• Tidak ada hasil yang ditemukan

ANG INFLUENCIA MORAL NG MGA MEDIUM

Dalam dokumen Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium (Halaman 27-35)

Ang kaunlaran ba ng mediumnidad ay ayon sa kaunlarang moral o kabaitan ng medium? Hindi, ang kaloob (facultad) ay ukol sa medium como tao na may katawang

laman, walang kinalaman ang moral o ugali sa paggamit ng kaloob ay mababatay kung mabuti o hindi mabuti ang pag uugali, na ito ay ayon sa katangian ng kasangkapan, batay sa kanyang kabaitan o moral.

Laging sinasabi na ang mediumnidad (facultad) ay isang kaloob ng Ama (gift of God), isang biyaya, isang favor o ganting pala. Bakit ito ay hindi maging karapatan ng mabubuting tao, at bakit nakikita nating may mga medium na mahusay ang mga kaloob at gayon ma'y hindi sila karapat dapat at ginagamit ang kanilang biyaya sa hindi mabuting bagay o paraan?

Ang lahat ng mga kaloob ay mga biyaya na dapat nating ipagpasalamat sa Dios, maraming mga tao ang hindi magkamit noon; itatanong din natin kung bakit binigyan ng paningin ang mga masasama, talas ng dila ang mga taong mapagsambit ng mga salitang puno ng kasamaan. Ganito rin ang ukol sa mediumnidad. Mga taong kulang sa kabaitan at kabutihan ang nagiging mga medium sapagkat kailangan nila ang kaloob na ito para sa kanilang ikasusulong; inaakala ba ninyo na ipagkakait ng Dios ang kaligtasan sa mga makasalanan? Pinararami Niya ang mga paraang yaon sa kanilang landasin. Inilalagay Niya ang mga paraang iyon sa kanyang mga palad. Ang mediumnidad ay ipinagkakaloob upang pakinabangan ng medium na rin; hindi ba si Judas, ang traidor, bilang Apostol ay gumawa ng mga milagro at nagpagaling ng mga maysakit? Yaon ay ipinahihintulot ng Dios upang makilala niya ang kanyang pagkukulang.

Ang mga medium ba na ang kanilang kaloob (facultad) ay ginagamit sa masamang paraan, o hindi ginagamit sa mabuting sanhi o hindi nagbabago o bumubuti sa sarili, sa pagtanggap ng mga pahayag at pangaral na buhat sa mga espiritu, sila ba ay sasapitan ng bunga ng kanilang mga pagkakamali at kasamaan?

Pag ginamit sa masamang paraan, ibayo ang parusa sa medium pagkat mayroong liwanag na umaakay sa kanya at gayon man ay hindi niya sinamantala ang pagkakataong magbago. Yaong nakakikita at madapa ay masisisi kaysa isang bulag na mahulog sa kanal.

Mayroong mga medium na sa pamamagitan nila ay natatanggap ang mga pahayag ng panayan, at hindi inaakala ay ibinibigay sa mga paksang paulit ulit na binabanhay, sa mga araling moral, halimbawa'y sa mga pagkakamaling tinutukoy, ang mga ito ay mayroong tanging dahilan.

Oo, ang dahilan ay upang maliwanagan nila ang isang bagay na inuulit-ulit o kaya ay upang ituwid sa ilang pagkakamali; sa iba ay binabanggit ang ukol sa kayabangan, sa iba ay ukol sa pagkakawanggawa; ang pagkapigta sa mga pangaral ang siyang magbubukas ng kanilang mga mata. Walang sinomang medium na di natutumpak sa paggamit ng kanilang kaloob, may mga kayabangan, malabis na pag ibig sa sarili, o ginagamit ang kaloob para sa

sariling kapakanan o ambition, ang hindi nakatatanggap paminsan minsan ng pagalaala at pangaral buhat sa mga batlaya. Ang masama nito ay hindi nila iniuukol ng paalala sa

kanilang sarili. Ang batlaya ay gumagamit ng paraan sa ganitoing pagtuturo na ibinibigay sa isang hindi tiyak na paraan. Ito ay upang bigyan ng pahalaga ang sinomang matutong sumunod at makinabang sa kanilang pagtalima. Ngunit sa mga ibang medium, ang pagkabulag at kayabangan ay gayon na lamang na hindi kinikilalang ang sarili ang siyang larawan sa kanilang harapan; lalo pa kung ipaiintindi ng espiritu na sila (medium) ang pinag uukulan ng puna at pangaral, sila ay nagagalit at itinuturing na bulaan at mapanukso ang espiritung sa kanila ay nangangaral. Ito ay maliwanag na ang espiritu ay tumpak sa kanyang pagpansin.

Sa mga pangaral buhat sa batlaya sa pamamagitan ng isang medium, ito baga ay para lamng sa kanya o sa ilan na nakarinig?

Hindi, ito ay para sa kalahatan, sa sangkatauhan. Ang medium ay kasangkapan lamang sa pagtawag ng pansin na tayo ay magbago at magpakabuti. Darating ang panahon na magiging karaniwan ang mabubuting medium at ang espiritu ay hindi na

kakailanganing gumamit ng medium na walang mabuting kaugalian.

Sapagkat ang katangiang moral ng medium ay nagpapalayo sa mga espiritung di pa wagas, bakit may mabuting medium na nakapagbibigay ng bulaan at magaspang na

katugunan?

Alam ba ninyo ang nasa kalooban ng kanyang kaluluwa? Isa pa, kahit na hindi kasamaan, puedeng siya ay hindi seryoso at mapagwalang bahala. Kung minsan kailangan niya (medium) ang leksyon upang maging maingat.

Bakit ang mga batlaya ay binabayaang ang mga medium na may kapangyarihan at mabuting facultad at maaring makagawa ng maraming kabutihan ay maging kasangkapan ng mga maling mga pahayag?

Ang medium ay sinusubaybayan ng mga espiritu o batlaya, ngunit kung ang medium ay sumusunod sa maling landas, binabayaan sila. Ito ang dahilan kung bakit iniiwasan ng espiritu ang sa kanila (medium) ay paggamit pagkat ang katotohanan ay hindi

maipaliliwanag ng kabulaanan.

Imposible ba na makatanggap ng mabuting pahayag buhat sa isang medium na imperfecto o di mabuti?

Ang isang di mabuting medium ay gagamitin ng isang batlaya, pangsamantala, pagkat pipiliin ang isang mabuting kasangkapan na angkop sa kanila.

Dapat pansinin na kapag nakita ng mabuting espiritu na ang isang medium ay nagiging alipin ng magdarayang espiritu, inihahayag ang kanilang mga pagkakamali,

inilalayo ang mga taong tapat ang nasa sa pakikipagaral, na maaaring mapagsamantalahan ng mababang espiritu. Sa gayong kalagayan, kahit na ano pa ang kanilang katangian, ito ay di dapat panghinayanagan.

Ano-anong katangian dapat magtaglay ang isang medium upang matawag na siya ay perfect o sakdal?

Sakdal, alam natin na ang pagkasakdal ay wala sa balat ng lupa, sana ay wala na tayo dito kung tayo ay sakdal na. Sabihin natin: mabuting medium at ito ay pangbihira at higit pa sa dapat asahan. Ang isang mabuting medium ay yaong hindi pinangangahasang dayain ng masamang espiritu. Ang isang magaling na medium ay yaong bihira kung madaya.

Kung nakikiisa lamang sa mabubuting espiritu bakit pinababayaang madaya ang isang mabuting medium? Kung minsan ay pinababayaan ng mabuting espiritu na madaya ang isang magaling na medium upang ito ay magkaroon ng matalinong pagbabaki at malamang piliin ang totoo kaysa sa kabulaanan. Magaling man ang isang medium, siya ay hindi napakagaling na wala na siyang kahinaan sa sarili na hindi makikita, ito ay

magsisilbing aral sa kanya. Ang mga bulaang pahayag na matanggap niya sa pana panahon ay mga babala na hindi dapat ituring na wala ng kapintasan ang sarili at ipagyabang ang gayon.

Ano ang kondisyong kailangan upang matanggap natin ang mga salita ng matataas na espiritu na malinis at ligtas sa mga adulteracion o pagkahalo ng masamang mga salita.

Ang maging mabuti, alisin ang kayabangan at malabis na pag ibig sa sarili, ang dalawang ito ang kailangan.

Kung ang pahayag ng mga wagas na espiritu ay tinatanggap nating malinis sa mga kaparaanang mahirap matamo, hindi kaya ito hadlang sa pagpapalaganap ng katotohanan. Hindi, pagkat ang liwanag ay lagi nang dumarating sa kanya na tumatanggap noon. Ang sino mang nais maliwanagan ay kailangang takasan ang kadiliman at ang kadiliman ay naroon sa karumihan ng puso.

Ang mga espiritu na inaakala ninyo na kinatawan ng kabutihan ay hindi panibulos sa mga taong ang puso ay pigta ng kayabangan, makalamang pag-ibig at kulang sa

kawanggawa o pagkahabag sa kapwa.

Bayaan sila, kung gayon na nagnanasa ng kaliwanagan ng langit na isa isang tabi ang makataong mga kahilingan at sila ay magpakababa sa harap ng walang hanggang kapangyarihan ng Manlilikha: Ito ang magiging payak na katunayan ng kanilang katapatan at ang kondisyong ito ay madaling matupad ng bawa’t isa.

ngunit batay sa kalagayang moral, ang medium ay may malaking kaugnayan sa atin. Sapagkat upang makapamahayag, ang banyagang espiritu ay ipinakikilala ang sarili kaugnay ng espiritu ng medium. Ang pagpapakilalang ito ay mangyayari habang may simpatia o pag akit sa isa’t isa o afinidad sa pagitan nila. Ang peri-espiritu ay

nakapangyayari sa banyagang espiritu ng pag-aakitan o pagtutulakan ayon sa antas ng kanilang pagkakahawig o di pagkakaparis.

Kaya ang mabuting espiritu ay sa mabuting medium, at ang di mabuting espiritu ay sa di mabuting medium naaakit, dito nga nasusunod na ang mabuting katangian ng medium ay may makapangyarihang kakayahan sa uri ng espiritu na magpapahayag sa kanyang pamamagitan. Kung ang medium ay vicioso, nagsusugal, napaliligiran siya ng mabababang espiritu at siya ay lagi nang handa upang salisihan ang mga batlaya na tinatawagan. Ang mga katangian na lagi nang nakakaakit sa mga espiritung banal ay ang pagkakawanggawa, pagka mabuting puso, pag-ibig sa kapwa at sa kapit bahay, ang di pagpapahalaga sa kayamanan ng lupa; ang mga kamalian ng medium na nagpapalayo sa mga mabubuting espiritu ay ang kayabangan, egoismo, inggit, panibugho, pagtatakwil, pagkamakalupa (sensuality) at lahat ng mga makalupang hilig na siyang sa tao ay nagdidikit sa materia.

Lahat ng mga kasalatan at defecto sa moral o kabaitan ay mga bukas na pintuan para sa mga espiritu ng kasamaan, ngunit ang isang magaling nilang napaglalaruan ay ang kayabangan, pagkat ito ay lagi nang tinatanggihang ikapit sa sarili ng sinuman. Ang

kayabangan ay nakapipinsala sa di mabilang na mga medium na mayroon ng mahalgang katangian at kaloob (facultad) na kung hindi dahil lamang sa kayabangan ay maari sanang maging mabuting lingkod bilang isang mabuting kasangkapan ng mga batlaya. Ngunit sila ay naging alipin ng mga espiritung bulaan, ang kanilang katangian ay naunsyami saka pinahirapan at hinamak ng pinakamapait na pagkalinlang.

Ang kayabangan ay mababakas sa mga medium sa paraang hindi

mapagalinlanganan na ito ay dapat na agad ay itawag ng pansin sa kanila, pagkat ito ang isa sa mga dahilan upang pagalinlanganan ang kanilang mga abot-sabi.

Sa simula, isang bulag na tiwala sa kataasan at kadakilaan ng pahayag ng abot-sabing tinuran at ang pagka-makapangyarihan ng espiritung nagbigay noon, saka isang pag-iring para sa lahat ng hindi lumalapit sa kanila (medium) pagkat naniniwala ang mga yaon na sila ang may karapatan sa katotohanan. Ang prestihio ng mga dakilang pangalan na hiniram ng mga espiritung nagpapanggap na kanilang Protector, ito ay nakasisilaw sa kanila, at sapagkat ang sariling karangalan at kapurihan ay mapipinsala kung ipagtatapat ang pagiging di tapat bilang medium, sila ay tumatanggi sa anumang uri ng payo, iniiwasan nila ang payo kaya’t lumalayo sa kanilang mga kaibigan o sa sinumang maaaring maging

dahilan upang mamulat ang kanilang mga mata; kung mapilit na makinig sila sa mga payo, yaon ay mahigpit na tinututulan. Nasasaktan sila sa lalong maliit na pagsumang sa kanilang paniwala, sa isang maliit na pagpansin at hanggang halos ay itakwil ang mga taong sa kanila ay tumutulong. Sa wari ay balatkayo ang ganitong paglayo, udyok ng mga sumusubaybay na espiritu na ayaw na sila ay pag alinlanganan, ang mga medium ay magagawang mamalagi sa kanilang malikmata (fascination), matatanggap ang mga magagaspang na katiwalian at itinuturing itong mga makalangit na bagay. At lubos ang compianza sa mga pahayag na kanilang tinatanggap, pag-iring at pagtatakwil sa anumang mga pahayag na hindi sa kanila nanggaling. Hindi marapat na pagpapahalaga sa mga dakilang pangalan, pag iwas sa mga pagpapayo, lahat ng pagtawag pansin ay itinuturing na masama, paglayo sa mga buong pusong nagbibigay ng payo, ang paniwala sa kanilang sariling kakayahan kahit kulang sa karanasan – ito ang mga katangiang taglay ng mga mayayabang at palalong mga medium.

Tumpak na sabihin na ang kayabangan ay kadalasan na gigising sa isang medium ng dahil sa kanyang kapaligiran. Kung siya ay may higit na facultad kaysa karaniwan, siya ay kailangan at laging pinupuri, itinuturing na mahalaga ang sarili, daglian ay nagkakaroon ng paglaki sa sarili, itinuturing na importante at mabiyaya ang sarili, magmamalabis sa kilos at nahahayag ang di mabuting ugali. Kadalasan ay nakapagsisisi ang pagpapasigla na

naitulong sa ilang medium pagsumapit sila sa malabis na pagdakila sa kanilang sarili. Kaagapay ng larawang ito ng medium na mayabang, ilagay natin sa isang tunay na mabuting medium – siya na ating pagkakatiwalaan, madali ang paggamit sa kanya bilang kasangkapan, at malaya ang batlaya sa paggamit sa kanya bilang kasangakapan, na walang balakid sa anumang sanhi na panglaman. Na ito ay ipinahihintulot, ang higit na kailangang isaalng alang ay ang katangian ng batlaya na lagging sa kanya ay humihilahis at dahil dyan, hindi ang kung sino ang pangalan ng batlaya kundi ang pangungusap ng abot-sabi. Hindi dapat kaligtaan na ang pag akit sa mabubuting espiritu ay maging kasing lawak ng kanyang pag iwas sa mga mababang espiritu. Sa pagkaalam na ang kanyang biyaya ay upang

gamitin sa kabutihan, hindi siya nagmamapuri, hindi inaangkin ang karangalan ng kanyang sarili. Tinatanggap niya na isang biyaya ang pahayag na matatanggap sa kanyang

pamamagitan, kaya nga sisikapin niyang maging karapat dapat sa biyaya – maging mabuti siya, maawain at mahinhin. Ang medium na mayabang ay ipinagmamapuri ang sa kanya ay pakikitungo ng mataas na espiritu, samantalang ang medium na mabuti ay lalong

magpapakababa sa gayong pagbiyaya ng mga batlaya, laging itinuturing na siya ay hindi karapat dapat sa biyaya na kanyang tinatanggap.

maraming pahayag na naibigay na.

Nabanggit na naming, ang medium, bilang medium ay pangalawa lamang ang hilahis sa pahayag ng espiritu, ang gawain nila ay tulad sa isang makinang de electricidad, na nagpapadala ng balita buhat sa isang panig ng daigidig hanggang sa isang malayong panig, kaya kung ibig naming magbigay ng isang abot-sabi, ginagawa naming tulad sa isang telegraph operator sa kanyang pagkatagapamagitan kaya samantalang ang tic-tac ng telegraph ay sumusulat buhat sa libong milia ang layo, sa isang pirasong papel, ang isinaling sulat ng telegrama, gayon din kami, buhat sa hindi masusukat na layo ng

nakapagitan sa mundong nakikita at sa mundong hindi nakikita o buhat sa bayan ng mga espiritu ay ipinahahayag naming sa mundo ninyo, (mundo ng laman) ang mga aral at mga pahayag sa pamamagitan ng isang medium. Ngunit tulad ng pagiging magulo ng papawirin na nakagugulo sa pagtanggap ng telegram ang influencia moral ng medium ay may

kinalaman sa pahayag na tanggapin niya, nahihilahisan at hindi nagiging mabuti, paano ay nagdaraan sa isang mayabang na medium na hindi angkop sa paghilahis ng isang batlaya. Kaalinsabay nito, nagagawa ng medium na hindi makapinsala ng gayon sa pamamgitan ng sariling lakas ng loob at lakas ng katawan at walang pinsalang mahahayag. Tunay nga, mga pahayag ng matataas na pilosofia at mga payak na aral ng moralidad ay matatanggap sa pamamagitan ng mga medium na hindi angkop sa gayong matataas na karunungan. Sa isang dako, may mga pahayag na kulang sa uri at pahat sa aral ng kabaitan ang naglalagos naman sa medium na labis na ikinahihiya na siya pa ang naging paraan sa pagtanggap ng mga pahayag na yaon. Bilang panglahat na batayan, ang mga espiritu ay nakaaakit ng kanilang kauri, ang mga espiritung may kataasan ay bihirang magpahayag sa mga medium na mayabang o may kapintasang marami kung mayroon din lamang malalapitan silang kasangkapan ng mga batlaya – ang mabuting medium.

Ang maaakit ng mga medium na mapagwalang bahala at hindi gaanong

pinahahalagahan ang tungkulin ay ang mga espiritung kanilang kauri, ang natatanggap na pahayag ay may bakas ng magagaspang na pangungusap, watak watak na diwa, lagut lagot na pangungusap, madalas ay salat na diwa na pang espiritu. Bumabanggit din naman sila ng mabubuting bagay, at sa gitna ng mga pahayag na ito ay isinisingit ng mga bulaang espiritu ang magagandang salita ng kabulaanan, mga invension at mapagimbabaw na pang akit upang dayain ang katapatan ng mga sa kanila ay nakikinig. Saka aalisin ang lahat ng mga salita o banggit na hindi tumutugon sa pamantayan ng isang mabuting pahayag; iiwan lamang ang bahagi ng pahayag na matatanggap ng tumpak na pangangatwiran o naaayon sa aral ng doctrina o simulain. Ang mga pahayag na tulad nito ay dapat ipangilag o ilayo sa mga bagong nag aaral, sa mga bagong sapi o sa mga kulang pa sa kaalaman sa

Espiritismo; pagkat para sa mga maalam na at mayroon ng karanasan ukol sa espiritu, nabibigo ang mga manglilinlang, sila ay walang pasubaling paaalisin2.

Hindi ako babanggit ng ukol sa mga medium na nasisiyahan sa pag akit at pagdinig sa mga maruruming pahayag, bayaan natin silang masiyahan sa kanilang sarili sa

pakikipagniig sa mga espiritung panatico (cynical). Isa pa, ang pahayag na tulad nito ay nakakaakit ng kalungkutan at pag iisa, sa ano’t anuman, ang pahayag ay makapag uudyok lamang ng kabiguan at kawalang pag asa sa mga taong kasapi sa kabilugang matapat ang layon sa pag aaral. Ngunit pag ang influencia moral ng medium ay iginiit at ipinadama, iyon ay kung kailan ipinapalit niya ang sariling kuro o akala sa halip ng sa espiritu na siyang ipinahahatid sa kanyang pamamagitan, saka kung humahagilap siya sa sariling guni guni ng mga di mapaniwalaang simulain, na siya ay nananalig na yaon ay paisip sa kanya, ito kung gayon ay (isa sa isang libo) bunga o galing sa hilahis ng pagkatao ng medium – saka nangyayari ang nakapagtataka – ang kamay ng medium ay gagalaw ng hindi kinukusa, ito ay sa tulong ng mapagbirong espiritu, iniiwasan ang magandang paghahayag ng isang batlaya, nililisan ang diwa, ang anino ang siyang pinapansin, ipinapalit ang mga matatayog na paliwanag. Sa ibabaw ng nakasisindak na batong ito’y ang pangsariling ambition o hangarin ng medium, na nauntol, nabalaho, na sa di pagtanggap ng pahayag na ipinagkait ng mabuting espiritu, pinalalabas ng medium na ang bunga ng sariling kaisipan ay buhat sa mga espiritu. Dahil dito, kailangang ang mga pangulo ng kabilugang espiritista ay

magkaroon ng katangi-tanging katalinuhan at di pangkaraniwang kaalaman. Ito ay upang makilala ang likas na mga abot-sabi at huwag na masugatan yaong dinadaya ang kanilang sarili.

Kapagka nag-aalinlangan, lumiban, huwag kumibo ang wika ng kasabihan, huwag tanggapin ang anuman ng walang katunayan ng katotohanan. Dagling ang isang panukala ay malantad sa liwanag, kung sa wari ay nakapag aalinlangan, idaan yaon sa sukatan ng katwiran at lohika. Ang hindi matanggap ng katwiran at kabutihan, walang halaga agad; higit na mabuti pang tanggihan ang sampung katotohanan kaysa tanggapin ang isang kabulaanan – ang isang bulaang patakaran. Pagkat sa ibabaw ng bulaang patakarang ito, baka ikaw ay makalikha ng malaking muog na maaaring maguho sa unang hininga ng katotohanan, tulad ng isang bantayog na itinayo sa buhanginan; samantalang hindi mo pinahahalagahan ang ilang katotohanan ngayon pagkat di maipaliwanag ayon sa lohika at halimbawa, sa lalong madaling panahon, ang isang matibay na katotohanan, isang hindi matatanggihang pagpapakilala ay malantad upang ipahayag ang likas ng katotohanan.

Tandaan, gayon man, O mga Espiritista, na walang di mangyayari para sa Dios at

Dalam dokumen Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium (Halaman 27-35)

Dokumen terkait