• Tidak ada hasil yang ditemukan

Hanay Ng Mga Awitin Para Sa Kuwaresma 2018

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Hanay Ng Mga Awitin Para Sa Kuwaresma 2018"

Copied!
6
0
0

Teks penuh

(1)

Diyosesis ng San Pablo

Parokya ng Santisima Trinidad

Ministeryo ng Musikang Liturhikal

Pansol, Lungsod ng Calamba

HANAY NG MGA AWITIN PARA SA APATNAPUNG ARAW NA PAGHAHANDA SA PASKO

NG MULING PAGKABUHAY NG PANGINOON (KUWARESMA)

I.

Karaniwang Bahagi ng Misa (Ordinary of the Mass)

1. KYRIE

. Panginoon, Kaawaan Mo Kami (Ferdz Bautista) Misa ng Arsobispo

2. PAGBUBUNYI SA MABUTING BALITA

. Awitin sa tradisyunal na himig ng Pasyon

3. SANTO

. Santo (F. Bautista) Misa ng Arsobispo

4. MISTERYO NG PANANAMPALATAYA

.Aming Ipinahahayag (F. Bautista) Misang Arsobispo

5. DAKILANG AMEN

. Triplice Amen

6. AMA NAMIN

. Ama Namin (F. Bautista) Misa ng Arsobispo

7. EMBOLISMA

. (F. Bautista) Misa ng Arsobispo

(2)

I. Mga Nagbabagong Bahagi ng Misa (Proper of the Mass)

1. PAMBUNGAD NA AWIT. Ako’y Kaawaan O Mahal Kong Diyos (F. Bautista) Mga Awiting Pangsamba II

Osana sa Haring Mesiyas- Prusisyon ng mga Palaspas (J. Gaela)

Krus ng Ating Kaligtasan – Linggo ng Palaspas ng Pagpapakasakit ng

Panginoon (F. Bautista) Mga Awiting Pangsamba II 2. AWIT SA PAGHAHANDA NG MGA ALAY. Sumasamo Kami Sa’Yo (L. Judan)

Sumasamba, Sumasamo - Linggo ng Palaspas sa

Pagpapakasakit ng Panginoon (A. Dionisio) 3. AWIT SA PAKIKINABANG:

Petsa Mga Pagbasa Tema Awitin

Pebrero 14, 2018

Miyerkules ng Abo Joel 2:12-18 2 Corinto 5:20-6:2 Mateo 6:1-6, 16-18

 Paanyaya ng Diyos na manumbalik sa Kanya ang Kanyang bayan.  Inihahain sa atin ang pagliligtas ng Panginoon.  Wastong Paglilimos, pananalanging may kababaang-loob; tapat na pagsisisi at pag-aayuno. Sa Paglalagay ng Abo: Panginoon, Patawad ang ‘Yong Bayan (Ferdinand M. Bautista)  Likhain Mong Muli (Albert Alejo, SJ)  Pagbabalik-loob (Eduardo Hontiveros, SJ) Sa Pakikinabang: Dunong ng Puso (Marius C. Villaroman) Pebrero 18, 2018

Unang Linggo ng Kuwaresma Genesis 9:8-15 1 Pedro 3:18-22 Marcos 1:12-15  Ang katapatan ng Diyos sa Kanyang tipan.  Si Hesukristo ang nagbigay ng katubusan sa atin.  Nais ni Hesus

talikdan natin ang pamamaraan ng mundo at yakapin ang pamamaraan ng Diyos.

Likhain Mong Muli (Albert Alejo, SJ) Pebrero 25, 2018 Ikalawang Linggo ng Kuwaresma Genesis 22: 1-2, 9a, 10-13, 15-18 Roma 8: 31b-34 Marcos 9: 2-10  Ang katapatan ni Abraham sa Diyos at ang kanyang pagtalima.  Ang Diyos ay

handang ibigay ang lahat para sa atin.  Tumalima tayo kay

Hesus na Siyang bugtong na Anak ng Diyos.  Panginoon, Aking Tanglaw (Fruto Ramirez, SJ) Marso 4, 2018

Ikatlong Linggo Ng Kuwaresma Exodo 20: 1-3, 7-8, 12-17

1 Corinto 1: 22-25 Juan 2: 13-25

 Ang Sampung Utos ng Diyos ay

ipinagkaloob.  Ang karunungan ng

Diyos ay kahangalan sa tao.

 Ang kalooban ang higit na mahalaga.

Dunong ng Puso

(3)

4. AWIT SA PAGHAYO. Alay-Kapwa (E. Hontiveros)

MGA TAGUBILIN SA KORO AT MANUNUGTOG SA PANAHON NG PAGHAHANDA SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY (KUWARESMA)

1. Ang panahon ng Kuwaresma ay nag-uumpisa sa Miyerkules ng Abo hanggang sa Misa ng Huling

Hapunan (Huwebes Santo).

2. Ito ay panahon ng paghahanda para sa pagpapanibago ng pangako ng binyag ng mga mananbampalatayang Katoliko sa darating na Pasko ng Muling Pagkabuhay, sa pamamagitan ng pagsisisi, pananalangin at pagkakawanggawa.

3. Ang "Aleluya" sa pagbubunyi sa Mabuting Balita ay HINDI MAAARING AWITIN. Bagkus, ito ay pinapalitan ng "LUWALHATI AT PAPURI." Maaari ring awitin ang itinakdang antipona sa himig ng

pasyon.-

4. HINDI RIN INAAWIT ANG " Papuri sa Diyos" (Gloria).

5. Ang manunugtog ay tinatagubilinang tumugtog lamang upang mabigyan ng pansuportang himig ang koro. Hindi hinihikayat ang anumang karagdagang instrumento lalo na ang drums o anumang percussion instruments kasama ang beatbox, saxophone, plawta at anumang brass instruments.

Marso 11,2018 Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma (Laetare) 2 Chronicles 36: 14-16, 19-23 Efeso 2: 4-10 Juan 3: 14-21

 Ang tao ay sadyang may katigasan ng puso.  Ang Diyos ay sadyang mahabagin at ang ating kaligtasan ay bunga ng Kanyang awa.  Ang Bugtong na

Anak ng Diyos ang liwanag ng

katotohanan at inialay Niya ang Kanyang buhay upang tamuhin natin ang kaligtasan.  Pag-ibig Mo Ama -(Eduardo Hontiveros, SJ) Marso 18, 2018

Ikalimang Linggo ng Kuwaresma Jeremias 31: 31-34 Hebreo 5: 7-9 Juan 12: 20-33

 Isinulat ng Diyos ang Kanyang batas sa puso ng tao.  Sumunod si Hesus sa Ama hanggang kamatayan sa krus.  Sa kamatayan ni Hesus, buhay na walang-hanggan ay bumunga.  Kung ‘Yong Nanaisin (Manoling Francisco, SJ) Marso 25, 2018 Linggo ng Palaspas ng Pagpapakasakit ng Panginoon Isaias 50: 4-7 Filipos 2: -11 Marcos 14:1- 15:47  Ang Mesias ay nagpakasakit para sa atin.

 Ang Diyos Anak ay naging tao upang tayo’y matubos.  Ang landasin ni Hesus ay batbat ng pasakit ngunit punong-puno ng pag-ibig.  Sa Iyong Mga Yapak (Jose Cerino Jr.)

(4)

6. Sa mga manunugtog ng Portable/Electronic Keyboard, gamitin lamang ang registration (tone) na "Chapel Organ" hangga't maaari. Hindi hinihikayat ang tunog ng "Grand Piano" o anumang uri ng Electric Piano (EP), maging anumang uri ng Chromatic Percussions tulad ng "Vibraphones", "Music Box", o "Celesta" MALIBAN LAMANG SA IKAAPAT NA LINGGO NG KUWARESMA (LAETARE).

7. Sa mga tumutugtog ng GITARA, hinihikayat na tumugtog laTmang sa PLUCKING o CLASSIC STYLE at

HINDI STRUMMING.

8. Mas hinihikayat na umawit ang koro nang walang saliw na anumang instrumento ( A Capella).

Diyosesis ng San Pablo

Parokya ng Santisima Trinidad

Ministeryo ng Musikang Liturhikal

Pansol, Lungsod ng Calamba

MGA AWITIN PARA SA APATNAPUNG ARAW NA PAGHAHANDA SA PASKO NG

MULING PAGKABUHAY NG PANGINOON (KUWARESMA)

Pambungad na Awit

Ako’y Kaawaan O Mahal Kong Diyos

Ako'y kaawaan, O mahal kong Diyos, sang-ayon sa ‘Yong kagandahang- loob; mga kasalanan ko'y iyong pawiin, ayon din sa ‘Yong pag-ibig sa akin! Linisin mo sana ang aking karumhan, at patawarin mo'ng aking kasalanan! Mga kasalanan ko'y kinikilala,

di nalilimutan, laging alaala. Ako ay linisin, sa sala ay hugasan ako'y puputi nang lubus-lubusan. Galak at tuwa ako ay pupuspusin; butong nanghihina'y muling palakasin.

Awit sa Pagpapahid ng Abo

Panginoon Patawad ang Iyong Bayan

Ang tao'y hindi lamang sa tinapay nabubuhay bagkus pati sa mga salitang nagmumula sa Panginoon Magsisi tayong mataos halina't magbalik loob sa mapagpatawad na Diyos gutom tayong manikluhod ng may abot sakong suot Sa pagitan ng pasukan at dambana ng simbahan Saserdote ay magiyakan Panginoon Iyong bigyan

ng patawad ang 'Yong bayan

Likhain Mong Muli

Ilikha mo kami ng ‘sang bagong puso, hugasan ang kamay na basa ng dugo. linisin ang diwang sa halay ay puno. ilikha mo kami ng ‘sang bagong puso Itindig mo kami, kaming iyong bansa. akayin sa landas patungo sa kapwa. ihatid sa piging na ‘yong inihanda. itindig mo kami, kaming iyong bansa .

Amang d’yos, ‘yong baguhin ang tao’t daigdig. sa banal na takot,

sambang nanginginig, ibalik ang puso’t bayang nanlalamig

likhain mong muli kami sa pag-ibig.

Pagbabalik-loob

Masdan mo Oh Diyos ang lingkod mo na nagbabalik loob sa iyo

Bagamat di marapat ay dumudulog sa’yo Upang makamtan ang awa mo

Ang diwa ko’y naninimdim kung malayo sa’yo Ang pusoy koy’s namimighati kung mawalay sa’yo

Kailan mo pa kaya matitikman ang awa mo Kailan tatamuhin ang patawad mo

Kay tagal kong nalayo sa’yo

At kay daming mga taong sinaktan ko

At and siyang iniisip ko ay kaginhawahan ko Pininid sa kapwa puso ko

(5)

Kaya nga O Diyos kalugdan mo Ang pagbabalik loob sa iyo Diwa ko linisin mo

Puso ko ay buksan mo

Upang makamtan ang awa mo

Awit sa Paghahanda ng mga Alay Sumasamo Kami sa’Yo

Sumasamo kami sa ‘Yo, marapatin yaring alay. Panginoon, tangapin Mo, itong alak at tinapay.

Sa ‘Yo, Poon, aming handog: buong puso’t pag-iisip. Ilayo Mo sa panganib, at kupkupin sa pag-ibig. Buhay nami’y nakalaan, sundin ang ‘Yong kalooban. Lugod naming paglilingkuran, layunin ng kaharian.

Dinggin ang aming dalangin, yaring alay ay tanggapin. Lahat kami’y pagpalain, at kandungin sa ‘Yong piling.

Awit sa Pakikinabang Dunong ng Puso

KORO:

Panginoon sa puso ko'y ituro Mo dunong ng puso Mo.

Pusong dalisay likhain Mo sa ‘kin.

'Sang diwang matatag sa puso ko'y ihain. Sa piling Mo sa t'wina ako'y ilapit.

Diwa Mong banal h'wag Mong ipagkait. (KORO)

Puso'y gawaran ng kaligtasan. Patibayin sa akin tapat na kalooban. Landas Mo ay aking ihahayag. May sala sa 'Yo ay mapapanatag. (KORO)

Sa 'Yong dambana'y 'di kalugod-lugod. Pusong nagsisisi tanging sapat sa 'Yo, pusong nagmamahal, pusong laan sa 'Yo. (KORO)

CODA: Dunong ng puso Mo…

Kung ‘Yong Nanaisin

Kung 'Yong nanaisin, aking aakuin

At babalikatin ang krus Mong pasanin Kung 'Yong iibigin, iputong sa akin Koronang inangkin, pantubos sa amin KORO

Kung pipiliin, abang alipin Sabay tahakin, krus na landasin Galak ay akin, hapis ay 'di pansin Ang 'Yong naisin, siyang susundin Kung 'Yong hahangarin, Kita'y aaliwin At kakalingain, lumbay papawiin (KORO)

Ang Kaluluwa Ko’y Nauuhaw

Katulad ng lupang tigang Walang tubig, ako’y nauuhaw O Diyos hangad kitang tunay Sa Iyo ako’y nauuhaw Kaya Ika’y minamasdan Doon sa Iyong dalanginan Nang Makita kong lubusan Lakas Mo at kaluwalhatian KORO:

Ang Kaluluwa ko’y nauuhaw Sa Iyo O Panginoon ko (ulitin) Ang kagandahang-loob Mo Ay higit sa buhay sa mundo Kaya ako’y nagpupuri

Ngalan Mo’y aking sasambitin (KORO)

Panginoon, Aking Tanglaw

Panginoon, aking tanglaw Tanging Ikaw ang kaligtasan Sa panganib ingatan ako

Ang lingkod Mong nananalig sa 'Yo

KORO:

Ang tawag ko'y 'Yong pakinggan Lingapin Mo at kahabagan Anyaya Mo'y lumapit sa 'Yo

Huwag magkubli, huwag kang magtago Sa bawat sulok ng mundo

Ang lingkod Mong hahanap sa 'Yo (KORO) Panginoon, aking tanglaw

Tanging Ikaw ang kaligtasan Sa masama ilayo Mo ako

Ang lingkod Mong nananalig sa 'Yo.

Awit sa Paghayo Alay-Kapwa

‘Di ba’t sadyang may kapwa ang sarilimg Dapat Hainan ng pagsisilbi

(6)

Kung sa kapwa buhay mo ay naalay Bawat galling, gamitin sa paglingap Lagging damhin kung may naghihirap At tandaan: ganyang pagmamahalan, Unang-unang atas ng Kabanalan.

Referensi

Dokumen terkait

Ngunit pag ang influencia moral ng medium ay iginiit at ipinadama, iyon ay kung kailan ipinapalit niya ang sariling kuro o akala sa halip ng sa espiritu na siyang ipinahahatid

Aalamin ng pag-aaral na ito ang lawak ng kaalaman ng mga guro sa Ortograpiyang Filipino.Sasagutin sa pag-aaral na ito kung ano ang profile ng mga guro sa Mataas na Paaralan ng

Ayon sa mga T'boli, ang pista ng Lem-lunay ay nag-ugat sa kanilang paniniwala sa pagkakaroon ng isang Lem-lunay, isang paraiso noong panahon ng kanilang ninuno na nais nilang

Loobin Mo siyang makaraang maluwalhati sa pinto ng kamatayan upang magtamasa ng buhay na walang hanggan sa piling ng iyong mga banal at ng aming amang si Abraham.. Ipag-adya Mo siya

At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot ang pusoko sa pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng ginawa

Nakaugalian na umawit ng Aleluya bago ipahayag ang Mabuting Balita sa Panahon ng Pagkabuhay, at ang ating Leksiyonaryo (Ang Salita ng Diyos) bagamat ang mga tugon sa Salmong

Ang panguhing layunin ng pag-aaral na ito ay madalumat ang mga salitang taboo sa Visayas partikular sa Rehiyon VII at Rehiyon VIII na nakatuon sa mga wikang ginagamit na nagkakaroon

Sa mga pinagbatayang teorya ng pag-aaral na ito, tiningnan ang antas ng kaalaman ng mga magulang sa pagbabasa ng mga anak sa tahanan at antas ng pakikisangkot ng magulang sa pagbabasa