• Tidak ada hasil yang ditemukan

ANG TUPARIN (ROLE) NG MEDIUM SA MGA ABOT SABI NG ESPIRITU

Dalam dokumen Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium (Halaman 37-42)

“Ang medium ba, sa panahon ng pagtupad bilang kasangkapan ng espiritu ay nasa katayuang normal?”

“Nasa isang maselang katayuan kung minsan (crisis) ito ang nakapapagod sa kanya, kaya kailangan niya ang pahinga; kadalasan ang katayuan ng medium ay hindi naiiba sa katayuang pangkaraniwan o normal.”

“Ang pahayag bang isinulat o verbal ng espiritu ay maaaring manggaling sa espiritu ng medium?”

“Ang espiritu (soul) ng medium ay maaaring magpahayag tulad ng sinuman, kung may kalayaan ang espiritu, na naaangkin niya ang mga katangian ng espiritu. May

katunayan ito sa espiritu ng taong buhay na dumadalaw at nagpapahayag sa pamamagitan ng pagsulat, at ito ay kahit hindi sila tinatawagan.

Pagkat dapat mong malaman na sa gitna ng mga espiritung tinatawagan ay

mayroong ilan sa kanila na buhay pa sa lupa, saka makikipag usap sa inyo na bilang espiritu at hindi taong buhay. Bakit hindi maipagpalagay na ang gayun din ay mangyayari sa espiritu ng medium?

Ang paliwanag na ito ay waring nagpapatunay sa opinion ng mga naniniwala na ang pahayag o lahat ng communication na galing sa espiritu ng medium ay hindi sa ibang espiritu.”

medium ay makapamamahayag sa sarili, ito ay hindi dahilan upang ang ibang espiritu ay hindi makapamamahayag sa kanyang pamamagitan.”

“Paano malalaman kung ang sumasagot ay ang espiritu ng medium o sa ibang espiritu?”

“Ayon sa himig ng pahayag, suriin ang mga pangyayari at ang lenguaje at makikita ang pagkakaiba. At higit at lalo pa sa katayuan ng somnambulismo o (ecstacy) labis na concentracion na ang espiritu ng medium ay higit na malaya, ngunit sa pangkaraniwang kalagayan ay lalong mahirap, matangi pa sa mga katugunan na hindi maikakapit na galing sa medium. Kaya nga sinasabi kong kayo ay mag-aral at magmatyag.”

“Pansin: Kapag ang isang tao ay nagsasalita sa atin, agad nating namamatyagan kung alin ang sa kanya galing o kung alin ang hindi sa kanya at isang echo lamang o ganting ingay ng salita.

Sapagkat ang espiritu ng medium ay maaaring nakapagtamo ng kaalaman sa kanyang mga unang kabuhayan, na ito ay kanyang nakalimutan na sa pagkakaroon ng katawang laman, ngunit sa espiritu ay kanyang natatandaan, hindi baga kaya siya maaaring makakuha sa kanyang sariling kakayahan na walang makahihigit sa lawak ng pahayag na kanyang tinanggap sa mga espiritu?”

“Iyan ay madalas mangyari sa kalagayan ng isang medium somnambula (sleeping medium) o ecstatic crisis; gayon man may mga pangyayaring hindi mapagaalinlanganan, mag-aral kayo ng puspusan, magmuni-muni (meditate).”

Ang mga pahayag bang buhat sa espiritu ng medium ay laging mababa ang uri kaysa doon sa mga ibinibigay ng mga ibang espiritu?”

“Hindi lagi na, sapagkat ang ibang espiritu ay maaaring mababa ang uri kaysa sa espiritu ng medium at nagsasalita ng walang diwa; ito ay nakikita sa somnambulismo, at karaniwan na ang espiritu ng medium ang siyang nagpapahayag at siya rin naman ang nagsasalita ng ilang mabubuting bagay.”

Ang espiritu comunicante ba ay tuwirang nagbibigay ng kanyang pahayag o ang espiritu ba ng medium ay siyang tagapamagitan ng espiritu comunicante?”

Ang espiritu ng medium ay siyang interprete pagkat ang kanyang sarili ay nakaugnay sa katawan ng nagsasalita sa atin at kailangan ang ugnay sa medium at sa espiritu

comunicante; kung paanong ang alambre ng kuryente ay kailangan upang tumanggap ng balita buhat sa malayo at sa dulo ng alambre ay isang taong matalino ang siyang

tumatanggap at nagpapadala ng balita.

“Ang espiritu incarnado ba ng medium ay nakahihilahis sa pahayag buhat sa ibang espiritu?”

“Oo, kung siya ay hindi nagigiliw sa kanila, maaring baguhin niya ang mga sagot at angkinin na parang kanya ang mga bagay at mga hilig ngunit hindi niya nahihilahisan ang mga espiritu mismo kundi siya ay isa lamang masamang tagapagsalita o interprete.”

“Ito ba ang dahilan ng pagpili ng espiritu sa sinumang medium na ibig nila?”

“Wala nang iba, hinahanap nila ang interprete na kanilang kabagang at nalilipat ang diwa ng buong katumpakan; kung walang simpatiya sa pagitan ng medium at ng espiritu comunicante, ang espiritu ng medium ay isang kalaban na tumututol at magiging

masamang kalooban at madalas ay isang hindi tapat na tagapagpaliwanag (interprete). Ganito rin sa inyong kalagitnaan kung ang payo ng isang paham ay naipapaliwanag ng isang mapagkamali o hindi matapat na tao.

“Madaling maipaghahalimbawa na ganito rin ang pangyayari sa isang medium sa paisip (intuitive) ngunit hindi sa mga medium sa mekanikal.

“Hindi lubusang isinasaalang-alang ang papel na ginagampanan ng medium, mayroong isang batas doon na hindi pa lubusang nauunawaan. Ang ukol sa mekanikal na medium, upang mapagalaw ang isang bagay, kailangan ng espiritu ang makalupang fluido na ito ay hinihiram sa medium na ginagamit ng espiritu, gayon din, unawain sana, na upang makatanggap ng isang malamang abot-sabi, kailangan ng espiritu ang isang matalinong kasangkapan, at ang taga-pamagitang ito ay ang espiritu ng medium.”

Ito ay hindi maiaangkop sa mga mesang nagsasalita, baskets at mga tablets, pagkat kung ang mga nabanggit ay magbibigay ng mga sagot o pahayag, waring walang kinalaman ang medium na ginagamit.

“Iyan ay isang pagkakamali, mabibigyan ng espiritu ang mga bagay na hindi gumagalaw na parang buhay na pangsamantala, ngunit hindi katalinuhan. Kaya nga, ang espiritu ng medium ang makakatanggap (ng hindi kinukusa) ng pahayag sa pamamagitan ng maraming kaparaanan.”

“Parang lumalabas sa mga paliwanag na ang espiritu ng medium ay hindi lagi nang walang hilahis sa pahayag.”

“Siya ay walang kinalaman kung hindi niya naihahalo ang sariling isipan sa pahayag ng espiritu comunicante, ngunit ito ay hindi lubos, kailangan ang pagsang-ayon bilang taga-pamagitan kahit na sa tinatawag na mekanikal medium.”

“Hindi ba mayroon ng malaking garantiya sa kalayaan (sa pahayag) ang mekanikal medium kaysa intuitive (paisip) medium?”

“Walang alinlangan, at para sa mga ilang pahayag, ang mekanikal medium ay karapatdapat. Ngunti kung ang kakayahan ng medium sa intuicion ay hayag, siya ay magagamit din sa mga pahayag na di kailangan ang malaking kasanayan.’

“Sa mga iba’t ibang systems (paraan) na nailahad na upang ipaliwanag ang spirit fenomena ay may isang nabubuo sa paniwalang ang tunay na mediumnidad ay yaong nasa isang bagay na lubusang hindi kumikilos (inert), walang buhay, yaon ay nasa basket, mesa, card, etc. halimbawa, na siyang kasangkapan, na naipakilala ng spiritu comunicante sa pamamagitan nito, naipakikilala ang sarili na buhay at mayroong inteligencia o kaalaman, doon nagsimula ang tawag na: Inert mediums – Ano ang masasabi ninyo tungkol dito?”

Mayroong isa lamang kataga para diyan: kung mabigyan ng katalinuhan ang basket ay gayon din ng buhay, ang basket ay dapat na makasulat ng mag-isa, hindi na kailangan ang medium, magiging kababalaghan kung ang isang matalinong tao ay maging isang makina, at ang isang basket (inert) ay magkaroon ng inteligencia. Ito ang isa sa mga bagay na tulad sa marami pang iba ay hindi makapasa sa harap ng karanasan at pagsisiyasat.”

“Ang mga espiritu ay iisa ang lenguaje: ang kaisipan (thought) wala silang salitang naririnig kaya iisa lamang ang kanilang lenguaje: batay dito, naipaaabot ba ang mensahe o pahayag ng medium sa isang lenguaje na hindi niya nagamit sa buong buhay niya? Sa ganyang pangyayari, saan niya kukunin ang mga salitang kanyang gagamitin?

“Sinagot mo na ang iyong sariling tanong: Na ang espiritu ay mayroong iisang lenguaje ang kaisipan, ito ay nauunawaan ng lahat, maging ngtao o ng espiritu. Ang malayang espiritu kung makipag usap sa espiritu ng medium ay hindi siya nagsasalita sa Frances o sa Ingles kundi sa pangkalahatang lenguaje: ang pag iisip, upang maipaaalam ang ibig sabihin, ang espiritu ay kumukuha ng mga pangungusap sa vocubulario o sa pangungusap ng medium.”

Kung ito ay siyang nangyayari, makapagpapahayag lamang ang espiritu sa pangungusap ng medium samantalang mayroong mga medium na nakatatanggap ng pahayag sa pangungusap na hindi alam, hindi ba ito ay isang pagsasalungatan?

“Unang-una ay dapat unawain na hindi lahat ng medium ay angkop sa ganitong gawain. Ikalawa, na ito ay ginagawa ng espiritu sa isa lamang pagkakataon, kung inaakala na ang gayon ay magiging kapaki-pakinabang, ngunit ang pangkaraniwang abot sabi o higit pa, pinipili ng espiritu ang magpahayag sa salita na alam o familiar sa medium, pagkat kaunti lamang ang balakid na dapat malagpasan.”

“Hindi kaya ang hilig ng ilang medium na magpahayag sa isang salitang banyaga ay buhat sa kanyang kaalaman noong isang unang kabuhayan at natipon sa sarili?”

Maaaring gayon nga, ngunit hindi ito ang kalakaran, ang espiritu sa kanyang

pagpipilit ay maaaring malagpasan pangsamantala ang mga balakid na panglaman- ganito rin ang nangyayari kung ang isang medium ay nagsasaad ng mga salita sa sariling lenguale na hindi niya naiintindihan.”

“Maari bang ang isang taong hindi maalam sumulat ay makasulat bilang kasangkapan ng isang espiritu?”

“Oo, ngunit makikita agad ang malaking balakid, ang kamay na hindi bihasa upang makagawa ng mga letra o salita, ganito rin ang ukol sa medium sa pagguhit na hindi maalam gumuhit.”

“Ang isang medium ba na kapos sa katalinuhan ay makatanggap ng mga pahayag na may katalinuhan?”

“Oo, sa kaparaanan na tulad sa pagsulat ng isang medium sa salita na hindi niya alam. Ang mediumnidad, sa tumpak na katawagan, ay hiwalay sa katalinuhan at gayon din sa katangiang moral ng medium at sa kakulangan ng mabuting kasangkapan, magagamit ng espiritu ang kasangkapang malapit ngunit karaniwan na para sa isang pahayag na may uri, pipiliin ng espiritu ang medium na kaunti lamang ang kakulangan, isaalang-alang din: Ang Idiota ay gayon dahil lamang sa hindi maayos ang mga sangkap panglaman (organs) ngunit ang kanyang espiritu ay higit pang unlad kayasa iyong inaakala. Mayroong patunay dito, bunga ng pagtawag sa mga ito, maging buhay o patay na.

Ito ay katotohanan na tinitiyak ng karanasan. Tinawagan naming sa ilang kataon ang espiritu ng mga mulala (idiots) na nagpapakilala ng kanilang katangian at tumugon sa isang matalino at superior na paraan.

“Ang ating kaisipan ay hindi nangangailangan ng damit ng mga salita upang maintindihan ng mga espiritu, at nararamdaman nila ang ibig nating ipahatid sa kanila, ipahatid lamang sa kanila an gating diwa, ito ay dahil sa kanilang katangiang intellectual, natatanggap ng ilan ang isang kaisipan ayon sa pagkasulong na pangdiwa, samantalang sa ilang iba, na walang alaalang nagigising, walang kaalaman sa puso o utak, ang paisip ay hindi napapansin o natatanggap. Sa gayong katayuan, ang espiritu ng tao na siyang

medium ay higit na angkop na magpahatid ng kaisipan para sa ibang mga tao kahit na iyon ay hindi maintindihan kaysa sa isang espiritu na wala sa laman at di pa gaanong unlad. Pagkat ang taong makalupa ay naihahandog ang sarili sa ating kapasyahang ito ay hindi magagawa ng isang espiritu.”

Kaya nga, kung makatagpo tayo ng isang matalinong medium sa kasalukuyan, na may mga natipong kaalaman noong nagdaang mga buhay na magpapagaang sa

pagtanggap ng abot sabi, siya ang ating pipiliin kaysa sa isang medium na kapos ang kakayahan maging sa buhay na ito o sa nagdaang kabuhayan. Madali tayong mauunawaan sa ilang kataga at paliwanag.”

Pansin: Ang analisis na ito sa tuparin ng medium at ang mga paraan sa

nito ay ang isang principio (principle) na ginagamit ng espiritu hindi ang mga idea o kaisipan ng medium kundi ang mga sangkapin sa utak ng medium upang maipahayag ang mga idea. At habang mayaman ang kaangkinan ng utak ng medium, lalung magaan ang pagtanggap ng pahayag kung ang pahayag ng espiritu ay sa lenguaje ng medium dagli niyang

matatagpuan ang mga salita na buo sa paghahayag ng kuru-kuro kung sa ibang lenguaje na di batid ng medium, hindi niya natatagpuan ang mga salita kundi ang mga letra lamang. Napipilitan sa gayon ang espiritu na idikta ng letra por letra ang pahayag. Kung ang medium ay hindi maalam bumasa o sumulat, wala siya kahit ng mga letra. Kaya nga ang kamay ang kailangang gamitin sa pagsulat, at dito ay may mga balakid na dapat pagtagumpayan. Ang ganitong kahayagan ay possible, marami tayong halimbawa, ngunit ang ganitong mga bagay ay di gaanong mahalaga kaysa sa lawak at bilis ng mga pahayag na tinatanggap. Dapat piliin ng espiritu communicante ang ma medium na sunud-sunuran o sa kanilang pananaw, ay yaong mga medium na mayroong mga mahahalagang kaangkinan. Kung ang mga nagnasa ng mga kahayagang ito bilang pagpapatibay ay napag aralan na ang mga pangkaraniwang paraan at katayuan ang mga fenomenang yaon ay nahahayag o nalilikha.

Sa wakas ng ilang halaw na ito na inihahandog naming sa kapakanan ng mga mayroon ng anumang uri ng kaloob ng mediumnidad, sa mga pangulo at umuugit ng mga lunduyan at sa mga magsasaliksik sa simulain ng Espiritismo, umaasa kaming ito ay kapupulutan ng liwanag para sa lahat ng magsasany o mga kasangkapan upang sa gayon ay lalong pakinabangan ang biyaya ng mga kaloob (facultad). Sa ganitong paraan, ang mga lihim ng kaitaasan ay ating matatanggap ng buong liwanag at kasiyahan. At ito ay

maituturing na isang tagumpay sa pag aaral ng katotohanan o ng Espiritismo.

Lunduyan “La Humildad” Ortega St., Tonsuya Malabon, Metro Manila Enero 16, 1982

Dalam dokumen Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium (Halaman 37-42)

Dokumen terkait