• Tidak ada hasil yang ditemukan

239127170-Sanhi-at-Epekto-Ng-Pambubulas-o-Bullying-Sa-Pisikal-Mental-at-Behavoiral-Na-Kalagayan-Ng-Mga-Mag-Aaral-Na-Nakararanas-Sa-Unang-Taon-Ng-Eamnhs.docx

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "239127170-Sanhi-at-Epekto-Ng-Pambubulas-o-Bullying-Sa-Pisikal-Mental-at-Behavoiral-Na-Kalagayan-Ng-Mga-Mag-Aaral-Na-Nakararanas-Sa-Unang-Taon-Ng-Eamnhs.docx"

Copied!
12
0
0

Teks penuh

(1)

Republic of the Philippines

SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY College of Fishery

Kalamansig Campus Kalamansig, Sultan Kudarat

PAPEL NA PANANALIKSIK

SANHI AT EPEKTO NG PAMBUBULAS O “BULLYING”

SA PISIKAL, MENTAL AT BEHAVOIRAL NA KALAGAYAN

NG MGA MAG-AARAL NA NAKARARANAS SA UNANG

TAON NG EAMNHS

Petsa:

Setyembre 09, 2014

Ipinasa ni:

RAYAN L. CASTRO BSED IV-Fil Mananaliksik

Ipinasa kay:

PROF. YOLANDA C. DAPITAN Tagapayo

(2)

Kabanata I INTRODUKSIYON Suliranin at kaligiran

Sa buhay natin ngayon, maraming mga bagay ang hindi natin matukoy o maipaliwanag kung bakit natin ito ginawa.

Tulad sa mga ito ang mga kaugalian nating hindi natin alam malaman kung saaan ito nanggaling. Sadyang may mga ugaling masama at mapanakit sa kapwa natin lalo na sa paaralan na kung saan itoy kadalasang ginagawa ng mga estudyanteng asar, mapang-api, siga o may kapangyarihan sa loob ng klase, mapanloko at nambubully.

Bullying is defined as a repeated aggressive behavior, either physical or psychological, that intentionally cause hurt to the recipient by an individual or a group that is unprovoked by the victim (Woodhead, Faulkner, & Littleton, 1999).

Ang bullying ay isang uri ng pang-aapi na ang hangarin nito ay sadyang saktan o manakit sa kapwa tao. Ito’y hindi katanggap-tanggap na ugali o asal ng tao sa lipunan. Nangyayari ito kapag sinubukan ng isang tao o grupo na saktan o kontrolin ang ibang tao sa isang mapanganib na paraan. Kaya kahit na sino ay pwedeng gumawa o maging biktima nito. Maging bata man o matanda, amhirap man mayaman.

May iba’t ibang uri ng pambubulas at lahat ng ito ay mapanakit. Maaari itong maging pisikal, berbal, sosyal, extortion, o sa internet na pang-aapi na nakakaapekto sa emosyonal, mental, at behavioral ng isang indibidwal na biktima nito. Katulad sa mga ito ay ang pambubugbog o panununtok, pang-aaway o panlalait, pang-aasar, panbabastos, paninirang puri, pang-uutos, pagpapahiya at panloloko. Minsan ay sa paraan ng pagsabi ng mga masasakit na salita at pagbabanta.

Kunga kayat napag-isipan ang pag-aaral na ito upang alamin ang bilang o kadahilanan kung bakit ba ang mmga estudyante sa EAMNHS ay nambubulas at kung ano ba ang nagging

(3)

epekto nito sa mga estudyanteng binibiktima nila maging sa pisikal, mental o behavioral man na epekto.

(4)

Pagalalahad ng Suliranin

Layunin ngpananaliksik na ito na makamit ang mga suliraning dapat makamit o mahanapan ng solusyon o kasagutan. Sa pag-aaral na ito, kinakailangang malaman kung ano ang sanhi at epekto ng pambubulas sa isang estudyante lalo na sa kanyang pisikal, mental, at behavioral na kalagayan.

Ang suliranin

Sa pag-aaral na ito masasagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano aba ang motibo at bakit nambubulas ang mga estudyante sa mga kapwa estudyante? 2. sino ang nabiktima o palaging binibiktima ng pambubulas? a. edad b. kasarian c. tribo d. pisikal na anyo

3. bakit ba binubulas ang mga estudyanteng nabibiktima nito? 4. Ano ang nangyayari sa isang estudyanteng binubully? 5. Saang lugar o pook nangyayari ang pambubully? 6. Sino ang nambubulas o nambubully?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasang-ayon sa maraming kadahilanan at kahalagahan na nakapaloob sa pag-aaral na ito.

Sa mga mag-aaral na siyang biktima ng pambubully ay maaring magsilbing batayan upang harapin at magkaroon ng tiwala sa sarili. Itoy magsisilbing gabay nila para maiwasa ang pagkasira ng kanilang kinabukasan.

(5)

Sa mga magulang na ang tanging hangarin ay mapabuti ang kalagayan ng anak sa paaralan ay maging basihan rin ito upang malaman natin na isa pala sa kamag-anak natin ang nasasangkot ditto.

Sa mga tagapamahala ng paaralan na syiang tagapagtaguyod para sa kinabukasan ng mga mag-aarala ay malaking tulong rin ito para sugpuin o bigyan ng solusyon ang ganitong pangyayari sa loob ng kampus.

Mahalaga rin ito sa mga mag-aaral ng EAMNHS upang malaman nila kung ano ang magiging bunga nito sa biktima at mapatatak sa isipan ninuman na wlaang magandang maidudulot nito kundi ang paglihis n gating magandang kinabuksan. Napakahalaga din nito lalo na sa mga bata o taong nambubully upang malaman nila ang mga dapat gawin. Para matugunan din ang mga kaya-ayang Gawain para mapa-unlad ang kaaalaman at mapalago rin an gating paaralan. Ang matiwasay at magandang pakikisama ay isa sa mga kadahilanan ng pag-unlad.

Sa mga mananaliksik ang pag-aaral na ito ay maaring magsilbing gabay o kaalaman tungo sa hinharap na pananaliksik.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa apatnapu (44) na mga mag-aaral ng EAMNHS na siyang nakararanas ng pambubully sa taong panuruan 2014-2015. Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa Sanhi at Epekto ng Pambubulas o “bullying” sa pisikal, mental at behavioral na kalagayan ng mga mag-aaral na nasa Unang Taon ng EAMNHS.

(6)

Depinisyon ng mga Salita

Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng mga termino o salita para lubos na maunawaan ang ibig ipahiwatig nito. Kung kayat ang gimit na mga salita o termino ay bibigyan ng kahulugan.

EAMNHS

-ang paaralang E. Arcaño Memorial National High School ang paaralang gagawan ng pagsusurbey. Ditto nag-aaral ang mga mag-aarala na respondent upang sasagot sa mga katanungan. Ioty matatagpuan sa Basak, Lebak, Sultan Kudarat

Pambubulas o Bullying

-itoy hindi katanggap-tanggap na ugali o asal ng isang tao sa lipunan. Pisikal

-isang aspeto ng isang bagay na nararanasan sa paggamit ng isai sa limang pandama ng tao nang hindi binabago ang kanyang komposisyon kimikal. Ang mga sumusunod ang mga halimabawa ng pandama ng tao: hipo, lasa, amoy, tingin, o tunog.

Mental

-ito ay tungkol sa kaisipan ng isang tao kung paano siya mag-desisyon o umaksyon na nakakaayon sa kanyang isip.

Behavioral

-tumutukoy ito sa kaasalan, katangian o karakter ng isang tao sa kanyang kapawa na magiging sanhi at batayan ng mga kaugalian, mga gawi, wani o kinagawian at kilos na nagbubunga sa mga paniniwala at pananaw.

(7)

Kabanata II

MGA KAUGNAYAN NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang pang-aapi ay isang gawa ng paulit-ulit na agresibo sa pag-uugali upang sadyang saktan ang ibang tao, pisikal o kaisipan. Ito ay ginagawa upang makakuha ng isang indibidwal ng kapangyarihan na makakahigit sa iba (Simmons, 2003).

Ayon sa isang Norwegian na mananaliksik na si Dan Olweus, kapag ang isang tao ay nagmulang mang-aapi, hindi na niya ito pigilan. Gagawin at gagawin parin niya ito kahit anong pilit mong pigil sa kanya. Magiging parte na ito ng kanyang mga kagawian.

Maaaring maganap ang pambubulas sa anumang konteksto kung saan ang mga tao ay nakikipag-ugnayan o nakikipagkapwa sa bawat isa. Kabilang ditto ang paaralan, simbahan, mag-anak, trabaho, tahanan, at pamayanan. Ito ay isang uring pangkaraniwang dahilan ng pagtulak na nag-uudyok ng migrasyon o kawalan ng tiwala sa sarili.

Nakasaad pa sa isang artikulo ng Wikipedia.org na ang aapi ay isang uri ng pang-aabuso. Ito ay maaaring mahati sa tatlong klase: emosyonal, makadiwa o berbal at pisikal. Ang pang-aapi ay maaaring umiirala sa loob ng grupo at maging sa pagitan ng mga bansa. Halimbawa na lamang ditto ang pananakop ng mga dayuhang Kastila sa ating bansa. Sinakop nila ang Pilipinas sa loob ng 333 daang taon kung kaya sinulat ni Dr. Jose P. Rizal, pambansang bayani, ang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo dahilan sa mga pang-aapi at sakit sa lipunan ng mga mamamayang Pilipino sa mga dayuhan. Ang tingin nila sa Pilipino ay isang mababang uri na lahi at nararapat lang na maging alila nila.

May iba’t ibang uri ng pambubully at lahat ng ito ay nakakasakit maaari itong sa paraan ng pagsuntok, pagsipa, at pang-uutos. Minsan ay sa paraan ng pagsasabi ng masasakit na salita at pagbabanta.

Kapag hindi napigilan at nagpatuloy ang pambubulas, maaaring magkaroon ng hindi magandang pangyayari tulad ng karahasan. At ang pinakamasamang mangyari ay makapatay

(8)

ang biktima tulad ng nangyari sa 13 gulang na bata sa Quezon City na nakapatay sa nagbubulas sa kanya. Isa pang maaaring epekto nito ay ang pagsira ng ulo at pagpapakamatay ng biktima dakhil sa sobrang takot o depresyon na nagyayari madalas sa bansang Amerika at Japan.

Maraming mga siyentipiko na ang nag-aaral sa paksang ito at isa na rito ay sina (Crick & Grotpeter, 1995; Espelage & Swearer, 2003; Olwues, 1993). Ayon sa kanila maraming nananakit o nang-aapi na hindi alam ang kanilang ginagawa kung ito bay nakbubuti o hindi; ang pang-aapi ay nagiging daan upang umabot sap unto na magpapakamatay ang taong inaapi; at mas maraming lalaki kaysa babae ang nadidisgrasya o nauuuwi sa pisikal na sitwasyon.

Ang epekto ng bullying sa biktima ay nagdudulot ng pagkakaroon ng problema sa pisikal at mental o emosyonal ng tao tulad ng pagkatakot, stress, depresyon, anxiety na nakakaapekto sa pag-aaral nito (Bond at al., 2008; Espelage & Swearer, 2003; Olweus, 1993; Stockdale et al., 2002).

Ayon sa artikulong ginagawa nina Susan P. Limber at Maury M, Nation, may mga nagdaang pananaliksik na naisasagawa sa United States at pati narin sa ibang bansa na nagtala na ang pang-aapi ay isang pangkaraniwan at maaring porma ng karahasan para sa mga kabataan. Hindi lamang ang mga naaapi ang naaapektuhan ng pang-aapi kundi patinarin ang klima sa loob ng paaaralan at hindi man direkta ngunti maaaring maaapektuhan ang abilidad ng isang estudyante na matutuo hanggang sa kanilang pinakamahusay na abilidad.

Sa pangunguna ni Dan Olweus ng Norway at Sweden, kasama ang iba pang mananakilsik sa Australia, Canada, England, Ireland at Us ay nagsimulang galugurin ang likas na katangian at ang mga epekto ng pang-aapi sa mga paaralan ng kabataan. Sabi nila, ang kaso ng pang-aapi ay dapat bigyan ng kaukulang atensyon mula sa mga guro, magulang at mga kabataan para maiwasan ang ganitong karahasan sa dalawang dahilan. Una, ang paglaganap ng kaso ng pang-aapi at ang pinsala na naidulot nito ay lubhang isinasawalang bahala ng mga kabataan at ng mga matatanda. Pangalawa, ang pang-aapi ay hindi lang

(9)

humahantong sa parehong pangyayari gaya ng away, at gulo, pwede rin itong humantong sa pagkagulo sa kaisipan ng tao.

Kung kaya itoy hindi dapat ituring na bahagi lamang ng paglaki o “away-bata” dahil ito ang magigingn ugat ng di pagkakaunawaan ng mga kbataan o magulang. Dapat itong bigyang atensyon ninuman upang hindi mapamarisan at maiwasang makagawa ng mga bagay na maging dahilan ng karahasan.

(10)

Balangkas na Konseptwal

Ang pag-aaral na ito ay binubuo ng Malaya at Di-malayang Baryabol na kung saan ang malayang baryabol ay tumutukoy sa Sanhi at Epekto ng Pambubulas o “Bullying”. Samantala ang Di-malayang Baryabol naman ay tumutukoy sa Pisikal, Mental at Behavioral na Kalagayan.

Layunin nito na maipakita ang Sanhi at Epekto ng Pambubulas o “Bullying” sa Pisikal, Mental at Behavioral na kalagayan ng mga mag-aaral ng Unang Taon ng EAMNHS.

(11)

Konseptwal na Paradaym

Malayang Baryabol Di-malayang Baryabol

Fg. 1 isinasad sa Iskematic diagram na ito na ang mga nakapaloob sa Malaya at di-malayang baryabol.

Pisikal, Mental at Behavioral Sanhi at Epekto ng Pambubulas o

(12)

Kabanata III METODOLOHIYA

Referensi

Dokumen terkait

Ang mga piniling respondente dito sa pananaliksik ay mga homosekswal na mag-aaral mula sa una hanggang sa ikaapat na taon sa kasalukuyang semestre ng

Likas na sa mga Pilipino ang pagbibigay halaga sa edukasyon. Ang edukasyon ay isang paraan kung saan pinapaunlad ang kaalaman at pagkatao ng isang indibidwal

Maaaring masama sa pananaliksik na ito ang mga sanhi ng paninigarilyo ngunit ang paksang naibigay ay iikot lamang sa epekto ng paninigarilyo.. DALOY NG

Ang mga estudyanteng ito ay kinakailangang pang magtrabaho para makatulong sa pamilya at matustusan ang pag-aaral nila para makatulong sa kanilang magulang (Juarez).’ Mahirap

Aalamin ng pag-aaral na ito ang lawak ng kaalaman ng mga guro sa Ortograpiyang Filipino.Sasagutin sa pag-aaral na ito kung ano ang profile ng mga guro sa Mataas na Paaralan ng

Kung pag-aaralan ang datos na nakalap mula sa isinagawang sarbey, hindi pa rin sanay ang karamihan sa mga mag-aaral ng UP gumamit ng e-textbook kahit marami

Ang pananaliksik na ito ay isang pag-aaral sa mga problemang pang- edukasyon ng ating bansa, kung anu-ano ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon nito at mga epekto kung

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang sosyo-demograpikong katangian ng mga manggagawa ng GAICO, ang positibong naidulot ng GAICO sa kanilang a pamumuhay b sariling kasanayan, c