KUWARESMA
PAG-UNAWA, PAGDIRIWANG, PAGSASABUHAY
at Espiritwalidad ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay
DARRYL P. REYES Parokya ng Banal na Santatlo, Pansol, Lungsod ng Calamba 16 Enero 2016, Sabado BALANGKAS
I. Pagkakaunawa sa Kuwaresma A. Kasaysayan
B. Teolohiya
II. Pagdiriwang ng Kuwaresma A. Ang Pangalan
B. Ang Tagal
C. Katangian ng mga Pagdiriwang 1. Linggo
2. Mga araw ng sanlinggo
3. Mga pagdiriwang ng mga Banal
4. Mga Sakramento at Sakramental, at mga Debosyon D. Mga Elemento ng Pagdiriwang
1. Salita ng Diyos 2. Musika
3. Gayak ng Simbahan 4. Mga Tanda
E. Mga Natatanging Pagdiriwang ng Kuwaresma 1. Miyerkules ng Abo
2. Mga Pagwawaksi 3. Linggo ng Palaspas 4. Mga Mahal na Araw 5. Tenebrae
6. Misa ng Krisma
F. Tatlong Araw na Pagdiriwang sa Pagpapakasakit at Pagkabuhay ng Panginoon
1. Huwebes Santo 2. Biyernes Santo 3. Sabado de Gloria
4. Ang Linggo ng Pagkabuhay
G. Mga Konsiderasyong Pastoral, Tagubilin at Mungkahi III. Pagsasabuhay ng Kuwaresma
A. Pag-alala sa mga Pangako sa Binyag B. Pagbabalik-loob at Pakikipagkasundo C. Pag-aayuno, Pananalangin, Paglilimos
PREPASYO
INDI matatawaran ang halaga ng mahusay na pagkakahubog tungkol sa
liturhiya para sa ikalalago ng buhay Kristiyano. Ang pagkakaunawa sa mga pagdiriwang ng Simbahan ay nakakapagdulot ng maraming bungang espiritwal na maibabahagi natin sa ating kapwa sa pamamagitan ng ating kabutihan, at maiaalay sa Diyos bilang pagpupuri sa kanya. Kaya napakasaya kong maatasan na maghanda ng isang panayam tungkol sa liturhiya ng Kuwaresma.
H
Ang panayam na ito ay sadyang ginawa bilang paghahanda sa panahon ng Kuwaresma, at isinaalang-alang dito ang kalagayan ng ating parokya nang hindi isinasantabi ang pangkalahatang gamit ng ganitong mga akda. Nababalangkas ito sa tatlong bahagi—pag-unawa, pagdiriwang, at pagsasabuhay, habang pinagsasama-sama ang ilang mahahalagang elemento ng pagkakaunawa sa liturhiya—ang kasaysayan at teolohiya (pag-unawa), pagdiriwang (ang mismong liturhiya), at espiritwalidad (pagsasabuhay) na kaakibat nito. Babala—hindi ‘asawa ni Babalu’—ang panayam na ito ay hindi isang “recollection.” Hindi ko ito isinulat upang mag-“enjoy” ka. Sa halip, mas mararamdaman dito ang isang guro na nagtuturo sa loob ng silid-aralan, kaya kung antukin ka noong nag-aaral ka pa, ngayon pa lang, kumuha ka na ng kape! Isinulat ang panayam na ito upang matuto ang mga makikinig at magbabasa nito.
Maraming talababa ang ginamit sa panayam na ito, hindi upang mapaniwala o mapahanga ang mga makikinig at magbabasa, kundi upang mabigyang-diin ang katotohanan at awtoridad ng mga sinasabi rito. Isa pa, bagamat may maniniwala sa akin sa mga sinasabi ko rito kahit walang talababa, ako sa sarili ko ay hindi naniniwala sa sarili kong sinasabi tungkol sa liturhiya, liban na lamang kung may awtoridad akong sinasandigan (pero huwag kang magkakamali tungkol sa akin; malakas ang “self-confidence” ko). Sa dulo, naglista ako ng mga maaaring basahin upang maging mas buo ang kaalaman mo tungkol sa paksang tinatalakay dito, sapagkat ang iilang oras ay hindi sapat upang masabi lahat ng mga bagay tungkol sa liturhiya.
Ang pagkakaunawa natin sa dakilang panahon ng Kuwaresma ay magdulot nawa ng higit pang paglago sa ating buhay, at magpalalim pa sa ating pag-ibig sa Panginoong Hesus na inibig tayo at “naging masunurin hanggang kamatayan, oo, hanggang kamatayan sa krus (Filipos 2, 8).”
Omnia ad maiorem Dei gloriam!
DEDICATIO Fratribus meis
Cuicumque liturgiam partio Et Liturgiam Aeternam expecto
KUWARESMA: PAG-UNAWA, PAGDIRIWANG, PAGSASABUHAY Isang maikling panayam tungkol sa Kasaysayan, Teolohiya, Liturhiya, at
Espiritwalidad ng
Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay PANIMULA
PRAISE TO THEHOLIEST IN THEHEIGHT
And in the depth be praise For all his works most wonderful, Most sure in all his ways! O Loving Wisdom of our God When all was sin and shame, A second Adam to the fight And to the rescue came. And that a higher gift than grace Should flesh and blood refine God’s presence and his very self And essence all divine. O Wisest Love, that flesh and blood Which did in Adam fail Should strive afresh against their foe, Should strive and should prevail. O Wondrous Love, that he who smote In man for man the foe The double agony in man For man should undergo. And in the garden secretly And on the cross on high Should teach his brethren and inspire To suffer and to die. Praise to the holiest in the height And in the depth be praise
For all his works most wonderful, Most sure in all his ways! PURIHIN ANG D’YOS NA POON,1
Magpuri buong santinakpan. Purihin kanyang mga gawa At kaloobang banal!
Sa karunungan mo, O Diyos, Hinango sa kasalanan,
At dahil sa isa pang Adan Naligtas kaming tanan. O kay dakilang kaloob, Laman at dugo’y linisin Ng mismong Diyos na totoo, At gawing tulad n’ya rin.
O kay dunong: Ang dugo’t laman Ng nagkasalang Adan
Ay makibaka sa kaaway muli At ngayo’y nagtagumpay.
Kahanga-hangang ang makikibaka Upang tapusin ang sala
Ay magdurusang tunay nga Ng sa tao’y dapat sana. At sa natatagong hardin At sa krus na mataas
Kapatid n’ya’y tinuturuang Pakasakit hanggang wakas. Purihin ang D’yos na Poon
Magpuri buong santinakpan Purihin kanyang mga gawa At kaloobang banal!
AYROONG isang uri ng kawayan na lumalaki ng isang pulgada lamang
kada taon, kaya napakaliit lamang nito. Ang tawag dito ay kawayang moso na makikita sa Japan. Gayunman, matapos ang limang taon na kakaunti ang inilalaki nito, araw-araw ay halos isang talampakan ang itinataas nito, kaya sa loob ng isang taon, isa na ito sa pinakamataas na kawayan. Bago ito pumailanlang sa kalangitan, inihanda muna nito ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagpapalalim ng kanyang mga ugat.
M
Sa ilang linggo pa ay papasok tayo sa isa sa pinakadakilang panahon sa taong liturhiko: ang Kuwaresma. Bagama’t ang panahong ito ay malimit magparamdam sa atin ng kasalatan—malungkot na musika, kawalan ng dekorasyon sa altar, ang pag-alis ng Gloria at Alleluia, ang pag-aayuno at pagtitika—ito ang isa sa mga pinakambungang panahon ng buong taon. Sa panahong ito, tinuturuan tayong magpalalim ng ating mga ugat bilang mga tunay na Kristiyano bago tayo pumailanlang sa dakilang kasiyahan ng Pagkabuhay ni Kristo. Ito ang dahilan kung bakit sa gitna ng kasalatan ng panahon ng Kuwaresma, nakakaawit pa rin tayo “Purihin ang Diyos na Poon!”
Ngunit higit pa sa biyayang ito, nagpupuri tayo sa Diyos dahil sa “kahanga-hanga niyang gawa” na sinasariwa natin sa panahong ito—na isinugo niya ang Bugtong niyang Anak, naging katulad natin sa lahat ng bagay maliban sa kasalanan, nagpakasakit dahil para wakasan ang ating kaalipinan, at wasakin ang kamatayan nang mabahaginan niya tayo ng kanyang buhay na walang hanggan. Ito ang tatalakayin natin sa maikling panayam na ito.
PAGKAKA-UNAWA SA KUWARESMA
PANG higit na maunawaan ang pagdiriwang ng Kuwaresma, makabubuting
malaman muna natin ang kasaysayan nito, at ang kahulugan at kahalagahan ng buong panahong ito.
U
KASAYSAYAN
Bagama’t ang unang yugto ng taong liturhiko ay ang Panahon ng Paghahanda sa Pagdating ng Panginoo (Adbiyento, Advent), na naghahanda sa atin sa pagsalubong sa Pasko, ang tunay na unang panahong liturhiko na ipinagdiwang ng unang Simbahan ay ang Pagkabuhay ng Panginoon (Easter).2 Ang Pagkabuhay
ng Panginoon ang unang pahayag ng pananampalataya ng Simbahan.3 Ito ang
dahilan ng lingguhang pagtitipon at pagsamba ng mga unang Kristiyano.4 Kaya
naman, ang padiriwang ng Pagkabuhay ng Panginoon tuwing Linggo, at ang 2 Cf. Sacrosanctum Concilium (henceforth, SC) 106: “The Lord’s Day is the original feast day” (emphasis mine).
lalong hayagang pagdiriwang nito isang beses sa isang taon ang pinakamahalagang pagdiriwang ng Simbahan.
Dahil sa malaking kahalagahang ito, ipinasya ng Simbahan na magkaroon ng paghahanda para sa pagdiriwang ng Pagkabuhay ng Panginoon. Ito ay ginaganap sa pamamagitan ng pag-aayuno. Sina San Iraneo (obispo sa dating Pransiya) at Tertullian (Hilagang Africa) ay nagsabing sa kanilang lugar, ang pag-aayuno ay ginaganap nang dalawang araw bago ang Linggo ng Pagkabuhay. Ito ay humigit-kumulang apatnapung oras, na sinasabing ang tagal ng Panginoong Hesus sa loob ng libingan.5
Sa lungsod naman ng Roma, ayon sa sulat ni San Jeronimo noong 384 sa isa niyang disipulo na si Marcella, ay nagkakaroon ng apatnapung araw ng pag-aayuno bago ang Linggo ng Pagkabuhay ng Panginoon.6 Kaya naman, nakilala
ang panahong ito bilang Quadragesima (apatnapung araw), na siyang ugat ng salitang Kastila na Cuaresma, na ngayon ay nasa ating wika bilang Kuwaresma. Kaalinsabay nito ang paghahanda ng mga bibinyagan na may sapat na gulang (adult baptism) at ang pakikipagkasundo sa mga nagkasala. Gayun man, ang pagdiriwang ng paghanda ay hindi apatnapung araw sa ibang bahagi ng Simbahan, sapagkat sa panahong ito ay maaaring magkaroon ng sariling paraan at kaugalian sa pagdiriwang ang iba’t ibang lugar. Kaya noong 325, ipinag-utos ng Konseho ng Nicea na maging apatnapung araw ang pag-aayuno bilang paghahanda sa Pagkabuhay ng Panginoon.7
Tandaan natin na hindi ang araw bago ang Linggo ng Pagkabuhay ang binilang, kundi ang araw ng pag-aayuno. Mahalaga ito, dahil sa buong Simbahan, ipinagbabawal ang pag-aayuno tuwing Linggo. Sa ilang bahagi din ng Simbahan, lalo na sa mga Griyego at iba pang taga-silangan, ipinagbabawal din ang pag-aayuno tuwing Huwebes at Sabado. Dahil dito, noong ika-11 at 12 siglo, idinagdag ang panahon ng Septuagesima (pitumpung araw bago ang Linggo ng Pagkabuhay), Sexagesima (animnapung araw), at Quinquagesima (limampung araw).
Ang ganitong kaugalian ay nanatili nang may ilang siglo, nang muling isaayos ng Ikalawang Konsilyo Vaticano ang liturhiya at ang taong liturhikal. Tinanggal ang Septuagesima, Sexagesima, at Quinquagesima, at higit na nabigyang-pansin ang halaga ng Pagkabuhay ng Panginoon. Sa ngayon ay ito na ang Kuwaresma na nakagawian natin, limapung taon matapos ang mga pagbabago ng Ikalawang Konsilyo Vaticano.
4 Justin Martyr, I Apolog. 67: PG 6, 429 and 432: “We all gather on the day of the sun, for it is the first day [after the Jewish Sabbath, but also the first day] when God, separating matter from darkness, made the world; and on this same day, Jesus Christ our Savior rose from the dead,” where “day of the Sun” = Sunday.
5 Nicholas V. Russo, The Early Histories of Lent, (Texas: Baylor University, Center for Christian Ethics, 2013), 1.
6 Jerome, Epist. 24, 4: PL 22:428. 7 Russo, The Early Histories of Lent, 1.
TEOLOHIYA
Ang panahon ng Kuwaresma ay nakatuon sa paghahanda sa Pagkabuhay ng Panginoon.8 Ang panahong ito ay may dalawang katangian: una, ang
paghahanda para sa mga bibinyagan sa gabi ng Pasko ng Pagkabuhay; ikalawa, ang pagtitika ng mga binyagan bilang paghahanda sa pagsariwa nila sa kanilang mga pangako sa binyag.9 Sa pamamagitan nito, inihahanda ng Simbahan ang
mga mananampalataya para sa Pagkabuhay, habang mas malimit na nakikinig sa Salita ng Diyos, at naglalaan ng higit na panahon sa pananalangin.10
Binibigyang-diin sa panahong ito ang pagbabalik-loob sa Diyos, kaya naman, pinaaalalahanan tayo na ang Diyos ay isang amang maawain, tulad ng amang tumanggap muli sa alibugahang anak.11 Kasama sa pagtitikang ito ang
pananalangin, pag-aayuno, at paglilimos o pagtulong sa kapwa, upang “Sa apatnapung araw na paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay, [tayo ay] maging dalisay para sa pagdiriwang ng tagumpay…”12 ni Hesus, ang kanyang
Pagkabuhay.
Ang bilang naman na apatnapu ay mahalaga sapagkat kumakatawan ito sa masidhi at masinsinang paghahanda at pagpapanibago, tulad ng 40 araw na umulan nang malakas at nalunod sa baha ang buong daigdig noong panahon ni Noe,13 ang 40 taon ng mga Israelita sa ilang,14 ang 40 araw na paglalakbay ni
Propeta Elias patungo sa Bundok ng Diyos,15 at ang 40 araw na pag-aayuno ni
Hesus sa ilang, kung saan tinukso siya ng demonyo.16
Sa panahong ito, inaanyayahan din ang mga mananampalataya na magnilay tungkol sa mga pangyayari sa kasaysayan ng kaligtasan, mula sa pagkakasala ng tao, sa pag-aalok ng Diyos nga kaligtasan, hanggang sa rurok nito—ang pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus,. Isang 8 Cf. Ang mga Pangkalahatang Patakaran Tungkol sa Taon ng Liturhiya at Tungkol sa
Kalendaryo (Taon at Kalendaryo), 27.
9 Caeremoniale episcoporum (CE), 249. 10 SC, 109.
11 Lukas 15, 11-32.
12 Aklat ng Pagmimisa sa Roma, Miyerkules ng Abo, unang panalangin ng pagbabasbas ng mga abo.
13 Genesis 7, 12. 14 Awit 95, 10. 15 1 Hari 19, 8. 16 Mateo 4, 1-11.
mainam na pagnilayan ang kuwento ng pag-aalay ni Abraham kay Isaac.17 Ang
tagpong ito ay sagana sa mga pagbabadya tungkol sa mangyayari sa kasaysayan ng kaligtasan:
Una, naroon ang ama na hindi nag-atubiling kitilin ang kanyang sarili at kaisa-isang anak kahit ito ay masakit sa kanya, upang makasunod sa kalooban ng Diyos. Si Abraham ay tulad ng Diyos Ama na ibinigay ang Bugtong niyang Anak upang mailigtas ang tao.
Ikalawa, ang bugtong na anak ang siya mismong bumuhat ng kahoy na pag-aalayan sa kanya patungo sa tuktok ng bundok,18 katulad ni Hesus na
nagbuhat ng kahoy na krus paakyat ng bundok ng Kalbaryo.
Ikatlo, hindi nanaig ang kamatayan sapagkat noong papatayin na ni Abraham si Isaac, pinigilan siya ng Diyos at isang tupa ang narinig niyang naipit sa mga sanga, at iyon ang isinakripisyo niya. Gayon din naman, hindi nakapanaig ang kamatayan kay Hesus dahil siya ay muling nabuhay.
Huli, sinagot ng Diyos ang tanong ni Isaac “Ama, nasaan ang tupang ihahain?”19 matapos ang 2,100 taon.20 Ang tupang ihahain sa ikaliligtas ng tao ay
ang “Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,”21 si Hesus
PAGDIRIWANG NG KUWARESMA
NG pananampalataya ng Simbahan ay ipinapahayag sa pamamagitan ng
kanyang panalangin—lex orandi, lex credendi. Kaya naman, ang ating paniniwala ay naipahahayag sa pamamagitan ng mga pagdiriwang o liturhiya. Sa puntong ito, matapos nating malaman ang teolohiya ng Kuwaresma, suriin naman natin ang liturhiya na ginagamit sa pagdiriwang nito.
A
ANG PANGALAN
Kagaya ng nasabi na, ang katawagang “Kuwaresma” ay nagmula sa salitang Latin na “Quadragesima” na nangangahulugang “apatnapung araw.” Sa wikang Ingles, ang katawagan sa panahong ito ay “Lent.” Nagmula ito sa salitang Middle English na “lente” na nangangahulugang “tagsibol”22 sapagkat ang
panahong ito ay laging tumatapat sa tagsibol sa hilagang hating-globo. Ang 17 Genesis 22, 1-19.
18 Genesis 22, 2. 6. 19 Genesis 22, 7.
20 Kalendas o Ang Pagpapahayag ng Pagsilang ng Panginoon, “Dalawang libo’t isandaang taon matapos nina Abraham at Sarah, isang libo’t tatlondaang taon pagkatapos ni Moises at ang paglaya ng Israel mula sa Ehipto.”
21 Juan 1, 29.
22 Peter J. Elliott, Ceremonies of the Liturgical Year (CLY), (San Francisco: Ignatius Press, 2002), 88.
opisyal na katawagan na ginagamit sa Aklat ng Pagmimisa sa Roma para sa panahong ito ay “Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay.” Ngunit para sa ikadadali ng talakayan, ang gagamitin natin sa panayam na ito ay Kuwaresma.
ANG TAGAL
Ang panahong ito ay binubuo ng anim na Linggo, na may katawagang Una, Ikalawa, Ikatlo, Ikaapat, at Ikalimang Linggo sa Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay.23 Ang Ikaapat na Linggo at tinatawag
na Linggo ng “Laetare,” o Linggo ng Kagalakan, kung saan nagagalak ang Simbahan sa gitna ng kanyang pagtitika dahil nasa kalahati na siya ng paghahanda, at nalalapit na ang pagdiriwang ng Pagkabuhay ng Panginoon. Ang ikaanim na Linggo ay tinatawag na Dominica in Palmis in Passione Domini, o “Linggo ng Palaspas sa Pagpapakasakit ng Panginoon,” mas kilala bilang “Linggo ng Palaspas.” Ang Linggong ito ang simula ng mga Mahal na Araw, na itinuturing na pinakabanal na linggo ng buong taong liturhiko.
Ang Kuwaresma ay nagsisimula sa Miyerkules ng Abo, isang araw ng pag-aayuno para sa buong Simbahan, at kung kailan nilalagyan ng abo mula sa mga lumang palaspas ang ating ulo. Nagtatapos naman ito bago magsimula ang Missa Vespertina in Cena Domini, o ang Pagmimiisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon, sa gabi ng Huwebes Santo.24 Mula Miyerkules ng
Abo hanggang Sabado de Gloria ay mayroong apatnapung araw na dati ay mahigpit na ipinag-aayuno. Hindi kasama sa pagbilang ang mga araw ng Linggo sapagkat hindi maaaring mag-ayuno kung araw na ito. Mula sa gabi ng Huwebes Santo hanggang sa araw ng Linggo ng Pagkabuhay, ipinagdiriwang ng Simbahan ang Triduum Paschale, o ang Triduo Paskwal, o ang Tatlong Araw na Pagdiriwang sa Pagpapakasakit at Pagkabuhay ng Panginoon. Ang tatlong araw na ito ang pinakarurok at pinakamahalagang panahon sa buong kalendaryo ng Simbahan.25
KATANGIAN NG MGA PAGDIRIWANG
Linggo
Ang araw ng Linggo ay nananatiling pinakamahalagang araw ng sanlinggo, at ipinagdiriwang bilang mga dakilang kapistahan.26 Bagamat hindi inaawit ang
Gloria at Alleluia, ipinapahayag pa rin ang Sumasampalataya. Ang mga Linggo sa taon A ay mayroong tanging pagbubunyi o prepasyo na nakaugnay sa mga pagbasa ng Linggong iyon. Para naman sa ibang mga taon, ginagamit ang pagbubunyi o prepasyo na sadyang nakatalaga para sa Kuwaresma. 23 Taon at Kalendaryo, 30.
24 Ibid., 28. 25 SC, 5.
Iminumungkahi rin ng Aklat ng Pagmimisa sa Roma na ipagdiwang ang araw ng Linggo ayon sa paraan ng statio romana, isang oaraan ng pagdiriwang noon sa Roma kung saan ang mga tao ay nagtitipon-tipon sa isang simbahan, at sama-samang nagpuprusisyon patungo sa isa pang simbahan kung saan ipagdiriwang ang Misa.27
Mga Araw ng Sanlinggo
Ang mga araw ng Lunes hanggang Sabado ay mayroong nakatalagang pagpapanalangin sa sambayanan para sa bawat araw nito na maaaring gamitin pagkatapos ng Misa.28 Liban dito, walang katangi-tangi tungkol sa pagdiriwang
sa mga araw ng sanlinggo.
Mga pagdiriwang ng mga Banal, mga Minimithing Patungkulan, at iba pa Ang mga paggunita sa mga banal na pumapatak sa panahong ito ay maipagdiriwang bilang malalaktawang paggunita.29 Kaya naman, kahit may
banal na ginugunita, ang pari ay magsusuot pa rin ng kasuotang lila. Sa Misa, ang malalaktawang paggunita ay ginagawa sa sumusunod na paraan: ang panalanging pambungad na gagamitin ay yaong sa banal, at ang lahat ng iba pang panalangin at pagbasa ay yaong para sa araw ng Kuwaresma.30 Sa
ganitong pagkakataon, ang panalanging pambungad na sadyang nakatalaga para sa araw ng Kuwaresma ay gagamitin sa pagwawakas ng mga panalangin ng bayan. Gayunman, ang mga kapistahan at dakilang kapistahan ay mananatili sa kung paano sila karaniwang ipinagdiriwang—may Gloria, at kung nakatakda, may Pagpapahayag ng Pananampalataya, ngunit walang Alleluia. Sa panahong ito pumapatak ang Dakilang Kapistahan ni San Jose, Kabiyak ng Puso ng Mahal na Birhen (Marso 19), at ang Dakilang Kapistahan ng Pagbabalita sa Panginoon o Annunciation (Marso 25). Sa Marso 25, lumuluhod sa mga salitang “Nagkatawang-tao siya” sa pagpapahayag ng pananampalataya. Kung tumapat ang dalawang ito sa araw ng Linggo, inililipat sila sa kasunod na Lunes kung kailan walang ibang pagdiriwang.
Ang mga Misang Alinsunod sa Minimithing Patungkulan (Votive Masses), ang mga Misang Kaugnay ng mga Sakramento at Sakramental (Ritual Masses), at mga Misa para sa Iba’t Ibang Pangangailangan (Masses for Various Needs) ay hindi maaaring ipagdiwang, maliban na lamang kung may may mabigat na kadahilanan o sa sariling pagbubuhat at pahintulot ng Obispo.31 Ang pagmimisa
27 Aklat ng Pagmimisa sa Roma, tagubilin para sa panahon ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay, bago ang pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo, § 1.
28 Ibid., § 3. 29 Cf. Ibid., 16b.
30 Pangkalahatang Tagubilin ng Aklat ng Pagmimisa sa Roma (GIRM), 355 a. 31Ibid., 347, 372.
kapag may libing, pagmimisa sa unang pakatanggap ng patalastas tungkol sa pagyao, at ang pagmimisa sa unang taon ng paggunita ng kamatayan ay maipagdiriwang sa anumang araw ng Kuwaresma, maliban na lamang kung Linggo, Miyerkules ng Abo, Mahal na Araw, Triduo Paskwal, at sa mga kapistahan at dakilang kapistahan.32
Mga Sakramento at Sakramental, at mga Debosyon
Ninanais ng Simbahan na magbalik-loob nang lubos ang kanyang mga anak sa panahon ng Kuwaresma, kaya marapat lamang na makapangumpisal ang mga tao, at maihanda sila sa pamamagitan ng mga Penitential Service at Kumpisalang Bayan.33 Ang sakramento ng Binyag, lalo na para sa mga may sapat na gulang,
ay iminumungkahing hindi muna ipagdiwang sa panahong ito, kundi sa bihikya ng Sabado de Gloria, nang sa gayon ay mabigyang-diin ang simbolismo ng pagsilang muli ng mga anak ng Diyos sa binyag na gaganapin sa gabi ng Pagkabuhay. Ang mga kasal naman ay hinihikayat na ipagdiwang nang buong kapayakan, at walang masyadong palamuti.34
Karaniwan nang debosyon sa panahong ito ang Estasyon ng Krus, na ang mahalagang bahagi ay ang pagninilay-nilay sa pagpapakasakit ni Kristo habang naglalakad na tangan ang krus. Nariyan din ang pagdalaw sa mga Monumento, kung saan nakalagak ang Banal na Sakramento sa gabi ng Huwebes Santo. Sa Biyernes Santo naman nariyan ang pagdedebosyon sa Mahal na Krus, at sa nagdurusang Kristo, gayon din ang pagsisimula ang nobena sa Mabathalang Awa ng Diyos.
MGA ELEMENTO NG PAGDIRIWANG
Salita ng Diyos
Napakayaman ng haing Salita ng Diyos sa panahon ng Kuwaresma. Sa simula nito sa Miyerkules ng Abo, maririnig natin si Propeta Joel na nananawagan para sa pagbabalik-loob sa Diyos.35 Para sa taon A, ang mga
inihanay na pagbasa mula sa Mabuting Balita ay pawang may simbolismong nakaugnay sa binyag. Sa unang Linggo, ito ay tungkol sa pagtukso kay Hesus habang siya ay nasa ilang, mula sa Mateo 4, 1-11. Sa ikalawa, ang pagliliwanag ng Panginoon (Transfiguration) sa Mateo 17, 1-9. Sa ikatlo, mula sa Juan 4, 5-42, ang babaeng Samaritana sa gilid ng balon. Sa ikaapat, ang pagpapagaling sa lalaking ipinanganak na bulag na matatagpuan sa Juan 9, 1-41. At ang pagbuhay kay Lazaro mula sa Juan 11, 1-45, para sa ikalimang Linggo. Ang mga pagbasang ito ay maaaring basahin kahit na taon B o K, lalo na kung mayroong
32 Ibid., 380-1. 33 Cf. CE, 251.
34 Ordo Celebrandi Matrimonium, 32. 35 Joel 2, 12-18.
naghahadang binyagan sa gabi ng Sabado de Gloria.36 Kung taon B at K, kung
kailan hindi mabasa kung Linggo ang mga pagbasang ito, maaaring basahin ang mga ito sa alinmang araw ng sanlinggo ng kanilang takdang linggo.37
PINAGKUN AN PAKSA SIMBOLISMO Unang Linggo: Mateo 4, 1-11
Ang Pagtukso kay Hesus sa Ilang
Pagtatakwil sa demonyo: Mga pangako sa binyag Ikalawang
Linggo: Mateo 17,
1-9
Ang Pagliliwanag ni Hesus
Damit na maputi pa sa niyebe: Damit na puti ng
binyag Ikatlong
Linggo: Juan 4, 5-42
Ang Pakikipag-usap ni Hesus sa Babaeng Samaritana sa
Gilid ng Balon
Tubig: Tubig ng binyag Ikaapat na Linggo: Juan 9, 1-41 Ang Pagpapagaling sa Lalaking Ipinanganak na Bulag Liwanag: Kandilang pambinyag Ikalimang Linggo: Juan 11, 1-45
Ang Pagbuhay kay Lazaro
Bagong Buhay: Ang muling pagsilang ng bininyagan sa buhay bilang anak ng Diyos.
Ang mga pagbasang para sa Linggo mula sa Lumang Tipan ay nagpapahayag ng mga yugto sa kasaysayan ng kaligtasan sapagkat ang mga pangyayaring ito ay mahalagang elemento ng katesimo tungkol sa Kuwaresma. Nakaugnay dito ang mga pagbasa mula sa Bagong Tipan.38 Kahit ang mga
pagbasa para sa mga araw ng sanlinggo ay may hayagang pagkakaugnay sa isa’t isa, at tumatalakay sa mga temang naaangkop sa panahong ito.39
Musika
Sa panahon ng Kuwaresma, ang maluwalhating musika ng Simbahan ay pansamantalang napipipi,40 at nababalot ito ng kapayakan. Ang mainam na
36 Introduction to the Lectionary, 97. 37 Ibid., 98.
38 Ibid., 97. 39 Ibid., 98. 40 CLY, 89.
musika sa Kuwaresma ay yaong naglalahad ng teolohiya ng kapanahunang ito. Pagbabalik-loob, pagsisisi sa kasalanan, at pakikipagkapwa ang naaangkop, at ang awa, habag, at kapatawarang kaloob ng Diyos ang paksa ng mga awitin sa panahong ito. Ang mga instrumento ay hindi maaaring tugtugin nang solo, at magagamit lamang upang sabayan ang pag-awit. Gayun man, kung ika-apat na Linggo ng Kuwaresma ay maaaring gamitin ang mga instrumento, at maging mas maringal ang musika.41 Iminumungkahi na tuluyang huwag nang gamitin ang
mga instrumento at ang koro ay umawit sa apat na tinig o a capella. Sa gayon, mas maihahanda ang mga mananampalataya sa ringal ng musika ng Pagkabuhay, na dapat na maging pinakamaringal na musika sa buong taon.
Kung Kuwaresma ay hindi inaawit ang Gloria at ang Allelluia. Ang Alleluia ay pinapalitan ng pagbubunyi sa Mabuting Balita, ngunit sumusunod pa rin sa balangkas na nakagawian: pagbubunyi—bersikulo ng Mabuting Balita— pagbubunyi. Ang pagbubunyi sa Mabuting Balita ay nagtataglay ng ringal na halos katulad ng sa Alleluia. Bagamat ang kahulugan ng Alleluia ay katulad lamang ng sa pagbubunying pang-Kuwaresma, “Papuri sa iyo, Panginoong Hesukristo” o “Luwalhati at papuri, Panginoong Hesukristo,” ang pagbubunying Alleluia ay tinatanggal kung panahong ito dahil ito ay kaugnay ng Pasko ng Pagkabuhay, katulad ng sabi ni San Agustin, “Tayo ay mga tao ng Muling Pagkabuhay, at ‘Alleluia’ ang ating awit.”
Bagamat walang Gloria at pinapalitan ang Alleluia, ang ibang bahaging inaawit sa Misa ay mananatiling inaawit. Ang Salmong Tugunan ay marapat pa ring awitin sapagkat ang mga salmo ay sadyang ginawa upang awitin. Gayun man, dapat na mas payak at nakaayon sa diwa ng panahon ang mga himig na gagamitin sa mga salmo.
Gayak ng Simbahan
Ang gayak ng simbahan sa panahon ng Kuwaresma ay kakikitaan ng kapayakan. Ipinagbabawal na gayakan ng mga bulaklak ang altar, maliban na lamang sa ika-apat na Linggo ng Kuwaresma, sa mga kapistahan, at dakilang kapistahan.42 Kung magiging mahigpit sa pagsunod dito, hindi rin dapat lagyan
ng dekorasyong halaman ang alinmang sulok ng simbahan. Sa araw ng Biyernes Santo ay walang kandila ang dapat na ilagay sa mga imahe ng mga banal, kundi sa Krus na Banal lamang, o sa imahe ng patay na Kristo. Mainam din kung walang kandilang ilalagya sa mga imahe sa buong panahon ng Kuwaresma. Gayon din naman, sa araw ng Sabado de Gloria hanggang sa Misa ng bihilya sa gabing iyon, ay wala dapat agua bendita sa mga lalagyan, bilang paghahanda sa bagong tubig na babasbasan sa gabing iyon.
Ang anyong panlabas ng Simbahan sa panahon ng Kuwaresma ay tila panahon ng taglagas, ngunit ito ang tunay niyang panahon ng tagsibol, kung kailan ang mga anak niya ay lumalago sa biyaya at kabutihan, sa mga paraang hindi nakikita. Paalala ito na ang pinakadakilang mga biyaya ay ibinibigay ng
41 GIRM, 313. 42 Ibid., 305.
Diyos hindi kung nakikita natin ito, ni sa pagkakataon na nararamdaman natin na puno tayo ng galak, kundi sa katahimikan.43
Mga Tanda
Sa pamamagitan ng mga tanda ay nauunawaan natin ang hiwagang bumabalot sa ating pagdiriwang. Ang Kuwaresma ay puno ng mga tanda na nagpapaalala sa atin ng diwa ng panahong ito. Ginagamit sa panahong ito ang kulay na lila,44 tanda ng pagsisisi, pagtitika, at paghahanda. Ang unang tanda na
makakadaupang-palad natin sa panahon ng Kuwaresma ay ang abo na inilalagay sa ating ulo kung Miyerkules ng Abo. Ito ay mula sa mga palaspas noong nakaraang taon. Kinakatawan nito ang ating kababaan bilang taong makasalanan, na tayo ay “mula sa alabok, at sa alabok din babalik.”45
Ikalawang tanda na ating mararanasan ay ang kapayakan ng pagdiriwang at ng pook-sambahan. Paalala ito na ang Simbahan ay nasa panahon ng pagtitika. Ang katahimikan na ito—ang hindi pag-awit sa Gloria at Alleluia, ang katahimikan ng mga kampana, ang lamlam ng simbahan—ay nagpapaalala na ang Diyos ay hindi lamang makakatagpo sa kanyang ringal at kadakilaan, kundi lalao’t higit natin siyang mapapakinggan sa katahimikan. Kung paanong ang halaman ay tahimik na lumalago at walang-ingay na nadidilig ng marahang ulan, ang ating kaluluwa rin naman ay lumalago sa katahimikan, habang walang-ingay na ibinubuhos sa atin ng Diyos ang kanyang biyaya.
Nariyan din ang tanda ng mga palaspas, na sumisimbolo sa tagumpay ni Kristo. Pinapaalalahanan tayo nito na ang tunay na tagumpay ng Mesiyas ay hindi ang paglupig sa pamamagitan ng pakikidigma, kundi ang magpalupig upang matalo ang lumupig sa tao—na ang ating hari ay hindi haring mapagmataas kundi mapagkakumbaba, na siyang dapat nating tularan.
Sa ika-limang Linggo ng Kuwaresma, nakagawian nang takpan ng telang lila ang mga imahe, kasama na ang mga krus. Bagamat hindi ito isang obligasyon, makakatulong ito upang mabigyang-tuon ng mga mananampalataya ang mas mahahalagang misteryo ng kaligtasan. Ang mga tabing ay tinatanggal bago pa man magsimula ang bihilya ng Pagkabuhay, ngunit ang mga krus ay tinatanggalan ng tabing sa Biyernes Santo. Ang mga estasyon ng krus at mga stained glass ay hindi kailanman tinatabingan.46 Ang pagtatabing ay mula sa
pagbasa ng Mabuting Balita sa araw na ito mula sa lumang paraan ng pagmimisa (ritong Tridentino) kung saan si Hesus ay pinagduduhan ng mga Hudyo, at sila ay nagtanong, “Ni hindi pa siya naglilimampung taon. Paanong nakita na niya si Abraham?”47 Tanda ito ng kawalang-pananampalataya ng mga Hudyo kay Hesus
43 CLY, 89. 44 GIRM, 346 d.
45 Aklat ng Pagmimisa sa Roma, Miyerkules ng Abo, mga salitang sinasabi habang inilalagay ang abo sa ulo.
dahil nabulag sila at hindi nakita ang pagka-Mesiyas ni Hesus. Ngunit tayong mga Kristiyano ay nakita ang kanyang pagka-Diyos, at naniniwala sa kanya.
MGA NATATANGING PAGDIRIWANG NG KUWARESMA
Miyerkules ng Abo (Feria IV Cinerum/Ash Wednesday)
Ito ang simula ng Apatnapung Araw na Paghahanda sa Pagkabuhay ng Panginoon, kung kailan naglalagay ng abo sa ulo, tanda ng pagtitika, pag-aayuno, at paghahanda.48 Ang mga abo na ilalagay sa ulo ay sinusunog sa gabi
ng Martes49 gamit ang isang ritwal na tanging para dito.
Mga Pagwawaksi (Scrutinia/Scrutinies)
Ang mga Pagwawaksi ay ginaganap sa mga simbahan na may bibinyagan. Ito ay ginaganap bilang paghahanda sa kanilang pagtanggap sa sakramento ng binyag sa gabi ng Pagkabuhay. Ang unang Linggo ng Kuwaresma ay ang pagtatala sa mga bibinyagan, at sa ikatlo hanggang ikalimang Linggo, ginaganap ang pagtuturo ng Ama Namin at pagpapahayag ng pananampalataya. Ang mga pagwawaksi ay pagbibigay-diin sa mga paghahanda para sa binyag na nagaganap sa panahon ng Kuwaresma. Sa mga lugar na may mga bibinyagan na may sapat na gulang, ang kura paroko, lalo’t higit, ang Obispo ng diyosesis, ay dapat na pagtuunang-pansin ang mga gawaing ito. Ang mga Misang ito ay may sariling mga panalanging nakatakda.
Mga Mahal na Araw (Hebdomada Sancta/Holy Week)
Sa kinagawian ng Simbahan sa Silangan, ang linggong ito ay tinatawag na Banal at Dakilang Linggo.50 Ito ang itinuturing na pinakamahalagang linggo sa
buong taong liturhiko dahil sa Linggong ito tinamo ni Hesus para sa atin ang ating kaligtasan. “Sa mga Mahal na Araw, ipinagdiriwang ng Simbahan ang mga misteryo ng kaligtasan na tinamo ni Hesukristo noong mga huling sandali ng 47 Missale Romanum ex Decreto Sacratissimi Concilii Tridentini Restitutum, Summorum
Pontificum Cura Recognitum, editio typica 1962 (Aklat ng Pagmimisa sa Roma mula sa
Kautusan ng Kabanal-banalang Konsilyo ng Trento, Kinilala ng mga Kataas-taasang Papa, pamantayang limbag, 1962), Dominica I Passionis (Unang Linggo sa Pagpapakasakit ng Panginoon), Evangelium (Mabuting Balita), Juan 8, 46-59. “Quinquagínta annos nondum
habes, et Abraham vidísti?”
48 CLY, 94.
49 Ang Martes bago ang Miyerkules ng Abo ay tinatawag na Shrove Tuesday na salitang Old English na nangangahulugang “Martes ng Pagtitika.” Sa Pranses naman, ito ay Mardi Gras, o “Matabang Martes” dahil sa araw na ito, kumakain nang labis-labis na karne ang mga tao dahil kinabukasan ay araw ng ayuno, at bawal ang karne.
50 Elena Velkova Velkovska, “The Liturgical Year in the East,” in Handbook of Liturgical
kanyang buhay sa lupa, na nagsisimula sa maluwalhati niyang pagpasok sa Jerusalem.”51 Mula Lunes hanggang Huwebes, hindi maaaring magdiwang ng
anumang Misa, tulad ng mga kapistahan ng mga banal. Hindi rin ipinahihintulot ang pagdiriwang ng binyag at kumpil.52 Sa mga araw na ito, mainam na
makapangumpisal ang mga tao. Sa panahon din ito maisasagawa ang mga debosyong pang-Kuwaresma.53
Tenebrae (Kadiliman)
Sa mga pagdiriwang ng mga Mahal na Araw, ang Miyerkules Santo at Biyernes Santo ay kinapapalooban ng pagdiriwang ng Tenebrae (Latin, “Kadiliman”) sa kadahilanang ang mga araw na ito ay pag-alala sa malungkot na bahagi na buhay ng Panginoon—ang simula ng kanyang pagpasok sa pagpapakasakit at kamatayan. Ang pangalan ng pagdiriwang ay hinango rin sa pisikal na katayuan kung saan nagaganap ang panalangin, sa gitna ng kadiliman. Ang Tenebrae ay isang mainam na pagdiriwang sapagkat inihahanda nito ang mga mananapalataya para sa liwanag ng Pagkabuhay sa pamamagitan ng pagpapakita ng dilim ng Pagpapakasakit ng Panginoon.54 Ito ay isinasagawa sa
umaga, kung kailan inilalagay sa santwaryo ang isang tirikan na may labinlimang kandila. Ang bawat isa sa mga ito ay papatayin habang umuusad ang mga bahagi ng ritwal, na ang malaking bahagi ay pag-awit ng mga salmo. Ang unang labing-apat na kandila ay kumakatawan sa labing-apat na salinlahi na namuhay sa kadiliman bago dumating si Kristo, at sa mga propeta na nagdala ng liwanag sa bayan ng Diyos ngunit hindi pinakinggan at bagkus ay pinatay pa. Ang ika-labinlimang kandila ay hindi papatayin. Ito ay tanda ni Kristo na liwanag ng sanlibutan55 na hindi kailan man mamamatay.
Misang may Pagbabasbas ng Langis (Misa ng Krisma /Missa Chrismatis/ Mass of the Chrism)
Ang Misang ito, na ginaganap sa umaga ng Huwebes Santo, ang pinakahuling pagdiriwang ng Kuwaresma, sapagkat sa takipsilim ng araw na iyon, sisimulan ang Triduo Paskwal. Ang araw na ito ang pagdiriwang ng pagtatag ng sakramento ng kaparian. Dito rin binabasbasan ang mga banal na langis na ginagamit sa paggagawad ng mga sakramento—ang Langis ng mga Maysakit, ang Langis ng mga Naghahanda para sa Binyag, at ang Banal na Krismang ginagamit sa pagtatalaga ng mga altar, sa pagbibinyag, pagkukumpil, at pag-oorden. Ginugunita natin sa araw na ito si Kristo na ating Dakilang Pari, 51 Congregation for Divine Worship, Circular Letter concerning the Preparation and of
Celebration of the Easter Feasts (CLE), (16. 1. 1988) 27.
52 Ibid. 53 CLY, 151. 54 Cf. CLY, 407. 55 Juan 8, 12.
na binuhusan ng langis at isinugo upang “ipahayag sa mga dukha ang Mabuting Balita.”56 Sa Misa ring ito sinasariwa ng kaparian ang kanilang mga pangako
noong sila ay ordenan. Ito ay ipinagdiriwang nang buong ringal ng Obispo ng Diyosesis sa kanyang sariling Katedral, kasama ang buong kaparian ng Diyosesis, gayon din ang mga mananampalataya na siyang katawan ni Hesus. Pagpapakita ito ng kaisahan ng buong lokal na Simbahan, na natitipon bilang iisang kawan sa ilalim ng pagpapastol ng kanilang Obispo, na kinatawan ni Hesus, ang Mabuting Pastol.
TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANGSA PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAYNG PANGINOON
Sapagkat naganap ni Kristo ang gawain ng pagliligtas sa tao at pagdakila sa Diyos sa pamamagitan ng misteryo ng kanyang pagpapakasakit at pagkabuhay, kung saan sa kanyang kamatayan ay nagwakas ang ating kamatayan, at sa kanyang pagkabuhay ay naibalik sa atin ang buhay na walang hanggan, ang tatlong araw na pagdiriwang ng kanyang pagpapakasakit at pagkabuhay ang pinakamahalagang yugto ng taong liturhiko.57 Kaya naman kung paanong
pinakamahalaga ang araw ng Linggo sa buong sanlinggo, gayon din naman ang halaga ng Dakilang Kapistahan ng Pagkabuhay ng Panginoon sa buong taong liturhiko.58
Huwebes Santo: Ang Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon
(Missa Vespertina in Cena Domini/Evening Mass of the Lord’s Supper) Sa gabing ito, ipinagdiriwang natin ang tatlong kaloob ni Hesus sa kanyang Simbahan: ang banal na pagkapari, ang kabanal-banalang Eukaristiya, at ang pag-ibig na di mapananaigan kahit na ng kamatayan. Pumapasok tayo sa Senakulo, ang lugar ng paghahapunan, kung saan ang Panginoon ay buong kababaang-loob na lulumuhod upang hugasan ang ating mga paa. Sa hapag ng Huling Hapunan, binibigyang-katuparan ni Hesus ang mga hain ng Lumang Tipan, at sinisimulan ang di magmamaliw na paghahain ng Bagong Tipan sa kanyang Dugo, sa pamamagitan ng pagtatag ng sakramento ng kanyang Katawan at Dugo sa Eukaristiya, sa anyo ng tinapay at alak.59 Sa gabing ito, sa
gitna ng maluwalhating awit ng Papuri sa Diyos na sinasaliwan ng mga kampana, at ng ringal ng mga ritwal na isinasagawa, inaalala natin ang kababaang-loob ng Diyos na si Hesus, na “bagama’t siya’y Diyos ay di niya inari ang pagkadiyos, bagkus ay nagpakababa siya bilang isang alipin hanggang kamatayan, oo, hanggang kamatayan sa krus.”60 Sa gabing ito rin, ang kabanal-banalang
Sakramento ay inilalagak sa isang Monumento, at ang sambayanan ay 56 Mabuting Balita para sa Misang may Pagbabasbas ng Langis, Lukas 4, 16-21.
57 SC, 106. 58 SC, 5. 59 CLY, 184.
magdamag na nagtatanod kasama ng kanilang Panginoon, upang samahan siya sa pagtahak ng daan tungo sa kanyang napipintong pagpapakasakit.
Biyernes Santo (Biyernes sa Pagpapakasakit ng Panginoon/Feria VI in Passione Domini/Friday of the Passion of the Lord [Good Friday])
Ang araw na ito ay araw ng pag-aayuno na magtatagal hanggang kinabukasan.61 Hindi ipinagdiriwang ang mga sakramento sa araw na ito,
maliban sa kumpisal at pagpapahid ng langis sa maysakit.62 Lumuluhod din tayo
sa Krus sa araw na ito bilang paggalang sa Panginoong nabayubay sa Krus. Sa Ingles, ito ay tinaguriang “Good Friday.” Tinawag itong “mabuti” sapagkat ipinakita sa atin ng Panginoon ang kahulugan ng tunay na kabutihan63—ang
mag-alay ng sariling buhay64 para sa ikabubuhay ng marami. Hindi ipinagdiriwang
ang Misa sa araw na ito sapagkat ang Misa ay pag-alala ng Pagkabuhay, at ang Lalaking Ikakasal ay tinangay at iwinalay sa atin. Ang Komunyon na tinatanggap ay mula sa tinapay na itinalagang maging Katawan ni Kristo noong gabi ng Huwebes Santo. Ang buong Simbahan ay nararamtan ng pula sa araw na ito, ang kulay ng kamahal-mahalang Dugo ng Panginoon. Dumadalo tayo sa pagdiriwang na ito hindi lamang upang tunghayan ang pagpapakasakit ni Hesus, kundi upang ipahayag ang ating pananampalataya at pag-asa sa katubusan at muling pagkabuhay na idinudulot sa atin ng kamatayan niya. Binubuksan sa atin ang misteryo ng Banal na Santatlo: ang Diyos na Pag-ibig ay patuloy na nagmamahal sa mundong lugmok sa kasalanan, kabila ng pagkakaila, pasakit, at pagdurusa na dulot nito. Sa araw na ito, inaalala natin na pinaslang ang kamatayan sa pamamagitan ng pagkamatay ni Hesus.
60 Cf. Filipos 2, 6-11. 61 Taon at Kalendaryo, 20.
62 Aklat ng Pagmimisa sa Roma, Biyernes sa Pagpapakasakit ng Panginoon. 63 Cf. CLY, 118.