipagkita sa kanya dahil malapit na siyang mamatay. Ilang sandal pa’y nagpaalam na si Don Filipo na taglay ang malaking kalungkutan.

Kabanata LIV: Lahat ng Lihim ay Nabubunyag, Walang ‘Di Nagkakamit ng Parusa

Nagmamadaling sumugod ang kura sa bahay ng alperes upang sabihin dito na lulusubin ang kumbento ayon sa isang babae na nagkumpisal sa kanya. Naghanda ang alperes at ang kura para mahuli ng buhay ang mga insurektos at malaman kung sino ang pinuno nila. Mabilis na tumungo si Elias sa tahanan ni Crisostomo. Pinasusunog nito ang mga dokumento na maaring magsangkot sa kanya sa kaguluhan at pinagtapat niya kay Crisostomo na ang pinagbibintangan na namumuno sa pagrerebelde ay ang binata. Habang pinipili nila ang mga kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya sa binata kung ano ang relasyon nito sa kanya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ng binata na nuno niya ito. Sinunggaban niya ang binata matapos malamman ang koneksyon nito at pinaalala niya sa binata ang pinagkaiba ng kanilang kalagayan. Tinangka niyang patayin si Crisostomo ngunit siya ay natauhan at nagdudumaling nilisan ang tahanan ni Crisostomo.

Kabanata LV: Ang Pagkakagulo

Kasalukuyang naghahapunan sa tahanan ni Kapitan Tiyago ngunit hindi kumakain si Maria Clara dahil siya raw ay walang gana, sa totoo’y hinihintay niya ang pagdating ni Crisostomo. Pinapanalangin din niya na umalis na si Padre Salve sapagkat ganap na ikawalo ng gabi ay darating ang binata. Nang sumapit ang ikawalo, dumating ang binata na luksang-luksa ang kasuotan at matinding pagkalungkot. Habang palapit si Maria Clara sa binata upang salubungin at tanungin ay may narining na putok ng mga baril. Ang kura ay nagkubli sa haligi. Sina Tiya Isabel, kapitan Tiyago, at Linares ay pumasok sa bulwagan at sumigaw na may tulisan. Nagmadaling bumalik si crisostomo sa kanyang tahanan at pinahanda niya ang kabayo at nilagay sa ang maleta ng hiyas, salapi at larawan ni Maria na mayroon siya. Papaalis na siya nang dumating ang sarhentong Kastila at siya ay hinuli. Nang malaman ni Elias ang pangyayari kahit siya ay naguguluhan sa mga nalaman, tumngo siya sa tahanan ni Crisostomo. Pagdating sa tahanan ng binata, tinipon at sinunog niya ang mga kasulatan sa gitna ng gabinete. Isinilid niya sa sako ang mga gamit na sana’y dadalhin ni Crisostomo at umalis dala ang mga ito. Ang pagsunog ni Elias sa mga kasulatan ni Crisostomo ay nagdulot ng mapinsalang sunog na pumigil sa mga gwardiya-sibil na humanap ng mga dokumento laban ditto.

Kabanata LVI: Ang Mga Sabi-sabi at Kuru-kuro

Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego. Kahit isang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na tahimik ang buong paligid. Pamaya-maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng bintana at inilibot ang kanyang paningin na nagbigay hudyat sa pagpapalitan ng kanya-kanyang kurukuro sa nangyaring putukan. May mga nagsasabing si Kapitan Pablo raw ang sumalakay. Ang sabi naman ng iba ay tinangka raw ni Crisostomo na itanan si Maria Clara kaya ito dinakip. Si Hermano Pule na nakausap ang isang lalaking nanggaling sa tribunal ang nagsabi ng balita na nakabilanggo sina Don Filipo at Crisostomo. Si Bruno raw ang nagsisigaw na si Crisostomo ang may pakana ng paglusob sa kumbento at kwartel. Ang mga sibil daw ang sumunog sa bahay ni Crisostomo. Isang babae naman ang nagbalita na nakita si Lucas na nakabitin sa puno. Isang lalaki naman ang pumunta sa simbahan upang magpamisa sa isang taong malapit na mamatay.

Kabanata LVII: Vae Victis

Si Tarsilo ay nadakip ng mga gwardiya-sibil at pinagtatanong kung kasangkot nga ba si Crisostomo sa naganap na paglusob. Iginigiit niyang walang kaalam-alam ang binata sa paglusob sapagkat ang ginawa nila ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay ng mga gwardiya-sibil.

(6)

Dahil dito, ipinag-utos ng alperes na tanggalin ang banig na nakatakip sa mga bangkay. Nakita niya ang bangkay nina Pedro na asawa ni Sisa, ang kapatid niyang maraming saksak, si Lucas na may tali pa, at dalawa pa nilang kasamahan. Ilang ulit siyang tinanong ngunit nanatili siyang hindi umiimik. Nagpuyos sa galit ang alperes. Kaya iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo hanggang sa magdugo ang buong katawan nito. Nang matiyak na patay na si Tarsilo ang binalingan naman ay ang isa pang bilanggo.

Kabanata LVIII: Ang Sinumpa

Hindi mapalagay ang mga pamilya ng mga bilanggo. Naghahanap sila nang malalapitan upang mapalaya ang kani-kanilang kamag-anak na nahuli. Ikalawa ng hapon, dumating ang isang kariton na hila ng dalawang bakang toro na pinagtangkaang gibain ng mga tao ng kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton ngunit napigilan sila ni Kapitana Maria. Isang babae ang sumisisi kay Crisostomo na may pakana ng lahat at nagreklamong bakit wala siyang gapos. Pinaulanan ang binata ng mga bato at buhangin kaya yumuko na lamang siya upang makaiwas sag alit ng mga tao. Nagsipagtago ang mga kaibigan niya sa takot na madamay sa pangyayari. Napaiyak siya sa lungkot na nawala ang tahanang pinagsilangan niya na puno ng matatamis na ala-ala. Kinabukasan, namataan na lamang ang bangkay ni Pilosopo Tasyo sa pintuan ng kanyang tahanan, bakas dito ang panghihina at paghihirap ng nabubuhay pa ito.

Kabanat LIX: Pag-ibig sa Bayan at sariling Kapakanan

Nagkaroon ng ibang interpretasyon ang mga nagyari sa San Diego pagdating nito sa ibang lupalop dahil sa iba’t-ibang lathala na nasa mga pahayagan. May mga sinugo sa kumbento para mag-imbestiga nang tunay na nangyari. May mga tao namang pumunta sa pamahalaan at naghandog ng tulong laban sa mga naghihimagsik. Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa Intramuros ang dinaluhan ng mga mamamayan na ang tema ng kanilang pag-uusap ay tungkol din sa naganap na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking komang galit na galit daw ang heneral kay Crisostomo Ibarra sapagkat naging napakabuti pa nito sa binata. Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang na loob ang mga indiyo kaya’t di dapat silang ituring na mga tunay na tao. Ilang oras pa ang nakalipas, ang ilang mag-anak sa Tundo ay tumanggap ng mga paanyaya ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga kawal. Ang imbitasyon ay tungkol sa pagtulog ng ilang mayayaman at tanyag na tao sa Fuerza de Santiago na may bantay pa. Si Kapitan Tinong ay kasama sa mga inimbita.

Kabanata LX: Ikakasal si Maria Clara

Dumating sa bahay ni Kapitan Tiyago si Linares at ang mag-asawang de Espadaña upang mamanhikan. Bagama’t namumutla at mahina si Maria Clara, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa pagpapakasal nila ni Linares at ang pagtangkang pagbibitay kay Crisostomo. Nasaktan si Maria Clara sa lahat ng narinig niya ukol sa mga ito. Subalit sabi ni Tinyente Guevarra na hindi mabibitay si Crisostomo sa halip mapapatapon lamang sa ibang lugar. Lumabas si Maria Clara sa azotea at nakita ang isang bangkang papalapit sa baybayin. Lulan ng bangka sina Crisostomo at Elias, bumaba si Crisostomo at lumapit kay Maria Clara at napangusap ang dalawa. Ipinalabas ang mga laman ng puso at isip. Matapos na mabatid ang katotohanan sa likod ng pagpapakasal ni Maria Clara, pinatawad ng binata ang dalaga at labis na nakadama ng kahabagan. Ilang saglit matapos na ipahayag na muli ang wagas na pag-ibig, umalis na si Crisostomo upang ituloy ang pagtakas. Umiyak si Maria Clara habang papalayo ang bankang sinasakyan ng sinisinta.

Kabanat LXI: Ang Habulan sa Lawa

Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Crisostomo na itatago siya sa bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi nito na itinago niya sa may puno ng balete sa libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may magamit ito sa pagpunta nito sa ibang bansa. Inalok ni Crisostom si Elias na sumama sa kanya dahil magkapatid na ang turing nila sa isa’t-isa ngunit tumanggi si Elias. Sa kanilang paglalakbay, may mga gwardiya-sibil na nakahalata sa kanila at pinagbabaril sila. Lumangoy si Elias sa tubig upang siya ang pagtuunan ng pansin ng mga gwardiya-sibil. Bago pa man ‘yon ay sinabi niya kay Crisostomo na magkita sila sa libingan ng nuno nito. Lumipas ang ilang oras, isang mananawagan ang nagbalitang nakakita siya ng bahid ng dugo sa tubig.

Kabanata LXII: Ang Pagtatapat ni Padre Damaso

Nabasa ni Maria Clara ang nangyaring barilan sa lawa kung saan ibinalita na napatay si Crisostomo Ibarra. Pamaya-maya dumating si Padre Damaso na hinilingan kaagad ni Maria Clara na pigilan ang kanyang pagpapakasal kay Linares. Sinabi ni Maria Clarana ngayong patay na ang kanyang iniibig walang sinumang lalaking kanyang pakakasalan. Ayon kay Maria Clara, dalawang bagay na lamang ang kanyang pagpipilian, ang kamatayan o ang pagpasok sa kumbento bilang mongha. Walang nagawa si Padre Damaso kundi payagan na pumasok si Maria Clara sa kumbento sa halip na kamatayan ang piliin ng kanyang anak. Matapos nito ay umalis na si Padre Damaso na malungkot at nakayuko at nagbubuntunghininga. Winika niya na siya na lamang ang parusahan ng Diyos at huwag ang kanyang anak.

Kabanata LXIII: Ang Noche Buena

Nagpaalam na si Basilio sa mag-anak na kumalinga sa kanya upang balikan ang kanyang inang si Sisa. Hinanap ni Basilio ang ina nang hindi niya ito makita sa kanilang tahanan at nakita niya ito sa tapat ng bahay ng alperes. Si Sisa ay umaawit ng walang katuturan. Nang makita ni Sisa ang gwardiya-sibil, kumaripas ito ng takbo. Hinabol ni Basilio ang ina hanggang makarating ito sa gubat kung saan mayroong libingan. Niyakap ni Basilio ang ina na nakilala siya bago ito nawalan ng malay tao at nawalan din ng ulirat si Basilio at nang mahimasmasan siya, nakita niyang patay na ang kaniyang inang si Sisa. Lumapit ang duguang si Elias kay Basilio at sinabing kunin ang tinago niyang yaman. Pinayuhan din ng binata na

(7)

mag-aral at magtapos si Basilio gamit ang mga salapi. Bago malagutan ng hininga si Elias, sinabi niya kay Basilio na sunugin ang kanyang labi at ng sa ina nito.

Kabanata LXIV: Ang Katapusan

Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria Clara, nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila. Namatay si Padre Damaso sa sama ng loob. Sa kabilang dako, si Padre Salvi habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay nanungkulan pansamantala sa kumbento ng Sta. Clara na pinasukan ni Maria Clara. Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila. Ilang linggo naman bago naging ganap na mongha si Maria, si Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto, naging mapag-isip at nawalan ng tiwala sa mga kaninuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na ito sa Malabon o sa San Diego sapagkat gusto na lamang mabuhay mag-isa.

Referensi

Dokumen terkait

Dito pa lang po ay matatatanto na natin kung gaano ang paghahangad niya na ito ay malathala dahil alam po niyang ito ang susi para sa isang mapayapang paraan ng pagkakamit

Hindi umimik ang pari at sa halip ay tinagubilinan niya si Kapitan Tiyago na ipahanda kay Tiya Isabel si Maria sa isang pangungumpisal muli sa gabing iyon at bibigyan niya ng

Pero, sinabi ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina sapagkat ipikikita niya ang maraming latay na likha ng pagpalo ng kura at ang bulsa niyang butas-butas na walang

Iniurong ni Padre Camorra ang kanyang katawan na wari’y may pagkasuklam, 13 si Padre Salvi ay tuminging malapit na wari’y nakaaakit sa kanya ng mga bagay na ukol sa libingan; 14

Datapwa·t n Datapwa·t nang mapilitan ang mapilitan siyang magpa siyang magpalabuy-laboy  labuy-laboy  sa mga bayan-bayan, hindi na upang humanap ng isang sa mga

IBARRA, MARIA CLARA, PADRE SALVI, PADRE DAMASO, PADRE SIVYLA, KAPITAN TIYAGO, TINYENTE GUEVARA, DOÑA VICTORINA, SISA, BASILIO, ALALAY, ALALAY2, GWARDYA, ELIAS, SCENE 1.. Tahimik

Ang tatlong pulseras na brilyante na hiningi kay Simoun upang ipakita sa kanyang asawa ay hindi sadyang para rito, kaawa-awang Indiya na nakukulong sa isang

Pati si Kapitan Tiyago ay magiging excomulgado kung hindi niya sisirain ang kasunduan ng kasal nina Maria Clara at Ibara.. Ni hindi na maaaring kausapin ng binata si Maria