• Tidak ada hasil yang ditemukan

Script Florante at Laura (on going)

N/A
N/A
Kurt Quintos

Academic year: 2024

Membagikan "Script Florante at Laura (on going)"

Copied!
11
0
0

Teks penuh

(1)

Florante at Laura

Orihinal na Akda ni: Francisco Baltazar (II-Duhat (STE) Batch 2022-2023)

Isinulat at Iniayos ni:

Kurt Mergranduer L. Quintos

SCENE I

Awiting romansa ni Kish

Pag-flash sa trailer ng play (Pag-echo sa pangalan ni florante at laura)

Preperation sa backdrops

ARALIN 1 & 2: Mapanglaw Na Gubat At Bakit Ka Nagtaksil Tagapagsalaysay: Sa isang madilim at mapanglaw na gubat, kung saan ‘di nasisikatan ni Pebong Hari ang mga damo at hayop, matatagpuan ang isang binatang nanghihina at nakagapos sa Puno ng Higera. Siya’y isang magiting na mandirigma sa bayan nang Albanya, ngunit nang siya’y dumating ay agad na dinakip at ipinatapos sa labas ng kaharian. Panaghoy ng problema’y nangingibabaw sa kagubatan, mga suliranin sa pag-ibig ang kanya’y lubos na dinaramdam. Dati’y siya’y tinitingala at ginagalang sa Albanyang hirang, ngayo’y nagdurusa sa kaliluha’t kahirapan.

Florante:

 Nakagapos sa puno at duguan

 “Saklolo! Saklolo! Ako’y inyong tulungan!”

“O, aking Diyos Ama, nasan, nasan, ang iyong awa! Ako'y nananaghoy, nakikiusap, humihingi ng tulong niyo (bugtong hininga) Patawarin niyo akong lahat dahil Hindi ko nagawang ipagtanggol ang ating kaharian laban sa taksil at walang awang si Adolfo.”

Florante: Saklolo! Saklolo! Ako’y inyong tulungan! Kung sino man makarinig sa akin, ako’y naririto’t nakakagapos!

(Napagod)

Oh Panginoon, ako’y iyong patawarin sa lahat ng kabiguang aking pasanin, sa pag-ibig na ipinagkait sa akin.

Oh, tadhana. Bakit ka ganyan sa akin? Laurang aking iniibig, ba’t mo ako iniwan, sa kamay ni Adlofo’y ika’y sumamo’t ako’y nilisan. Kay Adolfong sakim sa kapangyarihan, pati ang inosente’y kanyang idinamay.

Pag-asa’y mistulang ako’y nilisan, aking mga sigaw nang saklolo ay walang katuturan. Oh kay pait ng aking buhay na tila’y walang nagmamahal. Laura’t Albanyang aking minamahal, ako sa inyo’y magpapaalam…

ARALIN 3: Pag-Ibig Na Makapangyarihan

Tagapagsalaysay: Habang si Florante’y walang pagod sa paglabas nang kanyan mga hinanaing, ay may isang gererong nagngangalang Aladin ang sa gubat din ay naglalakbay. Isang morong wari’y naliligaw ng landas at naghahanap ng lugar nang sa kanya’y giginhawa.

(naglalakad si Aladin sa gubat)

Aladin: Oh kay laking hirap nitong nakapasan akin. Nag- iisang pag-ibig, sa akin ay ipinagkait. Lubusang inagaw nang aking amang taksil at sakim.

 (Tumigil si Aladin sa paglalakad) (Narinig ang mga panaghoy ni Florante.) (nakinig)

Florante: Oh Laura, Laura kong sinisinta. Ako’y iyong pinagtaksila’t iniwan. Hahayaan mo lang ba akong nakagapos dito sa kagubatan? Mag-isang nagdurusa habang ika’y kay Adolfo’y nagpapakasaya? Gusto man kita’y kalimutan ngunit ang ngalan mo’y naka-ukit na sa aking puso’t isipan. Alam kong hindi mo maataim ang mahal mo sa kahinagpisan.

 (Naawa si Aladin)

Aladin: Napakapait naman ng kanyang tadhana, kahabag-habag at tila wala ng pag-asa. Ika’y wag mag- alala, sapagkat ika’y aking tutulungan. Ika’y dadamayan at gagabayan.

 (Narinig ang ungol nang Leon) (Napalingon si Forante) (Nagsisigaw at Nagpupumiglas si Florante)

Florante: Tulong! Saklolo! Tulong! Tulong! (Tuloy tuloy ang pagsigaw.)

 (Lumapit ang mga Leon kay Florante) (Narinig ni Aladain ang sigaw nang saklolo ni Florante)

Aladin: Ang tunog na yun… Kailangan ko nang magmadali’t making sa kanyang mga sigaw. Nawa’y

‘di pa huli ang lahat sa aking pagdating.

 (Nawala ang tinig ni Florante, nahimatay) (Lumapit ang mga Leon kay Florante) (Lumabas si Aladin sa masukal na damo’t nakita ang nakagapos na binata.) (Nakita ang mga

(2)

mababangis na Leon) (Binato ni Aladin nang bato ang leon.)

Aladin: Mga Halimaw na kay bangis, ako’y inyong harapin. Wag saktan ang binatang walang kalaban- laban, bagkus ako’y inyong sagupain nang buong lakas.

 (Sumugod ang leon) (Pinaslang ni Aladin ang mga leon) (Kinalagan si Florante) (Nilapitan si Florante)

Aladin: Estrangherong Binata, iyong mata’y imulat at sa akin ay tumingin. Ika’y ligtas na sa panganib na dumating.

 (Hindi magising si Florante, binuhat ni Aladin at siya’y inakay at dinala sa isang ligtas na lugar.)

ARALIN 4: Kristiyano At Muslim

Tagapagsalaysay: Pagkalipas ng ilang oras ay namulat si Florante at……

Florante: Laura nasaan ka? Tulungan mo akong makaalis dito…

Tagapagsalaysay: Hindi na sumagot si Aladin at baka sa kawalang pag-asa ay matuluyan na si Florante…

Florante: Sino ka at bakit ako narito?

Aladin: Magpahinga ka na lang. Ako ang nagligtas sa iyo.

Florante: Hindi mo ba napapansin na tayo ay magkaaway?

Aladin: Marahil, pero ika'y nangangailangan ng tulong.

Florante: Siguro nga ay patay na ako kung Hindi ka dumating. Ngunit ang

pagkamatay ang siyang tunay kong kaligayahan.

Aladin: Hangal! Hindi mo ba alam na dinadagdagan mo lang ang iyong pasakit?!

Tagapagsalaysay: Hindi nagpansinan ang dalawa ngunit isinama ni Aladin si

Florante sa kanyang pagpapahingahan at doon sila nagpalipas ng gabi.

Pagdating ng umaga ay napansin ni Aladin na malakas na si Florante kaya ito'y kanyang niyakap.

Florante: Maraming salamat sa lahat ng tulong mo kaibigan!

Tagapagsalaysay: Inaliw ni Aladin si Florante ngunit napansin nitong

malungkot pa rin siya.

Aladin: Ano ba ang iyong problema? Maaari ko bang malaman?

Florante: Sige. Sisimulan ko ang aking kwento simula ng ako'y ipinanganak.

Tagapagsalaysay: Ang dalawa ay naupo upang magkuwetuhan.

(Sa kabilang dako nama’y papaslangin na nang mga tauhan ni Konde Sileno si Haring Linceo nang…)

(Itinulak nang tauhan ni Sileno si Linceo sa damuhan) (Umikot si Haring Linceo at tinignan si Sileno na nasa likod nang tauhan.)

Haring Linceo: Sileno! Pa’no mo ito nagawa sa amin?

Iyong pinagtaksilan ang tiwala nang mga mamamayan nang Albanya!

Konde Sileno: Wala akong pakialam kung ano man iyong sabihin ,Linceo. Ang mahalaga’y nasa akin, ang trono’t kaharian nang Albanya!

Haring Linceo: Kung kapangyarihan lang naman ang gusto mo, sa iyo na ang korona! Wag mo nang idamay ang mga inosenteng mamamayan nang Albanya.

Konde Sileno: Kailangan ko nang reynong tapat sa akin.

Ang mga taong ‘di sa aki’y papanig, mahahalintulad kay Briseong mapanalig, namatay nang katawa’y hiwalay!

(Hindi alam ni Sileno, nakakalag na ni Linceo ang kanyang gapos sa kamay)

Haring Linceo: Mas malala ka pa sa halimaw Sileno, pati ang walang sala’y iyong pinaslang!

Walang lugar ang mga katulad mo dito mundong ating ginagalawan!

Konde Sileno: Oo! Isa akong halimaw at maari ngang wala akong puwang sa mundong ito, ngunit ikaw ang unang mabubura sa daigdig na ito sapagkat ako rin halimaw na kikitil sa iyong hininga! Mga kawal, ang kanyang buhay ngayon din ay kitilin!

(Tumalikod si Linceo) (Lumapit ang isang kawal) (Sasaksakin si Linceo) (Napigil ni Linceo ang espada at

(3)

sinipa ang kawal) (kanyang kinuha ang espada at hinarap si Sileno.)

Haring Linceo: Sileno! Hindi ko papayagang na

ika’y maghasik nang lagim sa aking kaharian. Ika’y aking pipigilin hanggang sa aking huling hininga!

Konde Sileno: O Linceong uugod-ugod, ba’t ayaw mo pang mamahinga’t matulog? Ako’y ‘di

magsasayang nang pawis upang ika’y sagupain, bagkus, mga alagad, siya’y paslangin!

(Sumugod ang mga kawal ni Sileno) (Sinagupa ni Linceo) (Talo ang mga kawal)

Haring Linceo: Sileno! Wala ka nang pagtataguan at pagtatakbuhan. Ika’y sumuko na’t humingi nang tawad sa mga mamamayan nang Albanya!

Konde Sileno: Mas nanaisin ko pang malagutan nang hininga, kaysa lumuhod sa mga hampas lupang mamamayan nang aking kaharian!

Haring Linceo: Hindi mo kaharian ang Albanya!

Maaaring nasayo ang trono, ngunit kailanma’y ‘di mapapasaiyo ang katapatan nang mga mamayanan nito!

Konde Sileno: Tama na ang satsat, kung ang aking mga kawal ay di ka malipol, ako na mismo ang tatapos sa iyong buhay na kay saklap!

(Inilabas ang sandata, sinagupa si Linceo.) (Sinalag ni Linceo ang kanyang opensiba, Cross-Blades)

Haring Linceo: Mukhang sadyang ika’y matanda na Sileno, ‘di man ako nahihirapan sa iyong mga pagsalakay.

Konde Sileno: Tignan natin ngayon kung sino ang matanda’t uugod-ugod pagtapos kitang hatiin sa sandaang piraso!

(Cross-Blade Parry)

Haring Linceo: Magyeyelo muna ang Impyerno bago mangyari yan Sileno.

(Nagpatuloy ang sagupaan) (Talon at Atras) (Pose!)

Konde Sileno: Magpaalam ka na Linceo sapagkat ngayo’y tuluyan ka nang mamamahinga!

Haring Linceo: Oras na para iyong pagbayaran ang kataksilang iyong ginawa sa mga mamamayan nang Albanya! Tanggapin mo ang hagupit nang batas nang kaharian!

(Nagsagupa) (Lumuhod si Linceo) (Napadapa si Sileno) (Napaluhod si Sileno) (Sugat ang paa ni Sileno.)

Konde Sileno: (Nanghihina) Ba’t ‘di mo pa tapusin ang aking buhay Linceo? Nabahag ba ang iyong buntot na kanina lama’y nakalabas?

(Humarap si Linceo kay Sileno)

Haring Linceo: Ang aking buntot ay ‘di nagkubli bagkus ay nangibabaw ang hustisya sa aking puso’t isipan. Wala sa aking mga kamay ang hatol kung ika’y mabubuhay o kikitilan nang hininga. Sa mamamayan nang Albanya ika’y nagkasala, kaya’t sila rin ang huhusga sa iyong kapalaran.

(4)

(Nilapitan ni Linceo si Sileno) (Sinaksak ni Adolfo si Linceo sa likod.) (Tumumba si Linceo.)

Konde Sileno: Kahit kalian Linceo, isa kang hangal tulad ni Briseo. Karapat-dapat lang sa inyo na magsama sa kamatayan. Adolfo aking anak, ako’y iyong tulungan dito’t akayin papunta sa kaharian.

Adolfo: Masusunod mahal na ama. (Inakay si Sileno at naglakad papalayo.)

Haring Linceo: (Nanghihina) Ako ma’y tuluyan nang magpaalam sa mundong ibabaw, pero ako’y sigurado na kalian ma’y ‘di kayo magtatagumpay sa masama niyong hangarin… Florante, kung nasaan ka man ngayon, mahalin mo at

ipagtanggol si Laurang aking hirang… Paalam…

(Nawalan na nang hininga si Linceo) (Umalis na sina Adolfo.)

(Sa kabilang dako nama’y nagising na si Florante.) Florante: Ama! Haring Linceo! Laura! Nasaan kayo?!

(Nakita niya si Aladin)

Florante: Sino ka’t anong pakay mo sa’kin?

Aladin: Ako’y isang Moro’t ngalan ko’y Aladin. Wag ka na mangamba sapagkat ika’y ligtas na sa mga leong sayo’y pumapalibot. Alam kong ika’y may mabigat na pasanin, wag kang mag-alala wala akong masamang hangarin. Ano ang iyong ngala’t sa’n ka nagmula?

Florante: Ang ngalan ko’y Florante, nagmula sa Kaharian nang Albanya. Ba’t mo ako tinulungan?

‘Di mo ba alintana na tayo’y nagmula sa magkaaway na panig?

Aladin: Ako’y taga-Persia’t ika’y taga-Albanya. Ako’y Isang Moro’t ika’y isang Kristiyano.

Magkaiba man tayo nang kaharian, ngunit walang pinipili ang pagtutulungan.

(Katahimikan *3 seconds*)

Florante: Ako’y nagpapasalamat sa lahat ng kabaitang iyong ipinamalas noong ako’y nangagailangan. Balita sa Albanya’y ika’y tanyag na mandirigma. Ako’y isa sa iyong mga tagahanga sa larangan nang kahusayan sa

pakikidigma.

Aladin: Balitang iya’y walang katotohanan, malimit na may marinig na balitang tunay sapagkat kundi man dinagdagan ay kulang naman ang balita.

(Malungkot ang mukha ni Florante)

Aladin: Akala ko ba’y ika’y panatag na, ngunit sa aking nakikita’y may dinaramdam ka pa? Alam kong mahirap sariwain ang problema sa nakaraan, ngunit maari ko ba itong malaman upang gumaan ang iyong kalooban kaibigan?

Florante: Alam kong ika’y aking

mapagkakatiwalaan, kaya’t sisimulan ko ang kuwento nung ako’y isinilang sa aking tahanan.

(Flashback)

Ang aking mga magulang ay sina Duke Briseo’t Prinsesa Floresca. Ako’y ipinanganak sa kaharian nang Albanya.

Ayon sa aking mga magulang, noong ako’y sanggol pa lamang, may isang malaking ibon ang nagtangkang ako’y dakpin.

Tinawag nang aking ina si Menalipo upang ako’y iligtas.

Ako’y pinadala sa Atenas sa edad na labing- isa upang doo’y hasain ang aking karununga’t galing. Doon ko nakilala si Adolfong buhong sa matematika, astrolohiya’t pilosopiya at ang aking gurong is Antenor na busilak ang kalooban. Aking nakilala din si Menandro na pamangkin ng maestro na naging tapat kong kaibigan. Ayon sa aking mga kapwa mag-aaral, si Adolfo raw ang

tinitingala nang lahat, ngunit nang ako’y dumating, siya’y waring naiwan sa huli’t aking naungusan.

(Flashback sa Paaralan)

Antenor: Ngayo’y aking susubukin ang inyong galing sa Astrolohiya’t Pilosopiya. Tuwing gabi’y ating

nasasaksihan ang kinang nang mga tala sa kalangitan, ngunit sa pangigibabaw ni Pebong Haring, ay mistulang naglalaho parang bula ang mga bituin. Ang talas nang isip ay inyong pairalin at ang aking katanunga’y sagutin:

Ba’t naglalaho ang mga tala sa kalangitan tuwing bukang- liwayway?

(Nagtaas nang kamay si Adolfo.) (tumayo si Adolfo)

Antenor: Adolfo, supling ni Konde Silenong matalino, ika’y magsalita’t kami’y kumbinsihin.

(5)

Adolfo: Ang mga tala’y naglalaho tuwing pagsapit nang umaga sapagkat kanila’y ipinapasa Pebong Hari ang ilaw nito na kay liwanag. Sila’y muling lumilitaw sa tuwing ang araw ay namamahinga na. Ang mga bitui’y nagbibigay liwanag sa gabing madilim.

Antenor: Magaling Adolfo, maaari ka nang umupo.

Meron pa bang ibang makakasagot sa aking tanong?

(nagtaas nang kamay si Florante) (tumayo si Florante)

Antenor: Florante, anak ni Duke Briseong pantas, iyong kaalaman ay ibahagi sa aming lahat.

Florante: Maestro Antenor, aking gurong kay galing, nais kong ibahagi ang aking ‘di pagsang- ayon kay Adolfong marunong. Sa aking pananaw, ang mga tala’y

‘di naglalaho bagkus ay nakatago lamang sa likod nang Pebong kay liwanag. Kayo’y

tumingala sa itaas at pansinin, ang mga kumukuti- kutitap na tala na wari mo’y mga hiyas sa kalangitan.

Tuwing kakagat ang dilim, sila’y muli nating nakikita’t mapapansin sapagkat sila ang nagbibigay liwanag sa ating paligid.

Antenor: (Pumalakpak) Magaling Florante, isang mahusay na sagot ang iyong ibinigay sa ating pagsusulit, nararapat lang sayo ang titulong pantas na tulad nang iyong ama.

(Nagtitimpi si Adolfo sa galit.) (Flashback ulit.)

Siya’y tahimik kaya’t ‘di ko napansin ang poot sa kanyang dibdib. Nang dumating ang isang dula- dulaa’t kami’y napili na gumanap, doo’y kanyang inilibas ang kinikimkim na galit sa akin.

(Flashback ulit)

Antenor: Tayo ngayo’y magkakaroon ng pagsasadula tungkol sa trahedya ng dalawang apo ni Odipo, tanghal si Florante bilang Polinise’t Adolfo bilang Etyokles.

(Nagharap ang dalawa’t may hawak na sandata.) Adolfo: Ikaw Floranteng mang-aagaw, sayo’y kamatayan ang nararapat!

(Sasaksakin ni Adolfo si Florante.) (Tinulak ni Menandro si Florante’t sinalag ang sandata ni Adolfo.)

Menandro: Ikaw Adolfo, ano’ng nangyayari sa iyo?

Nasisiraan ka na ba nang ulo’t tototohanin mo ang pagsasadulang ito? Hindi ako makapaniwalang magagawa mo ito!

Antenor: Adolfo! Anong pumasok sa iyong isip at pinagtangkahan mo ang buhay ni Floranteng walang kalaban-laban. Dahil sa ginawa mo’y ika’y aking pinapapatalsik sa pamantasang ito’t inuutusang bumalik sa bayan nang Albanya!

(Flashback again.)

Florante: Makalipas ang ilang araw ay nakatanggap ako nang liham mula sa Albanyang aking sinilangan.

Ito’y pinadala ni Duke Briseong aking amang minamahal. Dali-dali kong binasa’t inalam ang nilalaman.

(Flashback again.)

Florante: (Napaluha’t nalulungkot nang lubusan.) Oh mahal kong ina, ba’t ako’y inyong iniwan?

Ngayo’y din ako’y magpapaalam at babalik sa aking lupang sinilangan upang damayan ang aking amang puno nang pighati’t kalungkutan.

(pumunta kay Antenor) Florante: Mahal na guro, at sa inyong lahat, ako po’y

nagpapasalamat sa inyong suporta’t tulong sa akin.

Paalam at sana’y tayo’y magkita muli.

Antenor: Florante, lagi mong pakatandaan ang bilin na ito: Ika’y wag palintlang taong nakangiti, bagkus ika’y

maging mapagmatyag at handa sapagkat si Adolfo’y waring isang ahas na makamandag na naghihintay nang tamang panahon para lumusob at manggulo. Iyong isama

ang aking pamangkin na si Menandro, upang ika’y gabayan at tulungan sa panahon nang kagipitan.

(6)

Florante: Maestrong aking ginagalang, ang iyong payo’y aking lubusang pahahalagahan.

Menandrong kaibigan, halina’t tayo’y umalis na. Muli, paalam sa inyong lahat.

(kakaway si Florante.)(Flashback ulit)

Florante: Nang marating ko ang kahariang hirang, aking niyakap ang amang mahal.

(Flashback)

Duke Briseo: Anak, huwag kang mawalan ng pag- asa’t tadhana’ ‘di basta-basta. Nandito kami’t sususporta’t magiging gabay mo sa buhay.

(Flashback na naman)

Florante: Maya-maya’y may natanggap ako nang liham mula sa bayan nang Krotona. Tangkang pananakop ni Heneral Osmalik nang Persia’y mangyayari sa makalawa nang susunod na buwan. Tanging Ako’y napili ni Linceong Hari nang Albanya, na mamuno nang hukbo

magtatanggol sa bayan nang aking ina. Nang ako’y humarap sa

Haring Linceo, ako’y may naramdaman na

magkahalong kaba’t pag-ibig nang makita ang anak ng hari. Siya’y isang dalagang may angking bait at kagandahan, ang kanyang mata’y waring mga tala sa kalangitan na animo’y kumikislap- kislap.

(Flashback na naman)

Florante: (Lumuhod) Mahal na hari, ang ngalan ko’y Florante, anak ni Duke Briseong inyong

pantas. Aking natanggap ang inyong liham ukol sa aking katungkulan.

Haring Linceo: Tumindig ka Floranteng magiting. Ako si Haring Linceo, pinuno nang kaharian nang Albanya. Nais ko rin ipakilala sa iyo ang aking anak na si Laura.

Florante: (tumayo.) (nilapitan si Laura) (Lumuhod at hinalikan ang kamay ni Laura) Ika’y aking ikinagagalak na makilala O, Laurang kay ganda.

Laura: Masaya rin ako’t nakilala kita. Sana tayo’y magkakilala pa upang malaman ang isa’t isa at maging magkaibigan o higit pa.

Haring Linceo: (kay Florante) Ika’y aking hinirang na mamuno nang aking hukbong magtatanggol sa bayan nang Krotona. Si Heneral Osmalik ang namumuno sa kabaling partido. Siya’y isang dalubhasa sa pakikipag- sagupaan sa mga digmaan. Ang tanging nakapapantay sa kanyang galing sa pakikidigma ay si Aladin na kanyang kababayan. Sa iyong mga kamay aking ipapataw ang kinabukasan nang bayan ng Krotona.

(flashback again.)

Florante: Aming ‘di namalayan na ang aming mga puso’y magkasingkahulugan, hanggang kami’y naging

magkasintahan at lubos na nagmahalan. Ngunit panaho’y sadyang ka’y bilis at ako’y kailangan umalis upang makidigma at ipaglaban ang bayan nang aking mahal.

(Flashback)

Haring Linceo: Ngayo’y araw ng pakikipagdigmaan, ikaw Florante’y

makikipagsagupa sa mga Morong mababagsik sa labanan. Ito’y iyong laban para sa bayan at sa iyong pagmamahalan!

(Pinuntahan ni Florante si Laura)

Laura: O, Florante, ika’y mag-ingat sa pakikipag- sagupa sa labanan. Mangako ka na ika’y babalik nang buhay.

Florante: Laura, ika’y aking babalikan, pangako yan.

Tatalunin ko gaano mang kagaling ang mga kaaway upang ika’y muling masilayan.

Laura: Paalam, Florante…

(Flashback)

Florante: Aming narating ang bayan nang Krotona’t sinalubong nang mga morong

mandirigma. Sila’y aming sinagupa, tunog nang bakal na nagkikiskisan ang nangibabaw. Mga mandirigmang

nakikipagpalitan nang hampas at salag, mga pananggang kay tibay na pumipigil sa mga sandatang kay talim. Sa gitna nang labanan, aking nakita ang pinuno nang hukbong Persya. Heneral Osmalik ang ngalan, mata’y sa akin nakamasid.

(Flashback)

(7)

Heneral Osmalik: Heneral Florante, pinuno nang hukbong Krotona. Ika’y magsisisi na ako’y iyong sinalungat. Aking sandatang kay talim, ang siyang tatarak sa iyong pusong kay hina!

(Sinagupa si Florante) (Sinalag ni Florante) (Bakbakan!) (Cross-Blade Parry)

Florante: Heneral Osmalik nang mga Morong taga- Persya, ika’y aking bibigyan nang

pagkakataon para sumuko’t umatras. Kung ika’y magpapatuloy, wala na akong ibang ibig kundi ika’y pigilan at tapusin!

Heneral Osmalik: Ilang taong ako’y nakipagbuno, tagumpay ang laging natatamo. Ika’y langgam ako’y leon. Hindi ako susuko hanggang sa ika’y aking madurog!

(Parry break) (Talon at atras)

Florante: Kung yan ang iyong kagustuhan, ikaw ngayo’y humanda’t tanggapin ang iyong katapusan!

(Alaalala / Flashback)

Florante: Halos limang oras kami’y nagbuno, walang may gustong sumuko. Isang nalingat, talim nang sandata’y sa aki’y tatapos. Nang si Osmalik ay nahapo, aking sandata’y iniko’t itinarak sa Morong bantog at tinapos ang kanyang pananakop.

(Balik sa Flashback / Digmaan)

Heneral Osmalik: Katapusan mo na Kristyanong Mahina’t Walang katuturan!

Florante: (Parry / Ilag) Hagupit nang Krotona’y iyong madarama, katapusang mapait ay mapapasayo na!

(Tapos ang hininga ni Osmalik)

Morong Mandirigma: Pinuno’y natarak nang

Katolikong mandirigma, tayo’y malulupig pa gang labanan ay nagpatuloy. Tayo’y umatras hanggang may pagkakataon pa!

(Umatras ang mga Moro)

Menandro: Umatras na ang mga Morong mananakop!

Tagumpay ang ating pagtatanggol! Tagumpay!

Mabuhay si Florante! (Mabuhay!) Mabuhay ang Albanya! (Mabuhay!)

(Flashback)

Florante: Ako’y nagbalik sa kaharian nang Albanya.

Lahat ay nagsaya’t nagalak sa tagumpay naming natamo. Sa gitna nang handaan, aking hinanap si Laurang mahal. Siya’y kinamusta’t niyakap nang mahigpit.

(Flashback)

Florante: Oh Laurang aking iniibig, ako’y nagbalik mula sa digmaang kay pait. Krotona’y aming naibalik at kapayapaan ay muling nananumbalik.

Laura: Mabuti’y ika’y nasa mabuting kalagayan, ako’y nag-alala sa iyo’t lagi kang pinagdarasal.

Ngunit ngayo’y ika’y nasa aking piling, maluwag na ang aking kalooba’t nabunutan nang tinik.

(Flashback)

Florante: Ako’y namalagi sa piling ni Laurang sinisinta, takot sa puso’y nawala’t napalitan nang ligaya’t pagmamahalan. Ngunit dahil sa aking katungkula’y kailangan kong lumisa’t si Laura’y muling iwanan.

(Flashback)

Florante: Laurang aking iniibig, panandalian lamang ang aking paglisan. Katulad rin nang aking

pagpunta sa Krotonang aking pinagtanggol, ako’y babalik muli at tayo’y magkakapiling ulit.

Laura: Ako’y sa iyo nagtitiwala, ang iyong pagbabalik ay aking pananabikang lubusan.

(Flashback)

Florante: Aking sinagupa mga turkong

mandirigma. Pinamumunuan ni Miramoling tuso’t sakim.

Nang siya’y aking magapi, mga turko’y tumalilis at tumakbo upang kanilang buhay ‘di maglaho waring isang dahong naaabo. Nang

(8)

kami’y nagpahinga sa siyudad nang Etolya, ako’y nakatanggap nang sulat mula sa Haring Linceong maginoo.

(Flashback)

Florante: Ayon sa kalatas nang haring maginoo, kailangan kong bumalik sa kaharian nang mag-isa. Sayo Menandro, aking iiwan ang pamamahala sa digmaang nagaganap. Ngayon din ako’y lilisan at tutungo sa Albanyang hirang.

(Flashback)

Florante: Ako’y agad na lumisan upang tumugon sa tawag nang hari. Nang ako’y dumating kahariang nais, isang patibong pala ang para sa aki’y nakahain…

(Flashback) (Pinalibutan si Florante nang mga kawal ni Adolfo.)

Florante: Anong kaliluhan ito Adolfong sakim! Anong ginawa mo sa kahariang Albanya, anong ginawa mo kay Laurang aking iniirog!

Adolfo: Ika’y manahimik Floranteng walang kalaban- laban! Ika’y wala nang magagawa sapagkat ang kaharian ay nasa aming mga palad na. Ilang taong ako’y nagtiis, poot at galit aking

kinikimkim. Lahat nang sa aki’y iyong inagaw, pati pag- ibig ni Laurang marikit ay iyong inagaw!

Florante: Ika’y aking ‘di inagawan, bagkus ikaw ang may sala’t ika’y nawalan. Kung ika’y ‘di naging sakim at taksil, marahil ikaw ngayo’y isang tagumpay tulad ko. At kailanma’y ‘di naging sayo si Laurang aking irog!

Adolfo: Ano mang iyong sabihin, ika’y aking bihag pa rin.

Dugo ni Linceo’t Briseo’y kapwa dumanak sa aking mga kamay. Aking sandata ang siyang tumapos sa agos nang kanilang buhay. Iyong

kamataya’y mas masaklap kaysa sa kanilang

kapalaran. Mga kawal, siya’y igapos sa Higerang puno sa kagubatan at hayaan masakmal nang mga Leong kay bangis at lupit!

Florante: Sa ngalan nang Haring Linceo’t Duke Briseo, ako’y nangangakong ika’y magbabayad nang lubusan sa pagsusukab na iyong ginawa!

Adolfo: Ako’y maghihintay sa iyong paghihiganti, yun ay kung ika’y makawala sa mga leong mababangis!

(Binitbit si Florante patungo sa Kagubatan) (Balik sa realidad nang pag-uusap ni Florante at Aladin.) Florante: Iyo’y nangyari sa’kin nung sandali’y aking danasing pagkabigong kay pait. Ngayo’y ‘di ko alam ang aking gagawin, tadhana na siguro ang bahalang lumapit sa akin.

Aladin: Iyong mga kuwento’y hindi naiiba sa akin, masakit man sabihin ngunit ama ko pa ang naging pasakit sa akin…

(Flashback naman ni Aladin / Narration)

Aladin: Ngalan nang aking ama’y Sultan Ali-Adab, pinuno nang Persyang bayan nang mga Moro.

Kanyang nakukuha lahat nang kanyang nais, kahit anong paraan ay kanyang gagawin. Si Flerida’y aking iniirog, sinisinta mula pa nung ina kaming nagkita. Siya’y aking sandaling nilisan upang tumungo’t makipaglaban sa Krotonang iyong pinagtanggol. Nang marinig ang balitang bumagsak na ang kaharian nang Albanya’y agad akong bumalik sa bayang nilisan. Ngunit

pagkarating ako’y agad dinakip, aking ulo’y hinihingi nang aking amang walang habag.

(Flashback)

Aladin: Ama, anong aking kasalana’t aking ulo’y iyong hinihingi? Ako’y naglingkod nang tapat, sayo’y ini-alay lahat!

Sultan Ali-Adab: Ika’y marahil tapat na naglingkod, ngunit hangga’t may dugong dumadaloy sa iyong puso’t kalamna’t, ika’y ‘di

malilimutan ni Fleridang aking iniibig.

Aladin: Pa’no mo nagawa ito sa akin ama! Si Flerida nalang ang siyang sa aki’y nagpapaligaya, ba’t pati siya’y iyong inangkin para sa iyong sarili!

Sultan Ali-Adab: Tama na ang iyong pagdadalamhati sapagkat iya’y ‘di ka ililigtas,

siya’y dalhin na sa piitan at doo’y kanyang buhay kitilin!

(Tumakbo si Flerida papunta kay Sultan Ali-Adab) Flerida: Mahal na Sultan, si Aladin ay pakawalan! Aking ibibigay lahat, pati ang aking puso’t pagmamahal. Wag

(9)

mo lang siyang saktan at ako’y mapapasayo nang lubusan…

Aladin: Fleridang aking irog! Wag mo ito gawin! Hayaan mong aking buhay kitilin, ang mahalaga’y ika’y ligtas at masaya.

Flerida: (tumingin kay Aladin) Ako’y iyong patawarin Aladin, ngunit aking ‘di makakaya na ika’y makitang malamig na’t wala nang buhay.

Sultan Ali-Adab: Aking hatol ay nagbago, si Aladin ay hayaang mabuhay, ngunit siya’y ipatapon sa malayong kagubatan upang siya’y ‘di na makasagapal pa sa aking landas at hangaril.

Aladin: Flerida! Waaaag!

(Si Aladin ay kinaladkad papunta sa kagubatan) (Pagtatapos nang Flashback ni Aladin)

Aladin: Iniligtas ni Fleridang sinta ang aking buhay, ngunit ang kapalit nama’y kanyang kaligayaha’t

kalayaan…

Florante: Ang ating pagkasawi’y sadyang magkatulad, kaya’t ‘di nakapagtatakang tayo’y pinagtagpo dito sa kagupatang waring kulungan nang mga kapus-palad.

Aladin: Dahil sa tadhanang kay lupit, tayo rito’y maghintay at magisip-isip kung paano nating maaayos ang waring isang bangungot nang kasalukuyan.

(Sa Kabilang dako, sa kaharian nang Albanay)

Laura: (Nakatingin sa kalayuan) Oh, Florante, ika’y nasaan na? Sana iyong natanggap ang aking liham na siyang naglalaman nang kasalukuyang

katayuan nang ating kahariang hirang…

(Flashback)

(Si Laura ay nakatago sa likod nang pader. Habang is Adolfo’y kausap ang isang kawal na magpapadala nang pekeng liham mula kay Haring Linceo papunta kay Florante.)

Adolfo: Ika’y magmadali’t ito’y ibigay kay Floranteng heneral na sa Etolya’y naghihintay.

Siguruhing siya’y tutugon sa liham bago umalis at sa aki’y bumalik.

Kawal: Masusunod iyong kamahalan. (bow) (Alis) Laura: (Pinuntahan ang isang kaibigan.) Aking tapat na tagapag-lingkod, ika’y aking inaatasan na itong sulat ay kay Floranteng giliw ibigay. Ika’y magmadali bago mahuli’t makarating ang huwad na sulat nang aking ama. Makasigurong ‘di ka mapipigilan ni Adolfong sukab sa iyong paglalakbay.

Kawal: Masusunod po iyong kamahalan. (bow) (Alis) (End of Flashback)

Laura: Oh, Florante…

(Adolfo sa likod)

Adolfo: Laurang aking hirang, ika’y andito pala’t naghihintay kay Floranteng wala nang pag-asa pang makaligtas sa kanyang mapait na kapalaran. Ngunit ika’y wag mag-alala sapagkat ako’y naririto upang ika’y alagaan at mahalin nang higit pa sa

kanya na siyang ‘di mo na muli makakapiling.

(Lalapitan si Laura) (Tangkang yayakapin) Laura: (Hinawi ang kamay ni Adolfo) Ako’y iyong bitawan! Mas nanaisin ko pang mamatay kasama si Florante kaysa sa sayo’y magpakasal at kalimutan ang iyong ginawa sa aking amang hari!

Adolfo: Wala ka nang magagawa Laura! Ako ang nandito, hindi si Florante! Wala na akong iba pang ibig kundi ang mapasaakin ang iyong pag-ibig na

kay tamis. Aanhin ko pa ang kayamana’t kapangyarihan kung ika’y wala sa aking piling?

Laura: Ikaw na sukab ang siyang nagpasya nang iyong landas na tatahakin. Iyong pinaslang mga taong walang sala’t inankin ang kahariang sa aking ama ang nararapat!

Kaya’t ika’y wag na umasa pang ika’y aking mamahalin, bagkus ako nala’y

iyong patayin upang si Florante’y aking muling makapiling!

Adolfo: Isa kang hangal sa pag-ibig Laura! Ikaw ma’y tumatanggi ngayon, ngunit ako’y

nakakasigurado, ika’y mapapasaakin nang buo’t lubusan…

(Umalis si Adolfo) (Kinausap ang kanyang kawal)

(10)

Adolfo: Alam niyo na ang inyong gagawin…

(Umalis si Adolfo) (Dinakip nang mga kawal si Laura)

Laura: Saan niyo ako dadalhin mga kawal na walang katapan?! Ako’y wag niyong hawakan bagkus ako’y ibaba! Hindi ako sasama sa inyo! Tulong! Tulong!

(Binitbit nang mga kawal si Laura) (Kina Menandro, ang mensahe ni Laura) Kawal: Isa pang liham ang dumating para kay Floranteng kay galing!

Menandro: Si Florante’y wala dito, dipa’t sa palasyo’y pinatawag?

Kawal: Wala pong liham mula palasyo ang kay Florante’y napadala…

Menandro: Sa aki’y ibigay ang liham at ating malalaman ang katotohana.

(Iniabot ang liham, binasa ni Menandro)

Menandro: Hindi ito maara… (Humarap sa mga kawal) Mga Kawal nang Albanya! Ang kaharia’y sinakop nina Konde Sileno’t Konde Adolfo! Tayo na’t sila’y puntahan at iligtas an gating bayang hirang mula sa kamay nang mga ahas na sukab!

(Sugooooooooood!)

(Pumunta sa gubat) (Itinulak sa may puno) (Lumabas si Adolfo mula sa mga puno)

Adolfo: Ika’y wala nang tatakasan pa Laura, sapagkat ngayong gabi’y ika’y mapapasaakin nang lubusang!

(Sumugod si Adolfo)

Laura: Adolfo! Wag! Ika’y maawa, saklolo! (Sigaw nang sigaw!)

(Sa kabilang dako nang gubat, ay naglalakad si Flerida na mula sa bayan nang Persya.)

Flerida: (Napalingon sa pinanggagalingan nang tili’t sigaw.) Isang dalaga ang nangangailangan nang aking tulong! (Draws Bow) Ako’y kailangan nang

magmadali’t baka ako’y mahuli! (takbo!!!) (Balik kay Adolfo’t Laura)

Laura: Maawa ka Adolfo, wag, wag (nanghihina) (Whistle nang Arrow.. Whzzzzz) (Sapul si Adolfo) (Lugmok si Adolfo)

Laura: (Tumingin kay Flerida na kung saan nang galing ang pana) Maraming salamat dalagang manlalakbay.

Kung ‘di dahil sayo’y malamang ako’y wala nang puri’t buhay.

Flerida: Dalagang ka’y rikit, wala kang dapat sa akin ipasalamat sapagkat karapat-dapat lang sa mga taong walang galang ang kamatayang walang harang.

Laura: Ano ang iyong ngalang dalagang mahusay? Ba’t iyong binabagtas ang kagubatan sa gitna nang dilim?

Aking ngala’y Laura, mula sa bayan nang

Albanya. Aking ama’y si Haring Linceong kay bait, aking irog nama’y si Floranteng kay galing.

Flerida: Ako nama’y si Flerida, mula sa bayan nang Persya. Ako’y narito sapagkat ang tadhana’y sadyang malupit. Aking sinisinta, si Alading kay tapang. Kanyang amang si Sultan Ali-Adab, siya’y pinagbantaang ipapapaslang. Kaya’t aking inialay ang sarili sa Sultan, upang aking irog, maligtas sa kamatayan. Ipinatapon si Aladin, dito sa

kagubatan. Nang umagang ako’y ipapakasal sa Sultan, ako’y nagbihis gerero’t tumalili sa kanya. Nakihalo sa mga mandirigma’t nakatakas papunta dito sa kagubatan, kaya’t ngayo’y ako’y naglilibot, baka sakaling mahagip si Alading aking mithi. Yun

ang dahilang kung ba’t aking narinig, iyong sigaw nang saklolo’t ika’y aking naligtas.

Laura: Ako nama’y dito’y pinadala upang

pagsamantalahan ni Adolfong kay sama. Ngunit dito rin sa kagubatan matatagpuan ang aking irog nasi Florante..

(Echo..)

(Kina Aladin at Florante..)

Florante: Iyong narinig ba ang tinig, nang isang dalagang nakikipag-usap? Doon sa may kabilang dako nang puno’y parang may anino animo’y dalawang tao?

(11)

Aladin: Halika’t ating tignan upang ating malaman…

(Tinignan nila ang likod nang puno, nakita sina Flerida’t Laura)

Florante: Laurang aking sinta! Ito’y isang himala!

Laura: Floranteng aking irog! Akala ko’y ika’y napatay na nang mga leong kay bangis. (yakap)

Aladin: Fleridang lubusang mahal, kay tagal kitang hinanap ngayo’y ika’y aking nakita!

Flerida: O, Alading aking giliw, ‘di ko na muling makaya pang ika’y mawala sa aking piling…

(May Narinig si Aladin…)

Aladin: Mga kaibigan, ako’y may naririnig na tunog nang mga yapak mula sa kagupatan. Ito’y papalapit sa atin. (Labas sandata)

(Lumabas ang tropa ni Menandro)

Florante: Menandrong aking tapat na kaibigan! Ako’y nagpapasalamat na kami’y inyong nakita! Pano niyo kami natunto dito sa puso nang kagubatan?

Menandro: Aming pinalaya ang Albanya sa kamay ni Konde Sileno’t pumunta dito upang dakipin si

Adolfo. Kaya’t nang kayo’y aking makita’t anong laking tuwa ang aking nadama.

Laura: Maraming salamat Menadro’t

makapagpapahinga na ang aking amang hari sa kalangitan.

Menandro: Florante’t Laura, ngayong wala na ang ating mga pinuno sa Albanya, nais kong inyong malaman na kayo na ang mamumuno dito… (Humarap sa mga kawal) Mabuhay si Haring Florante! (Mabuhay!) Mabuhay si Reyna Laura! (Mabuhay!) Mabuhay ang Albanya!

(Mabuhay!)

(Sama-samang naglakad pabalik nang kaharian.) (Sinalubong nang masigabong palakpakan) Tagapagsalaysay: Sina Florante’t Laura’y ikinasal at namuno sa kaharian nang Albanya. Sina Aladin at Flerida nama’y nagpabinyag upang making ganap na Kristyano.

Nang mamatay si Sultan Ali- adab, sina Aladin at Flerida ang namuno sa Persya na kaharian nang mga Moro. At dyan nagtatapos ang pagkuwento nina Florante at Laura..

(Orihinal na ngalan: Pinagdaanang Buhay nina Florante at Laura sa Kahariang Albanya: Kinuha sa madlang "cuadro histórico" o pinturang nagsasabi sa mga nangyayari nang unang panahon sa Imperyo ng Gresya, at tinula ng isang matuwain sa bersong Tagalog)

Epilogue:

(Sa may puno nang Higera)

Laura: (Nakapatong ang ulo sa balikat ni Florante, nakatingin sa araw) Aking buong akala’y ‘di na magtatapos yaring bangungot nating dalawa…

Florante: Ngunit ako’y naririto na, waring isang patunay na kahit gaano katagal ang dilim, ang Haring Araw ay sisikat pa rin…

-The End-

Referensi

Dokumen terkait

Ang bawat mag – aaral ay susulat ng isang talatang naglalarawan sa masining na paraan na tumatalakay sa mga pangyayari sa kanilang buhay o sa buhay ng iba na pumapaksa tungkol

Dahil nga sa nagiging matamlay, pagkakaroon ng negatibong pananaw sa buhay at kawalan ng interes o kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang mga gawain ang isang mag-aaral, hindi na

Ito’y nagpapatunay lamang na noong unang panahon ay nagdala ang mga bansang nabanggit ng impluwensiya ng kanilang panitikan sa Pilipinas..

Ang pag-aaral na ito na may paksang ANG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA MGA MAG-AARAL SA UNANG ANTAS NG PNTC COLLEGES ay tumatalakay sa kalagayan ng wikang Filipino sa panahon ng

Sabihin mang tiyak na may agon na hinarap si Santos sa kaniyang mga hinalilihang predecessors sina Janice de Belen at Julie Vega, kapwa mga “prinsesa ng soap opera” ng kanilang panahon,

3 Isabog nang pantay ang mga pinatubong binhi sa daming isang dakot kada tray.. 4 Pagpatung-patungin nang maayos ang mga tray ng punla sa malinis na lugar at sa mga lugar na malayo sa

PAG-AANGKOP NG MGA DATOS SA MGA MODELONG ISOTERMAL ADSORPSIYON NINA FREUNDLICH 1906 AT LANGMUIR 1916 GAMIT ANG MGA NON-LINEAR NA EKWASYON Isa sa mga balakid sa pag-estimasyon ng

BUHAY NA TANDA RIN NAWA KAYO NG KAISAHAN NG MGA... BANAL NA NABUBUHAY SA PAGLILINGKOD NANG MAY TUNAY