Ikalabing-isang Tagpo
ROMEO:
O mahal ko! O asawa ko!
Ang kamatayang humigop ng pukyutan ng iyong hininga Sa takot na ganito nga, ako'y titigil sa iyong piling, Dito, dito na ako tatahan
Kasama ng mga uod na iyong utusan. O dito ko gaganapin ang pamamahingang walang hanggan
Mga mata; katapusang yakap, mga kamay; hayo na't tatakan Mga labi ng makatarungang halik, sa pintuan ng hininga Ang kasunduan namin ni kamatayang walang hanggan! Halika na, aking tagaakay na mapait at hindi mainam
( linumin ang lason.)
O tapat na butikaryo! Mabisa ang lason.
Matapos ang isang halik, mamamatay ako.
( Pagkalipas ng itinakdang oras ay muling nagising mula sa hiram na kamatayang sinapit ni Juliet.)
JULIET:
Ano ito? Lason, nakita ko, ang sanhi ng kaniyang pagkamatay. O, inubos niya at walang nalabi kahit kapatak man lamang upang tumulong sa akin?
Hahagkan ko iyong labi baka sakaling may lason pang natira kahit konti
Upang ang gamot na halik ay lumagot sa buhay kong sawi.
Oh, mabuting balaraw!
Ang puso ko ang bayaan mo; tumimo ka riya't bayaang ako'y mamatay
(Sasaksakin ni Juliet ang kaniyang sarili.) BABAE:
Kapayapaang mahilom ang dulot nitong umaga
Ang araw ng kalungkuta'y hindi ngayon pakikita Lumakad na kayo'l pag-uusapan pa ang malungkot na naganap Ang iba'y patatawarin at sa iba'y parusa ay ilalapat;
Sapagkat wala pang makakasinlungkot Ang naging buhay ni Juliet at ni Romeo na kaniyang irog.