• Tidak ada hasil yang ditemukan

Ang Ikaklit Sa Aming Hardin

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Ang Ikaklit Sa Aming Hardin"

Copied!
5
0
0

Teks penuh

(1)

ANG IKAKLIT SA AMING HARDIN Bernadette Villanueva Neri

Mayroon akong dalawang nanay; sina Nay Daisy at Nay Lilia.

Maliit ang bahay namin pero mayroon ditong munting halamanan na punung-puno ng mga bulaklak. Mahilig kasing magtanim ang aking mga nanay. Pinaliligiran ito ng rosas, daisy, xenia, magnolia, chrysanthemum, anthurium at iba pa. Napakabango ng halimuyak ng mga ito lalo na kapag humahangin. Kaya parang Panagbenga palagi sa aming hardin!

Dito kami madalas tumatambay at nagkukuwentuhan. Hindi ako nagsasawang pakinggan ang istorya ng pagkakakilala ng aking mga magulang. Sabi nila, nag-umpisa ang lahat dahil sa pagkakahilig nila sa mga bulaklak at halaman.

Nakahiligan na akong ilibot ng aking mga magulang. Namamangka kami sa lawa ng Burnham Park sakay ng bangkang pato o kaya‟y kabayong-dagat. Kung minsan naman ay namimitas kami ng strawberry sa Strawberry Farm. At dinadalaw din namin ang mga museo sa Baguio. Namamangha kami sa mga kalasag at matutulis na sibat, mga hikaw at kuwintas na gawa sa mga butil ng kahoy o kaya naman ay bato, at lalung-lalo na sa mga hinabing tela ng mga katutubo.

“Kailangang alam natin ang ating pinagmulan,” laging sabi ni Nay Lilia na tubong Bontoc.

Pero sa lahat ng aming pinupuntahan, pinakapaborito ko ang Botanical Garden. Dito kasi makikita ang iba pang klase ng bulaklak na maaaring itanim sa aming munting halamanan. Hinding-hindi ko malilimutan nang regaluhan ako nina nanay ng mga buto. Sabi nila ay binhi raw ito ng isang napakagandang bulaklak. Hindi nila sinabi kung anong klase ito ng bulaklak sapagkat isa raw itong surpresa. Maaari na akong magtanim sa aming hardin! Niyaya ko agad silang umuwi noon dahil sa kasabikang itanim ang kauna-unahan kong halaman.

Tinulungan nila ako sa paghukay ng maliliit na butas sa lupa. At dahil malamig daw ang aking mga kamay, ako ang marahang nagpunla ng mga buto sa bawat uka. Dahan-dahan kong tinabunan ang mga ito at mahinay na diniligan.

“Maselan ang mga halaman lalo na ang mga bagong tanim,” paalala ni Nay Daisy. “Kaya dapat, araw-araw mo itong didiligan.”

“Kailangan ding tanggalin ang mga damong tutubo sa paligid. Naaagaw kasi ng mga ito ang sustansya ng lupa,” payo naman ni Nay Lilia.

“At higit sa lahat, kailangan ding nasisikatan ng araw ang mga ito,” dagdag pa nila. “Parang mga sanggol?”tanong ko.

(2)

“Oo, anak, parang mga sanggol,” sabi ni Nay Daisy. “Kailangan ng mga ito ng sikat ng araw upang lumaking malusog. Pero dapat ay katamtaman lang dahil matutuyo naman ang mga buto kung masosobrahan sa init.”

Ginawa ko ang lahat ng kanilang mga paalala. At totoo nga! Hindi nagtagal at nakita ko na ang pag-usbong ng murang dahon ng aking mga tanim. Nakabaluktot ang mga supang sa simula pero ilang araw lang ay unti-unti na itong nagsiunat hanggang sa maging maliliit na sangang may mga talbos na nakatiklop.

“Isa, dalawa, tatlo, tatlong mga buto;

apat, lima, anim, sa hardin, itinanim;

pito, walo, siyam, laging didiligan; sampu, labing-isa,

tutubo na sila.”

Inaawit ko iyon sa aking mga halaman tuwing umaga. Turo ito ng dalawa kong nanay. Sabi nila, makabubuting kausapin ko ang aking mga tanim upang lumaki ang mga ito nang mabuti.

Kaya‟t tulad ng pag-aalaga sa akin ng mga nanay ko, inaruga ko ang aking mga halaman. Itinuring ko ang mga ito na parang mga anak.

Hindi na ako halos makapaghintay para sa unang araw ko sa paaralan. Lagi kong isinusukat ang bago kong uniporme at sapatos. Binibitbit ko rin ang kabibili kong bag. Pagkatapos ay naglalaro kami nina nanay ng eskuwela-eskuwelahan. Nagkukunwaring guro si Nay Lilia habang si Nay Daisy naman ang makulit kong kaklase.

At dumating na ang pinakaaabangan ko. Araw na ng pasukan!

Ganoon pala ang itsura ng aming paaralan. Puno ng makukulay na larawan ang mga dingding. May mga nakapintang malalaking bulaklak at puno, at mga batang naglalaro. Mayroon pa ngang larawan ng isang bahay na may nanay, tatay at isang batang mukhang masayang-masaya. Bakit kaya walang drowing ng bahay na dalawang nanay naman ang nasa loob kasama ng kanilang masaya ring anak?

(3)

Isa-isa kaming pinatayo sa harap ng klase ng aming guro, at pinagkuwento tungkol sa aming naging bakasyon. Ibinida ko ang iniregalong mga buto sa akin ng dalawa kong nanay. Sinabi ko sa aking mga kaklase kung paano ko itinanim ang mga ito at kung paano sila nagsitubo.

“Hinihintay ko na ngang mamulaklak ang mga ito,” buong pagmamalaki kong sinabi sa kanila. “Dahil ibibigay ko ang magiging bulaklak sa dalawa kong nanay.”

Nagulat ako nang magtanong ang aking mga kaklase. “Bakit dalawa ang nanay mo?”

“‟Di ba dapat isa lang ang nanay sa pamilya?” “Wala ka bang tatay?”

Wala akong naisagot. Ang totoo ay noon lang ako napaisip kung bakit dalawang nanay ang aking mga magulang. Hindi ko rin alam kung bakit wala akong tatay. At lalong hindi ko alam kung kailangan ko pa bang magkaroon nito.

Tinukso ako ng mga kaklase ko. “Siguro tomboy ang mga nanay mo!” “Baka kaya wala kang tatay!”

“E „di putok ka lang sa buho!”

Sinuway sila ng aming guro pero hindi ko na napigilan ang mapaiyak.

Sinundo ako ng dalawa kong nanay. Dumaan muna kami sa palengke para bumili ng paborito kong diket. Pero tahimik lang ako hanggang sa makauwi na kami sa aming bahay.

Inayos nina Nay Daisy at Nay Lilia ang mga upuan sa may hardin. Inihanda rin nila ang aming meryenda. Doon kami kumain sa harap ng halamanan naming punung-puno ng mga bulaklak.

“Nay, ayoko na pong pumasok sa eskuwela.” “Bakit naman, anak?” gulat na tanong ni Nay Lilia.

“May umaway ba sa iyo sa klase?” pag-aalala ni Nay Daisy.

Gusto ko sanang isumbong ang panloloko sa akin ng mga kaklase ko. Gusto kong sabihing umiyak ako sa paaralan dahil sa mga panunukso nila. Gusto kong itanong kung ano ang “tomboy” at kung bakit ayaw ito ng mga nanunutil kong kaklase. Gusto kong malaman kung bakit ayon sa kanila ay alangan ang pamilya ko dahil hindi ito kumpleto.

(4)

“Bakit po wala akong tatay?”

Nagulat akong hindi sila nabigla sa tanong ko. Tumingin lang sila sa akin at hinawakan ang aking mga kamay.

“Anak, ang pamilya ay parang isang halamanan,” malumanay na sabi ni Nay Lilia. “Hindi mahalaga kung sino ang nagtanim sa mga punla. At hindi rin mahalaga kung babae ba o lalaki ang nag-aalaga ng mga ito. Ang importante ay kung paano ito inaarugang mabuti,” paliwanag niya.

Tiningnan ko ang aming hardin. Matitingkad ang mga kulay na taglay ng iba‟t ibang bulaklak at mayayabong ang mga dahon nito. Malulusog sila at buhay na buhay. Napansin ko ang ilang piraso ng damong tumutubo sa gilid ng aking mga tanim. Agad akong tumayo upang bunutin ang mga ito. Pinagmasdan ko ang aking mga halaman. Malalaki na ang mga ito, pero nagtaka ako dahil may maliliit at namimintog na usbong ang dulo ng kanilang mga sanga.

“Nay, tingnan n‟yo po!”

Agad na lumapit ang dalawa kong nanay.

“Bulaklak ang mga iyan, anak,” nakangiting sabi ni Nay Daisy. “Ilang araw na lang at mamumukadkad na ang mga ito. Magaling at matiyaga ka kasi sa pag-aalaga.”

Pumasok pa rin ako sa eskuwela ng sumunod na araw, at ng mga sumunod pa. Inaral kong mabuti ang aming mga aralin. At kapag may hindi ako naiintindihan ay nagpapaturo ako sa aking mga nanay. Kaya laging matataas ang nakukuha kong marka. Gustung-gusto ko kasing nakikita ang malalaki nilang ngiti sa tuwing pasasalubungan ko sila ng star na nakamarka sa aking palad.

Hindi pa rin huminto sa panunukso ang iba kong mga kaklase. Pero hindi na nila ako napapaiyak sapagkat hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila.

“Kung mahal kayo ng nanay at tatay ninyo, mahal din ako ng dalawa kong nanay,” sagot ko. Ipinagmalaki ko sa kanilang ipinagluluto ako ng aking mga magulang, kinukwentuhan bago matulog, tinuturuan sa mga aralin, at nililibot sa iba‟t ibang lugar. “Kaya kahit wala akong tatay, alam kong buo ang pamilya ko dahil sa dalawa kong nanay,” sabi ko.

Hindi nagtagal at nalaman kong hindi lang pala ako ang sentro ng panunukso sa aming paaralan. Putok din daw sa buho si Mikoy dahil may mga kapatid siya sa hindi niya nanay. Gano‟n din ang biro kay Tintin dahil hindi daw siya tunay na anak. Si Sheryl naman, laging niloloko dahil „di niya kilala ang kanyang mga magulang. At pareho pala kami ni Pati na walang tatay. Pero tulad ko, masaya rin siya sa piling ng kanyang ina kahit pa mag-isa lang ito.

Lahat kami, tinutukso. Pero ang hindi nila alam, masaya at kontento kami sa aming mga pamilya. Dahil tulad ng mga magagaling na maghahalaman, mayroon kaming mga mahuhusay na magulang na nagpunla sa amin ng pagmamahal.

(5)

At tulad ng pag-aalaga ko sa mga supang ng aking mga tanim, buong pag-iingat kaming inaaruga ng aming mga magulang. Higit sa lahat, alam kong alam din nina Tintin, Mikoy, Sheryl at Pati na magtitiyaga ang aming mga maghahalaman sa pagdidilig at pag-awit hanggang sa mamukadkad kami bilang malulusog na mga bulaklak.

Isinama ko sina Tintin, Mikoy, Sheryl at Pati sa amin para magmeryenda kasama ng dalawa kong nanay. Doon kami kumain sa harap ng aming halamanan. Ipinakita ko sa kanila ang aking mga tanim. Laking gulat ko nang may mga kulay dilaw na bulaklak na ang mga ito. Ito ang surpresa sa akin nina nanay! Kay gaganda ng mga bulaklak! Para itong mga araw sa gitna ng aming hardin!

“Ano ang tawag diyan, Ikaklit?” tanong ng mga kaklase ko.

Hindi ko rin alam ang sagot kaya‟t tiningnan ko ang dalawa kong nanay. “Nay, ano po ang pangalan ng mga tanim ko?”

Ngumiti sila. “Ikaklit,” sagot nina Nay Lilia at Nay Daisy. “Tulad ng pangalan mo, anak.”

TALAHULUGANAN

Bontoc – isa sa pitong tribo ng mga katutubo na matatagpuan sa Cordillera Diket – isang uri ng kakanin o puto ng mga taga-Cordillera

Ikaklit – salitang Bontoc para sa sunflower

Panagbenga – taunang pista ng mga bulaklak sa Baguio City na idinaraos tuwing buwan ng Pebrero

Referensi

Dokumen terkait

k Segala puji bagi Allah SWT yang telah memberikan rahmat dan karuniaNya sehingga dapat menyelesaikan skripsi dengan judul: “PENGARUH PENDAPATAN ASLI DAERAH (PAD),

Aspal alam yang dimiliki Indonesia yaitu Aspal Buton (Asbuton) yang terdapat di Pulau Buton Provinsi Sulawesi Tenggara dengan deposit ± 677 juta ton. Meningkatnya kesadaran

[r]

Penelitian ini bertujuan untuk mengidentifikasi makna implikatur yang ada dalam teks bahasa sumber, jenis implikatur yang digunakan, teknik penerjemahan

bersangkutan atau dengan sistem lain yang ditetapkan dan dilaksanakan sesuai jadwal penerimaan peserta didik baru yang akan ditentukan lebih lanjut oleh Dinas Pendidikan

Koreksi radiometrik sebagai pengukuran nilai radiasi elektromagnetik pada panjang gelombang tertentu dari sinar ultraviolet, sinar tampak, inframerah hingga

Biasanya lecet pada puting terjadi karena posisi bayi yang salah saat menyusui, yakni karena puting tidak masuk ke dalam rongga mulut bayi sampai areola mammae sehingga bayi

Pemeriksaan kimia darah dilakukan untuk mengeliminasi kelainan yang memiliki gejala seperti stoke (hipoglikemia, hiponatremia) atau dapat pula menunjukka penyakit yang