• Tidak ada hasil yang ditemukan

Bihilya Para sa Mga Yumao

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Bihilya Para sa Mga Yumao"

Copied!
21
0
0

Teks penuh

(1)

APOSTOLADO NG PANALANGIN –

KABATAAN

Diyosesis ng Antipolo

Parokya ng Inmaculada Concepcion Pambansang Dambana ng Ina ng Kapayapaan at

Mabuting Paglalakbay Katedral ng Antipolo

BIHILYA PARA

SA MGA

(2)

PAGBATI

NAMUMUNO: Mga minamahal na kamag-anak, kaibigan ng yumao at lahat ng natitipon dito, nasa ating harapan ang walang buhay at katawan ni ____________________________ na atin ngayong ipagdarasal upang ang kanyang kaluluwa ay tanggapin ng Diyos sa kanyang sinapupunan. Hilingin natin na nawa’y ipagkaloob sa ating kapatid ang kapahingahang walang hanggan. PAMBUNGAD NA AWIT

BUKSAN ANG AMING PUSO INTRO: Em-B7-Em

Em B7 Em E7 Am I. Buksan ang aming puso, turuan mong mag-alab; B7 Em Am B7 Em

Sa bawat pagkukuro, lahat ay magkayakap. B7 G B7 G II. Buksan ang aming isip, sikatan ng liwanag B7 Em Am F# B7 Nang kusang matangkilik, tungkuling mabanaag.

Em B7 Em E7 Am III. Buksan ang aming palad, sarili’y maialay; B7 Em Am B7 Em Tulungan mong ihanap kami ng bagong malay.

NAMUMUNO: Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo BAYAN: Amen

NAMUMUNO: Mga kapatid, sa inyong kalumbayan at

pangungulila nakikiramay ang buong bayan ng Diyos, sa binyag ang ating kapatid na si ______________________________ ay

(3)

sa kanyang kamatayan ay nagtamo ng buhay na walang hanggan. Tandaan natin ang sinasabi ng Panginoon: “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling magsasama-sama sa piling ng ating Amang nasa langit.”

PANALANGIN

NAMUMUNO: O maawaing Ama, Diyos na walang hanggan dinggin Mo ang aming panalangin para sa anak Mo na si _______________________________ na tinawag Mo sa kabilang buhay.

Pagkalooban Mo siya ng liwanag, kaligayahan at kapayapaan. Loobin Mo siyang makaraang maluwalhati sa pinto ng kamatayan upang magtamasa ng buhay na walang hanggan sa piling ng iyong mga banal at ng aming amang si Abraham.

Ipag-adya Mo siya sa lahat ng masama at sa araw ng muling pagkabuhay, gantimpalaan Mo siya na kasama ng mga banal.

Patawarin Mo ang lahat ng kanyang mga kasalanan at pagkukulang.

Bigyan siya ng buhay na walang hanggan. BAYAN: Amen.

ANTIPONA

TUGON: Sa mga panganib, ika’y ililigtas, nitong Panginoon, Siyang mag-iingat.

NAMUMUNO: Sa gawi ng bundok, tumingin ako, saan manggagaling ang aking saklolo? Ang hangad kong tulong, sa Diyos nagmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at lupa. (TUGON)

(4)

NAMUMUNO: Sa gitna ng paghihirap, tinawag ko’y Panginoon, kaya, Panginoon ako’y dinggin pagkat ako’y tumataghoy, dinggin Mo ang pagtawag ko’t paghingi ng Iyong tulong. (TUGON)

NAMUMUNO: Sabik akong naghihintay sa tulong Mo Panginoon, pagkat ako’y tiwala sa pangako Mong pagtulong. Yaring aking pananabik Panginoon ay higit pa, sa serenong naghihintay ng pagsapit ng umaga. (TUGON)

NAMUMUNO: Ang tagapagtanggol ng bayan ng Israel, hindi natutulog at palaging gising! Ang Diyos na si Yahweh, Siyang nagbabantay, laging nasa piling, upang magsanggalang, ‘di ka magdaramdam sa init ng araw, kung gabi ay ‘di ka sasaktan ng buwan. (TUGON)

NAMUMUNO: Magtiwala ka Israel, magtiwala sa Iyong Diyos, matatag at ‘di kukupas ang pag-ibig Niyang dulot. Lagi Siyang naghahandang sa sinuman ay tumubos. Ililigtas ang Israel, yaong kanyang mga hirang, ililigtas Niya sila sa kanilang kasalanan. (TUGON)

NAMUMUNO: Papuri sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo BAYAN: Amen.

AWIT NG PAGHAHANGAD

INTRO: G/A-D/A-G/A-D/A-G-M9-D/F#-Em7-CM7-Asus-A D A/C# Bm D/A G D/F# E/G# A I. O Diyos, Ikaw ang laging hanap loob ko’y Ikaw ang laging hangad D A/C# Bm D/A G D/F# Em C G/A Nauuhaw akong parang tigang na lupa sa tubig ng ‘Yong pag-aaruga.

(5)

II. (Do chords of 1)

Ika’y pagmamasdan sa dakong banal nang makita ko ang ‘Yong pagkarangal Dadalangin akong nakataas aking kamay magagalak na await Ng papuring iaalay.

CHORUS:

G A/G F#m7 Bm7 Em7 A D D7 Gunita ko’y Ikaw habang nahihimlay pagkat ang tulog Mo sa t’wina’y

taglay

F#m G A/G F#m7Bm7 G D/G Em C A Sa lilim ng iyong mga pakpak, umaawit akong buong galak. III. (Do chords of I)

Aking kaluluwa’y kumakapit Sa’yo kaligtasa’y tiyak kung hawak Mo ako

Magdiriwang ang hari ang Diyos S’yang dahilan

Ang sa iyo ay nangako galak yaong makakamtan. (Chorus) CODA:

G D/F# Em7 E/F# G D/F# Em7 G/A GM9 Umaawit, umaawit, umaawit akong buong galak.

D/F#-Em7-D/F#-GM9-D/F#-Em7-Asus4-D

(6)

NAMUMUNO: Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan.

Ang mga kaluluwa ng mga banal ay nasa kamay ng Diyos, at hindi pa maabot ng pagdurusa. Sa paningin ng hangal, sila’y mukhang mga patay, at ang kanilang pagpanaw ay ituturing na isang kapighatian, at ang kanilang paglisan sa atin, ganap na pagkawasak. Ngunit sila’y nasa kapayapaan.

Sapagkat kung sa harap ng tao’y tunay nga silang naparusahan, datapwat ang kanilang pag-asa ay puno ng buhay na walang hanggan. Bahagyang naparusahan, sila’y pagpalain ng malaki sapagkat sinubok sila ng Diyos at napatunayang karapat-dapat sa kanilang sarili.

Tulad sa gintong nasa apuyan, sila ay sinubok nilang wari’y mga alay sa paghahain, sila’y kinuha Niya sa Kanyang sarili. Sa panahon ng pagdalaw sa kanila sila’y magningning at sila’y sisiklab tulad ng kislap sa dayami.

Hahatulan nila ang bansa at pangangasiwaan ang bayan at ang Panginoon ang kanilang magiging hari magpakailanman. Ang nagtiwala sa Kanya’y nasa Kanyang piling sa pamamagitan ng pag-ibig. Sapagkat kalinga at habag ang taglay ng kanyang mga hinirang.

NAMUMUNO: Ito ang salita ng Diyos. BAYAN: Salamat sa Diyos.

(7)

SALMO

TUGON:Ang Panginoon ang aking liwanag at kaligtasan

NAMUMUNO: Ang Panginoon ang aking liwanag at kaligtasan; kanino ako matatakot? Ang Panginoon ay tanggulan ng aking buhay: kanino ako masisindak? (TUGON)

NAMUMUNO: Kung sinusunggaban ako ng masama upang paslangin, mabubuwal ang aking kaaway at kalaban. Harapin man ako ng isang hukbo, ‘di matatakot ang aking puso. (TUGON)

NAMUMUNO: Kahit lusubin ako, mapanatag pa rin ako, maniniwala akong madarama ko ang kabutihan ng Panginoon sa lupain ng mga buhay. (TUGON)

NAMUMUNO: Masigasig mong hintayin ang Panginoon; pasiglahin ang iyong puso at hintayin ang Panginoon. (TUGON)

ALELUYA

INTRO: Am-Em/G-Em-Am-Dm-G-Csus-C Am Em/G FM7 G/F Em7

Alelu-ya, ale lu-ya

C/E Dm7 Dm/C Gsus-G Am Em/G Kami ay gawin Mong daan ng Iyong pag-ibig, EM7 G/F Em C/E Am Em/G Em Am Dm-G Csus-C

(8)

EBANGHELYO

NAMUMUNO: Pagbasa sa banal na Ebanghelyo ayon kay San Mateo BAYAN: Papuri sa Iyo, Panginoon.

Nang panahong iyon, nang makita ni Hesus ang makapal na tao ay umahon sa bundok. Pagkaupo Niya ay nagsilapit ang kanyang mga alagad. At nagsalita Siya upang turuan sila.

Mapapalad ang mga dukha sa Espiritu sapagkat kanila ang kaharian ng langit.

Mapapalad ang mga maamo sapagkat tatamuhin nila ang lupa Mapapalad ang mga hinahapis sapagkat aaliwin sila

Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa matuwid na pamumuhay sapagkat bubusugin sila

Mapapalad ang nga maawain sapagkat makakamit nila ang awa Mapapalad ang mga may malinis na puso sapagkat makikita nila ang Diyos

Mapapalad ang mga tagamayapa sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos

Mapapalad ang mga pinag-uusig dahil sa katarungan sapagkat kanila ang kaharian ng Diyos

Mapapalad kayo kung dahil sa akin ay alimurahin at usigin kayo ng mga tao at pagwikaan kayo ng lahat ng masama dahil sa akin. Magalak kayo at magsaya sapagkat malaki ang iyong gantimpala sa langit.

NAMUMUNO: Ito ang mabuting balita ng kalitasan BAYAN: Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo

(9)

Ipakita Mo ang Iyong awa sa mag-anak na ito sa kanilang kalumbayan, Ikaw sana ang maging tagapagligtas nila na magdulot sa kanila ng lakas ng loob.

Sa kamatayan at pangungulila, ipadama Mong naririto Ka sa piling nila upang aliwin sila.

Ang kamatayan ay nilupig ng anak Mong si Hesukristong Panginoon naming ng Siya’y mamatay dahil sa amin, at ibinalik sa amin ang buhay ng muling pagkabuhay.

Ipagkaloob Mong matanggap kami sa Kanyang kaharian at pagkatapos ng buhay na ito ay makapiling muli ang aming kapatid na yumao na, doon ay mapapawi ang lahat ng hirap at hapis.

Isinasamo namin ito alang-alang kay Kristong aming Panginoon. Amen.

HULING PAMAMAALAM

Buong pitagan nating dalhin ang marupok na katawan ng ating kapatid na si ________________________ sa huling hantungan ng lahat ng tao. Manalangin tayo ng may matibay na pananalig sa Diyos, na nagbibigay-buhay sa lahat ng bagay upang ang marupok na katawan ng ating kapatid ay muling mabuhay pagdating ng panahon na puspos ng lakas at papuri ng mga anghel at mga banal sa kalangitan.

Sa paghuhukom nawa’y magdalag awa sa kanya ang Panginoong Hesukristo at patawarin siya ng lahat ng kanyang nagawang kasalanan. Nawa’y ihatid siyang maluwalhati ni Kristong mabuting pastol upang magtamasa ng kapayapaan at kaligayahang walang hanggan sa piling ng ating Ama, na Siyang Hari ng buhay at kamatayan.

TUGON: Tanggapin ang kanyang kaluluwa at iharap sa kataas-taasang

Diyos

NAMUMUNO: O mga banal ng Diyos, halina, O mga anghel ng Panginoon, salubungin ninyo siya. (TUGON)

(10)

NAMUMUNO: Nawa’y kupkupin ka ni Kristo, na tumawag

sa iyo sa

binyag, at ihatid ka ng mga anghel sa sinapupunan ni

Abraham. (TUGON)

NAMUMUNO: Pagkalooban Mo siya, Panginoon, ng

pamamahingang walang hanggan. At tumanglaw sa kanya

ang Iyong liwanag magpakailanman. (TUGON)

O maawaing Ama, sa Iyong pagkandili ay ihatid ang

aming kapatid na si _______________________ na yumao na.

nananalig kami sa tulad ng mga namatay ay muli siyang

mabubuhay na kasama ni Kristo sa huling araw.

Nagpapasalamat kami sa Iyo sa lahat ng biyayang

ipinagkaloob Mo sa kanya bilang tanda na Iyong

pagmamahal sa aming lahat at aming pakiki-isa sa lahat ng

banal sa kalangitan sa pamamagitan ni Kristo na aming

Panginoon.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin, upang

makapasok sa paraiso ang Iyong lingkod, aliwin kami sa

aral ng pananampalataya, upang pagdating ng panahon ay

muli naming makasama ang aming kapatid, salubungin

kami ni Kristo at makapiling Ka sa kabilang buhay.

Nawa’y ihatid ka ng mga anghel sa Panginoon: sa iyong

pagdating, tanggapin ka ng mga martir at dalhin sa banal

na lungsod, ang makalangit na Herusalem.

(11)

Panginoon naming Diyos, pakinggan Mo po ang

hinihiling naming sa Amang mapagpatawad at

masintahin, sa kaginhawaan ng tao. Hinihiling naming

na patawarin Mo na, ang kaluluwa ni

_________________________ at ang mga kaluluwa sa

purgatoryo, ng mga magulang, kamag-anak, kapatid

nitong katipunang nangamatay, na sa tulong ng palagi

ni Santa Maria at ng lahat ng Santo, Diyos Amang

sumakop sa lahat ng nagsisisampalataya at

nagsisamang palagi, nakarating sa langit sa Iyong

kaluwalhatian. Makamtan niya ang indulhensiyang

ninanasa niyang parati alang-alang at pakundangan

sa buhay Mo’t kaharian magpasawalang hanggan. Siya

nawa.

(12)

N – Ama naming mapagmahal, inihahabilin namin

sayo si __________________________ na pumanaw na sa

buhay na ito. Huwag mo siyang pababayaan at

pamaligiin mo siyang buhay sa iyong piling.

Alang-alang sa iyong awa at pag-ibig, patawarin mo na sana

ang kanyang mga pagkukulang at nagawang

pagkakasala dala ng kanyang kahinaan.

Manatili nawa siyang maligaya sa iyong piling kasama ng iyong Anak at Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

B – AMEN.

NAMUMUNO: Pagkalooban Mo po siya Panginoon ng kapahingahang walang hanggan.

BAYAN: Bigyan Mo sila ng liwanag at ilaw na walang katapusan. NAMUMUNO: Mapanatag nawa siya sa kapayapaan

(13)

(Ama namin…. Aba Ginoong Maria….. Luwalhati…..)

N – At pagpalain nawa tayo ng makapangyarihang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo.

B – AMEN.

(14)

Hindi kita malilimutan Hindi kita pababayaan Nakaukit magpakailanman

Sa 'king palad ang 'yong pangalan Malilimutan ba ng ina

Ang anak na galing sa kanya? Sanggol sa kanyang sinapupunan Paano niya matatalikdan

Ngunit kahit na malimutan Ng ina ang anak niyang tangan Hindi kita malilimutan

Kailanma'y di pababayaan Hindi kita malilimutan Kailanma'y di pababayaan

The LORD is my shepherd; I shall not

want. He makes me to lie down in

green pastures: he leaded me beside

the still waters. He restored my soul:

he leaded me in the paths of

righteousness for his name's sake.

Yea, though I walk through the valley

of the shadow of death, I will fear no

evil: for thou art with me; thy rod

and thy staff they comfort me. Thou

prepare a table before me in the

presence of mine enemies: thou

anoint my head with oil; my cup

runneth over. Surely goodness and

mercy shall follow me all the days of

my life: and I will dwell in the house

of

the

LORD

for

ever.

(15)

ANG KALULUWA KO’Y NAUUHAW

1. KATULAD NG LUPANG TIGANG, WALANG TUBIG, A-KO’Y

NAUUHAW / O, D’YOS HANGAD KITANG TUNAY / SA IYO

AKO’Y NAUUHAW.

2. KAYA IKA’Y MINAMASDAN DOON SA IYONG

DALA-NGINAN / NANG MAKITA KONG LUBUSAN LAKAS MO AT

KALUWALHATIAN.

//: ANG KALULUWA KO’Y NAUUHAW / SA IYO, O, PANGINOON KO

/ ANG KALULUWA KO’Y NAUUHAW / SA IYO, O, PANGINOON KO.

3. ANG KAGANDAHANG-LOOB MO AY HIGIT SA BUHAY SA

MUNDO / KAYA AKO’Y NAGPUPURI, NGALAN MO’Y AKING

SASAMBITIN. ://

(16)

SALMO 23

Koro:

Ang Panginoon ang aking Pastol

Hindi ako magkukulang.

Ako ay kanyang pinagpapahinga

Sa mainam N’yang pastulan.

Inakay ako sa tahimik na batis

At dulot N’ya’y bagong lakas

Tapat sa pangakong ako’y sasamahan

Niya sa tuwid na landas. (koro)

Daan ma’y puno ng dilim o ligalig

Hindi ako mangangamba

Tungkod Mo’t pamalo ang s’yang gagabay

sa’kin at sasanggalang twina. (koro)

(17)
(18)
(19)

AMA NAMIN INTRO: Em-C/E-D/F#-G-CM7-Bm7-Esus4-Em

Em C/E D/F# G C Bm7 Esus Em Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo

Em7 Bsus4-B Em Em/D Bsus4 Mapasaamin ang kaha-rian Mo, sundin ang loob Mo

B7 C Am Bsus4 E G#m7 A F#m7 B E E/D#

Dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw,

C#m C#m/B F#sus4 F#7 F#m/E G#sus4 G# C#m G#sus4 G#7 C#m

At patawarin Mo kami sa aming mga sala. Para nang pagpapatawad namin G#sus4 G# A Em C/E D/F G C

Sa nagkakasala sa amin. At h’wag Mo kaming ipahintulot sa tukso Bm7 Em Em/D CM7 Bm7 Esus4 Em

At iadya Mo kami sa lahat ng masama.

(20)

TUGON: Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.

NAMUMUNO: Muling binuhay ng Diyos Amang makapangyarihan ang Kanyang anak na si Kristong Panginoon. Buong pananalig nating hingin sa Kanya na ligtas ang kanyang bayan. Sa binyag ang ating kapatid na si ___________________________ ay tumanggap ng pangako na magkamit ng buhay na walang hanggan. Panginoon, isama Mo siya sa piling ng iyong mga anghel magpakailanman. (TUGON)

NAMUMUNO: Idinadalangin namin ang aming kapatid, kamag-anak, lahat ng mahal sa amin at gumawa ng mabuti; Panginoon, gantimpalaan Mo sila dahil sa kanilang kabutihan. (TUGON)

NAMUMUNO: Idinadalangin namin ang lahat ng yumao na umaasang muling mabubuhay; Panginoon, tanggapin Mo sila sa iyong kaharian. (TUGON)

NAMUMUNO: Idinadalangin naming ang lahat ng naririto ngayon na sumasampalataya; Panginoon, pag-isahin Mo kami sa pananampalataya at pag-ibig. (TUGON)

SINO AKO I.

C Am Dm G G7 F

Hiram sa Diyos ang aking buhay. Ikaw at akoy tanging handog lamang Am Dm G G7 C Dm G

Di ko ninais na akoy isilang, ngunit salamat dahil may buhay II.

C G C Ligaya ko nang akoy isilang, pagkat tao ay mayroong dangal Am Dm

(21)

Sinong may pag ibig, sinong nagmamahal G G7 F C C7 Kundi ang taong Diyos ang pinagmulan C Am

Kung di ako umibig, kung di ko man Fm Dm bigyang halaga. Ang buhay koy handog F C

Dm G C

Ang buhay kong hiram sa Diyos, kung di ako magmamahal sino ako.

PARA SA MGA KAMAG-ANAK NG YUMAO Manalangin Tayo:

O Ama, na puspos ng awa, Diyos ng lahat ng kaaliwan, sa Iyong walang hanggang pag-ibig at awa, ang dilim ng kamatayan ay ginawa Mong bukang liwayway ng panibagong buhay.

HUWAG KANG MANGAMBA

-Batay sa Isaias 43

Onofre Pagsanghan – Manoling Francisco, SJ

KORO1:

H’wag kang mangamba. ‘di ka nag-iisa. Sasamahan kita saan man magpunta

Ika’y mahalaga sa ‘King mga mata Minamahal kita, minamahal kita.

1. Tinawag kita sa ‘yong pangalan. Ikaw ay Akin magpakailanman. Ako ang Panginoon mo at Diyos, Tagapagligtas mo at Tagatubos. (Koro1)

2. Sa tubig kita’y sasagipin, sa apoy ililigtas man din.

Ako ang Panginoon mo at Diyos, tagapagligtas mo at Tagatubos. (Koro2)

KORO2:

H’wag kang mangamba. ‘di ka nag-iisa. Sasamahan kita saan man magpunta

Ika’y mahalaga sa ‘King mga mata Minamahal kita, minamahal kita,

Referensi

Dokumen terkait

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal: Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay, sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo, binuhay mo sa iyong pagkamatay

Ang mga talatanongan papel na naglalaman ng mga katanongan patungkol sa homosekswal ang ginamit naming upang malaman namin kong tanggap ba sa lipunan ang

Kapag namatay ang isang pinuno, pumapatay din sila ng isang alipin nito upang magsilbi sa kanyang panginoon (amo, master) sa „kabilang buhay.‟ Hanggang maaari, ginagaya nila

Ang araling pananaliksik na ito na pinamagatang “Pagdetermina ng mga Paraan ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral ng Unang Taon sa Kolehiyo sa Pamamagitan ng Sistemang VARK” ay

Risoma para sa mga Puno Mga Konsepto nina Deleuze-Guattari para sa Ekolohiya ng Lungsod Naga, Bikol Paz Verdades Santos Abstrak Tinatalakay ng papel kung paano maaaring magamit sa

Brugada / Mga Bintana ng Liwanag sa Hilaga 612 Kritika Kultura 26 2016: –613 © Ateneo de Manila University Isang sandaling pagsilip sa mundo at buhay ng mga Bangsamoro ang librong

Kasalukuyan siyang guro ng Filipino at Panitikan sa Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila kung saan nanunungkulan din siya bilang Undergraduate Program Coordinator..

Aking salin Hahamunin ng mga Ilokano kung bakit iba ang umaangkin sa lupa samantalang sa kadagaan, pinagsisilbing mataba ang lupa upang mapakinabangan ng mismong nagbubungkal..