• Tidak ada hasil yang ditemukan

Ang Pakikinabang Ang Tagapagdiwang:

Dalam dokumen Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib (Halaman 36-46)

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos, ipahayag natin nang lakas‑loob:

Ama Namin

Fr. Manoling V. Francisco, SJ

Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo.

Mapasaamin ang kaharian Mo, sundin ang loob Mo

dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw

at patawarin Mo kami sa aming mga sala. Para nang pagpapatawad namin

sa nagkakasala sa amin.

At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya Mo kami sa lahat ng masama

Nakalahad ang kamay ng Tagapagdiwang na kakanta:

Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama,

pagkalooban ng kapayapaan araw‑araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa kapahamakan samantalang aming pinananabikan

ang dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas nating si Hesukristo. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitong pagbubunyi:

Sapagkat sa 'ʹYo ang kaharian, kapangyarihan at kapurihan ngayon at magpakailanman!

Ama Namin

Ang Tagapagdiwang: Mga kaibigan,

dumalangin tayo sa Panginoon at hingin upang kasihan ng kanyang biyaya

para sa mga bagong kasal, na sa pamamagitan ni Kristo pag-isahin niya sa pag-ibig ang mga mag-asawang ito

na kanyang pinagsama sa banal na buklod. Tatahimik ng saglit. Pagkatapos ay ilalahad ng Tagapagdiwang ang kanyang kamay sa pagdarasal: Ama naming banal,

nilikha mo ang tao

bilang lalaki’t babaing iyong kalarawan upang sa kaugnayan sa pag-iisang dibdib ay maisakatuparan

ang iyong layunin sa lupaing ibabaw. Ama naming mapagmahal

niloob mong sa pamumuhay ng mag-asawas sa pagmamahalan

ay mabanaagan ang tipan ng iyong paghirang na iyong minarapat ipagkaloob

sa iyong sambayanan

upang ang ipinahihiwatig mong lubusan ay maglahad ng pag-iisang dibdib

ni Kristo at ng Sambayanan kaya naman hinihiling namin na itong mga anak mo

ay gawaran ng pagbabasbas ng iyong kanang kamay.

Panalangin sa

Mag-asawa

Ipagkaloob mong

sa pagsasama nila habambuhay kanilang mapagsaluhan

ang pag-ibig mong bigay

at sa isa’t-isa’y kanilang maipamalas ang iyong pakikipisan

sa pagkakaisa ng damdamin at isipan

Bigyan mo rin sila ng matatag na tahanan. Marapatin mong mapuspos

ng pagpapala ang mga babaing ito upang kanilang maganap

nang may pagmamalasakit ang tungkulin sa tahanan. Gayun din naman,

pangunahan mo ng iyong pagbabasbas ang mga lalaking ito

upang kanilang magampanang marapat ang tungkulin ng asawang matapat. Ama naming banal,

pagbigyan mo sila

sa pagdulog sa iyong hapag bilang mga pinagbuklod sa pag-ibig na wagas

upang kanilang mapagsaluhan ang piging na di magwawakas sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo

magpasawalang hanggan.

Sasabihin ng Tagapagdiwang: Panginoong Hesukristo,

sinabi mo sa iyong mga apostol: "Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo, Ang aking kapayapaan

ang ibinibigay ko sa inyo."

Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag angaming mga pagkakasala.

Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban. Kasama ng Espiritu Santo

magpasawalang hanggan.

R. Amen.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

R. At sumaiyo rin. Ang Diyakono:

Magbigayan tayo ng kapayapaan sa isa’t isa. Pagbibigay ng Kapayapaan

Hahawakan ng tagapagdiwang ang ostiya at hahatihatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagwasak na ito

ng Katawan at Dugo ng aming Panginoong Hesukristo tanggapin nawa namin sa pakikinabang

ang buhay na walang hanggan.

Samantala, aawitin ng lahat ang Kordero ng Diyos: Kordero ng Diyos [Misa Antipona]

Fr. Eduardo P. Hontiveros, SJ

Kordero ng Diyos,

na nag‑aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos,

na nag‑aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos,

na nag‑aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

Tutunog ang kampana, sagisag na luluhod na ang lahat.

Pagwasak ng Tinapay

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal:

Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo, Panginoong Hesukristo,

ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom at parusa sa kasalanan ko.

Alang‑alang sa iyong dakilang pag‑ibig nawa'y aking matanggap

ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas. Luluhod ang pari at pagtayo niya'ʹy kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag‑alis

ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

Tutugon ang lahat: Panginoon,

hindi ako karapat‑dapat na magpatuloy sa iyo nguni't sa isang salita mo lamang

ay gagaling na ako.

Siyaʹy makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo. Pagkatapos, hahawakan ng Obispo ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

Pakikinabang

Samantalang nakikinabang ang mga tao, sisimulan ang awit sa pakikinabang.

Ang Pag-Ibig

Ferdinand M. Bautista

Makapagsalita man ako ng wika ng mga tao’t anghel, kung wala akong pag-ibig anong saysay ng aking tinig? Ipamigay ko man ang lahat, at ialay ko ang aking sarili kung wala akong pag-ibig anong kabutihan nito sa akin?

Koro

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob.

Hindi nananaghili’t nagmamapuri’t nagmamataas.

Ang pag-ibig ay mapagkalinga, mapagtiwala, puno ng pag-asa. Mananatiling tapat kalian pa man.

Awit sa

Pakikinabang

Ang Tagapagdiwang: Manalangin tayo. Manahimik saglit.

anginoon, dahil sa iyong pag-ibig, ibinigay mo sa amin

ang Eukaristiyang ito

upang pag-isahin kami sa isa’t isa at sa iyo. Yayamang pinag-isa mo

ang aming mga bagong kasal sa sakramento na ito (at sa pakikinabang ng tinapay at alak), pag-isahan mo rin sila ngayon sa pag-ibig at paglilingkod sa isa’t isa.

Alang-alang kay Kristo naming Panginoon.

R. Amen.

Ang Commentator:

Maaari nang tanggalin ng mga abay ang mga belo at kordon ng mga bagong kasal.

Magsiupo ang lahat para sa mga pabatid. Pagkatapos po ang ating Banal na Misa, magkakaroon ng picture-taking ang mga bagong kasal at kanilang entourage. Maari po sanang lumapit kaagad sa harapan kapag tinawag na ang ating grupo.

Magkakaroon din po tayo ng kaunting salu-salo sa Social Hall ng Nurses’ Home. Inaasahan po naming dumalo ang mga ikinasal, ang kanilang sampung panauhin, ang mga Chaplains, mga miyembro ng Legion of Mary, Choir, Servers, Readers at mga piling panauhin.

Pagkatapos po ng picture-taking ng bawat couple at entourage, maaari na po silang tumuloy sa reception area. Ipakita po ninyo ang inyong invitation card na magsisilbing gate pass. Sasamahan po kayo ng mga usherettes patungo sa reception.

Maraming salamat, at inaasahan po namin ang inyong kooperasyon. Magsitayo na po ang lahat.

P

Panalangin Pagka-Pakinabang Pabatid

Ang Tagapagdiwang:

Habilin ko sa inyo, mga bagong kasal: mamuhay kayong lagi

sa pag-ibig at katapatan. Sa mga maybahay,

pag-ibig ninyo’y patunayan sa pagiging butihing maybahay

na may pananampalataya, kabanalan, at pag-ibig sa Maykapal.

Sa mga asawang lalaki,

ang maybahay ninyo’y ibigin

gaya ng malasakit ni Kristo sa Simbahan bilang pagsunod sa kalooban ng Diyos Ama sa kalangitan.

Sumainyo ang Panginoon.

R. At sumaiyo rin.

Iyuko ang inyong mga ulo

upang tanggapin ang pagbabasbas ng Panginoon.

Ang Diyos Amang makapangyarihan ay siya nawang magbigay ng kagalakan dulot ng mga anak na sa inyo’y sisilang at ng kanyang kasiyahan

ngayon at magpasawalang hanggan.

R. Amen.

Ang Bugtong ng Anak ng Diyos ay siya nawang sa inyo’y tumuwang sa kahirapan at kaginhawaan

ngayon at magpasawalang hanggan.

R. Amen.

Ang Espiritu Santo ay siya nawang magdulot ng pagmamahal na nag-uumapaw sa inyo ngayon at magpasawalang hanggan.

R. Amen.

Paghayo

At kayong lahat na nagtipun-tipon dito ay pagpalain nawa

ng makapangyarihang Diyos: Ama, at Anak X

at Espiritu Santo.

R. Amen.

Taglayin ninyo sa inyong pag-alis ang kapayapaan ni Kristo.

R. Salamat sa Diyos!

Mapalad ang Tao na May Takot sa Diyos

Ferdinand M. Bautista Koro

Mapalad ang tao na may takot sa Diyos, ang maalab na adhikai’y

sumunod sa kanyang utos.

Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan. Ang buhay niya ay maligaya’t uunlad kailanman. Sa tahanan ang asawa’y parang ubas na mabunga. Bagong tanim na olibo sa may dulang

ang anak niya. Koro

Ang sinumang ang Panginoo’y buong pusong susundin,

buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain. Koro

Awit

Pangwakas

Ang Pasunod-sunod sa Pagkuha ng Larawan

1. Couples with Priests

2. Mr and Mrs Edwin Bacalla

3. Mr and Mrs Edwin Bacalla, Principal Sponsors, and Entourage

4. Mr and Mrs Ahrone Gamelong

5. Mr and Mrs Ahrone Gamelong, Principal Sponsors, and Entourage

6. Mr and Mrs Ronelo Espiritu

7. Mr and Mrs Ronelo Espiritu, Principal Sponsors, and Entourage

8. Mr and Mrs Ricardo Balmores

9. Mr and Mrs Ricardo Balmores, Principal Sponsors and Entourage

10. Mr and Mrs Noli Diong

11. Mr and Mrs Noli Diong, Principal Sponsors, and Entourage

12. Mr and Mrs Jimmy Solano Jr.

13. Mr and Mrs Jimmy Solano Jr., Principal Sponsors, and Entourage

14. Mr and Mrs Hestive Hestoso

15. Mr and Mrs Hestive Hestoso, Principal Sponsors, and Entourage

Dalam dokumen Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib (Halaman 36-46)

Dokumen terkait