• Tidak ada hasil yang ditemukan

PANALANGIN PARA SA KALULUWA

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "PANALANGIN PARA SA KALULUWA"

Copied!
8
0
0

Teks penuh

(1)

PANALANGIN PARA

SA KALULUWA

+ Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

Panginoon kong Jesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawa’t sumakop sa akin, pinagsisihan kong masakit na masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo, ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko’t Ama ko, iniibig kong lalo sa lahat, nagtitika akong matibay na matibay na di na muling magkakasala, nagtitika naman akong magkukumppisal ng lahat ng mga kasalanan ko, umaasa akong patatawarin mo rin alang-alang sa Iyong Mahal na Pasyon at pagkamatay mo sa krus dahilan sa akin. Siya Nawa.

Buksan mo, Panginoon ang aming mga albi, pakasulungin ang aming loob, pakalinisin sa walang kapakanan ang mahahalay at likong alaala. Liwanagin mo ang aming puso nang magunam-gunam naming mataimtim ang kamahal mahalang hirap at kamatayan, sampu ng kapait-paitang dinalita ng Iyong marangal na Ina na aming dapat dinggin sa di matingkalang kapangyarihan na nabubuhay at naghahari kasama ng Espiritu Santo magpasawalang Hanggan. Siya Nawa.

(5x) Lubhang maawaing Jesus ko lingapin mo ng mga mata mong maawain ang kaluluwa ni ________________ na dahilan sa kanya ay nagpakasakit at namatay ka sa krus. Siya Nawa.

Sagot: kaawaa’ t patawarin ang kaluluwa ni ________________.

1. Jesus ko, alang-alang sa masaganang dugong ipinawis mo nang manalangin ka sa halamanan, ________________.

2. Jesus ko, alang-alang sa tampal na tinanggap ng iyong kagalang-galang na mukha, ________________.

(2)

3. Jesus ko, alang-alang sa masakit na hampas na iyong tiniis, ________________. 4. Jesus ko, alang-alang sa koronang tinik na nagsitimo sa kasantu-santusan

mong ulo, ________________.

5. Jesus ko, alang-alang sa paglalakad mo sa lansangan ng kapaitan ang krus ay iyong babaw, ________________.

6. Jesus ko, alang-alang sa kasantu-santusan mong mukha na binayaan mong malarawan sa birang ni Veronica, ________________.

7. Jesus ko, alang-alang sa damit mong natigmak ng dugo na biglang pinaknit at hinubad sa iyong katawan niyong tampalasan, ________________.

8. Jesus ko, alang-alang sa kasantu-santusan mong katawan na napako sa krus, ________________.

9. Jesus ko, alang-alang sa kasantu-santusan mong mga paa at kamay na pinakuan ng mga pakong pinagdalita mong masakit, ________________.

10.Jesus ko, alang-alang sa tagiliran mong nabuksan sa saksak ng isang matalim na sibat na binukalan ng dugo at tubig, ________________.

(5x) Requiem aeternam dona eis, Domine. Et lux perpetua luceat eis.

Requiscant in pace

Les petuares cede. Amen

PAGHAHAIN

Katamis-tamisang Jesus, nasa pagsakop sa sangjkatauhan ay inibig mong ikaw ay ipanganak, tumulo ang iyong nahalagang dugo sa pagtutuli, alipusta ng mga Hudyo, napasakamay niyang mga tampalasan sa paghalik ni Hudas, ginapos ng mga lubid, dinala sa pagpaparipahan sa iyo, tulad sa korderong walang sala, iniharap kay Anas, kay Caipas, kay Pilato at kay Hirodes, niluran at pinaratangan at pinatutuhanan ng mga saksing sinungaling, tinampal, naging alimura, natdtad ng sugat ang buo mong katawan sa hampas ng suplina, pinutungan ng koronang tinik, natakpan ang iyong mukha nng isang purpura sa pagpapalibhasa sa iyo, nalagay sa isang pagka-buhong kahiya-hiya, napako sa krus at natindig sa kanya, napagitna sa dalawang magnanakaw na para sa krus at natindig sa kanya, napagitna sa

(3)

dalawang magnanakaw na para sa kanila ay pinainom ng apdong nilahukan ng suka at ang iyong tagiliran ay silain ng sibat. Hanguin mo na Panginoon ko alang-alang doon sa madlang sakit na lubhang mapait para dalitain mo ang kaluluwa ni ________________. Sa pagdurusa niya’y iakyat mo na matiwasay sa iyong kaluwalhatian at iligtas mo siya alang-alang sa iyong kasantu-santusang pagpapakasakit at pagkamatay sa krus sa mga hirap ng impyerno ng kami’y dapat pumasok, sa payapang kaharian na iyong pinagdalhan sa mapalad na magnanakaw na nakasama sa iyong naripa sa krus, nabubuhay at naghaharing kasama ang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Siya Nawa.

LITANYA SA MAHAL NA BIRHEN Panginoon, maawa ka sa amin

Kristo, maawa ka sa amin Panginoon, maawa ka sa amin Kristo, maawa ka sa amin Panginoon, pakinggan mo kami Kristo, pakinggan mo kami

Diyos Ama sa langit, maawa ka sa kanya

Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan, maawa ka sa kanya Diyos Espiritu Santo, maawa ka sa kanya

Banal na Trinidad, iisang Diyos, maawa ka sa kanya Santa Maria, Ipanalangin mo siya (Sagot)

Santang Ina ng Diyos, ________________

Santang Birhen ng mga Birhen, ________________ Ina ni Kristo, ________________

Inang pus-pos ng biyaya ng Diyos, ________________ Inang kalinins-linisan, ________________

Inang walang malay sa kasalanan, ________________ Inang kasakdal-sakdalan, ________________

Inang walang bahid, ________________ Inang kahanga-hanga, ________________

(4)

Ina ng mabuting kahatulan, ________________ Ina ng Maylikha, ________________

Ina ng mananakop, ________________ Ina ng banal na Iglesia, ________________ Birheng kapaham-pahaman, ________________ Birheng dapat igalang, ________________ Birheng lalong dakila, ________________ Birheng makapangyayari, ________________ Birheng maawain, ________________

Birheng matibay na loob sa magaling, ________________ Salamin ng katuwiran, ________________

Luklukan ng karunungan, ________________ Simula ng tuwa namin, ________________ Sisidlan ng kabanalan, ________________ Sisidlan ng bunyi at bantog, ________________

Sisdlan ng bukod na mahal na loob na makusaing sumunod sa panginoong Diyos, ________________

Rosang bulaklak na di mapuspos ng bait ng tao ang halaga, ________________ Tore ni david, ________________ Toreng garing, ________________ Bahay na ginto, ________________ Kaban ng tipan, ________________ Pinto ng langit, ________________ Talang maliwanag, ________________

Mapagpagaling sa mga maysakit, ________________ Tanggulan ng mga kasalanan, ________________

Mapag-aliw sa mga nagdadalamhati, ________________ Mapag-ampon sa mga kristyano, ________________ Reyna ng mga anghel, ________________

Reyna ng mga patriarka, ________________ Reyna ng mga propeta, ________________ Reyna ng mga apostol, ________________ Reyna ng mga martir, ________________

(5)

Reyna ng mga kumpesor, ________________ Reyna ng mga birhen, ________________ Reyna ng lahat ng Santo, ________________

Reynang ipinaglihi na di nagmana ng salang orihinal, ________________ Reynang iniakyat sa langit, ________________

Reyna ng kasantu-santusang rosaryo, ________________ Reyna ng kapayapaan, ________________

Kordero ng Diyos na nakawala ng mga kasalanan ng sanlibutan, *** Patawarin mo siya, panginoon namin

Kordero ng Diyos na nakawala ng mga kasalanan ng sanlibutan, *** Pakapakinggan mo siya, panginoon namin

Kordero ng Diyos na nakawala ng mga kasalanan ng sanlibutan, *** Kaawaan mo siya, panginoon namin

Sa iyong pagkakandili, O santang ina ng Diyos, kami ay lumililom na wag mong talikdan ang aming pag-aamu-amo kung dinaratnan ng kasalatan bagkus aiadya mo kami Birheng Maluwalhati.

***Ipanalangin mo siya santang Ina ng Diyos

***Nang siya’s maging dapat makinabang sa mga pangako ni Jesukristong Panginoon.

Panginoon namin, dinggin mong malugod ang aming pag-aamu-amo. ***Dumating nawa sa mahal na tainga mo ang aming pagdaing.

Pinagta-tagubilin namin sa iyo Panginoon ang kaluluwa ni ________________, pumanaw dito sa ibabaw ng lupa, mangyaring ipagpatawad mo sa kanya alang-alang sa walang-alang katapusang mong awa, ang mga kasalanang ginawa niya noong siya’y nabubuhay pa magparating man, magpasawalang-hanggan. Siya Nawa.

Aba pos anta Mariang Reyna, Ina ng Awa, ikaw ang kabuhaya’t tinamisan; pinanaligan ka namin. Ikaw nga po ang tinatawag namin, pinapanaw na taong anak ni Eba. Ikaw rin ang pinagbuntungang-hininga namin sa aming pagtangis dini sa lupang baying kahapis-hapis. Ay Aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang

(6)

mga mata mong maawain at saka kung matapos yaring pagpanaw, ipakita mo sa amin ang inyong anak na si Jesus, O magiliw, maawain, matamis na Birheng Maria. Ipanalangin mo siya, O Santang Ina ng Diyos.

• Nang siya’y maging dapat makinabang sa mga pangako ni jesukristong Panginoon. Amen

Ama Namin (3x)

Aba ginoong Maria (3x) Requiem aeternam (3x)

Et lux perpetua luceat eis. Requiscant in pace Les Petuares cede Amen

Panginoon kong Diyos, itong dinasal naming 3 Ama Namin. 3 Aba Ginoong Maria, at 3 Requiem aeternam ay iniaalay namin sa kaluluwa ni ________________, na kung bagama’t mayroong hindi na napagsisihang kasalanan dito sa lupa, noong siya ay nabubuhay pa, ay kaawaan Mo at patawarin, papagkamtin, mapagsa-walang hanggan. Amen.

*** Pagkalooban Mo siya ng kapayapaang walang hanggan

*** Magbigay liwanag, ilaw na walang katapusan, mapanatag sa kapayapaan *** Amen

Kaluluwang mahal ni Kristo : Pakasantuhin mo po siya Katawang mahal ni Kristo : Iligtas mo po siya

Tubig sa tagiliran ni Kristo : Pakahusgahan mo po siya Pasyon na mahal ni Kristo: pakatapangin mo po siya

• O, marikit na Jesus, bugtong na Anak na pinaka-iibig, kagalingan ng mga kaluluwa, pakundangan sa mga hirap at sakit na ipinagdalita Mo sa iyong mahal na Santa Krus, lalung-lalo na ang pagpanaw ng Iyong kaluluwa na kasantu-santusan mong pagkamatay, ipinag-aamu-amo namin na kahabagan Mo at patawarin ang kaluluwa ni ________________ inyong ipanalangin at ipanuto sa buhay na walang hanggan. Siya Nawa.

(7)

(3x) Santos deus, Santos portes Santos imortales. Miserere nobis.

• Jesus na panginoon ko, kasantu-santusan mong pagkamatay sa krus ay siya mong ipagkaloob sa kaluluwa niya (3x)

• Miseracordia po Senor, ang galit mo po’y ipagpalubay, hustisya ng kabagsikan, jesus na katamis-tamisan, mariang kabanal-banalan, ang kaluluwa ni ________________ inyong kaawaan. (3x)

• Kalinisan mo po’y purihin, sambahing walang tigil buong Diyos ay naaliw na walang kahambing. O, Dakilang Prinsesa, O, mahal na Birheng Maria, iniaalay puso’t kaluluwa, ligapin mo kami’t kahabagan, Ina’y huwag mo kaming pababayaan hanggang sa oras ng aming kamatayan. Patawad mo po’y aming kamtan magpasawalang-hanggan. Amen.

OREMUS

MANALANGIN TAYO

Panginoon naming Diyos, kami po’y nagpapasalamat sa walang hanggan Mong sa aming makasalanan. Ipinagpapasalamat namin sa Iyo ang mahal mong bugtong na Anak na ipinagkaloob Mo sa aming lahat na dinalita ng mga kabanalan ng Mahal na Birheng Maria.

Ipinagkaloob Mo sa amin ang Iyong Mahal na grasya sito sa lupa at kaluwalhatian sa langit alang-alang kay Jesukristong Anak Mo at Panginoon naming lahat na nabubuhay at naghahari kaisa ng Espiritu santo magpasawalang hanggan. Amen.

• Bendito alabado, sea santisimo sacramento del altar de lalimpia, Imaculada Concepcion, de la Virgen Maria de Dios Senora Nuestra Concivida, Semancha

(8)

de Pecado, Original el primer estante, dececer natural por siempre amass. Amen.

• Ave Maria Purisima. Sim Pecado Concivida. (3x)

Referensi

Dokumen terkait

Mga kapatid, tayo’y nilikha ng Diyos bilang kanyang kawangis, ginawa niya tayo upang mabuhay sa pamamagitan ng pag-ibig at para sa pag-ibig.. Ang pangunahing

 Kapag ang isang tao ay magpasiya kung siya ay rerespeto sa iyo bilang isang lider, hindi siya nag-iisip tungkol sa iyong mga katangian, sa halip, tinitingnan niya kung ano ang

Inanyayaan nito si Benigno na uminom at pagkatapos ay dinala sa isang bahay na kung saan ipinakilala siya kay Diana – isang babaing labing-anim na taong gulang at sariwa pa.Madaling

Isang araw nakilala niya si Lucas at dinala niya ito sa kanyang Pad, naikwento ni Bessie na panagarap niya talagang maging artista, inaya niya ito ng sex ngunit tumanggi si

Isa sa dalawang beses na siyang napunta sa bahay ni Frankie; hindi niya nakita ang ama nito, na ayon kay Frankie ay may sakit at lagi sa kanyang kwarto, at ang ina ay

Ibig niyang sa kanyang tingin ay mawatasan ng matanda na nababatid niya na ginawa yaon upang mapawi ang pag-ibig niya kay Merton, sapagkat laban

Sa pagmalas ni Amanda sa tinortyur na katawan ni Jules, at sa matapang na deklarasyon ng binata na hindi siya nagsalita kahit binantaan siyang papatayin nila si Mara, asawa niya,

Tawa lang siya kasi alam niya na dati ay binilhan ako ni nanay ng bago dahil nagkabutas sa pileges ang dapat ay mamanahin kong sapatos.. Sabi ng nanay, ako raw ang tagapagmana ng