PASIMULA
Kapag handa na ang lahat, makpagpuprusisyon mula sa pintuan patungong dambana ang oordenan, ang mga pari, ang Obispo at tumutulong sa kanya. Ang diyakono ay siyang magdadala ng Aklat ng Mabuting Balita at kasunod niya ang oordenan, ang mga paring makikipagmisa, at ang Obispo na nakasuot ng mitra at hawak ang tungkod ng pagkapastol na nasa pagitan ng dalawang diyakono o mga pari.
Pagsapit sa dambana, ilalagay ng diyakono ang Aklat ng Mabuting Balita rito. Sa pagsapit naman ng Obispo sa dambana, ibibigay niya ang tungkod ng pagkapastol at ang mitra sa dalawang tagapaglingkod. Yuyuko ang Obispo, pupunta sa dambana at hahalikan ito. Iinesnsuhan ng Obispo ang dambana at ang krus habang inaalalayan siya ng diyakono. Aanyayahan ng diyakono ang Obispong maupo sa likmuan.
Obispo:
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.
Obispo:
Sumainyo ang kapayapaan.
Bayan:
At sumaiyo rin.
PAGSISISI SA KASALANAN
Susunod na gaganapin ang pagsisisi ng kasalanan. Aanyayahan ng Obispo ang mga tao:
Obispo:
Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan, upang tayo’y maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang.
Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na aamin sa nagawang kasalanan:
Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid,
na lubha akong nagkasala
Ang lahat ay dadagok sa dibdib.
sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko
sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo, mga kapatid,
na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
Ipahahayag ng Obispo ang pagpapatawad:
Obispo:
Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Bayan:
Amen.
O. Panginoon, kaawaan mo kami.
B. Panginoon, kaawaan mo kami.
O. Kristo, kaawaan mo kami.
B. Kristo, kaawaan mo kami.
O. Panginoon, kaawaan mo kami.
B. Panginoon, kaawaan mo kami. PAPURI SA DIYOS
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Obispo:
Manalangin tayo.
Ama naming makapangyarihan,
para sa iyong Anak ay inilaan mong maging marapat na tahanan
ang Mahal na Birheng ipinaglihing walang minanang kasalanan
at siya’y ibinukod mo para huwag madamay sa pagkamasuwayin ng lahat
pakundangan sa kamatayang aakuin ng iyong Anak.
Bilang tugon sa kanyang pagdalangin loobin mong kami’y maging dalisay upang maging dapat na makadulog
sa iyong harapan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen.
Tagapagpaliwanag:
Magsiupo ang lahat at makinig sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos.
Uupo ang Obispo matapos ang pambungad na panalangin at isusuot sa kanya ang mitra.
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
UNANG PAGBASA
Tagapagbasa:
Ang Salita ng Diyos.
Bayan:
Salamat sa Diyos. SALMONG TUGUNAN IKALAWANG PAGBASA
Tagapagbasa:
Ang Salita ng Diyos.
Bayan:
Salamat sa Diyos.
Tagapagpaliwanag:
Magsitayo ang lahat bilang pagbibigay galang sa Mabuting Balita.
ALELUYA
Ang diyakono na magpapahayag ng Mabuting Balita ay yuyuko sa harap ng Obispo upang hingin ang kanyang pagbabasbas. Babasbasan siya ng Obispo at siya nama’y magkukurus.
Tatanggalin ang mitra ng Obispo at ibibigay sa kanya ang tungkod ng pagkapastol.
MABUTING BALITA
Diyakono:
Sumainyo ang Panginoon.
Bayan:
Diyakono:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay
N.
Bayan:
Papuri sa iyo, Panginoon.
Sa katapusan, ihahayag niya:
Diyakono:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Bayan:
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.
Matapos ang pagpapahayag, mananatiling nakatayo ang lahat, dadalhin ng diyakono ang Aklat ng Mabuting Balita sa Obispo na hahalikan naman ito.
Tagapagpaliwanag:
Manatili tayong nakatayo para sa pagbabasbas ng Aklat ng Mabuting Balita.
Matapos ang pagbabasbas:
Magsiupo ang lahat.
Ibabalik ng diyakono ang Aklat ng Mabuting Balita sa lugar ng pagbasa o hindi naman kaya’y sa gilid.
Ihahanda ng isang tagapaglingkod ang likmuan sa harap ng dambana. Kukunin naman ang tungkod ng pagkapastol at ang Obispong nakamitra ay uupo sa inihandang likmuan.
Tagapagpaliwanag:
Dadako na tayo ngayon sa paghirang sa oordenan.
ANG PAG-OORDEN SA PARI
Ang mga oordenan ay tatawagin ng diyakono:
Lumapit ang oordenang pari.
Tatawagin ang pangalan ng oordenan na tutugon
Oordenan:
Narito po.
Pagkabanggit ng kanilang pangalan ay tatayo sila sa harapan ng Punong Tagapagdiwang.
Ang tinawag ay lalapit upang magpugay sa Obispo.
PAGHAHARAP SA OORDENAN
Kapag nakaharap na sa Obispo ang tinawag, magsasalita ang tagapangasiwa ng kapisanan ng Alagad ni Maria o ibang paring inatasan niya:
Pari:
Minamahal na Obispo, hinihiling po ng Inang Simbahan na ordenan ang kapatid nating ito upang maging pari.
Tatanungin ang paring naghaharap sa oordenan:
Obispo:
Sa palagay mo ba ay karapat-dapat siya?
Pari:
Isinangguni po namin ito sa sambayanang Kristiyano na nagbigay ng pagsang-ayon. Ang mga namamahala sa sa paghubog sa kanya ay nagpasyang siya’y maaaring ordenan. Kaya’t pinatutunayan ko po na siya’y karapatdapat.
ANG PAGHIRANG NG OBISPO
AT PAGSANG-AYON NG SAMBAYANAN
Obispo:
Sa pagtataguyod ng Poong Maykapal at sa ating Tagapagligtas na si Hesukristo, hinihirang namin ang kapatid nating ito upang maging pari. Bilang patunay ng inyong pagsang-ayon, hinihiling ko sa inyo na siya’y pasalubungan ng palakpakan.
Ang sambayanan ay magpapalakpakan. Babalik na ang oordenan sa kanilang upuan.
Tagapagpaliwanag:
Makinig tayo ngayon sa homiliya. HOMILIYA
Kapag ang lahat ay nakaupo na, ang Obispo, suot ang mitra at hawak ang tungkod ng pagkapastol (maliban lamang kung piliin niyang hindi ito gamitin) ay magbibigay ng homiliya.
Pagkatapos ng pangaral, babalik ang Obispo sa inihandang likmuan sa harap ng dambana. Isusuot niya ang mitra at hahawakan ang tungkod ng pagkapastol (maliban lamang kung piliin niyang hindi ito gamitin). Maari siyang maupo o tumayo.
Tagapagpaliwanag:
Ang pagpapari ay isang pagtawag sa paglilingkod. Ngayon ay tatanungin ng Obispo ang oordenan ukol sa kanyang kahandaang tuparin ang tungkulin sa paglilingkod.
ANG PAGTATANONG SA OORDENAN
Tatayo ang oordenan sa harap ng Obispo na magtatanong upang kanyang tugunin:
Obispo:
Minamahal kong kapatid na oordenang pari, dapat mong sabihin nang hayagan ngayon ang iyong malayang pasya
na akuin ang paglilingkod ni Hesukristo. Nakahanda ka bang tumupad
nang walang pasubali
sa makaparing tungkulin, kaisa ng Obispo, na mangangalaga sa angkan
ng Amang Maykapal
sa patnubay ng Espiritu Santo?
Oordenan:
Nakahanda po ako.
Obispo:
Nakahanda ka bang magdiwang ng mga sakramento ni Kristo nang matapat at kaakit-akit,
upang maialay sa Amang Maykapal ang pagsamba at kapurihan
at upang maipagkaloob sa sambayanan ang kanyang buhay at kabanalan
ayon sa pamana ng Simbahan?
Oordenan:
Obispo:
Nakahanda ka bang mangaral ng Salita ng Diyos
nang mahusay at maalam
sa pamamagitan ng pagpapahayag
ng Mabuting Balita at pagpapaliwanag sa pananampalataya ng Simbahan?
Oordenan:
Nakahanda po ako.
Obispo:
Nakahanda ka bang tumulad araw-araw
kay Hesukristo na naghain ng kanyang sarili ukol sa ating kapakanan
sa pamamagitan ng iyong pakikiisa sa kanyang gawaing iligtas ang tanan?
Oordenan:
Nakahanda po ako, sa tulong ng Diyos. ANG PANGAKO NG PAGKAMASUNURIN
Ang oordenan ay lalapit at luluhod sa harap ng Obispo. Hahawakan ng Obispo ang magkadaop na mga kamay ng oordenan.
Tagapagpaliwanag:
Ang pagsunod ay tanda ng isang tunay na lingkod ng Panginoon at ito rin ay kasiguruhan ng pagkakaisa ng Simbahan. Ngayon ay mangangako ang oordenan ng pagsunod sa Obispo at mga magiging kahalili pa niya.
Kapag ang Obispong nag-oorden ay siyang tagapangasiwa ng diyosesis ng inoordenan, kanyang itatanong:
Obispo:
Nangangako ka ba
na ikaw ay magiging magalang at masunurin sa akin,
sa aking mga tagapagmana
at sa mga marapat na nakasasaklaw sa iyo?
Oordenan:
Opo, nangangako ako.
Obispo:
Bigyan nawa ng Diyos ng kaganapan ang gawaing ito na kanyang sinimulan.
Tagapagpaliwanag:
Hingiin natin ngayon ang panalangin ng mga banal upang tulungan ang oordenan sa pagtupad ng kanyang banal na tungkulin. Magsitayo ang lahat. ANG PAANYAYA SA PANALANGIN
Titindig ang lahat. Ang Obispo, na hindi nakamitra, ay tatayong magkadaop ang kamay sa kanyang pagsasabi sa mga tao:
Obispo:
Mga kapatid, manalangin tayo sa Diyos Amang makapangyarihan upang kanyang pagpalain
ang kapatid nating ito na oordenang pari.
Magsiluhod po tayo.
ANG LITANYA NG MGA BANAL
Ang Obispo ay luluhod sa harap ng kanyang upuan, nakaharap sa mga tao. Ang mga oordenan ay magpapatirapa. Ang sambayanan ay
magsisiluhod.
Panginoon, kaawaan mo kami Panginoon, kaawaan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami Kristo, kaawaan mo kami. Panginoon, kaawaan mo kami Panginoon, kaawaan mo
kami.
Santa Maria, Ina ng Diyos Ipanalangin mo kami.
San Miguel, Arkanghel Ipanalangin mo kami.
Lahat kayong mga anghel Ipanalangin niyo kami.
San Jose Ipanalangin mo kami.
San Juan Bautista Ipanalangin mo kami.
San Pedro at San Pablo Ipanalangin niyo kami.
San Andres Ipanalangin mo kami.
San Juan Ipanalangin mo kami.
Santa Maria Magdalena Ipanalangin mo kami.
San Esteban Ipanalangin mo kami.
San Ignacio Ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ipanalangin mo kami.
Santa Perpetua at Santa Felicidad
Ipanalangin niyo kami.
Santa Agnes Ipanalangin mo kami.
San Gregorio Ipanalangin mo kami.
San Agustin Ipanalangin mo kami.
San Atanacio Ipanalangin mo kami.
San Basilio Ipanalangin mo kami.
San Martin Ipanalangin mo kami.
San Ildefonso Ipanalangin mo kami.
San Benito Ipanalangin mo kami.
San Francisco de Asis at
Santo Domingo Ipanalangin niyo kami.
San Francisco Javier Ipanalangin mo kami.
San Juan Vianney Ipanalangin mo kami.
San Carlos Borromeo Ipanalangin mo kami.
Santa Catalina Ipanalangin mo kami.
Santa Teresita Ipanalangin mo kami.
Santa Teresa Ipanalangin mo kami.
San Juan dela Cruz Ipanalangin mo kami.
San Lorenzo de Manila Ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod Ipanalangin mo kami.
San Juan XIII Ipanalangin mo kami.
Lahat kayong mga Banal
sa piling ng Maykapal Ipanalangin niyo kami.
Panginoong Hesus, maawa ka Panginoong Hesus, maawa ka.
Iligtas Mo kami sa lahat ng kasamaan
Panginoong Hesus, maawa ka.
Iligtas Mo kami sa lahat ng kasalanan
Panginoong Hesus, maawa ka.
Iligtas Mo kami sa walang hanggang kamatayan
Panginoong Hesus, maawa ka.
Alang-alang sa Iyong pagiging tao
Panginoong Hesus, maawa ka.
Alang-alang sa ‘Yong
kamatayan at pagkabuhay
Panginoong Hesus, maawa ka.
Alang-alang sa pagkakaloob Mo
sa amin ng Banal na Espiritu
Panginoong Hesus, maawa ka.
Patnubayan Mo sa
pagsasakatuparan ng Iyong atas, aming Papa, mga Obispo, mga Pari at Diyakono
Panginoong Hesus, maawa ka.
Pagkalooban Mo ng
pagkakaisa at kapayapaan ang sandaigdigan
Panginoong Hesus, maawa ka.
Kristo, pakinggan Mo kami Kristo, pakinggan Mo kami Kristo, pakapakinggan Mo
kami
Kristo, pakapakinggan Mo kami
Pagkatapos ng pag-awit ng Litanya, ang Obispo lamang ang titindig at magkadaop ang mga kamay na mananalangin.
Obispo:
Amang mapagmahal,
ipagkaloob mo ang aming kahilingan.
Ang mga hinirang mong ito ay iyong bigyan ng mga kaloob ng Espiritu Santo
at ng kinakailangang lakas ng pari upang ang mga inihahain namin sa iyong maka-Amang pag-ibig ay laging magtamasa ng inyong masaganang tulong at awa.
Hinihiling namin ito
na Panginoon namin magpasawalang hanggan. Bayan: Amen. Diyakono: Tumindig po tayo.
ANG PAGPAPATONG NG MGA KAMAY
Titindig ang lahat. Ang inoordenan ay lalapit sa Obispo at luluhod sa kanyang harapan. Tahimik na ipapatong ng Obispo ang mga kamay niya sa bawat isa.
Tagapagpaliwanag:
Sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay ng Obispo at ang kasunod nitong panalangin ng pagtatalaga, ang inoordenan ay binibigyan ng isang natatanging handog, ang Espiritu Santo, na siyang bumabago sa inoordenan na maging katulad ni Kristo at itinatalaga sila sa kanyang paglilingkod at kahati sa kanyang layunin.
Gayundin naman ipapatong ng mga pari ang kanilang mga kamay sa inoordenan bilang tanda ng kanilang pakikiisa sa pagkapari, sa iisang pagkapari ni Kristo. Manatili tayong tahimik.
ANG PANALANGIN NG PAGTATALAGA
Ang lahat ng mga paring nakikiisa ngayon at nakasuot ng estola ay isa-isang magpapatong ng mga kamay sa inoordenan nang walang anumang sinasabi. Pagkatapos ng pagpapatong ng mga kamay, ang mga pari ay mananatiling nasa paligid ng Obispo hanggang sa matapos ang panalangin ng ordenasyon.
Ang mga inoordenan ay nakaluhod pa rin sa harap ng Obispo na mananalangin nang nakalahad ang mga kamay:
Obispo:
Amang Maykapal,
kami'y iyong tulungan. Ikaw ang nagbibigay ng atas ng gawain at tungkulin sa amin.
Ikaw ang pinanggagalingan ng pag-unlad at lakas
ng iyong nilikhang mga tao. Ikaw ang nagtatag
ng makaparing orden
at gawain ng mga anak ni Levi, na sa Matandang Tipan
ay hinirang mong tumulong sa mga dakilang pari
na namumuno sa iyong bayan. Sa ilang, ipinagkaloob mo
sa pitumpung piniling lalaki ang diwa ni Moises
na sa tulong nila'y namuno. Ang mga anak ni Aaron
ay ginawaran mo rin
ng masaganang pagpapala upang laging may paring mangangasiwa sa bayan
at maghahain ng itinakdang pagsamba. Ang iyong Anak na si Hesukrsito
ng mga alagad na hinirang mo
upang magturo ng pananampalataya at binigyan mo ng mga katuwang sa paghahatid ng Mabuting Balita sa sanlibutan.
Isinasamo namin sa iyo, Amang makapangyarihan, bigyan mo ng lakas
kaming mga mahihina
sapagkat sa ganang aming sarili kami'y walang magagawa.
Makapangyarihang Ama,
hinihiling naming ipagkaloob mo sa iyong lingkod
ang orden ng pagkapari. Pag-ibayuhin mo sa kanya ang Espiritu ng kabanalan,
ang tungkuling tinanggap sa iyo, O Diyos, para sa ikalawang antas ng pagkapari
ay kanya nawang magampanan at maging halimbawa nawa siya
ng ulirang pamumuhay para sa kapwa. Maging mahusay nawa siya
sa pagtuwang sa Obispo,
upang ang mga pangungusap ng Mabuting Balita ay sumapit, sa lahat ng panig ng daigdig,
at ang lahat ng mga tinipong tao ni Hesukristo
ay mapisan sa iyong angkan. Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
Amen.
ANG PAGSUSUOT NG ESTOLA AT KASULYA
Pagkapanalangin, ang Obispo ay magmimitra at uupo. Ang mga inordenan ay titindig. Ang mga paring nakapaligid ay magsisibalik sa kanilang likmuan. Ilan sa mga pari ay gaganap ng pagsasaayos ng mga estola sa mga inordenan ayon sa paraang ito'y suot ng mga pari. Ang inordenan ay kanilang susuutan ng kasulya.
Tagapagpaliwanag:
Magsiupo ang lahat. Ngayon ang bagong ordenang pari ay susuotan ng mga tanda ng kanyang tungkulin – ang estola at kasulya.
PAGLALAGAY NG LANGIS
lIalagay sa kandungan ng Obispo ang telang panakip at kanyang lalagyan ng langis ang mga palad ng inordenang luluhod sa kanyang harapan.
Tagapagpaliwanag:
Ang paglalagay ng langis ay tanda ng isang malalim na pagtatalaga sa Diyos. Ipinakikita nito na ang bagong inordena’y ngayon ay laan na sa Diyos at banal na daluyan ng kanyang pagpapala sa mundo.
Obispo:
Si Hesus, na nilagyan ng langis ng Espiritu ng Ama bilang Mesiyas, ay siya nawang laging mataguyod sa iyo
upang ilapit mo sa Kanya ang Kanyang sambayanan at maganap mo ang kanyang paghahain sa Amang Maykapal.
ANG PAG-AABOT NG MGA ALAY
Ihahanda ng diyakono ang tinapay para sa Misa at gayun din ang alak na may halong tubig. Ang pinggang may tinapay at ang kalis na may alak at tubig ay ibibigay niya sa Obispo na siyang mag-aabot nito sa bawat inordenang luluhod sa kanyang harap.
Tagapagpaliwanag:
Ang Obispo ay iaabot ang mga alay na tinapay at alak sa bagong ordenang pari na gagamitin sa pagdiriwang ng Eukaristiya.
Obispo:
Tanggapin mo ang mga alay ng sambayanan sa Panginoon. Isaloob mo ang iyong ginagawa. Panindigan mo ang iyong pinanghahawakan. Ang iyong buhay nawa'y mahubog sa iyong pagdiriwang ng ginanap ni Hesus sa krus.
ANG HALIK NG KAPAYAPAAN
Pagkaraan nito, ang bawat inordenan ay babatiin ng Obispo sa paggagawad niya ng halik ng kapayapaan. Sasabihin niya sa bawat isa:
Tagapagpaliwanag:
Ang kapayapaan ni Kristo ang nagbubuklod sa mga lingkod ng Diyos sa pagmamahalan at pagkakaibigan. Ang Obispo at ang mga paring naririto ay gagawaran ng halik ng kapayapaan ang bagong ordenang pari bilang tanda ng kanyang pagpasok sa samahan ng mga lingkod ng Diyos.
Obispo:
Sumaiyo ang kapayapaan.
At sumaiyo rin.
Kung maaari, gagawin din ito ng mga pari sa bagong inordenahan. Maaring pumili ng nababagay na awit.
PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN
Habang ginagawa ang pag-aalay ay maaring umawit ng angkop na awit. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga diyakono o mga pari ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis at ang Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana. Tatayo ang Obispo sa may likmuan na walang mitra.
Ngayon nama’y tatayo ang Obispo sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:
Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
Bayan:
Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!
Hindi na dapat gumawa ng panibagong paghahanda sa kalis.
Kukunin ng Obispo ang kalis nang bahagyang nakaangat sa dambana habang dinarasal niya nang pabulong:
Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!
Pagkatapos, yuyuko ang Obispo habang dinarasal niya nang pabulong:
Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan. Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.
Iinsensuhan niya ang mga alay at ang dambana; pagkaraa’y iinsensuhan ng diyakono ang Obispo at ang mga nagsisimba.
Pagkatapos, ang Pari ay pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:
Diyos kong minamahal kasalanan ko’y hugasan at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.
Tagapagpaliwanag:
Magsitayo tayo.
Pagbalik ng Obispo sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:
Manalangin kayo, mga kapatid,
upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.
Bayan:
Tanggapin nawa ng Panginoon
itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY
Obispo:
Ama naming Lumikha,
Ang handog na nagliligtas ay aming inihahain sa iyong dambana ngayong dakilang kapistahan
ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birhen.
Tanggapin mo ito at ipagkaloob mo pakundangan sa kanyang kahilingan na katulad ng pagkasagip mo sa kanya sa pagkasangkot sa pagsuway ng tanan kaming mga sumasampalataya
sa iyong kaloob sa kanya
ay mahango sa tanang kasalanan. Iniluluhog namin ito
sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan:
PAGBUBUNYI O PREPASYO
P. Sumainyo ang Panginoon.
B. At sumaiyo rin.
P. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
B. Itinaas na namin sa Panginoon.
P. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
B. Marapat na siya ay pasalamatan. Ama naming makapangyarihan, tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan.
Di mo itinulot na sa dating pagsuway ang Mahal na Birheng kabanal-banalan na iyong lubos na kinalulugdan
upang sa Anak mo’y siya ang magluwal. Sa kanya’y mababanaag ang Sambayanang kabiyak na dalisay at walang bahid-kataksilan
laang magbigay nang puspos kalinisan sa mga nanabik sa Anak mong mahal
na Korderong nag-aalis sa aming kasalanan. Ang Mahal na Birhen nga’y iyong inilaang Maging katuwang at huwaran sa katapatan. Kaya kaisa ng mga anghel
na nagisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
Santo, santo, santo...
IKALAWANG PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT
Nakalahad ang mga kamay ng Obispo sa pagdarasal.
Ama naming banal,
ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
Pagdaraupin ng Obispo ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal.
Obispo at mga kasamang Tagapagdiwang:
Kaya't sa pamamagitan ng iyong Espiritu gawin mong banal ang mga kaloob na ito
Pagdaraupin ng Obispo ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang kanyang dinarasal.
upang para sa ami'y maging Katawan at Dugo
ng aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.
Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.
Bago niya pinagtiisang kusang-loob na maging handog,
Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:
pinasalamatan ka niya, pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang Obispo.
TANGGAPIN NINYONG LAHAT IYO AT KANIN: ITO ANG AKING KATAWAN NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.
Ang Obispo ay magpapatuloy.
Gayundin naman, noong matapos ang hapunan,
Hahawakan ng Obispo ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:
hinawakan niya ang kalis
muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari:
TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN: ITO ANG KALIS NG AKING DUGO NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN, ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.
Obispo:
Ipagbunyi natin
ang misteryo ng pananampalataya. PAGBUBUNYI
Ilalahad ng Obispo ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:
Obispo at mga kasamang Tagapagdiwang:
Ama,
ginagawa namin ngayon ang pag-aalaala sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak
kaya't iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan. Kami'y nagpapasalamat
dahil kami'y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo para maglingkod sa iyo.
Isinasamo naming kaming magsasalu-salo sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Isang kasamang Tagapagdiwang:
Ama,
lingapin mo ang iyong Simbahang laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig kaisa ni Francisco na aming Papa at ni Bernardino na aming Obispo at ng tanang kaparian.
Isang pang kasamang Tagapagdiwang:
Alalahanin mo rin
ang mga kapatid naming nahimlay
nang may pag-asang sila'y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw. Kaawaan mo sila at patuluyin
Kaawan Mo at pagindapatin kaming lahat na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.
Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos,
ang kanyang kabyak ng pusong si San Jose kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig nang kalugud-lugod sa iyo, maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri
sa ikararangal mo
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.
sa pamamagitan ng iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo.
Hahawakan ng Obispo ang pinggang may ostiya at ang kalis naman ay hahawakan ng diyakono at kapwa nila itataas habang kanyang ipinahahayag:
Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya
ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan,
kasma ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. AMEN
Aawitin ng lahat ang amen.
IKATLONG PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT
Nakalahad ang mga kamay ng Obispo sa pagdarasal.
Ama naming banal,
dapat kang purihin ng tanang kinapal sapagkat sa pamamagitan ng iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo
at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu ang lahat ay binibigyan mo
ng buhay at kabanalan.
Walang sawa mong tinitipon ang iyong sambayanan
upang mula sa pagsikat
hanggang sa paglubog ng araw maihandog ang malinis na alay para sambahin ang iyong ngalan.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal.
Obispo at mga kasamang Tagapagdiwang:
Ama, isinasamo naming pakabanalin mo sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang mga kaloob na ito na aming inilalaan sa iyo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay at kukrusan ng mga kamay niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal.
Ito nawa’y maging Katawan at Dugo
ng iyong Anak at aming Panginoong Hesukristo
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.
na nag-utos ipagdiwang ang misteryong ito.
Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.
Noong gabing ipinagkanulo siya,
Hahawakan ng Pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:
hinawakan niya ang tinapay, pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang siyang yuyuko
TANGGAPIN NINYONG LAHAT IYO AT KANIN: ITO ANG AKING KATAWAN NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.
Siya ay magpapatuloy.
Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,
Hahawakan niya ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:
hinawakan niya ang kalis
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang siyang yuyuko:
TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN: ITO ANG KALIS NG AKING DUGO NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN, ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.
Obispo:
Ipagbunyi natin
ang misteryo ng pananampalataya. PAGBUBUNYI
Ilalahad ng Pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:
Obispo at mga kasamang Tagapagdiwang:
Ama, ginugunita namin
ang pagkamatay ng iyong Anak na sa ami’y nagligtas,
gayun din ang kanyang muling pagkabuhay at pag-akyat sa kalangitan
samantalang ang kanyang pagbabalik ay pinananabikan,
kaya bilang pasasalamat
ngayo’y aming iniaalay sa iyo
ang buháy at banal na paghahaing ito. Tunghayan mo ang handog na ito
ng iyong Simbahan.
Masdan mo ang iyong Anak na nag-alay ng kanyang buhay
upang kami ay ipakipagkasundo sa iyo. Loobin mong kaming magsasalo-salo sa kanyang Katawan at Dugo
ay mapuspos ng Espiritu Santo at maging isang katawan
at isang diwa kay Kristo.
Isang kasamang Tagapagdiwang
Kami nawa ay gawin niyang handog na habang panahong nakatalaga sa iyo. Tulungan nawa niya kaming
magkamit ng iyong pamana kaisa ng Ina ng Diyos,
ang Mahal na Birheng Maria,
ang kanyang kabyak ng pusong si San Jose Kaisa ng mga apostol, mga martir
at kaisa ng lahat ng Banal
na aming inaasahang laging nakikiusap para sa aming kapakanan.
Isang pang kasamang Tagapagdiwang
Ama, ang handog na ito
ng aming pakikipagkasundo sa iyo
ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan
para sa buong daigdig.
Patatagin mo sa pananampalataya at pag-ibig
kasama ng iyong lingkod na si Papa Francisco,
ang aming Obispo Bernardino,
ng tanang mga Obispo at buong kaparian at ng iyong piniling sambayanan.
Amang maawain,
kupkupin mo at pag-isahin ang lahat ng iyong mga anak
sa bawat panig at sulok ng daigdig.
Kaawaan mo at patuluyin sa iyong kaharian ang mga kapatid naming yumao
at ang lahat ng lumisan na sa mundong ito na nagtataglay ng pag-ibig sa iyo.
Kami ay umaasang makararating sa iyong piling
at sama-samang magtatamasa
ng iyong kaningningang walang maliw sapagkat aming masisilayan
ang iyong kagandahan
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo
na siyang pinagdaraanan
ng bawat kaloob mo sa aming kabutihan.
Hahawakan ng Obispo ang pinggang may ostiya at ang kalis naman ay hahawakan ng diyakono at kapwa nila itataas habang kanyang ipinahahayag:
Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya
ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan,
kasma ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. AMEN
Susunod ang yugto ng pakikinabang.
ANG PAKIKINABANG
Obispo:Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin nang lakas-loob:
Ilalahad ng Obispo ang kanyang mga kamay at aawitin niya kaisa ng lahat.
AMA NAMIN
Nakalahad ang mga kamay ng Obispo sa pagdarasal:
Hinihiling naming kami'y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitong pagbubunyi:
Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan magpakailan man! Amen.
Pagkatapos, malakas na darasalin ng Obispong nakalahad ang mga kamay:
Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga Apostol:
"Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen.
TANDA NG KAPAYAPAAN
Ang Obispo ay haharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag.
Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.
Bayan:
At sumaiyo rin.
Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.
Ang lahat ay mabibigyan ng kapayapaan.
PAGHAHATI-HATI NG TINAPAY
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito:
KORDERO NG DIYOS
Kasabay nito’y hahawakan ng Obispo ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:
Sa pagsasawak na ito ng Katawan at Dugo ng aming Panginoong Hesukristo tanggapin nawa namin sa pakikinabang ang buhay na walang hanggan.
Magkadaop ang mga kamay sa pabulong na pagdarasal.
Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay, sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo, binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan. Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo, iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama, gawin mong ako’y laging makasunod lagi sa iyong mga utos, at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kailanman.
o kaya:
Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo, Panginoong Hesukristo, ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom at parusa sa kasalanan ko. Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig nawa’y aking matanggap ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas. PAKIKINABANG
Luluhod ang Obispo at pagtayo niya’y kanyanag hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi nang malakas:
Ito ang Kordero ng Diyos.
Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:
Panginoon, hindi ako karapat-dapat na
magpatulóy sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:
Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo
para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.
Pagkatapos, hahawakan ng Pari ang kalis at pabulong na magdarasal:
Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.
PAKIKINABANG
Aawit ng mga angkop na awitin.
Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan ng pari o diyakono o tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap, pabulong siyang magdarasal:
Ama naming mapagmahal, ang aming tinaggap ngayon ay amin nawang mapakinabangan at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin ng kagalingang pangmagpakailanman.
Tatayo ang lahat para sa Panalangin Pagkapakinabang
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Obispo
Manalangin tayo.
Ama naming mapagmahal,
ang tinanggap namin ngayong
banal na pakikinabang ay lumunas nawa sa mga sugat na likha ng kasalanan
na di mo itinulot manahin ni Mariang Birheng mahal
na ipinaglihing may tanging kadalisayan sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen.
PAGBATI NG PASASALAMAT AT ILANG PATALASTAS
PAGHAYO SA PAGWAWAKAS
Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Ang Obispong nakalahad ang mga kamay sa mga tao ay magpapahayag:
Sumainyo ang Panginoon.
At sumaiyo rin.
Ang diyakono ay magpapahayag ng paanyaya:
Magsiyuko tayo habang iginagawad ang pagbabasbas.
Pagkaraan, itataas ng Obispo ang kanyang kamay na lumulukob sa lahat, samantalang inaawit o ipinahahayag niya ang mga pagbabasbas.
Pagpalain kayo ng Diyos
na sa pagsilang ng Anak niya mula sa Mahal na Birhen
ay naghatid sa daigdig
ng katubusang walang hanggan.
Bayan:
Amen.
Pasiglahin nawa kayo sa malasakit ng Mahal na Birhen
ng Tagapaghatid ng buhay na walang hanggan.
Bayan:
Amen.
Puspusin nawa ng kagalakan ng Espiritu Santo ang mga nagdiriwang sa pagpaparangal sa Mahal na Birheng Maria upang sa ganitong diwa kayo ay sumapit sa kalangitan na siyang tahanan ng tanan magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen.
Pagpalain ng makapangyarihang Diyos, Ama at Anak at Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.
Ang diyakonong magkadaop ang mga kamay ay magpapahayag ng paghayo sa sambayanan:
Humayo kayong taglay ang kapayapaan
upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.
Bayan:
Salamat sa Diyos.
Karaniwan, ang dambana ay bibigyang-paggalang sa paghalik dito ng Obispo at mga kasama at matapos makapagbigay-pitagan kaisa ng mga tagapaglingkod.
Aanyayahan namang manatili ang Obispo at ang mga nakipagmisa sa pagkuha ng mga litrato.