• Tidak ada hasil yang ditemukan

Vigilia Sa Patay

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Vigilia Sa Patay"

Copied!
13
0
0

Teks penuh

(1)

VIGILIA SA PATAY

PARI: SA NGALAN NG AMA NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO; BAYAN: Amen.

P: Ang biyaya na ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos at ng liwanag ng Espiritu Santo ay sumaatin lahat.

B: Amen.

P: Mga kapatid sa inyong kalumbayan at pangungulila ay nakikiramay ang bayan ng Diyos sa binyag ng ating kapatid na si ___________________ ay nabahaginan ng pagkamatay ni Kristo. Ngayon naman sa kanyang kamatayan ay natamo ang buhay na walang hanggan. Tandaan natin ang sinasabi ng Panginoon: “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sumasampalataya sa Akin, kahit mamatay ay mabubuhay.” (Jn. 11:25-26.) Balang araw tayong lahat ay muling magsasama-sama sa piling ng ating Amang nasa langit.

PANALANGIN

P: O maawaing Ama, Diyos ng walang hanggan, dinggin mo ang Aming panalangin para sa iyong anak na si ________________________________ na binawian Mo ng buhay.

Pagkalooban Mo siya ng liwanag, kaligayahan at kapayapaan.

Loobin Mo siyang makaraang maluwalhati sa pinto ng kamatayan upang magtamasa ng buhay na walang hanggan sa piling ng Iyong banal at ng aming amang si Abraham.

Ipag-adya Mo siya sa lahat ng masama at sa araw ng muling pagkabuhay, gantimpalaan siya na kasama ng lahat ng Iyong mga banal.

Patawarin Mo ang kanyang mga kasalanan at pagkukulang. Bigyan siya ng buhay na walang hanggan sa Iyong kaharian. B: Amen.

(2)

PAGBASA

PINUNO: PAGBASA SA AKLAT NG KARUNUNGAN:

Ang mga kaluluwa ng mga banal ay nasa kamay ng Diyos, at hindi sila maaabot ng pagdurusa. Sa paningin ng mga hangal sila’y mukhang mga patay, at ang kanilang pagpanaw ay itinuring na isang kapighatian at ang kanilang paglisan ay ating ganap na pagkawasak. Ngunit sila’y nasa kapayapaan.

Sapagkat kung sa harap ng tao’y tunay nga silang naparusahan, datapwa’t ang kanilang pag-asa ay puno ng buhay na walang hanggan. Bahagyang naparusahan, sila’y pagpapalain ng malaki sapagkat sinubok sila ng Diyos at napatunayang karapat-dapat sa kanilang sarili.

Tulad ng ginto sa apuyan, sila’y sinubok Niya at waring mga alay sa paghahain, sila’y kinuha Niya sa Kanyang sarili. Sa panahon ng pagdalaw sa kanila sila’y magniningning at sila’y sisiklab tulad ng kislap sa dayami.

Hahatulan nila ang mga bansa at pangangasiwaan ang mga bayan at ang Panginoon ang kanilang magiging hari magpakailanman. Ang mga nagtitiwala sa Kanya’y makakaunawa sa katotohanan at ang mga tapat ay mananatili sa Kanyang piling sa pamamagitan ng pag-ibig. Sapagkat kalinga at habag ang taglay ng Kanyang mga hinirang.

ANG SALITA NG DIYOS B: Salamat sa Diyos

SALMONG TUGUNAN

TUGON: “ALALAHANIN MO AKO PANGINOON PAGDATING MO SA IYONG KAHARIAN”

Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako mangangailangan ng anuman. Inilalagay ako sa mga sariwang pastulan na aking pahingahan. (T)

Pinagiginhawa ang aking kaluluwa, pinapatnubayan ako sa mga tumpak na landas alang-alang sa Kanyang pangalan. Maglakad man ako sa malilim na libis, wala akong katatakutan na masama sapagkat sumasaakin Ka. (T)

(3)

Ang Iyong pamalo at tungkod ay siyang nagpapasigla sa akin. Pinapakain Mo ako sa harap ng aking mga kalaban, pinapahiran ang aking ulo ng langis, umaapaw ang aking kopa. (T)

Pawang kabutihan lamang at kagandahang loob ang taglay ko sa lahat ng araw ng aking buhay. Maninirahan ako sa bahay ng Panginoon magpakailanman. (T)

EBANGHELYO

P: + PAGBASA SA BANAL NA EBANGHELYO AYON KAY SAN MATEO: (Mt. 5:1-12)

B: Papuri sa Iyo, Panginoon

P: Nang panahong iyon, nang makita ni Hesus ang makapal na tao ay umahon sa bundok. Pagkaupo Niya ay nagsilapit ang Kanyang mga alagad, at nagsalita Siya upang turuan sila ng ganito;

“Mapapalad ang mga dukha sa Espiritu sapagkat kanila ang kaharian ng langit.”

“Mapapalad ang mga maamo sapagkat tatamuhin nila ang lupa.” “Mapapalad ang mga nahahapis sapagkat aaliwin sila.”

“Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa matuwid na pamumuhay sapagkat bubusugin sila.”

“Mapapalad ang mga maawain sapagkat magkakamit sila ng awa.” “Mapapalad ang may malinis na puso sapagkat makikita nila ang Diyos.”

“Mapapalad ang mga tagamapayapa sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos.”

“Mapapalad ang mga pinag-uusig dahil sa katarungan sapagkat kanila ang kaharian ng langit.”

(4)

“Mapapalad kayo kung dahil sa Akin ay alimurahin at usigin kayo ng mga tao at pagwikaan kayo ng lahat ng masama nang dahil sa Akin. Magalak kayo at magsaya sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit.” P: ANG MABUTING BALITA NG ATING PANGINOON

B: Pinupuri ka namin Panginoong Hesu-Kristo.

PANALANGIN NG BAYAN

PINUNO: Muling binuhay ng Diyos Amang makapangyarihan ang Kanyang Anak na si Kristong Panginoon. Buong pananalig nating hingin sa Kanya na iligtas ang Kanyang bayan, ang mga buhay at patay. Sa binyag ng ating kapatid na si ________________________________ ay tumanggap ng pangako na magkakamit ng buhay ng walang hanggan. Panginoon, isama Mo siya sa piling ng Iyong mga banal magpakailanman.

TUGON: “PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN” Ang kapatid naming si _______________________ ay tumanggap ng tinapay na nagdudulot ng buhay na walang hanggan; Panginoon, buhayin Mo siya uli sa huling araw. (T)

Idinadalangin namin ang aming kapatid, kamag-anakan, lahat ng mahal sa amin at gumawa ng mabuti; Panginoon, gantimpalaan Mo sila sa kanilang kabutihan. (T)

Idinadalangin naming ang lahat ng yumao na umaasang muling mabubuhay; Panginoon, tanggapin Mo sila sa Iyong harapan. (T)

Idinadalangin namin ang lahat ng naririto na sumasamba at sumasampalataya; Panginoon, pag-isahin Mo kami sa pananampalataya at pag-ibig. (T)

AMA NAMIN

LAHAT: Ama namin, sumasalangit Ka. Sambahin ang ngalan Mo. Mapasaamin ang kaharian Mo, sundin ang loob Mo, dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw at patawarin Mo kami sa aming mga sala. Para ng pagpapatawad namin, sa nagkakasala

(5)

sa amin, at huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen.

PARA SA MGA KAMAG-ANAK NG YUMAO

P: MANALANGIN TAYO

LAHAT: O Ama, na puspos ng awa, Diyos ng lahat ng kaaliwan, sa Iyong walang hanggang pag-ibig at awa, ang dilim ng kamatayan ay ginagawa Mong bukang liwayway ng panibagong buhay.

Ipakita ang Iyong awa sa mag-anak na ito sa kanilang kalumbayan, Ikaw sana ang aming maging tagapagligtas naming na magdudulot sa amin ng lakas ng loob.

Sa kalungkutan at pangungulila, ipadama Mong naririto Ka sa piling nila upang aliwin sila.

Ang kamatayan ay nilupig ng anak Mong si Hesu-Kristong Panginoon naming nang Siya’y mamatay dahil sa amin, at ibinalik sa amin ang buhay sa Kanyang muling pagkabuhay.

Ipagkaloob Mong matanggap kami sa Kanyang kaharian at pagkatapos buhay na ito ay makapiling muli ang aming mga kapatid na yumao na doon ay mapapawi ang lahat ng hirap at hapis.

Alang-alang kay Kristong aming Panginoon. B: Amen.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

P: Mag-alay tayo ng tatlong Ama Namin at tatlong Aba Ginoong Maria para sa ating kapatid na si _______________________________ Panginoon patawarin Mo ang kanyang mga kasalanan nung siya’y nabubuhay pa. matanggap nawa ng kanyang mga mahal sa buhay ang kanyang paglisan ditto sa mundong ibabaw. Isama Mo siya sa iyong kaharian, sunduin Mo siya kasama ng mga anghel sa paanan ng hagdan ng Iyong kaharian. Isama mo siya sa Iyong piling magpakailanman. Amen.

(6)

AMA NAMIN

Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan Mo. Mapasaamin ang kaharian Mo, sundin ang loob Mo, dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw at patawarin Mo kami sa aming mga sala. Para ng pagpapatawad namin, sa nagkakasala sa amin, at huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen.

ABA GINOONG MARIA

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya. Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat, at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus. Santa Maria ina ng Diyos patawarin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami mamatay. Amen.

PANALANGIN

Ang walang hanggang pamamayapa ay igawad Mo po sa kaluluwa ni ____________________ at sumikat nawa sa kanya ang walang hanggang liwanag at mamahinga nawa siya sa kapayapaan. Siya nawa.

P: SA NGALAN NG AMA NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO; B: Amen.

(7)

AWIT NG PAGHAHANGAD I

O Diyos Ikaw ang laging hanap, loob ko'y Ikaw ang tanging hangad Nauuhay akong parang tigang na lupa sa tubig ng ‘Yong pag-aaruga

II

Ika’y pagmamasdan sa dakong banal nang makita ko ang ‘Yong pagkarangal Dadalangin akong nakataas aking kamay magagalak na aawit

na ang papuring iaalay Chorus

Gunita ko’y Ikaw habang nahihimlay pagkat ang tulong Mo sa tuwina’y taglay Sa lilim ng Iyong mga pakpak umaawit akong buong galak

III

Aking kaluluwa’y kumakapit sa ‘YO, kaligtasa’y tiyak kung hawak Mo ako Magdiriwang ang Hari ang Diyos Siyang dahilan

Ang sa Iyo ay nangako, galak yaong makakamtan (Chorus)

Coda

Umaawit, umaawit, umaawit akong buong galak

BATBAT NG PASAKIT I

Buhay batbat man ng pasakit may kulay ang silahis ng pag-ibig Tunay makamtan mo ang langit di ka rin masisiyahan

Kung walang pagmamahal kaakibat ng dibdib Refrain

Anung mapapala ng tao sa lupa di tulad sa kabila, kapiling ng Lumikha Hanapin natin kayamanang mapayapa

Buhay ni Hesus na mananakop ang halimbawa II

Langit kayamanang di malirip ligaya tuwang walang kahulilip Sining na di makatkat ng isip, sa mundo’y di makamit

Ang gintong pagmamahal kaakibat ng dibdib (Refrain)

(8)

III

Biyaya pagpapalang masagana, kaloob ng masintahing Bathala Langit tugatog na ninanasa ng lahat ng nilikha kaluluwang nagmamahal

Diyos ang tanging adhika (Refrain)

HINDI KITA MALILIMUTAN Hindi kita malilimutan, hindi kita pababayaan

Nakaukit magpakailanman sa aking palad ang ‘yong pangalan Malilimutan ba ng ina ang anak na galing sa kanya Sanggol sa kanyang sinapupunan, paano niya matatalikdan? Ngunit kahit na malimutan nang ina ang anak niyang tangan

Hindi kita malilimutan kailanma’y di pababayan Hindi kita malilimutan kailanma’y di pababyaan

HIRAM SA DIYOS

Hiram sa Diyos ang aking buhay, ikaw at ako’y tanging handog lamang Di ko ninais na ako’y isilang ngunit salamat dahil may buhay

Ligaya ko na ako’y isilang pagkat tao ay mayroong dangal Sinong may pag-ibig, sinong nagmamahal?

Kundi ang tao Diyos ang pinagmulan kung di ako umibig Kung di mo man bigyang halaga ang buhay kong handog Ang buhay kong hiram sa Diyos; kung di ako nagmamahal

Sino ako?

IN HIS TIME In His time, in His time

You made all things beautiful in His time

(9)

That you do just what you say in Your time In Your time, in Your time

You make all things beautiful in Your time

Lord my life to you I bring may each song I have to sing Be to You a lovely thing in Your time

Coda

Be to You a lovely thing in Your time

LANDAS NG BUHAY

Minsan lamang akong daraan sa daigdig na ito Kaya ano man ang mabuting maaring gawin ko ngayon

O anumang kabutihan ang maari kong ipadama Itulot ninyong magawa ko ngayon ang mga bagay na ito

Chorus

Nawa’y huwag ko itong ipagpaliban o ipagwalang-bahala Sapagkat di na ko muling daraan sa ganitong mga landas

(Repeat chorus) Coda Mga landas…

LEAD ME LORD I

Lead me Lord, lead me by the hand and make me face the rising sun Comfort me through all the pain that life may bring

There’s no other hope that I can lean upon Lead me Lord, lead me all my life

II

Walk by me, walk by me across the lonely road of everyday Take my arms and let Your hands show me the way

Show the way to live inside Your heart Lead me Lord, lead me all my life

(10)

Refrain

You are my light; You’re the lamp upon my feet All the time oh Lord I need You there

You are my life; I cannot live alone Let me stay by Your guiding love All through my life, lead me Lord

III

Lead me Lord, eventhough at times I’d rather go a long my way Help me take the right direction to Your road

Lead me Lord and never leave my side All my days, all my life

(Refrain) Coda

All through my days lead me oh Lord, lead me Lord

LIFT UP YOUR HANDS I

Life is not that all that bad my friend hmm… If you believe in yourself, if you believe There’s someone who walks through life with you

You’ll never be alone just learn to reach out and open your heart Lift up your hands to God, and He’ll show you the way

Chorus

And He said “Cast your burdens upon Me those who are heavily laden Come to Me all of you who are tired of carrying heavy loads

For the yoke I will give you is easy and my burdens is light Come to Me and I will give you rest”

II

When you feel the world is tumbling down on you And you have no one that you can hold on to

Just face the rising sun and you’ll see hope and there’s no need to run Lift up your hands to God and He’ll make you feel alright

(Chorus) Coda

(11)

SING A NEW SONG Chorus

Sing a new song unto the Lord let your song be sung from mountains high Sing a new song unto the Lord, singing alleluia

I

Yahweh’s people dance for joy; O come before the Lord And play for Him on glad tambourines and let your trumpet sounds

(Chorus) II

Rise O children from your sleep; your Savior now has come He has turned your sorrow to joy and filled your soul with songs

(Chorus) III

Glad my soul for I have seen; the glory of the Lord

The trumpet sounds the dead shall be raised; I know the Savior comes (Chorus)

SPIRIT SONG I

Oh let the Son of God enfold you with the Spirit and His love let Him Fill your heart and satisfy your soul

Oh let Him have the things that hold you and His Spirit like a dove Will descend upon your life and make you whole

Chorus

Jesus, Oh Jesus, come and fill your lamb Jesus, Oh Jesus, come and fill your lamb

II

Oh come and sing this song with gladness as your hearts are filled with joy Lift your hands in sweet surrender to His name

Oh give Him all your tears and sadness give Him all your years and pain And you’ll enter into life in Jesus name.

(12)

Coda

Come and fill your lamb

TANGING YAMAN Chorus

Ikaw ang aking tanging yaman na di lubusang masumpungan Ang nilikha Mong kariktan, sulyap ng “Yong kagandahan

I

Ika’y hanap sa tuwina, nitong pusong Ikaw lamang ang saya Sa ganda ng umaga, nangungulila sa ‘Yo sinta

(Chorus) II

Ika’y hanap sa tuwina, sa kapwa ko Kita laging nadarama Sa Iyong mga likha, hangad pa ring masdan ang ‘Yong mukha

(Chorus )

UGOY NG DUYAN I

Sana`y di magmaliw ang dati kong araw Nang munti pang bata sa piling ni Nanay Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal Awit nang pag-ibig habang ako`y nasa duyan

II

Sa aking pagtulog na labis ang himbing, Ang bantay ko`y tala, ang tanod ko`y bitwin,

Sa piling ni Nanay langit ang buhay, Puso kong may dusa,

Sabik sa ugoy ng duyan (Repeat I and II)

Coda

Nais kong matulog Sa dating duyan ko Inay

(13)

WE OFFER OUR HEART We offer our heart to the Lord up above

We offer our heart to Jesus we love

And now as we pray, may the Lord come and say That we share in His glory one day

(Repeat all)

YOU ARE MY HIDING PLACE

You are my hiding place; You always fill my heart with song Of deliverance whenever I am afraid I will trust in You

I will trust in You; let the weak say I am strong In the strength of my Lord…

(Repeat all) Coda

Referensi

Dokumen terkait

Lider: O Panginoon, nawa ay pagkalooban mo siya ng walang hanggang kapahingahan Lahat: At nawa ay masinagan siya ng panghabang-panahong liwanag. Lider: At mahimlay nawa siya

estudyante na hindi dapat nila bale walain ang pag-aaral, dahil para sa akin, bilang isang mag-aaral ang edukasyon ay ang pundasyon ng ating buhay kaya tayo nakakapag-isip

Ituro ba naman na ang Elias na kanilang hinahanap ay walang iba kundi si naman na ang Elias na kanilang hinahanap ay walang iba kundi si Lucas ² ang

Ang tagapagsalita na nagngangalang Miguel Manuel ay nagpapakilala kay Doktor Juan... Ang morpolohiya ay pag-aaral ng mga morpema ng isang wika. Ito ay sistema ng pagsasama-sama ng

Matapos ang ginawa naming pagsasaliksik, nalaman namin na ang mga salik ng Study Habits – ang Time Management, ang Study Skills, at ang Learning Skills – ay talagang may

Arcel6n tagal-tagal na rin namang hindi nagkikita at sa dahilang walang- wala sa kanyang lo6b ang tunay na dahil ng gay6ng pagkakada- law ni aling Giday, si aling Mag- da ay walang

Si Gaspar ay isa sa mga nagmamay-ari nito noon.Sa huling bahagi ng kanilang pagkukuwento ay naitanong ko kung anong salita ang tibor.Umamin si Gaspar na maging siya ay hindi rintiyak

Ang core na argumento ng isang transitibong konstruksyon ay binubuo ng dalawang gramatikal na argumento, kung saan ang pinanggalingan ng aksyon ay magkaiba at distintibo sa