• Tidak ada hasil yang ditemukan

Chase and Hearts-jonaxx

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Chase and Hearts-jonaxx"

Copied!
178
0
0

Teks penuh

(1)

CHASE AND HEARTS Chase and Hearts ©jonaxxstories

Introduction

"With you, I can do anything..." Hinawakan ni Yuan ang malalamig kong kamay.

Nasa loob kami ng sasakyan niya. Kinakabahan ako, umiiyak at nanginginig. Walang preno ang pagmamaneho niya. Mukhang matagal talagang pinag-isipan ang pagtakas naming dalawa.

"Kaya natin 'to, Eliana." Aniya.

May nakasunod saming mga tao ng kanyang mga magulang. Gusto niyang umalis ng Pil ipinas kasama ako... tumakas kasama ko.

Hindi ako prepared. Wala akong dalang gamit. Hindi ako nakapagpaalam sa mga magu lang ko o kahit kanino, kahit kay Bench na pinsan ko o kay Denise na bestfriend ko. Nasa bahay ang passport ko at siguradong di ako papayagan ni Daddy na kunin yun.

Simula pa lang, alam kong hindi kami pwede ni Yuan dahil sa tradisyon ng pamilya niya pero umasa parin ako na kahit paano, papayag ang kanyang pamilya sa relasy on naming dalawa. Chinese decent siya at akala ng pamilya niyang illegitimate ch ild ako kaya ayaw nila sa akin. Kaya ngayon, desperado na siyang isama ako.

"Mahal na mahal kita." Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.

Hindi ko parin mapigilang mag-isip sa pamilya ko. Iiwan ko si Dad? Sasama ako sa kanya. Mahal ko rin siya pero alam kong hindi tama 'tong ginagawa namin o kung handa akong iwan ang pamilya ko. All my life, I've always been with my family.

Namatay si mama nung pinanganak ako. Apat na buwang buntis siya sakin nung na co matose. Limang buwan pagkatapos ay ipinanganak ako at siya naman, after one year , namatay. Dad was convinced he'll never find someone else to love but he was wr ong. He met my step mom. She's kind and beautiful like my mother. Pero dahil mah al na mahal at iningatan ako ng lubos ni daddy, homeschooled ako simula Kinderga rten hanggang highschool. Sa resthouse ng farm namin ako nakatira at paminsan-mi

(2)

nsan dinadalaw ng mga pinsan ko at ni Denise na anak ng lawyer ni daddy.

College nung una ako nakatapak sa isang eskwelahan at naranasan ang mamuhay na p arang isang simpleng teenager lang. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari in le ss than a year. I fell in love with Yuan. Crazily in love with him that I sneak out at night, disobeyed dad and lied to my friends... all of it just to be with him. Pero masaklap sakin ang katotohanan. His parents dislike...no...hate me. Na gawa nila akong ipagtabuyan sa bahay nila. I was outside their house begging to please hear me. Hindi ako anak ng kabit (that's what they think). Intsik sila ka ya gusto nila ng isang intsik din para kay Yuan, at ang pangalang Eliana Chaves Jimenez ay malayo sa pagiging intsik.

"Stop the car."

Bakas sa mukha niya ang pagkabigla sa sinabi ko. Para bang hiningi ko sa kanya a ng pakawalan ako.

"Stop the car, Yuan. I don't want this..." Sabi ko.

Masakit. Masakit sabihin yun sa taong pinakamamahal mo. Masakit tanggihan ang al ok niya. Mahal ko siya pero this past few months masyado na akong nasaktan. Ipin agtabuyan ako ng parang aso sa bahay nila nung huli ko siyang nakita at nakausap . Hindi siya nakipagcommunicate sakin ng halos anim na buwan pagkatapos nun, tap os ngayong nagkita ulit kami bibiglain niya ako ng ganito.

Imbis na sinunod niya ang gusto ko, humarurot ang sasakyan at mukhang di niya na malayang pula na ang traffic light. Agad siyang nagbreak. Hindi kami tuluyang na bangga sa isang sasakyan pero dahil sa bilis ng takbo at sa biglaang break, luma bas yung airbag sa harapan pero nakita kong sumalpok ang ulo niya sa salamin at dumugo.

"GET OUT! GET OUT!!! NOW!" Sigaw nang sigaw ang mommy ni Yuan sa loob ng ospital . "This is all your fault!" Sinampal niya ako pero tinanggap ko na lang ang laha t.

(3)

"Eli! Eli!" Kakarating lang ni Denise at ni Bench. "What happened?"

Umiling na lang ako at naglakad paalis ng ospital kasama si Bench at Denise.

I have to stop this. I have to start a new life and stop all this. Nagsimula ito sa mali pero tatapusin ko 'to sa tamang paraan. I have to stay away. Stay away from all of these.

C&H1

New City, New Life

"Hindi ka na ba talaga mapipigilan?" Tanong ng pinsan kong si Bench.

Kinalas ko ang pagkakayakap ko kay Denise - siya lang yata ang kaibigan ko simul a pa noon. Nasa ilalim kami ng private plane nina Bench nang dumating siya kakag aling yata sa office niya. Hinalikan niya ang noo ni Denise at ngumiti. Ang best friend ko at ang pinsan ko, finally together.

"Hindi na." Sabi ko.

Kinakabahan ako pero kakayanin ko 'to. Sila lang ang naghatid sakin papunta dito dahil ayokong makita si Daddy sa pag-alis ko. Pakiramdam ko uurong ako sa desis yon kong pag-alis kung nandito siya. At syempre pipigilan din ako for sure ni mo mmy (step-mon ko). Umiyak yun kagabi kasi di niya pa nasasabi sa mga kapatid (st ep brother/sister, kasi twins) kong aalis ako.

Ayoko din namang umalis, pero kailangan. I'm gonna miss this big city, my home. But all my life I've been inside my comfort zone, I need to get out of it cuz a bigger world is out there waiting for me.

Malakas ang ihip ng hangin dito sa airport. Nasa plane na ang baggage ko at hini hintay na lang ako ng pilotong sumakay.

"Joe, yung mga files, ipagpatuloy mo na lang lahat." Sabi ni Bench sa cellphone niya at binaba agad, tinuon ulit ang atensyon sakin.

Si Bench na pinsan ko pero parang kapatid na rin at ang girlfriend niyang si Den ise na mangiyakngiyak na naghatid sakin, mami-miss ko sila. Si Denise lang ang m aituturing kong kaibigan ko dahil buong buhay ko, pinrotektahan ako ni Daddy sa 'real world'. Halos di ako pinapalabas sa bahay not unless kasama ko ang family ko. Bakit niya ginawa yun? Siguro sa sobrang pagmamahal. At ngayon, binibigyan n iya na ako ng kalayaan. Pumayag siyang umalis ako dito sa syudad na 'to.

"You sure you won't go for Paris, instead? Masyadong malapit yan..." Sabi ni Ben ch.

(4)

Hindi pa ako nakakapunta dun pero susubukan kong mamuhay dun ng normal. Kalimuta n ang lahat ng sakit na dinulot sakin ng syudad na 'to. Huminga ako ng malalim, trying to take it all in. Every corner of this city reminds me of him. All the m emories came back.

Yuan Tan is his name.

Almost a year ago, nakilala ko siya sa unang skwelahang pinasukan ko. I was home schooled the whole grade and high school years. College ako at fresh eighteen n ang pumasok ako sa school at nakihalubilo sa ibang tao bukod kay Bench at Denise . Masaya. Free. Si Yuan Tan ang nagturo sa akin ng maraming bagay. Kung paano ma ging isang normal na teenager. To have fun. But most of all, he taught me how to love.

But he wasn't free.

"I want to love you." Sabi niya sakin isang gabi sa loob ng sasakyan niya. "But my parents... won't understand."

May dugong chinese si Yuan. At may ipinangakong chinese na girlfriend na na si T anika Uytingco. At syempre, nilihim namin ang feelings namin sa lahat. Nung nabu ko kami, ipinagtabuyan ako ng parents niya sa bahay nila. Pati siya nagawang ipa g tabuyan ako. It broke my heart into pieces.

Last week nung 19th birthday ko, niyaya niya akong makipag tanan, lumabas ng ban sa, kaming dalawa lang. Hindi ako pumayag. Six months, di kami nag-usap tapos bi gla na lang siyang susulpot na ganun? Akala ko nung tinaboy niya ako wala na tal aga kaming dalawa. It made me happy to see that he still wants to be with me aft er six months of pain. Pero mahirap para sakin ang six months na yun. I was brok en and irrepareable. At di pwedeng bigla bigla na lang siyang susulpot sa harapa n ko pagkatapos ng mga ginawa niya at mga pinagdaanan ko!

Touchdown, Mactan International Airport.

New city, new life... I hope my past won't haunt me anymore.

MUST READ!

Alam kong maiksi, sinadya ko yan para sa mga hindi nakabasa ng No Perfect Prince .. Abangan po ang next so you'll understand... At oo, I'm taking you all to MET RO CEBU!

P.S.: LETS ALL ASSUME NA NAGTATAGALOG DIN ANG MGA TAGA CEBU! Okay? ahhhaha! than ks

(5)

C&H2

Handsome and Gentleman

"Nasa Cebu na ako." Sabi ko sa cellphone kay Daddy.

"You should stay in a hotel! Nagpabook na ako sa Waterfront, just ride a taxi an d tell the driver!" Sabi ni Dad.

"Dad, wa'g na. Kukuha ako ng apartment or something here. Don't worry. Tsaka, ta tlong araw lang ako sa hotel. Nagpabook na si Bench sa isang hotel dito. Icancel mo na yung Waterfront na sinasabi mo. Don't worry too much about me." Sabi ko. "I can't help it! Bakit ba kailangang diyan ka pa tumira? If you want to get int o an open school, pwede naman dito ka na lang sa bahay-"

"Dad, sige na po! Birthday present nga diba!? Don't worry, kung di ko na kaya, u uwi ako diyan agad-agad! Okay? Don't worry please. Bye!"

Nasa harap na ako ng paradahan ng taxi sa labas ng airport. Papara na sana ako n ang biglang may lumapit sa akin, nakauniform galing sa isang Audi na SUV.

OH GOD, NO!

"Miss Eliana Jimenez, eto na po ang hinandang kotse ni Mr. Bench Jim-"

Napamura talaga ako sa nakita ko at tinawagan agad ang pinsan kong sa sobrang ya man namimigay na lang ng pera! Kung anu-anong naiisip! Hindi iniisip kung ano an g pakay ko sa paglayo sa Manila!

"Bench!" "Eli-"

"Bench, my God! Drop it! Gusto kong mamuhay ng normal dito, ba't nagpadala ka ng SUV?"

"Hindi ko pinadala yan, binili ko diyan-"

"Ibalik mo na yang Maynila kasi magtataxi lang ako. Halos ayawan ko nga yung pag hohotel ko ngayon dahil masyadong galante, papadalhan mo pa ako ng driver at SU V? Wa'g na... you know what's normal life? NORMAL! Yung tulad ng buhay ni Denise nung wala ka pa. That's normal life! Not freakin rich kid life!"

"Wait... hindi normal ang buhay ni Denise kung wala ako-"

Napabuntong hininga na lang ako at... "Bench, magtataxi ako. Send this SUV back to Manila. Okay?"

"Okaaaay!" He said lazily.

Binaba ko ang cellphone ko at mukhang tinawagan niya ang pinadalang driver at il ang sandali ay umalis na din.

May nakita akong taxi... papara na sana ako pero biglang may kulay neon green ak ong nakikita sa gilid ng mata ko.

Neon green ang kanyang t-shirt kaya mas lalong umitim ang kulay ng kanyang balat . Mohawk ang buhok at agad kong naramdamang baklush siya nang naglahad siya ng k amay at nagsalita...

"Ang ganda-ganda mo naman, girl! Half-american ka ba? I'm Adrienne, by the way." Tinanggap ko ang kamay niya, "Eliana Jimenez, di ako half american."

"Jimenez? Probably may dugong espanyol!" Aniya. "I'm working for this underwear company at nag s-scout kami ng pwedeng mag model sa isang ad dito sa Cebu."

(6)

May kinuha siyang credit card galing sa wallet niya.

"In case you need money, you may want to try." Binagay niya ang calling card niy a sakin.

"Ah... di ako pwede." Sabi ko agad.

Oo, kailangan ko ng pera. Magtatrabaho ako habang mag-aaral sa open university n g school namin tulad ni Brent na sa internet lang nagmemeet sa prof at di na kai langang pumasok pa sa school. Magtatrabaho ako dito sa Cebu. Maghahanap ako sigu ro secretarial jobs para magkaroon ng apartment, mamuhay ng simple at hindi umaa sa sa iba. Independent.

Hindi ako pwede sa modeling jobs dahil ayaw kong malaman ng kahit na sino na nan dito ako sa Cebu. Natatakot akong malaman ni Yuan at sundan niya ako dito.

"Ba't naman?" Tinanong niya ako pero nakatingin siya sa likuran ko at nakangiti. "Uh..."

Lumingon ako at nakita ko ang isang matangkad na lalaking naka blue button-down shirt. Matangos ang ilong, pula ang labi, maliwanag ang mga mata at malinis ang gupit ng buhok. Nagmamadali siya pero mukhang matitigil sa paglalakad dahil kay 'Adrienne'.

"CHASE!" Tili ng mukhang kinikilig na Adrienne. "Adrienne! Kaw pala! Sinusundo ko si Mama."

Ayun si Adrienne at hindi na ako pinansin at naka aligid na dun sa lalaking tini lian niya.

"Nakarating na pala si Madame?..."

Tinitigan ko silang dalawa at nakita kong sumulyap at tumitig din yung lalaki sa kin. Awkward. Tinoon ko na lang ang pansin ko sa taxi na hinahanap ko.

"Ah eto ba?" Biglang hila ni Adrienne sa braso ko na para bang matagal na kaming magkakilala. "Hindi ko siya kaibigan. Dito kami nagkakilala... yinaya kong mag model. Maganda diba?"

Tinitigan ulit ako ng lalaki, ngayon nakangiti na.

"I trust your taste, Ad..." Nilagay niya ang kanyang index finger sa baba at tin ignan akong mabuti.

Never in my whole life did I blush this much. Oh God and I don't know why!

"Oh she's blushing! Girl! Pulang-pula ka na! Naiilang ka kay Chase?" Sabi ng ING RATITANG si Adrienne!

God! At di pa ako napahiya ng ganito! Nakakahiya! SINABI NIYA PA KASI!

Tumawa si Chase! Relax lang Eli... Relax! Ba't namumula ako eh tinitignan lang n aman ako nitong lalaking 'to.

"Chase Martin Castillo." Naglahad siya ng kamay.

Tinanggap ko pero halos sumabog na ang ulo ko sa init ng pisngi ko at sa sinasab i ni Adrienne...

(7)

"Uh... Eliana... Jimenez. Aalis na ako." Sabi ko at halos out-of-focus na ako na tumitingin sa dumadaang mga taxi at pinapara kahit alam kong may tao na sa loob .

"Ako na." Sabi ni Chase.

Pinara niya ang taxi para sakin at nilagay ang bagahe sa likuran ng taxi. "S-Salamat." Sabi ko.

HE IS SO HANDSOME THAT I CAN'T BELIEVE HE'S A GENTLEMAN! C&H3

Hired

Nakarating na ako sa isang hotel dito sa Cebu. Radisson Blu na tulad ng sabi ni Bench ay malapit lang sa isang mall. Maganda ang Cebu at di tulad sa Maynila, ka hit syudad siya, malinis ang hangin lalo na nang napadaan ako sa Marcelo Fernan Bridge. This is a new life I'm sure.

"Miss Jimenez?" Tanong nung babae sa reception.

Pagkapasok ko sa room agad kong nilapag ang bag ko. Nandito na kasi yung bagahe ko dinala nung room boy. Brown at cream ang combinasyon ng mga furniture at wall .

Tinanggal ko ang sapatos ko.

"Presidential Suite, huh?" Napailing ako sa kawalan. Si Bench talaga.

*Phone ringing* YUAN CALLING!

Agad kong pinatay ang cellphone ko at tinanggal ang sim card sa sobrang kaba. Oo nga pala, dahil di niya na ako tinitext noon, akala ko di niya na ulit ako it itext! At dahil naospital siya sa aksidenteng nangyari isang linggo pa lang ang nakararaan, hindi siya nakakapagtext o tawag sakin. Ngayon, siguro nakalabas na siya ng ospital. Tinawagan niya ako agad!

I love him but we can't be together. Hindi alam ni Dad na ganito ang nangyari ka ya ako umalis. Pinagtakpan na ako ng pinsan kong si Bench sa lahat ng nangyari. Siya din ang nagkumbinsi kay Daddy na payagan ako sa paglayo ko. Hindi ko alam k ung anong gagawin ni Daddy pag nalaman niya. Baka mas lalong magkagulo.

Binuksan ko ang laptop ko para makapag Skype kay Denise dahil yun ang payo niya sakin pagkarating ko raw dito sa Cebu.

"Tagal kong naghintay huh!?" Pambungad niya sakin nang nag online na ako. "Tinawagan ako ni Yuan-"

"SHHH! No-Yuan-allowed-conversation please? You want to move on or not?" Nakataa s ang isang kilay niya.

"Okay. Okay..."

(8)

I'm sure meron. Don't dress to much dahil sabi mo sakin gusto mo ng simpleng pam umuhay, diba?"

"Oo. Tatlong araw lang ako dito, maghahanap lang ako ng apartment na mura tapos maghahanap din ako ng trabaho ngayon."

Nagkasalubong ang kilay ni Denise.

"Oh Eli... Are you sure you're doing this? Ang yaman niyo, pwede kang pumuntang Europe dun mag-aral kahit di ka na magtrabaho, ba't yang buhay na yan pa ang gus to mong mangyari sayo?"

"D, gusto kong mamuhay ng simple."

"Hay! Okay. May tatanggap ba ng highschool graduate? Anong klaseng trabaho ang g usto mo? Siguro sa mga fastfood chains?" Sabi niya habang tinitignan ang mga pap el na mukha niprint niya para sakin. "Heto... May waitress... tsaka marami pa... See?" Pinakita niya sakin sa webcam.

"Kahit ano, okay lang." Sabi ko kahit natatakot ako dun sa sinabi niyang 'waitre ss'. "Email everything."

"Huh?"

Ayokong malaman ni Denise kung saan ako mag aapply ng trabaho dahil baka sabihin niya 'to kay Bench at makikialam pa si Bench.

Nilista ko lahat ng mga ads nagbihis ng mejo promala pero simple at pumunta na s a mall na tabi lang ng hotel. SM Cebu. Kumain ako sa isang fast food (trying to be simple) pero mukhang di ako nagtatagumpay ewan ko kung bakit pero maraming tu mitingin sakin. HUHUHU. May soot siguro akong di simple, magtatanong ako kay Den ise mamaya. Bumili din ako ng bagong simcard at nitext agad si Daddy, Mommy, Den ise at Bench tungkol sa pagpapalit ko ng number.

Sinuyod ko ang pinakaunang nasa listahan. Inuna ko yung mga secretarial jobs, hu li na yung mga waitress - last resort.

Nakakatatlong kompanya na ako nang natanggap ako sa isa.

Castillo Pharamceutical Incorporated. Matayog ang building ng isang 'to at may C PI na kulay navy blue sa rooftop. Sa I.T. park Cebu ang building nila, isang bus iness center dito sa Cebu.

Marami kaming naga-apply at naghihintay tawagin ng HR nila dito. Nang tinawag na ang pangalan ko, pumasok ako agad sa office ng HR na si Celine L. Reyes.

"Eliana Jimenez?"

Nabigla ako nang nakita kong si Ma'am Celine L. Reyes ay halos kasing edad o mej o matanda lang sakin ng konti. Mahaba at straight ang buhok niya. Mejo chinita a ng mga mata at kulay pink (dahil sa lipstick) ang labi. Maputi siya at payat. "How are you related to the owner of Jimenez Brewery Incorporated?"

Halos mabilaukan ako sa tanong niya at napanga-nga na lang. Nag-hang ako buti at tumawa

siya-"Joke! i'm sure you're not related! Kung related ka sa mga yun I'm sure you won' t be here applying for this job."

WHAT? Muntikan na yun ah! Pilit akong tumawa.

"Highschool ka lang?" Tapos tinabi niya ang resume ko. Thank God di niya nakitang homeschooled ako!

(9)

"Oo. Pero sinubukan kong mag college, ayun, kapos kaya eto... Pero plano kong ma g-aral din. Gusto kong makatapos."

Tumango siya.

"Kawawa ka naman. Ang ganda mo pa naman tapos di ka makakatapos kung magtatrabah o ka agad. Ilang taon ka na?"

"Nineteen." Sabi ko.

"I'm twenty five. Pero kakatapos ko lang ng college last year alam mo ba yun? Pa rang naaalala ko ang sarili ko sayo. Rebelde ako, alam mo ba yun?"

Hindi... malamang hindi ko alam. err.

"Gusto kong mag boypren pero ayaw ng mga magulang ko kaya bagsak yung mga grades ko, tinigil ko ang pag-aaral at nagtrabaho, buti nga natapos ako, pero kami par in ng boypren ko." Hinarap niya sakin ang frame na nakaharap sa kanya. Isang lal aking chinito din na nakabihis ng kulay puti. Parang doktor. "Gwapo diba? Doktor siya. Natanggap din naman kami ng mga magulang ko. Kaya mejo okay na ngayon. Lo ve conquers all talaga!" Mangiyak-ngiyak na siya ngayong nag sasalita. "Sana mal aman ng pamilya ko na si Luke ang dahilan kung bakit nagsikap ako sa pag-aaral a t ngayon HR na dito sa CPI!"

Hindi ko alam kung anong magagawa ko. She is starting to sob! WHAT THE? Ganito b a talaga ang interview? Di naman ganito yung tatlong nag interview sakin ah? Kumuha ako ng isang basong tubig dun sa water dispenser na nakita ko.

"Salamat. Sorry." Patuloy siya sa paghikbi. "H-Hindi ko lang talaga mapigilan." "Okay lang po yan, Ma'am. Ako nga rin eh, ayaw sakin ng pamilya ng ex ko. Pinagt abuyan nila ako kaya nag break kami." Sabi ko.

Kuminang ang mga mata niya at mas lalo pang umiyak. "OMG talaga! Dapat pinaglaba n ka niya!" Hindi na siya makapagsalita ngayon ng maayos sa pag-iyak. "Hindi ka niya mahal kung di ka niya pinaglaban! YOU ARE HIRED! DAMN IT!" Sabi niya habang pinupunasan ng panyo ang mga mata.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya!

"Talaga ma'am? OMG! Talaga po?! Salamat ma'am!" "Don't call me 'ma'am', just Celine." Aniya.

OMG. I'm hired! Secretary to the president of CPI! I'm hired! Hindi ko alam na y ung heart aches na dala ko galing Maynila ang makakaahon sakin dito sa Cebu! Wei rd HR, though. Sabi ni Denise sakin dapat pormal ang mga HR, etong sang 'to mukh ang binase lang sa love life.

C&H4

Oh na na... What's his name?

Ang sabi ni Denise sakin, extremely weird daw yung nangyari sakin sa CPI. Imposi ble daw na ganun yung HR. Kung ganun daw, baka mumurahing kompanya lang daw yung napasukan ko. Nilarawan ko naman sa kanya ang building ng CPI na halos kasing t ayog ng building ng Jimenez sa Maynila. Hindi siya makapaniwala. "Baka na scam k a lang huh?" Aniya.

(10)

gpyestahan ng mga tao.

Friends ni Tanika: Kabit! Sana wa'g ka ng bumalik dito. Kung saan kaman sana mam atay ka na.

Hindi yun nabasa ni Denise kasi aniya'y mag dadalawang linggo na siyang di nag-o open ng account niya. Buti dahil baka na pektusan na niya ang mga iyon at kinasu han ng kung anong pwedeng ikaso.

Hindi matanggal sa isip ko si Yuan. Di ko nga namalayang di pala ako nag dinner nang nakatulog akong umiiyak sa Hotel room. Hay buhay! Mahal ko talaga si Yuan. Noon, nagdasal ako na sana kaya niyang ipaglaban ako. Anim na buwan din akong na ghintay, maiksing panahon pero para sakin ay mahaba na yun. Araw-araw, minu-minu to ko siyang iniisip. Iniisip at binubuhay muli ang mga alaala naming dalawa, ha nggang sa halos parang panaginip lang lahat na nangyari samin.

"Eliana?" Sakmal ni Celine sakin. "P-po?"

"Anong nangyayari sayo? Spacing-out? What's your problem?" There's that concerne d look in her face again.

Para bang uhaw siya sa mga problema ng mga tao. "W-Wala. Dito yung table ko?" Tanong ko.

"Oo..." Pumalakpak siya at tinawag ang mga tao sa paligid. Lumapit naman yung iba, yung iba hindi na...

"New?" Tanong nung isang lalaki na kasing tangkad ko at may malalaki at 'express ive' na mga mata.

"Yes, Marc." Sabi ni Celine. "Eto nga pala si Eliana Jimenez, yung bagong secret ary ni Madam, hope you treat her well-"

Tumango yung iba at sa mga mukha nila ay parang kagalang-galang talaga si Celine . Hindi ko naman sinasabing di siya kagalang-galang pero... hindi parin talaga m atanggal sa isip ko yung nangyari sa interview.

"Hmm? Ano na naman yan, Celine." May matangkad at mala diyosang babae ang dumaan at napa-balik talaga lahat ng lumapit, except kay Marc, sa kanilang mga mesa. Etong girlet na 'to, matangkad, maputing-maputi, as in para siyang bond paper sa puti at mukhang mahinhin at di ngumingiti.

"Bago?" Nihead-to-foot niya ako.

"Wala kang pakealam, Britt. Back off. Balik ka na lang sa marketing department, di ka welcome dito."

Nung nagkalapitan na silang dalawa ni Celine, narealize kong mukhang ka-age sila ng dalawa, magkasing tangkad at parehong magaganda.

"Brittany, dun ka na lang sa Marketing, hayaan mo na si Celine-" Sabi ni Marc. "No, Marc. Mula nung naging HR siya dito puro palpak ang niha-hire niyang empley ado. Palibhasa ginamit lang yung boyfriend niya para maging HR siya dito. At ika w naman, hija, anong pangalan mo? Kita ko sa resume mo di ka pa pala nag co-coll ege sana inuna mo ang pag-aaral mo. Celine, may mga graduates na dun sa nag appl y bakit siya pa?" Nagkatagpo ang kilay niya na para bang diring-diri sakin. Uh-oh? Anong gagawin ko? Mukhang ifa-fire na yata ako di pa nga ako nakakaupo sa mesa.

(11)

"Ano? Ikaw na lang kaya ang mag HR? Palit tayo ng trabaho? Anong pake mo?!" Tuma taas na ang tono ng boses ni Celine. "Ikaw na lang magdesisyon kung sino! Insecu re ka yata eh!"

"Girls... girls... tama na..." Awat ni Marc sa dalawa. Huminga akong malalim at kinabahan sa tinginan ng dalawa. "Uhh... Aalis na lang muna-"

"No... you're not leaving." May boses akong narinig sa likuran.

Tumingin lahat ng tao sa paligid pati si Marc, Celine at 'Britt' sa likuran ko. "What's wrong here, Celine?"

O.M.G. ITS HIM! YUNG LALAKI! SA AIRPORT! WHAT'S HIS NAME AGAIN? I CAN'T REMEMBER !

"Si Brittany, nangengealam sa new secretary ni madame!" HE WORKS HERE!?

Nakapamaywang siya habang tinitignan ng seryoso si Celine at tuminginulit sakin. Umaliwalas ang kanyang mukha at tinignan si Brittany.

"Okay... okay... Whatever, but I'm warning you, girl!" Sabi ni Brittany sakin. " You better be good." Umirap siya at tinalikuran kaming lahat.

"What's her problem, bro? Pinaiyak mo?" Tumawa si Marc at hinampas ang dibdib nu ng lalaki.

WHAT IS HIS NAME?

"By the way, eto si-" Sabi ni Celine. "We've met, Celine."

OMG! Patapusin muna si Celine please?! Hindi ko maalala ang name... A? B? C? D? E? Ffff? Which letter? G? H? I? Jjj? K? L?

"Oh? Really? What's the girl's name, then?" Nakataas ang kilay ni Celine. "Eliana, right?" Sabi nung lalaki.

Tumango ako at uminit na naman ang pisngi dahil alam ko kung ano ang susunod na tanong!

"Anong pangalan niya, Eliana?" Tanong ni Celine sakin habang nakaturo sa lalaki. Natahimik ang paligid. Pati yata yung security guard sa elevator ay inabangan an g sagot ko. Gosh! This is the hardest question I have ever heard!

"Mmm." Sabi ko habang tumitingin sa itim na ballet flats na soot ko.

("Do not wear pumps or anything heeled. Secretary ka, 'Eliana, kuha ka ng kape.. . bili ka ng ganito... ganyan... takbo doon...' kaya mas convinient kung flats. AT! Pagmakita ng mga taong tulad ko ang pumps mong Aldo, Louboutins at iba pa, h indi ka na tatanggapin kasi malalaman nilang mayaman ka at ayaw nating mangyari yun, diba?" Yun lang ang naiisip ko na sinabi ni Denise kagabi.)

I have no hope. Magpakatotoo ka girl. "Na-Nakalimutan ko..."

(12)

Nalaglag ang panga ng lahat at may nakita pa akong mga papel na nabuhusan ng tub ig sa bigla. Tinignan ako ni Marc na parang may kasalanang nagawa. Naka perfect O naman ang bibig ni Celine.

Yung lalaki sa harapan ko, nakanguso na para bang gustong ngumisi pero pinipigil an ang sarili.

"Everyone, back to work!" Sabi niya.

Limang segundo siguro bago siya sinunod ng lahat.

"OMG!" Tumatawa si Celine at Marc. Walang tunog yung tawa nila at namimilipit sa tiyan. "Over confident na kilala, di naman pala..." Tumakbo si Celine papuntang elevator, di parin kayang huminga ng maluwang sa kakatawa.

"Congrats, bro." Tumatawa din si Marc palayo sa lalaki. Nung kami na lang dalawa ang naiwan...

"You, Eliana, come with me..." Itinuro nung lalaki ang opisina ng BOSS ko... Akala ko ba madame? WHAT THE? HE'S MY BOSS? OMG! And who is he again? Pls God! T ulungan niyo po ako! Please! Magsisimba na ako sa linggo! Please! Help! What's h is name! OMG! OMG! OMG!

C&H5

Chase Martin R. Castillo

Pumasok ako sa loob ng office ng diumano'y boss ko. Yung lalaki yung nauna at um upo dun sa upuan ng 'boss'.

"Chase Martin R. Castillo." Sinabi ko agad nang nakita ko ang isang close-up pa inting ng mukha niya (mula labi hanggang mata lang ang ipinakita), sa baba nun m ay nakalagay na Chase Martin R. Castillo.

Napabuntong hininga siya. "Now you finally know, eh?"

"Sorry po. Di ko talaga naalala. Dami ko kasing iniisip eh." Sabay kamot sa ulo ko.

"No. Its okay!" Tapod ngumiti siya. One dangerous smile.

Para bang tinititigan niya ako at nababasa niya ang isip ko kaya siya ngumingiti . Bakit? Anong iniisip ko? Na ang bobo ko talaga dahil di ko naalala ang pangala n niya tapos manghang-mangha pa nga ako nung nagkakilala kami dahil ang gwapo ni ya diba? Siguro dahil masyado akong preoccupied sa lahat ng nangyayari.

"So... tinanggap mo ba yung offer ni Adrienne?"

Tapos nagloading na naman ako at napatingin sa chandelier sa itaas at sa malakin g glass window sa gilid na nagpapakita ng iba't-ibang building sa buong I.T. Par k.

(13)

"Ah! Hindi! Yung... Hindi ko tinanggap. hehe." Tumatawa ako na parang krung-krun g sabay kamot ulit sa ulo ko.

My God Eli! Yung bading nga pala yun na nag-offer sakin ng modeling job! Actuall y, ngayon, mejo nararamdaman ko ng pwede ko yung gawin tapos sabihin kay Adrienn e na sana hanggang Cebu lang ang ad na yun. Pu-pwede kaya yun?

"Okay. That's good." Sabi niya nakatitig parin sakin.

Ayan na naman ang ngiting pilit niyang pinipigilan kaya ngumunguso siya.

"By the way, this is the office of my mother... the President and CEO of CPI. In case di mo alam, her name is Marie Elizabeth Castillo. Everyone calls her madam e, you should too." Aniya habang pinaglalaruan ang ballpen ni 'Madame'.

Napabuntong-hininga ako. Tapos tumaas ang kilay niya na para bang kini-kwestyun ang pag buntong-hininga ko.

"A-Akala ko kasi ikaw yung boss ko..." Sabi ko bigla, avoiding his stare.

Another one of his supressed smile flashed. Ugh! Pakiramdam ko umiinit na naman ang pisngi ko. No doubt, I'm blushing!

"Why is there a problem with me? Ayaw mo ba akong boss?"

Ngayong tinanong niya na iyon, naitanong ko na rin sa sarili. Struggle na naman ako sa sagot dahil di ko rin maintindihan kung bakit takot akong maging boss siy a.

"Uh... hindi...po..." Ngumiti na lang ako ng plastic.

Kelan ba ako makakalabas at makakapagtrabaho? Diba ngayon na dapat!? Ba't nandit o pa kami sa office eh di ko naman pala siya boss?

Niluwangan niya ang neck-tie niya at tumingin sa relo.

"Kung ayaw mo akong boss... Sorry to tell you, Eliana, but I'm the Chief Operati ng Officer of this company. Boss mo rin ako..."

Nanlaki ang mga mata ko pero ngumiti parin, "O-Okay po Sir! Nice meeting you!" S abi ko kahit na mukhang sarcasm yung pagkakasabi ko.

Hindi niya na napigilan ang pagngiti. Naririnig ko na yung pintig ng puso ko! Ki nakabahan ako. Will I get fired?

"Come over here, Eliana." Sabi niya sabay tayo. "You should arrange these papers first... then magtimpla ka ng kape."

Agad akong pumunta dun sa kanya at i-aarrange ko sana yung papers at mga folders nang sabay naming kinuha ang mga iyon kaya nahawakan niya ang mga kamay ko. Limang mahahabang segundo siguro kaming nagkatitigan bago binitawan ang papers a t folders dahil may biglang pumasok sa opisina... Isang maputi, kulay-brown ang buhok at malalaking gold earrings na babae ang pumasok at may dalang Louis Vuitt on bag...

Pagkapasok niya, nakanganga na ang bibig niya at tinanggal ang sunglasses at muk hang nakita ang scene bago kami lumayo sa isa't-isa ni Sir Chase.

"M-Ma..." Sabay halik ni Chase kay 'Madame'. "I thought you'll be here in an-" "Bakit? Nahiya ka sa nakita ko?" Kumindat si madame sakin! "Eliana, my new secre

(14)

tary?" Ngumiti siya. "Opo..." Sabi ko.

"Paki timplahan mo ako ng kape." Patuloy niya.

"Okay po..." Sabi ko habang umaalis na sa opisina...

"Oh wait..." Ngumisi si Madame. "You don't know how I like my coffee." Tumigil ako para dinggin kung paano yung kape niya.

"Chase... will you teach her how to do it?" Hindi na tumingin si Madame kay Chas e o kahit sakin, doon na nakatoon ang atensyon niya sa mga papel at folders. "Sure, Ma."

Nakatingin na si Chase sakin at naglakad na rin patungo sa kitchen ng office. "Put your bag on your table." Aniya nang nakitang dala-dala ko parin ang bag ko. Pero bago ko pa nagawang ilagay ang bag ko sa table, kinuha niya na ito at tinan ggal sa balikat ko.

"Here..." Sabi niya. "You should start to put things here..." Ngumiti siya at na gpatuloy kami sa paglalakad.

Gutom ba ako? Naisip ko ang tanong na yan dahil habang naglalakad kami, parang a ng gaan ng mga paa ko. Para bang anytime, pwede akong madulas dahil sa gaan nito . Pero sa layo ng kitchen, narealize ko kung ano o sino ang nagdudulot sakin ng pakiramdam na 'to, si Sir Chase. I don't know why.

C&H6

First time

Tinuruan ako ni Sir Chase paano gamitin ang coffee maker at kung anong mga ilala gay ko para magustuhan ni madam. Ngayon, inaabangan niya akong matapos sa pagbu-brew. Nakasandal siya sa sink habang pinagmamasdan ako.

"So you're not from Cebu, are you?" Sabi niya.

I'm fighting the urge to answer him in English! ("Stop the english, Eli! You're this normal girl unrelated to the Jimenez industries..." Sabi ni Denise)

"H-Hindi."

Ngayon naalala ko, paano ko sasabihing taga Maynila ako tapos dukha? Dapat pala pinag-isipan kong mabuti yung mga sasabihin ko bago ako nagpuntang Cebu.

"G-galing ako ng Maynila. Mahirap buhay doon eh tsaka gusto ko maging independen t." Sabi ko while looking away.

"How bout your parents?"

"Nasa Maynila." Sabi ko at nawalan na ng maidudugtong.

(15)

pe at ihahatid na sana.

"Gamitin mo 'to." Sabi niya sabay lagay sa cup and saucer sa isang tray. "Mas ma buti kung meron neto lalo na pag di ka sanay."

Nahawakan niya ulit ang kamay ko nang binigay niya sakin ang tray. Napatingin tu loy ako sa mukha niya ng dahan-dahan. Seryoso lang siyang tumutulong sakin... Ba kit ba parang may weird akong nararamdaman.

Umiling na lang ako sa sarili ko.

"You okay?" Tanong niya nang naglakad kami pabalik sa office ni madame. "Yeah... uh... Oo." Sabi ko.

Tumango siya at... "Got to go. Need to work. Lapit lang office ko dito. Straight ka diyan." Sabay turo niya sa unahan. "Tapos liko kang right... then you'll see my secretary. Dun." Ngumiti siya.

"O-Okay po, sir." Sabi ko habang nagcoconcentrate para di matapon ang kape. "See you around!" Umalis din siya nang nakarating ako sa office ni madame.

Busy si madame. Yung mga folders sa mesa binabasa niya na at may eye glass na sa kanyang mga mata. Ngayong mas natutukan ko na siya, narealize kong nagmana si S ir Chase sa kanyang mga mata. Kulay brown.

"Ilapag mo lang diyan. Pag dumaan yung snack girl, bilhan mo ako ng dalawang tur on."

"Okay po..." Sabi ko kahit wala akong ideya kung anong sabi niya. Lumabas ako at umupo na dun sa table ko. Snack girl? Turon?

Ilang sandali, nakita ko ang isang babaeng naka apron na may tinutulak na cart n a puno ng mga pagkain. Nagsilapitan ang iba sa kanya pati na din yung si Marc. Nang nakarating na ang snack girl malapit sakin, nilapitan ko na rin para tignan kung anong meron at saan dun ang turon.

"C-CR muna ako." Aniya at kumaripas na sa CR.

Ngayon, si Marc at ako na lang ang naiwan kasama yung cart na may mga pagkain. "Paborito ni madame ang turon." Sabi ni Marc.

Napakagat-labi na lang ako habang tinitignan ang maraming pagkain. ANO ANG TURON ?

Tinignan ko si Marc hanag kumakain ng fresh lumpia at tumitingin din sa cart. Ma gkasing tangkad kami at may gel sa buhok na naka spike. Parang hedgehog. Tumingi n siya sakin at natigilan.

"Ano? Gwapo ba?" Kumindat siya at ngumisi. "Uhh..."

"Loko lang!" Tumawa siya. "Ano pang hinihintay mo? Kunin mo na yung turon." "Uh... Okay!" Sabi ko at kinuha ang isang pack ng mukhang chips at tinignan ang reaksyon ni Marc.

Nanlaki ang mga mata niya at natigilan din.

"Joke!" Sabi ko at nilapag ulit yun at kinuha naman yung color violet na hugis b ilog na pagkain.

"Don't tell me... di mo alam anong turon?" Sabi niya agad pagkakita ng pangalawa ng kinuha ko.

(16)

Napakagat-labi ulit ako at tinignang mabuti yung cart.

"Eto oh!" Sabay kuha niya sa mga mukhang nasa loob ng lumpia na kulay red, puno yata ng asukal. Ewan ko, basta mataba itong pagkain na 'to!

"Oh!" Kumuha ako ng tatlo, para sakin yung isa. Umiling siya at tinitigan ako.

"Saan ka ba galing? Di ko alam may taga Pilipinas palang di alam yung turon." An iya.

"Uh... Di kasi ako mahilig eh." Sabi ko sabay tawa.

Tumango siya pero nandyan parin yung weird look sa kanyang mukha.

Agad na akong pumunta kay Madame pagkatapos kong ilagay yung bayad sa lalagyan n g pera. Sabi ng snack girl pagkabalik niya, 10 pesos each.

Kinabahan ako dun ah? Kumain din ako ng turon, yun naman pala may banana sa loob nito at masarap.

C&H7 Eavesdrop

Nalaman ko na kailangan ko palang bumili ng planner para di ko makalimutan ang s chedules ni Madame. Meeting dito, meeting doon... tapos may mga bumibisita pa sa office niyang mga investor, foreign atsaka local. Ang Castillo Pharmaceutical a y isang kompanya ng mga gamot at iba pa.

Nung 5PM na, umalis na si madame. Nag CR ako para mag-ayos at makaalis na rin. M arami pa pala akong poproblemahin: yung apartment ko.

"Bro, yung si Eliana? Yung bagong secretary ni madame?" Narinig ko ang boses ni Marc sa loob ng office.

Natigil tuloy ako. Tinignan ko ang loob. Halos katulad ng office ni madame! Over looking din ang buildings at black and white ang mga furniture. May mga paintin gs pero abstract! Nakita kong nakaupo sa office chair at nakikinig kay Marc si S ir Chase.

"Ang weird, niya bro! Kanina? Di niya alam kung alin dun sa cart ang turon! Saya ng! Ganda pa naman!"

"WHAT ARE YOU DOING HERE?"

Napatalon ako nang may biglang nagsabi nun sa likuran ko. Lumingon ako at nakita si Brittany.

(17)

"MAG C-CR?!" Sigaw niya at nanggagalaiti. Katakot! Para bang masama ang mag CR. "O-Oo."

"Dito ba yung CR? Office to ni Chase!!!" Sigaw ulit niya at tinuro ang kabilang dako. "Doon ang CR!" Pinandilatan niya ako.

"S-sorry po."

"What's wrong here, Britt?" Tanong ni Sir Chase na lumabas na pala sa opisina ni ya.

"This girl here is eavesdropping!" Sabay turo niya sakin.

Napayuko na lang ako. Di kaya ako ma-fa-fire? Di ko naman yun sinasadya. "Easy Britt." Sabi ni Marc. "High blood ka masyado."

"Baka spy 'to ng kabilang kompanya! Its a good plan, you know... Sending spies a s secretary nang malaman kung ano-"

"Britt, will you come down." Sabi ni Sir Chase. "She's not a spy. Bakit mo pinag -iinitan ang mga bago?"

Pumula ang pisngi ni Ma'am Brittany sa sinabi ni Sir Chase. "Cuz Celine has a tendency to hire incompetent-"

"Ano?" Nasa likuran na Celine nung sinabi iyon ni Ma'am Brittany. Napalingon kaming lahat sa kanya.

"Be proffessional, Britt. Kung may problema ka kay Eliana, magreklamo ka kay mad ame! Wa'g mong pagbuntungan si Eliana."

Lalong pumula ang pisngi ni Ma'am Brittany.

"Celine..." Sabi ni Sir Chase kaya natahimik si Celine. "Britt, unang araw pa la ng 'to ni Eliana, hindi siya pumalpak. Hindi siya spy at wala siyang ginagawang masama. I bet she's very good." Sabay sulyap ni Sir Chase sakin.

OMG! Halos mabali na yung mga daliri ko sa kaka-pisil ko dahil sa mga nangyari a t lalo na nung nakatoon na ang pansin ni Sir Chase sakin.

"Kung papalpak man siya, ako na mismo ang magtatanggal sa kanya sa trabaho. It's my discretion." Sabi ni Sir Chase.

Nagwalk-out si Ma'am Brittany na pulang-pula ang mukha.

Umiling si Celine at inakbayan ako palayo kina Sir Chase at Marc.

"Hinanap kita, dadating kasi si Luke ngayon, ipapakilala kita sa kanya." Aniya. "Susunduin niya ako eh."

Naglakad kami pabalik ng table ko.

"Kainis yung Brittany na yun! Wa'g mo ng pansinin. May gusto yun kay Chase eh. K ala niya ang ganda niya! Pag may maganda akong naha-hire agad niyang binubwisit kaya nag resign yung iba."

Tumigil kami sa paglalakad nang nakabalik na sa table ko. Iilan na lang kami sa office. Umuwi na yung iba.

"Saan ka ba tumutuloy, Eliana?" Tanong ni Celine at umupo siya sa upuan ko kaya heto at nakatayo lang ako sa harapan niya.

(18)

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Mali kaya yung sinabi ko? Baka maling ma g hotel? Hindi ba pwedeng maghotel ang mga mahihirap?

"Hindi kasi ako dito eh... Hirap nga ako sa pagbabayad kaya siguro magpaparttime din ako." Dagdag ko habang iniisip ang modeling at naaninaw ang paglaki ng mata at pagnganga ni Celine. "Pero uh, tatlong araw lang ang nabook ko sa hotel at n aghahanap na ako ng apartment or something... kaya... uh... mumurahin lang din y ung tinutuluyan ko."

LAGOT! Di ko alam kung mumurahin nga ba yung Radisson Blu na yun pero ang pinsan kong CEO ang nagbook dun kaya siguradong HINDI!

"WHAT?" Hindi parin natigil ang panlalaki ng mata niya at pagkabigla. Pinagpapawisan na ako ng malamig at halos di na humihinga.

"YOU'RE AN ANGEL, ELIANA!" Sabi niya at napatayo sa tuwa. Ngising-ngisi siya habang yinuyugyog ang balikat ko.

"Ikaw na! Ikaw na talaga ang hinahanap kong bedspacer!!!" Sabi niya. "Naghahanap ako ng bedspacer sa condo ko sa halagang 10 thousand per month!"

"Talaga!??" Nanlaki din ang mga mata ko! GOOD NEWS ITECH! "Ang mura! Sige kukuni n ko!" Sabi ko agad kahit di ko alam kung anong bedspacer... yung naiimagine ko lang ay may kama ako sa halagang 10 thousand pesos.

Nagkasalubong ang kilay niya.

"Mura? Akala ko tatawad ka eh." Nag-isip siya. OMG! Tatawad? Mali yung sabi kong mura! Lagot!

"Maliit nga lang pala yung sahod mo. twenty thousand pesos lang." Tumingin siya sa kawalan. "Ang mahal pala ng 10 thousand kaya siguro wala akong costumer." Sab i niya sa sarili niya. "Okay, 4 thousand pesos per month? okay ba?"

"Okay! Deal!" Sabi ko agad bago pa ako makapagsalita ng kapalpakan ulit.

"YEY! Kailan ka lilipat? Sa Riala Towers yung condo ko! 15th floor! Sige na go!" Kung saan man yun, hindi ko na alam. Ngumiti na lang ako para di niya mahalata. "Excited na ako! Hmm." Tinignan niya naman ngayon ang mga drawer ko at biglang n agtanong galing sa kawalan... "May boyfriend ka na ba, Eliana?"

Nakikita ko sa mukha niyang tulad ng mukha ng bestfriend kong si Denise sa tuwin g may binabalak siyang masama.

"W-Wala naman." Thinking bout Yuan. "W-Wala." Sabay tingin ko sa mga kamay ko. "Oo nga pala. Yung tragic lovestory niyo ng ex mo. So... ano yung mga gusto mong lalaki?"

"Uh... Yung mature, uh, tsaka... matangkad... at syempre mabait." Sabi ko. "Prof essional, gentleman, gwapo... tsaka misteryoso."

"Parang si Chase Martin lang ah?" Tumawa siya. "HUH?" Uminit ang pisngi ko.

"Kasi naman, kitang kita ko ang pambu-blush mo kanina. Hay... Lahat yata nagkaka gusto dun eh. Wa'g kang mag alala... Normal lang yang nararamdaman mo. Crush mo siya?"

Di ako makasagot. Rude yata kung sasabihin kong hindi... nakakahiya naman kung u -oo ako. "Uh... mabait si Sir Chase... Gwapo, gentleman at..." Higit sa lahat ka ya akong ipagtanggol, tulad nung ginawa niya kanina laban kay Ma'am Brittany, di tulad kay Yuan. "propesyunal..."

(19)

"So crush mo siya?" She smirked. "Uhh... Uhmm. O-"

"Celine!" Biglang sabi ng pamilyar na boses sa likuran ko.

Nang tinignan ko si Sir Chase na nakatayo ilang metro sa likuran ko, nasa bulsa ang mga kamay, at tinititigan ako...

Tumindig ang balahibo ko at mas lalong uminit ang pisngi! NARINIG NIYANG LAHAT YUN!? AT MUNTIK NA AKONG UmOO!

C&H8

To model or not.

Natahimik kaming dalawa ni Celine ng lumapit na si Sir Chase samin. Di ako makat ingin sa kanya. Ewan ko kung bakit kinakabahan din ako.

"Luke, texted me..." Sabi ni Sir Chase samin.

Narinig niya kaya yung pinag-uusapan namin ni Celine? Eh malamang kasi kanina pa siya nakatayo riyan!

"SURPRISE!" Sabi nung biglang dumating na chinito at may dimples (parang si Yuan lang).

Hinalikan niya agad si Celine sa pisngi at binigyan ng mga bulaklak. Si Celine n aman pulang-pula at ngiting-ngiti.

"Sinabi mo ba sa kanya na di ako dadating Chase?" Sabay sundot sa likod ni Chase .

Si Luke ay naka puting button-down shirt din at mukhang doktor na doktor ang aur a. Kaibigan pala sila ni Sir Chase? Sa pag-uusap nila parang gusto kong gumapang na lang palabas ng opisina eh. Out of place ako masyado dito.

"Hindi... ko nasabi." Sabi ni Sir Chase na parang walang gana at umiiling pa. "Ano? Edi hindi 'to surprise?" Sabay tingin ni Luke kay Celine.

"Si Chase kasi nakikinig pa sa mga sasabihin nitong bago naming si Eliana kaya d i agad lumapit sakin para sabihin yun." Sabay turo ni Celine sa kinatatayuan ni Sir Chase kanina.

OMG! So nakikinig pala talaga siya?

"By the way, Luke... Eto si Eliana. Siya ang bago kong bedspacer at bagong secre tary ni madame!" Sabi ni Celine.

"Hi!-" Sabi ni Luke... Parang may idudugtong pa siya pero parang pinigilan niya ang kanyang sarili nung tumingin siya kay Sir Chase.

Pagkatapos ng araw na yun at pagbalik ko sa hotel... agad kong sinabihan si Deni se through Skype na may nakita na akong matutuluyan sa halagang 4 thousand pesos ...

(20)

"Four thousand pesos? Okay. Saan ba yan? Baka sa mga liblib na lugar yan ah?" An iya.

"Nope. Sa Riala Towers. Isang condo dito sa Cebu na malapit lang sa pinagtatraba huan ko. Yung HR namin na si Celine Reyes ang nag offer skin na-"

"What? Di kaya scam yan o baka magnanakaw yan ng gamit mo? Bedspacer?" Tanong ni ya.

As usual, ayan na naman ang mga pagdududa ni Denise. Hinayaan ko na lang siyang magduda kasi tinatamad na akong maghanap ng ibang apartment.

Fifteen minutes kong hinalughog ang hotel room ko para hanapin ang calling card nung Adrienne...

"Hello?" Tinawagan ko na talaga. "Who's this?" Salubong niya.

"E-Eto si Eliana Jimenez... Yung sa-"

"Airport?" Sabi niya na parang sumisigaw na. "O-Oo. Pu-pwede bang-"

"Mag model sa offer ko?! SYEMPRE NAMAN!" Tumitili na siya. "Naku girl! Sabi na n ga ba! Nakapili na kasi kami ng mag momodel para sa hosted basketball tournament ng company para sa launching ng new underwear at hindi parin talaga ako convinc ed sa napili... Ano? Gusto mo ba?" Tanong niya.

Underwear company nga pala yun, ano? UNDERWEAR? IBIG SABIHIN MAG PAPANTY AT BRA LANG AKO SA AD NA YAN?

"Underwear nga pala yan ano?" Sabi ko. Skeptical.

"Oo girl. Don't worry, this ad is at most 12 seconds only..." Aniya.

12 seconds? Meaning ad talaga siya tulad nung sa TV! Nako! Pag nagkataon sa TV y un ipapalabas at makikita yun ng mga kakilala ko, di na talaga ako pwede!

"Tsaka... don't worry, sa November pa namin ipapalabas ang ad na 'to." Aniya. "P-Pero sa TV?"

"Huh? Ayaw mong ilabas ka sa TV?" There was a short pause. "Hindi ito sa TV. Wel l, not the nationwide TV. Diyan lang sa tabi ng billboard ng Bench malapit sa bu lding namin sa Lahug. May parang malaking TV diyan sa tabi ng billboard, diyan i papalabas. Di naman kailangang nationwide yung palabasan nung ad kasi target ng tournament ay puro taga Cebu lang na basketball team..."

So sa Cebu lang pala siya ipapalabas! NO PROBLEMO!

"Oh? Okay! Sige! I'm in." Sabi ko at kinagat ang labi. No. English. "K-Kailan ba yung shoot?"

"YEEEY!" Tili niyang nakakabingi at halos itapon ko yung cellphone ko para di ma rinig ang matulis niyang boses. "I'll just text you, okay!?"

Kinaumagahan narealize kong di pala ako kumain ng hapunan. LOL. Nag text din si Adrienne... Yung shoot ay 3 weeks from now. Tagal pa pala! Akala ko magkakapera na ako ngayong weekend para mabayaran ko na si Celine. Natetempt ako sa ATM na d ala ko kung saan nandun ang pera ko galing kay Daddy... Haaay!

C&H9 Selfish

(21)

Maganda ang condo ni Celine. Halos parehong design sa condo ni Bench. Brown and cream ang theme niya at may mga halaman pa sa loob. May nakita akong cactus na p alamuti sa table. Sa kitchen naman, nandoon yung mga bulaklak na binigay ni Luke .

"Actually samin 'to ni Luke na condo." Aniya. "Yun nga lang, minsan sa bahay siy a umuuwi kaya wala siya dito. Pero pag nandito siya, sa kwarto ko siya natutulog ." Sabi ni Celine. "Kaya walang natutulog sa kabilang kwarto at naisipan kong pa gkakitaan." Kumindat siya.

Maganda dito sa Riala Towers. Mas malapit ito sa CPI kesa dun sa Radisson Blu. P agkalabas mo, I.T Park ang bubungad sayo. Kahit na di malapit sa SM (kung saan a ko kumakain), malapit naman to sa mga fast food sa IT Park.

"Saan ka ba kumakain?" Tanong ni Celine isang araw nang napansin na ang paglabas ko gabi-gabi simula ng tumira ako dito. Magdadalawang linggo na at nag sweldo k ami kanina.

"Saa... KFC." Sabi ko.

"Doon ka ba kumakain gabi-gabi?" Sabi niya habang nanlalaki ang mga mata. "M-Minsan dun sa Moon Cafe-"

"What? Di ka ba nauubusan ng pera?" Lumiit ang mata niya sa pagdududa.

"Uh.. Nauubusan nga eh." Sagot ko agad. GOSH! Anong sasabihin ko? "Kaya lang min san gutom na gutom talaga ako eh." LOL!

Tumawa na lang siya.

"I bet, di ka marunong magluto. Di pa kita nakikitang napapadpad sa kitchen eh. Hayy nako! Sasamahan kita kung di lang sana pupunta si Luke dito ngayon. Sa Saba do sasamahan kita sa SM! Mag go-grocery tayo!" Aniya.

Tumango na lang ako at nagmadaling umalis dahil baka kung ano na naman ang pagdu dahan niya.

Tatlo ang elevators dito sa Riala. Sa iisang elevator lang ako laging sumasakay, may pagka OC kasi ako eh.

*Ting!*

Bumukas ang elevator. Sumakay ako at pinindot ang 'G'.

Pagkalabas ko sa Riala... Naka tsinelas lang ako, short pants at blouse. Halos d i nga ako nagsuklay. Malapit lang kasi dito ang KFC. Lalakarin lang.

Nakita ko ang repleksyon ko sa double doors ng exit na mukhang may dumi sa mukha . Para akong pusa na may kung anong itim sa mukha. Kaya nang nakita ko ang pulan g Fortuner na nakapark sa harapan, agad kong pinagsamantalahan ang salamin at ti nignang mabuti ang mukha ko. Inalis ko ang dumi at inayos ng kaonti ang buhok at ... unti-unting bumukas ang bintana nito.

"S-Sir Chase!" Napasigaw ako sa bigla.

Nakangisi siya pero may kung ano sa mga mata niyang nagpapaalala sakin kay Bench .

"Going somewhere?" Tanong niya.

(22)

Tumaas ang isa niyang kilay at nihead-to-foot ako.

"Uh.. Diyan lang kasi... sa KFC." Sabi ko at kinakabahan. Halos mabali na ang mg a daliri ko sa kakapisil ko.

Ngumiti siya, "Want a ride??"

"Uh... malapit lang yun, Sir. Di na..."

"Sige na." Sabay labas niya at bukas sa kabilang pinto. Napatunganga ako pero agad na lang sumunod at pumasok. Pero imbis sa KFC kami tumungo, sa Mooon Cafe kami pumunta. "Uh.. Sir... Dito ka po ba pupunta? Doon po ak-"

"Upo ka..." Aniya at binalewala ang sinasabi ko. "M-May date po kayo?"

Ngumiti siya habang kinukuha ang menu sa waiter. "Meron... Ikaw." Sabi niya haba ng dumudungaw sa menu.

Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko sa sinabi niya na wala na ulit lumabas n a salita gaking sa bibig ko. Ninanamnam ko ang kagwapuhan niya (na laging nangya yari sa opisina kung saan mejo snob siya doon). Normal kaya itong ginagawa niya? Nakikipag date sa employee? I should take note and ask Denise about this... "Mooon steak, tsaka coke." Aniya sa waiter. Tapos tumingin siya sakin. "Anong sa yo?"

"Uh...Uh..." Agad kong kinuha yung menu. "Pork Chop tsaka coke din..." Sabi ko. NERVOUSLY!

Pagkaalis ng waiter napabuntong-hininga siya.

"Hmm. Sir.. Pwede po bang magtanong?" Tanong ko bigla nang nakahugot ng lakas ng loob. "I-Ilang taon ka na po ba?"

Ngumisi ulit siya at tumingin ng diretso sa mga mata ko. "Twenty-seven. Bakit?" "Uh... Wala lang po... naitanong ko lang." Sabi ko. "Ang bata niyo pa at success ful na."

"No, Eliana. That's because my parents own a good company. Pinagpapatuloy ko lan g..."

Napalunok ako at inisip ang sariling kompanya ng parents ko. Habang iniisip ko i yon, na distract ako nang nakita kong nakatitig siya sakin. Agad kong inayos ang mukha ko.

"How bout you? Anong trabaho ng parents mo?"

"Uh... si Daddy uh... sa isang..." Pag sinabi kong brewery or airlines (na kina Bench) baka malaman niya... Pag sinabi ko namang shipping lines (lalo na yun!). "Sa opisina... pati yung mom ko... ng isang uh... companya."

Tumango siya pero bahagyang nakangisi. "Do I intimidate you?" Tanong niyang bigl a habang umiinom ng tubig.

Napainom din ako sa tanong niya.

"Sa opisina at kahit sa labas... nakikita kong naiintimidate ka sakin..."

"Uhh... K-Kasi... Uhm..." Bakit nga ba, Eli? "Kasi mabait ka, gentleman, underst anding na boss. S-Siguro dahil sa b-buong buhay ko di pa ako n-nakakakilala ng t aong sobrang bait, tulad mo... po... Sir... Kaya naiintimidate at nahihiya ako s a inyo." Di ako tumitingin sa mga mata niya pero nang tumingin na ako, nakita ko ng seryoso siya at kumikinang ang mga mata, as reflected by the dim lights. Narinig ko ang puso kong kumakabog sa kaba. Why?

(23)

Ngumiti siya, "From what you said, I think I should be the one intimidated. Hind i ako mabait tulad ng inaakala mo-"

"No... Di po sir... Mabait ka po. Tinutulungan at pinagtatanggol mo ako. Gentlem an pa. Kung di ka mabait, I don't think you'll treat someone like me like this.. ." Di ko na napigilan ang pag e-engles.

Kita sa mukha niya ang pagkabigla sa sinabi ko at agad naman pumungay ang mga ma ta at gumaan ang pakiramdam. Habang nakikita ko ang pag gaan ng pakiramdam niya, naramdaman ko naman ang pagkabog ng mas mabilis at mas malakas ng puso ko. "I'm selfish, Eliana."

Yun lang ang sinabi niya bago dumating ang pagkain. Hindi ko naman naintindihan pero one things for sure... habang tinitignan ko siyang kumakain, hindi ako mapa kali at natutulala ako... I like him... Pero paano mangyayari yun? Isang buwan p a lang ang nakakaraan nung naaksidente kami ni Yuan.

C&H10

Ghost of the Past

Hindi ko magawang itanong sa kanya kunga no ang ibig sabihin niya sa 'I'm selfis h'... Natapos kaming kumain at agad-agad kong kinuha ang wallet ko para makapagb ayad...

"Ako na.." Sabi niya at ngumiti. "H-Huh? Uhm. P-pero..."

Kinuha niya ang bill at binayaran na agad.

"S-Salamat. Eh ang bait niyo talaga sir. Di ko makita bakit selfish kayo... tula d ng sabi niyo." Sabi ko. Sa wakas na open up ko ulit ang topic na kanina ko pa iniisip.

Tumawa siya at... "Cuz from what you said parang perfect ang paningin mo sakin.. . Just want you to know that I'm not."

"Nobody is perfect." Sabi ko at iniisip na kung selfish siya, sinungaling naman ako.

At nakita ko ang pagkislap ulit ng mga mata niya habang tinitignan ako. *Kriiing*

Kinuha niya ang cellphone niyang nag riring at... "Excuse me."

Umalis siya para sagutin yung tumatawag. Isang minuto siguro ang nakalipas at bu malik na siya sa table looking stressed...

"Let's head back to Riala. I need to fetch Luke." Aniya at seryosong seryoso na ito ngayon. Parang yung boss na paminsan minsan ay nakikita ko sa office.

Si Madame kasi ang direct boss ko kaya di ko alam kung paano mamalakad ng kompan ya si Sir Chase. Pero ang alam ko, he's friendly.

(24)

"O-Okay po, Sir Chase." Tumayo kaming dalawa at may nakita akong mga babaeng nak atingin samin at nagbubulung-bulungan na parang kinikilig.

He's popular!! Di na ako kailangang mabigla. Sa hitsura ba naman at yaman nila d ito sa Cebu...

Tahimik lang siya nang pumasok kami sa pulang fortuner niya... "M-May problema po ba?" Tanong ko.

Ilang sandali pa siya bago sumagot, "My dad's in the hospital."

Napanganga ulit ako... Tapos ba't pupunta kami sa Riala para kunin si Luke? Ay o o nga pala! Doctor si Luke! Baka doktor ng daddy niya?

"B-Bakit?" Tanong ko habang nakanganga at pinaandar niya ang sasakyan. "High blood pressure." Sabi niya at di ko na alam kung anong sasabihin ko.

Napakagat na lang ako sa labi hanggang sa pinark niya na ang sasakyan niya sa ha rap ng Riala kung saan nandoon na si Luke at Celine na parehong naka jacket at n ag-aabang. Si Sir Chase siguro yung naghatid dito kay Luke at sa kabilang elevat or siya kaya di ko naabutan.

Aalis na sana ako pero sinalubong ni Celine ang pagbukas ng pintuan ko...

"You... stay... with us..." Sabi niya agad at sinarado niya ang pintuan ko at pu masok na sa likuran.

"Dude, don't panic." Sabi ni Luke habang tinatapik ang likuran ni Sir Chase. "Di naman ako nagpapanic. Nagpapanic si mama." Tapos pinaandar na ni Sir Chase a ng sasakyan.

Si Luke naman ay maraming tinatawagan sa cellphone niya at si Celine ay tahimik. "Saan daw Chase?" Tanong ni Celine. "Sa Chong Hua Hospital?"

"H-Huh?" Napalingon ako kay Celine sa likuran at ang pagkabigla niya ang nagpamu lat sakin na mejo weird yung reaksyon ko.

I'M NOT GOING ANYWHERE NEAR CHINESE PLACES, PEOPLE OR THINGS! Tumingin si Chase sakin at uminit ulit ang pisngi ko...

"S-Sorry, di ko narinig." Palusot ko.

Kumalma ako ng konti thinking its all paranoia... Pero nang nakarating na kami s a ospital... kahit na nag-expect na ako, hindi parin ako makapaniwala.

Limang doktor ang sumalubong kay Sir Chase para kausapin siya na okay lang ang p apa niya at walang rason para magpanic pero kailangan siyang magpahinga, bantaya ng mabuti at painumin ng gamot. Dalawa sa mga doktor (isang babae at lalaki) ang tumitingin sakin at nagbubulung-bulungan.

"Chase, tignan ko lang si tito." Sabi ni Luke kay Chase.

"Mas mabuti pa nga, Dr. Rodriguez." Sabi nung head ng mga doktor na kausap ni Ch ase. "Mas maigi din kung every 30 minutes chinicheck yung Blood Pressure niya. M ay nurses ng naka station sa kanya. This is probably his worst high blood pressu re record, Chase." Sabi nung doktor at walang imik ay umalis na si Luke at Celin e patungo sa kwarto kung nasaan ang papa ni Sir Chase.

Tumango si Chase at kalmado lang.

(25)

"Excuse me doc..." Sabi nung dalawang doktor na kanina pa tumitingin sakin at na gbubulung-bulungan. "May I have a word with you, miss?" Sabi ng babaeng doktor s akin.

Pagkasabi niya nun ay agad ko siyang namukhaan. Pinsan siya ni Yuan! Oh my god! Sinundan kami ng tingin ni Sir Chase pagkatapos kong tahimik na tumango at nagla kad palayo sa kanila.

Tumigil sila sa paglalakad malapit sa pintuan ng ospital. Nakapulupot ang balika t ng pinsan ni Yuan at yung lalaki naman ay mukhang galit talaga sakin.

"So you're hiding here, criminal?" Nabigla ako sa pagkakasabi nung babae.

Hindi ko makita ang doktor sa aura niya ngayon. Pinisil-pisil ko ang mga daliri ko sa kaba.

"Pagkatapos mong gawin kay Yuan yun! Pinilit mo siyang sumama sayo, diba? You ar e such a disgrace to your family! Mabuti at naisipan mong lumayo! pero sana luma yo ka na lang talaga ng tuluyan! I mean... sana di ka dito sa Cebu namuhay at do on ka na lang sa ibang bansa!" Aniya.

Halos bulong ang pagkakasabi niya pero I can sense her rage.

"Hindi ko naman sinasadya yung nangyari. Tsaka... di ko naman siya pinilit-" "Abah! Hindi pinilit? there's no way he'll go with you! In the first place, ba't ka niya pinagtabuyan sa bahay kung gusto ka niya diba? Pinilit mo siya! Such a disgrace to your father!" unti-unting tumaas ang boses niya.

"Tama na..." Sabi nung kasama niyang lalaki. "But i hope miss you will be gone i n Yuan's life forever..." Dagdag niya.

Hindi ko namalayang mabilis pala ang pag tulo ng luha ko sa pisngi ko. Disgrace to my father? Pinilit si Yuan?

"You filthy illegitimate child! Kabit lang ang mama mo diba kaya inilihim ka ng ilang taon?"

Mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya.

"Wa'g ka ng mangarap na magiging kayo ni Yuan. We're not taking anyone like you. Disgraceful! illegitimate child! Anak ng kabit!" Bulong nung babaeng doktor. "Hindi naman k-kabit si mommy..." Sabi ko habang umiiyak.

Hindi ko kailanman nakitang buhay si mommy. Comatose lang at kung iniisip ko siy a, nasa higaan lang ang tanging naaalala ko. Namatay siya pagkatapos ng first bi rthday ko. Hindi siya kabit!

"Oh well? She's not, now? Anak ka sa labas! You are a disgrace! You should get o ut from this hospital and never show your face again or I'll call Yuan's mom and tell her the criminal is here. Pasalamat ka nga at di pa kita sinusumbong! Now! Get out!" Sabay turo niya sa pintuan.

Punong-puno na ang mga mata ko ng luha kaya di ko na makita ng maayos ang dinada anan ko nang naglakad ako palayo.

"Eliana!" Sigaw ni Sir Chase. "Wha-"

Tumakbo na ako palabas ng ospital. Gusto kong lumingon at magpaalam dahil tingin ko ay rude yung ginawa ko pero di ko magawang ipakita sa kanya ang mukha kong p uno ng luha.

(26)

C&H11

Check Your Doctors

Lumabas ako sa ospital at di ko naman alam kung saan ako huhugot ng lakas para t umakbo pang lalo palayo. Umupo na lang ako sa gutter habang tumitingala sa langi t na puno ng bituin para tumigil na ang pagbuhos ng mga luha ko.

Umiiyak ako dahil sa sakit ng mga salita na binitiwan nila tungkol sakin at sa p ananaw nila sakin. Hindi ko alam kung paano nila nasabi ang mga iyon...

"Eliana..." Narinig ko ang boses at footsteps ni Chase sa likuran. Huminga siya ng malalim nang tumigil na ang kanyang footsteps.

Pinunsan ko ang mga luha ko at pinilit na ngumiti kahit nasa likuran ko lang siy a. Exercise your face muscles, Eli!

"P-Po?" Tumayo ako, Humarap ako sa kanya at ngumiti.

Sigurado akong may bakas pa ng luha sa mata at pisngi ko pero pinilit ko paring ngumiti.

"What's wrong?" Tanong niya at hayan na naman ang misteryosong mukha niya. Lumapit siya sakin...

"W-Wala." Sabi ko.

Lumapit parin siya at umupo sa gutter sa tabi ko.

"Hi-Hindi mo po ba pupuntahan yung daddy niyo po, Sir? Kailangan ka niya ngayon-"

"I will... why won't you come with me?" Tanong niya ng nakaupo parin at nakating ala sakin.

Umupo na rin ako.

"H-Hindi ako pupwede sa loob eh." Sabi ko. "May... uhmm... nakaaway ako."

Tinitigan niya ako habang tumitingin na lang ako sa damo at nagsimulang bumunot-bunot.

"Sino? Bakit? At paano mo nakaaway?" Tanong niya.

Napatingin ulit ako sa mga mata niya. Dahil sa sobrang concern ang ekspresyon ni ya, napatulo tuloy ang luha ko. Akala ko kasi nung umalis akong Maynila at nakip agsapalaran dito, wala ng taong mag aalala para sakin. Wala si daddy at mommy... Wala ang mga kapati ko. Relatives... Wala si Bench at Denise... Ngayon, may isa ng taong kinakausap ako at nagtatanong sakin tungkol sa nangyari.

(27)

"I know you've got a private life, Eliana. So I won't push you to tell me anythi ng..." Tumayo siya.

Napalunok ako sa sinabi niya. Actually, sa halos isang buwan kong pagtira dito s a Cebu, dumako sa isip ko na gusto ko ng mapapagsabihan ng problema ko. Si Denis e ay mejo busy sa huling taon niya sa college na magsisimula na. Si Bench naman ay kinokontak lang ako pag may sasabihin siya tungkol sa Open University ng scho ol na sisimulan ko na ngayong lunes. Wala akong mapagsabihan!

"Come." Naglahad siya ng kamay at ngumiti.

Ilang segundo akong nakatitig sa kamay niyang nakalahad bago ko nilagay ang kama y ko doon. Mahigpit ang pagkakahawak niya at hinila ako papasok sa loob ng ospit al.

Nandoon parin malapit sa pintuan na kinatayuan nila kanina ang mga doktor na kau sap ni Sir Chase at ang mga pinsan ni Yuan.

Nakatingin na lang ako sa sahig habang hinihila niya ako papasok at pinagtitingi nan ng mga tao...

"if you have a problem that I brought her here... just tell me." Sabi niya sa na kangangang pinsan ni Yuan.

"O-Of course walang problema, Chase!" Sabi ng doktor na kausap ni Sir Chase kani na.

"Check your doctors. You won't like it if you mess with this girl... in front of me." Malamig na sabi niya sa doktor na kausap niya kanina.

C&H12

He thinks I'm worth the fight!

Napatunganga ako sa sinabi niya. Hindi ito ang unang pagkakataong pinagtanggol n iya ako pero tulad ng una, ganun parin ako kasaya. Pinagtanggol niya ako! He thi nks I'm worth the fight!

Hindi niya binitiwan ang kamay ko hanggang sa nakarating kami sa pintuan ng room kung nasaan ang daddy niya.

"Okay lang ba... kung... uh pumasok ako?" Tanong ko habang tinitignan siyang nak atalikod sakin.

Lumingon siya sakin at ngumiti.

Binuksan niya ang pintuan, "Okay lang."

Nabigla si madame nang nakita niya ako kasama ni Sir Chase. Tumawa naman si Luke at Celine sa reaksyon ni madame.

"Interesting... this is..." Tumingin siya sa tumatawang si Celine at Luke at ngu mingisi.

"Ma, alam ko kung anong iniisip mo at hindi po!" Salubong ni Sir Chase sa mama n iya.

Pumula ang pisngi ko at umupo sa tabi ni Celine. "Good evening po, madame." Sabi ko.

(28)

"Good evening, Eliana." Sabi niya nakangiti parin. Si Sir Chase ay nandoon na sa daddy niya.

"Sino ang kasama mo?" Tanong ng daddy ni Sir Chase sa kanya.

"My secretary, Eliana Jimenez..." Sagot naman ng mommy ni Sir Chase. "Well, not anymore probably." Tumingala ang mommy ni Sir Chase sa kanya.

"What dyou mean, ma?" Natigilan si Sir Chase.

"Eliana Jimenez?" Tanong ng daddy ni Sir Chase bigla. OH GOD! Please don't tell me...

"Hmmm. Mukhang pamilyar sakin yung pangalan mo." Tinignan ako ng daddy ni Sir Ch ase.

Tumingin naman ang kanina pang nag-uusap na si Luke at Celine sakin.

"Well, pa, that's impossible. Eliana is a unique name." Sabi ni Sir Chase habang nakatingin sakin.

Napabuntong-hininga ako.

"Yeah, right son." Sabi ng daddy niya at umidlip. THANK GOD! OH GOD! MUNTIK NA YUN!

"Well, Chase Martin..." His mommy said, completely ignoring her husband. "It's t ime for you to take over the company." Ngumisi ang mommy niya.

"Wait... So inaabandona mo na ang kompanyang gusto mo-"

"No, Chase. You are going to pursue it. I'm just telling you I won't be around t oo much anymore. I will still be the president, but I'll give you my responsibil ities. Pursue my hotel dreams... as soon as possible. Chase Martin." Sabi ni ng mommy ni Sir Chase na agad kong na alala na siya pala si Madame...LOL

"So... di ko sasayangin ang oportunidad na to para sabihin ko sayong..." Tumingi n si madame sakin. "sayo, eliana... na si Chase Martin na ang boss mo dahil simu la ngayong lunes ay hindi na ako papasok. You are to take his orders..."

"Tita, what about Chase's secretary?" Tanong ni Luke.

"Mary?" Tanong ni madame. "Oh yes, she'll stay. I mean, sa lahat ng responsibili dad na ibibigay ko ngayon sayo, Chase ay tingin ko kakailanganin mo ng maraming secretary. And about the hotel business that I want to have, ako na ang mag aasi kaso nun at sasabihin ko lang sayo kelan ka pwedeng pumunta. Aryt?"

"Yes, ma."

"Yung ate mo naman..." May ate si Sir Chase?

"She'll probably be here next week with her family." OMG! May ate si Sir Chase!

Sumama ako kay Celine at Luke palabas ng kwarto kahit di nila ako inimbita kasi tingin ko kailangan ng family time ang pamilya ni Sir Chase.

"Ba't ka pa sumama?" Tanong ni Celine nang nakaupo na kami sa sofa doon sa recei ving area ng ospital (kung saan nangyari yung scenes kanina). "Sana doon ka na l ang." Humalakhak siya. "Bagay kayo ni Chase eh." kumindat siya.

"True! And for Chase, what he did for you wasn't normal." Sabi ni Luke.

(29)

i ako...

"Niyaya ka niyang magdinner diba? Hinatid niya ako kaya mo siguro siya nakita sa labas ng Riala. Pero why in the world would Chase Martin ask an employee for di nner? Kahit yung classmate nga niya noon sa college na si Brittany, hindi niya n iyayaya. Tsaka he... never had a REAL girlfriend. Never!"

Nakapagpanganga sakin ang kawalan ng girlfriend ni Chase sa loob ng 27 years! Sa kagwapuhan, kayamanan, at kabaitan niyang iyan ay wala pa siyang naging girlfri end?

Isa pa sa nakapagpanganga sakin ay classmate pala si Brittany at Sir Chase nung college at eto pa ang isang shocking na katotohanan: Sa Maynila sila nag-aral at sa parehong school pa na pinapasukan ko. Sir Chase is 27 and he graduated most likely 7 years ago at sa mga oras na iyon ay nasa rest house lang ako at iniho-h ome school.

"Bakit?" Tanong ni Celine nang nakita ang pagkabigla ko. "Doon kasi ako nag-aaral... uh... noon."

Luke's chinito eyes narrowed.

"That School is a very... expensive... school. Anong course mo?"

"Uh... Hindi... Uhm..." Kinakabahan na naman ako kaya di ako makatingin ng diret so sa kanilang dalawa. "Scholar ako dun. Hehe. Uhm. Business Ad." Sabi ko.

Hindi parin natanggal sa mga mata ni Luke ang pagdududa.

"May mga scholar pala sa school na iyon no? You must be very smart kasi scholar ka. Ba't di mo pinagpatuloy?" Tanong ni Celine na nagdududa narin.

"K-Kasi uh... bumagsak ako. Uh... natanggalan ako ng scholarship." Sabi ko. "Oh... Sorry to hear that." Tumango si Celine at Luke. Mukhang nakumbinsi ko sil ang dalawa.

Liar! Sorry Lord

"It's late. Siguro mag tataxi na lang tayo pauwi? Busy pa si Chase eh. Babalitaa n ko pa sina mama at papa tungkol sa nangyari kay tito. I'll drop you two sa Ria la." Tumayo si Luke at Celine at sumunod na rin ako.

Tumingin ako sa paligid para tignan ang mga pinsan ni Yuan na wala naman doon. "Luke!" Sigaw ni Sir Chase nang tumatahak na kami palabas ng ospital.

"Dude!" Lumingon si Luke. "Ako na bahala maghatid sa kanila. Tataxi kami. Don't worry!" Sabi ni Luke.

"No..." Tumingin si Sir Chase sakin samantalang ako naman ay tumingin palayo. Nahihiya at kinakabahan parin ako sa kanya at ewan ko kung bakit. Nakakaintimida te. Lalo na pag naiisip ko na kanina lang ay nalaman kong hindi pa siya nagka gi rlfriend at nalaman ko ding habulin siya ng mga babae.

Hindi kaya katulad siya ni Bench at Brent? Ang mga pinsan kong playboy? "Ihahatid ko na kayo." Sabi ni Sir Chase.

Hindi na nagpumilit si Luke at pumayag ng ihatid kami ni Sir Chase.

Hinatid niya kami sa Riala ni Celine at hindi na ako nakapagpasalamat sa kanya s a dinner at sa ginawa niya para sakin doon sa ospital kasi nahihiya ako kay Celi ne at Luke. Tinignan lang ako ni Sir Chase at ngumiti bago ako tumalikod at umak

(30)

yat na sa Riala.

C&H13

Marcus the Photographer

Sa gabing iyon, di ko matanggal sa isipan ko kung paano ako pinagtanggol ni Sir Chase sa mga pinsan ni Yuan. Ano na kaya ang nangyari sa mga pinsan ni Yuan? Kin akabahan na rin ako sa pagsisinungaling ko pero kailangan talaga.

1:00 AM na pala at dilat na dilat parin ako! Naririnig ko rin si Celine labas-pa sok sa kwarto niya at may kausap sa cellphone.

"Yes... Di kami nag night out nina Luke eh..." Sabi niya. "Hay nako! Sabihin mo sa kanya na wala si Chase. Kala niya naman every friday nag nanight out yun. Kai nis talaga yang si Brittany... A-Ano? Inutusan kang tumawag sakin para tanungin iyan... huh? Oh my god she's crazy..."

Naalala ko na naman yung sinabi ni Luke na 'no REAL girlfriend'. May REAL girlfr iend pala? At merong FAKE girlfriend? Kung ganun, REAL ba ako o FAKE girlfriend ni Yuan?

Tsaka sa mga narinig ko kay Celine (malakas ang boses niya sa inis siguro at nas a living room kasi siya) ay mukhang in love na inlove si Brittany kay Sir Chase. Tsaka... meron pa... 'night out'? Naalala ko yung mga huling night out ko sa Ma nila na lagi akong sinusundo ni Bench at Denise dahil sa kalasingan ko.

Sumakit ang tiyan ko sa kakaisip. Paano kung malaman ng pormal, matalino at maba it na si Sir Chase na ganun ang nakaraan ko, yayayain niya pa kaya ako makipag d inner kasama niya?

*1 message received* Adrianne:

Sorry Eliana, hope nababasa mo to ngayon, if yes, call me... Shoot tomorrow at t he studio. Matryoshka photographers only.

What? Bukas na pala!

Tinawagan ko agad si Addriene.

"Hello?" Sabi ko. Malakas din yata ang boses ko.

"Eliana! my gooodness darling! Buti gising ka pa at patay ako kung hindi. Bukas ah?"

"Uh-"

"Don't back out! Don't back out! Bukas na! Its a big event! You can't back out! I can raise your talent fee!" Sabi niya bago pa ako umapila.

Napabuntong-hininga na lang ako, "Okay. Anong oras nga ba yun?" Sabi ko at kumuk uha ng papel at ballpen para ilista. Sabado bukas at walang trabaho sa CPI. Kinaumagahan, nagising ako at nicheck kung okay ba yung postura ng katawan ko. M ukha ngang sobrang payat ko na ngayon. Papayag kaya yun si Adrienne kung ganito ang katawan ko?

Referensi

Dokumen terkait

“What?― Napaatras naman ako dahil para siyang galit na ewan, though para sa akin ay mukha lang s iyang nahihiya dahil nakita ko yung ginawa niya.. “Nothing!―

 Ito ang nabanggit ni Mike sa unang bahagi ng nobela nang minsang mag-away sila ni Magda dahil dinala niya si Sam, ang kanyang kostumer sa kanilang apartment at sa sala pa

Hi- nihiling kong ku;1g hindi man ako makaliligtas pa sa mabigat na parusang iyon ti} ilawit Niya sa akin ang Kanyang awa at patawarin man lamang ato sa naga.. wa kong pag-utang ng bu-

Paniniwala ng mga sumasali sa kahit saang pakontes ang paglalagay ng barya sa loob ng sapatos, hindi bilang talisman o pampasuwerte, pero dahil nag- a-absorb daw ito ng nervous

Tawa lang siya kasi alam niya na dati ay binilhan ako ni nanay ng bago dahil nagkabutas sa pileges ang dapat ay mamanahin kong sapatos.. Sabi ng nanay, ako raw ang tagapagmana ng