• Tidak ada hasil yang ditemukan

KASALAN SA NAYON

Dalam dokumen Maikling kuwentong Asyano (Halaman 43-48)

ni Eleuterio P. Fojas

indi niya nalilimutan, na noong siya ay may gulang na sampung taon pa lamang, akapatid niyang pinakamatanda sa lahat sa kanila, ay ikinasal. Dalawang bakang matataba, dalawang baboy na mabibilog, at hindi niya mabilang kung ilang manok, ang pinatay noon. Lahat halos ng tao sa nayon ay nagsidalo, ang kainan ay nagsimula sa umaga at natapos sa hapon at pagkatapos ng

kasalan ay may ipinamigay pa ang kanyang ina sa mga kapitbahay at sa lahat ng annunulungan sa handaan. Hindi niya matandaan ngayon kung makailan siyang kumain ng araw na iyon. Araw ng Linggo nang ikasal ang kanyang Kuya Saro. Sabado pa lamang ng gabi ay lubhang marami na ang mga tao sa bahay ng magiging kaisang-palad ng kanyang kuya. Mga dalaga at binata, mga matatanda, at pati mga bata ay nakatipun-tipon doon. Kung pagmasdan niya ay hindi magkamayaw ang lahat. Para-parang

may ginagawa. At ang salitaan ng bawat isa ay nakatutulig. Hatinggabi na tuloy nang siya’y makatulog noon. Nang matapos ang kasal sa munting bisita sa kanilang nayon kinaumagahan ay inihatid pa ng isang bandang musko ang mga bagong kasal sa bahay ng babae. Maraming tao ang sumama buhat sa simbahan at sa mga tabi ng daan ay marami ang nangatayong pawang nagmamasid. Ang kanyang mga kapuwa bata na kasaa niyang sumunod sa banda ng musko ay pawang nangagsosogawan pa.

Masayang-masaya ang lahat, pati ang kanyang ama at ina, na bagaman nakita niyang napaluha nang humalik sa kanilang kamay ang mga bagong kasal, ay palagi nang nakangiti nang araw na iyon. Samantalang sinasaksihan niya ang lahat ng iyon ay nakakaramdam siya sa kanyang puso ng kung ano, ngunit lubha siyang nasisiyahan. Ang laha ng iyon ay naukit sa kanyang alaala at ngayo’y labis niyang kinasasabikan.

Ganyan din ang ninanais ni Alberto sa araw ng kanyang kasal. Ibig din niya’y may handaan at may kasayahang katulad ng sa kasal ng kanyang Kuya Saro. Hindi ba’t ang araw ng kanyang kasal ang siyang

magiging kahuli-hulihang araw ng kanyang pagka-binata? Hindi baga naman magiging kahiya-hiya kung ang kanyang napiling makaisang-palad ay pakakasalan niya nang pagayon na lamang at pagkatapos ay iuuwi sa kanilang bahay na tila isang bagay na napulot lamang sa daan? May katwirang ipagsaya ang araw ng kasal ng isang tao. Walang kailangan kung ano man ang sasapitin ng mag-asawa pagkatapos. Iyan ay hindi pumapasok sa kalooban ng sino mang ikakasal sa araw ng kanyang

pakikipag-isang dibdib. At, ang gugugulin...? Ang lahat nang iyan ay magagawan ng paraan. Bakit nga ang kanyang Kuya Saro, kahit na isang kasama lamang ni Ingkong Karyo ang kanyang ama na katuad din

ngayon, ay naaaring ikasal nang maringal, masaya at may saganang kainan? Aanyayahan niya, hindi lamang ang lahat ng litaw na tao sa kanilang nayon, kundi pati ang Alkalde ng bayan, ang Tesorero, ang

Hepe ng Pulisya at ang mga kaibigan ng mga ito. Magkakaroon din ng maraming pagkain at alak na iinumin. At hindi maaaring walang tugtugan. Pagagayakan ang bisita sa nayon at doon sila ikakasal. Katulad din ng Kuya Saro, upang huwag lumaking lubha ang kanilang gugol, ay manghihiram na

lamang siya ng isang terno kay Abogado Narding na kasintaas niya at nakakasinlaki niya ang pangangatawan. Hinggil sa kasuutang pangkasal ng kanyang magiging kabiya, aba, bibigyan niya ito ng limampung piso, katulad din ng ginawa ng kanyang Kuya Saro, upang ipamili ang maiibigan. Ang lahat

ng iya ay napagkayarian na ni Alberto at ng kanyang ama. “Hindi na matatapos ang aking buhay na isang kasama lamang ni Ingkong Karyo sa habang panahon,” ang ibig isagot ng kanyang ama bilang katugunan sa lahat ng panukala ni Alberto. Subali, ang marahan at malumanay na ipinakli niya sa kanyang anak ay ganito: “Pabayaan mo at gagawan ko ng paraan ang lahat ng iyan. Makikipag-usap ako

kay Ingkong Karyo.” Hindi napansin ni Alberto ang pangungulimlim ng mukha ng kanyang ama na noon ay tila nag-iisip nang malalim. At lalong hindi nalalaman ni Alberto na masaganang luha ang bumalong sa mga mata ng kanyang ina nang matanto ang mga kinakailangang ihanda sa nalalapit na kasalan. Huwebes pa lamang ng hapon ay nakita na ng amga taganayon sa Amaya na dalawang bakang

matataba ang nakatali sa puno ng sampalok sal likod-bahay nina Alberto. At kinabukasan ng umaga, madilim-dilim pa halos ay nakalalagim an sigaw ng dalawang baboy na mabibilog ang pumukaw sa pagkakahimbing ng mga kapitbahay nila. Tangkal-tangkal na manok ang idinating pa noong Sabado ng

hapon. “Mukhang malakasan ang kasal ni Alberto,” ang salitan ng isa’t isa sa pagupitan ni Isyo nang

MAIKLING KUWENTONG ASYANO

Sabadong iyon. “Talagang ganyan tayong mga taganayon kung napapasubo,’ ang nakangiting tugon ng isang matandang kasalukuyang noong ginugupitan ni Isyo. Ano pa nga’t talagang malakasan ang kasal ni Alberto. Lahat ng kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan. Sabado pa lamang ng hapon, ay nasa tahanan na ni Angela,ng kanyang makakaisang-dibdib at hindi magkamayay sa paggawa. Naroon si Pablong Tapa na siyang naglalapa ng dalawang bakang matataba. Si Olet ang siyang pumatay sa dalawang baboy na mabibilog. Ang mga dalaga at ilang matatanda ang pumupugot sa mga liig ng manok at naghihimulmol sa mga iyon. Si Martang Batok at si Eboy naman ang pinagpapawisan mula sa liig hanggang sa mga paa sa paghaot ng tubig sa may-kalayuan din namang igiban. At si Ture ang nagpapalakol sa malalaking putol na kayoy na panggatong. Sa harapan ng bahay nina Angela ay nagtayo sina Tiyo Kantong, Tinteng Pulo, Kayong, Ulo, Able, Imyon at iba pa, ng isang palapala ng pinagdatig-datig na mga layag na dinampol na nakatali sa batalan ng bahay ay may tatlo o apat na tungko ng malaking bato na kinasasalangan ng mga pinaglulutuan ng sinaing at mga pang-ulam. Ang nangangasiwa rito ay si Pakitong kusinero. Sa ilalim ng palapala ay may tatlong mahahabang hapag na pinagdugtung-dugtong at napaliligiran ng mga bangkon mahahaba rin. Dito nagsisikain ang mga pangkaraniwang tao sa nayon, inanyayahan man o hindi, na dadalo sa kasalan. Sa itaas ng bahay, sa makaanhik ng hagdan, ay may isa pa ring malaking hapag na siyang kakanan naman ng mga bagong kasal at mga piling panauhin. Ang pinakahihintay na araw ng Linggo, ang araw ng kasal, ay sumapit din. Ang mumunting bisita sa nayon na napapalamutihan ng mga bulaklak at maraming papael na may iba’t ibang kulay, ay nagsikip sa maraming taganayong nanonood sa kasal ni Alberto at ni Angela. Pagaktapos na makasal, sinabugan pa sila ng masaganang bigas nang lalabas na lamang sa bisita at inihaid pa ng banda ng musiko, kasama ang makapal na tao, sa tahanan ng babae. May mga paputok pang nagpasikdo ng dibdib. “Talagang ibang magpakasal ng anak si Mang Ambo,” ang bulong ni Tininteng Edes kay Konsehal Kose samantalang sila’y kumakain. “Iyan ang tungkulin ng isang ama sa kanyang anak na lalaki’” ang parawang wala sa loob namang tugon ni Konsehal Jose. Nang matapos ang pagpapakain sa lahat ng panauhin ay mag-iikalawa na ng hapon. Ang tugtugan, satsatan, at halakhakan ay noon pa lamang nagwakas. At, kaya lamang may kaunti pang kaguluhan ay dahil naman sa pagliligpit ng mga kasangkapang ginamit sa kasalan na ang karamihan ay hiram sa mga kapitbahay. Mag-iikatlo na marahil ng hapon nang iuwi ni Alberto si Angela sa kanilang tahanan. Marami pa ring tao, mga kaibigan at kamag-anak, ang nagsisama sa kanila. At pagdating sa bahay ay muli na namang nagkaroon ng inuman ng alak, siagawan at pagkakatuwa na umabot hanggang sa mag-iikawalo marahil ng gabi. Sa kabila ng marubdob na pagnanais ni Alberto sa maringal at masayang kasalan bago dumating ang araw na iyon, ay nakaramdam din siya ng pagkayamot nang hindi pa umaalis ang mga panauhin. Naiinip siya sa mga taong tila hindi nasisiyahan sa masaganang handang kanyang idinulot. Sa kabila ng lahat, ay may karapatan naman siyang masarili ang ngayo’y kabiyak na ng kanyang puso sa harap ng Diyos at sa harap ng batas. Sa wakas ay lumisan din nga ang mga panauhin. Pagkakain nila ng hapunan at pagkatapos ng ilang sandali ng pakikpagkuwentuhan ay nasok na sila ni Angela sa tanging silid na tutulugan sa kanilang bahay, na napapagitnaan lamang ng sawali mula sa buwagang hihigan ng kanyang mga magulang at mga kapatid. Masaya silang dalawa, matagal na nagbiruan, nagtuksuhan at nagtawanan. Nang ang gabi ay malalim na at tahimik na ang lahat, ay hindi natiis ni Alberto na di itanong nag malaon nang inais niyang itanong. “Giliw, nasiyahan ka ba sa maringal at masaya nating kasal?” “Mangyari pa,” isasagot sana ni Angela na siya namang hinhintay ni Alberto. Subalit, si Angela ay hindi nakatugos. Si Alberto naman ay natigilan, May naulinigan silang nag-uusap. “Magkano ang inutang mo kay Ingkong Karyo para sa kasal ni Alberto?” Tinig yaon ng ina ni Alberto. “Tatlong daang piso, hindi pa kasali roon ang dalawang baka. Bukas daw niya ahalagahan.” Si Mang Ambgo ang nagsasalita. Ipinikit ni Alberto ang kanyang mga mata. Tinakpan ng dalawang palad ang kanyang mga tainga. Pagkaraan ng ilang sandali ay muli siyang nakinig. “Hindi na tayo makakabayad sa pagkakautang kay Ingkong Karyo. Hangga ngayon ay hindi pa natin nababayatain ang ating inutang sa kasal ni Saro!” “Kaipala nga, at lalo pa kung iisiping apat pa itong anak nating lalaki na hindi nakakasala,” ang buntung-hininga ni Mang Ambo. Muling ipinikit ni Alberto ang kanyang ga mata, tinakpan ng dalawang palad ang kanyang mga tainga at hanggang sa sumapit ang umaga, siya’y hindi nakatulog kahit isang saglit.

EMMANUEL

ni Efren Abueg

a taya ko'y mga dalawampu't anim na taon siya. Maputi. Mataas. Matangos ang ilong. Malalamlam ang mata. Malago ang kilay. Daliring-babae. Nakapantalon ng abuhing korduroy at iskiper na kulay-langit. Nagbakasyon ako sa Naga sa anyaya ng isang kaibigan, at nang pabalik na ako sa Maynila lulan ng tren, ay nagkatabi kami sa kotseng primera klase. Nakababagot ang mahabang paglalakbay. At sa kawalan ng mapaglibanga'y nakipag-usap ako sa kanya. Hindi siya masalita, ngunit isa siyang mabuting tagapakinig. Malungkot ang kanyang tinig, at ang ilang kasagutan niya sa mga katanungan ko'y tila kakambal ng hiwaga. Naitanong ko kung saan siya nanggaling. "Marami akong pinanggagalingan," sagot niya. "Naglilibot?" "Siguro. Ewan ko." Sa manaka-nakang pagsasalita niya'y natiyak kong malawak ang kanyang kaalaman. Bawat paksang buksan ko'y saklaw niya: sining, siyensiya, kasaysayan, relihiyon, pulitika. Sa madaling salita'y sinapit namin ang Maynila. Bago kami naghiwalay ay nagkamay kami't nagpakilala sa isa't isa. "Minsan, magpasyal ka sa bahay." Sinabi niya ang kanyang tirahan; tinandaan ko iyon at nang magkalayo kami'y itinala ko sa likod ng kaha ng posporo. Aywan ko kung anong pang-akit mayroon si Emmanuel upang hangarin kong magkita kaming muli. Dinalaw ko siya makalipas ang limang araw. Marahil ay labis ang katagang "nanggilalas," ngunit tunay na nanggilalas ako nang makita ko ang bahay na tinitirhan niya. Mahirap ilarawan ang bahay na iyon. Ang masasabi ko lamang, bago ako makapagpatayo ng gayong bahay ay kailangang tumama muna ako ng unang gantimpala sa karaniwang bolahan ng suwipistik. May pulang Thunderbird sa carport. Bago ako pinatuloy ng isang utusang babae ay ipinagbigay-alam muna niya kay Emmanuel ang aking pagdating. Nasa salas si Emmanuel, nakaunat sa mahabang sopa. Nakaputing korto siya, hubad-baro. Mabalahibo ang kanyang binti. Ang mukha niya'y namumula: marahil ay dahil sa alak. Umiinom siya. Nakangiti sa akin si Emmanuel, ngunit ni hindi siya tumayo. Inginuso niya ang isang sopa. Maingat na naupo ako. "Kumusta, brad?" bati niya. "Eto," kiming sagot ko. "Iinom tayo, brad." Husto sa mga makabagong kasangkapan ang kabahayan. May hi-fi. May telebisyon. May telepono. Bentilador. May piyano. "Kung alam kong ganito ka, brad," sabi ko habang sinasalinan ko ng wiski ang basong kaaabot pa lamang sa akin ng utusan, "baka nag-isip muna ako nang makasampu bago ako nagpunta rito." "Ow." Nasakyan niya ang nais kong ipakahulugan. "Walang kuwenta iyan." Itinanong ko ang mga kasambahay niya. "Ako lang, saka ilang katulong." Sa pag-uusap nami'y nalaman kong ulilang lubos na siya. Ang kanyang mga magulang ay nasaawi sa sakuna samantalang nagliliwaliw sa buong daigdig; umano, ang eroplanong kinalululanan ng mga magulang niya'y bumagsak sa Roma. Ang tanging kapatid niya, lalaki at matanda sa kanya, ay may asawa na. Ang paksa'y nagawi sa pag-aaral. "Tapos ako ng medisina pero hindi ko ginagamit," sabi niya. "Hindi ko naman kasi hilig iyon pero siyang ipinakuha ni Mommy. Doktor si Mommy. Sabagay, hindi ko naman alam noon kung anong karera ang talagang gusto ko. Ikaw?" "Kumuha ako ng komersiyo pero nahinto." "Bakit?" "Kinapos," patawang amin ko. "Nagtatrabaho ka na lang?" "Nagbibilang ng bituin. Kung medyo ginaganahan, nagsusulat...nagkukuwento ng mga kalokohan." Dumidilim na nang magpaalam ako. Inihatid ako ni Emmanuel hanggang sa makalabas ng tarangkahan. "Bumalik ka," sabi niya. Tumango ako bagama't hindi ko tiyak kung mababalik pa nga ako sa bahay na iyon. Ngunit nagbalik ako pagkaraan ng dalawang linggo. At gaya noong unang pagsasadya ko roon, si Emmanuel ay dinatnan ko na namang umiinom. Nagkaroon siya ng kainuman. Sa pagbibidahan nami'y naitanong niya kung ako'y mahilig sa babae. "Lalaki tyao, brad," sabi ko. "Anong klaseng babae naman ang gusto mo?" "Maganda. Mabait. Malambing. Ikaw?" "Ewan ko. Maglabas tayo ng babae, gusto mo?" May pumitlag sa dibdi ko. "Kung sa gusto'y talagang gusto ko. Pero hindi ako puwede ngayon." "Kuwarta?" Matunog siyang makiramdam. Tumango ako. "Ow. Walang kuwenta iyan." May tinawagan siya sa telepono. "Susunduin natin sila mamayang alas-otso," pagkababa sa auditibo'y sabi ni Emmanuel. Doon na ako naghapunan. Ikapito ng gabi'y lulan na kami ng Thunderbird. Dumaan kami sa tindahan ng bulaklak at bumili ng dalawang corsage. Alam ko kung kanino namin ibibigay ang mga bulaklak at naisip ko na hindi yata basta babae ang ilalabas namin. Hindi nagkamali ang kutob ko. Ang dalawang babaing kinaon namin, sa mga bahay na tila kastilyo, ay kapwa maganda, parang mga manikin. Myrla ang pangalan ng nakapareha ko. Nagtabi kami sa hulihang upuan ng Thunderbird. Sa kagandahan ni Myrla, at sa bangong nalalanghap ko ay parang ibig kong mangarap nang dilat. Naumid tuloy ang dila ko at bahagya ko nang kausapin si Myrla. Nagnaitklab kami---inom, bidahan, sayaw, inom, sayaw. magkahalong Ingles at Tagalog ang usapan namin. Kalaliman ng gabi'y

MAIKLING KUWENTONG ASYANO

nilisan namin ang naitklab. Sumagap kami ng hangin sa baybay-dagat. Madilim, ngunit naaaninaw kong hinahalikan ni Emmanuel ang kanyang kapareha. Nobya pala niya, naisip ko. Si Myrla, na ni hindi ko sinasanggi ang kamay, tuwing babalingan ko ay nababanaagan kong nakatingin sa aking mukha. "Lanta naman ako sa kaibigan mo, Manny," sabi ni Myrla, at nagtawa. Madaling-araw na nang ihatid namin ang dalawang babae. "Ikaw, saan kita ihahatid?" tanong ni Emmanuel. "Magtataksi na lang ako." Ngunit mapilit si Emmanuel kaya pumayag na akong pahatid sa kanyang kotse. Sa daan ay sinabi niya sa akin ang dahilan kung bakit pinagtawanan ako ni Myrla. "Moderno sila. Puwede mong hawakan. Puwede mong halikan...for the fun of it, 'ika nga. Pag hindi mo ginawa iyon, parang naiinsulto sila." Wala sa hinagap ko na ang pagkikilala namin ni Emmanuel ay hahantong sa pagiging matalik na magkaibigan. Dumalas ang punta ko sa kanyang bahay. Kapag ginagabi kami sa pagkukuwentuhan, na may kahalong inuman, ay doon na niya ako pinapatulog. Malimit din ay doon ako kumakain. Ngunit habang nagkakalapit ang kalooban nami'y lalo naman siyang nagiging mahiwaga sa akin. May mga pagkakataong parang nawawala siya sa sarili. Nalilingunan ko na lamang na nakatanga siya, waring sakmal ng malalim na pagmumuni. At kapag napuna niyang pinagmamasdan ko siya, agad ay ngingiti siya. Isang araw, samantalang nagbabasa ako sa kanyang aklatan, ay narinig ko sa piyano ang Fantaisie-Impromptu ni Chopin. Lumabas ako. Nasa harap siya ng piyano. Pagkatapos niyang tumugtog ay pumalakpak ako. "Marunong ka pala niyan, a," sabi ko. Nagkibit-balikat siya. Madalas ay lumalabas kami: naglalaro ng boling, naliligo sa mga beach resort at karay namin ang kung sinu-sinong babae, na bilang katuwaa'y maaaring halikan. "Huwag ka lamang gugusto sa sinuman sa kanila, brad," bilin sa akin ni Emmanuel. "Bakit?" "Mayayaman sila, brad. Mahirap silang mapaligaya kahit na ipaghalimbawa nating mayaman ka rin." Nalaliman ako sa sinabi ni Emmanuel. Natitigan ko siya. Ngumiti siya, ngunit ngiting wari'y kaakibat ng hiwaga. Isang gabi'y napansin kong lulugu-lugo si Emmanuel. "Maligaya ka ba, brad?" tanong niya, at ako'y natigilan. "Kung minsa," sagot ko, "pero kadalasa'y hindi." "Sa mga sandaling hindi ka maligaya, alam mo naman ang dahilan kung bakit hindi ka maligaya?" "Siyempre. Kabiguan sa mga hangarin, halimbawa." "May kinalaman ang pera sa mga kabiguan mo?" "Malaki." Tumingkad ang lamlam sa kanyang mga mata. "Hindi ka ba naiinggit sa kalagayan ko?" tanong niya. "Sino'ng hindi maiinggit sa kalagayan mo?" "Nagising ako sa kasaganaan. Mababait, mapagmahal, ang aking mga magulang. Ano man ang hilingin ko sa kanila noo'y ibinibigay nila. Malawak ang kanilang lupain. Si Daddy, bago namatay, ay pangulo ng isang shipping company. Nang masawi sila sa sakuna, kinuwarta ko ang lahat ng ari-ariang minana ko, at inabot iyon nang mahigit na isang milyon. Akin na ang daigdig, sabi ko noon sa sarili. Kukunin ko ang lahat ng kaligayahang maaaring maibigay sa akin ng perang iyon. At ang pagkakilala ko noon sa kaligayahn ay iyong lagi kang may kalong na babae. Iyong may maganda kang bahay, kotse, mga utusan. Nabibili mo ang gusto mong bilhin. Napupuntahan mo ang gusto mong puntahan. Natitikman mo ang gusto mong matikman. Kaya lustay dito, lustay doon ang ginawa ko. Nagalit ang kapatid ko. 'Bakit hindi mo puhunanin sa negosyo ang kuwarta mo?' tanong niya. Pero ayokong magnegosyo. Nakita ko kung gaanong hirap ang inabot ni Daddy sa pagnenegosyo. At mismong si Daddy ang nagsabi na walang katahimikan ang isang naghahawak ng mabibigat na katungkulan. Naisip ko tuloy na mali ang panuntunan niya sa buhay. Ang paghanap ng salapi, nasabi ko noon sa sarili, ay hindi nakapagpapaligaya. Ang paggasa niyon ang nakapagpapaligaya." "Tama." "Ewan ko, brad." "Hindi ka pa maligaya sa buhay mong iyan?" "At ang parteng iyon ang masakit, brad...iyong alam mong nasa iyo na ang lahat para lumigaya ka ay hindi ka pa rin maligaya. Ikaw, kung hindi ka man

Dalam dokumen Maikling kuwentong Asyano (Halaman 43-48)

Dokumen terkait