• Tidak ada hasil yang ditemukan

Sample Draft of Thesis in Fili02-1

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Sample Draft of Thesis in Fili02-1"

Copied!
49
0
0

Teks penuh

(1)

PISIKAL NA PASILIDAD: EPEKTO SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG PILING MAG-AARAL SA UNANG TAON SA KURSONG

AKAWNTANSI NG DE LA SALLE LIPA AKADEMIKONG TAON 2008-2009

___________________________

Isang Pananaliksik na iniharap para kay Bb. Alona D. Catapang

Kolehiyo ng Edukasyon, Sining at Siyensya

Erya ng Panitikan, Filipino at Pagpapahalaga sa Sining De La Salle Lipa

___________________________

Para sa Pambahaging Pagtupad sa Mga Kailangan ng Asignaturang

Filipino 2

(Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik)

Nina:

Mary Anne G. Alvarez Danielle Ann H. Perez Charisse Ann M. Pureza

(2)

PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ay nagpapaabot ng kanilang pasasalamat sa mga sumusunod para sa maluwalhating pagsasagawa ng pag-aaral na ito.

Sa Poong Maykapal, sa pagbibigay sa mga mananaliksik ng determinasyon upang isakatuparan ang pag-aaral at pagbibigay ng kaalaman na kanilang ginamit sa kanilang pag-aaral. Sa pagdinig sa kanilang dalangin lalung-lalo na sa sandaling sila ay pinanghihinaan na ng pag-asang matapos ito ng ayon sa itinakdang panahon.

Sa mga magulang ng mananaliksik, na nagbibigay ng moral at pinansyal na suporta at nagsilbi nilang inspirasyon.

Sa tagpayo, Bb. Alona D. Catapang, sa pagbibigay ng mga ideya at payo sa paggagawa at pagrerebisa ng pag-aaral.

Sa mga estudyante sa kursong Akawntansi ng De La Salle Lipa para sa tapat nilang pagsasagot ng sarvey-kwestyoneyr.

Muli maraming-maraming salamat po.

(3)

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Kabanata I Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Introduksyon 1

Layunin ng Pag-aaral 3

Kahalagahan ng Pag-aaral 4

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 5

Definisyon ng mga Terminilohiya 5

Kabanata II Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura 8

Kabanata III, Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik 11

Mga Respondente 11

Instrumentong Pampananaliksik 12

Tritment ng mga Datos 13

Kabanata IV Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos 14

Kabanata V, Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

Lagom 32

(4)

Rekomendasyon 33

Listahan ng mga Sanggunian 35

Apendiks

Liham sa mga Respondente Sarbey-kwestyoneyr

(5)

LISTAHAN NG MGA TALAHANAYAN AT GRAF

A. Talahanayan 1: Distribusyon ng mga Respondente 12 sa kursong Akawntansi

B. Graf 1: Distribusyon ng mga Respondente 14

Ayon sa Kasarian

C. Graf 2: Distribusyon ng mga Respondente 14

Ayon sa Edad

Talahanayan 2 Distribusyon ng mga Pasilidad Na 15 makikita Sa Paaralan

D. Graf 3: Kasapatan ng mga Pasilidad sa Paaralan 15

E. Graf 4: Distribusyon ng mga pasilidad na 16

madalas puntahan ng mga mag-aaral

F. Graf 5: Distribusyon ng mga Gawain ng mga 16 Respondente sa pasilidad

F.1 Graf 5.1a Ang Silid-Aklatan Batay sa 17

Presensya ng Kard Katalog

Graf 5.1b Ang Silid-Aklatan Batay sa 17 Presensya ng Ensayklopedia

Graf 5.1c Ang Silid-Aklatan Batay sa 18 Presensya ng Mapagkakatiwalaang Libro

Graf 5.1d Ang Silid-Aklatan Batay sa 18 Bentilasyon

Graf 5.1e Ang Silid-Aklatan Batay sa Laki 19 Graf 5.1f Ang Silid-Aklatan Batay sa 19

Kabilisan sa Serbisyo

F.2 Graf 5.2a Ang Kantina Batay sa Kasapatan 20 ng Lamesa

Graf 5.2b Ang Kantina Batay sa Bentilasyon 20

Graf 5.2c Ang Kantina Batay saLaki 21

Graf 5.2d Ang Kantina Batay sa Kabilisan 21 ng Serbisyo

F.3 Graf 5.3a Ang Silid-aralan Batay sa Kasapatan 22 sa Lamesa

(6)

Graf 5.3b Ang Silid-aralan Batay saBentilasyon 22 Graf 5.3c Ang Silid-aralan Batay sa Presensya 23

ng LCD

Graf 5.3d Ang Silid-aralan Batay sa Laki 23 F.4 Graf 5.4a Ang Silid-Pangkompyuter Batay sa 24

Kasapatan ng Kompyuter

Graf 5.4b Ang Silid-Pangkompyuter Batay sa 24 Bentilasyon

Graf 5.4c Ang Silid-Pangkompyuter Batay sa 25 Epektibidad

Graf 5.4d Ang Silid-Pangkompyuter Batay sa 25 Laki

F.5 Graf 5.5a Ang Ternstayl Batay sa Epektibidad 26 Graf 5.5b Ang Ternstayl Batay sa Tulong na Hatid 26 Graf 5.5c Ang Ternstayl Batay sa Dami 27 Graf 5.5d Ang Ternstayl Batay sa Lokasyon 27

F.6 Graf 5.6a Ang eleveytor Batay sa Laki 28

Graf 5.6b Ang eleveytor Batay sa Bilang 28 Graf 5.6c Ang eleveytor Batay sa Tulong na Hatid 29

G. Graf 6: Kalagayan ng mga Pasilidad 29

H. Graf 7: Kabutihang Dulot ng mga Pasilidad 30

sa mga Respondente

I. Graf 8: Distribusyon ng Marka ng mga 30

Respondente noong Nakaraang Semestre

J. Graf 9: Kahalagahan ng mga Pasilidad 31

(7)

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon

Sa oras na ang isang bata ay dumaan sa iba at ibang estado ng buhay, siya ay nagkakaroon ng mas malawak na pang-unawa at kakayahan, kung kaya ang pag-unlad ng isang bata ay nakasalalay sa ilang aspeto na kanyang patuloy na pingadadaanan sa kanyang buhay. Sa pagpapaunlad ng isang estudyante tungo sa kanilang kabuuan, ang kominidad kaagapay ang paaralan ay nagsasagawa ng iba at ibang paraan at metodo para makamit ang pangangailangan ng mga mag-aaral. Nakaisip din sila ng mga posibleng teknik upang mapaunlad ang paraan ng kanilang pagtuturo. Iba-ibang ebalwasyon din ang itinuring na epektibo sa pagtukoy ng pangangailangan ng mga estudyante. Sa pagtaas ng pangangailangan, magkakaroon ng importansya ang mga paraan para sa kanilamg pagkatuto at pag-unlad. (ano ang source nito?)

Isa sa mga aspeto sa pag-unlad ng isang bata ay ang kanyang pamilya. Sila ay nakatutulong sa pamamagitan ng mga aral na itinuro at minulat sa mga bata. Ang pinakamaimpluwensyang aspeto sa pag-unlad ng isang bata ay ang kanyang paaralan. Ito ang nagsisilbing pangunahing ahensya sa paghubog sa bata sa pamamagitan ng edukasyon. Ito rin ay nakatutulong sa pamamagitan ng kaalamang nabuo at nahulma sa isang institusyon.

Ang paaralan ay hindi lamang dapat nagtataglay ng akademikong aspeto kundi meron ring dapat sapat na pasilidad at mga kasangkapan. Ang mga pasilidad na ito ay dapat na sapat para sa pagsasanay ng mga estudyante. Dapat din itong maging kapakipakinabang para sa pagpapaunlad ng isang estudyante. Ang mga tinutukoy na pasilidad ay matatawag din bilang pisikal na pasilidad.

(8)

2 Ang pisikal na pasilidad na matatagpuan sa paaralan ay ang laboratoryo, kantina, gymnasium, silid-aralan, silid-aklatan at iba pa. Ito ay may mahalagang gampanan sa pagsasanay at pagtulong sa estudyante. Ito rin ay malawakang ginagamt para mapaunlad at panatilihin ang pangangailangan ng mga estudyante. Sa ngayon, ang mga pasilidad na ito ay naging kailangan sa isang paaralan. Ito rin ay nakasama sa mga dapat tugunan ng isang paaralan.

Ang pisikal na pasilidad ay pwedeng maiugnay sa pasilidad pangakademiko. Ang pasilidad pang-akademiko ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng kaalaman at edukasyon ng estudyante. Ito ay ang mga kagamitan para sa pagsasanay gaya ng laboratoryong pang-ispits, laboratoryo, silid-aralan, silid pangkompyuter, at iba pa. Ang laboratoryong pang-ispits ay kung saan ang mga mag-aaral ay nageensayo nang tama at magandang pagbigkas. Nakatutulong din ito sa kanilang kasanayang pangkomunikasyon. Ang laboratoryo ay isa ring mahalagang pasilidad para sa isang estudyante. Dito isinasagawa ang iba at ibang eksperimento. Ang silid-aralan, ang pinakapangkaraniwang uri ng akademikong pasilidad. Ito ang pinakamaimpluwensyang uri dahil dito nagaganap ang halos lahat ng diskusyon o talakayan at pag-aaral. Ang makabagong kaalaman ay dulot ng kompyuter. Silid pangkompyuter ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa edukasyon. Ang mga talakayan ay madalas na gawa sa mga presentasyon. Ito ay napakagaling na paraan para ang isang estudyante ay maging palaban sa pagharap sa mabilis na pagbabago ng mundo. (source)

Sa pag-aaral na ito ang mga mananaliksik ay sinusubukang ituro ang mga epekto ng pisikal na pasilidad sa akademikong pagganap ng mga piling mag-aaral sa unang taon ng kursong Akawntansi ng De La Salle Lipa.

(9)

3 2. Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong papel na ito ay nagtatangkang alamin ang epekto ng mga pasilidad sa akademikong pagganap ng mga piling mag-aaral sa unang taon sa kursong Akawntansi ng De La Salle Lipa taong 2008-2009.

Kaugnay nito, susubukan ding sagutin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan.

1. Anu-ano ang paraan ng pagpili ng pasilidad ng mga mag-aaral batay sa: 1.1edad/gulang

1.2kasarian

2. Anu-ano ang mga pasilidad na makikita sa De La Salle Lipa? 3. Gaano kagamitin ang mga pasilidad?

4. Ano ang lawak ng pagiging sapat ng mga pasilidad sa dalubhasaang ito? 5. Anong maimumungkahing solusyon sa pagpapaunlad ng mga pasilidad? Mga Palagay

Ang mga sumusunod na palagay ay ginawa bilang basehan ng pag-aaral na ito:

1. Inaasahang nag-iiba-iba ang paraan ng pagpili pagdating sa pasilidad ng mga mag-aaral batay na rin sa ilang salik tulad ng edad/gulang at kasarian.

2. Ang mga pasilidad na matatagpuan sa paaralan ay kantina, gymnasium, mga laboratoryo, silid-aklatan, silid-aralan, eleveytor at ternstayl.

3. Ang paggamit ng mga pasilidad ay inaasahang nagbabago batay sa ilang salik tulad ng paggamit, lokasyon at iba pa.

(10)

4. Mayroong mga kailangang pasilidad na dapat magkaroon ang isang paaralan.

4

5. Maraming mga posibleng epekto na batid sa pagkakaron ng di-sapat na pasilidad.

6. Mayroong mahalagang ugnayan sa pagitan ng mga pisikal na pasilidad ng paaralan at ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

3. Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa kahalagahang hatid, ang pananaliksik na ito ay naghahangad na iukol ang hangarin at intensyon sa iba.

Para sa mga mag-aaral, inaasahang sa pamamamgitan ng pag-aaral na ito sila ay magkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga posibleng epekto ng mga pasilidad sa kanila. Mapapagtanto din nila ang kahalagahan nito sa kanila. Matututunan din nila ang tamang pag-aalaga sa mga pasilidad.

Mahahalaga ang mga informasyong nakasaad dito sapagkat malaki ang maitutulong nito sa mga magulang. Magaganyak silang tumutok sa pagpapaunlad ng magandang pasilidad sa isang paaralan na lubhang makatutulong sa pagganap ng mga mag-aaral pagdating sa pagkakaroon ng mga pisikal na pasilidad sa isang paaralan.

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga guro sa pamamagitan ng pagbabahagi nila ng mga kaugnay na kaalaman na sa kabilang dako ay makapag huhubog ng mga produktibong mag-aaral. Maaari din nilang malaman ang ilang mga posibleng paraan ng pagpapaunlad ng kanilang stratehiya sa pagtuturo kaugnay sa mga pasilidad na ito.

(11)

5

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, magkakadangal ang mga paaralan sa pagkakaroon ng mga produktibo at mahuhusay na mag-aaral. Magkakaroon din sila ng kaalaman sa mga pasilidada na kailangan ng isang paaralan.

Bukod dito, mabebenipisyuhan din ang pamayanan dahil mayroon itong pag-unlad kung kinabibilangan ito ng mga disiplinado, maaalam at mabubuting indibidwal.

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang damdamin, pananaw, kaalaman at sitwasyong nararanasan ng mga mag-aaral. Saklaw nito ang mga mag-araal sa unang taon ng kursong Akawntansi kaugnay sa paggamit ng mga pisikal na pasilidad ng De La Salle Lipa.

Nalimitihan ang pag-aaral na ito sa mga unang taon lamang ng De La Salle Lipan na kumukuha ng Akawntansi. Hinahangad din ng pag-aaral na ito na suriin ang mga epekto ng pasilidad sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa kanilang klase. Tatalakayin din ng mga mananaliksik ang mga posibleng impak na makaaapekto sa mga piling mag-aaral at sa kanilang pag-aaral.

(12)

Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat ng mga mananaliksik na bigyang definisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pag-aaral na ito:

6 Akademikong Pagganap. Ito ay tumutukoy sa kaalamang nakukuha o kakayahang napapaunlad sa mga asignatura sa paaralan, kadalasang idinisenyo sa pamamagitan ng iskor sa pagsusulit, ng puntos galling sa guro o sa pamamagitan ng pareho. (Encarta Encyclopedia Volume 13, 2008) Sa pag-aaral, ito ay tumutukoy sa paraan ng pakikitungo ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral at kung paano nila isinasakatuparan ang mga gawaing ibinibigay ng kanilang guro.

Gymnasium. Ang salitang ito ay nangangahulugang isang malawak na kuwarto o gusali na ginawa para sa pisikal na edukasyon o panloob na laro (Britannica Encyclopedia Volume 26, 2008) Sa pag-aaral, ito ay isang pasilidad na pangmanlalaro na ginaya para sa palakasan at pisikal na pagsasanay.

Ternstayl. Ito ay tinatawag ding isang baffle geyt, isang porma ng geyt kung saan ay nagbibigay daan sa isang tao na dumaan sa isang pagkakataon. (http://en.wikipedia.org/wiki/Turnstile). Sa pag-aaral na ito, ito ay isang pasilidad na itinayo upang masiguro ang kaligtasan ng mga pumapasok at lumalabas ng institusyon.

Silid-aklatan. Ang salitang ito tumutukoy sa isang koleksyon ng mga impomasyon, mga pagkukunan, yaman, libro, at mga serbisyo, at ang istraktura na kung saan ito ay isang silid. (http://en.wikipedia.org/wiki/Library). Sa pag-aaral na ito, ito ay tumutukoy sa pasilidad na pinupuntahan ng mga mag-aaral upang maghanap ng mga reperesya at makapagaral.

Silid-aralan. Ito ay isang silid na kung saan ang pagtuturo ay nangyayari sa pamamagitan ng pagtatangkang magbigay ng isang ligtas na lugar kung saan

(13)

ang pag-aaral ay maaaring tumagal sa lugar na walang patid sa pamamagitan ng iba pang mga distractions. (http://www.answers.com/topic/classroom). Sa pag-aaral na ito, ito ay tumutukoy sa silid na pinaglalagian ng mga mag-pag-aaral kung saan dito sila madalas na matatagpuan. Dito isinasagawa ang mga klase.

Kantina. Lugar na kung saan ang pagkain ay nabili sa isang pabrika, barracks atbp. (http://www.thefreedictionary.com/canteen). Sa pag-aaral nai to, ito ay pasilidad na matatagpuan sa loob ng isang paaralan kung saan dito bumibili ng pagkain ang mga estudyante.

Eleveytor. Isang bertikal na sasakyan na mahusay ilipat ang mga tao o mga kalakal sa pagitan ng sahig ng isang gusali patungo sa itaas ng nito. (http://en.wikipedia.org/wiki/Elevator). Sa pag-aaral na ito, ito ay isang pasildad na gamit ng mga estudyante upang mapadali ang kanilang pagpunta sa mga sild-aralan na nasa itaas ng paaralan.

Mag-aaral. Ito ay tumutukoy sa sinumang tao na nakaenrol at umaaten ng mga klase sa paaralan at kolehiyo. (http://education.yahoo.com/reference/

dictionary/entry/student). Sa pag-aaral na ito, ito ay tumutukoy sa mga mag-aaral na kumukuha ng kursong akawntansi sa unang taon sa De La Salle Lipa.

Kard catalog. Ang salitang ito ay isang alpabetikong fayl ng mga may-akda, paksa, at mga pamagat ng libro sa silid-aklatan. (http://www.library.uiuc.edu/rex/

instruction/cardcat.htm). Sa pag-aaral na ito, ito ay instrumento sa loob ng silid-aklatan upang mapadali ang pagaahanap ng mga mag-aaral sa mga lirbo.

Lobby. Ito ay nangangahulugang isang entranswey o pasukan sa isang gusali

kung saan pwedeng naghihintay ang mga tao.

(http://www.yourdictionary.com/lobby). Sa pag-aaral na ito, ito ay pasilidad na matatagpuan sa may entrans ng paaralan kung saan dito naghihintay ang mga mag-aaral.

(14)

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Pangkaisipang Panitikan

Ang akademikong pagganap ay tunay na nangangahulugan ng tatlong bagay: kakayahang mapag-aralan at maalala ang mga katotohanan; magkaroon ng kakayahang makapag-aral ng mabisa at malaman kung paanong ang mga katotohanan ay sumang-ayon sa isa at isa upang bumuo ng mas malawak na huwaran ng kaalaman at isipan ang sarili kaugnay sa mga katotohanang ito, at pangatlo, kakayahang maipahayag ang sariling kaalaman sa pagsasalita man o sa pagsulat man sa papel. Ang mabuting akademikong pagganap ay nakaugnay din sa pagkakaroon ng mabuting pagsasama-sama ng sariling kakayahan na ang ilan nga ay ang maayos na lugar para sa gawain at maayos na pamamahala sa oras. Ang lahat ng ito ang dapat na isaalang-alang. (Encarta, 2008)

Ang salitang kantina sa tagalog at canteen sa Ingles ay nagmula sa salitang Italyanong cantina o istante ng mga alak at orihinal na nangangahulugan ng isang partikular na lugar sa isang pangmilitar na establisyemento kung saan makakakuha ang mga sundalo ng mga panghimagas. Patuloy itong ginagamit sa diwang ito upang ipakita/ituro.ilarawan ang mga lugar ng trabaho kung saan ang pagkain ay inilalaan mula sa isang sentral na paglilingkod. (Webb, 2000)

Isang lugar kung saan ang siyentipikong pananaliksik at pagpapaunlad ay isinasagawa at kasama na rin ang mga pagsusuri, ang may kabaligtaran sa pabrika. Karamihan sa mga laboratoryo ay inilalarawan sa pamamagitan ng pagkontrol sa kondisyong panlahat (matimtimang temperatura, hanog, kalinisan).

(15)

Ang mga modernong laboratoryo ay gumagamit ng malaking bilang ng mga instrumento at pamamaraan sa pag-aaral, pagsisistema o pagbibilang ng mga bagay na nasa kanilang atensiyon. Ang mga pamamaraan ay madalas na

9 kinabibilangan ng pagsubok, pagtalakay, pagsukat, pagkakalkyula at ang presentasyon ng mga resulta; bawat isa ay maaaring isakatuparan sa pamamagitan ng mga tekniks/istratehiya na isinasaayos mula sa paggamit ng tauhan ng mga simpleng kasangkapan hanggang sa pagpapatakbo ng komplikadong sistema ng pagsusuri kasama ang kompyuter, lagakan ng impormasyon at mga kagamitan sa pagpapaliwanag. (Britannica Encyclopedia, 2008)

Isang lugar para sa pag-aalaga ng permanenteng koleksyon ng libro para sa pampubliko o pampribadong gamit; sa tahanan, kadalasang binubuo ng isang kwarto, ngunit sa isang buong gusali. Isang lugar na itinayo upang magkaroon ng libro, manuskripto, at iba pang materyal para sa pagbabasa, pag-aaral, panonood, pakikinig o pagpapatnugot, kadalasang mayroon ng mga organisadong salansanan pati na rin ng mga lugar para sa pagbasa, pagkopya, panonood o pakikinig sa isang napiling materyal. (Wikipedia, 2008)

Ang mga pisikal na pasilidad ay mayroon ding responsibilidad sa programing, pagpaplano, pagtatayo, pagpapanatili ng pasilidad upang maibigay ang mga pinkaposible at pinakmabuting kapaligiran para sa pampaaralang komunidad. Nagsisikap ang mga pisikal na pasilidad na ito upang makapaglaan sa mga tauhan ng unibersidad at mga mag-aaral ng komportableng kapaligiran kung saan makapagtatrabaho at makapag-aaral. Pinananatili nito ang mataas na kalidad para sa pagpapaunlad at maayos na pagtataguyod. (Encyclopedia Britannica, 2007)

(16)

Ang akademikong lipunan o matalinong samahan ay nagsimula bilang mga grupo ng mga akademiko na nagtatrabaho nang sama-sama at

10 ipenepreenta ang gawain sa isa at isa. Ang mga impormal na grupo na ito, nang nagtagal ay nagging organisado at sa maraming pagkakataon ay pinayagan/pinahintulutan ng estado. Nakatakda ang pakikiisa, madalas ay kinakailangan ng pagpayag ng mga kasalukuyang miyembro at kadalasan ding ang pagmimiyembro ay limitado ng isang partikular na bilang. Ang mga akademikong lipunan ay nagsisilbi bilang parehong tagapagpresenta at tagapaglathala ng mga akademikong gawa, ang bahaging gagampanin na ito ay isinasakatuparan ngayon ng mga tagapaglathalang akademiko at bilang isang paraan ng pagtangkilik sa pananaliksik at tulong sa akademiko, patuloy silang nagseserbisyo.(Wikipedia, 2008)

Ang pasilidad ng paaralan ay lubhang mas makabuluhan pa kaysa sa pagiging isang tahimik na lalagyan ng prosesong edukastonal: manapa ito ay isang napakahalagang bahagi ng pagkatuto. Ang plano at disenyo ng isang pasilidad ay nagsisilbing salik sa pagtukoy ng karanasan sa lugar ng mga mag-aaral, tagapagturo at miyembro ng samahan. Depende sa kalidad ng disenyo at pamamahala, ang pasilidad ay kayang makapagtukoy sa diwa ng pag-aari, kaligtasan at kasiguraduhan, kontrol, pagkapribado pati na rin ang pakikipagsalamuha at ang kaluwagan at kasikipan. Kapag nagpaplano, nagdidisenyo o namamahala ng pampa-aralang pasilidad, ang mga bahaging ito ng karanasan sa lugar ay dapat na kung possible, isaalang-alang. (Encyclopedia Britannnica, 2006)

Ang epektibong pampaaralang pasilidad ay sumusunod sa pagbabago ng mga sistema ng pagtataguyod ng edukasyon at dapat na makapaglaan ng mga pisikal na kapaligirang komportable, ligtas, sigurado, maaasahan, may maayos na pasukan ng hangin at liwanag, at presentable. Hindi lamang binubuo ng mga

(17)

pisikal na istruktura at sistema ng gusali ang isang pampaaralang pasilidad tulad ng mekanikal, lagusan ng tubig (plumbing) elektrisidad, sistema ng telekomunikasyon, seguridad at sistema sa pamatay - sunog. (Wikipedia, 2007) (Note: Nasaan ang mga kaugnay na pag-aaral? Ito ay mga pananaliksik na isinagawa na at kukuha kayo ng hanngang lima upang ipahayag ang kaugnayan nito sa inyong pag-aaral.)

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

1. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa disenyo ng pamaraang descriptive-analitik na pananaliksik. Layunin ng pag-aaral na ito na alamin at suriin ang damdami at pananaw ng mga respondent hinggil sa impak ng mga pisikal na pasilidad sa kanilang akademikong pag-aaral.

2. Mga Respondente

Ang mga piniling respondent sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa unag taon ng De La Salle Lipa sa ikalawang semestre ng taong-akademiko 2008-2009.

Sa kasalukuyan, may apat na pangkat ng mga estudyante sa kursong Akawntansi. Gumamit ng isandaang bilang ng mga respondent sa kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa nasabing kurso sa pamamamaraang random sampling upang magkaroong ng pantay na representasyon ang bawat pangkat:

(18)

dalawampu at pitong mag-aaral sa A1A, dalampu at anim sa A1B, dalawampu at lima sa A1C at dalawampu at dalawa sa A1D. Pansinin ang sunod na talanahayan:

12 Talahanayan I

Distribusyon ng mga Respondente sa iba at ibang pangkat sa kursong Akawntansi

Seksyon Populasyon Respondente sa

bawat seksyon Porsiyento

A1A 38 27 71.05

A1B 36 26 72.22

A1C 35 25 71.43

A1D 30 22 73.33

Kabuuan 139 100 71.94

Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondent sa kursong Akawntansi sa ikalawang semestre sapagkat sila ang pinakamadaling makatugon sa mga pangangailangan sa pamanahong-papel na ito at upang magkaroon ng pantay na representasyon ang bawat seksyon.

3. Instrumentong Pampananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarvey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng isang sarvey-kwestyoneyr na naglalayong makangalap ng mga datos upang masuri ang impak ng mga pisikal na pasilidad sa kanilang akademikong pag-aaral.

Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga informasyon ang mga mananaliksik sa iba at ibang mga hanguan sa aklatan katulad ng mga nakaraang pananaliksik, dyaryo, at iba pang referensyal. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng ilang informasyon sa internet.

(19)

13 4. Tritment ng mga Datos

Dahil ang pananaliksik na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tesis at disertasyon, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyoneyr ang inalam ng mga mananaliksik. Dahil isandaan (100) ang mga respondente, naging madali para sa mga mananaliksik ang pagkuha ng porsyento dahil sa bawat dami ng bilang ay awtomatikong katumbas sa porsyento niyon.

(20)

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at informasyon: Inalam ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang kasarian. Animnapu at lima (65%) sa kanila ay mga babae, samantalang, tatlumpu at lima (35%) ay mga lalaki.

Pansinin ang kasunod na graf:

Graf I

Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Kasarian

Ipinapakita ng Graf 2 ang distribusyon ng mga respondente ayon sa edad. Walumpu at isa (81%) sa mga respondente ay nasa edad 17-18. Ang labing-apat (14%) ay nasa edad 15-16. Ang natitirang lima (5%) sa mga respondente ay nasa 19-20 taong gulang.

Graf 2

Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Edad 65% 35% A Respondenteng Babae B Respondenteng Lalaki 14% 81% 5% 15-16 17-18 19-20

(21)

15 Isinasaad sa talahanayan na ang silid-aralan (17.69%) ang pinaka-karaniwang nakikita sa paaralan. Sumunod ditto ang silid-aklatan (15.82%) at kantina (15.55%). Kabilang din sa mga pasilidad na makikita sa paaralan ang silid-pangkompyuter (17.75%), eleveytor (14.48%), gymnasium (13.67%) at tarnstayl (8.04%).

Talahanayan 2

Distribusyon ng mga Pasilidad Na makikita Sa Paaralan

Pasilidad Bilang/Dami Porsyento Ranggo

Silid-aklatan 59 15.82 2 Silid-aralan 66 17.69 1 Gymnasium 51 13.67 6 Eleveytor 54 14.48 5 Tarnstayl 30 8.07 7 Silid-pangkompyuter 55 17.75 4 Kantina 58 15.55 3 Kabuuan 100 100

Walumpu at tatlo (83%) sa mga respondente ang nagsabi na nakasasapat ang mga pasilidad sa paaralan. Ayon naman sa siyam (9%), hindi nakasasapat at walong (8%) respondente naman ang nagsabing sobrang nakasasapat. Wala naman sa mga respondente ang nagsabi na hindi nakasasapat ang mga pasilidad sa paaralan.

Graf 3.

Kasapatan ng mga Pasilidad sa Paaralan

83% 9% 8% Sapat ang mga pasilidad Hindi sapat Napakasapat

(22)

16 Ayon sa Graf 4, ang silid-aralan (30.11%) ang pasilidad na madalas puntahan ng mga respondente. Smunod pa ang kantina (25%) at silid-aklatan (23.86%). Pinupuntahan din ng mga respondente ang silid-pangkompyuter (10.23%), eleveytor (3.41%), gymnasium (1.70%) at sa iba pa (5.68%) gaya ng lounge at student’s park.

Graf 4

Distribusyon ng mga pasilidad na madalas puntahan ng mga mag-aaral

Pakikipag-usap at pakikipagkwentuhan (32.93%) ang madalas gawin ng mga respondente sa pagpunta nila sa pasilidad. Isa rin sa mga dahilan ay ang pag-aaral (29.34%). Naglalaan din ng oras ang mga respondente sa mga pasilidad upang mgahanap ng sanggunian/ pananaliksik (22.75%), sa iba pang dahilan gaya ng pagkain (10.18%) at paglalaro (4.39%).

Graf 5

Distribusyon ng mga Gawain ng mga Respondente sa mga pasilidad sa paaralan

0% 5% 10% 15% 20% 25% 30% 35% ternstayl

eleveytor silid-pangkompyuter silid-aklatan

(23)

0 10 20 30 40 paglalaro pag-aaral pagsasaliksik pagkain pakikipagusap 17 Ayon sa Graf 5.1a apatnapu at apat (44%) na respondente ang sumasang-ayon na ang kanilang silid-aklatan ay epektibo batay sa presensya ng kard catalog. Tatlumpu at pito (37%) ang nagsabing napakaepektibo nito at labing siyam (19%) ang nagpahayag na hindi epektibo ang silid aklatan batay sa presensya ng kard catalog.

Graf 51.a

Ang Silid-aklatan batay sa presensya ng kard katalog

Makikita sa Graf 5.1b na apatnapu at apat (44%) ang nagsasabing epektibo ang silid-aklatan kung ang pagbabatayan ay ang presensya ng ensayklopedia. Napakaepektibo naman ang nakikita ng apatnapu at dalawa (42%) sa silid-aklatan at hindi epektibo ayon sa labing-apat (14%) na respondente. 37% 44% 19% P inakamataas na marka Katamtaman P inakamababang marka

(24)

Graf 5.1b

Ang Silid-aklatan batay sa presensya ng Ensayklopedia

18 Mahihinuha sa graf 5.1c na karamihan sa mga respondente sa bilang na apatnapu na tatlo (43%) ay nagsasabi na epektibo ang silid-aklatan para sa kanilang pagganap dahil sa laki nito samantalang tatlumpu at lima (35%) ang nagpahayag na napakaepektibo ang silid-aklatan at dalawampu at dalawa ang nagsabing hindi epektibo ang laki ng lugar g silid-aklatan.

Graf 5.1c

Silid-aklatan batay sa laki ng lugar

Hinggil sa palagay ng mga respondente ukol sa silid-aklatan batay sa presensya ng mga mapagkakatiwalaang libro, apatnapu at tatlo (43%) ang nagsasabing napakapektibo, apatnapu (40%) ang nagsabing epektibo at labing pito (17%) ang nagsabing hindi epektibo.

42% 44% 14% Pinakamataas na marka Katamtaman Pinkamababang Marka 35% 43% 22% Pinakamataas na marka Katamtaman Pinakamababang marka

(25)

Graf 5.1d

Ang sild-aklatan batay sa presensya ng mga mapagkakatiwalaang libro

19 Apatnapu at tatlo (43%) sa mga respondente ang nagsabing epektibo ang silid-aklatan kung ang pagbabatayan ay ang bentilasyon nito. Ayon sa apatnapu at isa (41%) respondente, napakepektibo nito at labing anim (16%0 naman ang nagsabing hindi epektibo.

Graf 5.1e

Ang silid-aklatan batay sa bentilasyon ng lugar

43% 40% 17% Pinakamataas na marka Katamtaman Pinakamababang marka 41% 43% 16% Pinakamataas na marka Katamtaman Pinakamababang marka

(26)

Hinngil sa kanilang palagay kung epektibo ang silid-aklatan sa bilis ng serbisyo, apatnapu at siyam (49%) ang nagsabing epektibo ito. Ayon sa dalawampu at anim (26%) na respondente, ito ay napakaepektibo at dalwampu at lima (25%) ang nagsabing hindi ito epektibo.

Graf 5.1f

Ang silid-aklatan batay sa bilis ng serbisyo

20 Ipinapalagay sa graf 5.2a na maayos at epektibo ang pasilidad ng kantina batay sa kasapatan ng lamesa ayon sa animnapu at pitong (67%) respondente. Napakaayos at epektibo ayon sa dalawampu at dalawa (22%) respondente samantalang hindi epektibo para sa labing isa (11%).

Graf 5.2a

Ang kantina batay sa kasapatan ng lamesa at upuan

26% 49% 25% Pinakmataas na marka Katamtaman Pinakamababang marka 22% 67% 11% Pinalamataas na marka Katamtaman Pinakmababang marka

(27)

Hinggil sa kanilang palagay kung epektibo ang kantina batay sa bentilasyon nito, limampu at dalawa (52%) ang nagsasabing epektibo ito, tatlumpu at dalawa (32%) ang nagsasabing napakaepektibo samantalang labing-anim (16%) ang nagsabing hindi ito epektibo.

Graf 5.2b

Ang kantina batay sa bentilasyon ng lugar

21 Hinggil naman sa pananaw ng respondente, limampu at tatlo (53%) ang nagsabing epektibo ang kantina. Dalawampu at pito (27%) sa kanila ang nagsabing napakaepektibo at dalawampu (20%) ang nagsabing hindi ito epektibo batay sa laki ng lugar.

Graf 5.2c

Ang kantina batay sa laki ng lugar

53% 27% 20% Pinakamataas na marka Katamtaman Pinakamababan g marka 32% 52% 16% Pinakamataas na marka Katamtaman Pinakamabababg marka

(28)

Ayon sa limampu at anim (56%) na respondente, ang kantina ay epektibo sa kanilang pagganap dahil sa kabilisan nito sa serbisyo, tatlumpu at tatlo (33%) ang nagsabing hindi ito epektibo samantalang labing isa (11%) ang nagsabing napakaepektibo nito sa kanila.

Graf 5.2d

Ang kantina batay sa kabilisan ng serbisyo

22 Ipinapalagay sa graf 5.3a na limampu at siyam (59%) na respondente ang nagsabing epektibo ang silid-aralan sa kanilang akademikong pagganap kung ang pagbabatayan ay ang kasapatan ng lamesa. Ayon sa dalawampu at apat (24%), napakaepektibo nito at hindi epektibo sa labing pito (17%) respondente.

Graf 5.3a

Ang silid-aralan batay sa kasapatan sa lamesa 11% 56% 33% Pinakamataas na marka Katamtaman Pinakamababan g marka 24% 59% 17% Pinakamataas na marka Katamtaman Pinakamababan g marka

(29)

Hinggil sa palagay ng mga respondente kung epektibo ang silid-aralan sa kanila, animnapu (60%) ang nagsabing epektibo ito, dalawampu at dalawa (22%) sa kanlia ang nagsabing napakaepektibo at labing walo (18%) respondente ang nagsabing hindi epektibo.

Graf 5.3b

Ang silid-aralan batay sa bentilasyon ng lugar

23 Apatnapu at siyam (49%) sa mga respondente ang nagsabing hindi epektibo ang silid-aralan batay sa presensya ng LCD. Ayon naman sa dalawampu at anim (26%) sa kanila, epektibo ito samantalang napakaepektibo para sa dalawampu at limang (25%) respondente.

Graf 5.3c

Ang silid-aralan batay sa presensya ng LCD, projector 22% 60% 18% Pinakamataas na marka Katamtaman Pinakamababan g marka 25% 26% 49% Pinakamataas na marka Katamtaman Pinakamababan g marka

(30)

Ayon sa limampu at apat (54%) na respondente, ang silid-aralan ay epektibo sa kanilang akademikong pagganap, dalawampu at pito (27%) ang nagsabing napakaepektibo at ayon sa labing siyam (19%) sa kanila ay nagsabing hindi epektibo.

Graf 5.3d

Ang silid-aralan batay sa laki

24 Limampu at dalawa (52%) respondente ang ngasabing epektibo ang silid-pangkompyuter batay sa kasapatan ng kompyuter. Tatlumpu at tatlo (33%) ang naman ang nagsabing hindi ito epektibo samantalang napakaepektibo para sa labing limang (15%) respondente.

Graf 5.4a

Ang silid-pangkompyuter batay sa kasapatan ng kompyuter 27% 54% 19% Pinakamataas na marka Katamtaman Pinakamababan g marka 15% 52% 33% Pinakamataas na marka Katamtaman Pinakamababan g marka

(31)

Ayon sa apatnapu at limang (45%) respondente, epektibo ang silid-pangkompyuter batay sa bentilasyon, tatlumpu at lima (35%) ang nagsabing napakaepektibo at hindi epektibo para sa dalawampung (20%) respondente.

Graf 5.4b

Ang silid-pangkompyuter batay sa bentilasyon ng lugar

25

Ayon sa limampu at dalawa (52%) respondente, epektibo ang silid-pangkompyuter batay sa epektibidad nito, dalawampu at pito (27%) ang nagsabing napakaepektibo nito at dalawampu at isa (21%) ang nagsaad na hindi ito epektibo.

Graf 5.4c

Ang silid-pangkompyuter batay sa epektibidad 35% 45% 20% Pinakamataas na marka Katamtaman Pinakamababan g marka 27% 52% 21% Pinakamataas na marka Katamtaman Pinakamababan g marka

(32)

Limampu at dalawang (52%) respondente ang nagsabing epektibo ang silid-pangkompyuter sa kanila batay sa laki nito at tatlumpu at apat (34%) sa kanila ang ngsasabing hindi ito epektibo. Napakaepektibo naman ito para sa labing apat (14%) na respondente.

Graf 5.4d

Ang silid-pangkompyuter batay sa laki

26 Ayon sa apatnapu at siyam (49%) na respondente, epektibo ang ternstayl batay sa epektibidad nito, dalawampu at siyam (29%) ang nagsabing hindi ito epektibo at dalawampu at dalawa (22%) ang nagsabing napakaepektibo nito.

Graf 5.5a

Ang ternstayl batay sa epektibidad 14% 52% 34% Pinakamataas na marka Katamtaman Pinakamababan g marka 22% 49% 29% Pinakamataas na marka Katamtaman Pinakamababan g marka

(33)

Ayon sa limampung (50%) pursyento o kalahating kabuuang bilang ng mga respondente, epektibo ang ternstayl ayon sa tulong na hated nito, tatlumpu at isa (31%) ang nagsabing hindi ito epektibo samantalang labing siyam (19%) na respondente lamang ang ngasabing napakaepektibo nito.

Graf 5.5b

Ang ternstayl batay sa tulong na hatid

27

Apatnapu at apat (44%) na respondente ang nagsabing epektibo ang ternstayl batay sa dami nito, tatlumpu at anim (36%) ang nagsasabing hindi ito epektibo at dalawampu (20%) sa kanila ang nagsasabing napakaepektibo nito.

Graf 5.5c

Ang ternstayl batay sa dami 19% 50% 31% Pinakamataas na marka Katamtaman Pinakamababan g marka 20% 44% 36% Pinakamataas na marka Katamtaman Pinakamababan g marka

(34)

Ayon sa apatnapu at walong (48%) respondente ukol sa ternstayl batay sa lokasyon nito, epektibo ito. Tatlumpu at tatlo (33%) ang nagsasabing hindi ito epektibo samantalang labing siyam (19%) lamang sa kanila ang nagsabing napakaepektibo nito.

Graf 5.5d

Ang ternstayl batay sa lokasyon

28 Limampu at lima (55%) sa mga respondente ang nagsabing epektibo ang eleveytor sa kanilang akademikong pagganap batay sa laki nito. Dalawampu at apat (24%) naman sa mga respondente ang nagsabing hindi ito epektibo samanatalang dalawampu at isa (21%) ang nagsabing napakaepektibo nito.

Graf 5.6a

Ang eleveytor batay sa laki 19% 48% 33% Pinakamataas na marka Katamtaman Pinakamababan g marka 21% 55% 24% Pinakamataas na marka Katamtaman Pinakamababan g marka

(35)

Ayon sa apatnapu at walong (48%) respondente, epektibo sa kanilang akademikong pagganap ang mga eleveytor batay sa dami nito. Tatlumpu at isa (31%) naman ang nagsabing hindi ito epektibo samantalang dalawampu at isa (21%) ang nagsabing napakaepektibo nito.

Graf 5.6b

Ang eleveytor batay sa bilang

29 Apatnapu at walo (48%) sa mga respondente ang nagsabing epektibo sa kanilang akademikong pagganap ang tulong na hated ng eleveytor at tatlumpu at lima (35%) ang nagsabing napakaepektibo nito samantalang labing pito (17%) sa kanila ang nagsabing hindi ito epektibo.

Graf 5.6c

Ang eleveytor sa tulong na hatid 21% 48% 31% Pinakamataas na marka Katamtaman Pinakamababan g marka 35% 48% 17% Pinakamataas na marka Katamtaman Pinakamababan g marka

(36)

Ayon sa walumpu at apat (84%) na respondente, nagkakaroon ng problema sa paggamit ng mga pasilidad samantalang labing anim (16%) ang nagsabing hindi.

Graf 6

Kalagayan ng mga Pasilidad

30

Ipinapakita ng Graf 7 na ayon sa animnapu at isa (61%) respondente, nakatutulong ang mga pasilidad ng paaralan. Tatlumpu at isa (31%) ang nagsabing napakalaking tulong nito at isa (1%) naman ang nagsabing hindi nakatutulong.

Graf 7

Kabutihang Dulot ng mga Pasilidad sa mga Respondente

Apatna pu at

walo (48%) sa mga

respondente ang may

86-91 marka noong nakaraang 68% 31% 1% A Nakatutulong B Napakalaking Tulong C Hindi Nakatutulong

(37)

semestre. 81-85 ang marka ng tatlumpu at tatlo(33%) sa kanila at labing siyam (19%) ang mayroong 92 pataas na marka.

Graf 8

Distribusyon ng Marka ng mga Respondente noong Nakaraang Semestre

31 Ayon sa siyamnapu at walo (98%), lubhang kailangan ang mga pasilidad sa mga mag-aaral, samantalang dalawa (2%) ang nagsabing hindi.

Graf 9

Kahalagahan ng mga Pasilidad sa mga Mag-aaral

KABANATA V 0 1 2 3 4 5 69-74 75-80 81-85 86-91 92 pataas 98% 2% Kailangan Hindi Kailangan

(38)

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

1. Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang epekto ng pisikal na pasilidad sa akademikong pagganap ng piling mag-aaral sa unag taon sa kursong Akawntansi ng De La Salle Lipa.

Gamit ang disenyong deskriptiv-analitik, ang mga mananaliksik ay nagdisenyo ng sarvey-kwestyoneyr na pinasagutan sa isandaang (100) respondente, 27 sa A1A, 26 sa A1B, 25 s A1C at 22 sa A1D.

2. Kongklusyon

Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon:

a. Ang pisikal na pasilidad na pinakakaraniwang nakikita sa De La Salle Lipa ay ang silid-aralan, gymnasuim, eleveytor, ternstayl, silid-pangkompyuter at kantina. Ang pinakadominante sa madalas puntahan ng mga mag-aaral ay ang silid-aralan at ang hindi dominante ay ang ternstayl.

b. Ang mga pasilidad na makikita sa paaralan ay nakasasapat at nakasasabay sa pagdami ng bilnag ng mga mag-aaral.

c. Madalas magpalipas ng oras ang mga mag-aaral sa silid-aralan. Kadalasang ginagawa nila dito ay pag-aaral at pakikipagkwentuhan.

d. Ang silid-aklatan ng De La Salle Lipa ay epektibo sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral batay sa presensya ng kard catalog, ng ensayklopedia, ng mapagkakatiwalaang libro, bentilasyon at kabilisan sa serbisyo.

e. Ang pagkakaroon ng kantina ng De La Salle Lipa ay nagbunga sa pagigng epektibo ng mga mag-aaral. Ang resultang ito ay binatay sa kasapatan ng lamesa at upuan ng pasilidad, bentilasyon ng lugar, laki at kabilisan sa serbisyo.

f. Ang mga silid-aralan ng paaralan ay natuklasang malaki ang naitutulong sa pagigng produktibo ng mga mag-aaral dahil sa kasapatan nito sa

(39)

lamesa at upuan, sa bentilasyon, kasapatan ng LCD, projector na kalimitang ginagamit sa talakayan at sa laki ng lugar.

33

g. Ang silid-pangkompyuter na makikita sa De La Salle Lipa ay nagsisilbing malaking tulong sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral dahil na rin sa kasapatan ng kompyuter na mayroon ang pasilidad, sa bentilasyon ng lugar, epektibidad ng mga kompyuter at sa laki ng silid na angkop sa pag-aaral.

h. Ang paglalagay ng ternstayl sa De La Salle Lipa ay nadiskubreng bahagyang nakatutulong sa mga mag-aaral sa kabila ng katunayang mas marami ang nagsasabing hindi ito epektibo kaysa sa nagsabing napakaepektibo nito. Batay na rin ito sa epektibidad ng pasilidad, tulong na hatid, sa dami at sa lugar na pinaglagyan.

i. Ang eleveytor ng institusyon ay napagtantong malaki ang nagagawang tulong sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral batay sa mga sumusunod na kraytirya: laki, bilang at tulong na hatid nito.

j. Karamihan sa mga respondente/mag-aaral ay nagkakaroon ng mga problema kaugnay sa mga pasilidad na matatagpuan sa institusyon dahil ang mga pasilidad ay hindi ganoon kadebelop.

k. Batay sa mga respondnete, ang kanilang marka ay naglalaro sa pagitan ng 86-91 at walang bumaba sa 80 na humantong sa konklusyon na malaki ang epektong nagagawa ng mga pisikal na pasilidad sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

3. Rekomendasyon

Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong-pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Nawa ay pag-ibayuhin pa ng pamunuan ng dalubhasaan ang lubos na pagtupad hinggil sa mga kailangan ng mga mag-aaral lalo na sa kasapatan ng mga pasilidad at kagamitan na magreresulta naman ng malaking tulong para sa mga estudyante upang paunlarin ang kanilang mga talento at potensyal.

(40)

34

2. Hikayatin ang mga mag-aaral na maging bahagi ng mga akademikong aktibidades at programa at gamitin nang maayos ang mga paslidad ng paaralan.

3. Magmungkahi ng mga proyekto at kampanya na makatutulong sa pag-unald ng mga pisikal na pasilidad ng institusyon.

4. Suportahan ng mga magulang ang mga proyekto at kampanya ng paaralan sa pagdedebelop ng parehong paaralan at ng kabataan.

5. Lalo pang paunlarin ang mga hakbanging ginamit sa pananaliksik na ito ng mga susunod pang pag-aaral.

35 LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

(41)

A. Libro (format)

Surname, Given name, Middle initial., Year of Publication. Title. Place of Publication. Publisher

Example:

Garcia, Lakandupil C. et. al., 2008. Kalatas: Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik. Cabanatuan City, Philippines: Jimcy Publishng House

Encarta Dictionary: English (America) Encarta Encyclopedia (2008)

Encyclopedia Britannica (2006, 2007, 2008) B. Internet

Kailangan din ang

Surname, Given name, Middle initial., Year of Publication. Title. Place of Publication. Publisher. website

Example:

Garcia, Lakandupil C. et. al., 2008. Kalatas: Pagbasa at Pagsulat tungo sa

Pananaliksik. Cabanatuan City, Philippines: Jimcy Publishng House. Website http://www.answers.com/ http://www.about.com/ http://www.google.com.ph/ http://wikipedia.org/ http://yahoo.com/ http://education.yahoo.com/reference/dictionary/entry/student) http://www.thefreedictionary.com/canteen http://www.library.uiuc.edu/rex/instruction/cardcat.htm http://www.yourdictionary.com/lobby

(42)

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL?

Surname, Given name, Middle initial., Year of Publication. Pamagat ng Pananaliksik. School or agency. Address of the school or agency

(43)

Sa mga Respondente,

Bigyang alam na ang aming grupo ay nagsasagawa ng isang pag-aaral tungkol sa epekto ng mga pasilidad sa akademikong pagganap ng mga piling mag-aaral sa unang taon sa kursong Accountancy ng De La Salle Lipa akademikong taon 2008-2009. Kaugnay nito, naggawa kami ng sarvey-kwetyoneyr upang makakalap kami ng impormasyon. Ang inyong partisipasyon sa aming pag-aaral sa pamamagitan ng pagsagot sa aming mga sagutan ay napakahalaga, kung wala ito, ang aming pag-aaral ay hindi makukumpleto.

Sisiguraduhin namin na lahat ng impormasyong makakalap ay walang makakaalam.

Maraming salamat sa inyong magandang pagtugon at kung kayo ay interisado, bibigyan namin kayo ng resulta ng pag-aaral.

Sumasainyo,

Charisse Ann Pureza Mary Ann Alvarez Danielle Ann Perez

- MANANALIKSIK –

(44)

MGA PISIKAL NA PASILIDAD: EPEKTO NITO SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL SA KURSONG

AKAWNTANSI SA DE LA SALLE LIPA AKADEMIKONG TAON 2008-2009

Panuto: Lagyan ng markang tsek ( √ ) ang patlang ng inyong sagot. Unang Bahagi: Pagkakakilanlan ng mag-aaral

1. Kasarian : ( ) lalaki ( ) babae

2. Edad: ( ) 15-16 ( ) 17-18 ( ) 19-20 Pangalawang Bahagi: Mga tanong

1. Anu-ano ang mga pisikal na pasilidad na makikita sa paaralan? Maaring magmarka ng marami kung kinanailangan.

( ) silid-aklatan ( ) ternstayl

( ) silid-aralan ( ) silid- pangkompyuter / kompyuteran ( ) dyimneysiyum ( ) kantina

( ) eleveytor ( ) laboratoryong pangispits 2. Gaano kasapat ang mga pasilidad?

( )napakasapat ( ) sobrang hindi sapat ( ) hindi sapat ( ) sapat

3. Sa anong pasilidad ka malimit/ madalas magpunta? ( ) silid-aklatan ( ) ternstayl

( ) silid-aralan ( ) silid- pangkompyuter / kompyuteran ( ) dyimneysiyum ( ) kantina

( ) eleveytor ( ) iba pa; ilahad ____________________ ( ) laboratoryong pangispits

4. Ano ang iyong kadalasang ginagawa sa pasilidad na iyon? ( ) paghahanap ng sangunian/ pagsasaliksik

( ) pagkain

( ) pakikipag-usap/ pakikipagkuwentuhan ( ) paglalaro

( ) iba pa; ilahad ____________________

5. Lagyan ng tsek ang hanay ng numerong kumakatawan sa inyong sagot; 1 bilang pinakamatass at 3 bilang pinakamababang marka.

(45)

5.1 Silid- Aklatan 1 2 3 5.1a Presensya ng kard catalog

5.1b Presensya ng Ensayklopidya

5.1c Presensya ng mapagkakatiwalaang libro 5.1d Bentilasyon ng lugar

5.1e Laki ng silid

5.1f Kabilisan sa serbisyo

5.2 Kantina 1 2 3

5.2a Kakumpletuhan / kasapatan ng lamesa at upuan

5.2b Bentilasyon ng Lugar 5.2c Laki ng Kantina 5.2d Kabilisan sa serbisyo

5.3 Silid-aralan 1 2 3

5.3a Kasapatan ng lamesa at upuan 5.3b Bentilasyon ng lugar

(maaliwalas, maliwanag….)

5.3c Kasapatan ng kagamitan sa pag-aaral (LCD, projector…)

5.3d Laki ng silid

5.4 Silid-Pangkompyuter/ Kompyuteran 1 2 3

5.4a Kasapatan ng mga kompyuter 5.4b Bentilasyon ng lugar

5.4c Epektibidad ng mga kompyuter 5.4d Laki ng silid 5.5 Ternstayl 1 2 3 5.5a Epektibidad 5.5b Tulong sa mag-aaral 5.5c Dami ng ternstayl 5.5d Lugar ng pinaglagyan 5.6 Eleveytor 1 2 3

5.6a Laki ng eleveytor

5.6b Bilang / Kasapatan ng eleveytor 5.6c Tulong sa mag-aaral

6. Nagkakaroon ba ng mga problema kaugnay sa mga pasilidad na ito? ( ) Oo ( ) Hindi

7. Gaano kalaki ang natutulong ng mga pasilidad na ito sa iyo? ( ) napaklaking tulong

(46)

( ) hindi nakakatulong

8. Ano ang iyong pangkalahatang marka sa katatapos na semestre?

( ) 69-74 ( ) 75-80 ( ) 81-85 ( ) 86-91 ( )92 at pataas 9. Sa iyong palgay, ang mga pasilidad ba ay isang kailanganin para sa pag-aaral ng mga estudyante? Bakit oo at bakit hindi?

________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________ Maraming Salamat! Apendiks C

(47)

CURRICULUM VITAE

Personal Data

Name: Charisse Ann Montalbo Pureza Address: San Carlos Rosario, Batangas Birth date: April 7, 1992

Birthplace: Baybayin Rosario, Batangas Civil Status: Single

Age: 16

Citizenship: Filipino Religion: Roman Catholic

Father’s Name: Nelson D. Pureza (deceased) Mother’s Name: Charito Montalbo

Parent’s Address: San Carlos Rosario, Batangas EDUCATIONAL ATTAINMENT:

School Year

Pre-elementary education: Christ Faith Child Academy 1998 Elementary education: Sto. Niño Formation and Science School 2004 Secondary education: Sto. Niño Formation and Science School 2008

Sgd. Charisse Ann Montalbo Pureza

(48)

Personal Data

Name: Mary Ann Gonzales Alvarez Address: Brgy. Tipakan, Lipa City Birth date: 1992

Birthplace: Tipakan, Lipa City Civil Status: Single

Age: 16

Citizenship: Filipino Religion: Roman Catholic

Father’s Name: Demetrio Alvarez

Mother’s Name: Josiephine Alvarez (deceased) Parent’s Address: Tipakan, Lipa City

EDUCATIONAL ATTAINMENT:

School Year

Pre-elementary education: Tipakan Elementary School 1998 Elementary education: Tipakan Elementary School 2004 Secondary education: Pinagkawitan National High School 2008

Sgd. Mary Ann Gonzales Alvarez

(49)

Personal Data

Name: Danielle Ann Hombre Perez Address: Calamias, Lipa City, Batangas Birth date: November 28, 1992

Birthplace: Quezon City, Manila Civil Status: Single

Age: 16

Citizenship: Filipino Religion: Roman Catholic

Father’s Name: Diomedes Perez Mother’s Name: Rebecca Hombre Parent’s Address: Calamias, Lipa City EDUCATIONAL ATTAINMENT:

School Year

Pre-elementary education: St. Luke’s Elementray School 1998 Elementary education: Gapan South Central School 2004 Secondary education: Dr. Juan A. Pastor Memorial 2008

National High School

Referensi

Dokumen terkait

Terkadang kita meremehkan orang lain dan telah menganggap sistem yang kita bangun sudah benar-benaraman. Padahal, sampai detik ini, tidak ada suatu sistem yang bisa

Medikua etorri de N ARTE , ezin izan dugu ezer egin  Hasta que ha venido el médico, no hemos podido hacer nada Ez mugitu HARIK ETA nik esaten dizudan ARTE  No te muevas hasta

demam, sakit kepala, hidung tersumbat dan bersin-bersin yang disertai batuk.. bersin-bersin yang

Beberapa metoda yang banyak digunakan dalam karakterisasi bahan polimer adalah metode analisa termal, yang meliputi DTA, DSC dan TGA, analisa permukaan dengan SEM dan TEM,

Kadar gula darah yang tidak terkontrol juga cenderung menyebabkan kadar zat berlemak dalam darah meningkat, sehingga mempercepat terjadinya

Salah satu masalah kesehatan yang berkembang saat ini yang juga berpengaruh pada kesehatan ini yang juga berpengaruh pada kesehatan keluarga adalah tingginya kejadian Penyakit

)i#kimia adalah ilmu yang mempelajari mengenai berbagai m#lekul di dalam sel hidup dan #rganisme hidup, termasuk juga reaksi kimia yang terjadi. Se%ara lebih /#rmal, $urrau dkk.

• Capital Gate adalah salah satu dari beberapa bangunan di dunia yang menggunakan struktur diagrid, juga memiliki dua sistem diagrid, sebuah diagrid eksternal mendefinisikan bentuk