Presentation in Filipino 10 - Q1

17 

Loading....

Loading....

Loading....

Loading....

Loading....

Teks penuh

(1)

“Si Pele, Ang Diyosa ng

Apoy at Bulkan”

(2)

Mga Tauhan sa Kwento

(3)

Haumea – Diyosa ng makalumang kalupaan, ina ni Pele

Kane Milohai – Diyos ng kalangitan, ama ni Pele

Pele – Diyosa ng apoy

Namaka – Diyosa ng tubig, kapatid at kaaway ni Pele

Hi’iaka – Diyosa ng hula at ng mga mananayaw, paboritong kapatid ni

Pele

Apat na Diyosa ng nyebe – mga naiingit sa kagandahan at talento ni

Pele at Hi’iaka

Ohi’a – makisig na lalaking nagustuhan ni Pele

Lehua – asawa ni Ohi’a

Hopoe – matalik na kaibigan ni Hi’iaka

Lohi’au – kasintahan ni Pele

Kane Milo – tumulong kay Hi’iaka upang mabalik ang kaluluwa ni

(4)

Buod ng Kwento

(5)

May isang pamilyang naninirahan sa lupain ng Tahiti ang magasawang sina diyosang Haumea at Diyosong Kane Milohai kasama ang anim na anak na babae at pitong anak na lalaki. Ngunit habang lumalki ang pamilya ay unti-unting nawawala ang kapayapaan dahil sa awayan ng magkapatid na sina Pele ang diyos ng apoy at Namaka ang diyosa ng tubig. Isang araw ay nasunog ni Pele ang kanilang tirahan pati narin ang kanilang lugar, nagalit si Namaka sa galit niya ay nagbanta siya na babahain niya ang isla kaya napilitang

maglakbay ang pamilya pati narin si Pele gamit ang bangka. Habang namamangka ay nakahanap sila ng isang isla at doon sila

nanirahan at sa islang iyon ay napisa ang itlog na inaalagaan ni Pele at pinangalanan niya itong Hi’taka mahusay itong sumayaw at kumanta. Ngunit may apat na diyosang naiinggit sa kanila kaya sa tuwing nagtatayo sila ng tirahan ay binubugahan nila nito ng niyebe kaya palipat-lipat sila ng tirahan kalapit ng isla. Sa huli ay nakahanap si Pele ng tirahan para sa kanyang pamilya ..Ito ay sa isang pinakamataas na bundok sa buong mundo. Hindi sumuko si Namaka. Pilit niyang pinaabot sa tuktok ang kanyang mga along kanyang pinakawawalan. Hindi nagpatalo si Pele pinaliyab niya ang apoy sa pusod ng bulkan. Nagsanhi ito ng pagsabog ng bulkan nang matuyo ang mga lava atnaging isang lupainat ito ay tinawag na Haway. Nanalo si Pele sa laban nila ngunit nanghina siya at namatay. Ngunit hindi siya naglaho minsan ay nagiiba siyang anyo. Nagbalat’kayo siyang bilang isang magandang babae at nakita niya si Ohi’a, inakit niya ito ngunit may asawa siyang nagngangalang Lenua.Nakita niya itong nagyayakapan at sa galit niya ay ginawa niyang isang puno si Ohi’a at nagmakaawa si Lenua kaya ginawa niya itong isang bulaklak.

Ang naging sunod niyang biktima ay ang panakamamahal niyang kapatid na si Hi’taka na pinasundo niya si Lohi’au kay Hi’taka. Nagtagal si Hi’taka dahil sa mga halimaw niyang kinalaban nang nakita niya si Lohi’ ay may sakit dahil akala niya ay hindi na siya babalikan ni Pele. Nagkamabutihan silang dalawa ngunit pinipigilan nito ni Hita’ka at lumipas ng apatnapung araw ay hindi pa din sila nakakabalik ang bunsong kapatid. Kung ano ano ang inisip ni Pele, iniisip niya na inaakit na ni Hi’taka si Lohi’ay kaya

pinasabog niya ang bulkan kaya nasira ang hardin at namatay si Hopeo na pinagbilin niya kay Pele.Sapagbalik ni Hi’taka ay nakita niya na nasira ang kanyang hardin at patay na si Hopeo. Bilang ganti, ay niyakap niya si Lohi’au upang makita ni Pele at nagalit muli ito kaya pinasabog niya muli ang bulkan at namatay si Lohi’au dahil natabunan siya ng lava. Humingi siya ng tulong sa kanyang kapatid na si Kane-milo at tinulungan siya nito namangka sila , nakita nila ang katawan ni Lohi’au at muling ibinalik ni Kane-milo ang buhay nito. At masayang nakita ulit ni Hi’taka si Lohi’au . Napagpasyahan nilang lumipat at lumayo sa Haway.

Napagsisihan ni Pele ang kanyang nagawang kasalanansa kanyang kapatid pati na rin kay Lohi’au. Kaya hinyaan niyang mamuhay ng payapa. Hindi alam ni Hi’taka ang masaganang pagsibol ng mga itinatanim niya ay dahil kay Pele. Sa kasalukuyan, may mga

(6)

Banghay/Istilo ng Paglalahad

(7)

Sa storyang “Si Pele, Ang Diyosa ng Apoy at

Bulkan” naging maayos ang pagkakasunod sunod

ng storya, ito ay hindi naging magulo at ito ay

naging maliwanag. Ito din ay nagbibigay ng aral

na walang maidudulot na maganda ang pagiging

selosa o laging galit kahit na hindi pa alam ang

buong storya, kailangan intindihin ang mga

taong nasa paligid mo at pahalagahan ang

pamilya. Ang lugar at pagpapaliwanag ng tauhan

sa kwento ay naging malinaw at madaling

(8)

Reaksyon Para sa Tagpuan

(9)

Naging angkop ang isla ng Hawaii sa kwento.

Inilahad sa kwento ang bawat detalye na

nagbibigay sa atin ng ideya kung ano nga ba

ang itsura ng kapuluan ng Hawaii.

Napakahusay ng kwento sapagkat mas

ipinakilala pa nito sa mga mambabasa ang

mga kapuluan ng Hawaii at ang mga

pangitain at kultura na talaga namang

makikita parin natin sa kasalukuyang

(10)

Reaksyon Para sa Estilo ng Pagsulat

(11)

Naging matalino ang may akda sa paggawa ng

kwento. Marami syang naibigay na kaalaman

na nagpapatotoo at sumusuporta sa kwentong

kanyang nagawa, katulad ng paglaki nga ng

isla ng Hawaii dahil sa mga lava na

nanggagaling sa bulkang Mauna Loa sa tuwing

ito ay puputok. Nagustuhan ko naman sa

lahat ang pagbibigay nya ng konkretong mga

halimbawa, eksplanasyon at mga detalyeng

nagpadali para sa mga mambabasang katulad

ko na intindihin ang kwento.

(12)

Reaksyon Para sa Kultura at

Pilosopiyang Pilipino na nailahad sa

Akda

(13)

Naipakita sa kuwentong ito ang isa sa mga kaugaliang

Pilipino na pagpoprotekta sa ating pamilya na ginawa ni

Pele.

Sa aking palagay, may parte sa istoryang ito ang

nagpapakita ng isang pilosopiyang pilipino. Alam naman

natin na umiikot ang istoryang ito sa pag-hihiganti.

Nagpamalas naman ang pangunahing tauhan ng ilang

kaisipan na kadalasa’y ginagawa ng mga Pilipino sa

realidad ng buhay. Minsan iniisip lang natin na magawa ang

isang bagay kahit na hindi natin alam ang maaaring maging

resulta nito. Hindi muna natin inaalam ang mga susunod

na bagay na mangyayari pagkatapos ng aksyon na gagawin

natin.

(14)

Mga Ginintuang Aral mula sa Akda

(15)

Matuto tayong magpasensya sa ating mga kapatid

- katulad na lamang ni Hi’taka

pinagpapasensyahan niya ang kanyang ate Pele Kahit nahuhulog na siya kay

Lohi’au ay pinigilan niya ito para sa kanyang ate Pele.

Matuto tayong maging mapagbigay sa ating mga

kapatid

- katulad na lamang ni

Hi’taka pinagbigyan niya ang kanyang kapatid na si Pele kay Lohi’au ngunit yun ay

nung una dahil ayaw niyang magalit sa kanya ang kanyang ate pero sa huli

ipinaglaban niya ito.

Huwag tayong mahihiyang humingi ng tulong sa ating mga kapatid

- katulad na

lamang ng ginawa ni Hi’takasa paghinga ng tulong sa kapatid niya na si Kane-milo.

Alagaan natin ang ating pamilya

- katulad na lamang ng ginawa ni Pele

humahanap siya ng lugar na kung saan magiging ligtas ang kanyang pamilya.

Matuto tayong pagsisihan ang ating mga nagawang kasalanan

- katulad na

lamang ng ginawa ni Pele dahil sa huli aypinagsisihan niya ang kanyang mga

nagawang kasalanan , sinusubukan niyang gawing tama anng mga nagawa niyang

mali.

Dapat nating tanggapin na hindi lahat pwedeng maging atin

- Katulad ni Pele

tinanggap niya na lang na hindi sila para sa isa’t-isa ni Ohi’a kundi si Ohi’a ay para

kay Lehua. Kahit ginawa niya itong halaman at puno hindi niya ginambala ang

(16)

Kongklusyon

(17)

Sa katunayan ay nagustuhan ko talaga ang akdang ito. Sa aking

palagay ay napaka ganda nitong basahin di lamang ng mga matatanda

gayun din ng mga bata. Napaka raming bagay ang matututunan sa

akdang ito, di lamang mga kaalaman sa kapuluan ng Hawaii kundi pati

narin ang mga gintong aral na nakapaloob sa akda. Imunumungkahi ko

lamang na sana ay gumamit ang may akda ng mga konseptong mas

madaling maintindihan ng mga batang mambabasa upang sila ay tunay

na mapukaw sa kagandahan ng akda na maaaring magresulta sa kanila

upang isabuhay ang mga magagandang gintong mga aral dito. Pero

kung tutuusin, ay napaka ganda na talaga ng akdang ito sapagkat ang

manunulat ay isinulat ang akdang ito hindi lamang upang tayo ay

libangin kundi nasa isip nya rin na tayo ay may matutunan at may

maisabuhay sa ating pang araw-araw na buhay. Sana ay suportahan pa

natin ang kwentong katulad nito at ang mga manunulat na katulad ng

may-akda ng kwentong ito upang sila ay patuloy parin lumikha ng mga

napaka ganda at punung-puno ng mga aral na kwento na may napaka

laging kaganapan sa paghubog pa natin sa mga susunod na henerasyon,

upang sila ay mas maging matalino at aktibong miyembro pa ng ating

lipunan sa mga susunod pang panahon.

Figur

Memperbarui...

Referensi

Memperbarui...

Related subjects :