KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG
FILIPINO (FILKOM)
Inihanda ni:
Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa
pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat at
pasalitang simbulo (Webster, 1974)
Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na
anyo ng simbolikong gawaing pantao. (Archibald Hill,
What is language)
Ang wika ay isang masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa
isang kultura. (Henry Gleason)
May masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga
makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa
makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema)
na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang
makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may
istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan
sa paggamit ng wika.
Sinasalitang tunog dahil ito ay binubuo ng mga tunog.
Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang
maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga
salita.
Pinipili at isinasaayos dahil ang wika ay may kakanyahan.
Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at
istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na
komon sa ibang wika samantalang may katangian namang
natatangi sa bawat wika.
Arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga
gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing
[balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay
[casa] kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug
samantalang [house] sa Ingles.
Ginagamit . Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at
katulad ng iba pang kasangkapan, kailangang patuloy itong
ginagamit.
Nakabatay sa kultura. Nagkaiba-iba ang mga wika sa
daigdig dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at
mga pangkat. Halimbawa; Ice formations (Ingles) = yelo at
nyebe (Filipino)
Nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaring
tumangging magbago. Ang isang wika ay maaring
nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging
malikhain ng mga tao, maring sila ay nakakalikha ng mga
bagong salita. Halimbawa nito ay mga salitang balbal,
pangkabataan, pamprodukto
1. Teoryang Ding-dong
Maliban sa mga tunog ng hayop, ang mga tunog ng mga bagay-bagay sa ating kapaligiran na pinaniniwalaang may sariling tunog, gaya halimbawa ng pagtunog ng kampana, ay nakatulong din sa mga sinaunang tao sa paglikha ng wika. Ang tunog ng kampana ay nagbabadya ng iba’t ibang mensaheng nais iparating sa mga nakikinig.
2. Teoryang Bow-wow
Sinasabi sa teoryang ito na ang unang wikang natutuhan ng mga tao ay nagmula sa panggagaya ng mga tunog na nalilikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, huni ng ibon, tilaok ng manok at iba pa.Bunga ito ng kakulangan ng
kaalaman sa mga salita ng mga primitibong tao noon kaya kahit paano,
nakatulong ang mga tunog na naririnig mula sa iba’t ibang hayop sa paglikha ng sarili nilang wika.
3.
Teoryang Yum-yum
Sinasabi ng teoryang ito na naunang sumenyas ang tao kaysa
magsalita
. Ngunit sa pagdating ng tamang panahon, kailangan
niyang palitan ng mga salita ang kanyang nais sabihin. Patunay nito,
lagi nating naipagsasabay ang pagtango sa pagsasabi ng afirmativ
na salitang tulad ng oo, opo o kaya sige
. Pag-iling naman ang
kasabay ng mga negativ na tulad ng hindi o ayaw. Subukin kaya
nating baligtarin?Magsalita ka ng hindi sabay sa pagtango, at oo
naman sabay sa pag-iling. Kapansin-pansin ang kawalan ng
koordinasyon.
4
. Teoryang Ta-ta
Natutuhan ang wika sa kumpas ng maestro sa musika
. Ang
ta-ta (wikang Pranses), ibig sabihin ay paalam.
5. Teoryang Pooh-Pooh
Batay sa teoryang ito, ang unang mga salita na namutawi sa bibig ng mga sinaunang tao ay mga salitang nagsasaad ng
matinding damdamin o bunga ng silakbo ng damdamin gaya ng pagkatakot, sakit, labis na katuwaan o kalungkutan, at pagkabigla. Hindi sinasadyang nakabibigkas ng salita o kataga ang tao kapag sila’y nagugulat, nabibigla o natatakot.
6. Teoryang To-he -ho
Nalikha dahil sa pwersang gamit . Nakakalikha ang tao ng tunog kapag may ginagawang kahit na anong bagay. Hal; pagbubunot ng sahig , pagpihit ng turnilyo.
7.
Teoryang Tara-Boom-De-Ay
Ang mga tao ay natutong humabi ng mga salita mula sa
mga seremonya at ritwal na kanilang ginagawa
. Ang
mga ritwal na ito kalimitan ay may mga sayaw, sigaw, at
iba pang gawain, nagkakaroon ng mga salitang kanilang
pinananatili upang maging bahagi na ng kanilang kultura.
1
. PersonalNaipapahayag ang mga sariling damdamin, pananaw, opinyon at maging personalidad ng isang indibidwal. Sakop nito ang mga bulalas ng damdamin tulad ng pagkagulat, galit,
hinanakit at tuwa. Maging ang pagmumura ay maituturing sa uring ito, kung kaya, ang ganitong gamit ay nasa ilalim ng alinman sa formal at informal na talakayan.
Hal: Geser: Talaga? Nanalo ako ng limang milyon sa lotto? Yaoooooooo! Nhelo: Balato naman diyan!
2. Imajinativ
Nalulubos ang gamit ng wika kapag nailapat sa pagsulat o pagbigkas ng mga akdang
pampanitikan. Malikhain ang tunguhin nito kung kaya karaniwan nang mapapansin ito sa mga gawang masining o estetiko. Sa pasulat o pasalita man, nagagamit ito sa mga tula, awit,
kuwento at iba pang nangangailangan ng talinghaga.
Hal: Shimy: Christian, kung sakaling may makilala kang genie, ano ang hihilingin mo sa kanya? Christian: Siyempre, ang makalipad tulad n g isang ibon para makapaglakbay ako sa paraang gusto ko at makita ang buong mundo.
3. Interaksyonal
Mahalaga ang gamit na ito ng wika sa dahilang sa pamamagitan nito,
pinananatili ang mga relasyong panlipunan. Sa mga magkakaibigan, nariyan ang pagbibiruan at panunukso. Sa mga magkakamag-anak, nariyan ang mga
paanyaya at pasasalamat. Sa mga pangkat panlipunan, nariyan ang mga salitang pangkabataan, wika ng mga bakla, at mga propesyonal na jargon.
Hal: Sandy: Aba, ang hitad kong sister, wis na ang pagka-chaka doll. Abrey: Siyempre, salamat po Doc yata ang drama ko!
4.
Informative/RepresentasyonalTulad ng ngalan nito, ginagamit ang wika dahil na rin sa pangangailangang
maipaalam ang napakaraming katotohanan, datos at informasyong hatid ng mundo. Dahil dito, mas higit na formal ang gamit na ito ng wika lalo pa’t gamit ito sa pagtuturo, mga talumpati, pakitang-kuro, pagbabalita o sa simpleng pag-uulat.
Hal; Dominic: Alam mo ba na nag salitang goodbye ay nagmula sa pahayag na God be with ye?
Jaja: A, talaga?
5. Instrumental
Ginagamit ang wika upang magawa ng isang indibidwal ang kanyang nais gawin. Pasalita man o pasulat, magagamit ang wika upang mag-utos, makiusap, humingi, magmungkahi at magpahayag ng sariling kagustuhan.
Hal: Adrian: Nais ko sanang maipadama sa iyo kung gaano kita kamahal. Jennifer: Ganun ba? Sige walang problema.
6. Regulatori
Madalas na ginagamit ito ng mga taong may nasasakupan o mga taong may taglay na kapangyarihang magpakilos ng kanyang katawan. Kontrolado ng gumagamit ng wika ang
sitwasyon kung kaya, kaya niyang pakilusin ang sinuman matapos niyang magamit nang ganap ang wika. Sa pasalita, kapansin-pansin ito sa mga talumpati o debateng ang layunin ay
manghimok tulad sa isang halalan. Sa pasulat, mapapansin ito sa mga memorandum, patakaran, resolusyon at iba pa.
Hal: Islogan ng MMDA: Bawal Umihi Rito. Multa: Php. 500 George: Naku saan kaya ako maaring umihi? Bawal pala dito.
7. Heuristik
Gamit ito ng taong nais na matuto at magkamit ng mga kaalamang akademik at/o
profesyonal. Upang kanyang mabatid, kailangan niyang sumuri, mag-eksperimento, magtanong at sumagot, magbigay-kahulugan, makipagtalo at pumuna.
Hal: Gicko: Nagyon ko lang nalaman na nag Dalamatian ay isang wika, at hindi basta wika, ito ay isang halimbwa ng patay na wika o frozen language.
Nixan: A, oo Namamatay kasi ang wika kapag hindi ito sasailalim sa pagbabago. Bawat wika sa mundo ay kinakailangang makaaangkop sa pagbabago ng panahon , upang matuloy at umunlad. Ang wikang Latin ay nisa rin sa halimabwa ng patay na wika.
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang antas na ginagamit ng tao
batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan,
lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.
Ang wika ay mayroong limang antas. Ito ay ang mga
sumusunod:
1. Balbal
- ito ang pinakamababang antas. Ito ay binubuo ng
mga salitang kanto na sumusulpot sa kapaligiran / ginagamit sa
lansangan.
2. Kolokyal - ito ang wikang sinasalita ng pangkaraniwang tao ngunit bahagya ng tinatanggap sa lipunan. Ang mga ganitong salita ay natural na phenomenon ng pagpapaikli ng mga salita upang mapabilis ang daloy ng komunikasyon
3. Lalawiganin - kabilang sa antas na ito ang mga salitang katutubo sa lalawigan.
4. Pambansa - salitang madalas gamitin sapagkat nauunawaan ng buong bansa. Ito ay isang wika na natatanging kinakatawan ang
pambansang pagkakilanlan ng isang lahi o bansa. Ang mga salitang ito ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong pangmadla. Ito rin ang wikang ginagamit sa paarala at sa pamahalaan.
5
.
Pampanitikan
– Ito ang antas na may pinakamayamang
uri. Madalas ito ay ginagamitan ng mga salitang may iba
pang kahulugan. Idyoma, eskima, tayutay, at iba't ibang
tono, tema, at punto ay ginagamit sa pampanitikan.
HALIMBAWA; (Limang Antas ng Wika)
Balbal Kolokyal Lalawiganin Pambansa Pampanitikan
1. Syota- Kasintahan 2. Chokorandehins- hindi kaibigan 3. Datung- pera 4. Mudracles- ina/nanay 5. Todas- patay 6. Olats- talo 7. Dekwat- nanakaw 8. Chaka-pangit 9. Purita- mahirap 10.Tsongke-marijuana 11.Lafang-kumain ng marami 12.Bratinella- babeng pasaway omaldita 13.Lanjut- malandi 14.Bebot- babae 15.Bokal- Kalbo 1. Mayroon- meron 2. Dalawa- dalwa 3. Diyan- dyan 4. Kwarta-pera 5. Na saan- nasan 6. Paano- pano 7. Saakin-sakin 8. Kailan-kelan 9. Ganoon-ganun 10.Puwede-pede 11.Kamusta-musta 12.At saka- tsaka 13.Kuwarto- kwarto 14.Pahingi- penge 15.Naroon- naron 1. Malakat (Hiligaynon)- aalis 2. Natuod (waray) – naniniwala 3. Mapintas (ilocano) – maganda 4. Nasi (kapampangan)- bigas 5. Bilot (Batangueño) – tuta 6. Igsura (bisaya) – ulam 7. Sinsilyo (Bicolano)- barya 8. Luslus (kapampangan)- luwas 9. Amo (Aklanon)- unggoy 10.Hinigugma (Bisaya) – maha l11.Ilol (pangalatok)- laway 12.Manog (Kiniray-a) – ahas 13.Kalibutan (Bisaya)- Mundo 14.Maupay (bisaya)- maganda 15.Magakal (Maranao)-magsinungaling 1. Malaya 2. Buhay 3. Pagkain 4. Dangal 5. Tao 6. Takdang Aralin 7. Umaga 8. Simbahan 9. Wika 10.Bansa 11.Bayan 12.Buhay 13.Puso 14.Panaginip 15.Hangrin 1. Ipamintakasi-ipagdasal 2. Isulat sa tubig- makalimutan 3. Makati ang dila- madaldal 4.naniningalang-pugad – nanliligaw
5.maitim ang dugo – salbahe 6.paham- matalino
7.katoto- kaibigan
8.mapagkandili- mapag –alaga 9.pakikipaglamas- pakikipaglaban 10.siniphayo-inapi 11.panibugho-pagkainggit 12.mawatasan-maintindihan 13.Pang-uuyam – paglait 14.Nanghihilakbot – Natatakot 15. pag-aglahi- paghamak
Kahulugan ng Varayti
Pagkakaroon ng natatanging katangian nanauugnay sa
partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal
Halimbawa;
VARAYTI NG WIKA
Pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa
pormalidad, bigkas, tono, uri, anyo ng salita atbp.
Halimbawa:
Kung guro sa Filipino ang kausap:
Ginoo, di ko po maunawaan/maintindihan
Kung kaklase ang kausap:
Ano ba ‘yan? Di ko gets!
Porma/uri ng wika na ginagamit ng mga nagsasalita ng isang
wika
Halimbawa:
Karaniwang Filipino:
Maghugas ka ng plato.
Tagalog-Bulacan:
Mag-urong ka ng pinggan
Porma/uri ng wika na ginagamit ng mga nagsasalita ng isang wika
Halimbawa:
A. Permanente B. Pansamantala
Dayalekto Register
Idyolek Estilo
Moda/Paraan ng Pagpapapahayag
1
. DAYALEKTO
– panrehiyon o heograpikal na varayti ng wika na
may sariling ponolohiya, sintaksis at leksikon
(vocabulary)
.
PERMANENTENG VARAYTI
Sa Morong Rizal:
• Ikaw na ba ang SUSUNOR?
• Kunin mo nga ang SANROK.
• Ang laki ng RAGA!
• Nasa BUNROK, nanghuhuli ng usa.
Sa Bulacan:
• pila – baterya ng sasakyan
• saukan – sawsawan
• tinadtad – bopis (baga at puso ng baboy o baka)
• kayo – tela
• lansak – libreng pakain sa simbahan/kapilya tuwing Sabado de Gloria
• patuka – feeds
2. IDYOLEK – ang wikang tipikal/ pangkaraniwang ginagamit ng isang tao; ang personal na “wika” ng isang tao.
Halimbawa:
(Karaniwang idyolek ng mga estudyante sa mga paaralang pribado at eksklusibo sa Metro Manila: Taglish o Enggalog )
• “It’s not that na galit na galit ako. It’s just that. Nakakasabaw. SOBRA.”
• “Grabe. Solid talaga.”
• “Hindi naman one-sided ako. Hindi ba dapat multiple murder sa halip na rebellion?”
• “Kaya kung true yung 2012, ok na rin yun. Kawawa younger generations.”
3. REGISTER – anyo ng wika batay sa uri at paksa ng talakayan o
larangang pinag-uusapan, sa mga tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa okasyon at sa iba pang mga salik o factor .
Halimbawa:
(Talakayan sa klase ng International Affairs)
• Guro: Bakit kaya may foreign troops pa rin sa Iraq at Afghanistan ngayon?
• Estudyante 1: Sir, kailangan ang foreign troops para i-secure ang democratic government sa Iraq.
• Estudyante 2: Ang agenda talaga ng USA ay para makuha ang oil deposits ng Iraq.
• Estudyante 3: Sir, kasi, hindi naging successful ang mediation at diplomatic actions ng USA noon.
PANSAMANTALANG VARAYTI
(Talakayan sa klase sa Filipino)
• Guro: Bakit kailangan ang komunikasyon sa pang-araw-araw na buhay?
• Estudyante 1: Kung wala pong komunikasyon, parang walang buhay ang mundo.
• Estudyante 2: Kailangan po ng komunikasyon para magkaintindihan ang mga tao. (Klase sa Law School)
• Guro: Magbigay ng opinion tungkol sa Maguindanao Massacre at sa mga kasong isinampa sa mga suspect.
• Estudyante 1: Sir, faulty ang filing ng rebellion case, dapat, multiple murder.
• Estudyante 2: Mahina po ang kasong rebellion at maaaring tactics nila ‘yan para ma-subsume ng rebellion ang iba pang crimes.
• Estudyante 3: Magkakaroon po ng whitewash. Nakikita po natin na ang DOJ ay walang gana sa pagsasampa ng kaso.
4. TENOR/ESTILO
Kung pormal ang pagtitipon/meeting, pormal din ang wika
Kung simpleng talakayan o tsismisan lang, impormal o casual ang wika
(lalo kung ang kausap ay malapit na kaibigan)
Batay sa kausap at/o sa okasyon, nagbabago ang antas ng pormalidad ng
wika
5. MODA
Paraan ng pagpapahayag (pasalita ba o pasulat?)
May mga pagkakaiba ang paraang pasalita at pasulat
Mas mahigpit ang pagpapatupad ng mga tuntuning gramatikal sa
paraang pasulat at mas maluwag naman ang paraang pasalita (bagamat sa internet, lalo na sa mga social networking site, maluwag.
Halimbawa:
Modang Pasalita Modang Text
•
E1: Kain na tayo.
•
E2: Tara. San?
•
E1: Sa resto.
•
E2: San nga e?
•
E1: E di sa Gerry’s.
•
E2: Okey.
E1: Kain tau.
E2: Wer?
E1: Resto
E2: Wat resto?
E1: Khit san
E2: S Gerry’s n lng
E1: K
6. SOSYOLEK
Batay sa katayuan o status ng isang gumagamit ng wika sa
lipunang kanyang ginagalawan– mahirap o mayaman; may
pinag-aralan o walang pinag-aralan; kasarian; edad atbp. salik o
factor
.
Halimbawa;
•
Sa mahirap, "sira ang ulo", sa mayaman "nervous breakdown"
•
Ang mayamang malikot ang kamay tawag ay “kleptomaniac",
•
Kung mahirap ka at masakit ang ulo mo, ikaw ay " nalipasan ng
gutom", kung mayaman ka naman at masakit ang ulo mo meron
kang “migraine".
•
Kung mahirap ka ikaw ay “kuba", pag mayaman ka naman,
meron kang "scoliosis".
•
Kung mahirap ka na maitim ikaw ay isang "negrita", pag
mayamn ka na maitim ikaw naman ay "Morena".
•
Kung high society ka tawag sa iyo ay "slender", pag lo class ka
naman tawag sa yo ay "payatot"
•
Ang anak ng mayaman ay "slow learner", ang anak naman ng
mahirap ay "bobo“
7. PIDGIN
“Wikang” umunlad/napaunlad sa dahilang praktikal (mabilisang
transaksyon sa negosyo atbp.); walang masalimuot o
kumplikadong tuntunin at limitado lamang ang talasalitaan o
bokabularyo; walang native speaker nito dahil paghahalu-halo
lamang ng mga wika.
Halimbawa
ng pidgin sa English;
•
You buy this? (Will you buy this?)
•
You go back when? (When will you go back?)
8. CREOLE
Ang pidgin, kapag naging inang wika o mother tongue ng isang
pangkat ng tao ay tinatawag nang creole
Pidgin na nagkaroon na ng mga native speaker
Di gaya ng pidgin, ang creole ay ginagamit sa mas malalawak na
larangan o
field
“Sa alinmang bagay ay wala nang napakamahalaga na tulad ng
pagkakilala nila sa kanilang kaisahan bilang isang bansa; at bilang
isang bayan ay hindi tayo magkakaroon ng higit na pagkilala sa
bagay na ito hangga’t hindi tayo nagsasalita ng isang wikang
panlahat”
-
Pangulong Manuel L. Quezon
Wikang Pambansa
- Wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan na ginagamit
nito sa pamamahala at pakikipag-uganayan sa mga taong sakop
nito.
KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD NG
WIKANG PAMBANSA SA PILIPINAS
Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Wikang Pambansa
1.
Bigkis ng pagkakaisa.
2.
Sagisag ng pambansang pagkakakilanlan.
3.
Kasangkapan sa pambansang pagpapaunlad.
4.
Ugat ng nasyonalismo.
5.
Kaluluwa ng bayan.
Apat na Hakbang sa Pagpapalanong Pangwika
1. Pagpili ng wikang saligan.
Batayan sa Pagpili ng Batayang Wika:
a. Higit na maunlad na istrukutura.
b. May mekanismo.
c. Mabisang nagagamit sa panitikan.
d. Tinatanggap at ginagamit ng nakararaming Pilipino.
e. Mayaman sa koleksyon ng panitikan at pananaliksik.
f. Malawak na ginagamit sa kabisera.
2. Kodipikasyon ng porma o anyo ng napiling wikang saligan.
(paglalahad ng deskripsyon ng kayarian, tuntunin ng wastong
pagpapahayag, paghahanda ng diksyunaryo)
3. Pagpapaunlad at pagpapalaganap ng tungkulin ng wika upang
ito ay matanggap at magamit ng taong bayan.
4.
Mahahalagang Batas, Kautusan, Proklama at Tanggapang
Pampamahalaan na may kinalaman sa kaunlaran ng ating wikang
pambansa.
Saligang-Batas ng Biyak-na-Bato (1896) – Ang Wikang Tagalog
ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.
Saligang-Batas ng 1935 ( Seksyon 3, Artikulo XIV) – Ang
Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad
at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa
mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana
ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamiting
mga wikang opisyal.
Nobyembre 13,1936 – Pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang
Batas Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng Pangulo ng
Komonwelt, si Manuel L. Quezon na lumilikha ng isang Surian
ng Wikang Pambansa.
Surian ng Wikang Pambansa
Pangunahing Layunin: piliin ang katutubong
wika na gagamiting batayan ng
pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang
pambansa ng Pilipinas.
Mga Nahirang na Kagawad:
1. Jaime C. Veyra - (Visayang Samar) Tagapangulo
2. Cecilio Lopez - (Tagalog) Kalihim at Punong
Tagapagganap
3. Santiago Fonacier
- (Ilokano), Kagawad
4. Filemon Sotto
- (Visayang Cebu), Kagawad
5. Felix S. Salas Rodriguez
- (Hiligaynon), Kagawad
6. Casimiro Perfecto
- (Bikol), Kagawad
7. Hadji Butu
- (Muslim), Kagawad
Disyembre 30, 1937, naiproklama ng Pangulong Quezon na ang
wikang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang
Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon
matapos itong mapagtibay.
Batas Komonwelt Blg. 184, s. 1936, Seksyon 8, talatang (5)
Batayan sa Paghirang sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa:
(1) sapagkat napatunayang ang wikang “higit” na maunlad sa
istruktura/kayarian (2) maunlad sa mekanismo (3)mayaman sa literatura (4) tinatanggap at ginagamit sa kasalukuyang panahon ng
pinakamaraming mga Pilipino”.
Disyembre 13, 1939 – nakapagpalimbag ng kauna-unahang Balarilang Pilipino si Lope K. Santos (Ama ng Balarilang Pilipino).
Hunyo 19, 1940 -- sinimulan ang pagtuturo ng Wikang pambansa sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.
Hunyo 4, 1946 -- nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.
Agosto 13, 1959 -- ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng
Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad
na ang Wikang Pambansa ay tatawagin nang Pilipino upang
mapaikli ang mahabang ka
Abril 1955 (Proklamasyon Blg. 2) – Nilagdaan ni Pangulong
Ramon Magsaysay ang direktiba sa pagdiriwang ng Linggo ng
Wika mula Marso 29-Abril 4 bilang pagpaparangal kay Balagtas.
Agosoto 13, 1959 (Kautusang Pangkagawaran Blg.7) – Pinalitan
ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika bilang
pagpaparangal sa tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”
noong Agosto 19.
Oktubre 24, 1967 (Kautusang Tagapagpaganap Blg.96) –
Pagpangalan sa Pilipino ng mga gusali, episidyo at tanggapan ng pamahalaan.
Marso 27, 1968 (Kautusang Tagapagpaganap blg.96) – Pagsasalin sa
Pilipino maging ng mga letterhead,kaukulang teksto sa Ingles at pormulasryo sa mga kagawaran, tanggapan at sangay
pampamahalaan.
Saligang-Batas ng 1973 – Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adopsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino.
Agosto 7, 1973 – (National Board of Education Resolution No.73-7) -
Pinagtibay ng magkatuwang na ipinatupad ng Surian ng Wikang Pambansa at Ministri ng Edukasyon -- ang Patakarang Edukasyong Bilingguwal na nagbibigay-diin sa magkahiwalay na gamit ng Pilipino at Ingles sa mga piling asignatura at paksang-aralin.
Saligang-Batas ng 1987 ( Artikulo XIV, Sek 6-9) – ang Wikang
Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Enero taong 1987 -- batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas.
Agosto 14, 1991 -- nalikha sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104 ang
Komisyon sa Wikang Filipino. May atas ang Komisyon na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa
pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335- Ipinag-utos ng Pangulong Aquino na gamitin ang Filipino sa lahat ng transaksyon at
komunikasyon ng pamahalaan.
Hulyo 1997 (Proklamasyon Blg. 104) – Pinahaba ang pagdiriwang ng pagdakila sa papel ng wikang pambansa, nagtagubilin si Pangulong Ramos sa iba’t ibang sangay o tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsagawa ng Buwan ng Wikang Pambansa.
CHED Memo blg. 59 – Nilagdaan ni Pangulong Ramos na nagtatadhana ng 9 na yunit ng Filipino sa kolehyo
Ponolohiya
ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng tunog
pinag-aaralan ang wastong bigkas ng mga tunog na tinatawag
na ponema.
Ponetiko
ang galaw at bahagi ng katawan ng tao saklaw sa pag-aaral
kung saan isinagawa ng tunog sa pagsasalita o wastong
pagbigkas
Ponema
ang tawag sa mga yunit ng tunog ng isang wika
( Phoneme) phone -- tunog
eme -- makabuluhan
tumutukoy ito sa makabuluhang tunog – ang bawat ponema ay
maaaring makapagbago ng kahulugan ng isang salita. Hal.
g
alang,
d
alang,
b
alang
Maari ring di makapagpabago – Malayang nagpapalitan Hal.
Babae-babai; lalake-lalaki
1. Enerhiya (Energy)
- nilikhang presyon ng papalabas na
hiningang galing sa baga
2. Artikulador (Articulator)
- nagpapakatal sa mga
babagtingang pantinig (Vocal)
3. Resonador (Resonator)
- nagmomodipika ng tunog.
Ang bibig at guwang ng ilong ang itinuturing na
resonador
1. Ponemang Katinig
– binubuo ng 16 na ponema– 16
/ b/, /p/, /k /, /g/, /d/, /t/, /h/, /s/, /l/, /r/, /m/, /n/, /ng/, /w/,/y/, / ˆ ΄ -/.
2 URI NG PONEMA
Paraan ng Pagbigkas o Artikulasyon Punto ng Artikulasyon Panlabi (bilabial) Pangngipin ( dental)Panggilagid Pangngalala Panlalamunan (Larinjal) Impit (glottal) Matigas (palatal) Malambot (velar) Pasara: w.t. Pasara: m.t. p b t d k g ? Pasutsot: w.t. (Fricative) s h Pailong: m.t. (nasal) m n ŋ (ng) Pagilagid: m.t. (lateral) l Pangalatal: m.t. (flap) r Malapatinig: m.t. y w
2. Ponemang Patinig - ayon sa mga linggwista at ilang mananaliksik, tatatlo lamang ang patinig ng Filipino; /a/, /i/, at /u/. Ayon kay Cubar (1994) ang fonemang /e/ at /o/ ay hiram na salita sa Kastila at English.
(ang tunog na /e/ at /i/ o /o/ at /u/ ay malayang nagkakapalitan na hindi nagbabago ang kahulugan ng mga salita—Allophone)
Ang diptonggo ay ang magkatabing tunog ng patinig (a, e, i, o, u) at
malapatinig (y, w) na nasa iisang pantig, gaya ng /aw/, /ay/, /ey/, /iw/, /iy/, /oy/, /uy/.
Halimbawa:
kalabaw reyna kahoy saklay giliw baduy
Gayunpaman, hindi maituturing na diptonggo ang magkasunod na patinig at malapatinig kung nagkakahiwalay ang mga ito kapag pinantig.
Halimbawa, sa madaling tingin, maaaring isiping may diptonggo ang salitang ka-ka-hu-yan (uy) o ang salitang biyaya (ay), ngunit kapag
pinantig na ang mga ito, nagkakahiwalay ang /u/ at /y/ sa unang halimbawa (ka-ka-hu-yan) gayundin ang /a/ at /y/ sa ikalawa (bi-ya-ya).
Ang klaster naman ay ang magkatabing tunog ng katinig na nasa iisang pantig, gaya ng /pw/, /py/, /pr/, /pl/, etc.
Lalong lumaganap ang mga salitang may klaster makaraang dumami nang dumami ang mga hiram na salitang ipinapasok sa talasalitaang
Halimbawa;
pyesa trabaho klase
gripo produkto tsansa
tabla gyera timpla
krus dyamante mwebles
Gayunpaman, hindi maituturing na klaster ang magkasunod na katinig kung nagkakahiwalay ang mga ito kapag pinantig. Halimbawa, sa
madaling tingin, maaaring isiping may klaster ang salitang parte (rt) o ang salitang piglas (gl), ngunit kapag pinantig na ang mga ito, nagkakahiwalay ang /r/ at /t/ sa unang halimbawa (par-te) gayundin ang /g/ at /l/ sa ikalawa (pig-las). Hindi rin klaster ang magkasunod na /n/ at /g/ dahil ang tunog ng mga ito’y itinuturing lamang na iisa (/ng/).
Pares Minimal
ay magkatugmang salita na hindi magkaugnay na
kahulugan subalit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban
lamang sa isang ponema sa magkatulad na posisyon .
Hal
.
pala-bala ; hari- pari, pasa
–
basa
Ponemang Malayang Nagpapalitan (Allophone
)–ang magkaibang
ponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi
nagbabago sa kahulugan ng salita , ay sinasabing malayang
nagpapalitan ang e at I; o at u.
Hal. lalake- lalaki,
bibi- bibe,
tutoo-totoo.
Ponemang Suprasegmental ay sumisimbolo ito sa mga notasyong ponemik upang matukoy ang paraan nb pagbigkas ng isang salita o isang pahayag.
Saklaw ng ponemang suprasegmental ang sumusunod; ang intonasyon, tono, punto, haba, diin at antala.
1. Intonasyon, Tono at Punto
Ayon kay Resuma (2002) ang pagkakaiba ng intonasyon sa punto at tono. Sa ganang kanya, ang intonasyon ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig ng tagapagsalita, maaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag.
Ayon naman kina Otanes at Shachter (1972), ang bawat pitch points ay may tatlong natatanging pitch levels; ang mataas (3), katamtaman (2) at mababa (1) tulad ng makikita sa ibaba.
a.) b.)
² Nandito siya ka ¹ ni ³na na? ² Nandito siya ka ³ni ¹na na.
2. Haba at Diin
Sa pagkalahatan, ang haba aat diin ay tumutukoy sa haba o ikli ng bigkas sa patinig ng pantig ng salita. Samantala, ang diin o stress ay tumutukoy sa paglakas o paghina ng bigkas sa pantig ng isang salita.
Ginagamitan ito ng gramatikang tuldok /. / upang matukoy ang pantig ng isang salita na may diin.
Halimbawa;
aso - / ‘a.so h/ = dog
/ ’aso h/ = smoke
3. Antala o Hinto
Ayon kay Santiago (2003) ang antal o hinto ay ang saglit na
pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ibig ipabatid. Sa pasulat na anyo, ang antala ay
maaring ihudyat ng mga bantas tulad ng kuwit ( , ), tuldok ( .) ,
tuldok-kuwit (; ) o ng tutuldok ( :
Halimbawa;
a. Hindi ako ang may kasalanan.
b. Hindi, ako ang may kasalanan.
Narito pa ang ilang halimbawa;
Doktor Juan Miguel ang buo kong pangalan.
Ang doktor na siya ring ang tagapagsalita ay nagngangalang Juan Miguel Manuel.
Doktor , Juan Miguel ang buo kong pangalan.
Ang tagapagsalita ay nagpapakilala sa doktor na siya ai si Juan Miguel Manuel.
Doktor Juan , Miguel ang buo kong pangalan.
Ang tagapagsalita na nagngangalang Miguel Manuel ay nagpapakilala kay Doktor Juan.
Ang morpolohiya
ay pag-aaral ng mga morpema ng isang wika.
Ito ay sistema ng pagsasama-sama ng mga morpema sa pagbuo
ng mga salitang isang wika.
Ang morpema
ang pinakamaliit na bahagi ng wika na
nagtataglay ng sariling kahulugan. Hindi ito dapat ipagkamali sa
pantig na likha ng mga salita kung isinusulat o ang bawat saltik ng
dila kapag binibigkas. Maraming mga pantig ang walang
kahulugan sa sarili kaya hindi maaaring tawaging morpema. Ang
morpema ay maaaring isang salita o bahagi lamang ng isang salita.
1. Morpemang salitang-ugat - ito ay binubuo ng salitang walang kasamang pan-
lapi. Ito ay mga salitang payak. Tinatawag din itong malayang morpema. Halimbawa : ilog, bahay, araw, lupa, bandila. (ina, dilaw, takbo)
2. Morpemang binubuo ng isang ponema - matatagpuan ito sa mga salitang buhat sa Kastila– senado/ senadora; kusinero/ kusinera, sa mga salitang
nagtatapos sa o na nangangahulugan ng lalaki at sa mga salitang nagtatapos sa
a na nangunguhulugang babae— barbero/ barbera; Aurelio/ Aurelia, manang / manong, abogado/ abogada at iba pa. Nangangahulugang ang mga ponemang ito ay may hatid na kahulugan kaya maituturing ito bilang mga morpemang
binubuo ng isang ponema.
3. Morpemang panlapi - ito ay may taglay na kahulugan sa sarili. Ngunit tina- tawag ang ganitong morpema na di-malayang morpema. bHindi sila
makakatayo sa kanilang sarili. kinakailangan pa itong samahan ng isang malayang morpema upang magkaroon ng ganap na kahulugan.
Iba - ibang pusisyon ang kinalalagyan ng panlapi sa salita kaya may iba - ibang uri din ng panlapi ayon sa pusisyon nila sa loob ng salita.
Unlapi - kapag inilalagay sa unahan ng salita. Halimbawa : magbasa, umibig, paalis, makahuli
Gitlapi - kapag nakalagay sa loob ng salita. Halimbawa : sumayaw, lumakad, sinagot, ginawa
Hulapi - kapag nakalagay sa hulihan ng salita. Halimbawa : ibigin, sulatan, sabihan, gabihin
Kabilaan - kapag ang isang pares ng panlapi ay nakalagay sa unahan at ang isa ay nasa hulihan ng salita. Halimbawa : mag-awitan, paalisin, kaibigan, kadalagahan
Laguhan - kapag makikita ang mga panlapi sa unahan, gitna at hulihan ng salita. Halimbawa : magdinuguan, pagsumikapan, ipagsumigawan.
1. Asimilasyon
Sakop ng uring ito ang pagbabagong nagaganap sa /ŋ /sa posisyong pinal dahil sa impluwensya ng kasunod na tunog
a) Parsyal – kung ang isang panlapi o salita ay nagtatapos sa /ŋ / at ito’y
ikinakabit sa isang salita o salitang-ugat na nagsisimula sa /p/ o /b/, nagiging /ŋ / ang /m/ .
Hal.
/ m /- (p, b) - pang + paaralan = pampaaralan - pang + bayan = pambayan /n/- (d, l, r, s, t) - pang + taksil = pantaksil
- pang + dikdik = pandikdik
Mga Uri ng Pagbabagong
Morpoponemiko
b) Ganap – tinatanggal ang unang titik ng salitang-ugat. Hal.
Pang+palo = Pamalo Pang+tali = Panali
2. Pagpapalit ng Ponema – titik ay nagbabago sa pagbuo ng salita kapag patinig ang huling ponema sa unlapi.
a. /d/ → /r/ Hal.
b. /d/ → /r/ ( kung ito ay hinuhulapian ng ( -an) o (-in), ang /d/ ay karaniwang nagiging /r/.)
Hal.
tawid + an = tawiran lapad+an = laparan
c. /o/ → /u/
Hal. dugo+an = duguan
d. /h/ → /n/
Sa ilang halimbawa, ang /h/ ng panlaping /-han/ ay nagiging /n/. Hal. Tawa+han = tawanan
3. Metatesis - kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l / o /y/ ay ginitlapian ng [-in], ang /l/ o /y/ ng salitang ugat at ang /n/ ng gitlapi ay nagkakapalit ng pusisyon. Hal. linangoy - nilangoy Iinuto - niluto yinakap- - niyakap
4. Pagkakaltas ng Ponema- ang pagkakaltas ng ponema ay nagaganap kapag ang ponemang patinig sa huling pantig ng salitang ugat ay
nawawala sa sandaling ito’y hinunlapian tulad ng matutunghayan sa mga sumusununod.
Hal. asin + an – asnan bilihan - bilhan bigayan - bigyan Ang Paglilipat-diin
Karaniwan sa mga salitang-ugat ang pagkakaroon ng diin sa ikalawang pantig
buhat sa huli. Kapag ang mga salitang-ugat na ito’y nahulapian ng –in/ hin at an/ han lumilipat ang diin. Kung minsan nagkakaroon pa ng kaltas ang salita.
alíw + in = aliwín dáya + in = dáyáin pintá + han = pintahán bása + han = basáhan pútol + in = putlín?
Ang pagkakaalam kung paano pinagsasama-sama ang mga salita para
bumuo ng mga parirala at mga sugnay.
Ito ay may kinalaman sa sistema ng mga tuntunin at mga kategorya na siyang batayan ng pagbubuo ng mga pangungusap.
Pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap.
Tinatawag ding palaugnayan na may kinalaman sa sistema ng
pag-uugnay-ugnay ng mga salita upang bumuo ng pangungusap.
Parirala - lipon ng salita na walang paksa o simuno at panaguri at wala ring buong diwa o kaisipan.
Halimbawa: mag-aral magmaneho; hinggil sa pagpapabahay sa mahihirap
Sugnay – Ito ay lipon din ng mga salita na maaring may diwa at maari ring wala. Maari rin itong magkaroon ng paksa at panaguri at maari ring wala.
Sugnay na Makapag-iisa/Malayang Sugnay/ Punong Sugnay- nagtataglay ng buong diwa o kaisipan. (payak na pangungusap)
Halimbawa: Ako ay nakahiga. ; Ang batang matalino. ; Samahan mo kami sa sine!
Sugnay na di-makapag-iisa/Pantulong na Sugnay - Wala itong diwa kung di isasama sa isang punong sugnay. Nagsisimula ito sa isang pangatnig.
Halimbawa: Ako ay nakahiga nang siya ay dumating. ; Kung aalis ka, iwanan mo ang susi.
Pangungusap - lipon ng mga salita na binubuo ng paksa at panaguri upang maipabatid ang mensahe.
Karaniwang Ayos ng Pangungusap-
nauuna ang panaguri kaysa
paksa.
Halimbawa:
Taunang ipinagdiriwang sa Kalibo, Aklan ang
Ati-atihan.
Di-Karaniwang Ayos ng Pangungusap-
nauuna ang paksa kaysa
panaguri at idinaragdag ang panandang
ay.
Halimbawa
: Ang Ati-atihan
ay
taunang ipinagdiriwang sa Kalibo,
Aklan.
Payak na pangungusap – binubuo ng isang paksa at isang panaguri na
may iisang diwa. May payak na paksa at payak na panaguri . Hal.
Pinsan ko po siya . May tambalang paksa at payak na panaguri . hal . Nagsusulat ng komposisyon ang guro at ang mga mag-aaral . May payak na paksa at tambalang panaguri hal . Ang mga bata ay
nagsasayaw at umaawit . May tambalang panaguri at tambalang paksa . hal . Namimili ng paninda sa ibang bansa at nagbebenta sa Pilipinas sina Aling Nena at Menchie.
Tambalang Pangungusap - binubuo ng dalawang magkatimbang na payak na pangungusap, dapat magkaugnay ang mga ito at nagkakaisa sa kahulugan. Pandugtong = pangatnig = at, o, pero , ngunit , subalit o datapwat Hal. Pumunta kami sa Mall of Asia at nakita naming lahat si Alden Richards.
Hugnayang Pangungusap
- Binubuo naman ito ng dalawang
sugnay. Buo ang diwa ng isang sugnay , habang ang isang
sugnay ay hind. Pandugtong =
dahil,kung,kapag,nang,sapagkat,upang at iba pa. Hal. Magiting
na ipinagtanggol ni Bob ang kanyang kakayahang sumayaw
nang siya’y pagtawanan ng buong klase.
Langkapang Pangungusap
– Dalawa o higit pang punong
sugany at dalawa o higit pang pantulong na kaisipan. Hal.
Nagalit si Sir Hilario at pinagsabihan kami dahil maingay kami at
hindi nakikinig.
tumutukoy sa kaugnayan ng pandiwa sa paksa ng pangungusap.1. Pokus sa Tagaganap o aktor– kapag ang paksa ng pangungusap ang tagaganap o nagsasagawa ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
Panlapi– mag,um, mang, makapag, maka, at mag. Hal. Nagsulat ng tula si Perla.
Nagtungo ako sa bahay -ampunan
2. Pokus sa layon– kung ang paksa ng pangungusap ay ang layon ng pandiwa. Panlapi– i-, -an, ma, ipa-, at –in
Hal. Ipadadala ko na kay Lorna ang relong binili ko.
3. Pokus sa Ganapan – kung ang paksa ay ang lugar na pinangyarihan ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
Panlapi-- -an, pag-, mapag, at pang- an/ han.
Hal. Pinaglutuan ni Nena ng bigas ang kawayan.
Pinaglalaruan ng mga bata ang parke.
4. Pokus na Tagatanggap o Pinaglalaanan– kung ang paksa ng
pangungusap ay ang tagatanggap o pinaglalaanan ng kilos na isinaad ng pandiwa.
Panlapi– I, ipang- , at ipag.
Hal. Ikukuha ng tatay sa bukid ng bayabas si Totoy. Ipinaglaga ng manggamot ng luya ang pasyente.
5. Pokus na kagamitan (Instrumental) -- kung ang paksa o ang binibigyang pansin ng
pangungusap ay ang gamit na bagay o kasangkapan upang maisakatuparana ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
Panlapi– ipang-.
Hal. Ipang-aasim ni Rosa sa sinigang ang sampalok.
Ipinagwalis ng alikabok ang walis tambo.
6. Pokus sa Sanhi–pokus dito kung ang paksa o ang binibigyang tuon ng pangungusap ay ang sanhi o dahilan ng kilos isinasaad ng pandiwa.
Panlapi– ika-,
Hal. Ikaliligaya ko ang pagtira sa iyong bahay. Ikinapamayat niya ang labis na pagtatrabaho.
7. Pokus Resiprokal/direksyunal– ang pandiwa ay nasa direksyunal pokus kung ang paksa o ang binibigyang diin ng pangungusap ay ang direksyon ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
Panlapi-- mag-, at mag –an.
Hal. Muling nagsumbatan ang magkaibigan.
Kahulugan ng Pakikinig
Pakikinig Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tannagbibigay-daan at ianalisa ang kahulugan at
kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.
Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng
tagapagdala ng mensahe. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.
Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.
•
MGA KASANAYANG
Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng
tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas
gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita.
Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Mas gusto pa
ang makinig sa talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa
aktibong makilahok sa kanila.
45% ay nagagamit sa pakikinig
30% ay sa pagsasalita
16% ay sa pagbabasa
9% naman sa pagsulat
1. Edad o gulang
Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba ang pahayag dahil
masyadong maikli ang kanilang interes, bukod pa sa kanilang kakulangan sa pang-unawa. Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin ay hindi rin mabuti ang mahabang pakikinig hindi dahil sa nababagot sila kundi dahil sa mga nararamdamang nila sa katawan bunga ng kanilang kantandaan, katulad ng pag-atake ng rayuma at ang kahinaan na ng kanilang
pandinig
2. Oras
Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig.
Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa madaling- araw ay di kasing linaw
ng pakikinig niya sa oras na gising na gising na ang kanyang kamalayan.
May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, ang isang nagbibigay ng panayam na
malapit na sa oras ng tanghalian ay din na rin epektibo sa mga tagapakinig.
Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas aktibong tagapakinig kaysa mga estudyante panghapon.
Mga Elementong
3. Kasarian
Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae
Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng tagapagsalita dahil maligoy masyado
sa pagsasalita at maraming sinasabi o ipinaliliwanag na nagiging negatibo para sa kanila kaya hindi pinakikinggan. At gusto rin nilang pinakikinggan ay ang paksang may pansarili silang interes.
Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking tagapagsalita dahil sa may katipiran ng mga ito sa pagbibigay ng paliwanag. Higit na mahaba ang pasensiya ng babae sa pakikinig kaysa sa mga lalaki dahil madali silang mainip
4. Tsanel
Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay malaking tulong upang
magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono, mikropono, radyo atbp.
Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng mensahe ay ang personal na
pakikipag-usap kaysa sa paggamit ng instrumento dahil malinaw na masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang emosyon.
5. Kultura
Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan din ng mabuti at di-mabuting kawilihan sa pakikinig.
Ang pananalangin ng ating mga kapatid na katutubo ay iba sa pananalangin nating mga Kristiyano. Parehong Pilipino pero magkaiba ng kultura.
Sa panayam, may mga tao na malayang nakapagtatanong at sumasalungat habang nagsasalita ang tagapanayam pero mayroon namang tahimik at taimtim lamang nakikinig habang nagsasalita ang tagapanayam at
magtatanong lamang sila kapag tapos na itong magsalita.
6. Konsepto sa sarili
Ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maari niyang magamit sa pagkontra o pagsang-ayon sa sinasabi ng tagapagsalita.
Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa kanyang
naririnig na mensahe ng kausap ay maaaring magwakas sa
mabuti o di-mabuting katapusan.
7
. Lugar
Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat
at nakapagpapataas ng level ng konsentrasyon ng isang
tagapakinig ng isang panayam.
Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot ng
1. Eager Beaver
Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang may nagsasalita sa kanyang harapan, ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang
malaking tanong.
2. Sleeper
Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na intensyong makinig.
3. Tiger
Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin ng tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang.
Uri ng Tagapakinig:
4. Bewildered
Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa naririnig. Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig.
5. Frowner
Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para
makapag-paimpres.
6. Relaxed
Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes sa pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o negatibo.
7. Busy Bee
Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.
8. Two-eared Listener
Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan sa pakikinig.
Pagsasalita - Komunikasyon ng mga ideya at damdamin sa pamamagitan ng mga simbolong nakikita at naririnig mula sa tagapagsalita Kahusayan o
kapangyarihan ng isip sa pananalita na nangungusap o mga salita upang maipahayag ang mga kuru-kuro.
Tatlong Batayan sa Epektibong Pagsasalita
1. Kaalaman
2. Kasanayan
3. Tiwala sa Sarili
Uri ng Pagsasalita
1. Pagbasa sa itinakdang papel
2. Memoryadong Pagsasalita
3. Improntu
4. Ekstemporenyus
a. Logos. (Lohikal) –tumutukoy ito sa pagiging rasyonal ng isang ispiker. Kadalasan, ang katotohanan ng mensaheng inilhad ng ispiker ay dulot ng pagiging likas na matanong niya kaugnay sa mga nangyayari sa
kanyang paligid.
b) Pathos. (Pathetic) - tumtukoy naman ito sa emosyong hatid ng
ispiker sa kanyang awdiyens. Nararapat maramdaman ng awdiyens ang sinseridad ng ispiker hindi lamang sa paraan ng pananalita, gayon din naman sa pagkamakatotohaann sa kanyang sinabi.
c) Ethos. (Ethical) - tumutukoy ito sa kredibilidad ng isang ispiker. Mahalaga ito upang paniwalaan siya ng kanyang mga awdiyens at makakatulong ito upang mas mapataasang tiwala sa kanyang sarili.
Pagbasa
- ipinalalagay ni Goodman na isang isang
psycholinguistic
guessing game
. Sa pagbabasa kasi, ang isang mambabasa ay
bumubuo muli ng kaisipan o mensahe hango sa tekstong kanyang
binasa. Ayon naman kay Austero et al., paraan ng pagkilala,
pagpapakahulugan at pagtataya sa mga simbolong nakalimbag.
.Teoryang Bottom-Up
Naniniwala ang teoryang ito na ang pagbasa ay
ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na
simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog.
Nagsisimula ang pagbasa sa yugto-yugtong
pagkilala ng mga titik sa salita, parirala, pangungusap
ng buong teksto bago pa man ang pagpapakahulugan
sa teksto.
Tinawag ito ni Smith (1983) na text-based,
outside-in o data-driven sa dahilang ang impormasyon
ay hindi nagmula sa mambabasa kung hindi sa teksto
Teoryang Top-Down
Ito ay nagaganap dahil ang mambabasa ay gumagamit ng
kanyang dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan mula sa kanyang karanasan at pananaw sa paligid. Ito ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto.
Sa teoryang ito, ang pagbasa ay nagsisimula sa isipan ng tagabasa dahil ang dating kaalaman niya ang magpapasimula ng pagkilala niya sa teksto. Kung wala ito, hindi niya mabibigyang-kahulugan ang anumang babasahin.
Tinatawag din itong reader-based, inside-out o
conceptually-driven sa dahilang ang kahulugan o impormasyon ay nagmula sa mambabasa patungo sa teksto.
Teoryang Interaktib
Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa
wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at sariling konsepto. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.
Ayon dito, mas mainam na pagsamahin ang dalawang
teorya sa gawaing pagbasa dahil naniniwala sila na ang komprehensyon sa pagbasa ay may dalawang direksyon: ibaba-pataas at itaas-pababa.
Gayundin naman, binibigyang-diin sa teoryang ito ang
paniniwalang ang pag-unawa ay isang proseso at hindi isang produkto
Teoryang Iskema
Iskema ang tawag sa dating kaalaman ng mambabasa.
Iskima –Mahalaga ang dating kaalaman
a. Para maikumpara sa binabasa
b. Kung makitang mali ang unang alam, papalitan ng
panibago
Kailangan magdesisyon ang mambabasa kung dapat
dagdagan , bawasan o hindi ang kanyang naunang
1. Iskiming (Skimming)
Ito ay ang pinararaanang pagbasa. Ginagamit ito sa pagpili ng materyal na babasahin, sa pagtingin sa teksto bago tuluyang basahin, at sa
paghahanap ng babasahing tutugon sa pangangailangan kaugnay ng paksang sinasaliksik. Sa uring ito’y mabilis ang nagagawang pagbabasa dahil mabilis ang paggalaw ng mga mata upang makuha ang
pangkalahatang kaisipan o impresyon. Ito’y isang pahapyaw na pagtingin (glance), at isang eksaminasyong superfisyal sa aklat.
2. Iskaning (Scanning)
Ito’y ang paghahanap ng isang tiyak na informasyon sa aklat. Maari ring hinahanap dito ang mga sagot sa mga tiyak na tanong. Ito’y
pag-iimbestiga o paghahanap sa mga pahina ng aklat upang ganap na makuha ang tinatarget na informasyon. Mas matagal ito sa iskiming ngunit hindi tumututok sa aklat na babasahin.
3.
Masinsinang Pagbasa
Ito’y ang maingat na pag-aaral at puspusang pag-unawa sa
isang aralin na maaaring dalawa o hanggang limang pahina
ang haba. Maaring ito ay bahagi ng tula, maikling kuwento,
sanaysay at iba pang uri ng akda at iniuukol ang pag-aaral sa
kayarian at nilalaman ng akda.
4.
Masaklaw na Pagbasa
Ginagawa ito sa labas ng klase at itinatakda ng guro nang
mas maaga. Maaaring ito ay isang buong maikling
kuwento, kabanata ng nobela o isang drama at nakatuon
ang pag-unawa ng bumabasa sa mga tauhan at pangyayari
sa halip na sa tamang detalye ng alin mang akda.
Pagsulat isang set ng nakalimbag na simbolong
kumakatawan sa mga yunit ng wika sa isang sistematikong
pamamaraan na may layuning maitala ang mga mensahe na
maaaring mabigyang-kahulugan ng sinuman na may alam sa
wikang ginamit at mga pamantayang sinusunod sa pag-eenkoda.
1. Kaisahan
Bawat pangungusap ay kailangang tumalakay o may
kinalaman sa pangunahing paksa. Hindi tumatalon nang
walang signal ang bawat talataan. Ginagamit nang wasto ang mga salita (pangatnig) para sa transisyon. Ang mga
pantulong na salita (pang-angkop, pantukoy) ay nagagamit din ng wasto.
May isang sentral na ideya at ito’y hinuhugisan o dinidevelop.
Umiikot ang talakay sa paksang sinusulat.
Hindi tumatalon nang walang signal ang bawat talataan.
Ginagamit nang wasto ang mga salita para sa transisyon.
2. Kasapatan (Sufficiency)
May sapat na datos- detalye, halimbawa, tuwirang sabi, o rason na sumusuporta sa iyong tinatalakay.
3. Koherens (Coherence)
Ang mga pangungusap ay kumokonekta sa bawat isa sa paraang lohikal. Maayos ang pag-uugnayan ng mga sinusundan at sumusunod na pangungusap upang mabuo ang talataan.
Maayos sa pagdurugtong-dugtong ng mga pangungusap.
Lohikal at efektiv na pagkakaayos ng mga datos/informasyong nakalap.
Nakikita ang lohika (logic) ng sulatin.
Maayos ang pag-uugnayan ng mga sinundan at sumunod na talataan. May “fluency” at “eloquence” ang sinulat.
4. Kalinawan (Clarity)
Ang mga pangungusap ay malinaw, hindi magulo ang development at
naiintindihan ang gustong sabihin. Libre sa “litters” o kalat ang pangungusap at talataan.
Eksakto o tama ang salitang ginamit. Ang ispeling ay wasto.
Dapat na ang pangungusap ay nagsasabi ng gusto mong sabihin.
Hindi dapat maligoy ang pangungusap at kung saan-saan napupunta ang “flow” ng diskasyon.
Maging klaro/malinaw sa pangangatwiran.
Dapat na kumpletong naiintindihan ng mambabasa ang gustong sabihin. Ang grammar ay tama.
Tama ang gamit ng bantas. 5. Emfasis/Diin (Emphasis) Sino o ano ang ihahaylayt?
1. Ekspresiv – pampersonal na sulatin.
2. Formulaic – may sinusunod na istandard/format sa pagsulat tulad ng mga liham pangkalakal, tesis, disertasyon, teknikal at sisyentipikong report.
3. Imaginativ – mga akda na likhang isip ng manunulat tulad ng mga dula (plays) at kwento (stories).
4. Informativ – nagbibigay ng informasyon at evidensya tulad ng mga report, ulat, balita at iba pa.
5. Persweysiv – mga sulating nanghihikayat tanggapin ang sinasabi ng awtor o mapaniwala ang mga bumabasa tulad ng sanaysay, tanging lathalain at iba pa.