• Tidak ada hasil yang ditemukan

Introduksyon Sa Pag-Aaral Ng Wika (SINTAKS)

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Introduksyon Sa Pag-Aaral Ng Wika (SINTAKS)"

Copied!
13
0
0

Teks penuh

(1)

INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA

(Fil 201)

SINTAKS

SINTAKS

 pag- aaral ng istruktura ng mga pangungusap

 pagsasama- sama ng mga salita para makabuo ng mga parirala o mga pangungusap  may kinalaman sa sistema ng mga tuntunin at mga kategorya na batayan sa pagbuo ng

pangungusap

 Malikhain at sistematiko ang sintaks ng isang gramar. Nakapagsasama- sama ang mga ispiker ng isang wika ng mga salita para makabuo ng mga pangungusap.

PAMANTAYANG PANG- GRAMATIKA

 tamang kombinasyon ng mga salita sa pagbuo ng mga pangungusap

 Kung hindi ayon sa pamantayang pang- gramatika ang isang kombinasyon ng mga salita, hindi ito grammatical. Sinasabing gramatikal ang anumang nasasabi kapag tinatanggap ng mga taal na ispiker na tama ito sa wika nila.

Suriin:

 binulsa ko ang mabangong bahay’

 bumulsa ko ang mabangong panyo

 Ibinulsa ko ang mabangong panyo.

 Walang nilabag na pamantayan sa gramatika ang una, pero hindi ito katanggap- tanggap sa sinumang taal na ispiker dahil wala itong kabuluhan.

 Bagama’t may saysay at maaaring maintindihan ang ikalawa, may nilabag naman itong pamantayan sa gramatika.

 Kung gayon, ang ikatlong pahayag lamang ang tinatanggap ng taal na ispiker ng Tagalog.

*bagay- Ang

*pandiwa- panlaping i-, hindi -um-Halimbawa:

 Tumira nang matagal sina Ramon sa Amerika.

 Sa Amerika tumira sina Ramon nang matagal.

 Amerika tumira sa Ramon matagal sina nang

 Bagama’t magkahawig ang una at ikalawa, may pagkakaiba ang mga ito sa puntong gusto nitong bigyan ng diin.

 Hindi gramatikal ang ikatlo kahit binubuo ito ng mga salitang mayroon sa unang dalawang pahayag. Wala itong linggwistik na kahulugan.

(2)

TANDAAN:

 Kahit sunud- sunod na mga morpema/ salita ang pangungusap, hindi pangungusap ang lahat ng mga sunud- sunod ng mga morpema.

 Itinatakda ng mga pamantayan ng sintaks o gramar kung paano nagsasama ang mga morpema/ salita upang magpahayag ng isang partikular na kahulugan.  Kapag alam natin ang isang wika, alam natin kung aling mga kombinasyon ng

mga morpema/ salita ang sumusunod sa mga sintaktik na pamantayan nito at kung alin ang mga hindi.

Gramatikal na pangungusap

 Ang mga string, mga pinagsusunod- sunod na salita, na hindi lumalabag sa mga sintaktik na pamantayan ng isang wika.

*** hindi naman gramatikal ang pangungusap kung lumalabag sa mga pamantayan.

 Ang mga pangungusap ay hindi lang mga sunud- sunod na string ng mga salita/ morpema dahil sumusunod ang mga ito sa mga partikular na anyo na itinakda ng mga sintaktik na pamantayan ng wika.

 Bahagi ng kakayahang pang- linggwistika ng taal na tagapagsalita ang kakayahang bumuo at kumilala ng mga tamang pangungusap at masasabing ang sintaks ay deskripsyon ng sintaktik na kakayahan ng taal na tagapagsalita.

TRANSPORMASYON NG MGA SINTAKS

 Ito ang pinakapopular at pinakakilalang dulog sa pag- aanalisa ng sintaks sa kasalukuyan. Bagama’t hindi nagkakasundo ang maraming linggwist tungkol sa iba’t ibang anyo ng dulog na ito, laganap itong ginagamit sa linggwistiks, gayundin sa ibang disiplinang may kinalaman sa wika.

Mga Kategorya Sa Lebel Ng Salita

Mga sintaktik na kategorya:

Noun - N Verb- V Adjective- A Preposition- P Adverb- Adv

o Mahalaga ang mga ito sa pagbuo ng mga pangungusap. Madalas din itong tinatawag na Leksikal na kategorya.

Pantungkuling kategorya:

Determiner- Det Auxilary Verb- Oks Conjunction- Kon Pandegree- Dig

(3)

o Masmahirap bigyan ng kahulugan at pakahuluganan sa ibang pangungusap ang mga ito kaysa sa mga leksikal na kategorya.

Halimbawa:

Noun (‘bundok’) Ingles: mountain Kastila: monte Hapon: yama

o Masmadaling ipaliwanag ang kahulugan… (leksikal na kategorya)

Halimbawa: Kaysa… Determiner (‘ang’) Ingles: the Kastila: el/ la Auxilary Verb Ingles: would Kastila: ser/ estar Hapon: desu

 Hindi laging madaling malaman ang kategorya ng mga elemento sa isang pangungusap. Isang pagkalito sa klasipikasyon ng mga salita ang pagiging alanganin ng ilang mga anyo tungkol sa kategorya ng mga ito.

Halimbawa:

a. Maria found a toy.

(Nakakita si Maria ng laruan.) b. Maria toyed with her hair.

(Pinaglaruan ni Maria ang kanyang buhok.)

***Ginamit ang ‘toy’ bilang noun sa unang pangungusap, bilang verb naman sa ikalawa.

Halimbawa:

a. I stood near the door.

(Tumayo ako malapit sa pintuan.) b. They neared the end of the line.

(Lumapit sila sa dulo ng linya.) c. We are near relatives.

(Malapit kaming magkamag- anak.)

***Ginamit na preposition ang near sa una, verb sa ikalawa, at adjective sa ikatlo.

Pag-alam sa kategorya ng isang salita:

 Maaaring maipaliwanag sa iba’t ibang paraan ang mga kahulugang maiuugnay sa mga leksikal na kategorya gaya ng noun at verb…

Halimbawa:

‘an intelligent witness’

(4)

*** Ang tipikal na gamit ng isang adjective ay ang pagpapahayag ng katangian o atribyut ng isang noun. Inatribyut natin ang katangiang intelligent sa noun na

witness. Halimbawa:

a. Roy slept well.

(Mahimbing na natulog si Roy.) b. Roy slept early.

(Maagang natulog si Roy.)

***Tipikal naman na ipinakilala ng mga adverb ang mga katangiang nababagay sa mga aksyong ipinapahayag ng mga verb.

***Ipinakita sa una ng adverb na well ang paraan ng pagtulog ni Roy, ang early naman sa ikalawa ay ang panahon nito.

 Ang kahulugan ng isang salita ay hindi palaging nagbibigay ng maliwanag na palatandaan ng pagkakabilang nito sa isang partikular kategorya.

 May mga abstract- noun na hindi nangangailangan ng anumang tao, lugar o bagay tulad ng beauty (kagandahan), kindness (kabaitan), temperament (pag- uugali).

 Bagama’t karaniwang mga verb ang mga salitang tumutukoy sa mga aksyon, may ilang mga verb na pwede ring gamiting bilang mga noun.

Halimbawa:

The ambush/ attack was reported at noon.

(Tanghali nang inireport ang pagtambang o pagsalakay.)

***Ang verb na ambush/ attack ay tumutukoy sa aksyon subalit ginamit na

noun.

Halimbawa:

I like/ am fond of pasta.

(Gusto ko ng/ Mahilig ako sa pasta.)

***Magkaiba ang mga category ng ilang mga salita na halos pareho ang

kahulugan. Pareho ang kahulugan ng like at fond, pero verb ang like habang adjective naman ang fond.

INPLEKSYON

Ang isa pang kraytirya na ginagamit sa pag-alam ng kategorya ng mga salita ay ang iba’t ibang panlaping inpleksyon na pwedeng gamitin. Bagama’t nakatutulong ang infpleksyon, hindi ito parating nagbibigay ng impormasyong kelangan para malaman ang kategorya ng salita sa Ingles.

Halimbawa:

Ang plural –s at possessive –’s ang mga panlaping na tinatanggap ng mga noun; ini-inflect ang mga verb sa tense sa pagkakabit ng past tense –ed at progressive –ing, at ikinakabit naman sa mga adjective ang comparative –er at superlative –est.

(5)

Hindi lahat ng mga adjective ay nai- inflect gamit ang comparative –er at superlative – est, gaya ng bader (mas masama) at badest (pinakamasama). Mayroon ding mga noun na karaniwang hindi ini- inflect sa pamamagitan ng plural –s katulad ng mga noun na nabibilang tulad ng dews (hamog) at clothings (mga damit) o ng ilang mga abstract noun, gaya ng intelligence (katalinuhan) at prorocol (protokol).

 Makikita na ang mga pangungusap ay hindi binubuo sa simpleng pagsasama- sama lang ng mga salita. May mga herarkiya na istruktura ang mga ito na binubuo ng mg grupo ng mga salita. Maaaring binubuo rin ito ng mas maliit pang grupo ng mga salita.

PARIRALA

Ito ay isa sa mga maliliit na grupo ng mga salita na masasabing nakapaloob sa herarkiya ng istruktura ng pangungusap. Kung titingnan ang internal na istruktura nito, malalaman na ang mga sangkap ay ang noun, verb atbp.

 Makikita ngayon sa internal na istruktura ng mga sintaktik na yunit na kasama ng mga noun, verb, adjective, at preposition.

MGA HEAD

Dalawang lebel ng istruktura ng pangungusap: 1. lebel ng salita at

2. lebel ng parirala:

Organisasyon ng Istruktura ng Parirala:

NP VP AP PP

N V A P

Mga Parirala na ang Posisyon ng Head lang may laman:

NP VP AP PP

N V A P

(the) cars (we) ate (I am) happy (we went) out (ang) mga kotse Kumain (kami) masaya (ako) (pumunta kami) sa labas

 Bagama’t pwedeng iisang salita lamang ang bumubuo sa parirala, madalas mayroon itong kasamang ibang mga elemento.

Halimbawa:

a. the children (NP) (‘mga bata’) b. could sleep (VP) (‘nakatulog’)

c. very beautiful (AP) (‘magandang- maganda/ napakaganda’) d. almost in (PP) (‘halos nasa loob’)

(6)

 Mapapansing bukod sa head (‘yong naka- bold), may iba pang salita na may espesyal na semantik at sintaktik na tungkulin ang mga parirala na tatalakayin pa lamang.

MGA SPECIFIER: Specifier

 Ito ay ang mga salitang tulad ng determiner na the, auxilary- verb na could, at mga salitang pan-degree na very at almost. Tumutulong ang mga ito para maging mas eksakto ang kahulugan ng head at karaniwang minamarkahan ang hanggan ng parirala.  Nasa kaliwa ng head o sa simula ng parirala ang mga specifier. Ang dalawang

elementong specifier at head ang bumubuo sa PS o Phrase Structure.

Mga Parirala na binubuo ng isang Specifier at isang Head

NP VP

det n Oks v

the children could sleep (ang mga bata) (nakatulog)

Mga Parirala na binubuo ng isang Specifier at isang Head

AP PP

dig A dig P very beautiful almost in (napakaganda) (halos nasa loob)

 Ang kategory ng specifier ay nag- iiba depende sa kategorya ng head. Ang determiner ang tumatayong specifier ng mga noun, ang auxilary naman ang specifier ng mga verb, habang ang salitang pan- degree naman ang specifier ng mga adjective at ng ilang preposition.

Suriin:

Hindi grammatical ang: a. the describe (Det + V) b. will description (Oks + N)

Halimbawa:

a. a story about the fairies (NP)

(‘isang kwento tungkol sa mga engkanto’) b. will read the newspaper (VP)

(‘magbabasa ng dyaryo’) c. Very tired of your questions (AP)

(7)

(‘pagod na pagod sa mga tanong mo’) d. Almost in the room (PP)

(‘halos nasa loob ng kwarto’)

*** Ang head ng bawat phrase, bukod sa pagkakaroon ng specifier, pwede ring magkaroon ng isang complement.

COMPLEMENT

 Ang elementong ito na pawang mga parirala din ay nagbibigay impormasyon tungkol sa mga entiti at mga lugar na ipinahihiwatig ng kahulugan ng head.

Halimbawa:

b. will read the newspaper (VP)

***ipinahihiwatig ng kahulugan ng verb na read na may object na babasahin- the

newspaper.

d. Almost in the room (PP)

***ini-imply ng kahulugan ng preposition na in na may isang lugar na kinaroroonan –the room.

 Kung sa kaliwa ng head ikinakabit ang mga specifier sa Ingles, sa kanan naman ikinakabit ang mga complement.

Mga Parirala na may Complement na (NP) Noun Phrase:

VP

OKS V NP

Det N

will read the newspaper (magbabasa ng dyaryo)

Mga Parirala na may Complement na (NP) Noun Phrase:

PP

dig p np

det n

almost in the room (halos nasa loob ng kwarto)

Suriin:

UNA: Ang complement ng verb na read ay NP na binubuo ng Det na the at ng head na newspaper. Bumubuo ng mas mahabang structural- unit ang NP na ito kasama ang verb at

(8)

IKALAWA: NP din (the room) ang komplement ng P na in na kapag kasama sa

preposition at specifier nitong salitang pan- degree, isang mas mahabang structural- unit ang resulta.

Mga Parirala na may Complement na (PP) Prepositional Phrase:

NP

Det N PP

P NP

A story about the fairies (isang kwento tungkol sa mga engkanto)

Mga Parirala na may complement na (PP) Prepositional Phrase:

AP

Dig A Pp

P NP

very tired of your questions (pagod na pagod sa tanong mo)

Suriin:

Dito, ang NP at AP ay binubuo ng isang specifier, isang head, at isang complement na PP. Binubuo naman itong PP ng isang head na P at isang NP na binubuo ng isang Det at isang Head na N.

Pamantayan sa Istruktura ng Parirala:

 Ito ang nagtatakda ng posisyon ng mg specifier, head, at complement sa iba’t ibang uri ng mga parirala.

(9)

Pamantayan sa istruktura ng parirala:

NP--- ((Det) N (PP)… VP--- (Oks) V (NP)… AP--- (Deg) A (PP)… PP--- (Deg) P (NP)…

 Mapapansin na parehong opsyonal ang mga specifier at mga complement.

Iba’t ibang uri ng Parirala:

*** Specifier-Head-Complement

VP

Oks V NP

may write a letter (maaaring sumulat ng liham)

*** Head – Complement

PP

P NP

in the room (nasa kwarto)

*** Specifier -- Head

NP

Det N

a girl (isang babae)

*** Head Lamang

(10)

V

read (bumasa)

 May mga pagkakapareho ang mga istruktura ng parirala na nabanggit. Ikinakabit ang specifier sa pinakamataas na lebel sa kaliwa ng head habang ikinakabit naman ang complement sa kanan.

 Pwedeng ilahat ang mga pagkakaparehong ito sa tulong ng X template kung saan ang head na X = N, V, A, o P

Modelo ng Istruktura ng Parirala:

XP

SPECIFIER X – HEAD COMPLEMENT

Pangkalahatang Pamantayan: XP- RULE

XP

SPECIFIER X – HEAD COMPLEMENT

 Tumatayo ang X = N, V, A, o P. Mas maikli ang XP rule na ito kaysa sa apat na mas tiyak ang na rule na unang ibinigay dahil ginagamit dito ang simbol na X.

PANGUNGUSAP

 Ito ang pinakamalaking yunit ng sintaktik na analisis. Binubuo ito sa pamamagitan ng pagsasama ng isang NP at VP at tinatawag itong subject.

Pamantayang- Pangpangungusap

(11)

SINTAKTIK NG ISANG PANGUNGUSAP S NP VP Det N Oks V NP Det N

the boy will win a prize (Mananalo ang bata ng premyo.)

MGA TEST PARA SA ISTRUKTURA NG PARIRALA

 Batay sa sintaktik na analisis na Transformational- Grammar, bumubuo ng mga intermedyal na yunit ng istruktura na tinatawag na mga parirala ang mga salitang bumubuo ng isang pangungusap.

CONSTITUENT

 Ang mga salita o isang pagtitipon ng mga salita na nagbubuo ng mas malaking yunit, tulad ng parirala o pangungusap

1. SUBSTITUTE TEST

 Isang ebidensya na sintaktik na yunit ang NP kung pwedeng palitan ito ng salitang tulad ng isang panghalip.

Halimbawa:

 That man is obnoxious and I can’t stand him. (NP)

‘Nakakasuklam ang lalaking iyon at hindi ko sya matagalan.’

 This book looks interesting. Is it yours? (NP)

‘Mukhang kawili- wili ang librong ito. Iyo ba ito?’

 Pinatutunayan din ng substitute test na isang sintaktik na yunit o constituent ang isang PP dahil pwede itong palitan ng isang salita tulad ng makikita sa sumusunod na halimbawa.

Halimbawa:

 We went to Boracay last year and we plan to go there again next year. (PP) ‘ Pumunta kami sa Boracay noong isang taon at pinaplano naming pumunta muli don ngayong taon.’

(12)

 He ran into the room. You can probably catch him there.

‘Tumakbo sya sa kwarto. Malamang maaabutan mo sya don.’

2. MOVEMENT TEST

 Isang patunay na isang constituent tulad ng PP ay kung pwede itong ilipat bilang isang yunit sa ibang posisyon sa loob ng pangungusap.

Halimbawa:

 We went to Boracay last year.

 To Boracay, we went last year.

‘Pumunta kami sa Boracay noong isang taon.. ‘Sa Boracay kami pumunta noong isang taon.’

Halimbawa:

 He ran into the room.

 Into the room, he ran.

‘ Tumakbo siya sa kwarto.’ ‘ Sa kwarto siya tumakbo.’

3. COORDINATION TEST

 Masasabing isang constituent ang isang grupo ng mga salita kung pwede itong idugtong sa ibang grupo ng mga salita sa pamamagitan ng pang- ugnay tulad ng and o or.

Coordination test

 Coordinate- test ang tawag dito dahil mga coordinate na istruktura ang mga patern na ipinagkabit ng isang conjunction. Magkaparehong mga kategorya lang ang pwedeng i- coordinate.

Halimbawa:

 My professor and his wife are coming over. (NP)

‘ Darating ang aking propesor at ang kanyang asawa.

 We will either watch a movie or eat out. (VP)

‘ Manonood kami ng sine o kaya kakain sa labas.

 She is very shy and a rather unhappy person. (AP)

‘Napakamahiyain at medyo malungkutin siyang tao.’

 I will study either in Japan or in States. (PP) ‘Mag- aaral ako sa Japan o sa States.

 He drive s very slowly and very carefully. (AdvP) ‘Napakabagal at napakaingat niyang magmaneho.’

Inihanda Ni:

Shiela Mae C. Gutierrez

(13)

Ipinasa Kay:

Dr. April M. Bagon- Faeldan

Referensi

Dokumen terkait

Ang Turismo bilang isang pangunahing aktibidad sa ekonomiya ay mayroong 5% bahagi sa kabuuang gastusin ng mga konsyumer. Nagbibigay ito ng mapagkukunan ng kita, mga

Sa pagpili ng paggamit ng code-switching, mayroong iba‟t ibang kadahilanan ang mga tagatugon at ito ay dahil sa hindi naman nila intensyong gamitin ang code-switching, ito na

pansamantala dahil nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag. Kabilang sa mga varayting permanente ay dayalekto at idyolek. Ang dayalekto ay batay sa

Kung pag-aaralan ang datos na nakalap mula sa isinagawang sarbey, hindi pa rin sanay ang karamihan sa mga mag-aaral ng UP gumamit ng e-textbook kahit marami

Ang araling pananaliksik na ito na pinamagatang “Pagdetermina ng mga Paraan ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral ng Unang Taon sa Kolehiyo sa Pamamagitan ng Sistemang VARK” ay

Ang Paaralang Bayan din ang naging isang tuntungan sa pagbubuo ng pederasyon ng mga homeowners association mula sa iba't ibang purok sa South Daang Hari na siyang mangunguna sa

Pumapa- ilalim ito sa akronim kung kinuha ang unang titik ng bawat salita upang bumuo ng katawagan halimbawa EJK o Extra-Judicial Killing, MSME o Micro, Small, Medium Enterprises,

Ipinapanukala naman ang babaylanismo bilang isang teoryang tutuon sa lakas ng kababaihan sa loob ng ekolohiya sa pamamagitan ng kaniyang pakikilahok sa mga ugnayan sa kapuwa, sa lipunan