• Tidak ada hasil yang ditemukan

Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib"

Copied!
46
0
0

Teks penuh

(1)

Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng

Sakramento ng

Pag-Iisang Dibdib

27 Pebrero 2016

(2)

Liturgy Preparation and Lay-out Aaron James R. Veloso

(3)

Pambungad

Bago magsimula ang misa, babasahin ng Commentator ang sumusunod:

Magandang umaga sa lahat. Ang Sakramento ng Kasal ay isa sa mga maliligaya at makabuluhang pagdiriwang sa buhay Kristiyano. Ang Pag-iisang Dibdib ay sumasagisag sa pagmamahal ni Hesukristo sa Santa Iglesia.

Natitipon tayo ngayong umaga bilang isang Kristiyanong pamayanan upang saksihan ang pagiisang - dibdib nina

Edwin at Nerissa Ahrone at Rasel

Ronelo at Ma. Reyhan Ricardo at Ma. Lota Hestive at Amelyn Jimmy Jr. at Joevelyn Noli at Jenalyn

Nakikiisa tayo sa kanila sa pagpapasalamat sa Diyos na naging tulay sa kanilang pagtatagpo. Ipinapanalangin nating patuloy silang biyayaan ng Panginoon ng kanyang pagmamahal upang maging tapat sila sa kanilang mga pangako sa isa’t isa.

Ang ating pagdiriwang ay pangungunahan ni Fr Irmo Francis A Valeza ng Kapisanan ni Hesus, kasama sina Fr Emerito Salustiano R Dela Rama SJ at Fr Maximo Barbero SJ. Magsitayo ang lahat.

Kapag natitipon na ang sambayanan, ang Tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo sa altar, samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap. Pagsapit sa dambana, ang Tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod sa hinihinging paraan. Magbibigay-galang ang pari sa dambana sa pamamagitan ng paghalik sa ibabaw ng altar. Kung minamabuti niya, maiinsensuhan niya ito.

(4)

Pagkatapos, ang Tagapagdiwang ay paroroon sa kanyang upuan.

Samantala, magpuprusisyon ang mga ikakasal, habang tumutugtog ang Pambungad na Awit.

Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay magkukrus. Ipahahayag ng Tagapagdiwang nakaharap sa mga tao:

a ngalan ng Ama, at ng Anak,

at ng Espiritu Santo.

R. Amen.

Sumainyo ang Panginoon.

R./ And with your spirit.

Ang paring tagapagdiwang ay makapagbibigay ng maikling paliwanag tungkol sa buod ng Misang ipinagdiriwang:

Mga kapatid, tayo’y nilikha ng Diyos bilang kanyang kawangis, ginawa niya tayo upang mabuhay sa pamamagitan ng pag-ibig at para sa pag-ibig. Ang pangunahing kataga sa

Pahayag ng Diyos ay ang kanyang pag-ibig sa kanyang sambayanan. Ito ay ipinahahayag sa inyong pag-iibigan,

Edwin at Nerissa Ahrone at Rasel

Ronelo at Ma. Reyhan Ricardo at Ma. Lota Hestive at Amelyn Jimmy Jr. at Joevelyn Noli at Jenalyn

Ang buklod ng pag-ibig ng magkaisangdibdib ay siyang larawan at tagapagpahiwatig

ng tipan na siyang nag-uugnay

sa Diyos at sa kanyang sambayanan.

(5)

Ang Tagapagdiwang:

Manalangin tayo.

Ang lahat, kaisa ng Tagapagdiwang, ay tahimik na mananalangin nang saglit.

ma,

ginawa mo ang buklod ng kasal

na isang sagisag ng pag-ibig ni Kristo sa Santa Iglesya.

Dinggin mo ang aming mga panalangin para sa aming mga kapatid na ikakasal. Ipinangangako nilang magmahalan

habambuhay taglay ang pagsampalataya sa iyo

at pananalig sa isa’t isa.

Ang kanilang matamis ng pagsasama ay lagi sanang maging tanda

ng kanilang pag-iibigan. Alang-alang sa Anak mo,

si Hesukristong Panginoon namin, nabubuhay at naghaharing kaisa mo

at ng Espiritu Santo magpasawalang-hanggan.

R. Amen.

A

Pambungad na Panalangin

(6)

Matapos ang panalangin, iimbitahin ng Commentator na maupo ang lahat gamit ang mga sumusunod na salita:

Maupo ang lahat para sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos.

(7)
(8)

Pagpapahayag ng Salita ng Diyos

1 Corinto 12:31-13:8

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga Taga-Corinto

Mga kapatid, buong taimtim ninyong nasain ang mga kaloob na lalong dakila. At ngayo’y ituturo ko sa inyo ang pinakamabuti sa lahat. Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong batingaw na umaalingawngaw o pompiyang na tumataginting.

Kung ako man ay may kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung mayroon man ako ng lahat ng kaalaman at ng malaking pananampalataya anupa’t napalilipat ko ang mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan. Ipamigay ko man ang lahat kong ari-arian, at ialay ko man ang aking katawan upang sunugin, kung wala naman akong pag-ibig, walang kabutihang maidudulot ito sa akin! Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi nananaghili, nagmamapuri, o nagmamataas, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. Hindi ito ikinatutuwa ang gawang masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan.

Ang pag-ibig ay mapagbata, magpagtiwala, puno ng pag-asa at nagtitiyaga hanggang wakas. Matatapos ang kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos, titigil ang kakayahang magsalita sa iba’t ibang wika, mawawala ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang katapusan.

Ang Salita ng Diyos. R. Salamat sa Diyos.

Unang Pagbasa

(9)

Salmo 32

R. Laganap sa sansinukob, ang Pagmamahal ng Diyos! Mapalad ang bansang Panginoo’y Diyos,

mapalad ang bayang kanyang ibinukod. Ang may takot sa Diyos,

at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig ay kinakalinga

R.

Ang ating pag-asa’y nasa Panginoon; siya ang sanggalang natin at katulong.

Dahilan sa kanya, kami’y natutuwa, sa kanyang ngalan ay nagtitiwala!

R.

Ipagkaloob mo na aming makamit, O Poon, ang iyong wagas na pag-ibig, yamang ang pag-asa’y sa’t nasasalig.

R.

Salmong

Tugunan

(10)

Matapos ang Salmong Tugunan, iimbitahin ng

Commentator na tumayo ang lahat gamit ang mga

sumusunod na salita:

Tumayo ang lahat para sa Mabuting Balita.

Papuri Sa’Yo

Fr. Allan Antonio, Diyosesis ng Malolos

Papuri sa ‘Yo, Panginoong Hesukristo, Hari ng kadakilaang walang hanggan!

D’yos ay pag-ibig na tunay kaya't tayo’y magmahalan at siya’y ating tularan.

Papuri sa ‘Yo, Panginoong Hesukristo, Hari ng kadakilaang walang hanggan!

Luke 19:1-10

Sumainyo ang Panginoon

R./ At sumaiyo rin.

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.

R./ Papuri sa iyo Panginoon.

Noong panahong iyon, may kasalan sa Cana, Galilea, at naroon ang ina ni Hesus. Si Hesus at ang mga alagad ay naroon din. Kinapos ng alak kaya’t sinabi ng ina ni Hesus sa kanya, “Naubusan sila ng alak.”

Sinabi ni Hesus, “Huwag ninyo akong pangunahan, Ginang! Hindi pa ito ang panahon ko.” Sinabi ng kanyang ina sa mga naglilingkod,

Pagpupugay sa Ebanghelyo Ebanghelyo

(11)

“Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.”

Doo’y may anim na tapayan, ang bawa’t isa’y naglalaman ng dalawampu hanggang tatlumpung galon. (Nakalaan ang mga ito para sa paglilinis ayon sa tuntuning panrelihiyon ng mga Judio.)

Sinabi ni Hesus sa mga katulong, “Punuin ninyo ang tubig ang mga tapayan.” At pinuno nga nila hanggang sa labi. Pagkatapos, sinabi niya, “Sumalok kayo ngayon at dalhin ninyo sa namamahala ng handaan.”

Dinalhan nga nila ang namamahala ng handaan. Tinikman naman nito ang tubig ng naging alak. Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon, bagamat alam ng mga katulong na sumalok ng tubig, kaya’t tinawag niya ang lalaking ikinasal. Sinabi niya rito, “Ang una pong inihahain ay ang masarap ng alak. Kapag marami nang nainom ang mga tao, saka inihahain ang mababang uri. Ngunit ipinagpahuli ninyo ang masarap ng alak.”

Ang nangyaring ito sa Cana, Galilea, ay siyang unang kababalaghang ginawa ni Hesus. Sa pamamagitan nito’y inihayag niya ang kanyang kadakilaan, at nanalig sa kanya ang mga alagad.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

R.

Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.

Iimbitahin ng Commentator na umupo ang lahat gamit ang mga sumusunod na salita:

Magsiupo ang lahat para sa homilya.

Homilya

(12)

Ang Pagiisang-Dibdib

Pagkatapos ng homilya ay sasabihin ng

Commentator:

Masasaksihan natin ang pag-iisang dibdib nina:

Edwin at Nerissa Ahrone at Rasel

Ronelo at Ma. Reyhan Ricardo at Ma. Lota Hestive at Amelyn Jimmy Jr. at Joevelyn Noli at Jenalyn

sa harap ng altar ng Panginoon. Inaanyayahan namin ang lahat na manatili sa katahimikan habang ito’y kanilang ginagawa. Tinatawagan ang nais magpakasal na magsitayo. Gayun din ang kanilang mga magulang, mga ninong at ninang.

Matapos ay sasabihin ng Tagapagdiwang: Mga minamahal kong kapatid,

sa Binyag at Kumpil, nakiisa kayo

sa buhay at pananagutan ng Panginoon, at sa pagdiriwang ng Huling Hapunan muli’t muli kayong nakisalo

sa hapag ng kanyang pagmamahal. Ngayon nama’y kusang loob

na kayo’y dumudulog sa Sambayanang ito at humihiling ng panalangin

upang ang inyong panghabangbuhay na pagbubuklod ay pagtibayin ng Panginoon. At kayo naman,

mga kapatid na natitipon ngayon, ay manalangin para sa kanila at bukas-palad silang tanggapin

Panimula

Mga

Katanungan

(13)

bilang magkaisang-dibdib

sa ating Sambayanang Kristiyano.

(Sa mga ikakasal)

Hinihiling ko ngayon

na buong katapatan ninyong ipahayag ang inyong damdamin sa isa’t isa.

(Tatanungin ang mga babaeng ikakasal)

Mga babae: Bukal ba sa inyong loob ang inyong pagparito

upang makaisang-dibdib

ang lalaking inyong mapapangasawa na inyong pakamamahalin at

paglilingkuran habambuhay? Mga Babae : Opo, Padre.

(Tatanungin ang mga lalaking ikakasal)

Mga lalaki: Bukal ba sa iyong loob ang inyong pagparito

upang makaisang-dibdib

ang babaeng inyong mapapangasawa na inyong pakamamahalin at

paglilingkuran habambuhay? Mga Lalaki : Opo, Padre.

(Sa mga ikakasal)

Sa lahat ng ikakasal: Nakahanda ba kayong gumanap sa inyong pananagutan

sa Simbahan at sa bayan

na umaasang inyong aarugain ang mga supling

na ipagkakaloob ng Poong Maykapal upang sila ay inyong palakihin

bilang mabubuting mamayanang Kristiyano?

(14)

(Sa mga ikakasal)

Mga minamahal ko,

sa harap ng Diyos at ng kanyang Sambayanan,

pagdaupin ninyo ang inyong mga palad at ipahayag ninyo ang mithiing magtipan sa banal na sakramento ng kasal.

Magdadaup-palad ang mga ikakasal.

(Tatanungin ang mga babaeng ikakasal)

N. sumasang- ayon ka ba na maging asawa si N.

na naririto ngayon alinsunod sa batas at mga alituntunin ng ating banal na Simbahan? Mga Babae : Opo, Padre.

Buong puso ba ang pagkakaloob mo sa kanya ng iyong sarili bilang kanyang maybahay?

Mga Babae : Opo, Padre.

Nakalaan ka bang balikatin sa piling niya ang pananagutan ng buhay may-asawa? Mga Babae : Opo, Padre.

(Tatanungin ang mga lalaking ikakasal)

N., sumasang- ayon ka ba na maging maybahay si N. na naririto ngayon

alinsunod

sa batas at mga alituntunin ng ating banal na

Simbahan? Mga Lalaki : Opo, Padre.

1. Nerissa – Edwin 2. Rasel – Ahrone 3. Ma. Reyhan - Ronelo 4. Ma. Lota - Ricardo 5. Amelyn - Hestive 6. Joevelyn – Jimmy Jr. 7. Jenalyn - Noli Pagpapalitan ng Konsentimyento 1. Edwin - Nerissa 2. Ahrone - Rasel 3. Ronelo - Ma. Reyhan 4. Ricardo - Ma. Lota 5. Hestive - Amelyn 6. Jimmy Jr. - Joevelyn 7. Noli - Jenalyn

(15)

Buong puso ba ang pagkakaloob mo sa kanya ng iyong sarili bilang kanyang asawa?

Mga Lalaki : Opo, Padre.

Nakalaan ka bang balikatin sa piling niya ang pananagutan ng buhay may-asawa? Mga Lalaki : Opo, Padre.

Ngayon, kayo ay sabay-sabay na

magdarasal; uulitin ninyo ang panalanging aking bibigkasin.

Ama naming mapagkalinga,

pagpalain Niyo kaming nag-iisang palad kami po ay Inyong loobing

magkaisa sa puso’t diwa sa hirap at dusa

sa kaginhawahan at kahirapan sa karamdaman at kalusugan mula ngayon at kailanman

sa lahat ng araw ng aming buhay.

Bilang tagapagpatunay ng Simbahan, pinagtitibay ko’t binabasbasan

ang pagtataling-puso na inyong pinagtipan, sa ngalan ng Ama at ng Anak, X at ng

(16)

Pagkatapos ay sasabihin ng Commentator:

Inaanyayahan ang mga may dala ng mga aras at singsing na lumapit sa gitna ng dambana.

Matapos ay sasabihin ng Tagapagdiwang, habang nakalukob ang kanyang mga kamay sa mga aras: Ama naming maawain,

basbasan mo’t kupkupin itong inyong mga X lingkod. Pagkalooban mo sila

ng sapat na kabuhayang

sinasagisag ng mga aras na ito

sa ikapagkakamit ng buhay ng walang hanggan.

Iniluluhog namin ito

sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo

magpasawalang hanggan.

R. Amen.

Matapos ay babasbasan naman niya ang mga singsing:

Ama naming mapagmahal, basbasan mo’t lingapin itong iyong mga X lingkod.

Pagindapatin mo na silang magsusuot ng mga singsing na ito

ay maging kawangis mo sa iyong wagas na pag-ibig at walang maliw na katapatan. Iniluluhog namin ito

sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espritu Santo

magpasawalang hanggan. R. Amen. Pagbabasbas ng mga Aras at mga Singsing

(17)

Matapos ito ay aanyayahan niya ang mga lalaki na isuot ang singsing sa kanilang mga kabiyak: Mga lalaki, isuot ninyo ang singsing sa daliri ng mga babae, at ulitin ninyo ang aking sasabihin:

Pangalan ng inyong kabiyak.

kailanma’y di kita pagtataksilan.

Isuot mo at pagkaingatan ang singsing na ito na siyang sangla ng aking pag-ibig at

katapatan.

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak,

at ng Espiritu Santo. Amen.

Isusuot ng mga lalaki ang singsing sa kanilang kabiyak. Matapos ito ay aanyayahan naman Tagapagdiwang ang mga babae na isuot ang singsing sa kanilang mga kabiyak:

Mga babae, isuot ninyo ang singsing sa daliri ng mga lalaki, at ulitin ninyo ang aking sasabihin:

Pangalan ng inyong kabiyak.

kailanma’y di kita pagtataksilan.

Isuot mo at pagkaingatan ang singsing na ito na siyang sangla ng aking pag-ibig at

katapatan.

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak,

(18)

Matapos ito ay magaganap ang paglalagak ng mga aras:

Mga lalaki, ilagak ninyo ang mga aras upang ipagkatiwala ito sa babae, at ulitin ninyo ang aking sasabihin:

Pangalan ng inyong kabiyak.

kailanma’y di kita pababayaan. Inilalagak ko sa iyo itong mga aras na tanda ng aking pagpapahalaga at pagkalinga sa kapakanan mo. Sa ngalan ng Ama,

at ng Anak,

at ng Espiritu Santo. Amen.

Tatanggapin ito ng mga babae. Sasabihin ng Tagapagdiwang:

Mga babae, tanggapin ninyo ang mga aras, at ulitin ninyo ang aking sasabihin:

Tinatanggap ko ito

at nangangako akong magiging iyong katuwang

sa wastong paggamit at pangangasiwa ng ating kabuhayan.

Wawakasan ng Tagapagdiwang ang seremonya sa pamamagitan ng mga salitang ito:

Mga kapatid,

ating nasaksihan ang panunumpa ng mga bagong kasal sa isa’t isa,

ating ipadama ang pagtanggap sa kanila sa pagsalubong sa kanila

(19)

Iimbitahin ng Commentator na tumayo ang lahat gamit ang mga sumusunod na salita:

Tumayo ang lahat para sa Panalangin ng Bayan

Ang Tagapagdiwang:

Mga minamahal kong kapatid,

halinang magkaisa sa pagdalangin sa Diyos para sa ating mga bagong kasal

at para sa buong Simbahan, sanlibutan, at sa ikapagkakaisa ng tanan.

Ang ating itutugon:

Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.

Para sa simbahang laganap sa buong

daigdig, lalo na para kay Francisco na ating Papa: na sa palagian ay maipadama nila sa lahat ng tao ang pagmamahal at pagkalinga ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon:

Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.

Para sa mga namumuno sa ating bayan: upang sila’y mapuspos sa biyaya ng

karunungang nagmumula sa pagkilala sa Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon:

Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.

Para sa mga kapatid natin na ngayo’y pinagbuklod sa pag-iisang-dibdib

upang sila’y mamuhay sa kalusugan at maligtas sa panganib,

manalangin tayo sa Panginoon:

Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.

Panalangin ng Bayan

(20)

Para sa mga bagong kasal,

nawa sila’y pagpalain sa buklod ng tipan gaya ng pagpapabanal ni Kristo

sa ikinasal sa Cana, Galilea

na pinangyarihan ng kayang unang kababalaghan,

manalangin tayo sa Panginoon:

Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.

Para sa mga bagong kasal,

nawa sila’y puspusin ng pag-ibig,

pagkakasundo at pagtutulungang matalik, manalangin tayo sa Panginoon:

Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.

Para sa mga bagong kasal,

nawa sila at ang lahat ng mag-asawa ay bigyan ng Espiritu Santo

ng ibayong pag-ibig at ligaya, manalangin tayo sa Panginoon:

Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.

Ang Tagapagdiwang:

Ama naming makapangyarihan,

kaawaan mo ang aming mga bagong kasal at pagbigyan sa kahilingang

magkamit ng iyong kaloob

sa ikapagkakaisa, sa pagmamahal

at sa ikapagkakaroon ng ligaya sa kalangitan kaisa ng kanilang mga supling

at mga mahal sa buhay

sa pamamagitan ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

(21)
(22)

Pagdiriwang ng Huling Hapunan

Sasabihin ng Commentator:

Magsiupo ang lahat habang inaanyayahang lumuhod ang mga bagong kasal.

Tinatawagan ngayon ang mga abay na sindihan ang mga kandila.

Sisindihan ang mga kandila samantalang pinapaliwanag ng Commentator ang nagaganap:

Ang liwanag ng kandila ay siyang simbolo ng ating pananampalataya at pag-ibig. Ang liwanag na ito ay siyang simbolo rin ni Kristo, ang liwanag na mula sa Ama na siyang tatanglaw sa landas ng buhay na tatahakin ng mag-asawang ito patungo sa kaligtasan at buhay na walang hanggan.

Ngayon nama’y maaari nang ikabit ng mga abay ang belo at ilagay ang kordon sa mag-asawa.

Ikakabit ng mga aba yang belo at kordon samantalang pinapaliwanag ng Commentator ang nagaganap:

Ang belo ay simbolo ng Espiritu Santo. Ang pangako ng Diyos sa Kanyang katapatan sa pag-ibig para sa atin sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Ito rin ang nagpapakita ng pagiging isa ng mag-asawang ito at pagbibigay ng sarili sa bawat isa.

Ang kordon o tali ang siyang simbolo ng pagkakaisa ng isip, pag-iisang puso at katawan ng mag-asawang hinirang ng Diyos.

Pagsisindi ng Kandila, Paglalagay ng Belo, at Pagkakabit ng Kordon

(23)

Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng pag-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga dukha.

Basbasan at Kalingain

Ferdinand M. Bautista Koro

Panginoon, tanggapin mo ang aming handog ang tinapay at alak na ito,

kasabay ng aming dalanging basbasan at kalingain

ang dalawang pusong nagtipanang magmamahalan kailanman.

Ang kandilang sinindan

ay sagisag ng pagtanglaw sa buhay ng dalawa ni Hesukristo.

Ang berbo at kurdon ay sagisag ng kaisahan

at pagsukob ng biyaya ng Ama. Koro

Awit ng Pag-Aalay

(24)

Ngayon nama’y tatayo ang Tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong: Kapuri-puri ka,

Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong kagandahang-loob,

narito ang aming maiaalay.

Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito

para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

R./ Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at

kailanman!

Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo. Ang Tagapagdiwang ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig

kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo na nagpagindapat nakihati sa aming pagkatao. Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng Tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakaangat sa dambana habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka,

Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong kagandahang-loob,

narito ang aming maiaalay. Mula sa katas ng ubas

at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging inuming nagbibigay ng iyong

Espiritu.

R./ Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at

(25)

Pagkatapos, yuyuko ang Tagapagdiwang habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha,

nakikiusap kaming mga makasalanan. Tanggapin mo ang aming pagsisi bilang handog upang kami’y

matutong sumunod sa iyo nang buong puso.

Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng Tagapagdiwang ang mga alay at ang dambana pagkaraa’y iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba. Pagkatapos, ang Tagapagdiwang ay pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal, kasalanan ko’y hugasan at linisin mong lubusan ang nagawa kong

pagsuway.

Pagbalik ng Tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga tao at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang

makapangyarihan. Tatayo ang mga tao at sasagot: Tanggapin nawa ng Panginoon

itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan

(26)

Ang Tagapagdiwang:

Panginoon, tanggapin mo sana ang aming mga handog

pakundangan sa mga bagong kasal na ito. Dahil sa iyong pag-ibig at pamamahala pinag-isa mo sila.

Pagpalain mo

ang lahat ng araw ng kanilang pamumuhay. Alang-alang kay Kristo naming Panginoon.

R. Amen.

Panalangin Ukol sa

mga Alay

(27)
(28)

Sumainyo ang Panginoon.

R. At sumaiyo rin.

Itaas sa Diyos ang inyong mga puso at diwa.

R. Itinaas na namin sa Panginoon.

Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

R. Marapat na siya ay pasalamatan.

unay ngang marapat at matuwid, angkop at nakagagaling

na magpasalamat kaming lagi sa iyo, Amang banal,

Diyos na makapangyarihan at walang hanggan, alang-alang kay Kristo naming Panginoon.

Nilikha mo ang tao dahil sa pag-ibig

upang mahabaginan ng inyong banal na buhay. Nababatid namin ang kanyang dakilang layunin sa pagmamahalan ng mga mag-asawa,

na tanda at tatak ng iyong banal na pag-ibig. Pag-ibig ang pinagmulan ng tao,

pag-ibig ang ikinabubuhay niya sa lupa

at pag-ibig din ang naghihintay sa kanya sa langit. Ang pagmamamahalan ng lalaki at babae

ay naging banal sa sakramento ng kasal,

at naglalarawan ng iyong walang hanggang pag-ibig.

Sa pamamagitan ni Kristo,

ang makapal na mga anghel at banal sa kalangitan ay nagpupuri at sumasamba sa iyong kamahalan. Kaya kasama nila ay ipinagbubunyi naming

walang humpay ang kaluwalhatian mo:

T

Panalangin ng Pagpupuri at Pasasalamat

(29)

Santo, Santo [Misa Pastorela]

Fr. Eduardo P. Hontiveros, SJ

Santo, Santo, Santo,

Panginoong Diyos ng mga hukbo. Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan Mo.

Hosana, Hosana sa kaitaasan. Hosana, Hosana sa kaitaasan. Pinagpala ang naparirito, sa ngalan ng Panginoon. Hosana, Hosana sa kaitaasan. Hosana, Hosana sa kaitaasan.

Tutunog ang kampana, sagisag na luluhod na ang lahat.

(30)

Luluhod ang lahat. Nakalahad ang kamay ng Tagapagdiwang sa pagdarasal:

Ama naming banal,

dapat kang purihin ng tanang kinapal sapagka’t sa pamamagitan ng iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo

at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu ang lahat ay binibigyan mo ng buhay at kabanalan.

Walang sawa mong tinitipon ang iyong sambayanan

upang mula sa pagsikat hanggang sa paglubong ng araw

maihandog ang malinis na alay para sambahin ang iyong ngalan.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal:

Ama, isinasamo naming pakabanalin mo sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu ang mga kaloob na ito

na aming inilalaan sa iyo

He joins his hands and, making the sign of the cross once over both bread and chalice, says:

Ito nawa ay maging Katawan at X Dugo ng iyong Anak at aming Panginoong Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipapahayag nang malinaw at

nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Ikatlong Panalangin ng Pagpupuri at Panalangin

(31)

Noong gabing ipinagkalulo siya,

Hahawakan ng Tagapagdiwang ang tinapay nang bahagyang naakangat sa ibabaw ng dambana habang patuloy na ipinapahayag:

hinawakan niya ang tinapay,

pinasalamatan ka niya, pinaghati‑hati iyon, iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi: Bahagya siyang yuyuko.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN: ITO ANG AKING KATAWAN NA IHAHANDOG PARA SA IYO.

Ipapamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong sa pinggan at luluhod siya bilang pagsamba. Magpapatuloy siya:

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan, Hahawakan ng Tagapagdiwang ang kalis nang

bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang patuloy na inihahayag:

muli ka niyang pinasalamatan,

inabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad, at sinabi:

Bahagya siyang yuyuko.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN: ITO ANG KALIS NG AKING DUGO, NG BAGO AT WALANG

HANGGANG TIPAN, ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN. GAWIN NINYO ITO SA PAG‑ALALA SA AKIN.

(32)

Ipapamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa

telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Ang Tagapagdiwang:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya: Sa Krus Mo Fr. Manoling V. Francisco, SJ Sa krus Mo at pagkabuhay Kami'y natubos Mong tunay Poong Hesus naming mahal Iligtas Mo kaming tanan Poong Hesus naming mahal Ngayon at magpakailanman

Ilalahad ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

Ama, ginugunita namin

ang pagkamatay ng iyong Anak na sa ami’y nagligtas

gayun din sa kanyang muling pagkabuhay at pag‑akyat sa kalangitan

samantalang ang kanyang pagbabalik ay pinananabikan

kaya bilang pasasalamat ngayo’y aming iniaalay sa iyo

ang buhay at banal na paghahaing ito. Tunghayan mo ang handog na ito n g iyong Simbahan.

Masdan mo ang iyong anak na nag‑alay ng kanyang buhay upang kami ay ipagkasundo sa iyo.

(33)

Loobin mong kaming magsasalu‑salo sa kanyang Katawan at Dugo

ay mapuspos ng Espiritu Santo

at maging isang katawan at isang diwa kay Kristo.

Isa sa mga Concelebrants:

Kami nawa ay gawin niyang handog na habang panahong nakatalaga sa iyo. Tulungan nawa niya kaming

magkamit ng iyong pamana kaisa ng Ina ng Diyos,

ang Mahal na Birheng Maria,

ng kabiyak ng puso niyang si San Jose kaisa ng mga Apostol, mga Martir nina San Ignacio de Loyola

at San Francisco Javier

at kaisa ng lahat ng mga Banal

na aming inaasahanglaging nakikiusap para sa aming kapakanan.

Isa sa mga Concelebrants:

Ama, ang handog na ito

ng aming pakikipagsundo sa iyo

ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan

para sa buong daigdig.

Patatagin mo sa pananampalataya at pag‑ibig ang iyong Simbahang naglalakbay sa lupa, kasama ang iyong lingkod na si Papa Francisco

at aming Obispo Luis Antonio

ng tanang mga Obispo at buong kaparian at ng iyong piniling sambayanan.

(34)

Dinggin mo ang mga kahilingan ng iyong angkan

na ngayo’y tinipon mo sa iyong harapan. Amang maawain, kupkupin mo at pag‑isahin ang lahat ng iyong mga anak

sa bawa’t panig at sulok ng daigdig.

† Kaawaan mo at patuluyin sa iyong kaharian ang mga kapatid naming na yumao

at ang lahat ng lumisan na sa mundong ito na nagtataglay ng pag‑ibig sa iyo.

Kami ay umaasang

Makakarating sa iyong piling at samasamang magtatamasa

ng iyong kaningningang walang maliw sapagka’t aming masisilayan

ang iyong kagandahan

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo na siyang pinagdaraanan

ng bawa’t kaloob mo sa aming kabutihan. †

Hahawakan ng Tagapagdiwang ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niyang ipapahayag: Sa pamamagitan ni Kristo,

kasama niya, at sa kanya

ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang-hanggan. Ang mga tao ay magbubunyi: Great Amen

(35)
(36)

Ang Pakikinabang

Ang Tagapagdiwang:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos, ipahayag natin nang lakas‑loob:

Ama Namin

Fr. Manoling V. Francisco, SJ

Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo.

Mapasaamin ang kaharian Mo, sundin ang loob Mo

dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw

at patawarin Mo kami sa aming mga sala. Para nang pagpapatawad namin

sa nagkakasala sa amin.

At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya Mo kami sa lahat ng masama

Nakalahad ang kamay ng Tagapagdiwang na kakanta:

Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama,

pagkalooban ng kapayapaan araw‑araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa kapahamakan samantalang aming pinananabikan

ang dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas nating si Hesukristo. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitong pagbubunyi:

Sapagkat sa 'ʹYo ang kaharian, kapangyarihan at kapurihan ngayon at magpakailanman!

Ama Namin

(37)

Ang Tagapagdiwang: Mga kaibigan,

dumalangin tayo sa Panginoon at hingin upang kasihan ng kanyang biyaya

para sa mga bagong kasal, na sa pamamagitan ni Kristo pag-isahin niya sa pag-ibig ang mga mag-asawang ito

na kanyang pinagsama sa banal na buklod. Tatahimik ng saglit. Pagkatapos ay ilalahad ng Tagapagdiwang ang kanyang kamay sa pagdarasal: Ama naming banal,

nilikha mo ang tao

bilang lalaki’t babaing iyong kalarawan upang sa kaugnayan sa pag-iisang dibdib ay maisakatuparan

ang iyong layunin sa lupaing ibabaw. Ama naming mapagmahal

niloob mong sa pamumuhay ng mag-asawas sa pagmamahalan

ay mabanaagan ang tipan ng iyong paghirang na iyong minarapat ipagkaloob

sa iyong sambayanan

upang ang ipinahihiwatig mong lubusan ay maglahad ng pag-iisang dibdib

ni Kristo at ng Sambayanan kaya naman hinihiling namin na itong mga anak mo

ay gawaran ng pagbabasbas ng iyong kanang kamay.

Panalangin sa

Mag-asawa

(38)

Ipagkaloob mong

sa pagsasama nila habambuhay kanilang mapagsaluhan

ang pag-ibig mong bigay

at sa isa’t-isa’y kanilang maipamalas ang iyong pakikipisan

sa pagkakaisa ng damdamin at isipan

Bigyan mo rin sila ng matatag na tahanan. Marapatin mong mapuspos

ng pagpapala ang mga babaing ito upang kanilang maganap

nang may pagmamalasakit ang tungkulin sa tahanan. Gayun din naman,

pangunahan mo ng iyong pagbabasbas ang mga lalaking ito

upang kanilang magampanang marapat ang tungkulin ng asawang matapat. Ama naming banal,

pagbigyan mo sila

sa pagdulog sa iyong hapag bilang mga pinagbuklod sa pag-ibig na wagas

upang kanilang mapagsaluhan ang piging na di magwawakas sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo

magpasawalang hanggan.

(39)

Sasabihin ng Tagapagdiwang: Panginoong Hesukristo,

sinabi mo sa iyong mga apostol: "Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo, Ang aking kapayapaan

ang ibinibigay ko sa inyo."

Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag angaming mga pagkakasala.

Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban. Kasama ng Espiritu Santo

magpasawalang hanggan.

R. Amen.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

R. At sumaiyo rin. Ang Diyakono:

Magbigayan tayo ng kapayapaan sa isa’t isa. Pagbibigay ng Kapayapaan

(40)

Hahawakan ng tagapagdiwang ang ostiya at hahatihatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagwasak na ito

ng Katawan at Dugo ng aming Panginoong Hesukristo tanggapin nawa namin sa pakikinabang

ang buhay na walang hanggan.

Samantala, aawitin ng lahat ang Kordero ng Diyos: Kordero ng Diyos [Misa Antipona]

Fr. Eduardo P. Hontiveros, SJ

Kordero ng Diyos,

na nag‑aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos,

na nag‑aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos,

na nag‑aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

Tutunog ang kampana, sagisag na luluhod na ang lahat.

Pagwasak ng Tinapay

(41)

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal:

Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo, Panginoong Hesukristo,

ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom at parusa sa kasalanan ko.

Alang‑alang sa iyong dakilang pag‑ibig nawa'y aking matanggap

ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas. Luluhod ang pari at pagtayo niya'ʹy kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag‑alis

ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

Tutugon ang lahat: Panginoon,

hindi ako karapat‑dapat na magpatuloy sa iyo nguni't sa isang salita mo lamang

ay gagaling na ako.

Siyaʹy makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo. Pagkatapos, hahawakan ng Obispo ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

Pakikinabang

(42)

Samantalang nakikinabang ang mga tao, sisimulan ang awit sa pakikinabang.

Ang Pag-Ibig

Ferdinand M. Bautista

Makapagsalita man ako ng wika ng mga tao’t anghel, kung wala akong pag-ibig anong saysay ng aking tinig? Ipamigay ko man ang lahat, at ialay ko ang aking sarili kung wala akong pag-ibig anong kabutihan nito sa akin?

Koro

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob.

Hindi nananaghili’t nagmamapuri’t nagmamataas.

Ang pag-ibig ay mapagkalinga, mapagtiwala, puno ng pag-asa. Mananatiling tapat kalian pa man.

Awit sa

Pakikinabang

(43)

Ang Tagapagdiwang: Manalangin tayo. Manahimik saglit.

anginoon, dahil sa iyong pag-ibig, ibinigay mo sa amin

ang Eukaristiyang ito

upang pag-isahin kami sa isa’t isa at sa iyo. Yayamang pinag-isa mo

ang aming mga bagong kasal sa sakramento na ito (at sa pakikinabang ng tinapay at alak), pag-isahan mo rin sila ngayon sa pag-ibig at paglilingkod sa isa’t isa.

Alang-alang kay Kristo naming Panginoon.

R. Amen.

Ang Commentator:

Maaari nang tanggalin ng mga abay ang mga belo at kordon ng mga bagong kasal.

Magsiupo ang lahat para sa mga pabatid. Pagkatapos po ang ating Banal na Misa, magkakaroon ng picture-taking ang mga bagong kasal at kanilang entourage. Maari po sanang lumapit kaagad sa harapan kapag tinawag na ang ating grupo.

Magkakaroon din po tayo ng kaunting salu-salo sa Social Hall ng Nurses’ Home. Inaasahan po naming dumalo ang mga ikinasal, ang kanilang sampung panauhin, ang mga Chaplains, mga miyembro ng Legion of Mary, Choir, Servers, Readers at mga piling panauhin.

Pagkatapos po ng picture-taking ng bawat couple at entourage, maaari na po silang tumuloy sa reception area. Ipakita po ninyo ang inyong invitation card na magsisilbing gate pass. Sasamahan po kayo ng mga usherettes patungo sa reception.

Maraming salamat, at inaasahan po namin ang inyong kooperasyon. Magsitayo na po ang lahat.

P

Panalangin Pagka-Pakinabang Pabatid

(44)

Ang Tagapagdiwang:

Habilin ko sa inyo, mga bagong kasal: mamuhay kayong lagi

sa pag-ibig at katapatan. Sa mga maybahay,

pag-ibig ninyo’y patunayan sa pagiging butihing maybahay

na may pananampalataya, kabanalan, at pag-ibig sa Maykapal.

Sa mga asawang lalaki,

ang maybahay ninyo’y ibigin

gaya ng malasakit ni Kristo sa Simbahan bilang pagsunod sa kalooban ng Diyos Ama sa kalangitan.

Sumainyo ang Panginoon.

R. At sumaiyo rin.

Iyuko ang inyong mga ulo

upang tanggapin ang pagbabasbas ng Panginoon.

Ang Diyos Amang makapangyarihan ay siya nawang magbigay ng kagalakan dulot ng mga anak na sa inyo’y sisilang at ng kanyang kasiyahan

ngayon at magpasawalang hanggan.

R. Amen.

Ang Bugtong ng Anak ng Diyos ay siya nawang sa inyo’y tumuwang sa kahirapan at kaginhawaan

ngayon at magpasawalang hanggan.

R. Amen.

Ang Espiritu Santo ay siya nawang magdulot ng pagmamahal na nag-uumapaw sa inyo ngayon at magpasawalang hanggan.

R. Amen.

Paghayo

(45)

At kayong lahat na nagtipun-tipon dito ay pagpalain nawa

ng makapangyarihang Diyos: Ama, at Anak X

at Espiritu Santo.

R. Amen.

Taglayin ninyo sa inyong pag-alis ang kapayapaan ni Kristo.

R. Salamat sa Diyos!

Mapalad ang Tao na May Takot sa Diyos

Ferdinand M. Bautista Koro

Mapalad ang tao na may takot sa Diyos, ang maalab na adhikai’y

sumunod sa kanyang utos.

Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan. Ang buhay niya ay maligaya’t uunlad kailanman. Sa tahanan ang asawa’y parang ubas na mabunga. Bagong tanim na olibo sa may dulang

ang anak niya. Koro

Ang sinumang ang Panginoo’y buong pusong susundin,

buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain. Koro

Awit

Pangwakas

(46)

Ang Pasunod-sunod sa Pagkuha ng Larawan

1. Couples with Priests

2. Mr and Mrs Edwin Bacalla

3. Mr and Mrs Edwin Bacalla, Principal Sponsors, and Entourage

4. Mr and Mrs Ahrone Gamelong

5. Mr and Mrs Ahrone Gamelong, Principal Sponsors, and Entourage

6. Mr and Mrs Ronelo Espiritu

7. Mr and Mrs Ronelo Espiritu, Principal Sponsors, and Entourage

8. Mr and Mrs Ricardo Balmores

9. Mr and Mrs Ricardo Balmores, Principal Sponsors and Entourage

10. Mr and Mrs Noli Diong

11. Mr and Mrs Noli Diong, Principal Sponsors, and Entourage

12. Mr and Mrs Jimmy Solano Jr.

13. Mr and Mrs Jimmy Solano Jr., Principal Sponsors, and Entourage

14. Mr and Mrs Hestive Hestoso

15. Mr and Mrs Hestive Hestoso, Principal Sponsors, and Entourage

Referensi

Dokumen terkait

Ang sarbey na ito ay tumulong sa akin upang malaman ang mga saloobin ng mga bata’t iba pang mga respondent (sa pamamagitan ng kanilang mga reaksyon), kung sila’y may sapat na

Ang kabanata na ito ay dapat talakayin ang mga pamamaraan ng pananaliksik na magagamit para sa pag-aaral at kung ano ang naaangkop para dito upang gamitin bilang tugon para sa

kaalaman at kasanayan sa pagbasa at pag- iisip at nagagamit ang mga ito depende sa sinasabi ng awtor at paano ito sinasabi.. Nakapagsasarili – nakagagawa

Sa tatlong pangunahing dahilan ng paninigarilyo ng kabataan, apatnapung bahagdan ang nagsasabing pamilya ang nakakapagdulot ng masamang impluwensiya sa kanilang mga

Ang araling pananaliksik na ito na pinamagatang “Pagdetermina ng mga Paraan ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral ng Unang Taon sa Kolehiyo sa Pamamagitan ng Sistemang VARK” ay

Ang masidhing pag lalarawan niya nag pag diin sa kawalang representasyon ng Pilipinas at ang mga pamamulat akdang nag papatama sa sistemang edukasyon ng kura‟t

Pero nang dumating si ligayay nagging pangit na ang kanyang buhay nagkanda lokoloko dahil sa ginawa ng asawa nya sa kanyang pag tataksil eh nasira ang kanyang buhay at ang

PHILRICE CENTRAL EXPERIMENT STATION Tips sa pag-aani 1 2 Ang maagang pag-aani ay nagdudulot ng pagkapulbos ng mga butil at ang 3 huling pag-aani naman ay nagreresulta sa sobrang