• Tidak ada hasil yang ditemukan

BUOD NG NOBELA

Dalam dokumen Nobela: Pinaglahuan (Halaman 65-77)

KABANATA VII SA LOOB NG ISANG BAR

BUOD NG NOBELA

BUOD NG NOBELA

Nang umagang yaon ng ika-19 ng Oktubre ng 1990 ang maluwang na lansangan ng Cervantes ay nagsisikip sa tao. Walang maluwag-luwag kundi ang pinakagitana na siyang pinaglalagusan ng magagarang karwahe, kalesa at kalesing kinasasakyan ng lalo pang magarang mga maginoo na kung hindi sa mga pulis na nagbabantay roon ay nangag-utos marahil sa kani-kanilang kotserong sagasain ang gayong kakapal na taong nakaaabalapa sa kanilang paglakad.Nagsimula ang nobela sa paglalarawan ng maraming taong nakatayo sa lansangang Cervantes at naghihintay sa pagbubukas ng Dulaang Opera upang daluhan ang malaking pulong na iyon sapagkat ayon kay Aguilar, ―Bayan ang tumawag at bayan ang dumalo.‖ Subalit nabigo ang taong-bayan ; hindi pumayag ang may-ari ng teatro na ipagamit ito sa kanila dahil sa pag-iwas na masangkot sa pag-uusig ng pamahalaang walang tainga sa panawagan ng bayan upang makamtam ang kalayaan mula sa mga Amerikano. Hindi naman nawalan ng loob ang nagsidalo.Nagpaibang-araw sila; ipinagpaliban lamang ang pakikibaka.

Samantala, sa paghihintay rin sa pulong na iyon, nagtagpo sa unang pagkakataon ang pangunahing tauhan ng nobela, si Luis Gat-Buhay at si Don Nicanor Gutierrez, ama ng kanyang kasintahang si Eduarda (Danding) at kilalang may-kaya sa lunsod. Sakay ang don ng kanyang karwaheng walang-habas at paragasang dumaraan sa Cervantes. Pinigil ni Luis ang karwahe sa pagsisikap na huwag makasagasa ng mga taong natitipon sa harap ng dulaan. Nagpatuloy ang nobela sa pagdating ni Don Nicanor sa kanyang bahay sa tayuman kung saan ginaganap naman ang isang piging. Naroroon ang ilang kumakatawan sa naghaharing-uri noong panahon iyon; Si Victorino Rojalde, ang mangangalakal at kapitalistang aral sa lalong mabibisang paraan ng pagpapatubo na natutuhan niya sa madalas na paglalakbay sa pinakamasisiglang sentro ng komersiyo sa

buong mundo; si Juancho Balani, kilalang sugarol; si Manuel Barrientos, ang madasaling notary na pikit –mata kung magpakalango; at si Nora Titay, ang may bahay ni Don Nicanor na laging siyang-siya sa pag-aasikaso sa ganoong uri ng panauhin. Kainan, inuman, at pagsusugal ang inatupag ng marami sa piging na iyon- malaking katumbalikan ng naganap sa mga bigong naghintay sa harap ng Dulaang Opera.

Isang gabi pagkaraan, nagtagpo ng lihim sina Luis at danding sa tahanan ng huli. Ipinaalam ni danding sa kasintahan kung paanong ipinagkasundo na siyang ipakasal ng kaniyang mga magulang kay Rojalde. Inamin ng dalaga na bagaman mahal niya ang binata, hindi naman niya matatalikuran ang kaniyang tungkuling tumalima sa mga magulang na itinuring niyang pangalawang Diyos dito sa lupa. Nanggipuspos si Luis sa ganitong narinig sa katipan subalit wala siyang nagawa kundi tanggapin ang pasiya nito. Sa halip na si Danding ang sisihin, sinabi niyang ang salapi ang humusga ng kaniyang karapatang angkinin si Danding dahil karaniwang empleado lamang siya, at ang pananampalataya ang umagaw sa laya ni Danding na piliing pakasalan ang lalaking minamahal. Noong gabing iyon, naghiwalay ang magkatipan nang nagkakaunawaang walang kahihinatnang anoman ang kanilang pag-iibigan. Dalawang araw pa lamang ang nakararaan, si Don Nicanor at Nora Titay ay nag usap na nang masinsinan tungkol sa kung paano mapipilit ng huli ang anak na si Danding na tanggapin ang pagpapakasal kay Rojalde. Idiniin ng lalaki sa asawa na hinding-hindi niya mapapayagang mapakasal kay Luis ang dalaga. At wala nang higit na mabigat pang dahilan kaysa pagpapautang niya ng sampung libong piso kay Rojalde upang tanggapin ni Danding ang pag-ibig nito.

Nagtagumpay naman ang layon ng mag-asawa. Nang mismong si Rojalde na ang nagsadya sa tahanan ng mga Gutierrez upang ipaalala sa don ang kanilang napagkayarian, hindi tinatantanan ng Ina ang anak hanggang hindi ito napapayag na pakasal sa mayamang mangangalakal. Sa buwan ng Mayo itinakda ang pag-iisang dibdib na nagging paksa ng usap-usapan ng balanang

nakakilala sa pamilyang Gutierrez at sa ngalang Victorino Rojalde. Mula nang mapabalita nang opisyal ang pangyayaring ito, araw-araw at gabi ang ginagawang pagdalaw ni Rojalde kay Danding. Sa malaking kabiguan ni Rojalde, hindi magawang pagpakitaan ni Danding ng mainam man lamang na pagtanggap ang binata. Sa halip, ipinamukha niya rito ang katotohanang si Luis na karaniwang kawani lamang ang kanyang iniibig at kailanman, walang ano mang pag-ibig na maasahan si Rojalde sa kanya. Napakapait ng katotohanang ito para kay Rojalde. Unang-una, sapagkat mahal niya si Danding at likas lamang na ihanap niya ng tugon ang pagmamahalna ito sa dalaga. Ikalawa, sapagkat malaki na ang ―puhunan‖ niya kay Danding. Bukod sa pagkakautang ng ama nito sa kanya, nakabili na saiya sa Santana ng magiging tahanan nila ni Danding sa sandaling makasal sila, at nalaman na ito ng magagarang kasangkapan at kagamitan. At ikatlo, sapagkat kalat na sa kanyang mga amigo ang tungkol sa kanilang kasal ni Danding. Ang pag-urong sa gayong usapan, bukod sa pagiging kahiya-hiya, ay hindi na makatawiran. Datapwa, hindi rin naman maaaring ipasaisantabi na lamang ng isang ksaingyaman ni Rojalde ang gayong kapalaran. Hindi ito mapapayagan ng matindi niyang egoism at ng labis na pagdaramdam sa tuwing maaalalang kailanman, hindi siya maiibig ng babaeng kanya pa naming pakakasalan. Paghihiganti kay Luis ang kanyang nagging alternatibo.

Sa isang piging nga sa Malacañang nabuo ang balak ni Rojalde. Ditto, kasama ang mga may mataas na posisyon sa pamahalaan at ang mayayamang mangangalakal na Pilipino at Amerikano, kinausap ni Rojalde si Mr. Kilsberg, ang may-ari ng bahay-kalakal na pinapasukan ni Luis. Sinulsulan ni Rojalde ang kapitalistang Amerikano na tanggalin sa trabaho si Luis dahil sa pagmumulat nito sa mga manggagawa ng tungkol sa di-makatarungang palakad ng Amerikano sa sariling kumpanya. Ipinatawag nga nang minsan ni Mr. Kilsberg si Luis. Sa naganap na pagtatalo nila tungkol sa puhunan at paggawa, nag-init ang ulong una ta nagwakas ang lahat sa pagpapaalis kay Luis sa kanyang trabaho. Hindi

pa rin nakisaya kay Rojalde ang pangyayaring ito, lalo‘t na‘t ulit-ulit na tinatanggihan ni Danding ang kanyang pag-ibig. Sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan sa sota niyang si Pedro na binayaran niya ng malaking halaga, nakalikha siya ng pakana upang palabasing pinagnakawan siya ng dalawa. Ang resulta, nakulong nga sa bilibid si Luis sa bintang pagnanakaw. Subalit bigo at bigo si Rojalde hanggang sa wakas. Pagkatapos ng maringal na pakikipag-isang dinbdib niya kay Danding at pagkapanggaling nila sa pagliliwaliw sa bansang Hapon, pagkaraan lamang ng pipitong buwan, nagsilang ng malusog na sanggol na lalaki si Danding. Hindi mawari ni Rojalde kung paano niya magiging anak ang gayong kalusog na bata gayong pitong buwan pa lamang silang nakakasal. Sinangguni niya si Dr. Reina at napatunayang hindi nga pitong buwan lamang ang bata. At nang maunawaang hindi nga siya ang ama ng sanggol ni Danding , halos mabaliw saiya sa pagkamuhi kay Danding at kay Luis. Halos lumipad ang diwa niya pagkaunawaang siya na nagtataglay ng maraming salapi at ari-arian ay nakapag-asawa ng babaeng walang kapag-i-pag-ibig sa kanya at siya ay tatawaging ama ng sanggol na hindi kanya.

Samantala, pitong buwan na ring napipiit si Luis sa Bilibid. Kilala na lamang siya sa bilang na 5.740. Doon, tuwing gabi, ilang ulit niyang pinagmuni-munihan ang wlang katwirang pagkaparool ng marami pang tulad niya.Sa araw naman, kasama niya ang marami pang tulad niya. Sa araw naman kasama niya ang marami pang kapwa bilanggo na nagtutulung-tulungan sa pag-aayos ng mga kalsada ng kamaynilaan. Nagtuloy-tuloy naman ang kaguluhan ng isip ni Rojalde hanggang sa tangkain niyang patayin ang ank ni Danding. Subalit nagising ang Ina, at nabigo ang lalaking wala nang malamang gawin sa labis na pagdaramdam sa kapalarang kanyang sinapit. Tuliro siyang nagpakalubog-lubog sa paninimdim. At sa kabila ng paghihiyawan at pagkakagulo dahil sa sunog ng nagaganap sa malapit sa kanyang tahanan, wala siyang pagkatinag. Sa kabutihang palad sa tulong ng mga kaibigang dumalo, nailabas siya abg kanyang pamilya sa nasusunog na bahay.

Bagaman nakaligtas si Rojalde at ang kanyang pamilya sa sunog, hindi naman nasagip ang magarang bahay ng mangangalakal at ano man sa salapi at mamahaling palamuting naroroon. Labis ding nasindak si Danding ng pangyayari; kaya tapos na ang sunog, bagaman may tibok ang kanyang pulso, ay hindi pa rin siya pinagbabalikan ng malay. Si Rojalde na nabaghan naman sa kalagayan ng minamahal na asawa ay nagbalik sa sariling bait. Kasabay ang magulang ni Danding, si Dr. Reina, at ilang kaibigan, hinintay magkamalay ang maputlang-maputlang Ina.

Sa kabilang dako, nasaksihan din ng grupo ng mga bilanggong kinabibilangan ni Bilang 5.740, ang malaking sunog na naganap. Sa kanilang panonood, may biglang sumabog na dinamita na ginagamit nila pagbubutas ng kalsadang inaayos. Nakasama sa bilang ng tinamaan si Luis. At samantalang hinihintay nila Rojalde ang muling pagkakamalay ni mahinang-mahinang si Danding, nalagutan nanan ng hininga ang bilanggong bilang 5.740

IX. TUNGGALIAN

Tao laban sa Sarili

Ang pakikibaka ng buhay ni Luis Gat-Buhay sa kanyang buhay

Tao laban sa Diyos

Ang gumawa ng isang kasalanang hindi naman kailangang gawin ay

labag sa utos ng Diyos.

Tao laban sa Lipunan

Ang pagiging isang dukha ay walang ka laban-laban sa panahon ng mga

X. SIMBOLISMO

SALAPI

Ipinahiwatig sa bahaging ito ang pagguho ng sense of moral values ng mga taong nakasinghot ng tagumpay dahil sa salapi. Halos lahat ng makapangyarihan at mayayaman ay nakontrol na ng kanilang mga salapi, na maski kakapiranggot na awa‘y hindi na nila maibigay sa mga taong nagugutom, maysakit, o mamamatay na.

Ang pinakamagandang halimbawa ay si Mr. Kilsberg, isang mangangalakal na gahaman sa mga natatanggap niyang grasya. Dahil sa kanyang takot na maubos ang lahat ng kanyang pinaghirapang kuwarta, agad-agad siyang napaikot ng tusong si Rojalde ukol sa kaulolan na pinaggagawa diumano ni Luis. Ipinakita kung paanong ang kanyang isipan ay unti-unting napurol ng dahil sa kasakiman at kasamaan, na nag-ugat sa labis na pagmamahal sa salapi. Binulag nito ang tamang pag-iisip ni Mr. Kilsberg, na kahit maliit na halagang hinihingi ng mga nagugutom na empleyado ay hindi niya maibigay. Hindi na niya matrato bilang mga tao ang kanyang mga tauhan.

Ang mga katulad ni Mr. Kilsberg ay unti-unting binulag ng kanilang lunggati na maparami ang kanilang salapi, dahil sa kanilang palagay, kung kakaunti ang kanilang salapi‘y maliit lamang din ang kanilang dangal at pangalan. Iyon ang ipinakita ng katauhan ni Don Nicanor na dahil sa kahihiyang idudulot ng hindi pagpapakasal ni Danding ay masasadlak ang kanyang pangalan sa putik. Kaya sa halip na unahin ang pamilya‘y nagpaalipin siya sa utang niya kay Rojalde. Inuna niyang inisip ang kahihinatnan niya bago ang kaligayahan ng nag-iisang anak. Natakot siyang bumaba ang pagtingin at respeto sa kaniya ng kaniyang mga kababayan.

Nariyan din ang pagmamahal ni Rojalde kay Danding at sa kanyang salapi. Isang malaking parikala ang ipinakita ni Aguilar sa bahagi kung saan

nagpapagawa ng magarbong bahay si Rojalde para kay Danding, habang ang mga taong nagsisilbi sa kanya ay hindi niya mabahaginan ng maayos na tirahan. Dahil sa pagpapakasasa ni Rojalde sa pansariling kaligayahan ay hindi na niya makuhang isipin pa ang mga taong nagpapakahirap magsilbi sa kanya araw-araw. Hindi niya mabigyan ng maayos na tahanan si Matandang Simo at sapat na makakain si Roman.

Kung ilalagay sa kasalukuyang panahon, totoo ngang nagaganap pa ang ganito sa lipunan ng mga nakatataas na uri ng tao. Sa halip na ipamahagi sa mga mahihirap ang sobra-sobrang biyaya, palalaguin nila ito sa pamamagitan ng mga negosyo‘t pasugalan. Paminsan-minsan upang makamit ang hinahangad na mataas na karangalan, respeto, at pangalan sa lipunan.

Ang mga nabanggit ay ilan sa mga kadahilanan kung bakit si Luis ay hindi nabigyan ng pagkakataong mapatunayan ang kanyang pagmamahal kay Danding at sa bayan. Tila sinimbolo ni Luis ang bansang Pilipinas sa istorya na dahil sa kawalan ng kapangyariha‘t lakas ay humantong sa isang mundog lahat ay huwad. Katulad ng pagbihag ng Amerika sa Pilinas, salat din sa pera si Luis kaya madali siyang nabihag at napasunod ng mga naghaharing-uri. Subalit sa kabila noon ay mayroon pang tsansa para sa pagbabago, iyon ay ang ulilang anak ni Luis, at ang mga Pilipinong ipapanganak pa lamang. Sila ang maaaring magdala sa Pilipinas sa tunay na kalayaang nais makamtan.

XI. Pananalita (Tayutay)

Pagmamalabis

“May isang tabak na nabibitin sa tapat ng aking ulo.

Pagmamalabis

“ Wala nga ngunit sa loob ay dalawang pusong kapwa bata, ang nagsusuob ng mababangong kamanyang, dalawang pag-ibig na pinagpagtali ng kapalaran ang nag sumpaan, dalawang pag-asa ang nagtatago sa mata ng marami, hindi sapagkat masamang magmahalan kundi sa pag-alaala sa sukat masabi.”

Pagpapalit Tawag

“ isa sa siya sa mga nagpapaupa ng dunong at nalalaman sa masalaping bumabayad”

Pagmamalabis

“Aalis na sana ang binata sa kanyang pagkakadungaw, dapwa’t isang alingasngas ang ikinapako ng kanyang mga titig sa isang dako ng lansangan Pagtutulad

“ Sa mga unang sandali pa lamang ay pinagtakhan ni Nora Titay ang malaking bato’t pagningning-araw ng singsing na waring nakikiagaw sa kagandahan ng tala sa hapon”

Pagsasatao

“ Tila walang sariling loob sa maipagkukuro, ang mga oras ay pinararaan sa gayong pagkakaupong lugay ang buhok ay kaharap ang mga azahar na di na nangagsawang magpahalimuyak ng kanilang hiram na bango.

Pagtutulad

“ ang nakakalikaw ang suut-suot na mga ugat noong tila malalaking ahas na naglilingkisan ay nagpapalungkot sa puso ni Rojaldeng may mga ilang sandaling na sa isang bangkong doroon.”

XII. MENSAHE

Ang Pinaglahuan ang isa sa mga nobela na nailathala ni Faustino Aguilar na naging tanyag sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Naisulat ito ni Faustino Aguilar sa panahon ng mga Amerikano sa kadahilang hindi maganda ang pag trato noon ng mga Amerikano sa mga Pilipino at sa nobela din na ito matutunghayan natin kung ano ang naging stado ng mga mayayaman at mga mahihirap at lalo na sa salapi na siyang umiikot sa buhay ng mga tauhan. Sa kabilang banda, ang pagibig ng mga dukha sa kani-kanilang mga kapamilya ay walang kaparis. Ipinakita sa nobela na mabahiran man ng kasamaan ang kanilang pagkatao‘y lalaban sila upang mapatunayang tao pa rin sila, at nagmamahal sila nang tunay. Isang halimbawa ang nakasalamuha ni Luis sa bilangguan, sa pahina 300 na pinagdamutan sa kuwarta ng kanyang panginoon.

“Hindi dapat maging mapagsamantala ang mga nakatataas sa lipunan. Marahil sila ay maituturing na makapangyarihan dahil sa kanilang salapi ngunit mangingibabaw pa rin ang moralidad at asal ng isang kung ituring may dukha.”

http://prezi.com/rfwt7upy3w8m/copy-of-pinaglahuan/ http://www.amazon.com/Pinaglahuan-Nobela-Faustino-S-Aguilar/dp/971113053X http://teksbok.blogspot.com/2013/02/pinaglahuan-kabanata-iii.html http://en.wikipedia.org/wiki/Faustino_Aguilar http://www.filipinaslibrary.org.ph/component/sobi2/?sobi2Task=sobi2Detail s&catid=4&sobi2Id=8628 http://books.google.com.ph/books/about/NOBELAG_TAGALOG_Pinaglahu an.html?id=9cSgxl-xeS0C&redir_esc=y http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Pinaglahuan XV. Tala ng Nagsusuri

Personal na Datos

Name: CHARESS MITCH A. BARRIOS

Address: P-7 Laurente St. Pob. Bislig City Surigao del Sur

Date of Birth: Agoosto 27, 1992

Age : 21 Gender: Babae

EDUCATION:

Elementary: Bislig Central Elementary School Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur Taong Natapos: 2004- 2005

Sekondary: Cavite State University (NAIC Campus) Naic Cavite, Lungsod ng Manila

Taong Natapos: 2008-2009

College: Caraga State University (Main Campus) Ampayon, Lungsod ng Butuan

Course : Bachelor of Arts in Philippine Literature (Kasalukuyang kinukuhang kurso)

Dalam dokumen Nobela: Pinaglahuan (Halaman 65-77)

Dokumen terkait