PASIMULA
PAMBUNGAD
Kapag natitipon na ang sambayanan, ang Pari at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo sa dambana samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap.
Pagsapit sa dambana, ang Pari at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod sa hinihinging paraan. Magbibigay-galang ang Pari sa dambana sa pamamagitan ng paghalik sa ibabaw. Kung minamabuti niya, maiinsensuhan niya ito. Pagkatapos, ang pari ay paroroon sa kanyang upuan.
Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang Pari at ang mga tao ay magkukrus. Ipahahayag ng paring nakaharap sa mga tao:
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Sasagot ang mga tao:
Amen. PAGBATI
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao, habang ipinahahayag:
Ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na Ama natin at sa Panginoong Hesukristo nawa’y sumainyo.
Sasagot ang mga tao:
At sumaiyo rin.
Ang pari o ang diyakono o sinumang angkop na tagapaglingkod ay makapagbibigay ng maikling paliwanag tungkol sa buod ng Misang ipagdiriwang:
Tayo ay natitipon upang ipagdiwang ang Eukaristiya, ang misteryo ng pag-ibig ni Kristo sa kanyang bayan. Ipinagdiriwang natin ang pagtitipan ng Diyos
at ng kanyang mga anak na naganap sa pamamagitan ng pag-aalay ng buhay ni Kristo sa krus.
Natitipon din tayo ngayon sa hapag ng Panginoon
upang saksihan ang pagtitipan nina Tee Jay at Annie Lyn sa Sakramento ng Kasal.
Sa sakramentong ito,
sila'y magtatalaga ng kanilang mga sarili upang maging si Kristo sa isa't-isa
sa pamamagitan ng pagmamahalan
at pag-aalay ng kanilang buhay para sa bawat isa. Manalangin tayo upang ang ating mga kapatid na mag-iisang-dibdib at ang lahat ng naririto ay makasunod sa halimbawa ng pagmamahal na ipinamalas sa atin ni Kristo.
PAGSISISISA KASALANAN
Susunod na gaganapin ang pagsisisi sa kasalanan. Aanyayahan ng pari ang mga tao:
Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat gumanap
sa banal na pagdiriwang.
Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na aamin sa nagawang kasalanan.
Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos, at sa inyo, mga kapatid,
na lubha akong nagkasala
Ang lahat ay dadagok sa dibdib.
sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko
sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo, mga kapatid,
Ipahahayag ng pari ang pagpapatawad:
Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Isusunod ang mga pagluhog na “Panginoon, kaawaan mo kami.”
Pari: Panginoon, kaawaan mo kami.
Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.
Pari: Kristo, kaawaan mo kami.
Bayan: Kristo, kaawaan mo kami.
Pari: Panginoon, kaawaan mo kami.
PAPURI
Aawitin ng lahat:
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin
dahil sa dakila mong angking kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos, Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagka’t ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.
PAMBUNGADNA PANALANGIN
Pagkaraan ng awit, magkadaop ang mga kamay na ipahahayag ng pari:
Manalangin tayo.
Ang lahat kaisa ng pari ay tahimik na mananalangin nang saglit. Pagkalipas ng ilang sandali, ilalahad ng pari ang kanyang kamay at ipahahayag ang panalanging pambungad:
Ama naming makapangyarihan,
iyong itinalaga na ang pag-iisang dibdib ay maging sagisag ng pag-ibig ni Kristo sa kanyang banal na Sambayanan.
Sa pinagdugtong na buhay nina Tee jay at Annie Lyn na ngayo’y umaako sa banal na tipan ng kasal
nawa’y mangibabaw ang
ipinahahayag nilang pagmamahalan sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
UNANG PAGBASA GENESIS 2, 18-24 Paroroon sa pook ng pagbasa ang maglalahad ng Salita ng Diyos.
Ipahahayag ng tagabasa:
Pagbasa mula sa aklat ng Genesis.
Sinabi ng Panginoon, “Hindi mainam na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong.” Kaya, lumikha siya ng mga hayop sa parang at ibon sa himpapawid, inilapit sa tao, at ipinaubaya ditto ang pagbibigay ng mga pangalan ng mga iyon. Kung ano ang kanyang itawag, iyon ang magiging pangalan nila. Ang mga tao nga ang nagbibigay ng pangalan sa lahat ng ibon t mga hayop, maging maamo o mailap. Ngunit wala isa man sa mga ito ang angkop na kasama at katulong niya. Kaya’t pinatulog ng Panginoon ang tao. Samantalang nahihimbing, kiniha niya ang isang tadyang nito at pinaghilom ang mga laman sa tapat niyon. Ang tadyang na iyo’y ginawa niyang isang babae at inilapit sa lalaki. Sinabi ng lalaki, “Sa wakas, naririto ang isang tulad ko, Laman ng aking laman, buto ng aking buto”. Babae ang siyang itatawag sa kanya sapagkat sa lalaki nagmula siya. Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina upang sumama sa kanyang asawa, sapagkat sila’y nagiging isa.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:
Ang salita ng Diyos.
Sasagot ang lahat:
SALMONG TUGUNAN SALMO 127, 1-2. 3. 4-5 (TUGON: 1) Ipahahayag ng tagabasa:
Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.
Sasagot ang lahat:
Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.
Ipahahayag ng tagabasa:
Mapalad ang bawat taong sa Panginoo’y may takot. Ang maalab na adhika’y sumunod sa kanyang utos. Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan.
Ang buhay ay maligaya’t uunlad ang kanyang buhay.
Sasagot ang lahat:
Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.
Ipahahayag ng tagabasa:
Sa tahanan, ang asawa’y parang ubas na mabunga. Bagong tanim na olibo sa may dulang ang anak n’ya. Ang sinuman kung Panginoon ay kusang susundin, buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.
Sasagot ang lahat:
Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.
Ipahahayag ng tagabasa:
Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos ay tanggapin, at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem; Ang inyong magiging apo nawa, ikaw ay abutin, nawa’y maging mapayapa itong bayan ng Israel!
Sasagot ang lahat:
IKALAWANG PAGBASA 1 CORINTO 11, 23-26 Paroroon sa pook ng pagbasa ang maglalahad ng Salita ng Diyos.
Ipahahayag ng tagabasa:
Pagbasa mula sa Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso
Mga kapatid, mamuhay kayong puspos ng pag-ibig ni Kristo; dahil sa pag-ibig sa atin, inihandog niya ang kanyang buhay bilang mahalimuyak na hain sa Diyos.
Pasakop kayo sa isa’t isa tanda ng inyong paggalang kay Kristo. Mga babae pasakop kayo sa inyu-inyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang siyang ulo ng simbahan, na kanyang katawan, at siyang tagapagligtas nito. Kung paanong nasasakop ni Kristo ang simbahan, gayon din naman, ang mga babae’y dapat pasakop nang lubusan sa kani-kanilang asawa.
Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Kristo sa simbahan. Inihandog niya ang kanyang buhay para rito, upang ang simbaha’y italaga sa Diyos matapos linisin sa pamamagitan ng tubig at ng salita. Ginawa niya ito upang maiharap sa kanyang sarili ang simbahan, marilag, banal, walang batik at walang anumang dungis o kulubot. Dapat mahalin ng mga lalaki ang kani-kanilang asawa tulad ng sarili nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kanyang asawa at nagmamahal sa kanyang sarili. Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan, bagkus ito’y pinakakain at inaalagaan, gaya ng ginagawa ni Kristo sa simbahan. Tayo’y mga bahagi ng kanyang katawan.
“Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila’y magiging isa.” Isang dakilang katotohanan ang inihahayag nito – ang kaugnayan ni Kristo sa simbahan ang tinutukoy ko. Subalit ito’y tumutukoy rin sa bawat isa sa inyo; mga lalaki, mahalin ninyo ang inyu-inyong asawa gaya ng inyong sarili; mga babae, igalang ninyo ang inyu-inyong asawa.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:
Ang salita ng Diyos.
Sasagot ang lahat:
Salamat sa Diyos. ALELUYA
Tatayo ang lahat at aawitin ang Aleluya.
Aleluya! Aleluya!
D’yos ay pag-ibig na tunay kaya’t tayo’y magmahalan at siya’y ating tularan! Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Ang diyakono o ang pari ay paroroon sa pook ng pagbasa. Magagawa ito ng paprusisyon na nilalahukan ng mga tagapaglingkod na may dalang insensaryo at mga kandila.
Sa pook ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:
Sumainyo ang Panginoon.
Sasagot ang mga tao:
At sumaiyo rin.
Ihahayag ng diyakono o pari:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas.
Samantala’y kukrusan niya ang aklat, ang kanyang noo, ang kanyang bibig, at ang kanyang dibdib.
Magbubunyi ang mga tao:
Papuri sa iyo, Panginoon.
Pagkaraan, iinsensuhan ng diyakono o ng pari ang aklat kung ginagamit ang insenso at ipahahayag niya ang Mabuting Balita.
Noong panahong iyon,
may mga Pariseong lumapit kay Hesus at tinangkang siluin siya
sa pamamagitan ng tanong na ito: “Naaayon ba sa Kautusan
na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong kadahilanan?”
Sumagot si Hesus:
“Hindi pa ba ninyo nababasa sa Kasulatan
na sa pasimula’y nilalang sila ng Maykapal, lalaki at babae? At sinabi,
‘Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina, at magsasama sila ng kanyang asawa;
Kaya’t hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos
ay huwag paghiwalayin ng tao.”
Sa katapusan, ihahayag niya:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Sasagot ang lahat:
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo. HOMILIYA
ANG PAG-IISANG DIBDIB
Ang lahat ay titindig pati ang mga ikakasal. Sisindihan ang mga kandila sa magkabilang gilid ng luhuran ng mga ikinakasal. Ang mga sumusunod na pangungusap o anumang katumbas nito ay ipahahayag ng pari sa ngalan ng sambayanan ng Diyos:
Minamahal kong Tee Jay at Annie Lyn, sa Binyag at Kumpil, nakiisa kayo
sa buhay at pananagutan ng Panginoon, at sa pagdiriwang ng Huling Hapunan muli’t muli kayong makisalo
sa hapag ng kanyang pagmamahal. Ngayon nama’y kusang-loob
na kayo’y dumudulog sa sambayanang ito at humihiling ng panalangin
upang ang inyong panghabambuhay na pagbubuklod ay pagtibayin ng Panginoon.
At kayo naman, mga kapatid na natitipon ngayon, ay manalangin para kina Tee Jay at Annie Lyn at bukas-palad silang tanggapin
bilang magkaisang-dibdib
sa ating Sambayanang Kristiyano.
Sa katapusan ng pangaral, ang pari ay maglalahad ng mga katanungan sa mga ikakasal upang kanilang maipahayag ang kanilang kusang-loob at tapat na pag-ibig sa isa’t isa at ang pagiging handang tanggapin at hubugin ang kanilang mnagiging anak. Makahaharap sa bayan ang mga ikakasal hanggang sa pagpapatibay ng kanilang kasal.
Hinihiling ko ngayon
na buong katapatan ninyong ipahayag ang inyong damdamin sa isa’t isa.
Annie Lyn, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang dibdib si Tee Jay
na iyong pakamamahalin at paglilingkuran habambuhay?
Sasagot ang babae:
Opo, Padre.
Ang pari (sa lalaki):
Tee Jay, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang dibdib si Annie Lyn
na iyong pakamamahalin at paglilingkuran habambuhay?
Sasagot ang lalaki:
Opo, Padre.
Ang pari (sa magkasintahan):
Nakahanda ba kayong gumanap
sa inyong pananagutan sa Simbahan at sa bayan na umaasang inyong aarugain ang mga supling na ipagkakaloob ng Poong Maykapal
upang sila ay inyong palakihin
bilang mabubuting mamamayang Kristiyano?
Sasagot ang magkasintahan
PAGTITIPAN
Aanyayahan ng pari ang magkasintahan upang ipahayag ang kanilang pagtitipan.
Minamahal kong Tee Jay at Annie Lyn,
sa harap ng Diyos at ng kanyang Sambayanan, pagdaupin ninyo ang inyong mga palad
at ipahayag ninyo ang mithiing magtipan sa banal na sakramento ng kasal.
Magdadaup-palad ang magkasintahan. Tatanungin ng pari ang babae:
Annie Lyn, sumasang-ayon ka ba
na maging asawa si Tee jay na naririto ngayon, alinsunod sa batas at mga alituntunin
ng ating banal na Simbahan?
Sasagot ang babae:
Opo, Padre.
Ang pari (sa babae):
Buong puso ba ang pagkakaloob mo sa kanya ng iyong sarili bilang kanyang maybahay?
Sasagot ang babae:
Opo, Padre.
Ang pari (sa babae):
Nakalaan bang balikatin sa piling niya ang pananagutan ng buhay may-asawa?
Sasagot ang babae:
Tatanungin ng pari ang lalaki:
Tee Jay, sumasang-ayon ka ba
na maging maybahay si Annie Lyn na naririto ngayon, alinsunod sa batas at mga alituntunin
ng ating banal na Simbahan?
Sasagot ang lalaki:
Opo, Padre.
Ang pari (sa lalaki):
Buong puso ba ang pagkakaloob mo sa kanya ng iyong sarili bilang kanyang asawa?
Sasagot ang lalaki:
Opo, Padre.
Ang pari (sa lalaki):
Nakalaan bang balikatin sa piling niya ang pananagutan ng buhay may-asawa?
Sasagot ang lalaki:
Opo, Padre.
Magdarasal ang magkasintahang ikinakasal:
Ama namin,
kami po ay inyong loobing
magkaisa ng kalooba’t damdamin
mula ngayon sa kaginhawaan at kahirapan, sa karamdaman at kalusugan
Ang pagtitipan ng nag-iisang-dibdib ay tatanggapin ng pari:
Bilang tagapagpatunay ng Simbahan, pinagtitibay ko’t binabasbasan
ang pagtataling puso na inyong pinagtipan, sa ngalan ng Ama,
at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Sasagot ang lahat:
Amen.
PAGBABASBAS AT PAGBIBIGAYAN NG MGA SINGSING AT ARAS
Lalapit ang maydala ng singsing at aras upang ito’y panalanginan ng pari bilang pagbibigay-kahulugn sa mga sagisag na ito ng kasal. Wiwisikan ng pari ang mga singsing at aras ng banal na tubig.
Ama naming maawain, basbasan mo’t kupkupin ang iyong mga lingkod na sina Tee Jay at Annie Lyn.
Pagkalooban mo sila ng sapat na kabuhayang sinasagisag ng mga aras na ito
sa ikapagkakamit ng buhay na walang hanggan.
Iniluluhog naming ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:
Ang Pari:
Ama naming mapagmahal, basbasan mo’t lingapin ang iyong mga lingkod na sina Tee Jay at Annie Lyn. Pagindapatin mo na silang
magsusuot ng mga singsing na ito
ay maging kawangis mo sa iyong wagas na pag-ibig at walang maliw na katapatan.
Iniluluhog namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:
Amen.
Isusuot ng lalaki sa kinauukulang daliri ng babae ang singsing habang kanyang sinasabi:
Annie Lyn, kailanma’y ‘di kita pagtataksilan. Isuot mo ang singsing na ito
na siyang tanda ng aking pag-ibig at katapatan.
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
Isusuot ng babae sa kinauukulang daliri ng lalaki ang singsing habang kanyang sinasabi:
Tee Jay, kailanma’y ‘di kita pagtataksilan. Isuot mo ang singsing na ito
na siyang tanda ng aking pag-ibig at katapatan.
Ilalagak ng lalaki ang mga aras upang ipagkatiwala ito sa babae habang kanyang sinasabi:
Annie Lyn, kailanma’y di kita pababayaan. Inilalagak ko sa iyo itong mga aras
na tanda ng aking pagpapahalaga at pagkalinga sa kapakanan mo at ng ating magiging mga anak.
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
Sasagot ang babae:
Tinatanggap ko ito at nangangako akong magiging iyong katuwang
sa wastong paggamit at pangangasiwa ng ating kabuhayan.
Matapos ang pagbibigayan ng singsing at aras, maaring batiin ng mag-asawa ang isa’t isa sa pamamagitan ng masuyong paghalik. SIla’y magmamano sa kanilang mga magulang, ninong at ninang. Sila’y papalakpakan ng sambayanan habang tinutugtog ang mga batingaw.
PANALANGINNG BAYAN Sasabihin ng pari:
Mga minamahal kong kapatid,
halinang magkaisa sa pagdalangin sa Diyos para sa ating mga bagong kasal
at para sa buong Simbahan,
sanlibutan, at sa ikapagkakaisa ng tanan.
Matapos ang bawat dalangin ay ating sambitin: Isinasamo naming kami'y iyong dinggin.
Sasagot ang mga tao:
Isinasamo naming kami'y iyong dinggin.
Ipapahayag ng tagabasa:
Para sa buong Kristiyanong Sambayan
upang ito ay umunlad sa pagpapakasakit araw-araw, manalangin tayo sa Panginoon.
Sasagot ang mga tao:
Isinasamo naming kami'y iyong dinggin.
Ipapahayag ng tagabasa:
Para sa mga nagtitiis at nagpapakasakit
upang sila’y tuwangan ng Diyos sa dinadalang hapis, manalangin tayo sa Panginoon.
Sasagot ang mga tao:
Ipapahayag ng tagabasa:
Para sa kapayapaan ng buong daigdig upang ang lahat ay makatulong
sa pamumuhay na walang ligalig, manalangin tayo sa Panginoon.
Sasagot ang mga tao:
Isinasamo naming kami'y iyong dinggin.
Ipapahayag ng tagabasa:
Para kina Tee Jay at Annie Lyn
na ngayo’y pinagbuklod sa pag-iisang dibdib upang sila’y mamuhay sa kalusugan
at maligtas sa panganib,
manalangin tayo sa Panginoon.
Sasagot ang mga tao:
Isinasamo naming kami'y iyong dinggin.
Ipapahayag ng tagabasa:
Para sina Tee Jay at Annie Lyn ay pagpalain sa buklod ng tipan
gaya ng pagpapabanal ni Kristo sa ikinasal sa Cana, Galilea na pinangyarihan ng kanyang unang kababalaghan,
manalangin tayo sa Panginoon.
Sasagot ang mga tao:
Ipapahayag ng tagabasa:
Para sina Tee Jay at Annie Lyn ay puspusin ng pag-ibig, pagkakasundo at pagtutulungang matalik,
manalangin tayo sa Panginoon.
Sasagot ang mga tao:
Isinasamo naming kami'y iyong dinggin.
Ipapahayag ng tagabasa:
Para sina Tee Jay at Annie Lyn
ay panatilihing matibay sa katapatan, kasiyahan, at Kristiyanong pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Sasagot ang mga tao:
Isinasamo naming kami'y iyong dinggin.
Ipapahayag ng tagabasa:
Para sina Tee Jay at Annie Lyn at ang lahat ng mag-asawa ay bigyan ng Espiritu Santo ng ibayong pag-ibig at ligaya, manalangin tayo sa Panginoon.
Sasagot ang mga tao:
Isinasamo naming kami'y iyong dinggin.
Ipapahayag ng tagabasa:
Para sa lahat ng mga tahanan upang loobin ng Panginoon
ang pamamayani ng kapayapaan
sa mga anak at sa kanilang mga magulang, manalangin tayo sa Panginoon.
Sasagot ang mga tao:
Ipapahayag ng tagabasa:
Para sa mga kapatid nating yumao sa kabilang buhay upang sila’y lumigaya sa piling ng pag-iisang dibdib ni Kristo sa Simbahan,
manalangin tayo sa Panginoon.
Sasagot ang mga tao:
Isinasamo naming kami'y iyong dinggin.
Sasabihin ng pari:
Ama naming makapangyarihan,
kaawaan mo sina Tee Jay at Annie Lyn at pagbigyan sa kahilingang
magkamit ng iyong kaloob sa ikapagkakaisa sa pagmamahal at sa ikapagkakaroon ng ligaya sa kalangitan
kaisa ng kanilang mga supling at mga mahal sa buhay sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN
PAGHAHANDANG ALTARATNGMGA ALAY
Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.
Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng pag -aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa dukha.
Ngayon nama’y tatayo ang pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya ng pabulong:
Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
Kapag hindi ginaganap ang awit sa pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:
Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!
Ang diyakono o ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal ng pabulong:
Sa paghahalong ito ng alak at tubig
kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakaangat sa dambana habang dinarasal niya ng pabulong:
Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa
ang alak na ito
Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
Kapag hindi ginaganap ang awit sa pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:
Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!
Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal niya ng pabulong:
Diyos Amang Lumikha,
nakikiusap kaming mga makasalanan.
Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang dambana; pagkaraang iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.
Pagkatapos, ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:
O Diyos kong minamahal, kasalanan ko’y hugasan at linisin mong lubusan
PANALANGINUKOL SA MGA ALAY
Pagbalik ng pari sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang kamay sa mga tao at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:
Manalangin kayo, mga kapatid,
upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.
Sasagot ang mga tao:
Tanggapin nawa ng Panginoon
itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.
Pagkaraa’y, ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at darasalin niya ang Panalangin Ukol sa mga Alay.
Ama naming Lumikha,
iyong pagdamutan at tanggapin ang aming mga handog para sa pag-iisang dibdib nina Tee Jay at Annie Lyn. Ang pag-ibig mong kanilang tinataglay
ay loobin mong kanilang maihandog sa iyo sa kanilang pagmamahalan araw-araw sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
PANALANGINNG PAGPUPURIAT PAGPAPASALAMAT
Ngayo’y sisimulan ng pari ang Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat. Ilalahad niya ang kanyang mga kamay habang kanyang sinasabi:
Sumainyo ang Panginoon.
Sasagot ang mga tao:
At sumaiyo rin.
Pagkaraa’y isusunod niya habang itinataas niya ang kanyang mga kamay:
Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
Mga tao:
Itinaas na namin sa Panginoon.
Habang nakataas ang mga kamay, kanyang ipapahayag:
Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
Mga tao:
Marapat na siya ay pasalamatan.
Ipagpapatuloy ng pari ang Pagbubunyi o Prepasyo nang nakalahad ang mga kamay.
Ama naming makapangyarihan, tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon.
Sa kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay ang iyong bagong tipan sa iyong sambayanan
ay naghahain sa amin ng iyong buhay at pakikipag-ugnayan bilang mga kasalo sa iyong kadakilaang walang hanggan.
Sa dakilang pag-ibig na hain ng iyong Anak pinagbubuklod mo ang mga magsing-ibig upang sa pagsasama habang panaho’y
mailahad ang iyong katapatan at pagmamalasakit. Kaya kaisa ng mga anghel
na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:
Sa katapusan nito, pagdaraupin niya ang mga kamay niya samantalang kanyang pinaaabot sa hantungan ang Pagbubunyi o Prepasyo ngayong kaisa ng sambayanan kanyang inaawit o binibigkas ng malakas:
Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo! Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon. Osana sa kaitaasan.
IKALAWANG PANALANGINNG PAGPUPURIAT PAGPAPASALAMAT Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.
Ama naming banal,
ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal.
Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu gawin mong banal ang mga kaloob na ito
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang kanyang dinarasal.
upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo
ng aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.
Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.
Bago niya pinagtiisang kusang loob na maging handog,
Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakaangat sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:
hinawakan niya ang tinapay, pinasasalamatan ka niya, pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.
TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:
ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipapamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.
Ang pari ay magpapatuloy.
Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,
Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakaangat sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:
hinawakan niya ang kalis,
muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.
TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:
ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipapamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.
Pagkatapos, ipahahayag ng pari:
Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.
Aawitin ng mga tao:
Si Kristo’y namatay! Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo ay babalik sa wakas ng panahon!
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal.
Ama,
ginagawa namin ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak kaya’t iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan. Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo para maglingkod sa iyo. Isinasamo naming kaming magsasalu-salo
sa Katawan at Dugo ni Kristo ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Ama, lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig. Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni Francisco, na aming Papa, at ni Jesse, na aming Obispo
Alalahanin mo rin ang mga kapatid naming nahimlay nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan. Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas. Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos ng Kabiyak ng puso niyang si San Jose,
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig nang kalugud-lugod sa iyo, maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri
sa ikararangal mo
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.
sa pamamagitan ng iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo.
Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang kanyang ipinahahayag:
Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Ang mga tao ay magbubunyi:
ANG PAKIKINABANG
PANALANGINNG PANGINOON
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na mga kamay:
Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin ng lakas-loob:
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at aawitin niya kaisa ng lahat:
Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama.
PAGPAPANALANGINSA MAG-ASAWA Magkadaop ang kamay ng pari sa paanyaya:
Mga kapatid,
halina’t ipanalangin sa Ama nating banal
ang bagong kasal na nangangakong magmamahalan
bilang mga magkasalo sa Katawan at Dugo ng Poong mahal.
Itataas ng pari ang kanyang mga kamay na lumulukob sa mag-asawang nakaluhod habang kanyang inihahayag ang tanging pagpapala ukol sa mga bagong kasal.
Ama naming banal,
nilikha mo ang tao bilang lalaki’t babaing iyong kalarawan upang sa kaugnayan sa pag-iisang dibdib
ay maisakatuparan ang iyong layunin sa lupang ibabaw. Ama naming mapagmahal,
niloob mong sa pamumuhay
ng mga mag-asawa sa pagmamahalan
ay mabanaagan ang tipan ng iyong paghirang
na iyong minarapat ipagkaloob sa iyong sambayanan upang ang ipinahihiwatig mong lubusan
ay maglahad ng pag-iisang dibdib ni Kristo at ng Sambayanan
kaya naman hinihiling naming sina Tee Jay at Annie Lyn ay gawaran ng pagbabasbas ng iyong kanang kamay.
Ipagkaloob mong sa pagsasama nila habang buhay kanilang mapagsaluhan ang pag-ibig mong bigay
at sa isa’t isa’y kanilang maipamalas ang iyong pakikipisan sa pagkakaisa ng damdamin at isipan.
Bigyan mo rin sila ng matatag na tahanan, at mga anak na huhubuhin sa Mabuting Balita ng Anak mong mahal
para maging maasahang kaanid ng iyong angkan. Marapatin mong mapuspos ng pagpapala
ang babaing ito na si Annie Lyn, upang bilang asawa ni Tee Jay
at bilang ina ng magiging mga anak nila
kanilang maganap nang may pagmamalasakit ang tungkulin sa tahanan.
Gayun din naman, pangunahan mo ng iyong pagbabasbas ang lalaking ito na si Tee Jay
upang kanyang magampanang marapat ang tungkulin ng asawang matapat
at amang maasahan ng kanilang magiging mga anak. Ama naming banal,
pagbugyan mo sila sa pagdulog sa iyong hapag bilang mga pinagbuklod sa pag-ibig na wagas upang kanilang mapagsaluhan
ang piging na di magwawakas sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:
PAGBIBIGAYANNG KAPAYAPAAN
Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:
Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Ang pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag.
Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.
Sasagot ang mga tao:
At sumaiyo rin.
Maidaragdag, kung minamabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o pari:
Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.
At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t ibang pook, ang mga nagsisimba ay magbibigayan ng kapayapaan. Ang pari at ang mga tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan.
PAGHAHATING TINAPAY
Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niy ito sa ibabaw ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:
Sa pagsasawak na ito
ng Katawan at Dugo ng aming Panginoong Hesukristo tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati ng ostiya, aawitin ang pagluhog na ito:
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling pag-ulit saka pa lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayaan.”
PANSARILING PAGHAHANDANG PARI
Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal.
Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay, sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo, binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan. Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo, iadya mo ako sa tanang aking kasalanan
at lahat ng masama,
gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga utos, at huwag mong ipahintulot
na ako’y mawalay sa iyo kaylan man.
O kaya:
Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo, Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig nawa'y aking matanggap
PAKIKINABANG
Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi nang malakas:
Ito ang Kordero ng Diyos.
Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:
Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo nguni’t sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:
Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.
Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:
Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.
Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang, bahagyang itataas ang ostiya para sa bawa’t nakikinabang habang sinasabi: Katawan ni Kristo. Ang nakikinabang ay tutugon: Amen. Ganito rin ang gagawin ng diyakono na nagdudulot ng pakikinabang.
Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan ng pari o diyakono o tagapaglingkod.
Makababalik ngayon sa upuan ang pari. Makapag-uukol ng ilang saglit ng katahimikan o makaaawit ng papuri o salmo.
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana at paharap sa mga nagsisimbang magpapahayag:
Manalangin tayo.
Kung di pa nagaganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin ngayon, at pag¬karaan, ang Panalangin Pagkapakinabang ay ipahahayag ng paring nakalahad ang mga kamay.
Ama naming mapagmahal, patibayin nawa ng paghahain
na aming ginanap at pinagsaluhan
ang pagtataling-puso nina Tee Jay at Annie Lyn. Ang bigkis ng pag-ibig na iyong ibinigay
ay patuloy nawang humigpit at tumibay sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sa katapusan, ang sambayanan ay tutugon:
PAGHAYO SA PAGWAWAKAS
PAGTATAGUBILIN
Tatayo ang mga bagong kasal parasa tagubilin at pagbabasbas. Bilang tagubilin, sasabihin ng pari sa mga bagong kasal:
Habilin ko sa inyo, mga bagong kasal:
mamuhay kayong lagi sa pag-ibig at katapatan.
Sasabihin ng pari sa maybahay:
Annie Lyn, pag-ibig mo’y patunayan sa pagiging butihing maybahay
na may pananampalataya, kabanalan at pag-ibig sa Maykapal.
Sasabihin ng pari sa asawang lalaki:
Tee jay, maybahay mo’y ibigin
gaya ng malasakit ni Kristo sa Simbahan
bilang pagsunod sa kalooban ng Diyos Ama sa kalangitan. PAGBATI
Ang paring nakalahad ng mga kamay sa mga tao ay magpapahayag:
Sumainyo ang Panginoon.
Sasagot ang mga tao:
MARINGAL NA PAGBABASBAS
Ang diyakono o ang pari na rin kapag walang diyakono ang magpapahayag ng paanyaya:
Magsiyuko tayo habang iginagawad ang pagbabasbas.
Itataas ng pari ang kanyang mga kamay na lumulukob sa lahat, samantalang inaawit o ipinahahayag niya ang mga pagbabasbas.
Ang Diyos Amang makapangyarihan ay siya nawang magbigay
ng kagalakang dulot ng mga anak na sa inyo’y sisilang at ng kanyang kasiyahan
ngayon at magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Ang pari:
Ang Bugtong na Anak ng Diyos
ay siya nawang sa inyo’y tumuwang sa kahirapan at kaginhawahan
ngayon at magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Ang pari:
Ang Espiritu Santo ay siya nawang magdulot ng pagmamahal
na nag-uumapaw sa inyo
ngayon at magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Ang pari:
At kayong lahat na nagtipun-tipon dito
ay pagpalain nawa ng makapangyarihang Diyos Ama at Anak at Espiritu Santo.
Sasagot ang mga tao:
Amen. PAGHAYO
Ang diyakono o ang paring magkadaop ang mga kamay ay magpapahayag ng paghayo sa sambayanan:
Humayo kayong taglay ang kapayapaan
upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.
Sasagot ang mga tao:
Salamat sa Diyos.
Karaniwan, ang dambana ay bibigyang-paggalang sa paghalik dito ng pari at matapos makapagbigay-pitagan kaisa ng mga tagapaglingkod, siya ay hahayo.
Gaganapin sa wakas ang paglagda sa mga kasulatan tungkol sa kasal.
M
ga kapatid, tayo’y nilikha ng Diyos bilang kanyang kawangis, tinawag niya upang mabuhay sa pamamagitan ng pag-ibig at para sa pag-ibig, ang pangunahing kataga sa Pahayag ng Diyos ay ang kanyang ibig sa kanyang sambayanan. Ito ay ipinahahayag sa inyong pag-iibigan. Ang buklod ng pag-ibig ng magkaisang-dibdib ay siyang larawan at tagapagpahiwatig ng tipan na siyang nag-uugnay sa Diyos sa kanyang sambayanan. Ang pahayag ng Diyos ay nalubos sa pagkakaloob ng pag-ibig na siyang layuning idulot ng kayang Salita noong ito ay magkatawang-tao at noong inihain sa krus ang buhay ni Hesus para sa Simbahang kanyang kaisang dibdib. Sa paghahaing ito ay ganap na nahayag ang layuning itinatak ng Diyos sa inyong pagkatao mula pa noong kayo’y likhain. Ang inyong pag-iisang dibdib ay nagpapahiwatig ng bago at walang hanggang tipan na pinagtibay sa dugo ni Kristo. Ang Espiritu Santong pinadaloy ng Panginoon ay siyang dapat nagdudulot ng bagong kalooban at pinapagindapat niya na kayo ay makapamuhay sa pag-ibig alisunod sa pagmamalasakit sa isa’t-isa na siyang dapat pagsaluhan bilang tugon sa tawag ng pag-ibig ni Kristo na naghain ng sarili sa kanyang pagkapako sa krus. Para sa Simbahan, kayo ang laging tagapagpagunita ng naganap sa krus. Para sa isa’t-isa at sa inyong magiging anak, kayo ang tagapagpatunay tungkol sa kaligtasang idinudulot ng sakramento. Ang kaligtasang ito ay siyang nilalaman ng sakramento ng kasal bilang pag-alaala, pagganap at pagpapahayag. Bilang pag-alaala, ang sakramento ng kasal ay nagdudulot ng pagpapala at pananagutang ipagdiwang ang pagunita sa mga dakilang ginanap ng Diyos at ang pagpapatunay sa mga anak ninyo tungkol dito. Bilang pagganap, ang sakramento ng kasal ay nagdudulot ng pagpapala at pananagutang ipagdiwang ang paggunita sa mga dakilang ginanap ng Diyos at ang pagpapatunay sa mga anak ninyo tungkol dito. Bilang pagganap, ang sakramento ang kasal ay nagdudulot ng pagpapala at pananagutang gampanan ang pag-ibig na mapagpatawad at mapagmalasakit sa kapakanan ng isa’t-isa at mga anak. Bilang pagpapahayag, ang sakramento ng kasal ay nagdudulot ng pagpapala at pananagutang isabuhay at patunayan ang inaasahang pakikipagtagpo kay Kristo sa hinaharap.Ang Banal ng Mag-anak, Hesus, Maria at Jose, ay hindi mgakukulang sa pagtulong sa inyo upang maging tapat kayo sa inyong pananagutan araw-araw, upang magiging matatag kayo sa pag-ako sa mga alalahanin at suliranin sa buhay, upang maging laan kayo sa pagtulong sa mga kapwa-taong nangangailanagn ng pagdamay, at upang makatupad kayong may kasiyahan sa layunin ng Diyos para sa inyong pamumuhay.