• Tidak ada hasil yang ditemukan

Ang Rebolusyon ay Magtatagumpay

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2024

Membagikan "Ang Rebolusyon ay Magtatagumpay"

Copied!
4
0
0

Teks penuh

(1)

Review of Women’s Studies, Vol. 24, Nos. 1 & 2 111

Ang Rebolusyon ay Magtatagumpay

Rolando B. Tolentino

Sa maraming estudyante sa UP, ang identidad nila ay nakalagay sa kanilang student number. Ang kay Recca ay 97-09060. Sa maraming estudyante sa UP, ang skolar ng bayan ay sapilitan lamang ipinapataw sa kanilang pagkatao sa taon ng paglagi rito.

Busy sa burgis na orgs sa kanilang burgis na aktibidad para sa kanilang burgis na aspirasyon. Si Recca ay piniling makibaka. Sa maraming estudyante sa UP, naging opsyon ang pagiging aktibista.

Si Recca ay namundok, piniling talikdan ang kanyang naka-set na buhay para makidigma para sa pagpapalaya ng bayan.

Ang koleksyon ay makabuluhan dahil makikita—sa sinulat hindi ni Recca kundi ng kanyang pamilya, mga kasama, kapanalig, at organisasyon – ang reenactment ng transformasyon ng buhay ni Recca, ang naging kahalintulad na buhay nito sa iba, at ang naging epekto ng kanyang pagpili (choice) sa iba pang mga aktibista, mandirigma at organisasyong mapagpalaya. Trans- formasyon ito dahil may makabuluhang pagbabago sa pagkatao ni Recca, at ang ambag ng kanyang pagkilos sa kilusang kanyang kinabibilangan.

Tatlo ang antas ng operasyon ng reenactment o muling pagsasabuhay sa koleksyon. Pagsasabuhay ito dahil muling binubuhay ang substansya ng buhay ni Recca na kumilos sa kilusan at namatay sa pagtatanggol nito. Una, kung paano tinalikdan ni Recca ang kanyang dati’y inaakalang kumportableng buhay at ilaan ito para sa pagpapalaya ng sambayanan. Narito ang mga akda hinggil sa mga yugto ng kanyang buhay sa pakikibaka. Ito ang politikal na personal ng buhay ni Recca, o kung paano ang nosyon ng politikal (ng pagbabagong-hubog ng sarili) ay integral sa pag-unawa sa pagkatao’t pagkilos ni Recca.

Dito, exemplaryo ang buhay ni Recca para sa pagkaunawa ng

(2)

112 Review of Women’s Studies, Vol. 24, Nos. 1 & 2 kahalintulad na mga buhay, at pinagdadaanang iba’t ibang buhay sa pakikibaka.

Mahalagang mailarawan sa pamamagitan ng pagsama ng mga litrato at ibang mas personal na ulat hinggil kay Recca na tao ito:

may kasaysayang humubog sa pinili nitong gawin at gawain. At sa humanistiko’t liberal na demokratikong antas, walang dapat karahasan na nagaganap sa tao. Pero lampas dito, si Recca ay tulad lang natin, may politisisasyong tinanggap para makapagbagong- hubog at buhay sa kilusan. At lampas pa rito, dakila ang buhay ni Recca dahil inalay ito para sa sambayanan.

Ikalawa, binibigyan-representasyon sa koleksyon ang komu- nidad ng kapwa aktibista’t mandirigma, pawang kinakalinga ang pagkilos tungo sa historikal na pagbabagong panlipunan – nauna, kahenerasyon, sumunod na mga henerasyon na nabubuhay tulad ng buhay na pinili ni Recca. Matutunghayan sa mga akda ng kapwa individual at organisasyonal na aktibista’t mandirigma ang pamayanang binubuo ng at nabubuo sa rebolusyonaryong kilusan. Na marami ang tulad ni Recca sa iba’t ibang antas ng patuloy na pagkilos ang isinasaad nito. Ito ang pamayanan o pagkabuo ng nagkakaisang-hanay ng mga aktibista’t mandirigma sa kilusan, kung paano sa iba’t ibang panahon at espasyo ng pakikibaka, nagkakaroon ng afirmasyon dulot ng pagsiklab ng naging buhay ni Recca.

Exemplaryo ang buhay ni Recca para sa pagkaunawa ng pagkapamayanan sa rebolusyonaryong kilusan. Ang kabawasan ng isa’y nagdudulot ng kabawasan sa lahat. Ang buhay ni Recca ay nagdudulot ng pag-alingawngaw ng pamayanan ng rebolusyonaryong kilusang kanyang pinag-alayan. Ginugunita ang buhay ni Recca bilang pag-alaala sa pamayanang nagdulot ng transformasyon sa kanyang buhay. Namumutiktik sa dami ng kontributors, pawang mga entidad ng aktibismo, ang koleksyon.

Nauunawaan ang pamayanang handang gunitain at imemorialisa ang maigsi’t maningning na buhay ni Recca, isang buhay na tinangkang kitlin ng fasismo ng estado.

Ikatlo, ang koleksyon ay representasyon ng gawaing kultural sa rebolusyon. Matutunghayan sa mga akda ang rebolu- syonaryong transformasyon ng mga individual na pagkatao sa pagpapalaya ng sambayanan. Ang sentral na impetus ng bawat

(3)

Review of Women’s Studies, Vol. 24, Nos. 1 & 2 113 akda sa koleksyon—kung bakit inakda ang individual na akda’t ang mismong koleksyon—ay ang kamatayan ni Recca bilang pulang mandirigma. Sa burgis na kaayusan, madaling maratay sa pananamlay at depresyon sa pagkilos, at kung bakit hindi kasing sexy ni Anne Curtis ang kilusan. Pero sa kultural na Gawain—

mapa-individual at mapakilusan man—ang kamatayan ay isang dakilang bagay, at ang pananamlay at pagkapilay ay nakakabig para sa rebolusyonaryong tapang at tatag.

Kultural ang makinasyon sa pagbabagong-aktityud sa kamatayan—normal na bagay ito, parating nandyan ang panganib, at magkaganoon, sa bahagi ng napaslang, ang kamatayan para sa bayan ay isang dakilang bagay; at sa ating naiwanan, ang higit pang tapang at pagpupursigi sa pagkilos kahit na patuloy na umiigting ang panunupil ng estado. Makabuluhan ang pagbabagong-hubog at aktityud dahil sa pangunahin, kultural ang larangan para magkaroon ng kabuluhan sa transformasyon.

Naalaala ko sa koleksyong ito ang Publikasyong-Iglap na ginawa ng CONTEND, mga serye ng polyeto’t libro na malikhaing tugon sa mga napapanahong isyu. Nailabas ang mga libro ng tula hinggil sa Hacienda Luisita massacre, isa hinggil sa pagpapatalsik kay Gloria Arroyo, at isa pa hinggil sa politikal na pagpaslang sa kanyang termino. Nailabas naman ang mga libro ng sanaysay hinggil sa neoliberal na edukasyon, isa hinggil sa pambansang demokratikong kasaysayan ng UP, isa hinggil sa tugon ng mga akademiko sa politikal na pagpaslang, at ang pinakahuli, isa tungkol sa pamana sa pambansang demokratikong kilusan ni Bonifacio sa ika-150 na taon ng pagsilang nito.

Natutuwa ako sa pagpapatuloy ng inisyatiba tungo sa pambansang demokratikong kultural na produksyon. Ang higit pang pagpapayaman ng pambansang demokratikong mga akda sa napapanahong isyu ay paglilinya ng pang-uring tunggalian sa kultural hindi lamang tungkol sa pagsusuri sa tematikong isyu kundi sa mismong produksyon sa media at sining. Sa ating mga inisyatiba, malawak at malalim ang balon ng karanasan, hindi lamang kayang ipantapat sa burgis na media at sining kundi sa kabuluhan ng anumang kultural na produksyon: na ito’y makapagpamulat, makapagpakilos, at makapag-organisa.

Patunay ang umuunlad at napapanahong koleksyon ng mga akda na kaya natin ito, at kakayanin pa ito nang may higit na

(4)

114 Review of Women’s Studies, Vol. 24, Nos. 1 & 2 tapang at pagpupunyagi bilang paggunita sa buhay at pakikibaka ni Recca, at ng marami pang mga katulad ni Recca—nakibaka, hindi natakot. Sa ating dumadaan at naglalagi sa UP, si Recca ang panuntunan ng pagiging tunay na skolar ng bayan. Ang rebolusyon ang impetu ng pagbabagong-hubog at buhay natin dito. Ang rebolusyon ang buhay na nag-uugnay sa atin dito sa akademya at sa labas. At kung gayon, ang rebolusyon ay magtatagumpay.

Pagbati sa mga bumuo ng koleksyon, na naglilinya ng pagbabagong-hubog sa rebolusyon. Pagbati lahat sa ngalan ng tagumpay ng rebolusyon.

Referensi

Dokumen terkait

= binabati ang mga babaing magdaan sa kanilang harap ng mga salitang dahil sa pagbaligtad na banggit ay tinatawag na bulaklak sa Madrid gayong kung minsan ay nangahahawig

estudyante na hindi dapat nila bale walain ang pag-aaral, dahil para sa akin, bilang isang mag-aaral ang edukasyon ay ang pundasyon ng ating buhay kaya tayo nakakapag-isip

> Samakatuwid, hindi pwedeng paghiwalayin ang wika at kultura dahil habang tinutuklas ng tao ang kanyang wika ay tinutuklas din niya kung saang kultura siya nabibilang. >

Unang sanhi't dahilan kung bakit masasabing dakila't mahalaga sa buhay ni Rizal ang kanyang pag-ibig kay Leonor Rivera ay sapagka't ang kabanatang ito'y naging sagisag ng

manika. Biglang lalabas ang mga PULUBI  maliban sa tatlo. Papalibutan nila si SERAPIO kasama ng mga TAGAPAGTANONG. Mahihipo ni SERAPIO ang manika, ngunit bago niya makuha ito,

Arcel6n tagal-tagal na rin namang hindi nagkikita at sa dahilang walang- wala sa kanyang lo6b ang tunay na dahil ng gay6ng pagkakada- law ni aling Giday, si aling Mag- da ay walang

Sa panahon naman ni Reyna Victoria, ang mga taong nakaluluwag sa buhay lang din ang may kakayahang mag-alaga ng mga halaman sa loob ng kanilang mga tahanan dahil mayroon silang sapat na

Kung ang mga magsasaka ay hindi nagsabay-sabay ng pagtatanim, 31 patuloy na magkakaroon ng mapagkukunan ng pagkain ang mga pesteng kulisap 32 para manatili at mabuhay sa bukid.. 33 34