• Tidak ada hasil yang ditemukan

Reviewed FILI101 LM1

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Reviewed FILI101 LM1"

Copied!
13
0
0

Teks penuh

(1)

LEARNING MODULE TITLE

Mga Konseptong Pangwika

LEARNING MODULE RATIONALE

Wika ang daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o

talastasang nauukol sa lipunan ng mga tao. Tunay na

napakahalaga ng wika sa karunungang pantao sapagkat ang

pagkakaroon ng wika’y isang katangiang ikinaiiba ng tao sa

iba pang mga nilikha ng Diyos.

Sa modyul na ito ilalahad ang mga mahahalagang

konsepto ng wika: ang kahulugan at katangian nito.

LEARNING OUTCOMES

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang

1. napag-iiba-iba ang wika, dayalek, idyolek at iba pang antas ng wika 2. natutukoy ang dahilan ng pagkakaroon ng iba’t ibang porma ng wika 3. nasusuri ang iba’t ibang rejister ng wika

(2)

TEACHING STRATEGIES/LEARNING ACTIVITIES

1.brainstorming

Pagbibigay ng mga mahahalagang tanong ukol sa wika 2. TRIVIA ukol sa wika

3. STORY TELLING tungkol sa TORE ni BABEL mula sa GENESIS ng OLD Testament ng Bibliya

4. Panood /Pakikinig ng MAKABAYANG AWITIN

RESOURCES/MATERIALS

 Video presentation para sa MTV ng Makabayang Awiting “Pinoy Ako”  Powerpoint presentation

 Paggamit ng musika

(3)

Wika

 Daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o talastasang nauukol sa lipunan ng mga tao.

 Mga pananagisag sa anumang bagay na binibigyang kahulugan, kabuluhan at interpretasyon sa pamamagitan ng mga salita,

binabasa man ng mga mata o naririnig ng tainga, nakasulat man o binibigkas.

 Midyum ng pag-iisip at komunikasyon sa proseso ng buhay panlipunan. (Romeo Dizon)

ANTAS NG WIKA

Wikang Pampanitikan

 Kadalasang gumagamit ng mga tayutay upang maging iba sa karaniwan.

HAL. Nakadaupang-palad = nakasama Buwaya sa katihan = kurakot

Pambansang Wika

 Ang pinakamalawak na gamitin o lingua franca (pangkaraniwang salita) ng mga mamamayan.

Halimbawa : tahanan , kaibigan , kapiling, kriminal, upuan, asawa, anak atbp.

Lalawiganin - Ito ay gamitin ng mga tao sa partukular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto.

(4)

Nakain ka na? (Kumain ka na?)

Kolokyal - Pang araw-araw na salita. Ito ay pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita.

Halimbawa: Nasan, pa`no,sa'kin,kelan Meron ka bang dala?

Pabalbal

 impormal na wika at kadalasang sa kalye lamang naririnig. Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa)

Orange (beinte pesos) Pinoy (Pilipino)

astig – tigasin, siga boga – baril

Barayti at Baryasyon ng Wika Dayalek

 Taguri sa wikang ginagamit ng mga etnolinggwistikong grupo. (Bisaya-Cebu, Tagalog-Bulacan, Ilokano-La Union, Kapampangan-Nueva Ecija, Bikolano-Naga, Pangasinense-Benguet)

(tingnan ang halimbawa sa ilustrasyon)

Idyolek

 Ang katangi-tanging pananalita ng isang tao, kaugnay sa kanyang pinagmulang dayalektong sinasalita. (puntô o pagbuo ng

pangungusap)

(5)

Mike Enriquez – “ Di namin kayo tatantanan!” Mr. Fu – “Me Ganun!”

Sosyolek - Sinasalita ng mga tao sa isang lipunan . Grupo ng iba’t ibang uri o klasipikasyon ng

mga mamamayan . Ito ang wikang nakabatay sa pagkakaiba ng katayuan o istatus ng isang ginagamit ng wika sa lipunang ginagalawan.

*Wika ng mga dukha (halimbawa- yosi, datung, ermat) *Wika ng mga nasa mataas na antas ng lipunan

(halimbawa- konyo, daddy) Pidgin at creole

 Kung maaaring mamatay ang wika, nangyayari din na may

nadedebelop na bagong wika. Karaniwang nangyayari ito kung saan hindi lang isang wika ang sinasalita. Pidgin ang tawag sa proseso ng pagbuo ng paulit-ulit at panggagaya na kahit mali mali, hanggang magkaintindihan ito. Creole naman ang tawag sa wikang

nadedebelop sa isang pidgin at nagiging unang wika ng isang lugar. Halimbawa : Pidgin – Gay Linggo (ecklavush- biro lang)

Creole - Chavacano sa Mindanao. Ito ay salitang halos katumbas ng salitang Espanyol. Walang Feminine o masculine. Halimbawa sa Chavacano ang BULL ay toro sa Spanish ito ay El Toro.

Rehistro ng Wika Ito ay nakabatay sa uri at paksa ng talakayan, sa mga tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa okasyon at iba pang salik.

Halimbawa: Kung ang kausap ay lola o sino mang nakatatanda: “Opo” Lola. Kwentuhan “po” tayo

dito.

(6)

kwentuhan tayo!”

Halimbawa : KOMPOSISYON

Sa larangan ng musika - piyesa o awit sa lenggwahe - sulatin

sa agham - pinagsama-samang elemento

Static Register – Bibihirang istilo ng wika dahil piling sitwasyon

lamang ang ginagamitan. (Panunumpa sa Husgado, Mga

Pagsasabatas, Pananalita ng mga Magsisipagtapos, atbp.)Formal Register – Ang wikang ginagamit sa ganitong sitwasyon ay

isahang-daan na daluyan lamang (one-way). Kadalasang impersonal.

(Pagtatalumpati, Homilya, Deklarasyon atbp.)

Consultative Register – Wikang may pamantayan. Ang mga gumagamit ng wikang nasa ganitong sitwasyon ay

katanggap-tanggap para sa magkabilang panig ng struktura ng komunikasyon.

(sa pag-uusap sa pagitan ng doktor at pasyente, guro at mag-aaral, abogado at kliyente, atbp.)

Casual Register – Impormal na wika na kadalasang ginagamit sa malalapit na kakilala o kaibigan. Ang pagbibiro at paglolokohan o paggamit ng mga koda / pananagisag ay normal. Ito ay wika ng isang pangkat, kinakailangang kabilang ka sa grupo upang makakonekta sa usapan.

Intimate Register – Pangpribadong pakikipag-usap. Ito ay limitado lamang sa mga matatalik na kasama sa bahay o espesyal na tao sa

(7)

mag-ina o mag-ama, atbp.) TRIVIA

> Ayon kay Rankin, pitumpung porsyento (70%) ng gising na oras ng tao ay inuukol niya sa pakikipagtalastasan. Samakatuwid, wika ang ginagamit ng tao sa maghapon niyang pakikipag-interaksyon sa kanyang kapwa.

> Saan nga ba nagsimula ang wika? Ayon sa Genesis 11:1-9, noon ay iisa lamang ang wikang ginagamit ng tao. Subalit noong nagtayo ng lungsod ang mga tao na halos abot sa langit ay lubos na nabahala ang Diyos dahil gusto nilang langpasan ang Diyos. Pinag-iba-iba ng Diyos ang kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan at upang hindi matuloy ang kanilang balak. Ang pahayag na ito ay pinaniniwalaan ng mga relihiyoso subalit ayon sa mga pilosopo at dalubwika, ang wika ay dinevelop lamang ng tao para makabuo ng iba’t-ibang kaalaman.

> Sinabi ni Gleason sa kanyang komprehensivong depinisyon, ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrary upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

> Samakatuwid, hindi pwedeng paghiwalayin ang wika at kultura dahil habang tinutuklas ng tao ang kanyang wika ay tinutuklas din niya kung saang kultura siya nabibilang.

> Kabilang naman sa mga Slang words ang haleer, yuck, praning, japorms, windang at iba pa. hindi ito lubos na maintindihan ng mga may edad na kapag ito ay binibigkas ng mga kabataan.

> Ang mga bakla ay bumuo rin ng naman ng kanilang sariling salita na tinatawag na Gaylingo o Sward speak. Ito ay nilikha nila para sa kanilang grupo.

(8)

Bawat propesyon o okupasyon ay may sariling wika rin na hindi basta mauunawaan ng hindi ganoon ang trabaho. Ito ay tinatawag na

Jargon.

(9)

ILLUSTRATIONS/EXAMPLES/FORMULAS

ANTAS NG WIKA

(10)

DAYALEK

ANG PAGKAKAIBA NG WIKA AT DAYALEKTO AY KADALASANG HINDI NALILINAW; NGUNIT ISIPIN NA LAMANG… ANG MGA TAONG GUMAGAMIT NG IBA IBANG DAYALEKTO AY NAGKAKAUNAWAAN SAMANTALANG ‘DI

TAGALOG ILOKANO SEBUANO BIKOLANO

Aalis Kanin Alikabok Paa Ibon Halik Kaibigan Pumanaw Inapoy Tapok Saka Bilit Ungngo gayyem Molakaw Kan-on Abug Tiil Langgam Halok higala Mahali Maluto Alpog Bitis Gamgam Hadok Amiga

(11)

REFERENCES

Dinglasan, Resurreccion D. (2007) Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Rex Bookstore, Inc., mp.,6-15.

Arrogante, Jose A.,et.al. (2009) Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino.

National Bookstore, Inc. mp.,8-19.

INTERNET :

http://akosibebelz.weebly.com/mga-gamit-ng-wika.html

(12)

Prelim LO # 1

Prelim M.P # 1

Tukuyin ang kahingian sa bawat konsepto ng wika.

1. Ito ay rejister ng wika na maaaring gamitin sa paglalambing sa kasintahan o asawa.

a. Statik rejister b. Kaswal rejister

c. Intimeyt rejister

d. Formal rejister

2. Ang indibidwal na pamamaraan ng paggamit ng wika kaugnay sa dayalektong kanyang sinasalita.

a. Rehiyunal na wika

b. Idyolek

c. Personalinggo d. Wikang Pambansa

3. Ang antas ng wika na karaniwang naririnig sa labas ng bahay, tabing kalye, o sa mga tambay.

a. Kolokyal

b. Teknikal c. Dayalek d. Domeyn

4. Uri ng wika na natutuhan ng bata mula pagkabata, naririnig sa loob ng tahanan, o kaya naman ay kinamulatan sa mga magulang.

a. Artipisyal b. Kolaj c. Repertwa

d. Likas

5. Rejister ng wika na bibihirang magamit dahil hindi karaniwang sitwasyon ang ginagamitan ng ganitong wika.

a. Statik

b. Formal c. Kaswal d. Konsultativ

(13)

bawat bansa. a. Idyolek

b. Dayalekto

c. Rejister d. Lalawiganin

7. Uri ng wika na natutunan sa pangangailangan dahil sa likha ng iba’t ibang larangan gaya ng sa matematika at siyensya.

a. saywika b. matelinggwal

c. artipisyal

d. likas

8. Rejister ng wika na may sinusunod at katanggap-tanggap na pamantayan na isinasaalang alang ng magkabilang panig. a. Kaswal rejister

b. Intimeyt rejister c. Formal rejister

d. Konsultativ

9. Ang mga Bulakeño, Caviteño, Davaoueño, at Pampangeño ay ginagamit ang kani-kanilang wikang ____________.

a. Lalawiganin

b. Pambansa c. Pabalbal d. Teknikal

10. Ang pagtatalumpati, pag-aanunsyo, at pagsesermon ay

isahang-daluyan ng wika na maituturing na _____________. a. Kaswal rejister

b. Intimeyt rejister

c. Formal rejister

Referensi

Dokumen terkait

Ang kanyang ama ay larawan rig isang taong kuntento dahil siya ay nakakaraos nang mag-isa sa buhay kahit hindi humingi ng tulong sa anak.. Ngunit ito ay

Dahil para sa akin, sa liham na ito ni Rizal ay sinasabi niya lamang na hindi niya muna gustong humiwalay sa Espanya ngunit dahil hindi naging makatuwiran ang Espanya sa

Hindi na natuloy ni Padre Damaso ang kanyang sasabihin dahil sinunggaban siya ni Ibarra na hawak-hawak ang isang patalim.. IBARRA: Hahayaan ko kayong insultuhin ako ngunit 'wag na

 Kapag ang isang tao ay magpasiya kung siya ay rerespeto sa iyo bilang isang lider, hindi siya nag-iisip tungkol sa iyong mga katangian, sa halip, tinitingnan niya kung ano ang

pangako ngunit naisip ni Ikeng na tila napasubo na naman siya sa hindi niya gusto dahil may.. mga dalaga pa siyang sinusuyo tulad nina Isiang, Beheng at Gunday. Nagkausap-usap ang

Dati ay umasa daw si Victor na babalik siya sa kanya dahil sa kanilang anak, ngunit hindi alam ni Victor na ayaw niyang mamulatan ang kanyang anak sa ugali nila

Simula pa lang, alam kong hindi kami pwede ni Yuan dahil sa tradisyon ng pamilya niya pero umasa parin ako na kahit paano, papayag ang kanyang pamilya sa relasy on naming

Ang aking Ang aking lolo, dahil sa hindi lolo, dahil sa hindi matagalan ang matagalan ang hirap at wala siyang katapangang gaya ng kanyang asawa, nang hirap at wala