• Tidak ada hasil yang ditemukan

Nobela: Pinaglahuan

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Nobela: Pinaglahuan"

Copied!
77
0
0

Teks penuh

(1)

Pagsusuri sa Nobelang

“PINAGLAHUAN”

(Faustino Aguilar)

(2)

Talaan ng Nilalaman

Cover Page Talaan ng Nilalaman Abstract Kabanata 1 Panimula Kabanata II

Talambuhay ng may Akda Kabanata III Uri ng Pagdulog a. Teoryang Naturalismo b. Teoryang Marxista Kabanata IV Mga Talasalitaan Kabanata V Paksa Kabanata VI Tagpuan Kabanata VII

Pagsusuri sa bawat Tauhan Kabanata VIII

Buod

a. Buod ng Bawat Kabanata

(3)

a.2 Bago‘t pawisan nang dumating sa Tayuman

a.3 Gabi at Umuulan

a.4 Hapon, dalawang araw pa ang nakaraan a.5 Ang tikas ni Rojalde ay napalarawan sa Pinto

a.6 Malungkot na nakaupo si Luis sa harap ng isang malaking aklatan a.7 Sa loob ng isang bar

a.8 Isa nang katotohanang kalat sa buong Maynila a.9 Nang gabi iyo‘y nauwi si Rojaldeng pot na poot a.10 Ang mga Diyos sa Lupa ay nagtitipun-tipun a.11 Sa gabing pagkaapi ng isang dukha ay sumunud a.12 Tingnan mo Titay, itong mga pahayagan

a.13 Natapos ang marso‘t humalili ang Abril

a.14 Kahina-hinayang ang mga pagpipilit a.15 Isang karwaheng mabikas ang tumigil a. 16 Ang kadiliman ng Gabi, ang kapanglawan

a. 17 Di nakailang araw at nagisnan ng buong Maynila a.18 Ilang panahon na ang nagdaraanan

a.19 Pitong buwan nang si Luis ay nakakulong a.20 Lasing na Lasing si Rojalde

b. Kabuoang Buod ng Nobela Kabanata IX

Tunggalian Kabanata X

(4)

Kabanata XI Pananalita (Tayutay) Kabanata XII Mensahe Kabanata XIII Sanggunian

(5)

I. Panimula

Ang manunulat ng kasaysayan o historyador ay isang taong nag-aaral ng kasaysayan. Pinag-aaralan ng mga manunulat ng kasaysayan ang pagdaan ng panahon at ang mga kaganapang nangyayari sa loob ng kapanahunang iyon. Bukod sa pag-aaral ng kasaysayan, nagsusulat din ng kasaysayan ang manunulat ng kasaysayan at itinuturing na isang dalubhasa at "may kapangyarihan" hinggil sa larangang ito. Tumutuon ang mga historyador sa patuloy at maparaan pagsasalaysay at pananaliksik ng nakalipas na mga pangyayari na kaugnay ng lahi ng tao; pati na ang pag-aaral ng lahat ng mga kaganapan sa loob ng panahon. Katulad na lamang ni Faustino Aguilar na isa sa mga manunulat sa kapanahonan ng Amerikano Isang batikang nobelista, tinahak ni Aguilar ang landasin ng realismong sosyal. Kabilang sa kanyang mga akda ang Busabos ng Palad (1909), Nangalunod sa Katihan at Sa Ngalan ng Dios (1911), Ang Lihim ng Isang Pulo (1926), Ang Patawad ng Patay at Ang Kaligtasan (1951) at Pinaglahuan. Makikita sa nasabing mga nobela ang malawakang pagsusuri sa mga pangyayaring nagaganap sa lipunang batbat ng karahasan at kawalang-katarungan. Lalong lalo na sa huling sinulat ni Faustino Aguilar na sobra ang papakumbaba ng mga alipin para sa kanilang mga Panginoon para tuluyang mabuhay ay kailangan nilang sumunod sa ano mang utos ng kanilang Panginoon. Tampok sa nobela ang maigting na pakikibaka ni Luis Gatbuhay, na nagkataong lider obrero, laban sa makapangyarihang si Don Nicanor. Kailangang ipaglaban ni Luis hindi lamang ang usapin ng manggagawa kundi maging ang itinitibok ng kaniyang puso: si Danding.

Gusto ni Don Nicanor na makasal ang kaniyang anak na dalaga kay Rojalde. Si Don Nicanor ay sugapa sa sugal, at naglustay ng malaking pera para matustusan ang kaniyang bisyo. Nang malubog siya sa utang, naisip niyang ang tanging makapagliligtas sa kaniya ay si Rojalde na handa namang tumulong

(6)

upang mabayaran ni Don Nicanor ang mga utang. Ang kapalit na kabayaran na nais ni Rojalde ay mapakasal kay Danding, na bukod sa maganda ay nagtataglay ng mga katangiang ipaglalaban ng patayan ng sinumang lalaki.Ngunit hindi naging madali ang lahat. Mahal ni Danding ang kasintahang si Luis. Kaya naman nang malaman ito ni Rojalde ay umisip siya ng paraan para matanggal sa trabaho si Luis, maisakdal sa hukuman, at tuluyang maibilanggo. Nagngitngit si Luis at naghimagsik,gaya ng sugatang hayop. Ang nobelang ito ang siyang naging salamin kung paano ang naging turingan ng mga mayayaman at mga alipin sa isa‘t isa at kung paano din magagamit ang salaping siyang nakapalibot sa kanillang mga buhay.

Ito ang nagtulak kay Faustino Aguilar upang maisulat ang nobelang Pinaglahuan.Sa nobelang ito binuhay ni Aguilar ang pagdurusa ng kaluluwa. Naging tagapaglahad siya ng katotohanan at tagamungkahi ng kalutasan.

(7)

II. Talambuhay ng may Akda

Faustino S. Aguilar

Isinilang si Faustino S. Aguilar sa Malate, Maynila, noong 15 Pebrero 1882 sa mag asawang Claro Aguilar at Juana Ongjoc de los Santos. Ang Pilipinas na kinamulatan ng batang si Faustino ay baying mataas na ang antas ng pagkamulat nang panahong iyon. Limang taon siya nang ilimbag ang Noli Me Tangere(1887) at pagkaraan ng apat na taon pa, nang siya ay siyam na taong gulang na, sumusunod naman anf El Filibusterismo (1891). Lumaki ang bata sa kapaligirang

mapag-isip at mapagtanong tungkol sa mga paksang hindi pa man angkop sa tulad niyang musmos ay napilitan na siyang pag-isipan at unawain.

Bagaman mahirap lamang ang mga magulang ni Aguilar, sinikap ng mga ito na madulutan siya ng mainam na buhay. Dahil sa angking talino, sa kakayahang magabasa at magsulat sa kastila, at sa posibilidad na may naabot din itong karunungan, nahirang na direktorsilyon ang kanyang ama at naglingkod ito sa pamahalaan.

Produkto si Aguilar ng sistema ng edukasyon ng kanyang panahon. Kailangan siyanng mag-aral ng katesismo, na siya naming ginawa niya sa tulong ng isang kamag-anak na seminarista. Pagkaraan, pinaturuan siya sa isang nagngangalang Tranquillo Manuel. Sapat lamang ang natutuhan niya sa gurong ito upang matanggap siyang mag-aral s Ateneo de Municipal de Manila, at ilang taon pagkaraan, sa San Juan de Letran.

Hindi pinayagan si Aguilar ng kanyang panahon na mananatiling nakasilong sa malamig na lilim ng dunong na madudukal sa mga aklat. Labindalawang taong

(8)

gulang siya nang kasigabuhan ang kampanya ng mga propagandista-tulad nina Rizal at del Pilar- sa pagpapalawak ng kaalaman at pagmumulat ng kamalayan ng mga Pilipino noon sa nagaganap na pagmamalupit at pang-aapi ng mga Guwardiya Sibil at mga kastilang nanunungkulan sa pamahalaan. Mula sa lilim, hinila si Aguilar na maaapoy na puwersa ng kasaysayan at dinala siya nito sa gitna ng larangan ng tuggalian. Wala nang higit pang mabisang aklat ng kasaysayan kaysa sa pakikinig ng binatilyo sa malimit na pakikipagtalakayan ng kanyang ama sa mga kaibigan nito tungkol sa gawain ng mg kasapi sa katipunan, at sa pagkupkop ng lihim ng pamilyang Aguilar sa isang nagngangalang Vicente Fernandez, isang katipunero. Sa pagmamatyag ng batang Faustino sa ginoong ito, naitala niya ang ganito sa kanyang ― Alaala ng Himagsikan” . Nagtiis siya sa malungkot na pag-iisa at ang nakita kong kanyang pinaglilibangan ay ang pagsusulat. Marahil sa papel ba kanyang sinusulatan ay pinagpagsasalita ang kanyang diwang mahigpit na tumututol sa kalupitang naghahari at anong malay ko kunh sa kanyang talata ay inaanyayahan niya ang bayan na gumising na at magbalikwas na sa kanya‘y gumagapos.

Hindi naglaho, nagkabisa kay Aguilar ang pakikipaniran ni Fernandez. Naging tagadala siya ng mahahalagang kalatas ni Fernandez sa kapwa nito sa katipunero. Sino nga ang makapagsasabi kung hindi itong pagdadalang-sulat ni Aguilar ang unang anyo ng kanyang pakikisangkot sa mahabang dula ng pagpapalaya sa bayan?

Kung may pangyayaring matutukoy na siyang tuwirang nagbunsod kay Aguilar upang tahakinang landas tungo sa bayan, ito ay ang kinasangkutan ng kanyang ama tan g kurang si Padre Nicolas Dulanto. Dahil sa paghihinalang Mason si Claro Aguilar, ipinadakip ito ng kura, at bago sa harap ng maybahay at ng anak. Sa pagsisikap na mapalaya ang asawa, napilitang maglumuhod ang ina ni Aguilar sa alkalde ng Malate, si Modesto Cortabitarte. Nagpaunlak naman ito, sa kanyang tulong, nakalaya ang matandang Aguilar. Subalit ang amang dumating

(9)

sa kanyang pamilya ay biktima na na pagmamalupit. Ayon sa paglalarawan ng batang Aguilar.

―Nakalaya nga aking ama, ngunit sa anong ayos ng dumating sa amin: Bugbog ang buong katawan, iisa halos ang langib na nagnanaknak na sugat na dumudugo pa, gawa ng saksak ng sable. Kaya naglalatay ang buo niyang likod sa palo ng buntot-page ng gabing siya ay hulihin at pahirapan sa tribunal n gaming bayan at ang malalim na sugat naman sa itaas ng bisig na kanan ay ng saksakin siya pagkatapos saklaan ng isang baril sa alak-alakan. At ang gumawa ng lahat ng ito sa kanya ay ang kura sa aming bayan, si Fray Nicholas Duklanto.”

Naging bunga ng trahedyang ito ang pagsapi sa Katipunan ng lalabing-apat na taong gulang na Faustion. Ang pagsapi naming ito ang tumangay sa kanya sa Republikang Pilipino sa Malolos, una, bilang kawani sa adwana at kahero sa Bazar La Union ng Maynila. Samantala, ipinagpatuloy ni Aguilar ang pakikibaka ngunit sa ibang anyo: sa pagsusulat sa mga pahayagang La Patria at Muling Pagsilang noong 1902.

Pagkaraan ng dalawang taon, pinakasalan niya si Isidora Ortiz Alonso, at binigyan siya nito ng apat na supling.

Ang katahimikan ng bayan sa mga sumusunod na taon ay hinding-hindi nagpahiwatig ng ganap na pagsang-ayon ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Amerikano. Bagaman patuloy ang programa ng reporma at pagsasanay sa demokrasya ng pamahalaa, nakuha pa ring makapamayani ng mga Nacionalista ang kampanya sa pagkakamit ng kalayaan mula sa mga Amerikano. Ang panahong ito ng marubdob na pagsisikap ng mga Pilipino na makamit ang paglaya ng bansa ay panahon ding iniinugan ng Pinaglahuan (1970) ni Aguilar. Binuhay niya sa nobela ang Maynila sa panahong ito, ang kalunos-lunos na kalagayan ng mangagawa, at ang lumalaking sungay ng kapitalismong Amerikano na walang habas sa panunuwag sa paggawa sa puhunang Pilipino.

(10)

Noong 1909, nalimbag naman ang Busabos ng Palad at noong 1911, ang Nangalunod sa Katihan at Sa Ngalan ng Diyos. Nagpatuloy ang masiglang pagsusulat ni Aguilar. Nang matalo, noong 1910, ang pahayagang Muling Pagsilangsa kaso nito sa korte dahil sa pangulong-tudling na ―Aves de Rapiña‖ na bumatikos sa pagmamalaki ng mga Amerikano, naging Talibaito: at si Aguilar ang hinirang na maging patnugot nito hanggang noong 1913, nang himukin ni Quezon at Osmeña na manungkulan sa pamahalaan.

Inilaan ni Aguilar ang halos lahat ng natitira pa niyang mga taon sa paglilingkod sa pamahalaan. Siya ay naging pangalawang director ng Paggawa noong 19131-18; pangalawang kalihim ng Paggawa, 1939-39; katulong sa mga bagay-bagay ukol sa paggawa sa Tanggapan ng Pangulo, 1939-41; katulong ng Tagapamanihala ng Pangkagipitan, 1941-45; katulong na tekniko sa Tanggapan ng Pangulo, 1946-49; kasapi sa Lupon ng mga Direktor at Tagapamahala ng Pangasiwaan ng Pag-unlad na Rural, 1947; at kasapi sa Lupon ng mga Direktor ng Korporasyon ng Pagpapabahay ng Pilipinas, 1950-54. Samantalang nanunungkulan sa pamahalaan. Patuloy ang pagsulat ni Aguilar ng nobela. Nalathala ang kanyang Ang Lihim ng Isang Pulonoong 1926, Ang Patawad ng Patay noong 1950-51, at Ang Kaligtasan noong 1951.

Noong 1949, pinakasalan ni Aguilar si Emilia Warren ang unti-unting nakaakit sa kanya na magbalik sa Katolisismo na tinalikdan niya noong una. At noong 25 Hulyo 1955, pagkaraan ng mabunga at halos walang patlang na paglilingkod sa bayan, binawian ng buhay si Faustino Aguilar.

(11)

III. Uri ng Pagdulog sa Pagsusuri ng Nobela

Pagsusuri sa Nobelang Tagalog sa Teoryang Naturalismo

(Ang Lipunan at Panahon ng Manunulat)

Ang mga tauhan sa nobela ay siya ring mga tampok bilang mga aktuwal na tauhan sa lipunan. Nariyan si Mr. Kilsberg na siyang manipestasyon ng imperyalismo. Si Rojalde bilang representante ng Malalaking Burgesya Kumprador at mga Panginoong may Lupa na siyang mga masasalapi at nakikinabang sa mga iskema ng imperyalismo. Sila Don Nicanor Gutierrez na mga representante ng Pambansang Burgesya.

Si Luis naman ay siyang representante ng uring manggagawa o sa uring anakpawis. Samantala si Danding naman ang manipestasyon ng lipunang Pilipino sa kaanyuan ng Inang Bayan. Sa pamamagitan ng tema ng pag-ibig ay naiangat ni Faustino Aguilar ang istorya upang mulatin ang kamalayan ng mga mambabasa. Ano nga ba ang pag-ibig na ito kundi ang pag-ibig sa bayan at ang paghahangad ng bawat masang Pilipino na naduhagi ng imperyalismo, na siyang rurok ng kapitalismo, na matamo ang tunay na kalayaan sa lipunan at wagas na pagkakapantay-pantay.

At yaong anak na isisilang ni Danding ay siyang rebolusyon na bunga ng panawagan ng mga dukha na makamtan ang isang tunay na kalayaan ng bayan. Ang pag-ibig ng mamamayan sa Inang Bayan ang siyang nagluwal sa himagsikan.

(12)

Pagsusuri sa Nobelang Tagalog sa Teoryang Marxista

(Ang Daigdig ng Mambabasa)

Ang Pinaglahuan na nobela ay sumasailalim din sa kung ano meron ang bansa noong unang kapanahonan. Ang marxismo ay isang teoryang pampanitikan na nagpapakita ng tunggalian ng mayaman at mahirap, mahina at malakas, makapangyarihan at higit sa lahat ang katunggalian ng bawat mayaman at ,mga alipin. Sa nobelang Pinaglahuan makikita natin ang bawat takbo ng kanilang mga buhay na patuloy pa rin ang mga alipin ay nagpaka alipin ang mayayaman ay nagpapayaman. Punong-puno nga ng balintuna ang halaga ng pera o ang pera bilang halaga, sapagkat sa panahon ding iyon nagpapatuloy at lalong lumalaganap ang iba‘t ibang uri ng sugal kung saan handang-handang ipalustay ng mayayaman ang kanilang pera, at nagkauutang pa dahil dito, gaya nga ni Don Nicanor: huweteng, monte, bilyar, sabong, karera sa Hipodromo, at panggingge tuwing makapananghalian. Kahit ang katiwala ni Rojalde, si Pedro, na kinasapakat nito upang ipahamak si Luis ay handang ipatalo sa sugal ang 25 pisong ibinigay ni Rojalde isang gabing nagkita sila at nag-ulat si Pedro kung paano niya nahuli sa bitag ng kanilang plano si Luis. Kapag nanalo sa sugal at lalo pang nagkamal ng pera: handa naman silang ibahagi ito, subalit sa mga okasyon at gawaing labis na mapag-imbabaw o dikta rin ng luho at layaw—sa simbahan para sa pamisa o pasiyam, o sa magarbong handaan para sa mga kaibigan, o sa pagpunta sa mga bar at klub.

Sa harap ng ganitong problematikong relasyon ng pera sa tao, ano pa nga ba ang higit na kamangha-manghang krimen kundi ang pagnanakaw sa salapi na siyang ibinintang kay Luis ayon sa pakana ni Rojalde, sa tulong nga ni Pedro na nauna nang ―ipinagbili‖ ang sarili sa halagang limang libong piso. Sadyang nasadlak na ang tao sa isang panahon kung saan ang ibig sabihin na lamang ng halaga ay pera, kahit pa sa halaga ng isang tao. Ito rin ang pakiramdam ni Danding: gaya rin lamang siya ng kasangkapan, bahay, kabayo, na naipagbibili.

(13)

Samantala, kapansin-pansing hindi ganito ang pagturing ni Luis sa kaniyang pagkatao: kaya sa kabila ng pangangailangan, hindi niya tinanggap ang trabahong iniaalok ng isang Intsik dahil siya‘y ―aalilain‖ sa halagang 15 piso lamang.

(14)

IV.

MGA TALASALITAAN

Kabanata I

Via publika -

disturbo

Lingap

-

butas

Opera

-

isang pwesto kung saan gaganapain ang dula

Munukala -

kasamahan

Jingoe

-

tagapagbalita

Kabanata II

Dukha

-

isang mahirap lamang

Capon-rellenado –

Notario

Kiriyeeleyson

Petisu

-

may itinatago

Manjar

-

Misa Cantada -

Perezosa

Kabanata III

(15)

Palayawan

Nagkagigitaw-gitaw

Gahak ang Puso

Kabanata IV

Juanita

-

alaala

Tunog-tunog -

Mataos

-

malalin na panalangin

Kalmen

-

Pagdarilta -

Kinakakaning-itik -

Kabanata V

Ganang

- kung ano man ang dapat sa kanya ay dapat

maibalik

Kapalaluan -

hindi makatotohanan

Pagsala

-

Komportable

Lalang

-

bitag

Kabanata VI

Maralita

-

nakakataas sa lipunan

Pagkawakawak- pagkasakim

Marubdob -

pantay-pantay

Beles

-

oras

(16)

Magdalahira

Kandungan

Bungang tulog

Kabanata VIII

Kurisma

-

araw/buwan

Chalet

-

isang uri nng bahay na maganda ang desenyo

Pinopoon -

magiging asawa

Sibol

-

bagong santa

Encaje

-

higaan

Kabanata IX

Kabangihan -

kabangisan

Kalesin

-

kalesa

Riyenda

-

lubid

Hielo

-

nagpagaan ng loob

Kabanata X

Gayong mangugulo

-

paninirang puri

Tayahi

-

sambahin

Karusing -

maruming tao

Mairugin

-

(17)

Chapa

-

palatandaan

Hintin

-

hintayin

Kabanata XII

Manjar

-

Kabanata XIII

Kandik

-

Dumulog -

naghanap

Kandili

-

tulong

Cairel

-

Naluwatan -

natagalan

Kabanata XIV

Napaglagakan

-

napaglaanan

Pagluhod

-

pagbibigay

Sabid

-

malaking hadlang

Nawatasan

-

malutasan

Pithaya

-

quest

Rioja

-

Wine/ alak

Makapagkuro-kuro-

nagdadalawang isip

(18)

Pasionaria

-

Passion flower

Mileguas

-

Kiya

-

poise/tatag

Velador

-

pedestal table

Rosa Vergen

-

Virgin Pink

Jardin botanico -

botanical garden

Marilag

-

maganda

Loteria

-

lotto

Kabanata XVI

Dalita

-

alipin

Timbulan -

sandigan

Siluin

-

trap

Kabanata XVII

Cholera

Bagwis

-

wing

Pita

-

craving/ labis na pagmimithi

Kabanata XVIII

Azahar

-

orange blossom

Nagulumihanan -

naguluhan

Talutot

-

corolla

(19)

Kabanata XIX

Constable -

Police Officer

De primera -

1

st

De segunda-

2

nd

Bastonero Mayor-

katiwala sa loob ng isang brigade

Habichuelas

-

beans

Kabanata XX

Tupdin

-

sundin

Naglilo

-

Sigalot

-

Kabulaanan

-

di katotohanan

Lakdaw

-

walang tinitigilan

Balong

-

bilog

(20)

V.

PAKSA

Tulad ng iba pang nobelang namalasak noong 1900-20, banghay ng pag-ibig ang nag-uugnay ng kawing-kawing na pangyayari sa nobelang Pinaglahuan. Subalit hindi tulad ng maraming nobela noon, sa pag-ibig man umiikot ang banghay hinding-hindi pag-ibig lamang ang puno‘t dulo ng katuturan nito. Katangi-tangi ang nobela sa paggamit nito ng kumbensiyunal na banghay ng pag-ibig upang harapin at suriin ang bagong realidad noon: ang pananakop ng mga Amerikano at ang kaakibat nitong pagpapahalagang materialismo at kapitalista.

VI.

TAGPUAN

Sang panahon ng pag-aari ng salapi ang ginagalawan ng mga tauhan sa nobelang Pinaglahuan ni Faustino S. Aguilar. Isinilang si Aguilar noong 1882 at sinabing lumaki sa kaligirang mapag-isip at mapagtanong.‖ Unang nalathala noong 1907, nakatuon ang nobela sa epekto ng kapitalismo sa yugtong iyon ng kasaysayan: ang hirap na binubuno ng karaniwang tao sa harap ng kapangyarihan ng puhunan laban sa paggawa. Ayon kay Benilda S. Santos, ―ang kasaysayan ang mismong tagpuan sa nobela.‖

Nagsimula ang nobela sa paglalarawan ng maraming taong nakatayo sa lansangang Cervantes at naghihintay sa pagbubukas ng Dulaang Opera upang daluhan ang malaking pulong na iyon sapagkat ayon kay Aguilar, ―Bayan ang tumawag at bayan ang dumalo.‖ Ang lungsod ng ka Maynilaan ang siyang naging saksi sa lahat ng pangyayari sa buhay nila Luis Gat Bu-hay at si Eduarda Gutierrez.

(21)

VII.

Pagsusuri sa bawat tauhan

Luis Gat-Buhay

isang binatang may 24 na taon. Ulila at siyang nagkakalinga sa kanynag mga kapatid na pawing babayi. Walang inaasahan kundi ang kanyang sahod sa buwan-buwan. Mula nang maisip ng mga mangagawang Pilipino ang pagtatayo ng mga kapisanang magtatanggol sa kanila, siya ay nakisaman agad-agad. Sa mga unang pang sandali‘y inakalang ang katungkulan niya‘y makisama sa mga walang inuusig kundi ang isa nilang karapatan. At mula noo‘y taimtim na naglingkod sa layon ng mga maralita. Si luis ay isang taong may pananaw sa sarili lao na lipunan kahit siya ay isang dukha lamang ay ni rerespeto pa rin niya ang pagpapatakbo ng Pamahalaan dahil kahit ano man ang kanyang gagawin ay wala namang manyayari kundi ang tanggapin ang nangyayari sa paligid. Pero kahit ganon ang nangyayri sa lipunan nila ay naniniwala pa rin siyang darating ang isang araw na magkakapantay din ang mga pananaw nito na walang panginoon at walang alipin, walang nakakataas at mababa. Isa pang kasamaang ibig niyang maalis ay iyang pananagisag ng lahat ng kagalingang sarili sa ano mang gawin, maging sa pagkaawa, maging sa paggawa ng magaling, maging sa paggawa ng kaliit-liitang bagay at ang sarilingbudhi na tunay na kabaitan ay di man lamang masinag sa ano mang ayuin na tao.

Maraming adhikain si Luis isa na rito ang kanyang mga layon na maitupad man kung sakali pero malabo namang manyari. Isa rin sa mga layon ni Luis ay ang pananaw ng mga magulang ni Danding naalala niya ang sinabi ni Danding “ikaw ay dukha, wala kang bibili sa akin” sa salitang iyun ay napasok sa gunita ni Luis na malabong mangyaring mapasakanya ng buo si Danding dahil ang gusto ng mga magulang nito na dapat ay kung mag-aasawa man si Danding dapat ay may maipagmalaki sa buhay. Sa udyok ng ganitong pagkukuro, si Luis ay napatindig at nakatingin sa mga taong parang nagpupulong at pinag uusapan ang kanilang mga antas sa lipunan, sila na nga raw ang mahirap sila pa ang

(22)

pinipintasan. Sa ganoong ayos ng pag-uusap ay naitugon ni Luis sa kanyang isip na may Diyos, may pananampalataya, at may kapinsang dapat kumandili.

Eduarda Gutierrez (Danding)

ay nag iisang anak na dilag nina Don Nicanor at Doñya Titay. Siya ay 17 taong gulang. Maganda, mabait at masunurin na dilag na umiibig din kay Luis Gat-Buhay. Pinilit itong ipakasal sa mayaman na binata na walang iba na si Victorino Rojalde. Dahil sa pagkakaroon ng utang ng kanyang ama ay siya ang naging kabayaran nito at dahil siya ay anak lamang sumunod siya sa kanyang mga magulang na tinuturing niyang pangalawang Diyos sa lupa. Masakit sa kanya ang ginawa ng kanyang pamilya dahil sapilitan siyang itinakda sa kasalang hindi niya naman minamahal ng totoo. Ang pagmamahal niya kay Luis ay pang habang buhay, binigay niya ang kanyang buong pagkatao sa minamahal niya at di nagtagal kahit siya ay nakasal kay Rojalde dala niya pa rin ang tamis ng alaala ng kanilang pagmamahalan ang naging bunga ng kanilang pag-ibig.

Victorino Rojalde

Si Victorino Rojalde, ang mangangalakal at kapitalistang aral sa lalong mabibisang paraan ng pagpapatubo na natutuhan niya sa madalas na paglalakbay sa pinakamasisiglang sentro ng komersiyo sa buong mundo. Isang sobrang mayaman na binata sa angkin nitong talino sa pagpapatakbo ng kanyang negosyo. Kilalang-kilala sa buong ka maynilaan ang binata halos siya ay sinasamba dahil nasa kanya na ang lahat maliban na lamang sa asawa na noon pa ay hindi pa nakilala si Danding. Si Rojalde ay palaban at ano mang nais gustuhin niya ay makukuha niya sa pamamagitan ng kanyang salapi. Kaya lahat ng tao ay nangangailangan ng tulong niya isa na roon si Don Nicanor na ama ni Danding na siyang naging dahilan sa pagpapakasal nito dahil sa pagkakautang. Matigas ang puso ni Rojalde lalo na sa mga dukha, mababaw ang kanyang tingin sa mga dukha lalo na kay Luis Gat-Buhay na siya ring dahilan kung bakit ayaw

(23)

siyang ibigin ni Danding. si Rojalde ay isang taong aakyatin ang lahat ng hamon sa pagsubok sa pag-ibig niya kay Danding kung kay‘t gumawa siya ng paraan para mawala sa landas nila si Luis.

Don Nicanor Gutirrez

Ang ama ni Danding na noon ay mayaman ngunit dahil sa mahilig itong sumugal ay nawala ang halos ari-arian nito.Si Don Nicanor ang kanyang mga ginagawa noong una kung paano niya hinihikayat ang mga tao maglaro sa juweteng, ang gumawa ng mga istoryang wala namang pawang katotohanan at sinasabi niya rin sa mga tao ang kanyang mga napapaginipan na may mga simbolo daw para manalo sa pustahan. Hanggang dumating ang panahon na may malakas tumaya at halos hakot ang panalo. Mula noo‘y nagipit si Don Nicanor at nagsimulang magka utang kay Rojalde. Noong una ay kumuha siya ng limang daang piso ang sumunod ay labindalawang piso at ang pang huli ay sampung daang piso. Sa kanyang pagkakautang pwede na sanang makahanap ng bagong hanapbuhay si Don Nicanor kung hindi niya lang sana sinalihan ng paglalaro.Matapobre din sa madaling salita si Don Nicanor dahil walang importante sa kanya kundi ang salapi kahit kaligayan ng kanyang anak ay hindi niya pinapansin, makaahon lamang sila ay sapat na sa kanya iyon.

Doña Titay

Ang ina ni Danding, na siya ring pumilit sa kanyang anak na magpakasal ito kay Rojalde. Inang hindi marunong tumingin sa kaligayahan ng anak na ang iniisip rin ay salapi lamang.

Dupilas,Ginoong Barrientos at Balani

Ang mga malalapit na kaibigan ni Don Nicanor at Rojalde . Roman

(24)

Ang kotsero ni Rojalde, na may pilat na minsang pinalo siya ni Rojalde na malaki rin ang galit sa mga taong mayayamann dahil sa pagka matapobre.

Binay at Matilde

Dalawang pangalang bantog sa ka maynilaan. Gunday

Naglilingkod sa tahanan ni Rojalde ang siyang naging tagapagluto din. Mang Simo

Isang matandang naging taohan din ni Rojalde nang minsan din ay pinalayas na parang hayop kung kaya‘t malaki din ang kanyang galit sa mga katulad ni Rojalde.

Pedro

Isang tagasunod din ni Rojalde na siya ring dahilan ng pagka kulong ni Luis Gat-Buhay saa bilibid. Dahil sa pakikipag sabwatan nito kay Rojalde na nagpabili ng kanyang kaluluwa sa limang libong piso. Dahil siya ay isang dukha lamang ay nasilaw sa pera at umayon sa kagustuhan ng kanyang amo.

Mr. Kilsberg

May ari ng bahay kalakal na pinagtratrabahuan ni Luis, na siya ring tumistego laban kay Luis sa pagnanakaw sa tahanan ni Rojalde sa kadahilanang malaki rin ang kanyang galit nito dahil sa pagtuturo ng kung ano-ano sa mga manggagawa.

Ginoong Candelaria

Isang hamak na pinuno sa isang dukhang lalawigan na may balangkas sa kanyang pagpapatakbo ng kanyang lungsod na ipadakip umano ang mga punong-labas.

Benitez Draga

Isang punong-lalawigan na maibigin sa bayang siyang bumili ng may sampung libong baril sa isang sakim na pinunong-hukbo.

(25)

Nakilala ni Rojalde sa isang okasyon. Ramirez

Kawani sa isang bahay kalakal. Vagues at iba pang kasamahan nito

Kasamahan ni Rojalde sa isang bar. Carlos

Isa sa mga kotsero ni Rojalde Nora Justina

Pinsan ni Luis na nilapitan nila para silay makahingi ng tulong upang lubos na makalaya si Luis. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi man lamang sila tinulungan.

Aling Toyang

Ang siyang gumagabay sa pamilya ni Luis na kahit ito ay matanda sila ay inaalagaan pa rin. Siya rin ang gumawa ng paraan para makalaya si Luis sa bilibid.

Mga babaeng kapatid

(26)

BUOD NG

BAWAT

(27)

Kabanata I

Bayan ang tumawag at Bayan ang Dumalo

Nang umagang yaon ng ika-19 ng Oktubre ng 1990 ang maluwang na lansangan ng Cervantes ay nagsisikip sa tao. Walang maluwag-luwag kundi ang pinakagitana na siyang pinaglalagusan ng magagarang karwahe, kalesa at kalesing kinasasakyan ng lalo pang magarang mga maginoo na kung hindi sa mga pulis na nagbabantay roon ay nangag-utos marahil sa kani-kanilang kotserong sagasain ang gayong kakapal na taong nakaaabalapa sa kanilang paglakad.

Nagsimula ang nobela sa paglalarawan ng maraming taong nakatayo sa lansangang Cervantes at naghihintay sa pagbubukas ng Dulaang Opera upang daluhan ang malaking pulong na iyon sapagkat ayon kay Aguilar, ―Bayan ang tumawag at bayan ang dumalo.‖ Subalit nabigo ang taong-bayan ; hindi pumayag ang may-ari ng teatro na ipagamit ito sa kanila dahil sa pag-iwas na masangkot sa pag-uusig ng pamahalaang walang tainga sa panawagan ng bayan upang makamtam ang kalayaan mula sa mga Amerikano. Hindi naman nawalan ng loob ang nagsidalo.Nagpaibang-araw sila; ipinagpaliban lamang ang pakikibaka.

Samantala, sa paghihintay rin sa pulong na iyon, nagtagpo sa unang pagkakataon ang pangunahing tauhan ng nobela, si Luis Gat-Buhay at si Don Nicanor Gutierrez, ama ng kanyang kasintahang si Eduarda (Danding) at kilalang may-kaya sa lunsod. Sakay ang don ng kanyang karwaheng walang-habas at paragasang dumaraan sa Cervantes. Pinigil ni Luis ang karwahe sa pagsisikap na huwag makasagasa ng mga taong natitipon sa harap ng dulaan.

(28)

Kabanata II

Bagot at Pawisan nang dumating sa Tayuman

Nagpatuloy ang nobela sa pagdating ni Don Nicanor sa kanyang bahay sa tayuman kung saan ginaganap naman ang isang piging. Naroroon ang ilang kumakatawan sa naghaharing-uri noong panahon iyon; Si Victorino Rojalde, ang mangangalakal at kapitalistang aral sa lalong mabibisang paraan ng pagpapatubo na natutuhan niya sa madalas na paglalakbay sa pinakamasisiglang sentro ng komersiyo sa buong mundo; si Juancho Balani, kilalang sugarol; si Manuel Barrientos, ang madasaling notary na pikit –mata kung magpakalango; at si Nora Titay, ang may bahay ni Don Nicanor na laging siyang-siya sa pag-aasikaso sa ganoong uri ng panauhin. Kainan, inuman, at pagsusugal ang inatupag ng marami sa piging na iyon- malaking katumbalikan ng naganap sa mga bigong naghintay sa harao ng Dulaang Opera.

(29)

Kabanata III Gabi at Umuulan

Isang gabi pagkaraan, nagtagpo ng lihim sina Luis at danding sa tahanan ng huli. Ipinaalam ni danding sa kasintahan kung paanong ipinagkasundo na siyang ipakasal ng kaniyang mga magulang kay Rojalde. Inamin ng dalaga na bagaman mahal niya ang binata, hindi naman niya matatalikuran ang kaniyang tungkuling tumalima sa mga magulang na itinuring niyang pangalawang Diyos dito sa lupa. Nanggipuspos si Luis sa ganitong narinig sa katipan subalit wala siyang nagawa kundi tanggapin ang pasiya nito. Sa halip na si Danding ang sisihin, sinabi niyang ang salapi ang humusga ng kaniyang karapatang angkinin si Danding dahil karaniwang empleado lamang siya, at ang pananampalataya ang umagaw sa laya ni Danding na piliing pakasalan ang lalaking minamahal. Noong gabing iyon, naghiwalay ang magkatipan nang nagkakaunawaang walang kahihinatnang anoman ang kanilang pag-iibigan.

(30)

Kabanata IV

Hapon. Dadalawang Araw pa ang Nakakaraan

Sa kabanata na ito naibuhos lahat ni Danding ang kanyang mga hinanakit sa kanyang puso tungkol sa kanyang pagpapakasal kay Rojalde. Lahat ng kanyang mga kamag-anak ay iisa lamang ang sinasabi ito ay ang kanyang pagpayag sa pagpapakasal kay Rojalde na hindi naman niya iniibig dahil ang kanyang tunay na minamahal ay si Luis. Dalawang araw pa lamang ang nakakaraan,si Don Nicanor at Nora Titay ay nag-uusap na nang masinsinan tungkol sa kung paano mapipilit ng huli ang anak na si Danding na tanggapin ang pagpapakasal kay Rojalde. Idiniin ng lalaki sa asawa na hinding-hindi niya mapapayagang mapakasal kay Luis ang dalaga. At wala nang higit na mabigat pang dahilan kaysa pagkakautang nya ng sampung libong piso kay Rojalde upang tanggapin ni danding ang pag-ibig nito. Sa pagkakataon na ito din ay napilitan si Danding iwanan si Luis dahil ayaw niyang suwayin ang kanyang mga magulang at wala na siyang magagawa pa doon kundi ang sumunod sa utos ng mga magulang.

Pero sa pag-uusap ni Don Nicanor at ng kanyang asawa na si Titay nag aalangan si Don Nicanor dahil parang gusto ng kanyang asawa ay hayaan munang makapag isip muna ang kanilang anak. Pero nagpupumilit si Don Nicanor na dapat ay may resulta na sa pag payag si Danding tungkol sa pagpapaksal nito kay Rojalde. At nang malaman ni Don Nicanor na may iniibig ang kanyang dilag ya para siyang nawalan ng buhay dahlia ayaw niyang mapunta ang kanyang anak sa isang dukha lamang na wala naman ipapakitang yaman sa kanila. Si Rojalde ang makakatulong sa kanila para sila ay mas yumaman ayaw niyang mapahiya sa ibang tao kung kaya‘t hinihikaya‘t niyang mapapayag ang kanyang anak sa pagpapaksal kay Rojalde. Sa ganoong ayos ay dumating si Rojalde sa kanilang pamamahay

(31)

KABANATA V

ANG TIKAS NI ROJALDE AY NAPALARAWAN SA PINTO

Dumating si Rojalde sa pamamahay ng mga Gutierrez at nakipag-usap ito kay Don Nicanor at nangangamusta tungkol sa kanilang mga ipinangako. Sa pag-uusap na iyon ay kinakabahan si Don Nicanor sa dahilang wala pa siyang insaktong sagot na nakukuha mula sa kanyang dilag na si Danding dahil may katipan ito na si Luis Gat-Buhay. Sa panahong iyon ay nasa pighati si Danding dahil sa pagkakaalam niya ay wala na siyang magagawa kundi ang sumunod sa kanyang mga magulang na itinuturing niyang pangalawang Diyos sa lupa. Sa pag-uusap ni Rojalde at Don Nicanor ay ipinaalala ni Rojalde ang pagkakautang ni Don Nicanor sa kanya at ang pangako na ibinigkas nito sa kanya. Nang itinanong ito ni Rojalde ay sumagot agad si Don Nicanor na pumapayag na ang kanyang dilag na maikasal ito sa kanya kahit hindi pa malinaw ang sagot ni Danding ay inunahan niya na ito dahil sa takot na baka ano ang gawin ni Rojalde sa kanyang pagkakautang. Lumiwanag ang mukha ni Rojalde sa ibinigkas ni Don Nicanor na habang nagsasalita ay nakatingin sa itaas na parang may malalim na pag-iisip. Sa ganoong ayos ni Don Nicanor naalala niya ang kanyang mga ginagawa noong una kung paano niya hinihikayat ang mga tao maglaro sa juweteng, ang gumawa ng mga istoryang wala namang pawang katotohanan at sinasabi niya rin sa mga tao ang kanyang mga napapaginipan na may mga simbolo daw para manalo sa pustahan. Hanggang dumating ang panahon na may malakas tumaya at halos hakot ang panalo. Mula noo‘y nagipit si Don Nicanor at nagsimulang magka utang kay Rojalde. Noong una ay kumuha siya ng limang daang piso ang sumunod ay labindalawang piso at ang pang huli ay sampung daang piso. Sa kanyang pagkakautang pwede na sanang makahanap ng bagong hanapbuhay si Don Nicanor kung hindi niya lang sana sinalihan ng paglalaro.

(32)

Natapos ang pagwawalang kibo ni Don Nicanor ay nagising ang kanyang gunita sa kanyang kausap na ipina alala pa rin dito ang kanyang pagkakautang at sinabi niya naman ulit na pwede na nilang itakda ang kasal ng mga ito. Sa pagkakarinig non ay tumayo na si Rojalde para maka alis na at bitbit nito ang mga salita na ibinigkas ni Don Nicanor na itatakda na ang kanilang kasal sa Mayo. Sa ganoong sitwasyon ay nasa loob ng kwarto si Danding at ang kanyang Ina na si ñora titay at napagdesisyunan na rin sa wakas ni Danding na siya ay magpapakasal na kay Rojalde sa kadahilanang matagal na pala nakasangla ang kanyang katawan dahill na rin sa kagagawan ng kanyang pinakamamahal na Ama.

(33)

KABANATA VI

MALUNGKOT NA NAKAUPO SI LUIS SA HARAP NG ISANG malaking aklat-talaan.

Si Luis Gat-Buhay ay isang binatang may 24 na taon. Ulila at siyang nagkakalinga sa kanynag mga kapatid na pawing babayi. Wlang inaasahan kundi ang kanyang sahod sa buwan-buwan. Mula nang maisip ng mga mangagawang Pilipino ang pagtatayo ng mga kapisanang magtatanggol sa kanila, siya ay nakisaman agad-agad. Sa mga unang pang sandali‘y inakalang ang katungkulan niya‘y makisama sa mga walang inuusig kundi ang isa nilang karapatan. At mula noo‘y taimtim na naglingkod sa layon ng mga maralita. Si luis ay isang taong may pananaw sa sarili lao na lipunan kahit siya ay isang dukha lamang ay ni rerespeto pa rin niya ang pagpapatakbo ng Pamahalaan dahil kahit ano man ang kanyang gagawin ay wala namang manyayari kundi ang tanggapin ang nangyayari sa paligid. Pero kahit ganon ang nangyayri sa lipunan nila ay naniniwala pa rin siyang darating ang isang araw na magkakapantay din ang mga pananaw nito na walang panginoon at walang alipin, walang nakakataas at mababa. Isa pang kasamaang ibig niyang maalis ay iyang pananagisag ng lahat ng kagalingang sarili sa ano mang gawin, maging sa pagkaawa, maging sa paggawa ng magaling, maging sa paggawa ng kaliit-liitang bagay at ang sarilingbudhi na tunay na kabaitan ay di man lamang masinag sa ano mang ayuin na tao.

Maraming adhikain si Luis isa na rito ang kanyang mga layon na maitupad man kung sakali pero malabo namang manyari. Isa rin sa mga layon ni Luis ay ang pananaw ng mga magulang ni Danding naalala niya ang sinabi ni Danding “ikaw ay dukha, wala kang bibili sa akin” sa salitang iyun ay napasok sa gunita ni Luis na malabong mangyaring mapasakanya ng buo si Danding dahil ang gusto ng mga magulang nito na dapat ay kung mag-aasawa man si Danding dapat ay may maipagmalaki sa buhay. Sa udyok ng ganitong pagkukuro, si Luis

(34)

ay napatindig at nakatingin sa mga taong parang nagpupulong at pinag uusapan ang kanilang mga antas sa lipunan, sila na nga raw ang mahirap sila pa ang pinipintasan. Sa ganoong ayos ng pag-uusap ay naitugon ni Luis sa kanyang isip na may Diyos, may pananampalataya, at may kapinsang dapat kumandili. Babalik na sana si Luis sa kanyang ginagawa may nakita siyang tao na hinahabol ng pulis at ng isang espanyolang babae na nagsasalita sa espanyol. Silang lahat ay walang maibigkas kundi ang tumingin na lamang sa nangyayris sa harapan nila ang taong hinahabol pala ay nagkasala kumuha ito ng pagkaing hindi naman binyaran. Napaisip tuloy si Luis na kay pait ng pamumuhay ang mga huling salitang naipulas ni Luis sa kanyang mga labi nang pagbalikan ang ginagawa.

(35)

KABANATA VII SA LOOB NG ISANG BAR

Sa loob ng isang bar ay nag-uusap ang magkakaibigan na sina Barrientos, Dupilas at Balani ang mga taong ito ay kapwa mga kaibigan ni Don Nicanor at Rojalde. Napag usapan nila ang kanilang mga laro sa pagpupusta sa kani-kanilang mga kabayo at ang mga paraan kung paano maipanalo ang kanilang mga manok. Sa pagkakataong din iyon ay napag usapan din nila ang balita tungkol kay Rojalde at Danding kung totoo nga badaw ang balitang ito‘y ikakasal na sa darating na Mayo. Ikinagulat naman ito nila dahil sa Danding ay labimpitong gulang pa lang at batang-bata pa ito at wala pang masyadong muwang sa mundo. Wika ni Barrientos nakita pa nga raw nya ang mag-iina sa palengke pero wala naman daw itong iminungkahi tungkol sa pagpapakasal ng mga ito. At di umano‘y may mga kadahilanang nag-aantas kay Don Nicanor na pag-asawahin ang kanyang anak kay Rojalde. May kung ilang pung libong pisong napadawit sa salitaan, at sa katunaya‘y nagsadya si rojalde sa bahay ng mga Gutierrez. Hindi nila akalaing totohanan nga pala ang mga palakad ni Rojalde sa dilag ni Don Nicanor. Inaasahan nilang di taga doon ang magiging asawa nito, pagkat ganoon raw ang magagawa ng may salapi nagagawa ang ano mang nais nito. Ngunit nalaman din nila na may katipan daw si Danding kung kaya‘t nahihirapan din daw ang ama kung paano ito mapapasagot kaya‘t ang dalaga ay nangangailangan pa ng bala at pagbabanta ng ama bago napa-oo. Sa ganoong pag-uusap nagkatawanan sila at may mga Amerikanong nandoon din at inaakalang sila ang pinag kakatawanan at muntik na ring magkaroon ng isang gulo sa pagitan ng mga ito.

Napagdesisyunan na rin ng mga ito ang umalis na lamang para walang gulo at sa kanilang paglabas ay nakasalubong nila si Rojalde at masayang-masaya ito na ipinamalitang ikakasal na nga siya kay Danding. Ang lahat ay

(36)

nagging Masaya para kay Rojalde marunong daw itong mangilatis at napangiti lang si Rojalde.

(37)

KABANATA VIII

ISA NANG KATOTOHANANG KALAT SA BUONG MAYNILA

Ang pag-iisang dibdib nina Rojalde at Danding. Sa buwan ng Mayong ipinamalita ni Balani sa loob ng bar ay dalawang buwan na lamang ang kulang kaya kinaiinipan ng ating binata ang nakapanayad na paglipas ng kurisma, iyang buwan ng kainitan at mga tagulaylay na kung nagdudulot man ng ligaya‘t aliw sa mga binata at dalaga sa mga pagbabasahan kung gabing tagliwanag, sa mga may hinihintay na paris ni Rojalde at sa maraming nagtitimpi ng pagkain ng lamangkati ay nakakayamot. Ang pagdalaw ni Rojalde sa tahanan ng mga Guiterrez noon ay dalawang beses lamang sa isang linggo pero sa kadahilanang si Rojalde ay nakatakdang ikasal kay Danding halos araw-araw na ito kung pumupunta para dalawin ang kanyang poon. Nagpapakamatay si Rojalde sa pag-iisip ng sari-saring bagay na magiging kaaaliwan ni Danding katulad na lamang ng isang chamlet sa tabi ng ilog at sa ilalim ng malalaking ilang-ilang, ganitong klase ng bahay ang kanyang nais, maraming bulaklak sa paligid. Ang lahat ng kanyang isinaisip ay masayang ibinalita sa kanyang may poon. Ngunit sa tuwina‘t kanyang sinasambit ang kanyang mga plano ay wala naman sa mukha ni Danding na maging masaya ang kanyang buhay sa piling ng kanyang magiging asawa. Habang siya ay nakikinig sa mga iminumungkahi ni Rojaldi sinabi niya naman dito na kahit ano ang mangyari si Luis ay si Luis lamang ang kanyang mamahalin hanggang siya ay nabubuhay pa, lahat ng kanyang mga hinanakit sa puso ay nailabas niya lahat pati ang hinanakit niya sa kanyang ama ay iminungkahi niya ito. Ang lahat ng iyon ay narinig at nawindang sa pandinig ni Rojaldi naibulong pa niya sa sarili niya ang mga katagang naiwan sa kanyang pandinig “ si Luis, kalian ma’y si Luis “ at waring nasiraan ng isip na biglang tumayo at naglakad. Sa kalituhan ng kanyang isip ay kung anu-ano ang naguguniguni: sa pakiwari niya‘y naroon si Luis at nakangiti ng ngiting may pagkahabag. Sa kanyang pagtayo ay nakasalubong niya ang Ina ni Danding at

(38)

nag usap sila at pinakiusapan naman si Danding na tumugtug ito sa harap nila. Maganda ang tinig ni Danding, malambing at magaan sa pandinig habang siya ay tumutugtug at kumakanta may isang tao, isang lumalakad, ang biglang napahinto. Ang tinig na yaong labis na kilala at hindi minsang nakaaliw sa kanyang mga pag-aalinlangan, na tumatangis nang gayong kalungkot, ay nagging sundang na tumarak sa kanyang puso at nakabuhay ngmga alaalang mapapait…Ang taong ito‘y si Luis na noon lamang napadaan sa tapat ng bahay ni Danding mula nang gabing maghiwalay silang kapwa may lason sa puso.

(39)

KABANATA IX

NANG GABING IYO’Y NAUWI SI ROJALDENG POOT NA POOT

Nang galling si Rojaldi sa bahay ng kanyang poon ay ang pagkamuhi niya‘y di anhin lamang ihanap ng basag ulo o sa isang kayang makakagalit na makapanuntukan sa kadahilanang siya ay binigo sa mga salita ni Danding na si Luis pa rin ang mamahalin nito kahit mapunta man ang buhay nito sa kanya. Habang siya ay papalabas sa bahay ng mga ito ay kabangihan ang nasa mukha nito at pabagsik ang pagsasalita na uuwi na ito sa bahay kasama ang kanyang kutsero na walang iba kundi si Roman. Si Roman ay isang taga sunod lamang ni Rojalde at nag-iisang kotsero ng kalesin ni Rojalde habang kanya‘y ito minamasdan ang kanyang panginoon ay, daming katanungan ang nasaisip niya kung bakit parang galit na galit na ito. Kung wariin niya ito ay malaking bagay, sapagka‘t kailan ma‘y hindi niya ito nakikita sa ganoong ka galit na mukha. Kung kay‘t nasabi niya rin sa sarili niya na “ itong mga Panginoon, “ay mabubuti lamang kung hindi maiinit ang ulo, nguni’t huwag may makakagalit na iba at kaming mga naglilingkod ang nagbabayad na wari bagang sa labinlima o dalwang pisong ipinapasahod sa amin ay may katwiran na silang manampalasan.” . Napaisip din si Roman sa nangyari dati na siya ay napalo ni Rojalde at nagkaroon ng isang pilat sa may binti ganun ka lupit ang kanyang Panginoon na si Rojalde. Malaki ang galit niya sa mga taong mayaman dahil kung maka asta ang mga taong yaon ay para nang mga hayop ang trato sa kanila sila na nga ang mahirap sila pa ang naaapi. Sila na nga ang nagmumukhang kawawa sila pa ang masama yan ang mga naitagong salita lamang ni Roman dahil yan din ang kanyang nakikita kung sa ano ang meron ngayon sa kanila. Habang sila ay pauwi na ay may nakita silang nakasakay din sa kalesin ito ay ang mga kakilala ni Rojalde at nilapitan naman ito ni Rojalde sa pamamagitan ng kalesin at napag abot sa Cinematografo Filipino sa daang Azcarraga, at noo‘y nadinig ang kanilang mga talasalitaan. Inaaanyayahan itong

(40)

magpunta sila sa Gagalangin pagkatapos ng usaping iyun ay bumalik na sa dating anyo si Rojalde kung kanina ay parang tigre ito ngayo‘y parang kaawa-awa na itong tingnan nasasaisip ni Roman. Habang sila ay pabalik sakay ng kalesin ay napag iisip ni Rojalde ang kabuoan ni Danding kung sino ang kasama nito ngayon o ano ang ginagawa nito ang malamyos na buhok at ang pagkalambing-lambing nitong pagtulog at higit sa lahat ang kagandahang taglay nito kahit ito ay bata pa. Alam niyang hindi kailan man magiging kanya ang puso sa dalaga dahil nariyan si Luis na minamahal ng tunay. Naalala tuloy nito ang isang liham na kanyang nabasa patungkol sa pag-iibigang Luis at Danding kung gano nila kamahal ang isa‘t isa. Kaya tuloy nasambit ni Rojalde sa kanyang isip na lihim niya itong kaaway sa puso ng dalaga. Dumating sila sa kabahayan ni Rojalde at sinalubong naman ito ni Mang Simo at Pedro at binalaan itong maiinit ang dugo ng kanilang Panginoon habang si Gunday ay naghahanda para sa kanilang pagkain. Maya‘t maya ay tinawag si Pedro ng kanyang amo at pabagsik itong nakikipag-usap. Habang si Mang Simo nang mapag isa ay biglang nalungkot ang mukha sa kadahilanang naalala nito gano siya nagdusa sa pamamalakad ni Rojalde minsan na rin siyang pinaglupitan nito at pinalayas na parang hayop .Nang siya ay pinalayas ay pinatuloy naman siya ng kanyang kaibigang si Judio Errante at ang kanyang dala lamang ay limang piso lamang dahil ang kanyang mga sahod ay ikinaltas ni Rojalde sa kanyang mga utang.

Nasa sitwasyon non si Rojalde naalala niya na may pagtitipon tungkol sa pagtanggap ng mataas na puno ng Sangkapuloan at posibleng naroon din si Mr. Kilsberg ang may-ari ng bahay-kalakal na pinapasukan ni Luis at may plano siyang kausapin ito.

(41)

KABANATA X

ANG MGA DIYOS SA LUPA AY NAGTITIPUN-TIPON

Sinasaksihan ng isang naghihingalo nang araw na pasibsib sa kalunuran, ang sunod-sunod na pagdating ng magagarang sasakyan sa pinto ng bahay-pamunuang nasa Malakanyang. Ang maluwag at malaking lansangan ng Malakanyang ay unti-unting nasisiksik sa mga karwahe, kalesin at berlina. Dating at dating ang mga panauhin, na sinasalubong naman ng isang katiwalang tumatanggap sa kanila at sa nginiti-ngiti kung nakikikamay ay waring nagsasabing kay dali pala ng mangawil. Nang araw na iyun ay maraming dumalo isa na roon sa mga panauhin ay si Rojalde, nagkamustahan ang ito at ang Gobernador sa pag-uusap na iyon ay sinabi agad ni Rojalde kung anong klaseng tao si Luis, iyun ang kanyang dahilan kung bakit siya ay dumalo sa pagtitipong iyon. Sa ganoong ayos ay biglang dumating ng bagong dulog, isang hamak na pinuno sa isang dukhang lalawigan ito ay si Ginoong Candelaria lumapit ito kina Gobernador at Rojalde at napag usap ang dalawa at nagkamustahan kapwa silang nagbigay pugay sa kanilang mga adhikain na hindi raw nagkamali ang pamahalaan sa pagpili ng mga ito. Umalis naman agad si Ginoong Candelaria para makihalo na rin sa isang lupon ng maiigting na politikong nasa pamahalaan. Nagkaputa- putaki ang salitaan at ito ang pagkakataong sinamantala ni Rojalde upang tapusin ang pakikipag-usap kay Mr. Kilsberg. Hanggang matapos ang sinabi ni Rojalde ay hindi makapaniwala si Mr. Kilsberg sa nalaman dahil si Luis ay isang mabuting kawani, matagal nang naglilingkod sa kanya, at ang walumpong pisong sinasahod ngayon nito ay natamo sa pamamagitan ng isang mataman at marangal na paggawa. Nasambit din ni Rojalde na “ hindi ba totoong sa likod ng isang dilim ay mayroong unos” . Bigla na rin napa isip si Mr. Kilsberg sa kanyang mga hinala tungkol kay Luis lalo na sa dagdag na 20% na sahod ng mangagawa at noo;y sinisisi niya ang taga Kapisanan ng Mangagawa. Naisip niya tuloy na siya ay ginawang tanga lamang ni Luis at higit sa lahat noon

(42)

ay nakakapangalakal sila ng libu-libo ngayon ay bahagya na lamang. Sa isang dako naman ay may mga taong nag uusap tungkol sa mga hinaing nila sa kanilang mga trabaho dahil kung magpasahod ang mga amo nila ay hindi sapat para sa kanilang pamilya lalong-lalo na ang mga trabahanteng may sariling pamilya. Sa isang dako din ng tanggapan, si Rojalde ay mangalo-ngalo halos sa kapapasalamat sa mga nagdudulot sa kanya ng ―maligayang bati‖ dahil sa nalalapit na pagpapakasal nito sa anak ni Don Nicanor. Nasa ganoong ayos si Rojalde habang si Mr. Kilsberg naman ay paulit-ulit sinasambit sa sarili ang pagtataksil na ginagawa ni Luis sa kanya may pagkamuhi ang kanyang puso para kay Luis. Sa dakong kinalalagyan ng mga politiko ay mahigpit na pinagtatalunan ang iba‘t ibang bagay na tumutukoy sa mga palakad bayan. Naroon ang mukhang kristong nasa ikapitong wika, bantog na tagapatnubay ng isang partidong nag-aakalang ang kauna-unahang tungkol ay sa mga naghihimagsik na Pilipino upang sumapayapa na. Kausap si Candelaria, ang mayukod na punong lalawigan, ang nangakong darakip sa mga punong-labas na nalalabi pa, bagay ng kanyang minamagaang dalhin, yamang di miminsang pinatunayan sa gawa ang kanyang kakayahan sa bahay na ito. Palabas na si Rojalde at pinatawag nito ang kanyang kalesin kasama na si Roman at mahigpit na pinag-uutos nito na pupunta sila sa bahay ni Don Nicanor.

(43)

KABANATA XI

SA GABING PAGKAAPI NG ISANG DUKHA AY SUMUNOD

ay isang sikat ng araw na kaaya-aya. Ang tala ng Pasig ay nagbabangon pa lamang sa kanyang pagkakatulog. Ang kanyang mnga lansangang wala pang tao ay bahagya nang pinasisigla ng mangisa-ngisang karo ng tinapay ay walang pinagibhan sa nga daraanan sa loob ng isang ospital na bawa‘t bahay, malaki amn at munti, ay tulad na rin sa mga hihigang pinagpapahingahan ng mga may sakit. Wari sa gayong di pag-imik at pagpapakapipi ay ibig pagtakban ang lahat ng sugat, ang lahat ng baho, ang lahat ng kabulukang itinatago sa kanyang sinapupunan. Sa gayong anyo ay walang magsasabi na ang bayang natutulog ay binubuo na kaunting mapapalad at maraming sawi, na doon sa maliliit nilang dampa at giring-girng na tahanan ay nangag-iisip kung talaga ngang katutubo na sa buhay ng tao ang di pagkapantay-pantay sa kalagayan, o kaya‘y nama‘y nangyayari ang ganitong pagkakalayo dahil sa masasamang palakad sa pimopoon ngayon sa alin mang dako. Isa sa mga unang nagbukas ng pinto ang malaking bahay kalakal ni Mr. Kilsberg na siyang pinagtratrabahuan ni Luis na siya ring nagpapasahod sa kanya. Ilang sandali pa ay tinawag siya ng kanyang Amo na si Mr. Kilsberg, isang dayuhang sa may mga sampung taong pagkakatira rito ay nagkaroon ng mga bagong ugali at hilg sa katawan. Isang kawani rin lamang siya na tagapaningil ng mga Intsik, noong araw na iyon ay napaka tipid ni Mr. Kilsberg dahil nasa kanyang adhikain na siya ay yayaman balang araw ang kanyang mga naipon na pera ay kanyang inipon at nag pautang siya ng 30% hanggang siya yumaman. Nagkaroon siya ng kanyang sariling kabayo, magagarang sasakyan at bahay at higit sa lahat meron na siyang Bahay-kalakalan na isa sa mga tauhan niya ay si Luis Gat-buhay. Pagkadako ay may isang alila na pumasok at humihinge ng tulong mula kay Mr. Kilsberg na humihingi ng limang piso para ipang burol sa kapatid na namatayan ngunit napakatigas ng puso ni Mr. Kilsberg, papahiramin niya ito ngunit kailangan ay

(44)

mag hintin siya hanggang kataposan ng buwan. Nagmamakaawa ang alila dahil wala na siyang ibang malapitan paghihinayang at paghihinagpis ang naramdaman ng alila. Kung kaya‘t naalala niya si Luis, isang matulungin na binata hindi nag dalawang isip anng alilia at lumapit agad kay Luis at nang hiram ng pera. Umupo si Luis sa kanyang lamesa at nakita niya ang larawan ng kanyang minamahal na si Danding kung may pera lang sana siya ay may ikakatumabas na sana siya kay Rojalde. Sa kanyang paggugunita ay biglang may dumatingat ilang sandali pa ay tinawag ni Mr.Kilsberg si Luis at laking gulat nito na parang iba ang kanyang kausap hindi isang Amo kundi isang nakikipagtalo sa kanya. Sa sinasabi nito para siya ay isang pinararatangan ng hindi maganda at ito‘y ikinagulat ni Luis dahil sa pagkakaalam niya ay isang marangal na tao at wala sa kanyang buhay ang maglusta ng di sa kanya. At higit sa lahat kung may lason sa bahayang iyun naniniguro si Luis na hindi siya ang lason doon kundi ibang tao. Naimungkahi naman ni Luis ang kayang karapatan na hindi kataksilan ang pagtuturo sa mga mgmanggagawa ang karapatan ng mga ito ay dapat isulong. Ngunit si Mr. Kilsberg nagmatigas nakipagtalo pa ito kanya at sabay sabing ―sa ang lahat ng mga iniaaral ninyo sa kanila ay iyang sari-saring kaululang nababasa sa kung anu-anong aklat na walang ibang tungo kundi makagambala sa maayos na lakad ng panahon?” sa sinabi ni Mr. Kilrsberg nagpalitan sila ng mga salita sinabi naman ni Luis na “ sapagka’t maunawaan mang maliit na totoo ang kanilang sahod at humingi halimbawa ng karagdagan o kaya’y magsiaklas ay wala silang ginawa kundi mag-usig lamang ng isang matuwid na talagang katutubo.”. Sa kanilang pagtatalo dalawa ay kung saan-saan napunta ang kanilang pinag-uusapan hanggang dumating ang mga mangangalakal na namatayan daw sila ng kasamahan dahil sa mga material na bagay na hindi pala matigas. Sa pagkarinig noon ni Mr. Kilsberg ay biglang nagalit dahil hindi niya na raw ito problema kung namatay man ay ipalubong agad. Hanggang sila ay pinanaog ni Mr. Kilsberg at bumaba naman ang mga ito at bigo sa kanilang sadya. Si Luis lamang ang walang kibo. Halukipkip ang mga

(45)

kamay, nakapako ang tingin sa bangkay na kaharap, at maluhang-luha tumatanong sa sarili kung kahalaga na ng apat na peseta maghapon ang gayong utak na sumabog.

(46)

KABANATA XII

TINGNAN MO, TITAY, ITONG MGA PAHAYAGAN

Kung minsa‘y nakakayamot dahil sa kasasalita ng hindi tumpak ang may painat pa sa silyong kinauupan na sinabi ni Don Nicanor sa kanyang asawang panatag sa pag-aayos ng mga batahang nasa isang bilao. Bigla-bigla namang nagulat si Don Nicanor sa kanyang nabasa sa pahayagan tungkol sa isang alipin na namatay na pinamagatang “Isang Kapamahakan- Manggagawang Nasawi”ito ay ang mangagawa na kasamahan nila Luis na isang mangangalakal na kasamang-palad ay namatay dahil sa isang malaki na bakal na tumama naman sa ulo na kinulang palad na nahati sa dalawa at natamaan din ang utak nito ang taong ito ay si Agustin. Sa pagkabasa nito ni Don Nicanor ay pinaratangan niya ng salita ang mga manunulat dahil ang alam lang ng mga ito ay sumulat nang walang patutunguhan. Sa pagkarinig non ni Doña Titay ay biglang niyang nasabing may galit ba daw si Don Nicanor sa mga manunulat dahil kung makapagsalita daw ito ay parang may malaking galit ito. Naglambingan ang dalawa at maya-maya ay nagkatampuhan dahil sa mga salitang kanilang binibitawan lalong lalo sa kanilang pagkakautang kay Rojalde kung si Danding ay ikakasal sila‘y pa rin bang sisingilin sa utang dahil hanggang noon wala pa naming sinasabi si Rojalde tungkol doon at umaabot hanggang 30,000.00 nna ang kanilang utang kay Rojalde. Ang pagpayag din ni Danding sa kasal nito kay Rojalde. Sa ganoong ayos naman ay may dumating na bisita na pinsan naman nila si Aling Mensia na may anak na dalaga na pinsang buo ni Danding na si Beatriz.

Napagusap ang dalawa dahil nakita ni Aling Mensia ang mga magagandang palamuti at mga alahas sa kamay ni Doña Titay at tanong ito ng tanong kung saan daw ang mga ito ang sabi naman ng Doña ay para ito kay Danding sa kasal nila ni Rojalde. Pinahatid lamang ito isa sa mga alipin niya, bigla naming nasambit ni Aling Mensia na ‗ipinapadala ba ang kayamanan’? Ang

(47)

tanong may pagtataka ni Aling Mensia, na ang ibig sabihi‘y malaking kamalian ang ginagawang pagkakatiwala sa ibang kamay ng mga pahiyas na paris noo‘y di maaring di makatukso sa sino mang mahigit pa ang halagang taglay. Habang sila ay naguusap sinamantala naman ni Beatriz ang pagkuha sa mga palamuti lalo na ang singsing tinitingnan niya ito kung kumikinang nga ba at sa kanyang mga ginugunita ay nasambit niyang ma swerte daw ang kanyang pinsan sapagkat ito ay nakatagpo ng isang mayamang lalaki at magiging kabiyak ng buhay nito. Hinananp naman agad ni Beatriz ang kanyang pinsan kung nasaan ito at sinagot naman siya ng kanyang Tiya na nasa silid daw ito at baka nagtatahi. Papunta si Beatriz sa silid ni Danding habang ang mga matanda ay napagusap tungkol sa kainitan ng panahon. Sa pagpasol ni ating sa silid tulugan ni Danding ay kabaliktaran ang kanyang nakita keysa sa kanyang naiisip ang kanyang pinsang hindi maipinta ang mukha na parang halos araw-araw kung namatayan dahil sa sapilitang pagpapakasal nito kay Rojalde. Kung kaya‘t kaya‘y awing-awa si Ating sa nangyayari sa kanyang pinsan at wal siyang magagawa doon dahil wala naman itong ikatutulong kundi tanggapin ang kapalaran nito. Pagkatapos mag usap ang mag pinsan ay tinawag na ito ni Aling Mencia at nagpaalam ang mag pinsan sa isa‘t isa.

(48)

XIII

NATAPOS ANG MARSO’T HUMALILI ANG ABRIL, BUWAN

Ng masayang gabi at kaaliw-aliw na mga bukang-liwayway.Isang buwan pa‘t ang pag-iisang palad ni Rojalde at ni Danding ay idaraos, kaya lalong nag-uulol ang mga lipunan sa gabi, ay wala nang nanasnaw kundi ang pag aasawang iyon ng mayamang binata na sa palagay ng iba‘y napamili dahil sa ang napusua‘y isang dir in naman kayamanang totoo. Sa mga tainga ni Luis ay abot na ang gayong alingawngaw at ang paghihinagpis niya‘y lalo naming nararagdagan, at ang nangyayaring iyo‘y maagap na ilinuluha ng kanyang puso. Makailang sa mga pag-iisa niyang madalas ay nagugunita ang pag-iibigan nila ng anak ni Don Nicanor, ang pag-iibigang iyong nagsimula sa katamisan at natapos sa kalait-lait na pagkadusta. Isa-isang inaalala ang matamis nilang sandali, ang pagsusumpaan kung nagkakasarili, ang magigiliw na pagtanggap ng kanyang kasi kalian mang siya‘y papanhik nang hatinggabi sa silid ng kanyang isipan, sa silid na naging kaluwalhatian ng kanilang pag-irog ang mga pagsasalitaan nilang may kahalong lambing, lahat na ay nasasaliksik ng kanyang isipan, bagaman bawa‘t dahong buklatin ng pag-iibigang iyong nagdaan at nakalipas upang din a magbalik uli, ay nagtatarak ng isang balaraw s puso niyang wala nang pag-asa at wala nang kulay-masayang natatanaw, bagkus pawang kalungkuta‘t hinagpis.

Sa kanyang pag gunita din ay nasaisip din niya ang kanyang pagtratrabahuan dahil may limang tao siyang pinapapakain paano‘t kung wala siyang trabaho papano na ang kanyang pamilya. Saan siya hahanap ng mapapasukan kung saan mahirap na ang maghanap ng trabaho sa panahong iyun. Ang ganitong pagkaduhagi at ang napadiwara niyang lagay dahil sa pagkakaalis sa dating pinapasukan ay totoong ikinagulo ni Luis. Higit sa lahat ang kanyang pamilya na siya ang bumubuhay nito lalo na ang kanyang ali na matanda kung noon ang matanda ang humahalili sa kanila ngayon ay siya na

(49)

dapat dahil siya ang lalaki at siya lang maaasahan sa panahong iyun ng kanyang pamilya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta o hihingi ng kandili dahil lahat ng kanyang nilapitan mapa kaibigan man o pamilya ay iisa lang ang sinasabi na ihahanap lang daw siya nito ng trabaho o di kaya‘y tatawagan na laman daw siya ay may nagsabi din na tutulongan daw siya pero kahit isa doon ay walang dumating na tulong sa kanya. Kung kaya‘t naghanap siya ng mapapasukan kinaumagahan habang siya ay naglakad may nakita siya sa pahayagan na meron dawn nangangailangan ng trabaho kung saan ang pamagat nito ay Kapalarang Ipinagkaloon, nang mabasa ni Luis ang pahayagang iyun ay dagli siyang nagmamadaling puntahan ito at nagtanong. Sa kanyang pagtatanong sa may ari ay napagalaman niyang gagawin daw siyang taga linis ng tindahan, tagahatid at higit sa lahat ay mag aalsa ng kung anu-ano pero ang sahud nito ay limang piso sa isang buwan. Nabigla si Luis dahil gagawin siyang utusan pero limang piso lamang ang sahuod at di raw iyun makatarungan kaya umalis na lamang siya at nagbabakasakali ay makahanap din siya ng ibang trabaho. Sa kanyang paglalakad ay may isng pamilyar na tao sa kanya na naging kaibigan din niya nong minsan nagkamustahan ang dalawa at napagusap na rin at iniwanan ito ng salitang hindi ito mangangakong hahanapan siya ng trabaho pero gagawin ang lahat matulungan lamang si Luis. Palabas pa lamang si Luis ay namataan niya na ang pamilyar na sasakyan na automovil walang ibang may ari kundi si Victorino Rojalde na kasama si Don Nicanor. Naalala tuloy ni Luis si Danding pagkakita niya kay Rojalde na siyang dahilan ng lahat.

Napagusap naman si Rojalde sa kanyang biyenan na sila raw ni Danding ay aalis kahit mga tatlong buwan lamang para mailakbay ito sa ibang lugar. Walang pag dadalawang isip si Don Nicanor at sinabi niya rin dito na papayag din daw si Nora Titay. Ang pag uusap ng dalawa ay napatigil, at ang automovil ay biglang huminto. Mula sa may tapat ng isang almacen ay tinatanaw sila ni Luis na nasalangan na naman ng dating sugat , at sa pagkakatayo‘t pagmamalas na iyon sa kanyang kaagaw at sa ama ng kanyang minamahal. Matagal na

(50)

sandaling umuwi si Luis sa kanila at naabotan niya ang kanyang Ali na matanda na nag sasaing ngunit walang ulam.

(51)

KABANATA XIV

“KAHINA-HINAYANG ANG MGA PAGPIPILIT”

“Kalian ma’y di papasnaw sa bibig ko ang salitang pag-ibig”. Ganito ang sagot ni Danding sa nagmamakaamong si Rojalde na sa pagkakaupo sa isang silyang katapat ng dalaga ay naglalahad dito ng kanyang pusong umiirog. Ang ganitong kasagutang di na miminsang naririnig sa sinisinta niyang binibini tuwing kakausapin at siyang matatamong-pala kailan ma‘t magsusuob ng kamanyang sa paanan na ginigiliw ay magiging hirin sa kanyang paglunok ng ligaya, lasong kumakandag sa buo niyang katawan at bagay na nagpapaalab namang lalo sa kapootan niya‘t pagkasuklam sa may kagagawan ng lahat ng iyun: kay Luis. Ito at di iba ang tanging may kasalanan ng lahat. Ang pinauulap niyang pag-iisip ng sunod-sunod na pagkasawi sa pangingibig na iyon ay wala nang bahagya man lamang liwanag at sukat ikakita ng talagang di niya pagkamapalad, walang natatanaw kundi pagkasahol, at inaaring sala ni Luis ang kasalanang talaga ng panahon. At sang-ayon sa paghahakang ito‘y ibig na putlin ang sanhi, sapagka‘t kung wala na ito‘y lubos na naman ang kanyang kaligayahan at aliw. Si Luis ay wala na sa dati niyang pinapasukan, pinaalis siya na parang hayop sa kadahilanang sa kanyang mga itinuturo sa mga mangangalakal.

Si Luis ang sinisisi ni Rojalde sa lahat lalo na ang pag-ibig na inaasam niya mula kay Danding na paulit-ulit naming sinasakwil na yaong hindi daw nito makukuha ang pag-ibig kalian man. Dahil ang pag-ibig ni Danding ay napaglagakan lamang sa isang tao si Luis. Nagmakaawa si Rojalde sa harap ng dalaga at nagpakasumamo na siya ay ibigin man lamang ngunit nag matigas si Danding. Kaya napagdesisyunan ni Rojalde na aalis na lamang muna at nang siya ay lalabas pa lamang ay tinawag muna siya ni Nora Titay at inaanyayahan itong kumain muna pero tumanggi ito sapagkat sila ay napagusap na lamang at humihingi ito na paumanhin sa inasal na kanyang dalaga nadala lang daw ito sa

Referensi

Dokumen terkait

= binabati ang mga babaing magdaan sa kanilang harap ng mga salitang dahil sa pagbaligtad na banggit ay tinatawag na bulaklak sa Madrid gayong kung minsan ay nangahahawig

Ang sarbey na ito ay tumulong sa akin upang malaman ang mga saloobin ng mga bata’t iba pang mga respondent (sa pamamagitan ng kanilang mga reaksyon), kung sila’y may sapat na

Anu't anuman, kononsidera ni Onofre na ipasok sa ospital si Angela, lalu na nang kakitaan niya ito ng malalang pakikipagtalo sa sarili sa kanyang pag-iisa, ng pagpupumilit sa buwan

Isang araw ay nasunog ni Pele ang kanilang tirahan pati narin ang kanilang lugar, nagalit si Namaka sa galit niya ay nagbanta siya na babahain niya ang isla kaya napilitang..

Samantala, ang mga baranggay na hindi sumasali sa pagkukubol ay nakikiisa sa pagsaka2 sa bayan o hindi kaya nagtatayo ng sarili nilang kubol ngunit maliit lamang malapit sa kanilang

Arcel6n tagal-tagal na rin namang hindi nagkikita at sa dahilang walang- wala sa kanyang lo6b ang tunay na dahil ng gay6ng pagkakada- law ni aling Giday, si aling Mag- da ay walang

Arcel6n tagal-tagal na rin namang hindi nagkikita at sa dahilang walang- wala sa kanyang lo6b ang tunay na dahil ng gay6ng pagkakada- law ni aling Giday, si aling Mag- da ay walang

At sa pangalan ng taga- Galileang yaong dalawang libo nang taon ang nakalilipas na nagpakilala ng kanyang kadalubhasaan sa pangalan ng Ama sa langit ay pinaagos niya mula sa kanyang