• Tidak ada hasil yang ditemukan

Pagsusuri sa kwentong METRO GWAPO

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Pagsusuri sa kwentong METRO GWAPO"

Copied!
10
0
0

Teks penuh

(1)

Japeth Purisima Guro: Dr. Domingo Cabarteja

BSED-III

Asignatura: Panunuring Pampanitikan

Pagsusuri sa Maikling Kwentong “ Metro Guwapo” May Akda: Michael S. Bernaldez

1. Tauhan –

Michael s. Bernaldez – Ang may akda sa kwento. Ang kwentong ito ay napapatungkol sa personal na karanasan ng may akda kaya’t ang pangunahing tauhan sa kwento niya ay siya mismo.

2. Tagpuan –

Ang unang kwento ay tungol sa karanasan sa kanyang personal na pagtulog sa kanyang kwarto, kaya’t ang kwentong ito ay nakatuon lang doon sa kanyang mga karanasan sakanyang kwarto. Ang

pangalawang kwento ay kalipunan ng kanyang mga simpleng karanasan sa buhay, sa araw na ito. May naganap sa Mall, sa isang bilihan ng mga libro, sabihin na nating sa National Book Store, hanggang sa Sinehan.

3. Tema –

Ang tema ng kwento ay personal. Ito ay tungkol sa mga

personal na karanasan at mga personal na pag-interpreta sa kanyang mga nararanasan sa araw-araw. Ang kwentong ito ay makabago ang tema, dahil ito ay umiikot sa mga makabago ring karanasan ng may akda ng kwento. Ang ilan sa kanyang mga karanasan ay katulad ng panunuod ng sine, pagpunta sa Mall sa araw ng Holidays at ilang mga simpleng bagay katulad ng karanasan sa pag-ihi sa isang

pampublikong palikuran. 4. Paksa –

Ang paksa ng kwentong ito ay nakapaloob sa pagsisiwalat ng kanyang mga personal na interpretasyon sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Ito rin ay ang nakakaaliw na paglahad ng kanyang mga karanasan, kahit na ito’y napasimple, ito parin ay nakakapag bigay ng aliw sa mambabasa.

5. Simbolismo –

Isang magandang simbolismo sa unang kwento ay ang “Tulog”. Ito ay sumisimbulo sa pagpapahinga ng isang tao, o ang pagbibigay ng tao sa kanyang sarili upang mapag-isa at makapag-isip ng kanyang mga problema. Ito rin ay maaring simbolo ng katamaran dahil ayon na rin sa kwento, nagagawa lang ito ng mau akda dahil sa wala siyang trabaho, kaya’t ginugugol nalang niya ng malaki ang kanyang oras sa pagtulog. Sa isang kwento naman ay “Sine”. Ang simbolismong ito ay tumutuloy sa kalayaan ng isang tao na maipahayag o kaya naman ay maisiwalat ang kanyang nadarama sa isang partikular na sitwasyon sa kanyang buhay. Sa isang sinehan…madilim, pero may kalayaan upang

(2)

masabi ang nadarama sa pinapanood. Kung kaya ito isang malinaw na simbolo ng kalayaan.

6. Layunin ng

Awtor-Isang malinaw na layunin ng awtor ay maipakita sa mga mambabasa na ang mga simpleng bagay na nararanasan ng isang simpleng tao ay maaring kapulutan ng aral at gawing kawili-wili ito. Sa kwentong ito, pinakita ng awtor ang kanyang masining na

pagpapahayag sa kanyang mga karanasan. 7. Kakintalan –

Naiiwan sa isipan ng mambabasa ang kasiyahan sa mga maliliit na bagay. Ang mga maliliit na bagay, bagamat sila ay “Maliit” lamang, nagbibigay naman ito ng kasiyahan, o masasayang memorya sa mga mambabasa. Nag-iiwan din ito ng mga papanaw na sa bawat gagawin, ay may mga matututunan, o kaya naman’y mga bagong karanasan na nagbibigay ng aral, o kaya naman ay leksyon.

8. Pagsusuri –

Ayon naman sa aking pag-unawa,ang akdang ito ay nagpapakita ng masayang mga kwento na nagmumula sa mga pinaka-simpleng mga pangyayari sa buhay ng isang tao. Isang matututunan ay ang pagiging mapag matyag sa mga pangyayaring nagaganap sa buhay natin, dahil sa mga ito, nakakakuha tayo ng mga bagong kaalaman. Nakikita rin dito ang mga nakakatuwang mga pahayag na napaka-personal ngunit ito naman ay nakaka-dagdag sa pagka- unique ng istorya, kung kaya’t hindi nakakapagtakang ito ay nanalo sa PALANCA AWARDS.

(3)

Japeth Purisima Guro: Dr. Domingo Cabarteja

BSED-III

Asignatura: Panunuring Pampanitikan

Pagsusuri sa Maikling Kwentong “ Si Intoy Syokoy ng Kalye Marino” May Akda: Eros Atalia

1. Tauhan –

Intoy Syokoy – pangunahing tauhan sa kwento. Mang Amor - ang amo ni Intoy Syokoy

Bertong Baka – ang kababata ni Intoy na ka-apartment din niya.

Doray Langaw – ang babaeng kinahuhumalingan ni Intoy. Kababata rin ito ni Intoy.

2. Tagpuan –

Kalye Marino, Cavite – ang pangunahing lugar sa kwento. Ito ay isang lugar na malapit sa dagat. Ang lugar na ito ay puno ng mga squatters na nagtipon-tipon upang mamuhay at managana sa lamang dagat. Ito ay malapit sa dating Kampo ng mga Amerikano na lumipat na sa Olongapo City.

Dalampasigan ng Kalye Marino – dito rin umiikot ang

malaking parte ng kwento kay Intoy Syokoy. Lugar na pinagkukuhanan ng ikinabubuhay ni Intoy.

3. Tema –

Ang tema ng kwento ay sa Personal na Lebel na pag-iisip, ito’y may mga maseselan na pinag-uusapan. Ang tema pa ng kwentong ito ay tungkol sa naiibang kaisipan tungkol sa pag-ibig. Ito ay may mga maseselang bahagi na mga Adult lamang ang dapat na nakaaalam. 4. Paksa –

Ang paksa ng kwentong ito ay nagpapatungkol sa karanasan ng isang binata na nagbibinata. Ang mga simpleng pag-babago ng

damdamin tungkol sa isang tao o opposite sex na nakakapagpa-lito sa isip ng binata. Ito rin ay kwento ng sosyal na pagkakaiba ng mga tao, si Doray na naglalako ng “tilapia”, si Intoy na pinagkaitan ng

pagkakataon na alagaan ang sarili ay tampulan na rin sa kanilang lugar dahil sa kanyang mala “syokoy” na anyo. Ang kanilang

pangsosyal na kaanyuan ay nagbigay sa kanila ng unique na identidad na nagbigay kulay sa kwento.

(4)

5. Simbolismo –

Isang napaka-obvious na simbolismong ginamit sa kwento ay ang “Tilapia” ni Doray. Ito ay sumisimbolo ng kalakal ng laman na inilalako nitong si Doray. Ito rin ay nagsasaad ng kaawa-awang

kalagayan ng buhay ng pamilya ni Doray, at ng personal na kalagayan ni Doray. Ang tilapiang ito ay nagbibigay buhay sa kanilang pamilya, pantawid gutom o kaya naman ay hanap-buhay na nitong si Doray. Sumisimbolo rin ito sa Personal na kalagayan ni Doray, ano na kaya ang tingin niya sa kanyang sarili?

6. Layunin ng

Awtor-Isang malinaw na layunin ng awtor ay maipakita sa mga mambabasa na sa likod ng mga pantasyang animo’y sa panaginip lang, ay nagkaka-totoo rin naman. Layunin ng awtor din ang maipakita ang historikal na kalagayan ng isang lugar. Ipinakita sa kwento ang pagbabago ng isang lugar dahil sa trabaho, ang unti-unting pag-lobo ng papulasyon dahil sa kasaganaan. Ayon sa kwento, unti-unting dumami ang mga tao sa Kalye Marino dahil sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa, at partikular sa pag tayo nila ng Kampo. Kung kaya’t nakuha ng kalye ang ngala nito dahil sa mga Amerikanong Marino na nagtitipon sa lugar. Unti-unti ring dumami ang mga

establisyemento tulad ng mga sinehan, groceries, at kung anu-ano pa. 7. Kakintalan –

Naiiwan sa isipan ng mambabasa ang pagkamapusok. Yun naman ang isang tema ng kwento, dahil naman sa mga salitang ginamit at paglalarawan sa dalawang pangunahing tauhan na sila Doray at Intoy. Nag-iiwan din naman ang kwento ng kakaibang

kaisipan tungkol sa pag-ibig, na walang pinipiling tao o kaya naman ay edad. Ayun lamang, ang kwento ay tumatalakay sa mga maseselang mga salita na tumutukoy sa Sex, at ilang mga maseselang mga sitwasyon na pang-matanda lamang.

8. Pagsusuri –

Ayon naman sa aking pag-unawa,ang akdang ito ay nagpapakita ng mga sitwasyon, o mga usapang pang lalaki na

nakakapag-bigay ng pagwalang-hiya sa mga babae. Hindi ko mawari kung anong pumasok sa kokote ng mga tagapamuno ng Palanca Awards upang papanalunin ito sa naturang kategorya ng Awards. Bukod sa ito ay may napakasimpleng kwento, ito pa ay naglalaman ng mga maseselang salita na hindi karapat-dapat sa mga “mura” ang pag-iisip, dahil ito ay magbibigay sa kanila ng kakaibang pagtalakay tungkol sa mga babae, at ang mga isyung tumatalakay sa kanila.

(5)

Bagamat ito ay nagtataglay ng ganitong mga bagay, ito naman ay nagtataglay ng mga malalalim na salita at kataga na nakakapagbigay ng tulak sa kanilang isipan upang lalong pagibayuhin ang pag-aaral ng mga salita sa Filipino.

(6)

Japeth Purisima Guro: Dr. Domingo Cabarteja

BSED-III

Asignatura: Panunuring Pampanitikan Pagsusuri ng Tulang “ANINO” May Akda: Alwynn C. Javier

Ang Anino ay akda ni Alwynn C. Javier. Ito ay may anim na saknong na

binubuo ng mga piling salita. Kung papansinin natin, ang elemento ng tulang ito ay di kumpleto, sapagkat wala itong sukat at tugma na tinataglay ng isang tulang Poesya, kung kaya't ito ay isang tulang tuluyan. Bagamat ganito ang kanyang anyo, masasabi pa rin natin na ito ay mahusay na tula, dahil bawat saknong, piling-pili ang mga salita at pangungusap upang bigyang kahulugan ang kabuuang paksa ng tula. Ang mga salitang ginamit ay matayutay, kung kaya't ito ay isang matulaing palawikaan.

Ang balangkas ng tula ay tungkol sa isang mag-asawa, na ayon sa tula ay kasalukuyang natutulog sa kanilang silid. Hindi binanggit ang pangalan ng mag-asawa. Sa istorya, ang asawang lalaki ay nagising sa gitna ng gabi at napansin niya ang isang anino ng malaking Mama na gustong pumasok sa kanilang silid. Umiikot ang tema ng tula sa pakikipaglaban, o pakikipag sapalaran sa nasabing anino. Narito ang masusing pagsusuri sa bawat saknong ng tula:

Unang Saknong:

Dumating siya mahal, habang tulog ka. Malaking anino ng isang mama, nakadungaw sa bintana.

Di ko man makita ang kanyang mata, alam kong sa akin nakatuon ang kanyang muwestra – nakadekwatro kahit lumulutang, naninigarilyo, hinihimas ang

namimintog na tiyan.

Ipinakita sa unang saknong ang pakikipag-usap ng persona sa kanyang asawang babae na animo'y nakasulat sa isang papel na binabasa nalang ng babae pagkatapos ng insidente. Nasa unang saknong ang pangunahing anyo o itsura ng aninong nakita ng lalaki. Isinaad din dito ang lugar sa silid kung saan nakita ng lalaki ang anino. Ito ay sa bintana ng kanilang silid. Ang anino ay lumulutang, naninigarilyo, at hinihimas ang namimintog na tiyan. Nagpapakitang ang anino'y sadyang ipinapakita ang sarili sa lalaki.

Pangalawang saknong:

sumampa siya sa bintana mahal, at nagpamalas ng mga kagila-gilalas na hiwaga, sigarilyong naging magabang setro, usok na naghugis kabayo, sipol

na naghatid ng ginintuang karwahe, palad na nagsabog ng limpak na salapi. Sa partikular na saknong na ito, ipinamalas na ng anino ang mga kamangha-mangha niyang kakayahan sa lalaki, na animo'y inaakit ito sa kung ano. Unti-unti na rin niyang ipinapakita kung ano ang kanyang nais sa mag-asawa. Sumampa na ang anino sa bintana ng kanilang silid, nagpapakita ng kanyang tapang ng loob upang pasukin ang mag-asawa sa kanilang pribadong lugar.

(7)

Pangatlong Saknong:

Nag-antanda ako para mawala ang pangitain. Nagpatuloy lamang siya sa pag-eengganyo sa akin.

Papasukin ko raw siya sa ating silid, at malulutas ang ating mga suliranin. Wala akong dasal, walang iaambang crus, walang kwintas na bawang o isasaboy na

asin -

kung kaya't nagpatumpik-tumpik kung sasambitin ang isang lihim na hiling. Ipinakita ng lalaki anh mga kaalaman nito upang itaboy ang aninong

gumagambala sa kanila. Ang aninong ito ay pilit paring ini-engganyo ang lalaki sa kanyang mga kamangha-manghang kakayahan. Pilit parin siyang pinipilit na papasukin sa kanilang silid. Iminungkahi nga ng aninong ito na papasukin na niya ito sa kanyang silid at ang kanilang personal na mga suliraning mag-asawa ay mabibigyang kasagutan na. Manapat ating mapag-tatanto na ang mag-asawang ito ay may problema sa pera. Kung kaya't ipinakita ng anino ang kanyang kakanyahan para lutasin ang kanilang problema. Pumasok na rin sa isip ng lalaki na patusin ang alok ng anino upang malutas na ang kanilang suliranin, ngunit hindi parin ito

pumayag sa udyok ng anino. Pang-apat na Saknong:

Bigla kang bumalikwas mahal, at napalundag siya palabas ng bintana. Nagpalutang-lutang siya hanggang mulikang maghilik. Ang babala noon ng aking

ama,

huwag tumitig sa mukha ng multo at mamamatay ka pagdating ng umaga. Ano't ano pa,

nakapagpasya na ako sa nararapat na pithaya. Ipinakita rito sa saknong na ito ang mga iniisip ng lalaking asawa. May nagbabadyang mangyayari rito dahil sa anyong pa-suspense.

Pang-limang Saknong:

Dinampot ko ang baril at hinintay ko ang kanyang pagbabalik. Inasinta ko siya ng pailalim habang kunwa’y pinapasok sa silid. Di man nakakasayad ang kanyang mga

paa,

umalungog na ang putok ng bala at umalingawngaw na ang malulutong na mura. Patawad mahal at nagising ka.

Narito na nga ang pinaka-sukdulan sa tula, na nagsasaad ng pangyayari. Binalak ng asawang lalaki na patayin ang aninong kanyang nakita. Binaril nga niya ito.

(8)

Pang-anim na Saknong:

Tumindig ako kung saan siya natumba, ngunit nagulantang ng mapatitig sa duguan niyang mukha

- hayun ang aking mata, dilat na dilat kahit lumuluha,hayun ang aking bibig, nakangisi kahit bumubula.

Masdan mo mahal ag aking itim na kaluluwa – inangkin ng isang aninong alam kong hindi, hindi na aabutan ng unaga.

Nagising ang kanyang asawa sa alingawngaw ng putok ng baril, at nagulantang sa pangyayari. Higit na nakakapagtaka ang nakita ng lalaki sa

duguang mukha ng kanyang binaril, kamukha ito ng lalaki… nagsasabing marahil ito ang kanyang sarili. Marahil pinatay niya ang kanyang sarili bago pa nagising ang asawa niyang babae. Isang ispiritu nalang ang nagsasalita sa tula.

Japeth Purisima Guro: Dr. Domingo

Cabarteja BSED-III

Asignatura: Panunuring Pampanitikan Pagsusuri ng Tulang “Feel – ko−lang” May Akda: Renato L. Santos

Ang tulang ito ay binubuo sa pamamagitan ng mga salitang mahirap maintindihan. Binubuo ito ng mga salitang Balbal o mga salitang Kalye, Gay Language at marami pang iba. Binubuo rin ito ng mga salitang magkahalong English at Tagalog, at dumagdag pa ang walang ayos na anyo nito. Ang mga

salitang ito ay halos mga moderno at piling-pili para kunin ang atensyon ng bagong henerasyon. Malaya ang anyo ng tulang ito, tuluyan sa ibang salita. Lubhang

napakahirap siyang intindihin dahil sa mga salitang ginamit, paraan din ng

pagkakagamit ay di pangkaraniwan. Nagbunga ito ng halo-halong ideya sa bawat saknong. Narito ang pagsusuri sa bawat saknong.

Unang Saknong:

Ang unang saknong ay nagpapakita ng kabagutan ng may akda, ipinakita rin sa pamagat ng tulang ito na “Feel – ko – lang” na kung ano ang maisip ng may akda ay okey lang kasi “Feel” lang niya kasing isulat. Isang mensaheng makikita sa

unang saknong ay kapag nahuli ka sa kasalanan mo, napakasakit. Inilarawan na parang linuluto ka sa sarili mong mantika at inilarawan din na tagos ito sa puso. Pangalawang Saknong:

Ang pahayag na ”sustansyang banayad si Batman at Mickey Mouse” ay nagsisimbolo sa mga mayayaman na kapag nag “dominus vobiscum” ay patay! Ibig sabihin ay kapag na-scum ay patay! Ipinakikita ng manunulat ang kanyang

kakayahan sa pagbuo ng salita upang mabuo at mapalabas ang kanyang ideya. Pangatlong Saknong:

(9)

Ang saknong na ito ang pinakamagulo sa lahat, dahil na rin sa hirap ng mga salitang ginamit at pahayag na magkakaiba ang ibig sabihin. Ang isang ideyang nakita ko sa saknong na ito’y tungkol sa tagumpay. Hindi nararapat na bilisan o madaliin ang isang bagay, sapagkat ang lahat ng bagay ay may panahon, at may sariling pagkakataon. Si Mang Leonardong tagaMalabon ang ginawang simbolo ng manunulat sa saknong na ito, na gumawa ng isang bapor, ngunit ng natapos di naman napalutang.

Pang-apat na Saknong:

Ang saknong na ito ang pinakamaikli, ngunit siyang pinakamagulo. Wala akong mapulot ni isang ideya sa saknong na ito. Wala na sa utak ang gumawa ng tulang ito. Sa sobrang “Random” ng kanyang mga pinagbabanggit, wala na akong maintindihan kahit isa. Ang utak ko’y sasabog na sa kakaisip kung ano pa ang masasabi ko, wala na! hindi ko mawari kung papaano nanalo ito sa Palanca.

Japeth Purisima Guro: Dr. Domingo

Cabarteja BSED-III

Asignatura: Panunuring Pampanitikan

Pagsusuri sa Dulang “Satanas sa Lupa” 1. Tagpuan:

Madilim na lugar, tanggapan ni Benigno sa Kongreso, isang bar sa Maynila, at bahay ni Chona.

2. Tauhan:

Benigno – (pangunahing tauhan), isang mayamang Kongresman, babaero, sugapa sa pera at kapangyarihan.

Chona – ang kabit ni Benigno. Conrado – anak ni Benigno. Balbino – ka-sosyo ni Benigno.

Caprio – ang nagturo kay Benigno ng anumalya at pandaraya. Satanas – ang pilit na kumukuha ng kaluluwa ni Benigno. 3. Buod:

Ang kwentrong ito ay naglalarawan ng pagkakamali ng isang tao. Inakala ni Benigno na tama ang lahat ng kanyang ginagawa, dahil para sa kanya, ginagawa lang naman niya ito para sa kanyang

pamilya. Ito rin ay ang pakikipag-usap niya kay Satanas na pilit

kinukuha ang kanyang kaluluwa. Ipinakita at ipinaintindi ni Satanas sa kanya ang bawat pangyayari sa buhay niya, ang bawat pagkakamali katulad ng pagiging sakim sa pera at panggigigil sa kanyang

kapangyarihan sa Kongreso, kanyang pakikipagrelasyon sa ibang babae at pagpapabaya sa kanyang asawa’t mga anak. At sa huli,

(10)

nakuha rin ni Satanas ang kanyang kaluluwa, habang siya’y di makapaniwala sa kanyang sinapit.

4. Simbolismo:

Ang Satanas na binabanggit sa kwento ay sumisimbolo sa lahat ng kasamaan sa mundo. Ito ay maaring sa pera, kapangyarihan at pagkamasarili. Sinisimbolo nito ang kawalan ng disiplina ng tao, at pagpapakita ng kasakiman ng tao. Sinisimbolo rin nito ang kahinaan ng loob at pagpapadala sa udyok ng isang tao sa mabilis na asenso sa buhay, gaya ng isinalarawan sa kwento.

5. Layunin ng Awtor:

Layunin ng awtor na gisingin ang diwa ng mga mambabasa tungkol sa katotohanan. Ang katotohanan na walang sekretong di nabubunyag. Itago man ito ng itago, sisingaw at sisingaw pa rin. Ang kwentong ito, kahit na napaka simple at napaka-common na, meron paring dlang tuwa at pananabik dahil sa mga tauhan na nabigyang ng diin at ang kabuuang mensahe ay maayos ang pagkakalahad.

Binigyang diin ang dalawang pinakapangunahing tauhan upang maipakita ang kontrast ng mga tauhan.

6. Kakintalan:

Tumatak sa isip ng mga mambabasa ang mga pangyayaring naganap sa buhay ni Benigno. Ang kanyang mga maling desisyon na nagtulak sa kanya upang masapit kanyang kasalukuyang kalagayan sa piling ni Satanas impiyerno. Nararapat ba kay Benigno ito? Oo,

nararapat sa kanya ito. Kinapulutan din ng aral ang pagkasakim sa pera. Walang tunay na tuwa sa pera, bagkos kalungkutan at sakim lang ang nagiging bunga sa mga sugapa rito.

7. Pagsusuri:

Base sa aking sariling pag-unawa, ang kwentong ito ay nagpapakita sa kasimplehan ng isang bagay, maliit man ay

nakakapuwing pa rin. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ay napakapayak sa uang tingin, ngunit pag sinuring maigi, makikita ang plot ng kwento at kapag pinagkabit-kabit na, makikita ang kagandahan nito. Maganda ang pagkakagawa ng karakters sa dulang ito, partikular na sa dalawang pangunahing tauhan na sina Benigno at Satanas. Binigyang diin ng manunulat ang kabuang karakter ni Benigno na animo’y nagmamaang-maangan pa sa kanyang mga kasalanan at sa huli pinagsisihan ang mga ito, ngunit huli na ang lahat.

Referensi

Dokumen terkait

pangungusap' ang ga titi at salitang dapat isaayos tungo pangungusap' ang ga titi at salitang dapat isaayos tungo sa isang aahulugang 0alangas ng pag0a0atid ng dia,

Sumasalamin ang portfolio sa paghahalaga ng isang mag-aaral kaya naman matinding pagtitiyaga ang kailangan sa paggawa nito.... Nilalaman

Sa pagpili ng paggamit ng code-switching, mayroong iba‟t ibang kadahilanan ang mga tagatugon at ito ay dahil sa hindi naman nila intensyong gamitin ang code-switching, ito na

uusap, lebel ng ingay, agwat o espasyo sa pagitan ng dalawang nag-uusap at maging dalawang nag-uusap at maging ang oras. Ang bawat isa sa ang oras. Ang bawat isa sa mga salik

Dahil nga sa nagiging matamlay, pagkakaroon ng negatibong pananaw sa buhay at kawalan ng interes o kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang mga gawain ang isang mag-aaral, hindi na

Ayon sa isang pantas: Isang paslit ang nagtapon Ng ngipin doon, nangarap ng isang halamang mamumulaklak Na hindi pa natutuklasan sa buong mundo.. Pugad ng salot, ayon sa albularyo

Sa pagsasadiwa ng Patakarang Pangwika, isang bagong kategorya sa Gawad Chanselor ang binuo, ang “Natatanging Mananaliksik sa Filipino.” Pangunahing layunin nito na kilalanin ang mga

Ang core na argumento ng isang transitibong konstruksyon ay binubuo ng dalawang gramatikal na argumento, kung saan ang pinanggalingan ng aksyon ay magkaiba at distintibo sa