• Tidak ada hasil yang ditemukan

PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN"

Copied!
21
0
0

Teks penuh

(1)

PAGGAMIT NG E-TEXTBOOK BILANG PANTULONG SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA UP DILIMAN

Chan, Jonathan P. 2012-58934

BS Molecular Biology and Biotechnology

Isang Pananaliksik Para sa asignaturang Filipino 40 Isinumite kay Dr. Jimmuel C. Naval

(2)

Dedikasyon

Nais pasalamatan ng mananaliksik ang lahat ng sumagot sa kanyang sarbey lalo na sina Erricka Calvelo at Jeremil David sa kanilang pagtulong humikayat ng mga tutugon. Lubos siyang nagpapasalamat sa kanyang ina sa walang sawang suporta at sa kanyang gurong si Dr. Jimmuel C. Naval sa lahat ng naiambag niya upang malikha ang pag-aaral na ito.

Inaalay ng mananaliksik ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral na madalas gumamit ng e-textbook at lubusang natutulungan dahil sa makabuluhang teknolohiyang ito. Higit sa lahat, nais niyang ialay ng mananaliksik ang pag-aaral sa Puong Maykapal na nagbigay sa kanya ng gabay at talas ng ispip upang maisagawa ito.

(3)

Abstrak

103 na mag-aaral ng UP Diliman mula sa iba’t ibang taon at kurso ang pinasagot ng sarbey tungkol sa paggamit ng electronic textbook o e-textbook. 70% ng mga sumagot ay nagsasabing gumagamit sila ng e-textbook kung saan marami ang mula sa Kolehiyo ng Agham at Pag-iinhinyero. Napagalaman na madalas gamitin ang mga e-textbook at malaki ang tulong nito sa pag-aaral. Ayon din sa resulta ng sinagawang sarbey, marami na ang tumatangkilik sa mga e-textbook subalit hindi ibig sabihin nito na malalaos ang paggamit ng pisikal na aklat. 79% ang nagsabing mas pipiliin nilang magbasa ng pisikal na aklat kung papipiliin sa dalawa. Ibig sabihin, ginagamit ang e-textbook bilang pandagdag impormasyon at pantulong sa tradisyonal na aklat. Gayunman, suliranin sa pagbugso ng industriya ng e-textbook ang pamimirata sapagkat 93% ang umaming di binibili ang mga e-textbook na kanilang ginagamit. Upang masugpo ang pamimirata at mas mapalaganap pa ang paggamit ng e-textbook, iminumungkahi ng mananaliksik na tanggalin na ng mga malalaking kumpanyang naglilimbag ang mga paghihigpit na humahadlang sa mga Pilipinong bumili ng e-textbook mula sa kanilang website.

(4)

TALAAN NG NILALAMAN Pahina PANIMULANG PAHINA……...………i DEDIKASYON………...………ii ABSTRAK………...………..iii PANIMULA Layunin ng Pag-aaral ………...…….……….1 Pamamaraan ………...…………..……..1 Saklaw at Limitasyon ………...………..1 Kahalagahan ng pag-aaral ………...………...2

Mga kaugnay na pag-aaral………...………..2

KABANATA I. Pangkalahatang Resulta ng Sarbey………..……….……...3

II. Kapakinabangan ng e-textbook……….……….……….6

III. Bakit hindi pabor ang lahat sa paggamit ng e-textbook? ……..…………. 9

IV. Isyu ng Pamimirata ng e-textbook………….………..………..…12

LAGOM AT PANGWAKAS………14

LISTAHAN NG MGA FIGYUR AT TALAHAYNAYAN……….15

SANGGUNIAN……….16

APENDIKS A: SARBEY……….………17

(5)

Panimula

A. Layunin ng Pag-aaral

Mabilis na nagbabago ang teknolohiya sa ating modernong panahon. Lumaki ang kabataan ngayon na kasama ang mga makabagong teknolohiya tulad ng cellphone, laptop at tablets. Sa katunayan nga, maraming mga bata ang bihasa na sa pagkalikot ng mga iPad kahit nasa elementarya pa lang at mayroon nang sariling mga facebook account. Dahil dito, sinasabing sanay ang kabataan ngayon sa mundong digital. Ngunit bukas rin kaya ang bagong henerasyon sa rebolusyong pang-edukasyon? Tinatangkilik ba ng mga mag-aaral ang electronic textbook o e-textbook? Nais sagutin ng pananaliksik ang mga katanungan ito.

B. Pamamaraan

Isinagawa ang pananaliksik sa pamamagitan ng isang sarbey na ipinamahagi sa internet. Unang tinanong kung gumagamit ba ng e-textbook ang mga sumagot. Kung hindi ay itatala na agad ang kanilang tugon at doon magtatapos ang sarbey. Kung oo naman ang kanilang isinagot, tinanong din sila ukol sa kapakinabangan ng e-textbook sa kanilang pag-aaral, mga dahilan kung bakit nila ito ginagamit at iba pa (tingnang ang Apendiks A).

C. Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa paggamit ng etexbook ng mga mag-aaral sa UP Diliman. Maaring magiba ang resulta ng pag-mag-aaral kung mga estudyante

(6)

ng ibang pamantasan ang gawing batayan. Ipinapalagay din ng mananaliksik na sinagutan ng tapat ang sarbey na ipinalaganap.

D. Kahalagahan ng pag-aaral

Malaki ang potensyal ng e-textbook baguhin ang larangan ng edukasyon. Hindi na kailangang magputol ng maraming puno para lang makalikha ng isang libro. Mababawasan din ang bigat na pasan ng mga mag-aaral sa kanilang likod pagpasok sa paaralan. Mahalagang malaman kung marami na ba ang gumagamit ng e-textbook sapagkat makakatulong ang resulta ng pananaliksik sa pagsusubaybay sa bagong industriyang ito. Maari din siyang maging katwiran upang ipahayag sa mga kumpanyang naglilimbag na malaki ang kanilang pontensyal ng merkadong ito.

E. Mga kaugnay na pag-aaral

Wala masyadong pananaliksik tungkol sa pagtanggap ng e-textbook ng mga mag-aaral. Gayunman, kasalukuyang sinusubukan ng La Salle Greenhills High School ang paggamit nito upang palitan ang mga tradisyonal na libro. Ayon sa isang artikulo sa Manila Times, nakipagtambalan ang nasabing paaralan sa kumpanyang Samsung upang mabigyan ng tablets ang kanilang mga mag-aaral.

Sinisikap din ng Vibe technologies, isang kumpanyang may kaugnayan sa Vibal Publishing house, lumikha ng e-textbook na mabubuksan sa iba’t-ibang gadyet para sa mga mag-aaral sa lahat ng antas. Nais din nilang makalikha ng isang digital na kurikulum para sa mag-aaral ng makabagong panahon.

(7)

Kabanata I:

Pangkalahatang Resulta ng Sarbey

Nakalikom ang mananaliksik ng 103 na mag-aaral ng UP Diliman mula sa iba’t ibang taon at kurso. 72 sa ng mga sumagot ng sarbey ay nagsasabing gumagamit sila ng e-textbook habang 31 naman ang hindi. Dahil 70% ang sumagot na Oo, maaring masabi na marami nga ang tumatangkilik dito.

Fig. 1. Bahagdan ng gumagamit ng e-textbook sa pag-aaral Tal. 1. Paggamit ng e-textbook ayon sa kolehiyo

Gumagamit ng e-textbook Oo % Oo

Eng’g-Sci 54 75%

Ibang kolehiyo 18 25 %

Total: 72 100%

Mula sa datos ng sarbey, kapansinpansin din na 75% ng mga gumagamit ng e-textbook ay mula sa kolehiyo ng pag-iinhinyero at agham. Ngunit isang salik ang dami ng mag-aaral kung bakit galing sa dalawang kolehiyo na ito ang karamihan ng sumagot na Oo. Upang mapatunayang karamihan nga sa mga mag-aaral ng pag-iinhinyero at agham ay gumagamit ng e-textbook, kailangan din tingnan ang porsyento mula sa dalawang kolehiyo na hindi gumagamit nito.

(8)

Fig. 2. Paggamit ng e-textbook ayon sa kolehiyo

16.92% lamang mula sa dalwang nasabing kolehiyo ang hindi nagbabasa ng e-textbook. Malaking agwat ito sa 52.83% na nagsasabi rin na hindi mula sa ibang mga kolehiyo. Dahil dito, maaring sabihin na ang kadalasang gumagamit ng e-textbook ay mga mag-aaral ng pag-iinhinyero at agam. Ngunit bakit nga ba ganito? Ano ang meron sa dalawang kolehiyo na ito at marami ang tumatangkilik sa e-textbook galing dito?

Suriin natin ang mga asignaturang ginagamitan ng mga mag-aaral ng e-textbook. Marami ang sumagot ng Kemistri, Pisiks, Bayoloji at Pag-iinhinyero sa isinagawang sarbey. Ang mga asignaturang ito ay nangangailangan ng mga larawan upang lubusang maintindihan. Halimbawa, kailangan mong makita ang larawan ng baga para makuha ang konsepto ng paghinga. Mahalaga rin ang dayagrama sa kemistri upang maunawaan ang istruktura ng mga biomolecules.

(9)

Fig. 3. Istruktura ng Protina (mula sa Biochemistry ni Mary Campbell)

Ang katangiang ng mga asignaturang nabanggit ay nagbibigay dahilan kung bakit mga mag-aaral ng agham at pag-iinhinyero ang kadalasang tumatangkilik sa etexbook. Kumpara sa pisikal na aklat na kadalasang binibili ng mga mag-aaral, mas nakakatulong ang e-textbook sapagkat may kulay ito. Makakatipid din ang isang estudyante kung ito ang kanyang gagamitin sa kamahalan ng pisikal na aklat. Tunay ngang malaki ang matitipid dahil iba’t-ibang libro ang pinagbabatayan ng isang propesor para sa pagsusulit. Sa katunayan, 72.22% ang nagsasabing gumagamit sila ng e-textbook para makatipid sila.

Kahit ano pa man ang kurso ng gumagamit ng e-textbook, nagkakaisa ang lahat sa na mabisa ito dahil maari mo siyang dalhin kahit saan. Nagbabasa ang 87.5% sa kanilang mga portable gadgets ng e-textbook. Sa laptop man o tablet, ang kagandahan ng e-textbook ay maari kang sumangguni sa iyong aklat nang hindi nagbubuhat ng malalaking libro.

(10)

Kabanata II:

Kapakinabangan ng e-textbook at Kalamangan sa Tradisyonal na Aklat

Dumako naman tayo sa kapakinabangan ng e-textbook para sa mga mag-aaral ng UP Diliman. Inantas ng mga sumagot ng sarbey ang kapakakinabangan ng e-textbook sa kanilang pag-aaral mula 1-10 kung saan 10 ang pinakanakakatulong. Lumalabas na 77.78% ang iniantas ang paggamit ng e-textbook ng 8 pataas. Lima lamang ang iniantas ito ng 5 pababa kaya naman maaring masabi na tunay nga itong nakakatulong sa pag-aaral.

Fig. 4. Kapakinabangan ng e-textbook sa mga gumagamit nito

Tinanong din sa mga sumagot kung gaano nila kadalas nilang binabasa ang kanilang textbook. 46% ay sinabing higit 3 beses sa isang lingo silang nagbabasa ng e-textbook.

(11)

Sinuri ng mananaliksik kung sino ang madalas gumamit ng e-textbook at pinakanakikinabang sa paggamit nito. Ayon sa datos, dalwang klaseng mag-aaral ang madalas gumamit at pinakanakikinabang sa e-textbook: ang mga may programming at mga may kemistri.

Mga may asignaturang programming

Madaling maunawaan kung bakit maraming estudyante na may programming na subject ang nagbabasa ng e-textbook. Kailangan ng mga kumukuha ng EEE at ComSci gumamit ng kompyuter kapag nagsasanay silang mag-code. Mas madali para sa kanila kung nasa laptop na rin mismo ang aklat na ginagamit nilang gabay sa programming. Lalo itong nagiging mahalaga kapag nasa silid-aklatan sila nag-aaral. Dahil na rin may kinalaman sa kompyuter ang kurso nila, sanay sila sa teknolohiya bilang pantulong sa kanilang pag-aaaral. Kaya naman di sila ilang gumamit ng e-textbook bagkos ay mas gusto pa nila ito.

Mga may asignaturang kemistri

Tila walang namang ugnay ang paggamit ng e-textbook at ang asignaturang kemistri. Ngunit kung susuriin nang mabuti, magiging malinaw ang dahilan kung bakit madalas gumamit nito ang marami sa mga may asignaturang kemistri. Para sa mga hindi pamilyar sa asignaturang ito, kailangan magsulat ng lab report ang mga mag-aaral kada linggo. At upang makilikha ng makabuluhan at masustansyang ulat, kailangang sumangguni sa maraming libro mula sa silid aklatan.

(12)

Fig. 6. Halimbawa ng dami ng batayan sa isang lab report

Ang problema ng karamihan ay maraming oras ang kailangang igugol upang siyasatin ang mga libro sa silid aklatan. Maaring manghiram ng aklat kung nagmamadali pero napakabigat ng mga ito. Pwede rin magkulang ang impormasyong nakuha kapag nagpaxerox lang. Kaya naman malaking tulong ang e-textbook sa mag-aaaral na may lab report na kailangang isulat sapagkat nasa kanya ang buong aklat nang hindi sumasakit ang likod kakabuhat ng makakapal na libro.

Maraming pang ibang dahilan ang sinasabi kung bakit magandang gumamit ng e-textbook anuman ang kurso. Isa sa mga pinakamadalas isagot ang kakayahang maghanap ng partikular na salita o pangungusap sapagkat napapabilis nito ang proseso ng pag-aaral. Halimbawa, may hinahanap kang sipi ng isang manunulat. Di mo na kailangang tumingin pa sa indeks; itayp mo lang at lalabas na ang pahinang naglalaman ng iyong hinahanap. Hindi rin naluluma ang e-textbook kahit ilang beses mo siyang basahin dahil digital ito. At dahil na rin digital ito, hindi mawawala ang

(13)

mga palatandaan mo dito at nailalagay sa lahat ng gadyets na naglalaman ng iyong e-textbook.

Kabanata III

Bakit hindi pabor ang lahat sa paggamit ng e-textbook?

Ngunit sa kabila ng mga nasabing kagandahan ng e-textbook, may mga ilang katangian ito na hindi kaayaaya para sa mga mag-aaral. Isang aspeto ang kamahalan ng gadyet na ginagamit upang makapagbukas ng e-textbook. Kinakailangang maglaan ng malaking salapi para lamang makabili ng gadyet tulad ng laptop o tablet. Hindi ito pabor sa mga mahihirap na gipit na nga sa pera upang matustusan ang kanilang pangmatrikula. Kahit maituturing na pamumuhunan ang pagbili ng laptop sa dami ng pwedeng magawa gamit nito, mahirap pa rin silang bilhin dahil sa kamahalan nila.

At kapag mayroon ka ng laptop o tablet na maaring gamitin para magbukas ng etexbook ay masakit din anila sa mata ang pagbabasa dito. 29.17% ang nagsasabing hindi nila gaanong gusto gumamit ng e-textbook sapagkat masakit sa mata ang matagal na pagbabasa ng e-textbook. Dagdag pa dito ang tuksong pumunta sa facebook at twitter habang nag-aaral gamit ang mga laptop o tablet at marami daw websites ang nakikiagaw sa kanilang atensyon.

Ayon sa sarbey, marami sa mga gumagamit ng e-textbook ang mas gusto pa rin magbasa sa pisikal na aklat. 79% ng mga gumagamit ng e-textbook ang nagsasabing mas pipiliin nilang gumamit ng pisikal na aklat kahit marami silang sinabing kagandahan ng e-textbook.

(14)

Fig. 7. Bahagdan ng mga gustong magbasa sa e-textbook kay sa pisikal na aklat

Iba’t ibang dahilan ang isinagot ng mga mag-aaral kung bakit nila mas gustong gumamit ng pisikal na aklat. Tulad na nga ng nabanggit, may ilan na nagsasabing masakit sa mata ang pagbabasa ng e-textbook sa mga gadgets. Tinuturo ring dahilan ang di maiwasang tuksong pumunta sa facebook o twitter habang nagbabasa ng e-textbook sa isang laptop.

Ngunit ang pinakamadalas na sinasabing dahilan ay mas gusto lang nila ang pakiramdam nang nagbabasa ng pisikal na aklat. Para sa nakararami, iba pa rin magbuklat ng libro kung saan nahahawakan ang mga pahina.

Kung pag-aaralan ang datos na nakalap mula sa isinagawang sarbey, hindi pa rin sanay ang karamihan sa mga mag-aaral ng UP gumamit ng e-textbook kahit marami ang tumatangkilik dito. Sa kabila ng maraming kalamangan ang e-textbook, marami pa rin ang ayaw talikuran ang mga pisikal na aklat .

Tingnan natin ang katwiran ng ilan sa mga nagsabing mas gusto nilang magbasa sa pisikal na aklat.

(15)

“Kahit mas madaling dalhin, iba pa rin ang pakiramdam ng nagbubuklat ng totoong libro.”

“Iba pa rin talaga ang reading experience sa print.” “Mas gusto kong basahin ang tunay na nahahawakan ko.”

Nagkakaisa ang karamihan na iba daw ang kanilang pakiramdam kapag e-textbook ang binabasa. Maaring magbigay linaw sa kaganapang ito ang teorya ni Dr. Michio Kaku, ang batikang physicist na may akda ng string theory at manunulat ng agham sa paraang nauunawaan ng madla.

Ayon sa Caveman principle ni Dr. Kaku, taglay pa rin natin ang emosyon ng mga taong kweba kahit na nabubuhay tayo sa kasalukuyang panahon. Mas gusto ng mga taong kweba na nahahawakan ang mga bagay-bagay at di mapakali kapag hindi nagagamit ang kanilang pandama.

Ilang libong siglo na ang nakalipas ngunit hindi nabago ang sentimyentong ito. Aniya, ang Caveman principle daw ang dahilan kung bakit malabong magkaroon ng isang opisinang di gumagamit ng papel. Gusto ng nakararami na magkaroon ng nahahawakang bersyon ng nakasulat sa kanilang laptop.

Ang prinsipyong ito ay maari ring magbigay linaw kung bakit ayaw talikuran ng mga mag-aaral ang pisikal na aklat. Nais pa rin ng marami na mahawakan ang kanilang libro at naririnig ang ang pagbuklat ng mga pahina.

(16)

Kabanata IV:

Isyu ng Pamimirata ng e-textbook

Tinanong sa sarbey kung binibili ba ng mga sumagot ang etexbook na kanilang ginagamit. Ayos sa datos, 93% ang nagsabing hindi sila bumibili habang 7% o 5 lang sa mga sumagot ang bumibili ng e-textbook. Nakakabahalang isipin na talamak ang pamimirata ng libro sa mag-aaral ng UP Diliman.

Fig. 8. Bahagdan ng namimirata ng e-textbook

Ngunit kung susuriin nang mabuti, hindi talaga maiiwasan ang kaganapang ito. Una sa lahat, walang malaking kumpanya ang nagbebenta ng e-textbook sa bansa. Ang amazon.com, ang pinakamalaking korporasyon na nagbebenta ng libro sa buong mundo, ay nililimitahan ang mga e-textbook na maaring bilhin ng mga Pilipino sa kanilang website. Mas malala pa ang patakaran ng Apple iBookstore sa kanilang ebook section, hindi ito bukas sa mga Pilipinong nais bumili ng e-textbook. Puro mga libreng libro lamang ang maaring makuha.

(17)

Fig. 9. Apple iBookstore. Hindi maaring bumili ng e-textbook mula dito.

Mayroon mang mga kumpanyang nagbebenta ng e-textbook sa Pilipinas, hindi sila gaanong kilala. 4 sa 5 ng bumili ng e-textbook ay tinuro ang flipreads.com bilang website kung saan nila nakuha ang kanilang ginagamit na e-textbook. Marami ang hindi nakakilala sa website na ito at higit sa lahat, limitado ang kanilang koleksyon. Kulang sila ng mga aklat tungkol sa agham at matematika na napagalamang kadalasang ginagamitan ng e-textbook.

Dahil walang mapagbilhan ng e-textbook, marami ang namimirata na lamang. Iba’t-iba ang pinagmumulan ng kanilang e-textbook at marami ang hindi lang isang uri ang pinagkukunan. 56.94% ay nagdadownload mula sa torrent habang 69.44% ang kumukuha ng e-textbook mula sa kanilang kamag-aral. Sari-sari man ang pamamaraan, lahat ito ay labag sa batas.

(18)

Lagom at Pangwakas

Pinapakita ng pag-aaral na ginawa tungkol sa paggamit ng e-textbook bilang pangtulong sa mga mag-aaral ng UP Diliman na marami ang tumatangkilik dito. Karamihan ng gumagamit ng e-textbook ay mga kumukuha ng pag-iinhinyero at agham dahil sa katangian ng kanilang mga asignatura. Siniyasat din ng mananaliksik ang sari-saring kalamangan ng e-textbook tulad ng kadalian nitong madala kahit saan, kakayahang maghanap ng particular na pangungusap o parirala sa isang kisap mata at iba pa. Bagamat maraming nabanggit na kalamangan ang e-textbook, marami rin pa rin ang nagsasabi na mas gusto nilang magbasa sa tradisyonal na aklat. Masakit daw kasi ang matagal na pagbabasa ng e-textbook at iba pa rin ang pakiramdam ng nahahawakan ang pisikal na libro.

Ayon sa nakalap na impormasyon, marami na ang gumagamit ng e-textbook sa mga mag-aaral ng UP Diliman ngunit hindi ito nangangahulugan na tuluyang mawawala ang tradisyonal na aklat. Nagpagalamang ginagamit ang e-textbook bilang pandagdag lamang ng impormasyon at pantulong sa tradisyonal na aklat. Kaunti rin lang ang nagbebenta nito sa merkado. Sabi ng mga manlilimbag, di mapagkakakitaan ang pagbebenta ng e-textbook sa Pilipinas dahil laganap ang pamimirata sa bansa. Subalit kung walang magbebenta ng mga e-textbook kailangan ng isang mag-aaral, ni isang kusing ay walang kikitain ang mga kumpanya sa paggamit ng e-textbook at patuloy pa rin ang pamimirata dahil wala namang pagbibilhan ang nais bumili. Malaki ang potensyal ng e-textbook baguhin ang larangan ng edukasyon. Kaya naman iminumungkahi ng mananaliksik na buksan o huwag limitahan ng mga kumpanyang naglilimbag ang pamilihan para mas lumaganap pa ang paggamit ng e-textbook.

(19)

Sanggunian:

Campbell, M., Farrell, S. (2012) Biochemistry 7th ed. Belmont, CA: Brooks/Cole. p.86

Kaku, M. (2011) Physics of the Future: How Science will shape Human Destiny and Our Daily Lives by the year 2100. New York, NY: Random House Inc. pp.

Tech times (2011 Agusto 25) Samsung seals landmark agreement with La Salle Green Hills. Manila Times, manilatimes.net

(20)

Listahan ng mga Figyur at Talahaynayan

Pahina 3

Fig. 1. Bahagdan ng gumagamit ng e-textbook sa pag-aaral Tal. 1. Paggamit ng e-textbook ayon sa kolehiyo

Pahina 4

Fig. 2. Paggamit ng e-textbook ayon sa kolehiyo

Pahina 5

Fig. 3. Istruktura ng Protina (mula sa Biochemistry ni Mary Campbell)

Pahina 6

Fig. 4. Kapakinabangan ng e-textbook sa mga gumagamit nito Fig. 5. Kadalasang gamitin ang e-textbook ng mga mag-aaral

Pahina 8

Fig. 6. Halimbawa ng dami ng batayan sa isang lab report

Pahina 10

Fig. 7. Bahagdan ng mga gustong magbasa sa e-textbook kay sa pisikal na aklat

Pahina 12

Fig. 8. Bahagdan ng namimirata ng e-textbook

Pahina 13

(21)

Apendiks A Sarbey

Paggamit ng e-textbook bilang pantulong sa pag-aaral ng mga

estudyante sa UP

Magandang gabi! Ako po si Jonathan Chan mula sa Kolehiyo ng Agham. Kaunting oras lamang po ang aking hinihingi upang inyong sagutan ang 10 tanong sa sarbey na ito. Ang mga sagot po ninyo ay higit na makakatulong sa pagsulat ng aking research paper para sa Fil 40.

Gambar

Fig. 2. Paggamit ng e-textbook ayon sa kolehiyo
Fig. 3. Istruktura ng Protina (mula sa Biochemistry ni Mary Campbell)
Fig. 4. Kapakinabangan ng e-textbook sa mga gumagamit nito
Fig. 7. Bahagdan ng mga gustong magbasa sa e-textbook kay sa pisikal na aklat
+2

Referensi

Dokumen terkait

Sa pag-aaral na ito, natuklasan ng mga mananaliksik ang mga iba’t ibang resulta batay sa mga dahilan at epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng

Sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik na ang relasyon ng nutrisyonal na estado sa pang-akademikong gawain ng mga mag-aaral sa unang ng taon ng hayskul sa Dasmariñas

Ipinaaalam din dito ang mismong paksa ng pag-aaral gayundin ang katatagpuan ng mga datos na kakailanganin sampu ng populasyon o bilang ng mga respondente na sasagot sa inihandang

Kapag nasa dulo ng mga salita ang [i] at [e] o [u] at [o], hindi ito magkaibang fonim kung mga alofown na nasa malayang

Dahil kung minsan binibigyan sila ng proteksyon ng kanilang mga kasamahan sa fraternity.Isa rin sa mga madalas na dahilan ng mga estudyante sa fraternity ay ang

ay nakauubos ng oras para sa pag-aaral, kung kaya’t naii-stress ako sa posibleng magkapatong-patong ng mga gawain sa paaralan dahil hindi ko pa ito masimulan.” —ito ang nangungunang

Sa mga pinagbatayang teorya ng pag-aaral na ito, tiningnan ang antas ng kaalaman ng mga magulang sa pagbabasa ng mga anak sa tahanan at antas ng pakikisangkot ng magulang sa pagbabasa

PAG-AANGKOP NG MGA DATOS SA MGA MODELONG ISOTERMAL ADSORPSIYON NINA FREUNDLICH 1906 AT LANGMUIR 1916 GAMIT ANG MGA NON-LINEAR NA EKWASYON Isa sa mga balakid sa pag-estimasyon ng